Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 1 ♬ Façade Emotions

113K 1.7K 119
By wistfulpromise

CHAPTER 1 – FACADE EMOTION

SERENE

Isang taon na ang nakalipas magmula noong umuwi ako rito sa Pilipinas. Napagpasyahan ng mga magulang ko na dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko hanggang sa makatapos ako. Sa totoo lang, hindi ko masasabing 'pinauwi' ang tamang salita para maisalarawan ang ginawa nila sa akin. 'Ipinatapon' nila ako rito.

Tama. Dahil iyon ang totoo.

Wala akong hinanakit dahil alam kong nararapat lang ito para sa akin. Nagkasala ako at kailangan kong harapin ang kabayaran ng mga pagkakamali ko.

Sa malaki naming bahay kung saan ako lumaki noong bata pa ako, ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa isang kakilala. Sabi ni mama siya raw ang nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya. Halos sa pamilya na raw namin siya nanilbihan buong buhay niya kaya malaki ang tiwala ni mama sa kanya.

Desi, iyan ang pangalan niya.

Isa siyang matandang dalaga na palaging may magaan na ngiti sa mukha. 'Ate' ang tawag ko sa kanya kahit halatang may edad na. Mas sanay kasi ako roon.

Hindi gano'n kalapit ang loob namin sa isa't isa ngunit sa bawat araw na lumipas na nakakasama ko siya rito sa loob ng bahay, unti-unti na kaming nagkakapalagayan ng loob. Mabait siya at maalaga. Wala akong maipintas sa kanya. Siguro kaya magaan ang loob ko ay dahil nakikita ko sa kanya si mama. Hindi ko man sinasabi pero miss na miss ko na siya... silang dalawa ni papa.

"Serene hija, kailangan mo ba ng tulong diyan?"

Ngumiti ako kay Ate Desi at saka umiling. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa loob ng kwarto ko. Gusto kong mag-general cleaning para sa mga kahon na halos ilang taon ko nang hindi nabubuksan. May nakita akong isang pamilyar na photo album sa isa sa mga kahon na kasalukuyan kong hawak. Kinuha ko ito bago pinagpag at hinipan. Sa ilang taon na pagkaka-imbak, napuno na ito ng alikabok. Our dearest Angel: Serene Lopez—ito ang pamagat ng photo album na hawak-hawak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang binubuksan ito. Gayunman, sa kabila nito ay ang makaramdam ng lungkot na pilit kong itinatago.

Koleksyon ito ng mga larawan noong sanggol pa ako. Naaalala ko pa, binigay sa akin ito ni mama bago ako umuwi rito sa Pilipinas.

Pitong taong gulang ako noong lumipat ang pamilya ko sa Canada upang doon na manirahan. Doon ko ginugol ang panibagong pitong taon ng buhay ko hanggang sa bumalik ako rito.

Hindi na ako nasamahan ng mga magulang ko na umuwi dahil abala sila sa kanya-kanyang mga trabaho. Noong dumating nga ako rito ay gulat na gulat ako dahil lahat ng mga gamit ko ay kumpletong-kumpleto na. Mapadamit, mga koleksyon kong libro at mapa-instrumentong mahal na mahal ko—lahat narito.

Hindi nila sinasabi pero alam ko na gusto nilang dito na ako mamalagi. Iyon na lang naisip ko, dahil ano pa nga ba? Hindi ko sila masisisi.

Minsan umiiyak ako gabi-gabi dahil sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanila. Ang kaso sa buhay sadya talagang walang rewind button. Nangyari na ang dapat mangyari at hindi ko na ito maibabalik pa. Hindi ko na mababago. Wala na akong magagawa.

