An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 16.2 ] Betrayal

68.3K 730 72
By JeraldineTanL

Chapter 16.2: Betrayal

"Hindi ako naghihiganti. Mali lang ako ng nasabi na salita. Wala lang 'yon."

Inirapan siya ni Steffi kaya binitawan niya na lang ang braso nito at madali itong umalis. Alam niya na nagpapalusot lang si Steffi. Sigurado siya sa narinig at nakita niyaang reaksyon ni Steffi. Natakot ito nang magtanong siya tungkol doon at umiiwas din ito.

Naghihiganti siya? Kanino at bakit niya gagawin 'yon? Kailangan kong malaman ang binabalak niya. Imposible na wala lang 'yon. Sa tingin ko, may tinatago siya sa 'ming lahat. Nadulas lang siya dahil sa galit niya. Malalaman ko din ang katotohanan.

Umalis na din doon si Kurt at bumalik siya sa opisina ng tatay nina ZAC. Nag-usap usap kasi sila na sabay sabay silang magtatanghalian. Bago siya pumasok sa pintuan ay narinig niya ang pagtatalo nina Zavier at ang tatay nito sa loob. Bahagya kasi na nakabukas ang pintuan.

"Dad, ano ba?! Dapat hindi niyo pa din siya sinasabihan ng ganoon! Babae pa rin siya at masakit ang mga sinabi niyo!" sigaw ni Zavier.

"Kailan ka pa natutong pagtaasan ako ng boses?! Gumagaya ka na din ba kay Zyril?!"

"Dad, you know that I changed. I'm different from him!"

"I don't care who that girl is to you. Stay away from her or I'll kick her out of this school! Do you understand?! Let's go."

Lumabas na doon ang tatay nila at kasunod noon si Zavier. Nagpanggap siya na naghihintay lang sa labas at walang narinig sa pinag-usapan nila.

Pumunta sila sa isang restaurant na pagmamay-ari din ng pamilya ni ZAC para kumain. Wala pa doon si ZAC at hahabol lang ito kaya nauna na sila. Marami ang gumugulo sa isipan nina Kurt at Zavier kaya tahimik lang sila doon na naghihintay sa pagkain nila.

Sigurado ako na malaki ang galit ni Dad kay Steffi ngayon. Minsan, hindi ko na siya maintindihan. Ang tapang tapang niya pero kadalasan, hindi niya iyon inilulugar kaya siya napapaaway. Hindi niya kinikilala ang mga kinakalaban niya at ang Tatay ko pa ang napili niya ngayon.

Nahihirapan si Zavier sa sitwasyon niya. Naiipit siya sa pagitan ng Daddy niya at si Steffi. Gusto niya itong protektahan mula sa Tatay nila pero hindi niya rin ito pwedeng suwayin. Alam niya ang kaya nitong gawin kay Steffi na ikinakatakot niya naman.

"Zavier, I repeat. I want you to stay away from that girl," pag-uulit nito.

"I don't want to talk about it anymore, Dad. I'm losing my appetite."

"Zavier, I'm warning you. Kung hindi--"

"Kung ipipilit mo na pag-usapan ang tungkol dyan, aalis na lang ako dito."

"Where is ZAC? He's late. He's always late." pag-iiba nito sa usapan.

"Baka may inasikaso lang siya, Tito," sagot ni Kurt.

"Ano ba ang inaasikaso niya na parang napaka-importante para unahin niya kaysa dito? I've been busy these past few weeks at ngayon lang ako nagka-oras para kumain kasama sila pero wala siya ngayon dito. That kid is useless and hard headed. He will never change," naiinis na sagot nito.

Hindi nila napansin si ZAC na kadarating lang. Narinig nito ang sinabi ng Tatay nila.

"'Yan naman talaga ang tingin mo sa 'kin noong una pa lang, 'di ba? First impression lasts nga naman. Mukhang hindi na ako kailangan dito. Aalis na ako," walang ganang sinabi ni ZAC.

Hindi na hinintay ni ZAC ang sagot ng Tatay nila at umalis siya kaagad doon. Agad rin naman siyang sinundan ni Kurt.

"I'm sorry, Dad. I need to follow him," pagpapaalam ni Zavier.

"No, Zavier. You will stay here."

