She's my brat boss [COMPLETED]

By omyerika

95.6K 1.9K 65

Naranasan mo na bang mainlove sa taong masungit, gusto palaging magisa, maarte, gusto palagi sya yung nasusun... More

She's my brat boss
#SMBB_1
#SMBB_2
#SMBB_3
#SMBB_4
#SMBB_5
#SMBB_6
#SMBB_7
#SMBB_8
#SMBB_9
#SMBB_10
#SMBB_11
#SMBB_12
#SMBB_13
#SMBB_14
#SMBB_15
#SMBB_16
#SMBB_17
#SMBB_18
#SMBB_19
#SMBB_20
#SMBB_21
#SMBB_22
#SMBB_23
#SMBB_24
#SMBB_25
#SMBB_27
#SMBB_28
#SMBB_29
#SMBB_30
#SMBB_31
#SMBB_32
#SMBB_33
#SMBB_34
#SMBB_35
#SMBB_36
#SMBB_37
#SMBB_38
#SMBB_39
#SMBB_40
#SMBB_41
#SMBB_42
#SMBB_43
#SMBB_44
#SMBB_45
#SMBB_46
#SMBB_47
#SMBB_48
EPILOGUE

#SMBB_26

1.3K 35 0
By omyerika

"Atsu ne i Ezekiel! (Andyan na si Ezekiel)" sigaw nung isa kong kababata.  

Kumaway naman sya saakin at ako din naman tapos nakipagapiran sa iba. Lakas makaartista talaga pag umuuwi ako dito hahaha joke. 

"Grabe kasanting na talaga (Grabe ang gwapo nya talaga)

"Ninu tang abe nang babai? (Sino yung kasama nyang babae?)"

"Syota nya siguro"

"Hpp. Kaluguran ya mu!" 

Rinig kong bulungan ng mga tao ng makarating na kami sa simbahan.

"EZEKIEL!  VANESSA! apinamu dinatang kayu! Bala ku magaala sleeping beauty ke nanaman,Ezekiel eh! Haha (Buti nalang dumating ka! Akala ko magaala sleeping beauty ka nanaman, Ezekiel eh)" bungad agad ni Kaycee pagkakita nya saamin sabay baba ng hagdan.

"Antalu di Cherry? (Asan sila Cherry?)" tanong ko ng nakahawak parin sa kamay ni Vanessa. Mahirap na baka mawala pa toh ang dami kayang tao.  Para tuloy akong may bitbit bitbit na batang paslit.  Hays.

"Tabalu, pota atsu la keng lele lele (Ewan, baka andyan lang sa tabi tabi)" sabi nya at tumingin naman ako sa paligid, hay san kaya yun sumusulpot.

Siguraduhin lang nila silang apat yung magkakasama, naku pagnalaman kong partner partner sila, pagpapartner partner ko rin ang paguumbog sakanila. Mamaya kasi nananching na si Jeremy kay Cherry eh. Tsss, mahirap na.

"Tara, mamasyal tamu (tara, mamasyal tayo)" aya ni Kaycee.  Tumingin naman ako kay Vanessa at ngumiti nalang sya sabay tango.

Nagsimula na kaming maglibot sa buong barangay, hue kahit saan ka ata magpunta dito ang daming tao eh! Dumami na kasi yung nagtitinda eh hay nako. Paano pa kaya bukas kung saan may mga parada na?!. Kaya heto ako ngayon todo hawak sa kamay ni Vanessa, palagi pa naman namamangha at natutulala nalang sa mga bagay na bago sa kanyang mga mata katulad nung mga pagkain, hay nako.

"Eto try mo toh, masarap yan" sabi ko at binigyan sya ng street foods.

"No can do lucas"

"Dali na hindi toh poisonous, swear"

"Eh? What's that ba?"

"Kainin mo muna"sabi ko habang binibigay sakanya yung hawak hawak ko at habang pinipigilan din ang tawa ko, to think na kung ano ang magiging reaction netong babaitang toh kapag nalaman nya yung ano yung kakainin nya hahaha.

