My Professor, My Love 2

By SpecterOfYou

306K 7.3K 822

You don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, becau... More

PROLOGUE
MY PROFESSOR, MY LOVE 2
MPML Book 2 (1)
MPML Book 2 (2)
MPML Book 2 (3)
MPML BOOK 2 (4)
MPML Book 2 (5)
MPML Book 2 (6)
MPML Book 2 (7)
MPML Book 2 (8)
MPML Book 2 (9)
MPML Book 2 (10)
MPML Book 2 (11)
MPML Book 2 (12)
MPML Book 2 (13)
MPML Book 2 (14)
MPML Book 2 (15)
MPML Book 2 (16)
MPML Book 2 (17)
MPML Book 2 (18)
MPML Book 2 (19)
MPML Book 2 (20)
MPML Book 2 (21)
MPML Book 2 (22)
MPML Book 2 (23)
MPML Book 2 (24)
MPML Book 2 (25)
MPML Book 2 (26)
MPML Book 2 (27)
MPML Book 2 (28)
MPML Book 2 (29)
MPML Book 2 (30)
MPML Book 2 (31)
MPML Book 2 (32)
MPML Book 2 (33)
MPML Book 2 (34)
MPML Book 2 (35)
MPML Book 2 (36)
MPML Book 2 (37)
MPML Book 2 (38)
MPML Book 2 (39)
MPML Book 2 (40)
MPML Book 2 (41)
MPML Book 3 (42)
MPML Book 2 (43)
MPML Book 2 (44)
MPML Book 2 (45)
MPML Book 2 (46)
MPML Book 2 (47)
MPML Book 2 (48)
MPML Book 2 (49)
MPML Book 2 (50)
MPML Book 2 (51)
MPML Book 2 (52)
MPML Book 2 (53)
MPML Book 2 (54)
MPML Book 2 (55)
MPML Book 2 (56)
MPML Book 2 (58)
MPML Book 2 (59)
MPML Book 2 (60)
MPML Book 2 (61)
MPML Book 2 (62)
MPML Book 2 (63)
MPML Book 2 (64)
MPML Book 2 (65)
MPML Book 2 (66)
MPML Book 2 (67)
MPML Book 2 (68)
MPML Book 2 (69)
MPML Book 2 (70)
MPML Book 2 (71)
MPML Book 2 (72)
MPML Book 2 (73)
MPML Book 2 (74)
MPML Book (75)
MPML Book 2 (76)
MPML Book 2 (77)
MPML Book 2 (78)
MPML Book (79)
MPML Book 2: Epilogue

MPML Book 2 (57)

5K 115 38
By SpecterOfYou


"Bakit mo 'ko tinakbuhan nung hinalikan kita?"

He asked as he closed the door behind him. Lahat na ata ng laway ko nalunok ko na kaka-atras palayo sakanya. Ayan na naman sya, nasa harapan ko na naman sya. Gaano ba kataas 'tong rooftop ng makatalon ako paalis dito.

"Kamusta?" Bati ko habang ngumingiti sakanya. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ko sya tinakbuhan. All I think about was that my half brother kissed me. It was wrong but why on earth it felt so good? Crazy right? So yeah, tumakbo nalang ako at iniwan sya dun.

"Kamusta? Yan lang ba sasabihin mo dalawang linggo ka nawala, Andrea." Binaba niya yung bag niya at nagsimulang maglakad papunta sakin. Kinakabahan ako pero bakit? Si Marcus lang naman yan why am I so nervous?

"Yeah, I was suspended so. Alam mo may klase pa kasi ako so maybe later? Bye." Binilisan ko makalapit sa pinto pero hinawakan nya yung braso ko nang daanan ko sya.

"No more running." Aniya pero nakatalikod parin ako sakanya. "Inantay kita ng lagpas dalawang linggo, tingin mo hahayaan kitang takbuhan ulit ako?" Binitawan nya yung braso ko at umupo sya sa lilim kung san may bubong. Nakayuko sya habang nakapatong sa mga tuhod nya yung dalawang kamay nya. Hindi sya nagsasalita, not until he pointed the space beside him.