"I can't stay. I'm sorry."

Umalis na din doon si Zavier at sinundan sina ZAC. Alam niya naman na sa opisina ng 11SG sila dederetso kaya doon na siya pumunta.

"Zavier, pare!" masayang bungad ni Blaine.

"Ibig sabihin ba nito, babalik ka na sa grupo?" tanong ni Clint.

"Namiss kita, pre. Payakap naman!" sigaw ng malokong si Finn.

"Gago! Hindi kayo talo! Mahiya ka naman!" sigaw ni Eli.

Napapangiti si Zavier sa tuwing nakikita ang mga kaibigan na ganito. Naaalala niya ang mga panahon na miyembro pa siya ng grupo nila at tumatambay din siya doon. Namimiss niya ang kalokohan, kakulitan at kaingayan ng mga dating ka-grupo. Nararamdaman niya pa din na kahit wala na siya ay welcome pa din siyang bumalik doon.

"Tagal mo na din hindi nakapasok ditto, ah? Namiss mo ba?" tanong ni Jerry.

"Tara, kain!" pagyayaya ni Sean.

"Kamusta, dude?" tanong ni Nathan.

"Ano ba ang nangyari sa lakad niyo at mukhang badtrip si Pinuno?" tanong ni Drew.

"Ang dami niyong tanong. Manahimik nga kayo," sita ni Travis.

"Easy lang, mga pre. Isa lang ang kalaban. Okay lang ako at hindi din ako babalik sa grupo. Kakausapin ko lang sina ZAC," sagot niya sa lahat ng tanong nila.

Napangiti siya. Ngayon niya lang napansin na buo sila doon ngayon. Napansin niya din ang malaking pagbabago sa itsura ng malaking kwarto na iyon. Hindi niya rin maipagkaila na minsan ay naiisipan niyang bumalik pero naiisip niya din na wag na lang dahil kuntento na siya sa buhay niya ngayon.

Nakita niya si ZAC na kausap si Kurt. Nagkukwento si Kurt kay ZAC tungkol sa mga nangyari kay Steffi kanina.

"Eh gago pala 'yung matandang 'yon, eh! T*ng*na! Gusto niya ba talagang masaktan?! Hindi lang ako ang ginagago niya ngayon at pati si Steffi dinadamay niya pa sa galit niya sa 'kin?! Sinabihan niya pa ng kung ano ano!" inis na inis na sinabi ni ZAC.

"Pre, maganda yata kung lalayuan mo muna siya," suhestyon ni Kurt.

"Girlfriend ko siya at hindi ko gagawin sa kanya 'yon nang dahil lang sa utos ng matandang 'yon. Hindi ako takot sa kanya. Kaya kong protektahan si Steffi," sagot niya.

"Talaga bang gusto mo na siya at hindi na lang laro 'to para sa 'yo?"

"Hindi. Sinusubukan ko na magbago. Ibabalik ko ang ZAC na nakilala niyo noong buhay pa si Monique. Sinisiguro ko 'yan."

Walang kaalam alam sina ZAC at Kurt na nakikinig sa kanila si Zavier. Doon lang napagtanto ni Zavier na hindi pala talagang gusto ni ZAC si Steffi.

Dahil sa narinig ko, kailangan kong ilayo si Steffi sa kakambal ko bago pa tuluyang mahulog ang loob niya sa kanya. Ayaw ko na masaktan lang siya sa huli dahil sa pag-aakala na mahal siya ni ZAC pero si Monique ang nasa isipan niya.

Nilapitan na ni Zavier sina ZAC para malaman nito ang presensiya niya doon.

"Mas maganda siguro kung layuan muna natin siya. Iwasan mo na lang siya pansamantala. Ibalik mo 'yung trato mo sa kanya noon," suggestion ni Kurt.

Natawa si ZAC sa narinig.

"Nagpapatawa ka ba? Gusto mo lang siyang agawin sa 'kin kaya mo sinasabi 'yan. Ano'ng gagawin? Iiwasan ko tapos ikaw ang papapel sa kanya? Baka nakakalimutan mo na akin siya? 'Wag mo akong susubukan!" sagot ni ZAC.