"Pag ako namatay, ikaw ang una una kong mumultuhin!" sabi nya sabay kuha ng binibigay ko sakanya.

"Pag ikaw namatay, susunod ako sayo. Wait ka lang" sabi ko sabay kindat sakanya pero umirap lang sya sabay kagat nung binigay ko sakanya.

"Hmm this tastes good. What's this?" ngumiti nalang ako ng nakakaloko at sasabihin na sana kung ano yun kaso may biglang nagsalita...

"Omyg! Mamangan ka nyan, Vanessa? (kumakain ka nyan, Vanessa?) " nagulat naman si Kaycee nung nakita nyang kumakain si Vanessa nang ganun. Napailing nalang ako sabay tawa ng mahina.

Ni hindi nga nya alam kung ano yan eh hahaha.

"Huh?"

"Ay sorry. Kumakain ka nyan? Nice. Paborito ko yan alam mo ba yun?" sabi ni Kaycee na sayang saya hahaha. Kung alam mo lang Kaycee. 

Agad naman syang kumuha ng para sakanya at kumain rin at nagsawsawan pa. Hay nako hindi pa rin sya nagbabago. Kakaiba talaga ang foodtrip nitong babaeng tohh, hays.

"I don't even know what is this but it definitely tastes good" sabi pa nya sabay kagat ulit.

Sige kain pa hahaha tingnan natin kung masasabi mo pang masarap yan pag nalaman mo na kung ano yan.

"Pwet ng baboy! Sarap diba?" sabi ni Kaycee at agad lumaki yung mata ni Vanessa.

"WHAT?!" agad naman nya niluwa yung mga nasa bibig pa nya.

"PFFT Hahahaha" tawa pa rin ako ng tawa habang binibigyan sya ng tubig.  Eh sa nakakatawa itsura nya eh!  Haha. Hay nako Vanessa,  bakit ba ang dali mong mauto saakin?

"Argh! Hate you Lucas!" sabi nya sabay tapon saakin yung stick na nakakalahati na nya at tinapon nya rin yung baso ng gulaman na naubos na nya.

"Patay kang bata ka" sabi bigla ni Kaycee pag kaalis ni Vanessa.

"Bakit mo kasi sinabi agad?"

"Malay ko bang hindi pa nya alam"

"Tsk. Hay nako. Kuya metung pa pung gulaman (Kuya isa pa pong gulaman) " at hinanap na si Vanessa buti nalang hindi sya ganun lumayo, "Huy bawal nakasimangot ngayong fiesta"

"Hmp" sabi nya ng nakacrossed arms pa.

"Dali na oh. Binilhan na kita ng isa pang gulaman para medyo mawala yung lasa nung pwet ng baboy dyan sa dila mo" sabi ko sabay abot sakanya ng gulaman, tiningnan nya ako at umirap.

"Let me guess, this is just a set up again right? I'm gonna drink that then afterwards you gonna say that, that isn't really a gulaman and it's some kind of a drink that I don't know. Psh wala ka ng maloloko dito" sabi nya sabay tingin sa ibang direction.

"Jusko. Hindi na. Totoo na toh. Gulaman na yan" sabi ko at binigay sakanya yung gulaman.

Tinanggap nya naman tong at ininom "Diba gulaman?" sabi ko ng nakangiti pero umirap lang sya "Uy sorry na. Please hindi na po mauulit. Promise"

"Don't promise anything, Lucas. Promise is a lie. It is worst than saying I love you to a person you don't really love"

Tumayo na sya at papaalis nasana kaso bigla kong hinawakan yung kamay nya

"Kung sincere naman yung tao na gawin yung promise nya, magagawa nya yun. Not all promise is a lie, it depends on the person if they want to break it or to fulfill their promise"

Tumingin sya sa kamay naming magkahawak at bumalik yung tingin saakin sabay ngiti, "Sorry na ah"

"Forgiven"

"Oh ano?  Tara na?  Nagdrama ka pa,  atleasg ka naexperience mo yun eh.  Sarap diba?"

"Don't even mention it again Lucas!" Pagbabanta nya na may paduroduro pa.  Katakot talaga tong babaeng toh.  Napataas naman ako ng kamay at tumango.