Pagdating sa umaga, todo na lamang ang ngiti ko na para bang walang nangyari. Sabi nga ng mga taong nakakasama ko ay napaka-hyper ko raw. Hindi raw ako nauubusan ng joke at laging may naka-ambang ngiti sa mga labi na para bang wala akong problema. Minsan natatawa na lang ako sa sarili dahil nagkakamali sila. Hindi lang nila alam, mas mabigat pa yata ang problema ko sa lahat ng problema na maaring kinakaharap nila. Magaling lang akong magtago. Iyon ang lamang ko sa kanila. Kaya ng dahil doon tawa roon, tawa rito. Kung maaari ayoko nang mag-isip pa ng problema para puro saya na lang.

Para na ba akong baliw? Siguro nga iyon na ako ngayon.

Sa mura kong edad marami na akong nakita at naranasan na hindi aakalain ng iba na napagdaanan ko na. I'm an old soul living in a younger body. Karamihan sa mga tao ay nalilinlang sa maamo at masayahin kong mukha.

This is not me. This is not the true Serene.

Magmula noong bumalik ako rito sa Pilipinas, natuto akong mabuhay sa isang pagbabalatkayo.

I'm living in a façade with a façade emotion.

Hindi gano'n kadali pero kailangan kong magsakripisyo.

***

Umaga na naman, may pasok ulit. Kasabay ng paglabas ko ng kwarto ay ang pag-iwan ng malungkot kong katauhan dito. Gusto ko masayang Serene ang makita nila sa umaga. Ayokong makita nila akong mahina.

Pagkagising na pagkagising nagpalit agad ako ng uniporme, kumain ng umagahan sabay pasok sa eskwela. Eat and run ang lagi kong ginagawa. Kung magkakaroon lang siguro ng patimpalak para sa mga taong palaging late walang kaduda-duda, ako ang magiging kampeon.

Lalabas na sana ako sa kwarto noong may bigla akong maalala. "Yung mga ballers ko!" Kasabay ng mga nanlalaking mga mata ay ang pagtakbo ko pabalik. Kinuha ko ang mga bracelet at ballers ko sa higaan bago isinuot sa kanan kong pulsuhan. Hindi ako pwedeng umalis ng wala ang mga ito.

Bago tuluyang lumabas ay tiningnan ko pa saglit ang sarili sa salamin. Sa full flat bangs ko na abot hanggang mga mata at makapal na itim na eyeliner, ito ang nagsilbi kong maskara upang maitago ang tunay kong katauhan. Sa totoo niyan hindi talaga ako mahilig mag-make-up ng sobra. 'Yung may mga kasamang eyeshadow, blush at foundation? Argh. Nakakatamad. Hanggang polbo at eyeliner lang talaga ako sabay tali ng mahaba kong itim na buhok ng napakahigpit. Sa mata ng iba ay mukha akong emo-girl slash rebel funky kind of girl. Idagdag mo pa ang mga bracelet ko na halos lahat itim tapos 'yung uniporme na suot ay hindi ko pa sinusuot ng maayos dahil imbes na nakasuot ako ng black leather doll shoes tulad ng lahat ng mga schoolmates ko, heto ako, naka-black rubber sneaker.

Inayos ko ang suot na puting blusa at palda na sa sobrang ikli ay pinilit ko pang ibaba. Ang suot kong puting medyas ay abot hanggang tuhod ko na may konting manipis na royal blue stripe na katulad ng kulay ng suot kong palda. Umikot pa ako saglit. Nabilib ako sa sarili dahil mukha akong mabait. Gayunpaman, noong makita ko ang suot na blusa ay napaismid ako.

"Argh, ayoko talagang nagtu-tuck-in." Kaya tinanggal ko ito sa pagkaka-tuck-in at saka binuksan ang blusa na suot. Kaya ang labas, nagmukha itong cardigan sa suot kong itim na sando.

"Eh 'di ayan, mas kumportable." Napangiti ako sabay kindat sa sarili. Sa totoo lang bawal ito sa pinapasukan kong school dahil masyado silang mahigpit sa pagpapatupad ng tamang pagsuot ng uniporme. Pero wala akong pakialam.

