SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 19 - The Kidnap

1.5K 33 2
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: This is whole-heartedly dedicated to my dearest idol: Aegyodaydreamer. I really missed her story "Wizard's Tale 2." Lahat-lahat ng stories niya sobraaaang ganda- Sister Complex, My Nephew in Law, tapos yung WT. (^__________^) The best! As in walang papantay sa galing niya XD Bibilhin ko talaga ang book niya, swear!! (>__<)

Case 19

The Kidnap

Dinelle's POV

Si Shane ang palaging kumakausap sa akin every break times ng pictorial. Kung hindi tango, ngiti lang ang isinasagot ko sa kanya.

Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit itinutukso ako ng lahat ng staffs at crew sa kanya.

"The romantic couple, on stage now!" nakangiting sigaw ng loka-lokang Director namin, na manager rin pala ni Shane. I guess siya ang master mind ng tuksuhang ito.

Hindi ako makapaniwalang Director talaga siya. Her looks, can do. But her attitude? I think it's a No-No.

"Pakitaan ng natural chemistry ang cameras, alright?" dagdag niya pa noong nasa harapan na kami.

Ang scripted pose kasi na gagawin ay hawak ni Shane ang magkabilang baywang ko at ako naman nakahawak sa magkabilang balikat niya. Dapat daw full of love and sadness ang tinginan naming dalawa at one-fourth inch lang daw ang maximum distance ng mga labi namin. Nakatingkayad daw ako at nakayuko naman si Shane.

"Then what about me?" tanong ni Ayen kay Director Lim.

"Kahit maglupasay o dumapa ka, depende sa trip mo." sagot ni Director Lim na ikinatawa naman ng buong staffs.

Nagtataka na rin ba kayo kung professional director talaga siya?

"Yakapin mo ang binti ni Papa Shaney, tapos kiss mo ang sapatos niya para may ka-chemistry ka din." pahabol na sigaw pa ni Crisostomo habang mamatay-matay kakatawa.

Saktong pagbalik naman ni Misty galing sa rest room "What did I miss?" at wala siyang kaalam-alam na binu-bully na dito ang alaga niya. Kung alam ko lang na hindi artista si Ayen sa harap at likod ng camera, maaawa na talaga ako sa hitsura niya.

"Just kidding!" pumalakpak ng dalawang beses si Director Lim. "Yakapin mo si Shane from his back. Nakikiusap ang expression ng mukha, nakikiusap na ikaw ang mahalin ni Shane. Claro ba tayong lahat? Alright!! Shoot!"

Pumuwesto na kami. Punung-puno ng emosyon ang tingin ni Shane, kaya mas ginanahan akong ipakita kung gaano ako ka-professional.

Sa tingin ko, maganda ang kalalabasan ng pictorial na ito. Mainit ang paghinga ni Shane, at mahigpit ang hawak niya sa baywang ko.

'Di hamak na mas malapit ang labi ni Shane ngayon, kaysa sa labi ni Wanna Be noong nasa clinic kami.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Nothing strange. Nothing different. Akala ko pa naman, nagbago na ako, na sa tuwing mapapalapit ako sa isang lalaki, pinagpapawisan ako, nahihirapang huminga at naririnig ko ng malakas ang puso ko. Akala ko iyon na ang sisira sa career ko, na hindi na ako makaka-arte uli sa paraan na gusto ko.

Pero..

.. nakapagtatakang kay Wanna Be ko lang nararamdaman ang mga pesteng emosyon, na noon ay kilala ko lang sa pangalan.

"Cut! Cut!" naglayo naman kami agad ni Shane. Mukhang hindi na-satisfied ang loka-lokang Director namin.

"Ayen? What's wrong? The two were doing great, but you're messing it up."

Patago akong napangiti, hindi niya kayang umarte ng maayos pagdating kay Shane? Oh pleeeease!

