Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 12 ♬ Hidden Music

65.1K 1.1K 42
By wistfulpromise

CHAPTER 12 - HIDDEN MUSIC 

SERENE


Pagkatapos ng Music Camp na iyon ay masasabi kong mas naging malapit ang loob naming magbabanda sa isa't isa. Lalo na si Rico at Nathan, kung mapagtripan ako wagas. Si Shane ay tahimik pa rin pero kapag kinakausap ko naman siya ay kinakausap niya na rin ako. Pero higit sa lahat siguro, kay Niel ako pinaka naging malapit. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Parehas kasi kami ng mga gusto at hindi gusto. Minsan napaka-weird na. Binibiro nga niya ako minsan na gaya-gaya raw ako.

Pagkatapos ng mga tagpo roon sa music storage ay hindi ko na muling nakausap si Jace. Para kasing iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ilang linggo na rin ang nakakalipas. Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanya roon. Basta pagkalabas namin doon ay sinabi ko kanila Mr. Valdez na ihatid siya sa clinic para mapatingin dahil mukhang hilo pa rin siya noong mga oras na iyon. Ang sabi naman ni Jace okay lang siya tapos umalis na siya at bumalik doon sa kwarto niya.

Pumupunta pa rin ako roon sa Private room ko. Hanggang ngayon ay pinagkakaabalahan ko pa rin ang tono na ilalapat ko roon sa sinulat na kanta. Pero kapag naiinis na ako sa sarili dahil wala na akong matinong maisip, bumabalik ako roon sa piano at tumutugtog ng mga classical piece pampatanggal ng inis. Pagkatapos noon, masaya na ako ulit. Ang galing lang manggamot ng musika.

Minsan din tumutugtog pa rin ako ng mga malulungkot na kanta kapag naroon ako sa mood na napapa-emotera ako. Sinasabayan ko rin ng pagkanta kapag feel ko. Minsan naluluha pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko. Kumusta na kaya sina mama at papa? Naiisip din kaya nila ako?

Lunch time na noong maisipan kong dumaan muli sa Private room ko, baka kasi magkaroon na ng improvement doon sa ginagawa kong kanta. Sayang din.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin dad? I don't want to have anything to do with the company! Ang pagbabanda ang gusto ko. Bakit ba hindi niyo magawang suportahan ako?"

May ingay akong naririnig sa may pinto papunta roon sa rooftop. Wala sa sarili akong napapunta roon.

"Yeah, right. Kung ako ayoko, what makes you think he will agree with you? Nathan has his own plans in life. At wala rin doon ang pagpapatakbo ng isang kumpanya. Stop forcing us to something we don't even want. This is our life. Deal with it." Padabog niyang ibinagsak ang hawak na cellphone. Nakita ko si Jace na nakatayo malapit doon sa may railings, ang likod niya ay nasa akin. Halata naman sa kilos niya na mainit ang kanyang ulo, so I retreat back.

Bago pa tuluyang makababa sa hagdan na maghahatid sa pangalawang pintuan ay narinig ko ang pagtugtog niya ng gitara. Natigilan ako at pinakinggan lamang iyon.

It was just a simple strumming but it captures the melody of the song I have been searching for my song. Bukod pa roon, aminado naman ako na pagdating sa pagtugtog ng gitara ay 'di hamak na mas magaling siya sa akin kaya hindi na ako magtataka.

Dahan-dahan akong bumalik sa taas. Paano ko ba ito sasabihin? Huminto ako, nagdadalawang isip. Huwag na lang kaya? Magpaturo na lang kaya ako kay Niel? Pero nandito na ako. Sayang din ang pagkakataon. Nakuha na niya ang tono na matagal ko nang hinahanap na sasakto sa kanta ko. Pakakawalan ko pa ba?

"A-Ano, Jace..." gusto kong sampalin ang sarili dahil sa pagkakautal. Natigilan siya sa ginagawa at mabilis na lumingon sa kung sino man ang naglakas loob na istorbohin siya. Kabado akong nag-peace sign sa kanya. "May itatanong lang sana ako. Naistorbo ba kita?"