"Mainit dyan, gusto mo talaga dyan tayo mag-usap?" Tatlong hakbang lang ang layo ko sa pinto, anytime pwede ko syang takbuhan ulit pero imbes na tumakbo, I found myself walking towards him and sit beside him.

Nilagay ko sa harapan ko yung bag ko at nilaro yung keychain na nakasabit sa zipper. Ang tahimik hindi pa ba sya magsasalita?

"Marcu---"

"Gusto mo ba 'ko o hindi?" Halos sabay lang kaming nagsalita at lumingon sa isa't isa. His eyes meets mine, parang tumigil yung oras. "Hindi ko alam." Sagot ko habang yumuyuko palayo sa tingin nya. Tinitingnan nya ko habang nilalaro ng kamay ko yung keychain sa bag ko. Hindi ko magawang makipagtitigan sakanya. Naiilang ako na ewan or I'm just intimidated by him.

"Hindi ako naniniwala. Tingin ko gusto mo rin ako ayaw mo lang aminin sa sarili mo." Tinigil ko yung paglalaro sa keychain ko at tumingin sakanya pero sya naman yung umiwas habang sinasandal sa pader yung ulo nya. "Really?" Tanong ko habang nakangising tinitingnan yung mukha nya. Ang cool nya tingnan, masarap syang titigan pero nakakatakot kasi parang bawat titig mo sakanya alam nya yung tumatakbo sa isip mo.

"Really." Aniya habang nakatingala sya sa langit.

"Kung yun naman pala pinaniniwalaan mo bakit nageemote pa tayo dito?" Tumawa ako kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Pampakalma ba kahit ilang segundo lang pero tumikop din yung pagtawa ko ng tingnan nya ako ng seryoso.

"Dahil magmumukha na kong tanga kung paniniwalain ko parin yung sarili ko na may gusto karin sakin kahit wala naman talaga. 2 weeks kitang tinatawagan sainyo pero palaging yung Aunt Yuri mo yung pinapasagot mo. Pinupuntahan din kita sainyo pero yung Auntie mo lang din yung pinapaharap mo. 2 weeks Andrea. 2 fucking weeks without knowing kung ano bang naging problema sa halik ko para takbuhan mo ko ng ganon. Tapos pagbalik mo dito ang ibubungad mo lang sakin kamusta?"

Speechless. Yun na ata ang pinakamahabang speech na narinig ko mula sakanya. Gusto kong mangatwiran pero mukhang wala sa lugar kung magbibiro ako ngayong ganito kaseryoso ang mukha ng kaharap ko. Ano bang sasabihin ko? Gusto ko sya pero hindi pwede? Gagamitin ko rin ba yung makasaysayang it's not you, it's me?

"I..."

"You what?"

"I..." Kita sa mukha nya yung pagkainit ng ulo sa kaka-I... ko. Actually 'I' lang talaga nasa isip ko hindi ko na alam susunod.

"I like you pero hindi ko alam kung pano ko papatunayan sa sarili ko na gusto talaga kit---" Lumingon ako sakanya, nakahanda na yung sasabihin ko pero paglingon ko labi nya yung sumalubong sakin.

He kissed me.

Again.

Oh god, not again.

Gusto kong kumalas sa halik nya pero wala kong lakas para itulak siya. Ayaw sumunod ng katawan ko sa inuutos ng utak ko, mali ito. Maling mali pero merong nagsasabi sa part ko na gusto ko, gusto ko rin. Sinubukan kong lumayo pero hinawakan na nya yung pisngi ko. He started to open his mouth and he gently kissed my lower lip. Kalmado yung puso ko pero nagwawala sa galit yung utak ko. To the point na kahit alam kong mali, tumugod ako sa halik nya.

I kissed him, I kissed him back.

