Soul Librettos

By bluepncil

31.2K 2.5K 756

Fermatta doesn't like music from the very start. Kahit na simula pa lang bata siya ay ang pagtugtog na ng pia... More

Soul Librettos
♬ 1
♬ 2
♬ 3
♬ 4
♬ 5
♬ 6
♬ 7
♬ 8
♬ 9
♬ 10
♬ 11
♬ 12
♬ 13
♬ 14
♬ 15
♬ 16
♬ 17
♬ 18
♬ 19
♬ 20
♬ 21
♬ 22
♬ 23
♬ 24
♬ 25
♬ 26
♬ 27
♬ 28
♬ 29
♬ 30
♬ 31
♬ 32
♬ 33
♬ 35
♬ 36
♬ 37
♬ 38
♬ 39
♬ 40
♬ 41
♬ 42
♬ 43
♬ 44
♬ 45
♬ 46
♬ 47
♬ 48
♬ 49
♬ 50
End
Soundtracks

♬ 34

415 39 4
By bluepncil

Thirty-four

So helpless

Hindi ako nakaalis sa kinauupuan ko nuon. Dwaine lifted his brows na parang tinatanong kung sino ang nasa labas at naghihintay sa akin while Hilton is pouting to me na parang alam niya na kung sino ang naroon.

Agad akong tumipa ng mensahe kay Cael.

To: Cael Von Smith

Practice will start now. Let's talk later instead.

Nang ibaba ko ang phone ko ay ngumuso ako at muling tumingala but it was a wrong move because I met his black orbs.

He's fixing his guitar pero ang mga mata niya'y nakatutok sa akin. It was a serious stare and I can feel my heart trembling with familiar feelings. Ibinaba niya ang tingin niya sa hawak kong cellphone at agad ring iniwas ang tingin sa akin.

Nagkibit-balikat nalang ako't itinago ang cellphone ko. Maya-maya lang ay dumating na sila Gian at Maximo, dala ang patong-patong na music score.

Halos manlaki pa ang mata ni Maximo ng makita ako duon. Siguro'y nagtataka dahil hindi ako isang rebelde ngayon. They didn't also asked me kung saan ako nagpunta kahapon. Siguro'y alam nilang hindi ko rin iyon sasagutin.

Nagsimula ang practice at nagsimula rin ang pagkairita ko dahil sa paulit-ulit nilang pagbabago ng mga nakalagay sa pyesa. Hindi magkasundo si Gian at Maximo sa arrangement.

Maximo arranged the song at iyon ang prinapractice namin nuong nasa Pilipinas kami kaya't hassle kapag may pinapabago si Gian duon.

"Ferm you should do the lead after the transposition" sambit ni Clef habang tinitipa ang kanyang gitara.

Kinagat ko ang labi ko at sinunod ang gusto niya. Pinagmasdan ko siya habang dina-direct niya ang iba ko pang kasama.

Walang masyadong nagbago sa kanyang itsura. He still has those messy short hair that gives him his mysterious looks. Thick eyebrows and eyes that could make my world spin in just an instant. His thin lips and angled jaws. He looks more mature now but still, it's the Clef I have seen four months ago.

Binaling ni Clef at tingin niya sa akin at agad akong nagkamali sa pagtipa sa piano dahil sa pagkagulat. Tumigil rin sila at pinagmasdan ako, pakiramdam ko'y inakyatan ako ng hiya dahil sa paninitig kay Clef kahit na hindi nila alam iyon.

Umiwas nalang ako ng tingin sa at narinig muli ang boses ni Gian habang sinasabi ang salitang 'Proceed'

Oh Ferm you should focus!

Natapos kami sa unang kanta pagkatapos ng halos tatlong oras. Nagkaroon ng short break at halos lahat sila ay lumabas ng kwarto maliban sa Creole.

"Ang sakit sa kamay" reklamo ni Dwaine habang inuunat ang kanyang mga braso.

Binura ko ng lapis ang maling nakalagay sa music score at isinulat roon ang pinapabago ni Gian.

"Ito pa oh mali" anas ni Hilton na nasa tabi ko na pala.

Nanliit ang mata ko at binura ang itinuro niya. Nahirapan kasi akong sundan ang mga sinasabi ni Gian kanina. Hilton seated beside me sa harapan ng piano at kapag may nakakaligtaan akong baguhin ay itinuturo niya sa akin.

Nagulat nalang kami ng malakas na bumagsak ang pintuan ng practice room. It was Clef. He went out? Bakit binalibag niya ang pinto?

Tumingin ako kay Hilton para itanong kung bakit but he just shrugged his shoulders and smirked at me.

Bakit ba pati iyon ay inaalala ko pa?

Nagsimula muli ang practice pagkatapos ng mabilis na break. Bumalik si Clef sa room at patay malisya sa ginawa niyang pagbalibag ng pinto.