"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba riyan?" nariyan na naman ang pamilyar na salubong niyang mga kilay.

"Hindi naman. Actually—"

"Kung papasok ka, kumatok ka. Stop invading my privacy."

Malungkot akong huminga ng malalim. Mukhang kung ano man ang nangyari sa pagitan naming dalawa sa music storage sa Azure Resort ay kinalimutan na niya. Sabagay, kasalanan ko rin naman. Bakit ba kasi umakyat pa ako rito?

"Sige, ipagpatuloy mo na 'yang ginagawa mo. Nakalimutan ko magkikita pa pala kami ni Abby."

"Anong itatanong mo?" Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan noong marinig ito mula sa kanya.

"Importante pa ba 'yon? Forget it."

"Just say it. Ayoko sa lahat 'yung may sasabihin tapos hindi tinutuloy. Nakakairita."

"Kailangan ba talaga sabihin mo kung anong pumapasok diyan sa isip mo? Hindi mo ba minsan naiisip na mamaya nakakasakit ka na pala ng damdamin ng ibang tao?"

"Anong gusto mong gawin ko? Magsinungaling?"

"Minsan may mga bagay na dapat alam mo kung hanggang saan lang ang limitasyon ng pagsasabi ng totoo o hindi. Sometimes try to considerate other people's feelings. Or if you don't want to lie at all, then just shut your mouth and keep your opinion to yourself."

Naroon na naman ang pamilyar na malalamig niyang tingin. "You can't handle the truth? Then don't talk to me."

I know that he looks intimidating but I did not back down

Inis akong lumapit sa kanya. "Alam mo minsan hindi na kita maintindihan eh. Minsan mukhang okay naman tayo tapos biglang hindi ka namamansin na akala mo hindi mo ako kilala. You know what if you hate me just say it. Hindi 'yung binibigyan mo ako ng attitude sa tuwing nagkikita tayo."

Sa sandaling iyon ay natahimik siya, marahil hindi inasahan na may sasagot sa kanya na tulad ko. Napansin ko kasi lahat ng tao natatakot sa kanya. Pero ibahin mo ako. Mabait ako sa mabait. Pero kapag ako ang ginago mo at kapag ako ang gumanti, mas gago pa ako sa'yo.

Una siyang naglayo ng tingin. I was clenching my fists real tight but when I noticed he was blushing, I was stunned.

"Your name does not suit you at all. You're too fierce for serene."

Napikit-pikit lamang ako roon. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa biglang pagbabago ng direksyon ng usapan na ito.

Huminga siya ng malalim at sandaling tumingin sa gitara niya. "May itatanong ka kanina. Ano 'yun?" Ibinalik niya ang tingin sa akin at nagulat ako na kalmado na ito 'di tulad kanina. His eyes even seems to have a little spark of kindness on it.

Alam kong hindi dapat ako tumatawa sa sitwasyon na tulad nito dahil kanina ay nagpupuyos na ako sa galit at konti na lang makakasuntok na ako ng isang tao. Napatakip pa ako ng mukha dahil sa 'di inaasahang pagtawa.

Pinaglalaruan ba niya ang nararamdaman ko?

"Anong nangyayari sa'yo?" taka niyang tanong na tila ba nawiwirduhan sa akin.

"Ako pa ng tinatanong mo, hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa'yo?"

"I just want to know what you would like to ask awhile ago."

"Why do you even care?" balik-sagot ko sa palagi niyang sagot sa akin sa tuwing tinatanong ko siya. At mukhang kahit siya ay walang kaide-ideya kung bakit. "Kung ganyan sana ang tono mo kanina hindi natin kailangang mag-away. Do we still need to annoy each other before having a civilized conversation?"

Hindi siya sagot. Bagkus, tumingin lang sa akin na puno ng kyuryosidad.

Huminga na lamang ako ng malalim. Mukhang may topak din itong lalaking ito ah. Pero sige, dahil maayos na siyang kausap kahit papaano sasagutin ko na ang tinatanong niyang tanong.

