Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold

68.3K 1.1K 49
By wistfulpromise

CHAPTER 8 – AT WAR WITH MR. COLD

SERENE

Puyat akong pumasok sa school kinabukasan. Kahit pa si Manong Raul ay nagulat sa eyebags ko na biglang lumitaw matapos ang isang gabi ng pag-iisip kung anong dapat kong gawin upang mabawi ang bag ko at kung paano ko maisosoli ang bag na ito sa kanya.

"Okay ka lang Serene?" nag-aalalang tanong sa akin ni manong lalo na noong makita niya na tulala akong pumasok doon sa loob ng kotse.

"Manong, ano ang pinakamabisang paraan para mamatay?"

"Mamatay? Hala, bakit?"

Napasabunot ako ng buhok. "Manong Raul! Nagkapalit kami ng bag ng isang schoolmate ko at hindi ko na alam kung anong gagawin!"

"Naku naman bata ka akala ko kung ano na, bag lang pala. Pinakaba mo ako roon ah."

Tinulak-tulak ko si Manong Raul na naghahanda na upang paandarin ang sasakyan. Hinila-hila ko pa ang damit niya. Gusto kong umiyak pero walang luha na tumutulo mula sa aking mga mata. Marahil nababaliw na nga ako dahil patuloy ako sa pagngawa sa harap niya. Pero sanay na yata siya sa akin dahil parang wala na lang sa kanya ang ginagawa ko.

"Hindi n'yo naiintindihan! Manong hindi lang 'yun isang bag okay? Nandoon 'yung mga notebooks ko. Nandoon 'yung assignment ko sa bag na nasimulan ko sa school kahapon pero hindi ko natapos. At 'yung assignment na iyon ay ipapasa ngayon sa first subject. Papatayin ako ni Ms. Christina, Manong Raul. Papatayin niya ako!"

"Sino ba kasi ang kaklase na iyan? Eh 'di bibilisan ko na lang ang pagmamaneho para maaga kang makapasok. Tapos puntahan mo siya 'di ba? Gawin mo na rin 'yung assignment mo. Magpaturo ka sa mga kaklase mo o kaya kumopya ka na lang. Eh 'di tapos ang problema 'di ba?"

"Manong Raul hindi n'yo kilala kung anong klaseng ng tao ang napagpalitan ko ng bag okay? Pipi nga yata eh. Ni hindi nagsasalita! Tapos kung makatingin sa akin akala mo ako ang may kasalanan ng global warming pati na rin sa patuloy na war sa buong mundo. Galit yata sa mundo 'yung taong 'yun eh. Ni hindi ngumingiti."

"Eh 'di ngitian mo. Wala namang gulo na hindi naaayos sa isang maayos na usapan."

Pero hindi ko pa rin matanggal ang haba ng nguso ko. Jusko! Ano bang gagawin ko?

Binilisan talaga ni Manong Raul ang pagmamaneho kaya nakapasok ako ng maaga. Binigyan pa niya ako ng isang masigabong pagkaway bilang good luck daw sa akin. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay tumatawa na ako ngayon pero sa pagkakataong ito ay hindi ko magawa iyon. Parang akong natatae sa itsura ko ngayon pero ang totoo niyan, problemado lang talaga ako.

Ayoko ngang lapitan ang lalaking 'yun. Bakit kasi sa kanya pa. Pwede namang si Niel 'di ba? O kaya si Rico? Bakit siya pa?

Tinakbo ko agad ang band studio pero walang tao. Pumunta rin ako sa Section A class pero wala pa ring gaanong estudyante. Hinanap ko pa si Mr. Valdez o kaya kahit sino sa kanila sa banda upang magtanong kung nasaan si Jace pero wala naman akong nakita ni isa sa kanila.

Pinakialaman niya kaya ang mga gamit ko? Binuksan din kaya niya ang mga notebooks ko at binasa ang mga naroon? Gustong magmura ng mga labi ko pero pinigilan ko na ang sarili bago pa ako may masabi. Ayoko talagang nagmumura pero sa mga ganitong pagkakataon, wala ka na talagang ibang salitang maihahambing sa nararamdaman mo kundi ang isang napakalutong na mura.

"Nasaan ba ang lalaking iyon?" hawak-hawak ko ang bag niya sa kamay ko. Nandito ako sa may school garden at kanina pa ako pagod kakalakad at kakatakbo upang hanapin siya. Umupo ako roon sa tabi ng puno, naiinis sa sarili dahil sa kapabayaan ko.