"Wala akong plano na gawin 'yon. 'Wag kang mag-alala, kung ano ang gagawin mo, ganoon din ang gagawin ko. Kailangan natin 'tong gawin para kay Steffi."

"Kapag nangyari 'yon, paano siya? Saan niyo patitirahin? Wala ngang tinitirhan 'yon pati na din trabaho," tanong ni Kurt.

"Sa inyo," walang pag-iisip na sagot ni ZAC.

"Ano?!"

"Kung gagawin ko 'yon, wala akong ibang mapagkakatiwalaan sa kanya kung hindi ikaw kaya sa 'yo na lang siya titira. Pansamantala lang naman 'to tutal mag-isa ka lang sa inyo. Okay lang naman siguro, 'di ba?" tanong ni ZAC.

"May magagawa pa ba ako dyan? Girlfriend mo 'yon, eh. Kailangan ko siyang tulungan para sa 'yo," sagot ni Kurt.

"Kakausapin ko na lang siya mamaya tungkol dito. Payag na ako sa gusto mong mangyari, Zavier," sagot ni ZAC.

***

Matapos ng naging pag-uusap nina Steffi at Kurt ay dumeretso na lang siya sa classroom nila at nang mapansin na walang tao sa loob ay doon na lang siya nanatili. Wala na rin siya sa mood para kumain pa dahil sa nangyari. Una, sa mga pinagsasabi sa kanya ng Tatay ni ZAC at pangalawa, sa naging pag-uusap nila ni Kurt. Muntikan na siyang mabuko doon. Nataranta talaga siya doon kaya naman nagmadali na lang siyang umalis doon.

Paano kung malaman ng tuluyan ni Kurt at sabihin kina ZAC? Patay ako nito. Kailangan kong makausap si Kurt at linawin sa kanya ang narinig siya para hindi siya maghinala. Magdadahilan na lang ako.

Namomroblema ngayon si Steffi. Ngayon niya lang tuluyan na napagtanto na hindi basta basta ang mga taong kinakalaban niya. Maging ang mga tao na related sa mga ito ay malaki ang impluwensiya. Kailangan niya na talagang mag-ingat hindi lang sa mga kinikilos niya kung hindi pati sa mga sasabihin niya.

Pagtingin niya sa pintuan ay nakita niya na pumasok ang grupo nina Miranda at nilapitan siya. Sa tuwing nag-uusap sila ng mga ito ay walang magandang pinatutunguhan ang pag-uusap nila. Kahit na manahimik siya ay ginugulo pa rin siya ng mga ito.

"Ano na naman ang gusto niyo?" tanong ni Steffi sa kanila.

"We just want to talk to you," sagot ni Miranda.

"It's about ZAC," dugtong ni Britney.

Mas nilapitan pa siya ng mga ito at nagtaka siya nang biglang nagsingitian ang mga ito.

"So dinala ka pala niya sa private island nila? That's so nakakainggit! Magkwento ka naman sa 'min. Ano'ng nangyari?!" excited na tanong ni Chloe.

Hindi inaasahan ni Steffi na pati ang bagay na 'yon ay alam na din nila. Tahimik lang siya at maging si ZAC ay ganoon din. Saan kaya nila nakukuha ang mga impormasyon na 'yon? Bakit lahat ng nangyayari kay ZAC, alam nila?

"Oo, nakarating nga ako doon. Ano naman ngayon?"

"Wow! I can't believe this! Nakarating ka lang sa private island nila, ganyan ka na. Lumalaki na din ang ulo mo, ah? Layuan mo na lang siya! Hindi kami boto sa 'yo!" naiinis na sabi ni Ashley.

"Bakit ba kailangan ko pa ng approval niyo? As far as I know, wala lang naman kayo sa kanya. Magiging fangirls niya lang kayo at wala ng hihigit pa doon. Bakit ba kayo nanghihimasok? At isa pa, paano kung ayaw ko? May magagawa ba kayo?"

"Gusto mo ba maulit 'yong nangyari sa 'yo sa CR dati?" tanong ni Miranda.

"Oo nga! I heard that you cried after that. Poor, Steffi!" pan-aasar ni Britney.

"Just leave this school na lang kasi! 'Wag ka ng mangarap na magiging kagaya ka namin. You don't belong here!" suhestiyon ni Chloe.