"'Yung tinutugtog mo kanina. Anong mga chords ang ginamit mo?" Tanong ko sa kanya pero wala ang tingin ko sa kanya kundi sa mga ibon sa taas.

"I don't know. I just made it."

"Mauulit mo ba kung ano 'yung kinakapa mong chords kanina?"

Tinaasan niya ako ng kilay pero dahan-dahan niyang muling ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Marahan kong pinakinggan ng mabuti ang tono na ginagawa niya. Napatapik-tapik pa ako sa may hita na may kasamang pagtango habang binubuo sa isip ko kung paano ko iyon magagamit sa kanta ko. Ngunit noong nalipat na ang tingin sa mga daliri niya na alam na alam kung ano ang pinipindot, napabuntong hininga ako ng kaunti. Kaya pala maganda at komplikado ang tono at tunog. He was using bar chords with a mixture of fingerpicking style.

"Wala na bang mas sisimple riyan? Basic chords lang ang alam ko sa gitara. I need the same tone but with an easy chords."

"Para saan ba?"

"Basta."

"Paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin?" Tulong? Wow, big word lalo na kung manggagaling sa kanya na wala namang pakialam sa mundo. Pero katulad ng ang sinabi niya sa akin noon, ayaw niya ng utang ng loob. Hindi man niya sabihin ngunit sa tingin ko ito ang paraan niya upang masuklian ang nagawa kong pagtulong sa kanya roon sa music storage sa Azure Resort. Well, he then remembered it afterall. Akala ko kasi kinalimutan na niya.

I sighed defeatedly and sat beside him. Nakapangalumbaba akong tumingin sa malayo. "Para doon sa sinusulat kong kanta. Hindi ko malapatan ng tamang tono. Kaya nga noong narinig ko 'yung iyo, I think it was the perfect tune for my song."

"Kung kanta para sa Battle of the Bands ang tinutukoy mo, hindi mo naman na kailangang problemahin ang music arrangement dahil kami naman ang tugtugtog at ikaw ang kakanta." Muli niyang sinimulan ang pagi-strum ng gitara.

"Syempre gusto ko rin na bago maipasa kay Mr. Valdez 'yung kanta buong-buo na siya. Ayoko namang mapahiya. I don't want to hand-in anything unfinished." Mas lalong humaba ang nguso ko habang nag-iisip ng malalim ngunit noong may ideya na pumasok sa isipan ko ay agad ding nagliwanag ang aking mukha. "Ah! Paano kaya kung turuan mo na lang ako?"

Napahinto siya sa tinutugtog. Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya.

"No."

I made a face with his short answer.

"Bakit hindi?"

"Kay Niel ka magpaturo."

Masaya ako na kahit papaano ay kinakausap na niya ako pero naroon pa rin 'yung masungit na tono sa boses niya lalo na ang marahang pag-irap irap ng mga mata niya na tila ba nakasanayan na niyang gawin iyon.

"Paano kung ikaw ang gusto ko?"

"Ayoko."

"Pero bakit?"

"I said, no." Nasa tono niya na wala nang dapat pang pag-usapan tungkol sa bagay na iyon. Muli niyang ibinigay sa akin ang malamig na tingin na tila ba nauubos na ang pasensya sa akin. Napailing na lamang siya sa sarili at kinuha ang bag niya sa gilid. Tumayo siya para umalis ngunit agad ding napahinto. "'Yung tungkol doon sa nangyari sa music storage..."

Huminga ako ng malalim at hinayaan na lamang ang sarili na maramdaman ang lamig ng hangin sa balat ko. "Huwag kang mag-alala, wala akong pinagsabihan kahit kanino."

"Why? Why did you do that?" mahina niyang tanong, ang likod niya ay nasa akin. "Alam ko namang katulad ng lahat, naiinis ka rin sa akin. You can use that to bring me down."

"Hindi ako gano'ng klaseng tao. Using someone's weakness to bring someone down? That's pathetic. Kung may gusto akong pabagsakin, gusto ko harapan. Kahit magsuntukan o magbarilan pa kami wala akong pakialam. Because there is nothing more honorable than winning a fair fight."