"There's your proof. You like me, Andrea." Bulong nya habang hawak nya rin yung pisngi ko. Nakikipagtitigan lang ako sakanya habang nililibot ng mata ko yung mukha nya.

"This is wrong, I'm sorry." Nagmadali akong tumayo dala dala ang bag ko. Tinawag nya yung pangalan ko pero patay malisya akong tumakbo palapit sa pinto nang may naunang magbukas sakin nun. Oh come on, again?! Kailan ko ba mahahawakan yang pinto ng walang taong uunahan akong buksan yan?

"Bitch, there you are." She said as she open the door to her friends. Lahat sila nakatingin sakin habang nakangiti. Pinalibutan nila ako, apat sila lahat including their messed up queen Tanya. Magulo parin yung buhok nya at kalat kalat parin ang make-up nya.

Really? Hindi muna sya nagayos bago sya nagtawag ng resbak at sugurin ako dito? Mukha syang ginahasa sa itsura nya. Which  makes me proud dahil ako ang gumawa nun sakanya.

"What's this?" Napatingin sila lahat sa kinatatayuan ni Marcus. Nakalimutan ko tatakbuhan ko ngapala sya. Sinubukan kong daanan si Tanya pero sinarado nya yung pinto.

Seriously, kanina pa ko kinukulong ng mga taong 'to dito.

"Oh, look what we have here. I thought you're alone." Nakangiting sabi ni Tanya habang lumalapit kay Marcus.

"So, Babe you didn't tell me dito muna pala inentertain ang mga 'pokpok' dito sa school. Tell me, what kind of lap dance she did on you? Was she good? Did she made you cum better than I do?" Inaayos pa nya ang buhok ni Marcus habang nakatingin sakin.

Nagsimula akong makaramdam ng galit hindi dahil nilalandi nya ng harapan si Marcus sakin, kundi dahil sa sinabi nyang pokpok na wala namang ibang tinutukoy kundi ako.

Lalabas na sana ako nang hawakan ni Marcus yung kamay ni Tanya at itinulak kung kaya't napaupo ito sa sahig. "What the hell, Marcus!" Sigaw nya kaya nagtakbuhan naman ang mga kaibigan nya sakanya para tulungan syang tumayo.

"Tigilan nyo si Andrea."

"Wow. So, ano tagapagtanggol kana nya ngayon? Oh come on, Marcus you are better than that." Tinutulungan syang tumayo ng kaibigan nya pero tinulak nya lang ang mga ito. Tumayo sya magisa habang sinasamaan ako ng tingin. This girl doesn't know when to give up.

"Leave Andrea alone, Tanya."

"And if I don't? May gagawin kaba ba ikatatakot ko? Ano ba Marcus kalat na kalat na sa school na anak sya ng pinakamalanding prof dito. Her mom's a prostitute, Daddy mo pa nga pinuntirya diba? Lumayo layo ka nga sa babaeng ya---"

"He's not my real Dad and Ms. Briones is not a prostitute. Say that word again infront of me, and I will end you. All of you."

Kung tropa tropa siguro ako ni Marcus, kanina ko pa sinigaw yung salitang savage! Pero hindi, oo natuwa ako kasi pinagtanggol nya si Mommy sa mga babaeng yun but what he said first caught me off guard.

"Let's go." Kinuha ni Marcus yung bag ko sa sahig at pinagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming umalis ng rooftop at dirediretsong naglakad pababa ng hagdan. Hawak nya ang braso ko habang nagmamadaling bumaba ng pigilan ko siya.

"Marcus, wait."

"Don't worry about them, ako ng bahala sakanila." Hinawakan nya ulit yung braso ko pero nagpumiglas ako.

"I said wait!" Napasigaw ako nang bumitaw ako sakanya. "He's not your real father? H-how did that happened? Was that even true or you were just making stuff up?" Seryoso naguguluhan na ako. Salvatore sya how come na hindi nya tunay na ama si Dad?

Magkapatid ba talaga kami?

He took a deep breath before he came to me. Hinawakan niya ng dalawang kamay nya yung mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko.