"Kaya niyo bang ulitin 'yon? Nakita niyo ang reaksyon niya sa ginawa niyo, 'di ba? Kakalabanin niyo rin ba talaga ako? Alam niyo, kausapin niyo na lang si ZAC kung gusto niyo na maghiwalay kami. Ay oo nga pala, baka hindi niyo pa alam, boyfriend ko na siya."

Nagulat doon sina Miranda. Wala silang kaalam alam doon. Ang nabalitaan lang nila ay ang pag-alis nila.

"Let's go, girls! Hayaan niyo na nga lang 'yang gold digger na 'yan!" pagyayaya ni Britney.

Iniwan na lang doon ng grupo nina Miranda si Steffi dahil sa nalaman nila. Natatakot sila na magsumbong pa ito kay ZAC at sila pa ang makawawa sa huli imbis na si Steffi. Hindi rin nila nagustuhan ang asta ni Steffi. Pagkaalis nila doon, hindi rin nagtagal at dumating doon si Zavier. Nangako ito na papakopyahin siya ng notes kaya naman magkikita talaga sila.

"Ito na lahat ng notes, pina-xerox ko na lahat. Sige, mauna na ako. Bye, Steffi," nagmamadaling sinabi ni Zavier.

Pagkalapag na pagkalapag ni Zavier ng mga papel na kailangan ni Steffi sa lamesa ay madali rin itong umalis doon. Nagtaka siya dahil parang nagmamadali ito na umalis. Dahil kaya 'yon sa narinig niya na sinabi ng Tatay nila sa kanya o sadyang may gagawin lang talaga siya?

Pagkatapos ng ilang minuto ay isa isa ng nagdatingan ang mga kaklase niya. Umupo na rin naman si ZAC sa tabi niya pero hindi ito umiimik. Hindi ito tumitingin sa kanya at kahit magsalita ay hindi nito ginagawa. Inisip niya na lang na baka dahil iyon sa hindi niya pagpansin kay ZAC. Habang tumatagal, napansin ni Steffi na may kakaiba talaga kay ZAC. Kahit na masungit ito ay guguluhin siya nito pero ngayon, parang wala lang ito sa tabi niya.

Hindi kaya may sinabi sa kanya si Kurt?

Napatingin si Steffi kay Kurt na nakatingin din sa kanya. Sinenyasan niya ito na parang nagtatanong kung may sinabi ba siya dito pero napailing lang ito na tila wala din itong alam sa dahilan ng inaasta ni ZAC.

"ZAC?"

"'Wag mo akong kausapin," masungit na sagot nito.

Nanahimik na lang si Steffi. Habang nagkaklase ay lumilipad ang isip niya. Masyadong maraming tumatakbo sa isipan niya. Natigil lang siya sa pag-iisip nang maramdaman ang vibration ng phone niya mula sa bulsa ng bag niya.

From: Mitch

Hi Stef! Magkita tayo mamayang uwian ha? Gusto lang kitang makausap at sana mapagbigyan mo ko. Namiss kita friend! Magkita tayo sa parking lot sa likod ng school after class :)

Noong una ay nakaramdam ng kaba si Steffi dahil sa text na iyon. Napatingin siya sa inuupuan ni Mitch at nakita niya na nakatingin din sa kanya ito at nginitian siya. Naguguluhan siya sa nangyayari. Bakit nga ba naman kasi biglaang naisipan ni Mitch na makipagkita sa kanya at sa mga sinabi nito, mukhang makikipag-ayos na ito sa kanya. Sa huli ay nakaramdam din siya ng saya. Matagal niya din na hinintay iyon.

To: Mitch

Sige :) Bakit hindi na lang tayo magsabay papunta doon tutal nandito ka lang din naman sa room natin?

From: Mitch

I have something to do pa eh. Basta magkita na lang tayo dun.

***

Nang matapos ang klase nila, madaling umalis si Mitch. Siya naman, napag-utusan pa na magdala ng ilang gamit sa office ng mga professors kaya dumaan muna siya doon bago pumunta sa lugar kung saan nila planong magkita ni Mitch. Kagaya ng inaasahan niya, nandoon na ito. Nang makita siya nito ay agad itong kumaway sa kanya kaya nagmadali siyang lapitan ito.