Gusto ko sanang gamitin na dahilan ang pagtulong ko sa kanya roon para turuan niya akong tumugtog ng gitara ngunit pinigilan ko ang sarili. Ayoko naman na mapilitan lang siya dahil kailangan niyang gawin. Ayokong mang-blackmail. Gusto ko kapag tinuruan niya ako, bukal sa loob niya. Mahirap mamilit sa isang tao kung ayaw niyang gawin ang isang bagay.

May kung anong ngiti ang sumilay sa aking mga labi. May naisip akong ideya. "Ano bang kailangan kong gawin para turuan mo ako?" Nagulat siya noong bigla na lamang akong sumulpot sa harap niya na akala mo isang kabute. "Turuan mo akong itugtog 'yung sinasabi kong tinutugtog mo kanina. Oo magaling din si Niel pero nakuha mo 'yung tono na gusto ko at ikaw lang ang may alam no'n. Kaya turuan mo na lang din ako. Sige na. Please?"

"No." Ipinagpatuloy niya ang maglakad pero hinarang ko siyang muli.

"Please? Jace sige na." Ipinagdaop ko pa ang mga palad sa harap niya na may mahabang nguso para sa isang pakiusap. Ngayong kaharap ko na siya mismo, ngayon ko lang napansin na matangkad nga talaga siya. Halos tumingala ako sa kanya makita lang ang mukha niya. Leeg lang niya yata ako. Hindi man lang umabot sa may baba niya. Ang saklap lang.

Huminga siya ng malalim at saka humalukipkip. He looked intimidating and I looked like Puss 'n Boots with big pleading eyes.

Siguro pinag-iisipan na niya ng mabuti ang sinabi ko kaya sabik talaga ako na marinig ang sasabihin niya. Ngunit noong bigla niyang sinambit ang pamilyar niyang 'no'. Naglaho ang ngiti sa mga labi ko.

"Jace, wait! Bibilhan kita ng cookies! O burger! O kaya, kahit tagalinis na ng kotse mo okay lang!" Habol ko pa sa kanya sa may hallway pero wala siyang pinakinggan at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Ano kaya ang kailangan kong gawin para mapa-oo ko siya sa balak ko?

Sumunod ang mga araw na paulit-ulit ko lang siyang kinukulit kung pwede na niya akong turuan. Katulad na lang noong isang araw noong nagtago ako sa may gilid ng pader at hinintay ang pagdating niya.

"Jace!" tumalon ako sa harap niya na parang bata at halos mapatalon naman siya sa gulat. "Jace pumayag ka na. Heto may dala akong cake. Pang suhol este, regalo! Turuan mo na ako please?"

"No." Sagot niya tapos saka ako muling nilagpasan.

Noong sumunod na araw. Sinalubong ko pa siya roon sa may band room ng malaking placard na may nakasulat na, "PLEASE SAY YES!" Sa mata ng mga school mates namin para akong nanliligaw ng lalaki. Grabe na lang ang tawa ko dahil wala akong pakialam sa sinasabi nila. Pero si Jace ay sinagot lamang niya ako ng malamig niyang 'no' bago ako dinaanan.

Sa school hallway ay bigla na lang din akong sumusulpot sa tabi niya sabay tanong ng, "Turuan mo na akong mag-gitara please?" pero 'no' pa rin ang sagot niya. Basta, sabi ko sa sarili ko hindi ako basta-basta susuko.

Kaya mo 'yan Serene!

Sa school garden magsasalita pa lang ako pero ang sabi niya, "No."

Sa labas ng school, "No."

Noong nakita ko siya sa mga lockers, "No."

Kahit pa noong sinundan ko siya sa library. Tinakpan lamang niya ang mukha niya at napapikit na napahawak sa kanyang sentido na tila ba napapagod na siyang makita ako araw-araw na nangungulit sa tabi niya.

"Ano ba sa salitang 'no' ang hindi mo maintindihan?" Naiinis niyang tanong sa akin pero wala nang epekto ang pagsusungit niya sa halos dalawang linggo ko na pagsunod-sunod sa kanya.

"Then I think better luck tomorrow na naman?"