Kaya rebelde ba kamo? Iyon nga siguro ako.

"Good morning po ma'am, ang aga natin ah?" pambungad na bati sa akin ni Manong Raul pagkalabas ko ng bahay. May mapagbirong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Manong naman tanghali na po o," natataranta kong itinuro ang suot na relo. "Seven o' five na ng umaga. Labing-limang minuto na lang at papatayin na ako ni Ms. Christina!" Ang terror teacher ko + class adviser = hell.

Tumawa ng malakas si Manong Raul. Halatang sanay na sa inaaasal ko. Bilang drayber, siya ang tumatayong tagapagligtas ko sa oras na tulad nito. Tulad ni Ate Desi ay medyo may edad na rin siya. Gayunman, huwag kang magpapalinlang sa itsura niya. Kung ikukumpara siya sa pinakamabilis na car racer, wala na yatang makakatalo sa tulin ng pagpapatakbo ni Manong Raul sa kotse niya. Peksman. Hindi ako nagbibiro. Ganyan ka-astig si Manong Raul!

"O siya sige ma'am, pasok na sa kotse." Pinagbuksan niya ako ng pinto at dali-dali naman akong pumasok. Subalit, hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya.

"Manong, ilang beses ko po bang dapat sabihing 'Serene' na lang ang itawag n'yo sa akin?"

"Ah, eh, kasi ma'am..." nag-aalangan niyang sagot sabay kamot sa ulo.

Alam kong mahirap talaga ang hinihiling ko sa kanya. Ikaw ba naman kasing anak ng isa sa pinakamayamang pamilya rito sa bansa, maiilang ka talagang tawagin ang amo mo sa pangalan lang.

Ang pamilya ko ang may-ari ng paaralan na pinapasukan ko ngayon, walang iba kundi ang Princeton Ellipses Academy—isa sa pinakamahal, pinakaluma at pinakamagandang pribadong paaralan dito sa Pilipinas. Sa sobrang haba ng pangalan, madalas tinatawag na lang namin ito bilang Princeton, Princeton E. Academy o PEA bilang short-cut.

"Sige po kayo kapag tinawag n'yo akong ma'am, lolo na ang itatawag ko sa inyo." Pabiro kong banta sa kanya.

"Ay gano'n? At nam-blackmail pa? Ikaw talaga bata ka pilya ka pa rin hanggang ngayon." Tumawa siya at hindi ko mapigilan na mahawa. "Sige na nga. Ikaw ang boss ko eh." Itinaas niya ang isang kamay para makipag-apir. Sa matinis na pagdaop ng mga palad namin sa isa't isa ay ang tawanan namin.

Malungkot man ang naging simula ng buhay ko, ni minsan ay hindi ko pinagsisihang dito ako napunta sa Pilipinas. Ibang-iba kasi ito sa Canada. Masyadong tahimik doon.

Dumating kami sa school ng mas mabilis pa sa inaasahan. Dahil dito, todo ang pasasalamat ko kay manong. Nang dahil kasi sa kanya makakaligtas ako sa panibago na namang detention na maaaring ipataw sa akin. Tunay ngang siya ang bayani ng buhay ko!

Kahit na kami ang may-ari nitong school ay walang nakakaalam na ang anak ng may-ari ay dito nag-aaral. Mahirap mang paniwalaan ngunit sikreto lang ang pagpasok ko rito. Maliban na lang siguro sa mga magulang ko, kay Ate Desi, Manong Raul at syempre kay Attorney Reyes na ginagawa ang lahat ng imposible na maging posible.

Alam n'yo na, sa isang mayamang pamilya kalakip nito ang maraming kaaway. Para sa pamilya ko 'oo' pero hindi ko nilalahat. Lalo na ako, matigas ang ulo ko noong naroon pa ako sa Canada. Marami akong naka-away. Marami akong nakabangga. Dahil sa kayabangan at katigasan ng ulo, nalagay ang mga mahal ko sa buhay sa alanganin. Kaya noong dumating ako rito sa Pilipinas ang sabi ko sa sarili ko, 'magbabagong buhay na ako'. Masaya na rin ako at naitago ang tunay kong pagkatao. Ayoko rin kasi ng atensyon.