"Hi, SG!" masayang pagbati ni Mitch sabay yakap kay Steffi.

"Ah. H-hello."

Naiilang si Steffi sa nangyayari ngayon. Imposible kasi na matapos ng lahat, ganoon lang kadali na makipagbati si Mitch sa kanya. Alam niya na may galit ito sa kanya. Ngayon lang niya iyon naisip at bigla siyang kinutuban ng masama.

"Na-miss kita," nakangiting sinabi nito.

"Hindi ka na ba galit sa 'kin dahil kay ZAC?"

"Ano ka ba naman, girl? Aaminin ko na sa 'yo. Hindi naman talaga ako nagalit, eh. Nagtampo lang ako kasi sabi mo si Zavier ang crush mo tapos si ZAC naman pala 'yon. Sana inamin mo na lang sa 'kin kaagad. Ngayon ko lang din narealize na ang immature ko pala para magalit sa 'yo nang dahil lang doon."

"Ha? Ah-eh.. sorry, Mitch. Hindi naman--"

"No, It's okay. 'Wag ka ng magpaliwanag pa sa 'kin. Kalimutan na lang natin 'yon."

Napansin ni Steffi na tingin ng tingin si Mitch sa phone niya. Nagiging anxious na din ito kaya lalo siyang nagtaka. Hindi kaya palabas lang iyon?

"May hinihintay ka ba na text?"

"Oo. 'Yong boyfriend ko kasi eh, nakakainis. Nag-away kami tapos hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinetext," pagpapalusot ni Mitch.

"Nice. May boyfriend ka na pala."

"Ano bang tingin mo sa 'kin? Pangit para hindi magka-boyfriend?! Of course, meron akong boyfriend. Hindi na kasi tayo close kaya wala kang alam."

"Hindi naman sa ganun. Nagulat lang kasi ako."

"Okay? Whatever, dear! Tara, punta tayo doon sa back entrance ng school."

Hindi na hinintay pa ni Mitch na makasagot si Steffi. Hinila niya na lang ito at pagdating nila doon, maraming estudyante ang nandoon at naghihintay. Dinala ni Mitch sa gitna si Steffi.

"I'm sorry, Steffi."

Iniwan siya doon ni Mitch at tiningnan niya lang si Mitch na lumakad palayo papunta sa kung nasaan ang grupo nina Miranda. Tama ang kutob niya.. may hindi magandang mangyayari sa pagkikita nila na iyon ni Mitch. Palabas nga lang ang lahat ng iyon. Nagtingin tingin siya sa paligid. Nakita niya doon ang ilang pamilyar na mukha.. Ang 11SG at pati na din si Zavier na katabi ni ZAC. Naguguluhan siya kung ano na ba ang nangyayari.

"Hi, Steffi! It's been a while. Masyado ng magaspang ang ugali mo lalo na kanina. Ipinamukha mo pa sa 'min na wala kaming magagawa sa 'yo porke boyfriend mo na si ZAC. Alam mo, hindi talaga ako naniwala sa sinabi mo kaya were all here to confirm it. Guess what? Full packed ang meeting place. Buo ang 11SG at pati si Zavier, nandito din." Litanya ni Miranda

"Ano'ng kalokohan ba 'to, Miranda? Hindi ako natutuwa."

"Pwes, kami natutuwa dahil nasa hotseat ka ngayon and that's all thanks to your so-called friend na si Mitch."

"Ano bang gusto niyong mangyari? Tapusin na natin 'to."

"Excited, huh? Baka pagsisihan mo. Tutal hiniling mo na lang din, ituloy na natin para matapos na ang maliligayang araw mo."

Lumingon si Miranda sa mga kaibigan niya at sunod ito na tumingin kina ZAC. Napatingin din doon si Steffi at walang eskpresyon ang mukha ni ZAC. Hindi niya maintindihan ang itsura nito. Wala siyang makita na kahit na ano na nararamdaman nito.

"ZAC, I have a question for you. Isa lang naman ang sagot na gusto namin marinig at 'yon ang katotohanan. So tell us, boyfriend ka nga ba nitong si Steffi?"

"Hindi ko na siya girlfriend at hindi ko din alam kung bakit niya sinabi 'yon," walang emosyon na sinabi ni ZAC.