"He's not my Dad. My mom set her up out of desperation. My mom was the reason why your Mom and Dad broke up years ago. They were engaged but my mom came up with this stupid idea." Nagbibiro ba sya? Ginu-good time nya ba ako?

"And all this time you knew about this?" Bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa mukha ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ko o matutuwa sa sinabi nya.

"No. Hindi ko rin alam, we just found out last night. Dad left home and he is filing a divorce to my Mom right now. Trust me, kung matagal ko ng alam hinding hindi ako makakapayag na agawin sayo o sainyo ng Mommy mo yung daddy mo." Yung kumplikado at magulong sitwasyon parang naging maayos lahat bigla sa isip ko. Kung hindi sya anak ni Dad ibig sabihin hindi talaga kami magkapatid.

We were never brother and sister.

"That's why he was crying to me this morning." Sabi ko habang napapaupo sa hagdan. "Who?" Tanong niya.

"Si Dad. He was sorry, and keep apologizing to me. That explains it." Napahawak ako sa ulo ko habang pinaprocess lahat sa utak ko yung mga nalaman ko.

"Ayos kalang ba?" Tanong niya ulit. Unang pumasok sa isip ko si mommy, kailangan niyang malaman 'to.

"I have to go." Tumayo ako at kinuha sakanya yung bag ko.

"Where are you going?"

"I-I have to tell this to my mom. She needs to know the truth. Down na down sya ngayon, and I think it would make her feel better pag nalaman nya ang totoo." Magpapaalam na dapat ako sakanya pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"I'll go with you." He said while looking so concern about my mom too.

A smile curved into my face, maybe he's not really a bad guy they said he always would. And maybe, just maybe. He would make such a perfect part of our family. I held his hand as tightly as I can and we both ran off to the parking lot.

Sa sobrang excited kong malaman ni mommy ang totoo, wala na talaga akong pinasukan ngayong first day ko. Great.

●  ●  ●  ●  ●  ●  ●  ●  ● 




Yuji's POV

"Um...dito nyo nalang ako ibaba sa parking lot, Dad. Mainit pa kasi yung issue kay Mommy, ayoko ng dagdagan pag nakita pa nilang kayo yung naghatid sakin dito." She explained as I pull over the car inside the parking lot.

"You sure you're ok here?" Pakiramdam ko ngayon lang ako naging ama sakanya. Pakiramdam ko rin first day school nya to kaya parang gusto ko pa syang samahan sa loob.

"Dad, I'm almost 18. I can take care of myself, Mom can't. Please take care of her and tell that I'm so worried about her?" Her eyes really looks so worried about her Mom. I pinched her cheek as I smiled at her.

"I will, Princess."

"Thanks, Dad." Binuksan ko yung pinto para sakanya mula sa loob ng bigla nya kong yakapin at halikan sa pisngi bago sya nagmadaling bumaba.

Sa pagmamadali niya natapilok pa siya. I was going to get out of the car to check on her but she kept waving her hands and saying that she's fine. Natawa nalang ako sakanya. Kaugaling kaugali niya ang nanay niya. Inantay ko siyang makalabas ng parking lot bago ako bumalik sa subdivision. While driving on the road, I keep calling Yuri's cell to check on Charlotte. She said she did everything she can, but Charlotte still won't open her door.

I can't imagine how hard it is what she's going through but I'm hoping she would get through it. Matapang siya, alam kong kaya niyang lagpasan 'to basta merong  taong kayang manatili sa tabi niya ngayon. I drive as fast as I could makarating lang agad sa bahay nila. Lucky for me masyado pang maaga para harangan ako ng traffic. Nakarating ako sa loob ng subdivision nila ng walang humaharang sa dinadaanan ko. Mayamaya, tanaw ko na mula kotse yung bahay nila. I was going to park infront of their house but there was already four cars parked outside. Familiar yung dalawang kotse sakin dahil kilala kong kay Travis at Jess yun. Pero yung isang  honda civic na itim at isang van  ang hindi ko kilala kung kanino.