Sa kamumuni at lalim ng iniisip, hindi ko namalayan na tumunog na pala ang bell. Napapalo na lamang ako sa noo dahil dito sabay takbo. Nawalan din ng silbi ang ilang minuto na ikinaaga namin ni Manong Raul dahil nasayang lang sa pagmumuni at pag-iilusyon ko ng mga bagay-bagay na hindi naman mangyayari.

Kumaripas ako ng takbo bago pa man ako mailibing ng buhay ng terror teacher ko. Lagot talaga ako kapag nagkataon!

Pagdating sa klase, 'yung ngiti ko parang aso. May kasama itong hingal at ngiting nakakaloko. Natalo ko lang naman ang record ko, limang minuto at dalawampu't tatlong segundong late! Dati kasi kung hindi sampung minuto, dalawampu hanggang tatlumpung minuto akong late kung minsan. Maliit ito na pagbabago sa mata ng iba pero para sa akin, tungo na ito para sa malinaw at wastong daan. Iyan ang turo sa akin ng tatay ko. Iboto ako sa halalan!

"Ms. Lopez, you're late again!"

Nagising ang diwa ko dahil sa mala-kanyon na boses na narinig. Hindi ko namalayan na nakulong na naman ako sa panibagong delusyon na sa tingin ko ay madalas ko nang ginagawa. May nalalaman pa akong pagtaas-taas ng kamay na para bang nagtatalumpati. At sa ngayon, iyon ang itsura ko sa harap ng buong klase.

Pinagtatawanan nila akong lahat. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapangiti na lamang ng pagkalapad-lapad upang maisalba ang reputasyon ko mula sa kahihiyan na kinasasadlakan ko ngayon.

"Ms. Lopez, why are you late?"

"Eh kasi ma'am... A-ano. Hehe."

Sandali niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ano na naman 'yang suot mo? Mahigpit na iniuutos ng Princeton ang proper school attire. What's with that black sneakers? And please Ms. Lopez, will you kindly tuck in your blouse for goodness sake!"

Ngumiti lamang ako sa kanya na labas ang mga ngipin habang kunwaring inaayos ang damit na sinasabi niya. Naku, patay. Highblood na si Ms. Christina! Kasalanan ko bang mas kumportable ako sa ganitong ayos?

Inis siyang napahapo sa ulo sabay tingala sa kisame na tila ba tahimik na nananalangin na sana bigyan pa siya ng mahabang pasensya sa mga matitigas na ulong estudyante na tulad ko.

"Ano pang tinatayu-tayo mo riyan?" mataray niyang tanong sa akin. "Detention after school. Now, seat!"

Bago pa siya may masabing iba ay tumakbo na ako sa upuan ko sa likod. Mahirap na dahil baka magka-SONA pa ng wala sa oras.

Nakuha pa akong batiin ng mga kaklase ko dahil sa panibagong kalokohan na nagawa. Isa na roon si Abigail na malapit kong kaibigan. Siniko-siko niya ako sa may tagiliran. "Ikaw talaga Serene hindi na natuto. Baliw ka talaga."

"Pero walang mas tatalo sa'yo 'no." buwelta ko sabay belat sa harap niya. Tahimik na lamang kaming napatawa dahil sa kahibangan naming dalawa.