"Basta stay positive lang. Mahahanap mo rin siya Serene. Mababawi mo ang bag mo. Chill ka lang. Relax." Huminga ako ng malalim.

Pinagmasdan ko saglit ang bag niya at bigla akong napaisip. Ano kaya kung may naisulat siya sa notebook niya na lugar kung saan siya palaging pumupunta? O kaya class schedule niya. Tama! Nabuhayan ako ng loob at binuksang muli ang bag niya.

Ayoko talagang nakikialam ng gamit ng may gamit pero importante lang talaga. Kagabi nga ay pagkatapos kong malaman na hindi akin ang mga gamit na inilabas ay ipinasok ko na agad ito sa bag niya pabalik at hindi na muling binuksan. Ito pa lang ang pangalawang beses.

Binuklat ko ang mga notebook niya. Namangha at nagulat ako sa ayos at ganda ng mga lecture notes niya. He wrote with a perfect cursive kahit pa 'yung hiwa-hiwahiwalay na sulat ay kay ayos at kay linis. Ni walang mali o kahit anong correction. Nakakahiya ang sulat ko. Parang kinalaykay ng manok. Walang-walang panama sa ganda at ayos ng kanya.

Binuksan ko ang isang notebook niya na may nakasulat na Mathematics sa harap.

"Hala! One hundred percent lahat ng grade niya sa homeworks niya?!" gulat kong sambit.

'Yung equation niya pati na rin 'yung mga explanations niya sa bawat Math problem ay kay ayos niyang naipaliwanag. Kahit ako na nagbabasa ay naiintindihan iyon na akala mo sa pagbabasa lang ng sagot niya ay alam ko na rin kung paano i-solve. His answers was simple and on point. He makes Math like the easiest subject in the world.

Bakit ba may mga taong pinagpala pagdating sa Math? Gusto kong maiyak. How to be you po?

Wala akong napala sa mga notebooks niya kundi sama ng loob. Gwapo na nga siya, magaling tumugtog ng gitara tapos matalino pa. Paano ba maging gano'n? Paanong maging katulad nila nina Clarisse na talentado?

Totoo nga ang sabi ni Abby at Kate. Dasal lang talaga. Dasal lang.

Fifteen minutes bago ang second bell, panay pa rin ang paglakad ko sa hallway upang hanapin siya. Wala pa rin kasi siya sa klase niya. Kahit doon sa band studio ay wala siya. Tinanong ko na sina Nathan na baka sakaling alam nila kung nasaan siya pero sabi nila hindi rin daw nila alam dahil madalas siyang nagdi-disappear kailanman niya gustuhin.

"Ano bang meron? Bakit mo siya hinahanap?" tanong sa akin ni Rico. Noong una hindi ko pa maintindihan kung anong sinasabi niya dahil may lollipop siya sa bunganga.

Hindi ko na naitago ang paghaba ng nguso ko sa kanya. "Nagkapalit kami ng bag ni Jace. Isosoli ko sana sa kanya."

"Ooh." Ang tangi niyang nasambit. Puno ng reyalisasyon sa kanyang mukha.

"Anong 'ooh'?"

"Wala lang. Kasi kahapon noong kumakain kami roon sa isang restaurant, may hawak-hawak siyang notebook na kahapon ko lang nakita. Akala nga namin gumagawa lang siya ng homework kaya hindi na namin siya pinakialaman. 'Yun pala hindi pala kanya iyon. Sa'yo pala." Tumawa siya.

Ano? Pinakialaman niya ang notebooks ko?!

"O, sakto pala eh. Jace! Hinahanap ka ni Serene!" Parang robot na gumalaw ang ulo ko upang lingunin ang taong kinakawayan ni Rico.

Naroon si Jace, kaswal na nakatayo sa likod ko na akala mo walang kakaibang nangyayari. Inabot niya sa akin ang bag ko.

"Akin na ang bag ko." Ang tangi niyang sinabi kaya agad kong kinuha ang akin at inabot ang kanya. Agad kong binuksan ang bag ko at napapikit ng mga mata noong makita kung gaano ito karumi dahil sa dami ng basurang iniwan ko lang doon.

Nakita niya ang lahat ng ito. Nakakahiya. Nakakahiya talaga.

Pero hindi iyon ang pinakapinag-aalala ko kundi ang Math notebook ko na—"Bakit ang daming corrections?!"