Nagpark ako sa likod ng apat na magkakahilerang kotse na nasa tapat ng bahay ni Charlotte. Bukod sa pagaalala ko kay Charlotte, nagmamadali rin akong pumasok sa loob para malaman kung sino yung dalawa pang bisita. Hindi na ko doorbell pa at agaran na lamang pumasok sa loob at kumatok sa main door.

"Please tell me you're the last one." Bungad sakin ni Yuri.

"What do you mean?" Hindi na niya ako sinagot at pinapasok na lamang ako sa loob.

Napatingin agad ako sa sala at laking gulat na nagmistulang reunion dito sa loob. Magkakaharap na nakaupo sa sofa sila Jess, Avery, at Raven. Binati naman ako ni Travis na mukhang nanggaling pa siya sa kusina dahil may kagat kagat siyang tinapay.

"Oh, nandito na pala si Sir. Yuji, guys." Sabay sabay na tumingin sa direksyon ko sila Jess, Avery at Raven.

Tumungo ako sakanila bilang pagbati pero iba ang naging reaksyon ni Raven ng makita niya ako. Agad siyang tumayo pero pinigilan siya nila Jess at Avery. Humarang naman si Travis sa harapan ko habang may kagat kagat parin syang tinapay.

"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?" Tanong ni Raven habang masama ang tingin nito sa akin.

"Bro, chill out." Tugon ni Jess habang humaharang sila kay Raven.

"I'm here for Charlotte." Sagot ko habang sinesenyasan sila Avery at Jess na bitawan siya dahil kaya ko namang tanggapin kung manununtok siya.

"Ikaw na naman ang dahilan nito kaya nagkakaganyan si Ate diba? Ano pang ginagawa mo dito? Diba iniwanan mo na sya noon? Ngayon babalik balik ka?!" Bawat salitang lumalabas sa bibig nya ay katumbas ng paghakbang niya palapit sakin.

Galit siya, I get it. This scenario seems familiar to him because of what happened 18 years ago. There was an issue too and Charlotte locked herself in her bedroom for days. He was there, but I never was. Ngayon naulit na naman at ako na naman ang dahilan kung bakit na-issue siya sa campus kaya naiintindihan ko yung galit niya.

But, I guess he didn't know that Charlotte and I begun to start a new relationship again. All he was thinking is that I left her sister 18 years ago. Yun siguro ang paniniwala niya na ako ang nang-iwan kay Charlotte.

He's wrong. Kapatid niya ang nang-iwan sakin pero hindi ko naman masisisi si Charlotte sa ginawa niya. I deserved it.

"Bumalik ka muna sa upuan mo, Raven." Dagdag naman ni Avery habang pinapatalikod nya si Raven para bumalik ito sa upuan niya.

"Paalisin niyo ang lalaking yan dito." Utos niya kaya napunta naman sakin lahat ng tingin nila.

"This is Charlotte's house, sya lang ang susundin ko kung paalisin niya ko dito." Hindi ko gustong makipagmatigasan sakanya pero kung magiging harang siya para makita ko si Charlotte, I would do whatever it takes just to talk to her.

Nakatalikod siya sakin pero saka ko nalang napansin na bigla siyang humarap at sinuntok ako sa kaliwang pisngi. It was one of a hell punch but like I said, I would do whatever it takes just to talk to Charlotte.

Even if it means punching her brother to the ground.

"Oh my god stop them!" I heard Yuri yelled but it didn't stop me from punching Raven back. We're both on the floor hitting each other when Avery, Jess and Travis stopped us. They break us off.

Hawak ako ni Jess habang hawak naman ni Avery si Raven. Pumagitna naman samin si Travis bilang harang. Kalmado ako pero nagpupumiglas si Raven kay Avery kaya tiningnan ako ni Jess kung kaya ko na sarili ko dahil tutulong sya sa paghawak kay Raven. Tumungo ako sakanya kasabay ng malasahan ko ang dugo sa labi ko. Pumutok pala ang labi ko pero napadugo ko naman ang ilong ni Raven.