Sa ilang oras na lumipas, discuss lang ng discuss si Ms. Christina pero sa totoo lang wala namang nakikinig. 'Yung iba nagdadaldalan, nagsusulat ng kung anu-ano sa kwaderno nila at 'yung iba naman ay natutulog lang—at isa na ako roon. Masakit mang aminin pero nakakabagot talagang makinig sa kanya. Kapag ayan si Ms. Christina nag-umpisa nang magturo, tuloy-tuloy na 'yan na akala mo nagbabasa lang siya ng isang novel book at may sariling mundo. Kapag natapos na siya, seatwork agad at kung anu-ano pang activities na maisipan niyang gawin. Ni hindi man lang niya itatanong kung may naintindihan ba ang buong klase o wala. Kung sabagay, wala rin naman talaga siyang pagtatanungan dahil una sa lahat, wala rin namang nakikinig.

"Okay class, bago kayo umalis gusto kong sabihin na ang school ay magkakaroon ng proyekto. Pagandahan ng garden laban sa iba't ibang section. Hinihiling ko sa inyo na sana bukas bawat isa sa inyo ay may dala nang halaman na pwede nating itanim." Tahimik lamang kaming lahat.

"Utang na loob magdala naman kayo! Magmalasakit naman kayo kahit katiting lang para sa klaseng ito." Pagmamakaawa niya sa amin na may halong inis. Humikab lang kaming lahat dahil sa kabagutan.

May isang nagtaas ng kamay para magtanong. Isang himala na may isa pang estudyante sa klaseng ito ang nagkaroon ng interes patungkol doon.

"Yes Ms. Dizon? Any question?"

"Ma'am ano naman po ang premyo ng mananalong section?"

Premyo. Ha. Sabi na nga ba.

"It's a big surprise sabi ng ating principal. Pero siguradong maganda iyon. Malalaman lang natin ito kapag sasabihin na kung sino ang nanalo. Kaya kung gusto n'yong malaman at sabik na sabik kayo para rito, magdala kayo ng halaman bukas. Maliwanag?"

Tumunog ang bell na naghuhudyat para sa pagtatapos ng klase.

"Okay, class dismissed."

Pagkalabas namin ay niyaya ako ni Abigail na pumunta sa washroom. Yaman din lamang na wala akong magawa, sumama na ako sa kanya.

"Hoy, Serene. Ano kaya 'yong prize ng mananalo? Naiintriga ako." tanong ni Abigail sa akin habang nagsusuklay ng buhok.

"Aba, malay ko ba roon."

"Sana manalo tayo! Nakakasabik naman!"

"Asa ka naman." Umiling ako sa harap niya. Humarap ako sa salamin para magpolbo ng mukha. Hiniram ko ang kanya dahil siya lang naman ang matiyaga na magdala ng mga gamit na tulad nito. "Siguradong Section A na naman ang mananalo niyan. Sino pa nga ba?"

Ang 'Garden Competition' ay taon-taon na ginaganap dito sa school. At huwag ka, hindi basta-basta ang premyo kapag nanalo ang section n'yo. Last year, trip to Boracay ang premyo ng nanalong section at sinagot ng school ang lahat ng gastos. Ngunit gaya ng dati, Section A ang palaging naghahari sa kompetisyon na ito. Two years in a row. Sila na talaga. Masyadong dedicated at competitive ang mga estudyante sa klaseng iyon. Ano naman ang laban naming Section D doon hindi ba? Kung makinig pa nga lang sa class discussion butata na, doon pa kaya?

Tumawa ako ng malakas. Ang galing din talagang magpatawa ni Abigail. Pwede na siyang maging komedyante.

Bukas hindi na ako magtataka kung mainit na naman ang ulo ni Ms. Christina. Sigurado kasi ako na walang magdadala ng halaman sa amin.

"Ito naman malay mo naman 'di ba?"

"Kung pumuti siguro ang mga uwak maniniwala pa ako." Hirit ko pa sabay tawa. "Halika ka na nga!"

Hindi kami naubusan ng kwentuhan sa isa't isa hanggang sa kinailangan na rin naming maghiwalay para sa uwian. Bago tuluyang lumabas sa school ay dumaan pa ulit ako sa klase namin. Masaya akong kinawayan ng mga kaklase ko matapos akong makita. Hindi ako parte ng cleaners pero nakilinis na rin ako kahit papaano. Ganyan talaga ang nagagawa ng may detention.