"Puro mali ang mga sagot mo. No wonder you are flunking it so badly." Sabi niya. Binuklat ko ang bawat pahina. Mula sa pinaka-umpisa ng mga equations at word problems sa notebook ko ay tinama niya. Kahit pa 'yung mga assignment ko na hindi ko pinasa. At kahit pa 'yung assignment ko na sinimulan ko na hindi ko tinapos, hindi nakatakas sa red ink ng ballpen niya. Sinagutan niya at tinapos. Lahat.

Iniangat ko ang tingin sa kanya ngunit inilayo niya ang tingin sa akin sabay bulsa ng mga kamay.

"Tinapos ko na. I feel bad. Simple questions and you can't even answer. No wonder you're in Section D."

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang may makaalam ng sikreto ko. Walang iba kundi ang kahinaan ko sa Math! Pero kung paano niya sinambit ang Section D ay parang napakalaking insulto sa akin. Math lang naman ang kahinaan ko, pero nage-excel ako sa ibang subjects. Pare-parehas sila ng mga ibang taga ibang section na kung maka-look down sa mabababang section, wagas.

"Wow salamat ha. Naabala pa kita. Pero kung hindi mo sana pinakialaman ang gamit ko, mas maganda sana 'di ba? Para hindi mo ipinapamukha sa akin kung gaano ako katanga, Mr. Genius." Alam kong narinig niya ang pait sa boses ko dahil bigla niyang ibinalik ang tingin sa akin.

"That's not what I meant to say."

"Pero 'yun ang pinamumukha mo sa akin."

"Ikaw ang nanguha ng bag ko."

"Ako ba ang nagtabi ng bag ko sa bag mo?"

Dahan-dahang kumunot ang noo ni Jace dahil sa inis. "Bakit ka ba nagagalit? Ikaw na nga ang tinulungan."

"Sino bang nagsabi na kailangan ko ng tulong mo? Pinakialaman mo pa ang gamit ko!"

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, hindi mo ba gagawin iyon? You clearly saw a stranger's bag in your possession, hindi mo ba papakialaman para malaman kung kanino 'yun?"

"Pero wala kang karapatan na sulatan ang notebook ng may notebook!"

Pabalik-balik ang tingin ni Rico sa bawat palitan namin ng salita. Parang hindi na niya alam kung saan titingin.

Halatang wala na siya sa mood dahil sobrang lukot na ng mukha niya. Puwes ako rin. The feelings are mutual.

"You know what, all I want to hear from you was a simple thank you. Ni hindi mo man lang masabi iyon." Sabi niya na nakapagpahinto sana sa sasabihin ko.

Tumunog ang bell na nagsasabing kailangan na naming pumunta sa klase namin para sa flag ceremony. Magsasalita pa lang sana ako noong bigla na lang siyang tumalikod at naglakad palayo.

"Wow." Iyon na lamang ang nasabi ni Rico sa tabi ko. "Did I just saw all of that?"

Inis kong ipinasok ang notebook sa bag ko. Pero sa ikalawang banda ay hindi ko mapigilang mapaismid dahil tama siya. Bakit nga ba hindi na lang ako nagpasalamat para matapos na ang lahat ng ito?

Ang hirap kasi sa akin minsan masyado akong palaban. I'm always cool and relax pero hindi ko lang talaga napigilan na uminit ang ulo ko. Siguro dahil na rin sa hiya na napunta sa inis dahil nahihiya talaga ako sa kanya na nakita niya kung gaano kagulo ang bag ko at kung gaano ako kahina sa Math.

Napasampal ako sa aking mukha. Mukhang mas lalo kong pinalala ang sitwasyon sa aming dalawa.

Pinagtitinginan ng lahat ng mga kaklase ko ang notebook ko matapos nilang malaman na si Jace Alvarez mula sa Section A ang may gawa no'n.

"Kaya pala nasagot mo lahat ng tama ang lahat ng tanong ni Ms. Christina sa'yo kanina. Akala ko naging one night genius ka bigla eh." Sabi pa sa akin ni Kate. Hawak-hawak niya ang notebook ko pero inagaw ito ni Abby.

"Nakikita n'yo ba ito? Syet! Ang ganda ng sulat niya!"

"Ay ako patingin-patingin!"

"Teka lang pipicture-an ko 'wag kayong magulo!"

"Oh my gosh penmanship ni Jace Alvarez! Pa-arbor please!"