"YES MA'AM!"

Nagpatuloy na kaming maglibot kasama si Kaycee.

"Kaycee! " may biglang tumawag kay Kaycee kaya pati kami napatingin.

"Oh! Patrick! Musta na?"

"Okay mu! Uy brad! Minuli ka na pala. Musta na? Kalwat din ta murin eh mikit neh?! (Umuwi ka na pala? Musta na? Ang tagal din nating hindi nagkita noh?!)" sabi saakin ni Patrick sabay pat sa likod ko.

Matalik ko rin tong kaibigan dati. May pagkatamad din toh kaya hindi ko masyadong kinlose pero may itsura sya at ang laki ng katawan nya. Ngayon ata kargador sya sa palengke eh. Okay na yun atleast may trabaho sya hindi yung tambay lang sya hanggang ngayon.

"Kaya nga brad eh. Okay mu, ika?"

"Okay mu rin. Atin ka na palang syota ne? Kalagu na ah (Meron ka na palang syota, ang ganda nya ah)" agad naman kumunot yung noo ko sa sinabi nya pero unti unti kong nagets dahil tumingin sya sa kamay namin ni Vanessa na kanina pa magkahawak.

Oo gf ko toh, kaya wag mo ng pantasyahan.

HAHAHAHA kung pwede ko lang sabihin yan kasi makatingin ba naman kay Vanessa. Hoy!  Dukutin ko mata mo dyan eh!  Kahit hindi ko tih girlfriend, hindi ka pa rin papasa sa standards nya.  Psh.

"Naku kalu-guran nya mu ta (Naku kaibigan nya lang yun)" sabi bigla ni Kaycee. Panira talaga tong ng plano! Ayan tuloy yung mata parang nabuhayan. Anak ng tipaklong.  Suntukin ko na kaya toh?!  

"Wa, Kalu-guran kya mu.(Oo kaibigan ko lang sya)" sabi ko pero hindi sya nakatingin saakin, kay Vanessa sya nakatingin mula ulo hanggang paa ng nakangiti.

Loko toh ah. Sa tingin palang parang hinuhubaran na si Vanessa,  ang libog ang putek! Humarang ako sa view nya ng nakakunot yung noo. Sino bang may sabing pwede nyang titigan ng ganyan ang brat boss KO?! Ako nga hjndi ko sya matitigan ng ganyan eh baka mamaya mawalan ako ng mata.  Psh.

"Take your eyes off of her, brad. She's not available. So back off" kalmante kong sabi pero with feelings yan hahaha.

"Woah woah hold on, what's going on?" tanong netong si Vanessa.

"Eku balu ing panyabyan mu, Ezekiel.  Pero ala kang pake kung anong buri kung gawan, kalu-guran ka mu! (Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, Ezekiel pero wala kang pakielam kung anong gusto kong gawin, kaibigan ka lang)" sabi nya na napagpainit ng ulo ko.

Kaibigan lang pala ah! Buti nga kaibigan nya ako eh, eh sya? Ni Hindi nga sya kilala, tapos ILALANG LANG nya lang yung kaibigan, eh yun nga lang yung pinanghahawakan ko eh!

KAIBIGAN! NA PWEDENG MAGGING KA-I-BIGAN.

"Lucas!" hinatak ko kasi bigla yung kamay nya.

"Kaku ya ini, datang ing aldo kaku ya ini (Saakin lang toh. Sa tamang panahon saakin lang toh)" 

"Ano ba lucas!" hay nako kung alam mo lang kung anong pinagsasabi ko dito mananahimik ka dyan! Nagcoconfess na ako dito hindi mo ba yun alam?! Ang daming alam na language, kapangpangan lang hindi alam? Psh. 

"TSK! Tuknang na kayu! Bala mu anak kayu ah. (TSK! Tumiggil nga kayo! Para kayong mga bata)" pumagitna na saamin si Kaycee "At Patrick, wag mo daw pinapantasya si vanessa. Hindi daw sya available"

"Kalu-guran ka mu (Kaibigan ka lang)" sabi ni Patrick bago umalis. Napisil ko tuloy yung kamay ni Vanessa sa sobrang inis.