Ikinahihiya man ng iba ang klaseng ito lalo na at sa school pyramid ng mga Grade 10 kami ang pinaka nasa dulo, para sa akin ang section na ito ang pinaka 'the best!' na maituturing sa lahat. Chill-chill lang ang buhay namin dito kumpara sa ibang section na halos magpatayan para lang sa grade na pinapangarap nilang makamit. Dito lahat ng mga kaklase ay kaibigan ko. Magkakasama at magkakaramay kami sa mga kalokohan at kabulastugan na ginagawa namin sa klaseng ito. Kaya para sa akin hindi ko ikinahihiya ang pagiging Section D.

Napunta ako sa klaseng ito hindi dahil tanga ako o dahil pagdating sa klase sadyang naghihingalo ang mga grades ko. Hindi iyon ang dahilan. Dahil ako mismo ang pumili sa kapalaran ko.

Tutol man ang lahat sa akin lalo na ang mga magulang ko pati na si attorney sa pagpili ko sa klaseng ito ay wala silang nagawa. I'm in this class by choice. At masaya ako sa desisyon na iyon. Kung tutuusin wala namang tanga o bobo sa klaseng ito tulad ng pagkakaalam ng karamihan. Sadyang tamad lamang ang mga estudyante rito. Ayaw nilang buksan ang natatago nilang talento.

Isa na ako roon sa mga estudyanteng iyon.

Pagkatapos maglinis at magpaalam sa isa't isa, umuwi na rin kami. Papalabas na sana ako ng school noong may nakita akong mga estudyanteng nagkakabit ng kung ano sa may bulletin board. Nabalot ng kyuryosidad ang aking isipan.

Ano kaya iyon?

Hindi ko napigilan ang mga paa ko at nilapitan ito.


***


Author's Note: 

Hi Listeners! Sa mga bagong readers na nagbabasa pa lang ng LTMS wattpad version (usually mga bagong readers), isa-isa ko nang ipopost 'yung published version para mabasa nyo ng maayos. It was not the actual copy in the book. Kaya may mga mali-mali pa rin. But the timeline and the overall idea of the story will be there. Sabihin na lang natin na sa ika-isandaang beses kong binasa, inedit at nirevise 'yung LTMS, 'yung ipopost ko sa Wattpad ay 'yung ika-limampung edit na ginawa ko. So medyo halfway na rin.

I'm doing this because of 3 reasons, since maraming nadagdag at naging changes, gusto ko pa ring mabasa nyo kahit wala kayo nu'ng physical copy. Kasi ibang-iba talaga siya sa Wattpad version vs. self-pub version in terms of grammar and structure.

Secondly, since napakarami nang bagong readers/writers/critics sa Wattpad, syempre tumataas na rin ang taste at standard ng mga bagong mambabasa. I want to reach a new set of readers. And to attract them, I need to improve my craft. The original version in Wattpad is quite honestly, super jeje style haha! I was only 16 when I wrote it. Give me a break. Lol.

Lastly, dumarami na rin ang mga writer friends ko pati na at nagbabasahan kami ng story. So minsan nahihiya akong ipabasa 'yung akin dahil 'yung nasa wattpad ay older version pa. Haha!

I will finally update LTML along side with it today so watch out for it! TSR is still under revision. LAR, im still currently writing it. And for LTMS and LTMH self-pub pre-order are still currently on-going kaya sa mga hindi pa nakaorder or sa mga kakilala niyong gustong mag-order, order na!

OLE! Have a great morning Listeners!

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
15.6K 729 37
Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her a...
180K 4.6K 157
DC notebook Personal Property of : Arielle Marie Gueverra Note: - kapag nawala at napulot mo...UTANG NA LOOB! paki-balik. -BAWAL BASAHIN! nakita mo n...
6.2M 322K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...