"Tangina bitawan nyo 'ko!"

"Walang mangyayari kung hindi kayo maguusap ng maayos bro." Pigil parin sakanya ni Avery.

"Raven nasa taas lang ang ate mo tingin mo makakatulong sakanya kung nakikita nya kayong nagaaway?" Dagdag ni Jess.

"Chill man." Singit ni Travis.

Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya nang lumapit sakin si Yuri para punasan ang dugo sa labi ko. "I'm fine sis, kay Raven mo nalang ipunas yan." Utos ko sakanya kaya tumungo sya at lumapit kay Raven. She tried to wipe the blood coming out of his nose but he hit Yuri's hand, causing me to get mad but Yuri stopped me. "It's okay kuya." She said.

"Stop with this nonsense, Raven. Lahat kami dito mas matanda sayo and we are telling you that this is not the way to solve things out. We are all here for SiL, we're all here for your sister. Ano nalang sasabihin niya pag nakita nya kayong ganito?" Kumalma si Raven sa mga sinabi ni Yuri. Hindi narin siya kinailangang hawakan pa nila Jess at Avery dahil hindi na sya nagpupumiglas at nagtatangkang manugod sakin.

Tumahimik bigla sa sala nang marinig namin ang boses ni Charlotte mula sa itaas.

"Ano tapos na kayo? Sabihin nyo kung hindi pa ng makapagluto naman ako ng popcorn habang pinapanood kayo." She's wearing pajamas and sweater, messy hair, and eyes swollen. She looks horr---

"Charlotte, you look horrible." Avery said exactly what's on my mind. The rest stares at him. Maybe because it sound inapproriate to say that thing to her. Ngayon pang may pinagdadaanan siya.

"Thanks for noticing, Avery." Charlotte said sarcastically.

"You're welcom---aray!" Bago pa makasagot si Avery ay nahampas na sya ni Yuri sa balikat.

I wanted to laugh but my eyes wanted to see Charlotte face to face. Hindi yung nagmumukha syang rapunzel na lahat kami nakatingala sakanya sa itaas.

Wala ng nagsasalita kaya kumilos na ako sa kinatatayuan ko at naglakad palapit sa hagdan para makausap sya ng masinsinan pero pinigilan niya ko nang pahakbang na ko sa hagdan.

"Hep." I looked at her with the look on my face wondering why she stopped me. But she just she raised her eyebrows at me.

"Where do you think you're going?" She said while her arms are crossed.

"We need to talk, Charlotte." Again, nag-aala rapunzel sya sa itaas habang tinitingala ko sya.

"What is it?"

"Not infront of them. I want to talk to you in private." Naglakad siya papunta sa bukana ng hagdan na para bang may hinahanap sya  sakin.

"Do you have the divorce papers?" Divorce papers?

Nalipat sakin lahat ang tingin nila Yuri, Travis, Jess at Avery sa sinabi ni Charlotte. Wala akong dala. Wala akong dala na kahit anong papel, nasa abugado ko pa iyon dahil pinapaprocess ko pa sakanya ang pagpapawalang bisa ng kasal namin ni Maxine.

"I don't have it, Charlotte."

"Have you signed it?"

"Not yet."

"Are you going to sign it?"

"Of course. It's an on-going process, my lawyer he's handling it." Pumungay ang mga mata niya sa sinabi ko na para bang binabasa niya ang itsura ko kung nagsasabi ako ng totoo.

Ngumuso pa siya na alam kong ginagawa niya pag malalim ang iniisip niya.

"Good." Maikling sagot nya sabay talikod at lakad pabalik sa kwarto niya.

Hoping everything's fine, nagtangka ulit akong humakbang paakyat ng hagdan ng magsasalita na naman siya. "What are you doing?"

Mainipin akong tao at alam niya yun. Pero paulit ulit nalang ba? Sinabi ng kailangan ko siyang kausapin.