"Rish, stay calm, okay?" saway ni Shane kay Director Lim. Dapat lang na alam niyang i-handle ang mood swings ng manager niya. Sa aming lahat, siya ang mas nakakakilala rito.

"Ye, hug me tighter." kinuha niya ang dalawang kamay ni Ayen matapos tumalikod dito. "Ako lang ito, Ye. Just do your best." at iniyakap niya ito sa kanya.

Hindi ko na gaanong nakita ang reaksyon ni Ayen dahil natatakpan siya ni Shane na nasa harapan ko. And 'Ye' was a familiar endearment. Ito ang tawag ni Shane sa kanya when we're nine.

What Shane did was indeed effective. Ayen was back to being a real pretender, then pictorial ends earlier.

ö~ö~ö~ö

"So, I think the role suits you well." iyon lang ang naintindihan ko sa pagkahaba-habang sinabi ni Shane.

Nasa front seat kaming tatlo nina Ayen, at nasa kanan ko siya, kasalukuyan naming pinapanood ang scenes na galing sa iba't-ibang movies, ang sabi kasi ng nalolokang direktor namin, may hawig daw dito ang gagawin namin. At umaasa daw siyang higit pa dito ang maibibigay namin.

"Iyon rin ang pananaw ko Papa Shaney! Fit na fit 'yong role dito kay Dindin. Hindi kasi siya takot sa heights at magaling din siyang mag-ice skating." Lahat ng sinasabi ni Shane, si Crisostomo naman ang sumasagot. Nakakairita sila pero masyadong pre-occupied ang utak ko para sawayin sila.

Ngayon kasi ang Christmas Party ng bawat sections sa Harmony Academy. Gusto ko sanang makapunta dahil sabi ni Ailyn, si Fai daw ang umasikaso ng program at si Phia ang sa design ng room, pero tumulong naman daw ang buong barkada. Iyon nga lang, kagaya ng dati, hindi talaga ako makakapunta.

"Nag-skating lessons ka?" curious na tanong ni Shane.

Umiling ako. Si Papa ang nagturo sa akin noon. Pero hindi ako ang klase ng taong open sa lahat, kaya hindi na ako umimik.

"Awesome. You're talented. It's really a pleasure to meet someone like you." sabi niya na naman.

Gusto niya talagang i-maintain ang usapan. Wala akong ideya kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Hindi naman siguro siya tanga, para hindi mahalata na ayoko ng conversations na inio-offer niya di'ba? Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa pinag-usapan nila ni Ayen.

Ano nga kayang sinabi nang impaktang bruhang ipis na buwan na ito kay Shane? At bakit ang tahimik niya ngayon? Nakakapanibago.

"Kailangan din pala, magaling kang mag-basketball, Dindin."

And as expected, si Shane ang sumunod na nagsalita. "I can teach her how."

"Oh my? Really? TUTURUAN MO TALAGA SIYA?" halatang parinig niya kay Ayen na nasa kabilang tabi ni Shane. "OKAY LANG TALAGA SA IYO? MAGIGING BONDING RIN IYON PARA MAS LALO KAYONG MAGING CLOSE, para sa show." dagdag pa niya.

Pinandilatan ko si Crisostomo kaya sumandal na lang siya at nanahimik.

"We'll be busy, that will be impossible." I plainly said to Shane. Sasagot pa sana siya pero nagsalita uli ako. "Don't worry, there are great coaches out there. I can hire them."

ö~ö~ö~ö

"MISS DIN, KAMUSTA PO ANG PICTORIAL?" sinugod kami ng press paglabas namin ng hotel.

Ngumiti lang ako sa kanilang lahat, kahit na gusto kong takpan ang tenga ko sa ingay nila at ng mga fans na nasa likuran nila.

"Ayon po kay Director Lim, iba daw talaga ang closeness ninyo ng Hottest Sun na si Shane, on and off cameras? Totoo ba iyon?"