"Hindi ko alam na friends na kayo ha?" pabiro pang kalabit sa akin ni Abby. Mabuti na lang at wala si Ms. Christina dahil may kinuha siya sa office. Sandali niya kaming binigyan ng seatwork para may gagawin daw kami pero halata namang wala kaming ginagawa kundi pag-usapan ang notebook ko.

"Friends? Anong friends? Enemy kamo." Naikwento ko na kasi sa kanila ang nangyari sa amin kanina at wala silang ibang ginawa kundi tumawa at tumili dahil kinausap daw ako ng isang Prinsipe ng school. No comment na lang ako roon.

"Pero akalain mo 'yun, nakalapit ka sa taong iyon? Wala ngang nakakalapit doon kahit pa si Clarisse. Mga kaibigan lang niya ang binibigyan niya ng pansin eh. Pst, hoy." Siniko-siko ako ni Kate. "Share ka naman ng sikret dyan. Paanong kinausap ka ng isang Jace Alvarez lang naman?" ayan na naman ang kinikilig niyang tili.

"Naku sinasabi ko sa inyo. Mali 'yang iniisip n'yo."

Pagdating ng lunch ay kinakain na ako ng konsensya ko. Oo aminado na ako, malaki nga ang nagawa ng ginawa niyang correction sa mga notes ko dahil iyon pa nga ang ginamit namin sa buong klase para sa lecture notes. Mas madali kasi itong intindihin kaysa 'yung equation na ginamit ni Ms. Christina. Napuri pa ako na ako ang may gawa kahit sinabi ko namang hindi.

Habang naglalakad sa hallway sa ika-apat na palapag ay may nakita akong isang pintuan patungo sa rooftop na nakaawang ng kaunti. May nakalagay na 'Do Not Enter' sa taas ng pinto ngunit parang hindi nakinig ang kung sino man na pumasok dito. Pero paano kaya kung naiwan lang itong bukas ng janitor at nakalimutang isara? Isasara ko na sana noong may narinig akong marahan na pagtunog ng isang gitara. Wala sa sarili ay sinundan iyon ng mga paa ko at pumasok sa loob para umakyat sa hagdan papunta sa taas kung saan naroon ang school rooftop.

Laking gulat ko noong makita si Jace na nakaupo 'di kalayuan, ang likod niya ay nasa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat noong marinig siyang umaawit. Sinasabayan niya ng kanta ang musikang binubuo niya mula sa hawak na gitara. Bukod pa roon, isa sa mga paborito kong kanta ang kinakanta niya. Walang iba kundi ang 'Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus' kaya naman hindi ko mapigilang hindi pakinggan.

Kay ganda ng boses niya, may lalim at puno ng emosyon. Alam niya kung paano laruin ang boses, naaabot niya ang matataas na nota ng kanta ng walang kahirap-hirap. Lalo na ang vibrato pati na rin ang bawat pagkulot. Natutuwa ako at napapangiti sa sobrang ganda. 'Yung boses niya 'yung tipong hindi nakakasawang pakinggan. Ang suave. Ang ganda. Ang linis. So manly.

Ngunit mayamaya pa ay agad siyang napahinto sa ginagawa. Bigla akong nanlamig.

Crap. What to do? What to do?!

Aalis na sana ako noong marinig ang boses niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Mayroon sa mukha niya na hindi siya natutuwa na makita ako rito.

Tinuro ko ang pinto na pinanggalingan ko. "Ah, eh... a-ano." Huminga ako ng malalim. Wala na akong takas dito. "May narinig kasi akong kumakanta kaya hinanap ko. Hindi ko naman alam na ikaw pala 'yun?" Kabado akong natawa. Ano bang mayroon sa mga tingin niya na bigla na lang nagpapakaba sa akin?

Tumayo siya mula sa kinauupuan. Hindi ko maiwasang mapaangat ng tingin dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya katangkad. Leeg niya lang yata ako. "Tapos na ang palabas kaya pwede ka nang umalis."

Ano na ba ang sasabihin ko? Ah, oo tama! Pagkakataon mo na ito Serene!

"Salamat." Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Salamat pala roon sa ginawa mo."

Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha niya. His eyes was still cold, hard and emotionless. That's when I know I'm in deep shit. Pero sinubukan ko pa ring isalba ang pagkakataon na ito. Marahan akong ngumiti sa kanya. "Ang ganda pala ng boses mo." At totoo ang sinabi ko. Walang halong biro. Subalit imbis na maayos, mas lalo lang yata siyang nainis.