Nanlaki ang mga mata ni Steffi sa narinig. Agad rin naman na tumalikod si ZAC sa kanya. Tiningnan niya si Kurt pero iniwasan lang siya nito ng tingin. Pagtingin niya naman kay Zavier, may kakaiba siyang napansin.

May alam si Zavier sa mga nangyayari pero hindi niya lang sinasabi sa 'kin. Kaya pala ganoon ang mga ikinikilos niya kanina. Ang tanga tanga mo, Steffi! Bakit hindi mo 'yon napansin? Why are you so naive? You fell for their trap.

Sa huli ay nagsialisan na ang 11SG doon. Matapos iyon ay pinagbabato siya ng mga estudyante doon ng mga nakabilog na papel at kung ano ano pang mga gamit. Tiningnan niya sina Mitch na nagtatawanan lang doon. Nagkibit balikat lang ito sa kanya at ngumiti.

Hindi ko lubusang maisip na magagawa ito sa 'kin ni Mitch. Bakit siya pa? Matatanggap ko kung sina Miranda ang gagawa nito pero bakit ikaw, Mitch? Umasa pa din ako na maibalik ang pagkakaibigan natin pero ito ang nagawa mo sa 'kin.

Ano man ang pinagbabato sa kanya ng mga estudyante ay tinatanggap niya lang. Para kay Steffi, mas masakit ang ginawa ng dating kaibigan sa kanya kaysa sa mga ibinabato sa kanya. Hindi niya rin magawang umalis doon at tumakbo palayo. Maging ang paglaban, nawala sa isipan niya. Pinanghihinaan siya ng loob. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng dating kaibigan.

"Guys, stop it!" sigaw ni Mitch.

Dahil sa sigaw na 'yon ay tinigilan siya ng mga estudyante. Unti-unti rin na lumapit sa kanya si Mitch at nabigla siya nang sampalin siya nito ng malakas sa kaliwang pisngi.

"Para 'yan sa pagsisinungaling na boyfriend mo si ZAC!"

Sinampal siya nito ulit pero hinayaan niya lang ito.

"Para 'yan sa pagiging malandi mo! I didn't expect that you're such a flirt!"

At isa pa ulit na sampal.

"At para 'yan sa apat na kaibigan ko na sinaktan mo."

Nakatingin lang siya kay Mitch. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.

"What are you waiting for?! Pagtulungan niyo na siya!" sigaw niya.

Kinuyog siya ng mga estudyante. Wala siyang laban sa dami ng mga tao na gusto siyang saktan. Ano ba ang nagawa niya na mali para gawin sa kanya iyon ng ibang tao kahit na wala siyang atraso sa kanila? Napayakap na lang siya sa sarili niya habang sinasalo ang lahat ng pananakit na ginagawa sa kanya habang inaalala niya ang nangyari noon... Pinagtulungan din siya ng mga estudyante pero ngayon, wala na doon si Kurt para pigilan sila, ipagtanggol siya at ilayo sa mga tao na nananakit sa kanya. Ang lalaki na akala niya ay best friend niya, tinalikuran na din siya. May mas sasakit pa ba doon? Ang mga taong akala mo ay nandyan para sa 'yo, sila pa pala ang iiwan at magpapahamak sa 'yo.

Sa mundong 'to, wala ka ng mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili mo. Wala ka ng ibang maaasahan kung hindi ang sarili mo lang din. Hindi mo alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan dahil kahit na nagtitiwala ka, kadalasan ay nasisira din iyon. Minsan, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang sisira sa 'yo.

"Stop!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki na nakapagpatigil sa kanila.

Nakatungo lang siya na nakayakap sa sarili niya. Napaupo na siya sa semento dahil sa pinaggagawa sa kanya at sa oras na 'yon, naramdaman niya ang paglayo sa kanya ng mga estudyante. Nakita niya ang paglapit sa kanya ng lalaki na sumigaw at tumigil ito sa harapan niya. Unti-unti rin niyang iniangat ang mukha niya para makita kung sino ang lalaking iyon.. si Travis na miyembro din ng 11SG. Si Travis Delos Reyes na pinakatahimik sa grupo nila. Nagtaka siya kung bakit nandoon ito at binalikan siya? Para din ba saktan siya? Nakilala niya pa naman ito bilang miyembro ng grupo ni ZAC na palaging nagbibigay sa kanya ng babala.