Kung hindi ba naman talaga may sanib ang manager ni Shane, ano? Naloloka na yata talaga.

May mga naiisip akong pwedeng isagot pero may mga naiisip rin akong hindi magandang consequences kung sasabihin ko iyon.  Kaya pinili kong huwag na lang magsalita.

"Shane, anong pakiramdam na ka-trabaho ang Angelic Star?" Kaya ayan, si Shane tuloy ang napagdiskitahan nila.

Bakit ba kasi hindi kami maka-usad? Hindi sila mapatabi ng mga guwardiya sa sobrang dami nila.

"Grateful and fun." sagot ni Shane na nasa tabi ko. Nasisilaw na ako sa flash ng cameras, dati naman akong sanay sa ingay at sa ganito pero bakit pakiramdam ko, pagod na talaga ako?

"... it was more fun to date her." May mga sinabi pa si Shane pero iyan lang ang salitang nag-sink in sa utak ko.

Ano bang pinagsasasabi nitong bakulaw na ito? Anong nagde-date kami? Kay Ayen at Kiel ko lang nasabi na nililigawan niya ako, kahit mismong siya hindi niya alam kaya ano itong inaamin niya?!

"Does that mean, you two were actually dating?"

"I supposed so."

Siguro nga, panahon na para totohanin ito, magandang panlaban ito kay Ayen. Hindi ako lalabas na sinungaling.

Kinabahan ako bigla, pamilyar ang emosyong ito kapag nasa paligid si..

..

..

And then I saw him.

.. si Wanna Be.

Paalis na sana siya pero nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Gusto kong umiwas gaya ng palagi kong ginagawa pero hindi ko nakaya.

Iniangat ko ang kanang paa ko para lapitan sana siya pero wala akong tatapakan sa dami nang nakaharang.

Pinuntahan ba niya ako? Pero bakit? Anong ginagawa niya dito?

"Siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa 'The Recess?' Miss Din?" sa akin na naman nabaling ang tanong dahil sa sagot ni Shane.

"Yeah, he is." sabi ko habang kay Wanna Be pa rin nakatingin. "He is that guy."

Si Shane ang tinutukoy nila sa tanong pero hindi siya ang tinutukoy ko sa sagot, kaya hindi naman ako nagsinungaling. Tama?

Nginitian ako ni Wanna Be, na parang sinsabi niyang tama lang ang sinabi ko. Narinig niya na naman siguro ang sinasabi ko sa isip ko.

Ngingitian ko rin sana siya nang maramdaman ko ang labi ni Shane sa pisngi ko.

(O__O) Mas naging nakakasilaw pa ang paligid sa dami ng flash ng camera na nangyari.

Noong tingnan ko si Shane, nginitian niya lang ako. Gusto kong magalit sa ginawa niya pero nang maalala kong nandito si Wanna Be, ibinalik ko sa direksyon niya ang mata ko.

May mga sumunod pang tinanong ang mga pesteng press pero hindi ko na sila naintindihan.

Dahil ang alam ko lang, tinalikuran ako ni Wanna Be at naglalakad na siya palayo sa akin.

ö~ö~ö~ö

Crishae's POV

"Ilang oras na lang Pasko na, Crisostomo!" nakatungtong siya sa silya habang inilalagay ang 'Angel na may hawak na Star' sa tuktok ng Christmas tree niya.

Iba-iba ang designs ng condo niya pero ang Angel na inilalagay niya sa tuktok ng Christmas Tree ang hindi nababago. Napakahalaga ng Angel na iyon sa kanya, iyon kasi ang dahilan kung bakit 'Angelic Star' ang gusto niyang i-bansag ng tao sa kanya.

"Napakalamig ng Pasko ko, Dindin! Paskong-pasko pero inaalipin mo ako, pudpod na ang daliri ko kaka-putol ng tape para ibalot itong mga ireregalo mo!" iniunat ko ang binti ko.

Palagi niya akong pinapa-rampa sa mall para bilhin ang mga ililista niyang mga laruan, at dahil blockbuster lagi ang pila sa Gift Wrapping Section, ito ang nakakaawa kong sitwasyon. Ilang taon ko na rin siyang pinapayuhan na maglista ng maaga para hindi kami nasasabay sa tutukan pero parang nanadya talaga ang salditang ito!

"Rarayumahin na ako dito sa lapag, pero hindi yata nababawasan ang binabalot ko! Imbes na pinapainit ni Papa Shaney ang malamig kong Pasko, haaaandito ako. Awuuhuhu it's pain!"

Inirapan niya ako at bumaba siya ng silya. "Akina nga!" lumapit siya at inagaw ang gunting at tape na hawak ko. "Magbabalot ka na nga lang, ang pangit pa! Umalis ka nga dito!" iyon lang at siya na ang nagpatuloy ng ginagawa ko.

"Ikaw na ang gagawa niyan? Sureness? Ahh.. nakaka-touch." tumayo ako at naupo sa couch, pero habang pinapanood ko siya, bigla akong nakonsensiya, mukha kasi talaga siyang anghel.

"Dindin? Ako na lang uli." inaagaw ko iyong gunting pero ayaw niyang ibigay.

"ITONG GUNTING NA ITO ANG GAGAMITIN KONG PAMPATAY SA IYO. Bitawan mo nga!"

( '3') Mukha siyang anghel, wag lang magsasalita.

Sinimangutan ko siya at inirapan niya naman ako.

Ako na nga itong nagmamagandang-loob ee! Hinawi ko ang imaginary rebonded kong buhok at naglakad palapit sa bintana.

Apat na araw ko nang hindi nakikita si Papa Shaney, miss na miss ko na ang walong abs niya.

( >Ö<)

Napansin ko iyong Christmas Tree sa tabi ko. "Dindin? Saan ba talaga galing 'tong Glass Angelic Star sa tuktok?" natigilan siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. "Mamahalin ba ito? Bakit hindi mo pinapalitan?"

"Galing kay Papa." pinagpatuloy niya na uli ang ginagawa niya.

Sa TV niya na lang kasi nababalitaan ang tungkol sa Papa niya. Hindi siya nito tinatawagan o dinadalaw man lang. Iniiwasan kong mapag-usapan ang Papa niya dahil palagi siyang tumatamlay. "Ah Dindin, kasama mo sina Ailyn bukas no? Anong gusto mong--"

"Si Papa. Pinadalhan niya ako ng regalo." she bitterly smiles while wrapping gifts. "Naaalala niya pa pala ako."

Sinubukan kong iliko ang usapan. "Dindin.. ang alam ng People of the Philippines, nagbabakasyon ka sa States. Pero ang totoo, ikaw at ang mga kaibigan mo nagcha-charity work sa ampunan kahit araw ng Pasko. Hindi dapat tinatago ang kabutihan!" ganitong-ganito rin ang dialogue ko noong isang taon at umiinit ang ulo niya kapag tinatawag kong 'Charity Work' ang ginagawa nila.

Mas gusto ko nang panay siyang galit kaysa para siyang maiiyak any moment.

Naghintay ako na maibato niya ang gunting, na sugurin niya ako para sabunutan, pero tahimik lang siya.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Desperada na talaga akong pasayahin siya kaya naman.. "Dindin, gusto mo ng ice cream cake?"

Natigilan siya at napatingin. "Pwede?"

Napangiti ako. All kinds of cake is her weakness.

Hindi ko gustong makita siyang nahihirapan o nalulungkot. She'd been through a lot of tough times since child, and I will do anything to make everything lighter.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan?! Ibabalot ko ng tape 'yang mukha mo kapag niloloko mo lang pala ako!"

Minsan niya lang makita ang Papa niya. At sa lahat ng aksidenteng pagkikita na iyon, hindi man lang siya magawang kamustahin ng Papa niya.

"Ano? Ha? Pwede ba talaga akong kumain ng cake?"

I first met her when she's ten. Kausap ko si Ronelle noon at ibinibilin niya sa akin ang pagiging manager ng anak niya. Noong mga panahon na iyon, katatapos lang ng First Movie nito.

::::::::::::

I was about to knock on her door when I realized it was left open.

I slowly entered her dark room. "H-Hello.."

I really want to meet this incredible little girl, hindi biro ang pagsabak niya sa isang movie ng siya lang mag-isa. Ibang klase ang pinakita niyang pag-arte, hindi nakapagtatakang siya ang nakakuha ng trophy bilang Best Child Star. And I swear, I'll do everything to make her shine more.

I switched the lights on.

Kakaiba ang kwarto niya sa kwarto ng mga batang ka-edad niya. Parang kwarto ng isang baby. May mga laruan, stroller at alphabet carpet. Tama bang tinanggap ko ang offer sa akin ni Ronelle?

It's like my whole body froze when I saw her.

Puno ng pasa ang braso at binti niya, dumudugo ang labi niya, sa kamay niya ay ang trophy na natanggap niya. Pero walang luha sa mga mata niya, na parang wala siyang sakit na nararamdaman.

"Ikaw ba ang magiging manager ko?" kaswal na tiningnan niya ako.

"A-Ah--"

"Please do everything to make me the most popular." puno ng pakikiusap ang boses niya. "So he'll be finally proud of me."

Did Ronelle hurt her physically when all she want is a simple appreciation on the trophy she had received?

"Can you do that?"

I'm only six years older than her but since that night, I never stop doing everything to make her smile.

::::::::::::

"Haraaaykonamaaaan!!" kamuntik ko nang ma-lips to lips ang carpet dahil binatukan niya ako.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Ice Cream Cake?" pagpapaalala niya.

"Ohkay payn! Pero isang slice lang, Dindin ha?"

"Yeah, yeah."

"Ang figure mo." paalala ko.

"Yeah I know! Just get down there and buy me."

Tumayo na ako at nagsuot ng bonet. Mahirap na, baka magka-stampede kapag pinagkaguluhan ang Diyosa.

"And one more thing.. call Papa. Tell him I had received his gift. And that I.. I wish him a Merry Christmas."

Nakayuko akong lumabas ng condo niya. Alam kong hindi niya ugaling mag-dial ng number kaya ako na naman ang inuutusan niya. Pero paano kung pagbalik ko itanong niya kung anong sinabi sa akin ng Papa niya?

Mag-iimbento ako? Dumadami na ang kasinungalingan ko. Tama na siguro iyong padalhan ko siya ng regalo at palabasing galing iyon sa Papa niya.

Pinindot ko ang elevator para bumaba.

Kung nasaan man si Ronelle ngayon, sana maalala niyang may anak siya. God knows how I despise him! How I want to give him bruises and scars like what he'd given her daughter.

Sumakay na ako sa elevator nang bumukas iyon.

That Glass Angelic Star on the top of her christmas tree. That.. that exactly describes Din.

She's as fragile and innocent as that one. His father surely know that, but why Ronelle keep doing things to break her?

Didn't he knew what will it take to put the pieces back again?

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

It was the twentieth day of new year. It was a complete boredom!

Kailangan pa kasi naming hintaying dumilim bago i-shoot ang susunod na scene ng Transparent Dream.

"DINDIIIIIN!!" nagtatakbo siya palapit at hinila ako sa kamay. "Dalian mo! Kumakanta si Papa Shaney Yummy!!"

"So?" walang ganang tanong ko pero unti-unti ko na ngang naririnig ang boses niya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Now Playing: Tongue Tied by Faber Drive (Please play the video on side)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

"~Bright cold silver moon. Tonight alone in my room, you were here just yesterday.." Shane sings as he strums his guitar in a way that staffs, crew, Director, Misty and Crisostomo whose watching him, gone wild.

"~Slight, turn off the head. Eyes down when you said.. 'I guess I need my life to change' "

Alright, I admit he's good. Mas bagay siya sa music industry kaysa dito sa show business. There was something in his voice that can makeanyone stop and stare.

"~Seems like something's just aren't the same. What could I saaaay?"

Buong team yata pinapanood siya pero isa lang ang tinitingnan niya habang kumakanta.

"~I need a little more luck than a little bit, 'cause everytime I get stuck, the world won't fit. And everytime that I try I get tongue tied. I need a little good luck to get me by."

Nilingon ko ang taong tinitingnan niya. And it was Ayen.

"~I need a little more help than a little bit, like the perfect one word no one's heard yet. 'Cause everytime that I try I get tongue tied. I need a little good luck to get me by this time."

I smirked. So that song was dedicated to her?

Nasa labas si Ayen at nagbabasa ng script niya, natatanaw namin siya mula sa malaking glass wall.

At dahil busy si Crisostomo sa kalandian niya, hindi niya na napansing binawi ko ang braso ko at lumakad ako palayo.

With that distance, it's impossible to hear Shane's voice. Kung hindi pa nga ako inilapit ni Crisostomo, hindi ko pa maririnig na may instant mini concert na pala dito.

Ang boring ng walang nagba-bait-baitan sa akin! Ano bang problema ng buwan na ito? Aagawin niya ang role ni Vexus tapos magiging emo siya?!

"HOY!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon, dahil may earphones pala ang tenga ng impakta. Aishhh!

"HOY BUW--" nanlaki ang mga mata ko nang may tumakip ng bibig ko mula sa likod. "Uhmm!! Mmmm!!" pumapalag ako pero masyado siyang malakas kaya nagawa niya akong kaladkarin palayo.

Kinakalmot at sinisipa ko siya pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa bibig at baywang ko.

Sino ba ang walanya na ito?! Bakit niya ginagawa ito?!! "UHMMMM.. MMM!!" gusto kong sumigaw ng napakalakas pero hindi ko magawa.

Pinagpapawisan na ako, kinakabahan at gusto kong maiyak.

Am I being..

..

..

.. kidnap? Nah, impossible-- but if that was so, who'll save me this time?

Si Crisostomo? Si Kiel?

Si Wanna Be? Hindi maganda ang huling pagkikita namin, at napaka-imposibleng nandito siya.

Hindi. Kakayanin kong mag-isa ito. Dapat kong kayanin. Pero.. tina-traydor ako ng mga tuhod at paa ko. Nawawalan na ako ng lakas na tumayo.

What now?....

"I'm here."

(O____O) Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Boses iyon ni Wanna Be!!

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng hayup na ito. Hinahabol ko ang paghinga ko, hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan.

Ipinihit ko ng dahan-dahan ang katawan ko para harapin ang taong kumaladkad sa akin.

"I'm here, to ask you out on a date."

Napasalampak ako sa damuhan habang hawak ang tapat ng puso ko.

Pina-process pa ng utak ko ang mga nangyari. May tumakip sa bibig ko, tapos niyakap niya ako, kinaladkad ako to the point na nakayapak na ako ngayon, at ano nga uli ang kailangan niya, bakit siya nandito?

Date. Date lang pala e. (O______O) Date?? As in, DATE?

Agad na tumayo ako at dinuro ko siya. "SIRA BA ULO MO?! HA? DETECTIVE?!!"

Ganito siya magyaya ng date? What the what!!!

-will be continued

 

throbbingheart says: Thank you for reading everyone. Pumayag kaya si Dinelle sa DATE na hinihingi ni Justin? Sa talent ba namang mang-blackmail ni Justin, bakit hindi?? XD

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
10.2M 459K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
139K 8.1K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...