"Bingi ka ba? Please, leave."

"Alam mo kung palagi kang nakasimangot, sayang ang kagwapuhan mo." Naglakad ako papalapit sa kanya. Alam kong hindi niya inasahan iyon dahil sandali kong nakita ang gulat sa kanyang mga mata na mabilis niyang naitago. Magaling siyang magtago ng tunay na nararamdaman. Iyon ang napansin ko sa kanya. Ewan ko ba sa sarili pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot habang nilalapitan ko siya. What I feel was a deep sense of peace and comfort. Was that weird?

Kinuha niya ang gitara at saka isinukbit ang bag sa balikat. "Ano bang pakialam mo?" galit niyang wika bago umalis doon at iniwan akong mag-isa.

I am really good at making trouble. At iyon ang totoo. May ilang beses kong tinatampal-tampal ang pisngi dahil sa panibagong kagagahan na nagawa. Hay naku.

Sa may hallway sa unang palapag ay napansin ko si Niel na nakatayo sa harap ng isang bulletin board. Halatang malalim ang iniisip dahil bahagya pang nakatupi ang mga braso sa dibdib samantalang ang isang kamay ay nasa ilalim ng baba.

Tahimik akong tumabi sa kanya upang tingnan kung anong pinagmamasdan niya. 'Yung poster ng Battle of the Bands ang salarin kung bakit siya tulala. Noong nalingat siya sa tabi niya ay nagulat siya noong may tao na roon. Kunwari rin na nagulat ako na naroon siya kaya parehas kami ng itsura. Pero agad din akong nagsabi na 'joke lang' sabay tawa. Tapos sinabi ko sa kanya na nakita ko siya roon kaya lumapit na rin ako para makita kung anong tinitingnan niya.

"Grabe ginulat mo ako roon ah. Akala ko kung sino na."

"Ikaw kasi kung makatitig ka riyan akala ko kung anong obra ang pinagmamasdan mo. 'Yun pala 'yung Battle of the Bands lang. Kinakabahan ka ano?"

Natawa siya ng konti. "Paano mo nalaman ang naiisip ko?"

"Magaling akong magbasa ng tao."

"Talaga?"

Tumango ako sa kanya. Huminga siya ng malalim. Sa ginawa niyang iyon ang nagkumpirma na tama nga ang hinala ko.

"Bakit ka ba kinakabahan? Eh halata namang sigurado na ang panalo niyo sa Battle of the Bands?"

"Paano ka naman nakakasiguro? Serene you know, this is so important to me. Kaya nga puspusan ang pagpa-practice namin 'di ba? Kasi gusto naming manalo."

"Mananalo kayo. Sinasabi ko ito sa'yo ngayon hindi dahil sa gusto ko lang pagaanin ang loob mo kundi, sinasabi ko ito sa'yo dahil iyon ang totoo. Dahil iyon ang nakikita ko. Niel magaling kang kumanta, magaling kayong tumugtog. Magaling kayo as a band. Kaya mo 'yan, okay? Go lang ng go!" iniangat ko pa ang dalawang kamay para i-cheer siya. Hindi naman ako nagkamali dahil napatawa ko siya.

"Alam mo ang swerte mo, mabuti ka pa may dimples ka 'no? Ako kasi wala." Reklamo ko habang tinuturo ko ang pisngi ko na wala man lang kabiloy-biloy na katulad ng kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya.

"Marami nga ang nagsabi."

"O siya sige, baka naiistorbo na kita. Aalis na ako."

"Ah, Serene?" habol niya sa akin noong naglakad na ako palayo. "Kumain ka na ba? Okay lang ba sa'yo kung yayayain kitang kumain? May baon kasi akong pagkain, hindi ko mauubos. Sayang naman kung itatapon ko lang." Nahihiya siyang napakamot sa ulo.

Napahawak ako sa tiyan. Ngayon na binanggit niya ang pagkain, ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako kumain ng tanghalian. Tiningnan ko ang oras sa suot na relo. "Kaso thirty minutes na lang eh. Magbe-bell na para sa klase natin sa hapon."

"Okay lang 'yan. We'll make this quick. I promise. Let's go!" Bigla na lang niyang hinila ang kamay ko papunta sa locker niya para kunin ang sinasabi niyang pagkain.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Naririnig ko na rin ang bulong-bulungan nila kung sino nga ba ako at bakit kasama ko ang isa sa mga Prinsipe nila.