"Tumigil ka n—"

Tumayo ako at itinaas ang mga kamay sa hangin na puno ng determinasyon. "Hayaan mo, mag-iisip ako ng bagong pakulo sumagot ka lang ng 'YES!'" Magsasalita pa sana siya pero nagi-skipping jack na ako palayo, nag-iisip ng mga maaari ko pang gagawin para makuha ko ang matamis niyang 'oo'.

"Hoy Serene, ano 'yang ginagawa mo ha?" tanong sa akin ni Abby noong makita ako na gumuguhit ako sa isang itinuping coupon bond.

"Sinusubukan kong gumawa ng card para kay Jace."

"Para kay Jace na naman? Noong isang linggo ka pa Jace ng Jace ah! Grabeng effort na 'yan friend. Ang haba na ng buhok niya masyado sa'yo!"

"Kailangan eh. Gusto kong siya ang magturo sa akin na maggitara."

"Eh bakit ba siya? Bakit hindi na lang si Niel? Diyos ko naman friend, sumuko ka na. Wala ka nang mapapala sa Jace na 'yun."

"Siya lang ang may alam ng tono na gusto ko. Kaya hindi ko siya titigilan. Kailangan niyang ituro sa akin 'yun." Sagot ko pa kay Abby. "I believe in the saying that—"

"Ay ay ay!" takip niya ng bibig ko bago ko pa masabi ang gustong sabihin. "Sige na tama na. Naniniwala na ako sa'yo. Ayan na naman mga words of wisdom mo eh. Qoutang-qouta ka na." Natatawa ko na lamang na hinampas palayo ang kamay niya.

Umayos siya ng upo sa tabi ko at nakapangalumbaba na nagsalita. "Kung ako sa'yo friend, bakit hindi mo na lang tanungin 'yung mga kaibigan niya kung anong mga gusto niya para hindi ka nag-eeffort sa wala? Syempre sigurado sila, kilala nila si Jace. Para mapasagot mo na siya."

"Grabe lang talaga 'yang 'para mapasagot mo na siya' na linya. Mahabag damdamin! Anak ng ewan, gusto ko lang turuan niya akong maggitara pero sa mata ng iba mukha pa akong nanliligaw ng lalaki para sa ibang dahilan!" humagalpak ako ng tawa roon. Alam kong mukha na akong tanga nitong mga huling araw kakabuntot kay Jace pero wala akong pake. Basta tuturuan niya ako. Konting push pa. Papayag na rin siyang turuan ako.

"Ang tibay mo rin kasi Serene eh. Kita mo na ngang sinusungitan ka na at lahat, ang kulit-kulit mo pa rin! Saan mo ba nakukuha 'yang energy na 'yan?"

"Hindi ko rin alam Abby basta ang alam ko, natutuwa ako sa tuwing naaasar ko siya."

"Baliw ka talaga."

Noong dumating ang uwian ay dumiretso ako sa rooftop para mangulit muli sa kanya pero wala siya roon. Pumunta rin ako sa band para sa band practice nila ngunit kahit doon ay missing in action siya.

Tinataguan ba ako no'n?

"Wala si Jace?" tanong ko kay Rico na kasalukuyang kumakain ng isang malaking bag ng potato chips.

"Hindi ko rin alam babes eh. Alam mo naman 'yun, nagdi-disappear na lang bigla. Gusto mo? Kain tayo!" Kumuha ako ng pagkain doon sa chips niya. "Pansin ko lang babes ah, bakit parang lately hinahanap-hanap mo si Jace? Yiee! Mahal mo na ano?"

"Sira, may gusto lang ako na makuha." Natatawa kong sagot.

"Ano?"

Ngumiti ako ng kay laki. "Ang matamis niyang 'oo'." Biro ko pa na lalo niyang ikinatawa.

"Malala ka na babes."

"'Sus nagsalita naman ang hindi." Sinabi ko naman na sa kanila matagal na kung ano ang pakay ko kay Jace. Makulit lang talaga si Rico kaya paulit-ulit niyang itinatanong.

"Sumuko ka na kay Jace babes. Hindi mo mapapasagot 'yun. Allergic 'yun sa tao eh. Ewan ko ba sa'yo kung bakit si Jace pa ang kinukulit mo. Nandyan naman si Niel." As if on cue, Niel entered the band studio with his guitar. "Niel! Ikaw na lang daw ang magturo kay babes na tumugtog ng gitara."

"Hoy, hala. Rico!" bulong-sigaw ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso. Tumawa lamang siya. Ang lokong ito. Wala naman akong sinasabi!

Kumaway lamang sa amin si Niel at ngumiti ngunit pagkatapos no'n ay inabala na niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa band practice. Hindi na kami gaanong nakakapag-usap ngayon dahil wala akong ginagawa kundi kulitin si Jace. Parang iniiwasan pa nga yata ako ni Niel dahil sa tuwing kinakausap ko siya ngumingiti lang siya sa akin pero hindi na siya 'yung dating Niel na nakilala ko na sobrang daldal.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Rico at saka bumulong. "Nagtatampo 'yan sa'yo."

Napakunot-noo ako. "Bakit naman?"

"Syempre, dalawa sila ni Jace na magaling maggitara pero bakit daw kay Jace ka pa lumalapit at hindi sa kanya."

"Sinabi niya 'yun?"

Noong una ay seryoso pa ang mukha ni Rico ngunit matapos marinig ang tanong ko ay bigla ulit siyang ngumiti. "Hindi. In-assume ko lang."

Pabiro ko siyang hinampas sa may braso. "Baliw!" Pero pagkatapos no'n ay tumayo na ako at lumapit kay Niel.

"Kailangan mo ba ng tulong diyan?" tanong ko sa kanya noong makita na inaayos niya ang mga cords ng saksasakan sa baba.

"No. It's okay I'm fine." Sagot niya pero umupo pa rin ako sa tabi niya at tinulungan siyang pagbuhulin ang mga saksakan na nagkandabuhol-buhol na sa paanan namin.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang inaayos 'yun. Hindi naman niya ako pinigilan so I take it as a good sign. Noong matapos kami ay ngumiti ako sa kanya.

"Gusto mong kumain ng chocolate sundae sa cafeteria? Wala pa naman sina Shane. May oras pa tayo bago dumating si Mr. Valdez."

Natahimik lamang siya roon. Napapikit-pikit. Pagkatapos ay may kung anong saya ang sumilay sa kanyang mga labi. "Talaga? Game."

Pinagmamasdan namin ni Niel ang mga tao sa cafeteria habang kumakain ng chocolate sundae. Kanina pa kami nagbibiruan at nagtatawanan dahil pinagti-trip-an namin ang mga estudyante na makita namin.

"Ayun, nakikita mo ba 'yung magsyota na nakaupo?"

"Saan?" tanong niya sa akin habang inililibot ang tingin sa paligid.

"'Yung nakaupo sa may gilid malapit sa may bintana." Pasimple ko pang itinuro ang sinasabi ko. Nag-uusap ang dalawa. Mukhang seryoso. Kunwari kong iniba ang boses at dina-dub ang sinasabi ni ate. "Ayoko na sa relasyon na ito. Maghiwalay na tayo."

Katulad ng kanina naming ginagawa ay agad akong sinabayan ni Niel sa kabaliwan ko. Iniba niya rin ang boses at kunwari siya 'yung lalaki, sinasabayan niya ang pagbuka ng mga labi nito na akala mo ito talaga ang nagsasalita. "Bakit naman honey? Akala ko ba tayo na forever?"

"Ang lakas mo kasing umutot honey. Segundo pa lang para na akong mahihimatay. Paano pa kung forever na?"

May umalpas na tawa sa mga labi ni Niel. Ipinagpatuloy pa namin ang mga ginagawa naming kalokohan kaya halos maubo-ubo ako roon kakatawa.

"Parang gusto ko pa ng chocolate sundae." Sabi ni Niel noong maubos niya ang maliit na baso ng ice-cream na kinakain.

"Tama na 'yan. Kakanta ka pa para sa practice. Mamaya kapag bigla mong hindi naibuka 'yang bibig mo mahuli tayo ni Mr. Valdez na kumain ng ice cream."

Mahaba ang simangot na ibinigay niya sa akin. He dramatically sighed.

"Bati na ba tayo?" wika ko na ikinagulat niya.

"Bakit? Hindi naman tayo nag-away ah."

"Ayoko lang kasi 'yung pakiramdam na hindi kami okay ng isang kaibigan. Mabigat sa dibdib." Malungkot akong ngumiti sa kanya. "'Yung tungkol sa pangungulit ko kay Jace..."

Yumuko siya roon sa mesa at saka ngumiti. "Alam ko naman 'yun eh."

"Magaling kang maggitara Niel. Ang kaso 'yung tono na gusto ko para sa kanta na sinusulat ko ay alam niya."

"I understand."

"Pero alam mo, ngayong napapaisip ako kung bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng effort na 'yun para mapa-oo si Jace may na-conclude ako."

"Ano?" Iniangat niya ang tingin sa akin.

"Isang pamilya na tayo sa banda. Ang weird naman kung nasa iisang pamilya kami ni Jace pero hindi kami nagpapansinan. Okay na ako sa inyong lahat pero sa kanya, parang sa kanya na lang ako hindi welcome. Kaya kahit papaano gusto ko ring maging okay kami para mas lalong maging masaya ang pagsasama nating lahat sa journey na ito. Para mas lalo kong maramdaman na welcome na talaga ako sa banda. Oo gusto kong magpaturo sa kanyang maggitara but at the same time, gusto ko rin siyang maging kaibigan katulad mo, katulad niyo. Huwag mo sanang bibigyan ng malisya 'yon." Ewan ko kung bakit ko pinapaliwanag ang lahat ng ito sa kanya. Ayoko lang talaga na maramdaman na hindi kami okay. Parang ang sakit sa dibdib.

"The last time na nag-usap tayo sa Azure Resort, sabi mo okay lang sa'yo kahit hindi mo na kausapin si Jace dahil naiinis ka sa kanya. Anong nangyari?"

"Hehe. Change of plans."

Huminga siya ng malalim.

"Gusto mo talagang makuha ang approval ni Jace para turuan ka at para maramdaman mong welcome ka na talaga sa banda?"

Tumango-tango ako sa kanya. "Tama."

"Mukhang mahihirapan ka riyan."

"Thanks for the support. Halos nga yata lahat kayo ayan ang sinabi sa akin." Sarkastiko kong sagot na ikinatawa niya. Bumabalik na ang kilala kong Niel. Masaya ako na okay na kami ulit.

"No, I was just saying the truth. We were just saying the truth. He was hard to crack. Better to give up now."

"No. Why would I do that, nasimulan ko na, ngayon pa ako hihinto?"

Huminga siya ng malalim. "Hindi ka talaga papaawat ano?"

Sumimangot ako sabay iling. "Ginawa ko na lahat. Binigyan ko na siya ng mga regalo. Kinukulit ko na siya. Minsan hindi na nga ako nagsasalita pero ngumingiti lang ako sa kanya pero lahat ng iyon binabalewala lang niya. Hay buhay." Ginulo ko ang buhok ko. "Ano bang gagawin ko? Ano bang gusto niya? Maging bato rin ako gano'n?"

"Siguro matutulungan kita riyan."

Biglang nagliwanag ang mukha ko. "Talaga?"

Pinalapit niya ako sa kanya. Umabante naman ako. "Ang sikreto kasi niyan..." tapos ibinulong niya sa akin ang isang sikreto na talaga namang nagpangiti sa akin ng bonggang-bongga. 


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.8K 41
She was a person whose life is just full of fun and adventure. Not until she met Sunjae Lee, the person that she needs to kill. But will she?
227K 800 34
A reader, and an observer. This includes some review to encourage you more to read the story suggested. Kung wala ka nang mabasang matino sa Wattpad...
32.9K 218 38
Poems originally written by yours truly. English, Taglish and Tagalog poems for everyone. If you have a topic and wanted a poem about it. Please don...
439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)