"Aray! Lucas! What is the problem ba?! And what is that man is saying earlier, that you're angry of? Ano uupakan ko na ba?" tanong neto. Napatingin nalang ako sakanya, at unti unti akong huminahon tapos unti unti naring ngumiti.

"Wala yun. Wag mo nalang problemahin yun. Tara na?" yaya ko hinila na sya bago pa sya magsalita.

Kilala ko tong si vanessa pag nagtanong sya, gusto nya may matinong sagot. Hindi sya titigil hangga't hindi nasasagot yung tanong nya. Hay nako brat nga naman.

Pero etong brat na toh, akin lang toh.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa maggabi na at dun kami napadpad kami sa may perya na kung saan nakita na namin sila Cherry buti naman ang magkakasama silang apat.

"Omyg Maxine!! Hiii! You missed the fun moment!" akala mo ilang libong taon ng hindi nagkikita. Jusmiyo.

"I already had a great time, Stace" narinig kong sabi nya sabay tingin saakin. Tumingin din saakin si Stacey, ayun ngumiti saakin na nangaasar sabay irap.

"K. Anyway It's so fun here! Here I'll show you something! Sama ka Cherry!" sabi ni Stacey sabay hatak kay Cherry at Vanessa.

Mukhang magkakaclose na yung tatlo. Hindi mo nga naman akalain na magiging close sila haha.

"Wait. Kaycee! Tara tuki ka naman! (Tara sama ka rin)" at tumango naman agad si Kaycee tsaka sumunod na sakanilang tatlo.

"Kung sila may girl bonding tayo rin mga boys dapat! Is there a bar around here?" tanong ni Jake binatukan ko nga.

"Putek! Probinsya toh bro, hindi Manila" Sabi ko sabay lakad na, sinundan naman nila ako.

"Eh saan tayo makakapaghanap ng chix?!"

"Tayo? Baka ikaw lang. Loyal kami noh" sabi ni Jeremy at nagapir kaming dalawa.

Siguraduhin lang nya totoo yung sinasabi nya, at nasa tamang pagiisip sya habang sinasabi nya yung mga yan, kundi uupakan ko talaga sya haha.

"Mga bro. Hindi pa nga kayo, may loyal loyal pa kayong nalalaman. Enjoy life bro, hangga't hindi pa taken" sabi ni Jake sabay kindat dun sa mga babaeng kanina pa nakatingin saamin.

Ayun nagtilian naman nung nakita nilang kumindat. Hay nako.  Nakakita lang ng gwapo ganun na ang reaction? Kinindatan lang ng gwapo ibigsabihin yun na yun? Kaya kayo nasasaktan eh kasi umaasa kayo tapos kami pa ang lalabas ng masama nyan hays,  mga babae nga naman. Atsaka mas gwapo ako dyan noh!  Anong tinitili nila dun?

"Psh. No thanks bro, okay na ako sakanya" sabi ko sabay bili ng dalawang cotton candy.

"Me too"

"Suit yourselves" sabi nya at nagkibit balikat sabay punta na dun sa mga babae.

Pero may mga paasa takagang lalaki na hindi mo mapigil pigilan.  Buti pa ako,  totoo yung pinakapakita ko.

"Hindi talaga sya mapipigilan noh?"

"Hayaan nalang natin sya." sabi ko at kinuha yung dalawang cotton candy na binili ko.

"Wow thank you bro! Ang sweet mo talaga! Pwedeng akin ka nalang?"

"Lul! Tigil tigilan mo nga ako. Bumili ka dyan kung gusto mo"

"Luh. Kunyari ka pa alam ko naman akin yan eh"

"Ulol mo"

"HAHAHAHAHAHA" tawa nya siguro dahil sa itsura ko "Grabe bro yung itsura mo, ganun ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi ko hahahaha nakakatawa" Sabi ko nga ba eh dahil sa itsura ko kaya sya natatawa.

Nung nakita na namin yung girls agad ko naman binigay kay Vanessa yung cotton candy, alam ko kasing favorite nya yun eh kaya nung may nakita ako agad akong bumili.

"Where's Jake?" tanong ni Stacey at hinanap hanap si Jake. Nagkatingnan naman kami ni jeremy...

Alam na.

"May kalandian kaya umiyak ka na" sabi naman ni Jeremy kaya agad naman akong napatawa kasi naman. Kailangan pa nyang iaction talaga yung umiiyak? Haha loko talaga toh.

"Tsss and why do I have to?"

"Kasi nasasaktan ka. Kasi crush mo sya. Kasi may kalandian sya. Kasi---"

"Okay I get it. So shut up" sabi ni Stacey sabay subo kay Jeremy yung popcorn.

"Aray dahan dahan sa pagsubo! Mabubulunan ako eh!" sabi ni Jeremy nung malunok na nya yung sinubo ni Stacey na popcorn sakanya.

"Mabulunan ka sana. Hpp. And fyi, I don't like him, I already have a fianće" sabi nya sabay talikod at umupo sa isang bench katabi ni Kaycee.

Sabagay, may fianće na nga pala tong babaitang toh pero sa pagkakaalam ko, arranged lang sila hindi talaga nila mahal ang isa't isa pero malay mo nga naman magkadevelopan sila. Ang sakit siguro nun noh? Papakasal ka sa taong hindi mo mahal, o hindi mo lubusang kilala. Ouch!

"Fianće? Psh Mahal mo ba?" napatinggil naman si Stacey sa pagkain ng popcorn pero hindi tumingin sa gawi namin kundi sa loob lang ng popcorn nya.

"Psst! Jeremy, shut up will you? You're not helping" sambit ni Vanessa. Alam nya kasi kung anong sakit yung nararamdaman ng bestfriend nya kahit sinasabi neto na okay lang para naman daw sa kumpanya ito eh. Masakit naman talaga yung arranged marriage na yun eh. Bakit ba kasi nauso yun? Mga mayayaman nga naman.

"HALA!" biglang sigaw ni Kaycee.

"Ohhhh" lumakad agad ako patungo kay Kaycee at tinanggal yung lalaking nakapatong sakanya. Agad ko naman tinggal yung jacket ko kasi natapunan sya ng juice eh puti pa naman yung damit nya, so medyo kita na. Pinalipot ko yun sakanya.

"Pasenya na pu. Pasensya na pu talaga (Sorry po, sorry po talaga)" sabi nung lalaki.

Tumingin ako sa ibang direksyon pero nung hindi na ako napagpigil bigla ko nang kinweluhan.  Langya eh!

"Eku balu kung sasadiyan mu o nanu!(Hindi ko alam kung sinasadya mo o ano!) Basta ang nakita ko, binastos mo ang kaibigan ko! Walanghiya ka ah!"

"Sensya na pu talaga"

"Kiel/ Lucas" pinipigilan na ako nung mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapigil. Argh! Bastos eh!

"Sa susunod na maulit pa yun. Hindi lang toh ang maabutan mo saakin" banta ko sakanya saka sya binitiwan, sabay alis na kasama nung mga kasama nya.

"Luca--"

"Tsk. Okay ka lang Kaycee?" sabi ko sabay lapit kay Kaycee at tumango naman sya pero nakita kong naluluha na sya. Ang babaw talaga ng luha netong babaeng toh. Niyakap ko naman sya agad katulad ng ginagawa ko dati nung mga bata pa kami pag nakikita kong malungkot sya. 

Nakita ko naman na biglang umalis si Vanessa kasama si Stacey na tumitingin pa ng masama pabalik dito.

Hala anong nangyari dun?

°°°°°

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.9K 441 31
Haunted by her past, Emilia Macapugay strives to live a normal life. However, trouble comes one after another that it seems like the universe decided...
144K 2.5K 35
"I've always been in control of my life. But when it comes to you, I always lose it... ..Being with you, makes me crazy..." --Arjhun This is the f...
564K 7.9K 31
"Loving you was the best thing that happen into my life but, I am too tired... Of loving you that's why I'm letting you go" - Kath (Kathniel po ito)