Bumalik doon si Travis hindi para dagdagan ang hirap ni Steffi kung hindi para tulungan ito. Naatasan kasi siya ni ZAC na dalhin si Steffi sa lugar kung saan sila palaging tumatambay kaya binalikan niya ito. Sa totoo lang ay matagal din ito na nagmamasid kay Steffi bago niya ito tuluyang nilapitan. Gusto niya lang makita ang gagawin nito pero ipinagtaka niya dahil sa unang pagkakataon, hindi ito lumaban at hinayaan lang ang iba na saktan siya. Nang mapansin niya na hindi na nito kaya ang ginagawa sa kanya ay doon lang siya lumapit.

"Ano, Steffi? Titingin ka na lang ba dyan?" tanong nito sa kanya.

Napasubsob siya sa sahig nang may maramdaman siyang matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Sobra siyang nasaktan nang dahil doon at napahawak na lang siya sa ulo niya.

"Ang lakas din ng loob mo na gawin 'yon kay Steffi sa harap ko! Wala kayong karapatan na manakit dito. Gawain namin ng 11SG 'yan!" sigaw ni Travis.

Narinig siya ng tunog galing sa likuran niya at base doon, alam niya na may iba pang nasaktan bukod sa kanya at isa lang ang sigurado niya.. sinaktan ni Travis ang taong huling nanakit sa kanya. Matapos iyon ay nilapitan siya ulit ni Travis at inalalayan. Pinasakay siya nito sa likuran niya at saka sila naglakad. Nanghihina na din kasi siya at kung siya lang ang maglalakad ay siguradong mahihirapan siya.

"S-saan mo ako dadalhin?" tanong niya kay Travis.

Hindi ito sumagot sa tanong niya. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan mula sa taong hindi naman pala-salita? Napangiti na lang siya sa naisip. Kahit papano pala ay may tutulong pa rin sa kanya. May mabait rin naman pala talaga sa 11SG.. o baka naman pakitang tao lang iyon? Ibinaba siya nito sa tapat ng isang motor.

"Sakay," utos nito.

Inabutan siya nito ng helmet na agad niya rin na isinuot at sumakay siya sa motor nito. Mabilis iyong pinatakbo at tumigil na lang iyo sa tapat ng isang abandonadong gusali. Hindi niya alam kung saan ang lugar na 'yon at mukhang hindi rin matao sa lugar na 'yon. Nagtaka siya nang buhatin siya sa likuran nitong muli pagkababa niya. Nailang din siya dahil maging sa pag-akyat ng hagdanan ay buhat buhat siya nito. Dinala siya nito sa gitnang parte ng palapag na iyon at doon siya ibinaba.

"A-anong nangyayari?" naguguluhang tanong niya.

"Mas maganda kung si ZAC na lang ang tanungin mo dyan."

Madaling umalis doon si Travis at wala na siyang alam kung saan ito pumunta. Dahil walang ibang tao doon at madilim dilim sa lugar, naisipan niyang sundan ito pero nakaramdam siya ng hilo at nanlabo ang paningin niya. Napahawak siya sa ulo niya at sandaling ipinikit ang mga mata niya. Pagdilat niya, may nakita siya na mga lalaki na papalapit sa kanya. Noong una, 11SG ito pero habang tinitingnan niya sila, napapansin niya na iba ang itsura ng mga ito. Hindi pamilyar ang mukha nila sa kanya.

Sino sila at bakit sila nandito? Ano ang kailangan nila sa 'kin at nilapitan nila ako? Bakit ako dinala dito ni Travis. Akala ko ba si ZAC ang kakausap sa 'kin? Bakit ibang mga tao ang nakikita ko at hindi sina ZAC?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 104K 32
Part 2 of CRAZY LITTLE DEVIL Bae Suzy as Fancy Jewel Abellano Infinite L as Sydd Caleb Agoncillo EXO Luhan as Blake Zed Smith
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
16.5M 341K 42
│PUBLISHED│ Be ready for her trippings. The little devil, Fancy Jewel Abellano. Copyrighted Pinkyjhewelii, 2014
2.1K 193 37
Highest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy **...