Someone's P.O.V
Excited akong bumangon sa aking higaan. Ramdam ko 'yong saya, 'yong gaan ng pakiramdam. Paano ba naman kasi nasulit ko ang tulog ko.
Hindi kasi ako masyadong pinuyat kagabi ng labidabs ko. Hindi naman sa nagrereklamo pero kasi naman araw-araw, gabi-gabi magkausap na kami. Hindi ko alam sa lalaking 'yon ba't gustong-gusto niya naririnig ang boses ko.
Bago pa man ako tuluyang lumabas ng aking silid, pinagmasdan ko muna ang litrato namin dalawa na nakapatong sa side table ko. It was three years ago. Nakatawa kaming pareho sa isa't-isa na kaunti na lang pwede nang pasukan ng langaw ang aming mga bibig habang may yakap-yakap akong Doraemon na siya mismo ang nagbigay.
Pagkatapos ay nakangiti akong lumabas ng aking silid para makapaghanda ng aking makakain.
Kinikilig ako sa bawat araw. Hindi kasi nabibigo ang boyfriend ko na pakiligin ako sa bawat paggising ko lalo na siyempre sa bawat pagtulog ko kung saan hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakausap.
Except kagabi. Hays.
Nagbukas ako ng kalan at ipinatong ang kawali. Pagkainit, nilagyan ko ng mantika at maya-maya lang din ay iniligay ko na ang bacon. Mabilis din naman itong naluto. Kaya naman kumuha ako ng tinapay sa ref at umupo sa dining area at ipinatong sa table ang bacon na niluto ko kasama ng tinapay.
Isusubo ko na sana ang pagkain nang marinig kong tumunog ang aking cellphone, kaya naman walang dali-daling binitawan ko ang pagkain at mabilis na tumakbo sa aking silid.
"Hi," mahiya-hiya kong sinagot ang tawag niya.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang pagtawa niya. Hindi ko tuloy ma-imagine kung gaano kaganda ang mga ngiti niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kung paano siya mas lalong pinapa-gwapo ng mga ngiti niya.
"Did you eat your breakfast, love?" Halatang kagigising pa lang niya dahil sa napaka-husky niyang boses. Mas lalo tuloy akong nahuhulog...
Naglakad ako ulit palabas ng k'warto ko at naupo sa dining area, kung nasaan ang aking pagkain. "Kakain pa lang, love. Mukhang kagigising mo pa lang, ha," masaya kong wika sa kaniya. Pilit ko pang tinatago ang aking kilig sa t'wing magsasalita.
Bakit feeling ko, sobra ko siyang na-miss? Kagabi lang naman kami hindi masyadong nakapag-usap.
"I love you," malambing na wika niya.
Tumalon agad ang puso ko. Palagi ko naman 'yon naririnig sa kaniya pero bakit gusto kong marinig nang paulit-ulit?
Nakagat ko tuloy ang labi ko habang kunyaring pinagmamasdan ang paligid ko na tila nagbakasakaling walang makakita kung paano ako kiligin.
"Isa pa nga," hirit ko.
Tumawa-tawa pa siya sa kabilang linya. "I love you..." Binanggit niya ang bawat salita nang mabagal.
"Alright, ayaw ko na mag-almusal," I said.
"Hey, why?"
"Busog na ako sa I love you mo."
Muli na naman siyang tumawa sa kabilang linya. Hindi ko alam kung kinikilig ba siya sa sinabi ko o pinag-ti-tripan niya lang ako.
Pero totoo, ang sarap sa tainga ng pagtawa niya kaya naman napapasabay rin ako sa kaniya.
Maya-maya lang ay lumabas ng kuwarto si ate. Napakagulo ng buhok niya, medyo mataba ng kaunti si ate kumpara sa akin, mas maputi nga lang ako sa kaniya at mas maganda.
Nang makita ako ay bigla siyang nagulat tila hindi napansin ang presensya ko at pinagmasdan niya ang aking mukha na may lungkot.
Hindi ako kumibo. Hinintay ko siyang magsalita.
"You're going to abroad, Yllana. Pack your things. Maliligo lang ako at mag-aayos."
Papasok sana siya ulit sa kwarto niya nang mabilis ko siyang napigilan. "Ate? For what? Bakit biglaan naman ata akong aalis?" naguguluhan kong wika sa kaniya.
"Dad and mom told me na ihatid ka sa airport bago magalas-dose ng tanghali, Yllana." At tuluyan na siyang naglakad papasok sa kaniyang kuwarto.
I called dad and mom pero unattended ang kanilang phone. Even ang boyfriend ko na kanina ko lang kausap ay hindi niya na rin sinasagot ang tawag ko.
Kaya naman I texted my boyfriend.
To: My love
Love, dad and mom want me to go to abroad.
Sent!
Hinintay ko ang reply niya bago sana ako maligo at mag-ayos ng gamit pero 15 minutes na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang reply. Natapos na sa panliligo si ate pero hindi ko pa rin magawang maligo.
"Yllana, come on, bilisan mo ang kilos mo." May inis na sa tono ng boses ni ate nang makita akong hindi pa rin kumikilos.
Nagtatanong pa rin ang aking itsura pero hindi niya ako sinasagot ng diretso!
Nang makarating kami sa airport ay muli ko pinagmasdan ang aking phone. Nakailang text na ako sa love ko pero wala pa rin siyang reply!
Napipikon na ako dahil sa ganitong paraan na hindi niya pagre-reply sa akin ay tila hinahayaan niya akong umalis.
Hello! Mag-stay daw ako sa U.S ng ilang taon! My goodness.
Muli akong nag-type ng text kay love.
To: My love
Love. Hindi mo ba ako pipigilan umalis? Nasa airport na kami ni ate. Gusto kitang makita bago ako umalis.
Sent! 11:00 a.m
To: My love
Bakit hindi ka nagrereply!
Sent! 11:15 a.m
Huminga muna ako bago pagmasdan ang airport, napakaraming taong may kanya-kanyang dalang mga bagahe. Ang iilan sa kanila ay patingin-tingin sa paligid at humahanap siguro ng mauupuan.
Malaki ang airport,. Halos puti ang makikita mo sa paligid maliban na lang sa mga malalaking smart t.v na nag-iiwan ng mga paalala para sa mga pasahero.
11:30 na at kailangan ko ng pumunta sa loob. Sinulyapan ko muli si ate na malungkot pa rin ang itsura.
"Ate."
Lumingon siya sa akin. "Sissy, kaunting panahon lang ang gugugulin mo do'n. Kapag natapos itong problema, uuwi ka rin agad dito."
Kunyaring nagpakita ng ngiti si ate na tila gusto niyang paga-anin ang nararamdaman ko. Ngunit ni katiting no'n ay hindi naging epektibo.
Bago ako tuluyan pumasok sa loob, sinulyapan ko ulit ang phone ko at wala pa rin siyang reply. Malungkot akong pumasok sa loob at unti-unti nang umiiyak.
Bakit biglaan naman akong pinapadala nina dad and mom sa abroad?
Anong problema ba ang hinaharap ng pamilya ko ngayon?
Bakit hindi man ako nagawang reply-an ng boyfriend ko? Bakit hindi niya nagawang pigilan ako?
Bakit parang ang bigat ng nararamdaman ko?
Madami man tanong ang pumapasok sa isip ko ngunit binalewala ko na lamang iyon at tuluyan ko ng lilisanin ang Pilipinas.
Babalik ako, love. Babalik ako.
Ilang minuto na rin ang lumipas ng umalis ang eroplanong sinasakyan ko. Pinagmamasdan ko ang mga ulap na makikita sa bintana. Kahit papaano ay napagaan nito ang pakiramdam ko dahil sa kapayapaan na ibinibigay nito.
Maya-maya lang ay napansin namin na tila hindi maganda ang takbo ng eroplano. Binubuo tuloy nito ang takot at pangamba sa bawat pasahero na nagiging dahilan para lalo kaming mataranta nang mas lalo itong lumala.
Umalingawngaw ang ingay na nagmumula sa aming sinasakyan. Tila may bumabara sa makina ng eroplano.
May sinasabi ang piloto ngunit hindi ko na maintindihan dahil ang paningin at pandinig ko lamang ay na-fo-focus sa mga taong nagsisigawan at umiiyak na nagdudulot din sa akin para mataranta at matakot.
Maya-maya lang ay nararamdaman na namin na unti-unti ng bumabagsak ang eroplanong sinasakyan namin.
Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay hindi ko na nagawa pang sumigaw nang sumigaw. Tanging paghawak lang ng mahigpit sa aking dibdib at pag-iyak ang aking nagawa habang suot-suot sa aking ilong ang oxygen.
Ayoko pang mamatay...
》》》to be continued...