Dumiretso kami roon sa may school garden at umupo sa ilalim ng punong narra. Inabutan niya ako ng sandwich. At totoo nga na ang dami niyang dalang baon para sa iisa lang.

"Sigurado ka bang okay lang sa'yo na kasama ako rito?" Tanong ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng iced tea na nakalata. Inabot ko ito at nagpasalamat sa kanya.

Napakunot-noo siya ng konti. "Oo naman. Bakit hindi?"

"Hindi ba magagalit 'yung girlfriend mo? Ayoko ng gulo."

"Girlfriend? Kaninong girlfriend?" taka niyang tanong.

"Aba, syempre girlfriend mo." Muntik na siyang nabulunan dahil sa sinabi ko. Agad kong inabot sa kanya ang bottled water na dala niya at saka marahan na tinapik-tapik ang likod. Hindi ko mapigilang matawa ng konti. Hindi ko kasi akalain na iyon ang magiging reaksyon niya.

"Wala akong girlfriend." Sabi niya mayamaya noong makabawi siya. "Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?"

"Kay Clarisse. Sabi niya boyfriend ka raw niya. May ilang beses niya na nga akong binigyan ng warning."

"Ginawa niya 'yun?"

"Yup."

"Sinaktan ka ba niya?" may pag-aalala sa kanyang mukha. "Huwag kang makinig sa sinasabi ni Clarisse. Halos lahat na yata sinabihan niyang boyfriend niya raw kami sa ibang tao. Pero hindi totoo iyon. Wala sino man sa amin ang may relasyon sa kanya. She was just a good friend. Nothing more, nothing less."

"Good friend ha. Grabe naman ang pagiging possessive."

"Gano'n lang 'yun but she's nice. Well, may konting pangit sa ugali—"

"Aba sa lagay niyang iyon konti pa? Niel, okay ka lang?"

Tumawa siya noong kunwari kong kinapa ang noo niya kung may lagnat ba siya o wala. "She's nice. She was just often misunderstood."

"Sabi mo eh." Ipinagpatuloy ko ang pagkain. "Salamat sa sandwich ah. Masarap siya. Sinong may gawa?"

"I made it."

"Really? Hala, ang espesyal naman pala nitong kinakain ko. Home made at gawa mo pa ha!"

Ngumiti siya sa akin. "Glad you like it."

Hinatid ako ni Niel sa klase namin na siyang ikinagulat ng mga kaklase ko na nakakita. Nagsihiyawan pa sila noong una sabay kaway kay Niel na ngumiti sa kanila pabalik. Halos mahimatay sina Abby at Kate pero noong nawala na siya at ako na lang ang naiwan doon, sa pangalawang beses ngayong araw na ito ay dinumog na naman nila ako sa mesa.

"What is freaking happening?! Kaninang umaga si Jace ngayon naman si Niel? Tell me Serene, sino pa sa mga Prinsipe namin ang isusunod mo ha? Si Shane? Nathan? Rico?!" Binatukan ko si Abby kasi O.A. na siya.

Sunod na nagsilapitan at nagsitanungan ang mga kaklase ko sa akin. May kasamang tilian at sigawan.

"Pero anong meron? Anong meron?"

"Totoo ba ang naririnig naming chismis na nililigawan ka raw nila ha?"

"Nakita ka rin daw kanina na nakikipagtalo kay Jace, lover's quarrel agad?"

"Kausap mo rin daw si Rico! Paano nangyari 'yun?!"

Sa mga mukha nila na desperado na sa makukuhang sagot at mga kamay na todo ba ang sabunot sa sarili, nababaliw na sila. Iyon lang ang masasabi ko.

Huminga ako ng malalim. Gusto ko pa sanang maging sikreto pero kung palagi lang din nila akong makikita na kasama ang isa sa mga myembro ng tinatawag nilang Prinsipe, wala rin itong kwenta. "Okay, minsan ko lang sasabihin ito sa inyo kaya makinig kayo." Agad silang nagsitanguan, sabay-sabay na akala mo may mga tali na nag-uugnay sa mga ulo nila. Umabante sila papalapit sa akin. Here we go.

"Kinuha ako ni Mr. Valdez bilang song writer ng Princeton Band."

Sumigaw sila ng may kasamang kahindik-hindik na tingin.

Si Abby ang unang nakabawi sa sarili. "Song writer?!"

"As in 'yung composer?!" dagdag pa ni Kate.

"Ng Princeton Band?!" Napatakip na lamang ako ng mga tenga sa sigawan at tilian nila.

"Oh my gosh! Paano nangyari 'yun Serene? Ni hindi nga namin alam na marunong ka pa lang tumugtog ng instrument!"

"'Di ba sa music class ni hindi ka humahawak ng instrument?"

"Oo nga! Tapos kapag pinapakanta ka ayaw mo rin!"

"Kaya anong song writer composer ang pinagsasabi mo? What is this sorcery?!"

"Ay grabe kayo ah." Binigyan ko ng tingin ang mga kaklase at mga kaibigan ko. Pero kung sabagay, hindi pa naman nila ako lubos na kilala.

"Pero pero pero!" Niyugyog ni Abby ang braso ko. "Ibig sabihin palagi mo na silang makakasama friend! Ang suwerte!"

Masuwerte? Iniisip ko pa lang na makakasama ko si Jace, wala ang suwerte sa bokabularyo ko.

Tuwing uwian sa band room na palagi ang diretso ko. Kahit anong gawin ko, naiinis pa rin ako kay Nathan. 'Yung mga biro kasi niya at patutsada, minsan hindi na nakakatawa. Sobra kasing yabang. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng supply ng kalakasan ng hangin. Sa Ilocos siguro. Sa mga windmills doon. Kasi ang lakas talaga. Napapaikot na lang ako ng mga mata minsan. Ngunit hindi naglaon, nasanay na lang ako sa kanya. Sa araw-araw ba naman na nakakasama ko sila hindi ba? Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nakakasabay na sa mga biro niya. Tawanan kami palagi kasama si Rico. Pero madalas kami lang ni Nathan ang nagtatawanan dahil napag-alaman ko na parehas lang pala kami ng sense of humor. Minsan waley. Kaya kami na lang talaga ang tatawa. Mabait naman siya at masayang kausap kapag nakilala mo na ang kaso may pagkababaero talaga. Parehas sila ni Rico. Parang idol pa nga niya si Nathan kung tutuusin. Kung nasaan kasi si Nathan madalas ay naroon din si Rico. Minsan sila lang din ang nakikita kong nag-uusap lalo na kapag video games at babae na ang topic.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap ni Jace. Si Shane naman ay ngumingiti man ay mailap pa rin sa akin. Silang dalawa madalas ang nakikita kong nag-uusap sa may gilid sa tuwing natatapos ang band practice. Kung gaano kaingay ang tawanan at pag-uusap nina Rico at Nathan ay siya namang tahimik nina Jace at Shane. Si Niel naman sa ikalawang banda ang pinaka-flexible sa kanilang lahat. Siya palagi ang nasa gitna. Kaya niyang makipagsabayan kanila Nathan at Rico at gano'n din kanila Jace at Shane. Parang siya pa ang madalas nagdudugtong sa kanilang lahat. Sobrang ibang-iba ang ugali ng bawat isa, kung wala siguro siya roon ay baka hindi magiging ganito kasaya ang barkada nila.

"Serene kumusta? May naisulat ka na ba na kanta para sa banda?" isang araw ay tanong sa akin ni Mr. Valdez habang nag-uusap sina Niel at Jace kung paanong allegro ang gagawin nila sa kanta na tinutugtog.

"Wala pa po Mr. Valdez pero may nasimulan na po ako. Ano po ba ang mga requirements para sa Battle of the Bands para sa song choices?"

"Kasalukuyan pa rin nilang inaayos at wala pa talagang finalize decision ukol doon since matagal pa naman. Pero ayon sa early requirements na inilabas nila, kailangan daw ng isang original song at isang revival song. Kaya kailangan talaga natin ng panlaban."

"Wala po ba silang ibinigay na topic about doon sa original song? Any song genre? Tempo?"

"Actually para sa revival song, gusto nila up-beat rock songs. Samantala, para naman sa original composition ang gusto ng mga judges ay ballad para raw balanse lang."

Ballad? Napaisip ako roon. Kapag ballad ang sinasabi ang unang pumapasok sa isip ko ay love song.

"Sa tingin ko hija pag dating sa ballad songs si Niel ang maaari mong pagtanungan diyan."

Biglang nagliwanag ang mukha ko. "Talaga po?"

