Highschool Confession

By jungxzy

45K 2.1K 345

Liskook Fanfiction Story More

Prologue
HC1:First day of school
HC2:RED TEAM.
HC3:CRUSH
HC4:Coincidence
HC5:Chismosa
HC6:Clover
HC7:HHWR
HC8:Plan
HC10:Takbo!
HC11:Clinic
HC12:The Day
HC13:The Day 2
HC14:Ms.Pakwan
HC15:Chocolates and Flowers
HC16:No effect
HC17:2 years later..
HC18:Chat
HC19:Confession Pt.2
HC20:Missing
HC21:Bestfriend
HC22:Move-on
HC23:Hangin
HC24:Still InLove
HC25:Hope
HC26:Stare
HC27:Andrea
HC28:Official
HC29:Iwas
HC30:Birthday
HC31:Kylie's Point of View
HC32:Someone's Jealous
HC33: Lei's Feelings
HC34:Aristotle
HC35:Letter
HC36:Meet Up
HC37:Confrontation
HC38:Admirer
HC39:Hate
HC40:Kylie's Birthday
HC41:Courting
HC2NDHalf-Teaser
HC2/43:Sana
HC2/44:Official
Epilouge
Thank You!+ NEW STORY

HC9:Foundation Day!

1K 43 6
By jungxzy

Umaga palang andito na ako sa school.To be specific nandito ako sa bahay ni ninang.Siya yung nagpatayo nitong school tapos nakatira siya sa dulong floor ng  building B.Masyado akong nae-excite kaya nauna na ako pumunta kahit hindi pa start ng parada.Hindi din naman ako sasabay sa parada dahil mainit ang panahon ngayon.

"Mhie! nood ako t.v. ha!" Sabi ko tapos talon sa sofa ng bahay ni mama.Mhie tawag ko sa kanya tapos sa tunay na nanay ko,mama.

Maliit lang itong bahay ni tita pero mukhang maluwag.Para nga itong condo sa laki at ganda ng interior designs.Halatang mayaman ang nakatira.

Nanood nalang ako ng cartoon network habang si tita gagawa ng speech niya para sa program mamaya.Foundation na kasi mamaya tapos dinala ko na lahat ng gamit na dadalhin ko para sasabay nalang ako kay tita mauuna kasi sila.

Habang nanonood ako nakaramdam ako ng gutom kaya sinuot ko muna yung jacket ko na may hood tapos bumaba na. Nakapajamas ako kasi ayoko ng masyadong expose yung katawan kahit yung nakashorts na hanggang sa taas ng tuhod tapos kapag magsasando ayoko din.Feeling ko kasi nakahubad ako eh.

Bumili na ako sa labas ng school.Bukas naman yung canteen sa school kaso ayoko kumain duon.Magja-jollibee ako.Sayang naman yung pera na ibinigay ni Mama sa pagkain ko nalang gagastusin.

Hindi kase makakasama sila Mama at Papa.Si Papa may trabaho,si Mama naman busy sa restaurant namin.May maliit kase kaming restaurant. Pinagawa yun ni Mama since nakapagtapos siya ng Culinary.

Tumawid na ako sa kalsada tapos lumakad na hanggang sa madaanan ko yung parish kung saan ako bininyagan tsaka dito ako lagi nagsisimba kasama sila mama tsaka ni papa.

Nang makita ko si Father kinawayan ko siya tapos binati."Good morning Father!"sabi ko.

"Good morning din kylie!Galingan mo ha!" Sabi ni Father.

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko habang nagbe-bless kay Father.Hindi ko siya nakita nung pumunta kami dito nung isang araw.

"Di ba sasayaw ka?Galingan mo ha!" Sabi ni Father na ikinagulat ko.

"Sige po!Thank you!" Sabi ko tapos nagsign ng 'bye' tapos naglakad ulit hanggang sa makapunta na ako sa jollibee.

"Anong order nyo po maam?" Tanong nung babae.

"Isang large fries  tapos isang coke float." Sabi ko tapos binayaran ko na din agad. Kakaunti lang naman tao dito. Puro single lang yung nasa paligid.Wala kasing Poreber.-_-

"Dine in po o Take out?"

"Take out."

"Eto na po maam!Thank you for coming,come again!" Sabi nya tapos lumabas na ako tapos naglakad ulit.

~~~~
Pagdating ko sa school nandun na yung ibang teachers na kasama ni ninang sa pagaayos sa GreenSide Auditorium.

Pag-akyat ko nagaayos na si ninang kaya nag-ayos na din ako tapos dinala yung skate board ko.Malaki space sa likod nung auditorium kaya magandang pang-skateboarding.

"Mhie una na ako sa kotse" sabi ko kay ninang nung ready na ako.

"Sige kunin mo nalang yung susi ng kotse sa table." Sabi ni Ninang habang inaayos yung gamit na dadalhin niya.

"Sige po." sabi ko tapos kinuha na yung susi tapos bumaba na papuntang kotse.

Pagkababa ko dumiretso na ako sa kotse tapos binuksan yung engine tapos sinalpak yung cp ko sa speaker nung kotse.Marunong akong magdrive pero bawal pa akong  magdrive mag-isa. Tinuruan ako ni Papa nung summer.

Pagkakabit ko ng cp ko dun sa speaker ng kotse pumili na ako ng songs tapos pinili yung closer by the chainsmokers.

"So baby pull me closer in the backseat of your rover that i know you can't afford ten ten ten ten ten ten tenten" Sabay ko sa kanta.May 'tenten' sa dulo kase di ko alam yung lyrics.

"Oh Kylie?Saya ng soundtrip ha?" Sabi ni ninang na nandyan na pala.

"Hahahah" Nasabi ko nalang.

Habang nasa byahe soundtrip lang kami ni ninang.34 palang si tita nakapagpatayo na siya ng school.Bagets-Bagets ang itsura niya na akala mo 18 yrs.old palang siya at take note 'single and ready to mingle' si ninang.

Naalala ko nga nung picture ko nung binyag ko,nung first time kong makita yung picture ni ninang na buhat-buhat ako, akala ko 15 palang si Ninang yun pala 21 na siya.

"Andito na tayo!" Sabi ni  ninang tapos pinark na yung kotse.

Bumaba na kami tapos pumunta na dun sa mismong loob ng Auditorium.Isa itong public place na ginawa ng barangay kung saan kadalasan ginaganap yung mga events like graduation, recognition o kaya naman Prom.

Pagkapasok namin duon sa venue nadatnan namin yung ibang teachers na nasa stage kinakabit yung tarpaulin ng mga team.Onti lang yung nandito kase karamihan nasa school. Hinahanda yung parada na gagawin.

Dumiretso na kami sa backstage tapos dumiretso sa isang dressing room.Dito daw muna kami habang hindi pa nag-iistart.
Habang nilalapag ko yung bag ko tinignan ko muna yung oras.12:03,siguro madami-dami na yung nasa school ngayon tapos inaayos na yung parada.

1:00-3:00 kase yung foundation day hindi pa kasali duon yung mga ibang competitions like singing And dancing na yung saamin na gagawin sa Audio Visual Room (AVR) sa school.1:00 mag-iistart yung parada at ang estimated time na makakapunta sila dito is 20 minutes lang siguro.

Kinuha ko na yung skateboard ko tapos pumunta na sa likod.Puro puno naman yung nasa paligid kaya hindi masyadong masakit yung init ng araw.

Nagstart na akong mag-skateboard tapos after ilang minutes.Napagod na ako kaya bumalik na ako sa loob. Pagkabalik ko,patapos na sila.Inaayos nalang yung upuan.

Pumunta na ako sa dressing room kung nasaan yung gamit ko tapos Kinuha ko na yung DSLR ko sa bag tapos nag-start na kumuha ng picture sa labas.Una kong kinuhaan yung mga teachers habang nag-aayos. Lumabas din ako sa likod para maghanap ng magandang scenery na pwedeng kuhaan.

Nang makakuha na ako ng madaming shots,pumunta na ako sa loob tapos kinuha yung bag ko tapos lumabas ulit.Hihintayin ko na kase yung parada.Ayokong malaman nila na inaanak ako ng principal.Ayoko pang maging famous,pagkakaguluhan ako.Wewss!Pagbigyan!Ngayon lang yan!

Pagtingin ko sa oras sa cp ko 1:13 na.Siguro maya-maya maririnig ko na yung tunog ng parada. Pumwesto na ako sa pinakafront-gate ng Auditorium.Kailangan pang-lagpasan yung parking lot kaya medyo mahaba-haba yung tinakbo ko.

Eksaktong pagkapunta ko sa gate,Naririnig ko na yung parada kaya tumakbo na ako duon.Naka-P.E pants kasi kami kaya pwede akong tumakbo tapos yung color ng team yung t-shirt.Personalize yun tapos kailangang bumuli sa office.

Pumunta na ako sa pila kung nasaan yung team ko.Mahaba-haba din yung tinakbo ko kasi Second to the last siya kaya nakakapagod.

"Uy kylie!Haggard ka ha!" Sabi ni Sarah ng makita ako.

"Ah-ah-eh.Nandun lang ako sa may tindahan bumili lang ako saglit tsaka pumwesto ako sa likod kaya di niyo ko nakita." Palusot ko.

Pagkapasok ng Auditorium ay naka-pila pa din ang buong team tsaka sunod-sunod na pumunta sa assigned seats.Ilang segundo din kaming nag-hintay na mag-istart ang program.Parang may inaayos pa ata sa backstage.

Pumunta muna ako sa backstage para tignan kung anong nangyari.Sensya na,tsismosa lang.-_-

"Mhie!Anyare?" Tanong ko kay Ninang.

"Uhmm.Pinapalitan lang yung speaker hindi pala daw nagana." Paliwanag ni Ninang.

"Uhh tita pwede ko bang lagay muna sa dressing room yung iba kong gamit?" Tanong ko kay Ninang.Nabibigatan kase ako sa bag ko.

"Pwede!Sige kylie may aasikasuhin muna ako sa labas" Paalam ni Ninang.Pumunta na ako sa dressing room tapos nilapag yung bag ko.

"Haaaayyyy!!" Sabi ko nalang sabay punas ng pawis ko.

Kahit kasi may aircon yung buong Auditorium,Hindi pa din kayang palamigin ang buong venue kase—you know—noise pollution.

Nag-stay lang ako sa dressing room ng ilang minuto.May electric fan naman kasi kaya tumutok dun ng ilang saglit hanggang sa ginawin ako.

Kapag mainit kasi.Tumatapat ako sa electric fan hanggang sa ginawin ako tapos kapag lumabas ako,Hindi ko na feel yung init kasi diba—Giniginaw pa ako.

Tinaggal ko na yung camera ko tapos yung skateboard ko.Ayun kasi yung nagpapa-bigat nung bag ko.

After ko gawin yun bumalik na ako sa labas sa pwesto ng red team ng marinig ko sa labas na magii-start na daw.

"Oy Kylie!Saan ka na naman galing?" Tanong ni Sarah.

"Nay?.Ikaw ba yan?"Pabirong sabi ko sa kanya.Akala ko kase nanay ko eh!

"Baliw!" Nasabi niya nalang.

Nagsi-tayuan ulit kami kasi sabi ng emcee dahil mag-iistart na yung program.Sumunod yung mga representative ng bawat teams.Yung amin.Yung sa amin si Ate Lei siya din yung magrerepresent ng muse namin na ipapalaban ng rampahan.

Siya ang representative namin kasi nanalo siya ng gold medal nung last month competition na by Region.

Unang tumakbo yung yellow...
Sa pagkakaalam ko.Siya si Jacob.Yung crush ni Sarah. Sunod-sunod na yung mga tumakbo at ang sunod ay ang speech na nang Principal slash ni Ninang.Nagsalita siya about sa school.Yung mga nadiscover niya sa students at iba pa.

Umabot din ng halos 20 minutes yung speech ni ninang kaya etong kaming lahat.Naka-nganga.Nakakaboring kasi eh.Tsaka for us pang-matanda lang yung usapan na yun.Basta!Yun yun!

After ng speech ni ninang.Speech na din nung dalawang judges kaya kami ay Nganga ulit.Habang eto ako ngayon na naka-nganga.Biglang nasagi sa isip ko si Pranxiz.Lumingon ako sa dulo ng right side ko.Nasa pinaka dulo sila sa bandang right side ko kasi sila yung nasa pinakaunang pila sa parada.

Nakita ko siya na naka-upo kasama ang mga kaibigan niya.Nagkakatuwaan sila nang makita ako niya ako at kinawayan ako.Kinawayan ko naman siya pabalik.

Nagtatawanan sila at dahilan para makita ko yung ilong niya na malaki.Joke!Kasalanan ko ba na malaki yun.-_-.

Hindi ko maiwasang matulala. Ang gwapo niya talaga.Matapos ang halos kalahating oras na pagtitig sa kanya.

Maya-maya pinatawag siya este sila.Mukhang sila yung unang magpe-perform sa stage.Pinapila muna sila para hindi magkagulo, Oo magkagulo.Pwede kasi silang magtakbuhan o kaya magunahan kaya pinapila muna sila nung mga team leaders nila.

Yung ibang mga nanay/daddy sa harap hinahanda na yung mga camera nila.Tsk.Sayang hindi ko pwedeng ilabas DslR ko.Pag-aagawan ng barkada-_-.Ignorante pa naman yung mga yun.

Lumipat muna ako ng upuan duon banda sa mga nanay. Pumwesto ako duon sa harap para mas mapanuod ko nang malapitan.

"Paupo po." Sabi ko kay ate.

Umupo na ako kase tumango naman siya tapos nanuod na ako. Una muna daw na sasayaw ang cheerdance.As expected may hinhagis at binubuhat.As usual ganun pa din.Magaling pa din siyang sumayaw.

Napanood ko lang kahapon yung isa nilang performance.Pero hindi pa yung cheerdance.
After nung cheerdance nila,Field demo na kaya umalis na ako.Napanood ko na kasi yun eh.

Pagkabalik ko,kanya-kanya silang kantyawan.Pinagkaka-isahan na naman nila ako.-_-.

"Ayiiiee!!Si Kylie dalaga na!" Sabi ni Sarah.Isa sa mga tumukso sa akin pagkabalik ko.

"Naku!Naku!Naku! Bawal yan Kylie!" Sabi naman ni Elle.

"Kylie ha!Tumakas ka pa talaga para mapanood siya!" Sabi naman ni Ma'am,yung team leader namin na isa din sa nakakaalam ng tungkol kay Xiz.Wala eh,ganun talaga si Sarah.

"Hala maam hindi nuh!" Tanggi ko tapos bumalik duon sa dating pwesto ko.

Nagdaan na ang ilang performances at kami na ang susunod na magpe-perform. Nagsimula na akong kabahan.

"Hala kylie!Kinakabahan ako!" Sabi ni Sarah na obvious na kinakabahan kasi kanina pa nya niyayakap sarili niya.

"Oo eh!Hindi nga obvious eh!"Sarkastikong sabi ko.

Nagpraktis muna kami kasi sayang yung konting time.After a couple of seconds tapos na yung kabilang team kaya etong katabi ko obvious na obvious na ang kaba.Nagsalita na ang emcee kaya after nuon ay umakyat na kami ng stage.

Pumwesto na kami sa taas.Isa din toh sa dahilan kung bakit ako kinakabahan.Bukod kasi sa tutok na tutok sa amin yung ilaw,kakaunti lang kami kaya kitang-kita ng manonood kung magkakamali kami.

Nagcheerdance muna habang kami naman ay nandito pa din sa taas.Mauuna daw pumasok kaming mga nasa taas kahit cheerdance muna.

"Model na tayo dito!"Bulong ko sa kanila.Paano ba naman eh naka luhod yung isa naming tuhod tapos yung isa naman eh yung parang pwesto ng binti kapag naka-upo?Basta yun na yun.Ang hirap i-explain eh!

"Hahahahaha!!"Tawa nila.

Nag-start na yung highschool sa cheerdance nila.Simpleng sayaw lang pero nagiging maganda dahil sa malinis na formations nila.

After nuon pumwesto na yung mga lower level kaya tumayo na kami para magstart na sa field demo.Yung mga nasa baba sumasayaw seryoso.Habang kaming mga nasa taas ay pasenti-senti lang o kaya pachill-chill lang.Pampabawas lang namin ng kaba.Kapag mas lalo ka kasing kinakabahan,mas malaki ang chamce na magkamali ka.

Yung sayaw kasi ng field demo is parang nagzu-zumba lang.Kaya ang outfit ng bawat team ay pangzumba din.Kami ang outfit namin is yung team t-shirt tapos shorts na white tapos naka rubber shoes na may mahabang hanggang tuhod na pulang medyas.

Mabuti nalang ay mahaba yung medyas.Nakakairita mag-shorts.Ewan ko ba.Hindi talaga ako sanay.

Sumasayaw pa din kami hanggang sa matapos yung 'pasenti-senti'mode namin kanina.

Habang sumasayaw nakikita ko si Kuya Xiz sa mga Audience na nakatingin sa akin kaya biglang bumalik yung hiya ko kaya napatigil ako sa pagsayaw.

"Huy kylie!Bakit ka tumitigil!" Saway sa akin ni precious. Habang sumasayaw pa din.

"Ay!" Balik ko sa sarili ko.Nakalimutan kong sumasayaw pala kami,pahiya ako dun ah!

Natapos na yung sayaw namin at ako gumawa ng palusot na pupunta muna ng C.R kahit sa dressing room ako pupunta.Tatambay muna ako duon,hindi ko kayang harapin yung hiya ko.

"Haayyss!" Napasabi ko nalang habang nandito na sa dressing room kung saan ko nilagay yung ibang mga gamit ko.

"Nakakahiya." Sabi ko sa sarili ko at napabuntong-hininga nalang.

"Tsk!Paano ako makakalabas ngayon!Siguradong mapapahiya ako duon!Aasarin pa ko ng mga yun." Sabunot ko sa sarili ko.Siguro kung may ibang taong nakakakita saakin ngayon baka isipin nun baliw na ako.

Ayoko na tuloy lumabas.

End of Chapter 9
Edited√

Continue Reading

You'll Also Like

11.6K 664 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
26.1K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
95.2K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...