"I need to talk to you, Charlotte." Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"You don't have the divorce papers right?"

"Yes, not yet but I will--" She cut me off.

"Then there's nothing to talk about. Nakapagusap na tayo last time, you said you will file a divorce an----" Sinubukan kong sumingit sa pagsasalita niya pero tumaas ang boses niya.

"LET ME FINISH!" Kahit yung tinapay na kakakuha lang ni Travis ay nabitawan niya sa biglang pagsigaw ni Charlotte.

"Sabi mo ifa-file mo na yon pero ngayon wala kapang maipakita sakin na divorced na kayo ng asawa mo. Imbes na nandun ka sa court at inaasikaso ang divorce papers nyo para mapabilis ang proseso, nandito ka. Guess what, Yuji pagod na 'ko. Pagod na 'ko umasa, pagod na kong itaas yung expectations ko sayo. Today, I expected you to do what you promised to me 2 days ago and what do you have? Nothing! Kung gusto mo akong kausapin, kung gusto mong makalapit sakin dalhin mo yung divorce papers nyo ni Maxine and make f*cking sure to have her signed it dahil sagad na sagad na yung pasensya ko dyan sa asawa mo---"

"Charlott---"

"SHE HUMILIATED ME, YUJI! ALL OVER THE CAMPUS KALAT NA KALAT NA KALADKARIN AKONG BABAE!" Her face turned red. Galit na galit siya habang pasigaw na lumalapit sa bukana ng hagdan. Naghahand gestures narin siya she seemed scary. Maybe that's what my students are talking about. Medusa's fury.

"Charlotte, you know that's not true. Hindi ka kaladkaring babae wag mong sabihin ya---"

"THEN PROVE IT! Ayoko ng makinig sa mga comfort words mo dahil sa sitwasyon ko ngayon, hindi non mapapagaan ang loob ko! Pangalawang beses na'tong pinahiya ako ni Maxine sa campus. I was this close coming at your house to rip that bitch's face off! Pero ginawa ko ba? Hindi kasi nirerespeto ko parin na kasal kayo at asawa mo pa siya! Ngayon, kung gusto mong mapagaan ang loob ko o makalapit man lang sakin, sigaraduhin mong dala mo ang divorce papers nyo. If you don't come back here after one week with that signed divorce papers, kalimutan mo na ang nangyari satin at layuan mo na kami ng anak mo!"

I didn't get the chance to calm her down when she slammed her door after she said those things. Walang kumurap saming lahat habang pinapakinggan yung mga isinisigaw niya kanina. She really is mad.

Medusa's mad.

Bababa na sana ako ng hagdan para umalis na at asikasuhin ang paghihiwalay namin ni Maxine ng bumukas pa ulit ang pinto ni Charlotte at tumingin sa akin.

"This is the least you can do if we are really that important to you, Yuji." This time she closed the door without slamming it. On that moment, I saw how sad her eyes was while looking at me.

They really are important to me. At this point after all the things I've found out, sila na ang nagsilbing buhay ko. Andrea's my real daughter, and Charlotte is the mother of my child. I have failed them once, I can't afford to failed them again.

Bumaba ako ng hagdan at dire-diretsong lumabas ng bahay papunta sa kotse ko nang hindi nililingon sila Travis. I will fix this, sa susunod na pagbalik ko dito dala ko na ang divorce papers na hinahanap ni Charlotte. I can't afford to lose them again, sa pagbabalik ko bubuuin ko na ang pamilya ko.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

91.6K 1.2K 136
this one po ay qoutes na Tagalog and English, sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog pag tyagaan nyu na lang po ika nga ag may tyaga may nilaga oii h...
99.1K 4.2K 39
[vhyun fanfiction] Two popular idols, married secretly?! Paano yun magwowork-out?! cc: @aestears
387K 3.9K 31
English and Tagalog qoutes
6.6K 51 7
This was just a short story about a father and a son. I made this story for our English project and it made me a "Best in Writing" awardee. Hahaha! I...