Tumango-tango siya sa akin. "So feel free to ask him anytime about it. I think you two can make a very good team."

Kaya magmula noon ay mas lalo pa kaming naging mas malapit ni Niel sa isa't isa. Pumupunta kami sa library para mag-research ng mga winning pieces sa dating Battle of the Bands, minsan nagbabasa rin kami ng poetry pati na rin ang pakikinig ng ibang music ay ginagawa namin ng sabay. Ang sabi niya sa akin maganda raw 'yong source of inspiration.

"Kung magaling ka naman pa lang magsulat ng kanta at kumanta, bakit kinuha pa ako ni Mr. Valdez na song writer sa banda?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng chocolate sundae sa school cafeteria. Kamakailan ko lang nalaman na mahilig din pala sa kahit anong may kinalaman sa chocolate tulad ko. Kaya magmula noon kapag may oras kami ay pumupuslit kami rito. Sa totoo lang ay bawal siyang kumain ng matamis pero may pagkamatigas din pala ang ulo niya at sinabi niya sa akin na sikreto lang daw namin iyon. "Sikreto? Aba magaling ako pagdating dyan!" naaalala ko pang sinabi ko sa kanya iyon noong araw na iyon kaya panay ang tawanan namin.

"Magaling? Nakita ko nga 'yung mga sinulat mo sa notebook mo kanina, 'di hamak na mas maganda 'yung iyo. Ang lalim ng mga hugot mo eh. Siguro sa paglapat lang ng tono ako magaling. Kaya nga nagulat ako noong nirekomenda ako ni dad sa'yo."

"Bakit naman hindi? Magaling ka. Tapos anak ka pa niya. He was just being a proud dad."

I heard him snickered. "Yeah, right."

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Kasi hindi naman totoo."

"Na proud sa'yo ang papa mo? Hoy, kung nakita mo lang ang mukha ng papa mo habang nirerekomenda ka sa akin, sobrang saya kaya ng mukha niya."

Matigas ang ulo niyang umiling sa akin. "He was only proud of my kuya. Kung hindi ko nga yata siya kinausap tungkol sa banda, hindi niya ako ipapasok."

Inilayo niya sa akin ang tingin pero nakikita ko sa mukha niya na may iba pa siyang dinidibdib. Ang bait-bait naman ni Mr. Valdez. Hindi ako makapaniwalang hindi sila okay na mag-ama. It is true that there is more than meets the eye.

"Hindi ko alam na may kuya ka." Nakita ko kung paano niya nilaro ang maliit na kutsara sa sundae na kinakain. Parang nawalan yata siya ng gana na kumain.

"Not really my kuya. We are not blood related at all. Step brother ko siya, anak ng asawa ni dad from his failed marriage."

"Paano 'yung tunay mong mama?" hindi ko maiwasang itanong pero agad ko ring pinagsisihan iyon noong makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi mo naman kailangang sagutin—"

Umiling siya sa akin. "It's okay. I never met her at all. Ayaw kasi siyang pag-usapan ni dad. I never saw any picture of her. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura niya, kung nasaan na siya, kung buhay pa ba siya."

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin kaya hindi na lang ako nagsalita.

"Alam mo 'yung pakiramdam na parang may kulang sa'yo? Sa buong pagkatao mo? Gusto kong itanong kay dad pero alam ko naman na hindi niya rin sasagutin. Kaya nga hinayaan ko na lang. Maybe she does not like me at all."

Nagulat siya noong hinawakan ko ang kamay niya. Malungkot akong ngumiti sa kanya, ramdam ko ang lungkot na nadarama niya. "You'll be okay. Family mo naman kami sa band 'di ba? Kung hindi ka niya gusto, kami gusto ka namin. I can be your family too."

May kung ano ang nakita kong nagbago sa mga mata niya. He smiled at me. Pero iba ang ngiting ito, ngiting napakagaan, ngiting puno ng mga salitang hindi niya masabi. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa akin.

"Then you are a family now."

Sa mga oras na iyon, I know and I just feel... It was the beginning of something different. Something new.


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Continue Reading

You'll Also Like

439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)
2M 17.6K 15
TAGLISH | PRIMOGENITOR SERIES #1 A Vampire/Fantasy Story [R18+] ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ ❝I owe him my life. He saved me...
32.9K 218 38
Poems originally written by yours truly. English, Taglish and Tagalog poems for everyone. If you have a topic and wanted a poem about it. Please don...
352K 16.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...