Madalas ay napapatingin ako sa kanya pero hindi ko na siya nakitang binalingan ako ng tingin. I don't know but it makes me feel irritated. Ang atensyon niya ay palaging kay Helion at kay Dwaine na palaging nakangisi sa akin.

I almost heared Lena's sigh when Maximo announced that practice has finally ended. Inayos agad ng Creole ang mga gamit nila na mukhang napagod rin sa ginawa naming pageensayo.

Ako nama'y inabala ang sarili sa pagtetext kay Cael. Nasa kalagitnaan ako ng pagtetext ng marinig ko ang tikhim sa aking harap.

When I looked up, I saw Clef standing there with his serious face. Nakatingin siya sa cellphone ko bago tumingin sa aking mukha at kinunutan ako ng noo.

What is he doing in front of me?

Tumaas ang kilay ko, "Bakit?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya, "May practice tayo"

Oh!

"Don't try to ditch the practice just like yesterday" masungit niyang sabi bago ako talikuran.

Anong problema nuon? I won't ditch practice kahit na ngayon ko lang iyon naalala. I can cancel my plans with Cael, mas mahalaga ito. Does he think I'll ditch him?

Ngumiwi ako dahil sa mga pinagiisip ko. Muli kong tinext si Cael at sabi ko'y sa dinner nalang kami magkita dahil may practice pa ako. Agad naman siyang nagreply at sinabi na sa Subway nalang kami magkita.

Subway? Bakit sa Subway? We can talk in a silent place like the restaurant in Fur Elise o sa park. Bakit sa isang bar pa? Imbis na magreklamo ay pumayag na rin ako sa set-up na gusto niya baka iyon talaga ang nakaplano niyang gawin ngayong gabi. Who am I to ruin his plans?

"Bye Ferm" paalam sa'kin ni Lena habang inaayos ko ang aking gamit. Nakita kong sumaludo sa akin si Dwaine bago ngumisi at lumabas. Si Hilton at Aldon naman ay parehas tumango at ngumiti sa akin.

Bigla akong kinabahan. Saka lang pumasok sa utak ko ang reyalidad na kami lang ni Clef ang maiiwan dito. And so what Ferm, kung siya nga ay hindi apektado bakit ikaw ay halos manginig?

Pilit akong umaktong normal habang isa-isa silang umaalis sa kwarto. Pinagmasdan ako ni Helion bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto saka ko narinig ang sobrang katahimikan.

Binaling ko ang tingin ko kay Clef na nakatingin sa pyesang tingin ko'y cinompose ko. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya dahil nakaside view lang siya. Ibinaba niya iyong pyesa at kinuha ang gitara niyang nakahilig lang sa gilid. I saw how the muscles of his arms flexed.

Hindi payat si Clef, hindi rin naman siya bulky type. May tamang tangkad na tingin ko'y 5'8" at tama rin ang hubog ng pangangatawan. I know he's attending gym kaya siguro.

Tumingin siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay, "What do you want to learn first? Magaral kung paano maggitara o ire-arrange ang kanta mo?"

"Gitara" tanging naisagot ko sa kanya dahil ayokong baguhin niya ang kantang cinompose ko.

Tumango lang siya at nagsimulang maglakad sa dulo ng room kung saan nakahilig pa ang dalawang gitara. Kinuha niya iyong nasa kanan at tinanggal sa case, it's a black guitar with shades of brown in the side. As far as I know ay nakita ko na iyong gitarang iyon when he was in Cecilian. Iyon ang gamit niya.

Lumapit siya sa akin dala ang dalawang gitara. Ang isa ay iyong purong brown at 'yung isa ay 'yung kulay black.

"Use this" aniya bago iabot sa akin ang black na gitara.

I was hesitant at first pero naisip kong wala akong gagamitin kung magmamatigas ako. If I really want to study how to play this thing, ay dapat bumili ako ng sarili ko! Bakit ba hindi ko iyon naisip?

Kinuha ko iyong gitarang inabot niya at nakita ko siyang umikot sa pianong kinauupuan ko at pumwesto sa likuran ko. Tumalikod rin ako sa piano para magkaharap kami. Masyadong malaki ang piano para magkakitaan kami kung nasa pagitan namin iyon.

He sat at the monoblack there at ipwinesto ang gitara sa kanyang hita.

I watched as he do that, ng tumingin siya sa akin ay bahagya pang lumukso ang puso ko. Pinagmasdan niya ang paraan ko ng paghawak ng gitara.

"Don't slouch your back, dapat ay maayos ang pagkakapatong mo ng gitara sa binti mo para malapat mo ng maayos ang daliri mo sa mga fret. It's like playing piano too, you have to pluck the string and go with the tempo of the song, the difference is you have to carry it the instrument"

Tumango ako at sinunod ang kanyang mga sinabi. Itinuro niya sa akin kung paano magstrum ng maayos sa gitara maging ang mga basic na chords na dapat kong malaman. It was easy medyo masakit nga lang sa daliri but it was bearable, hindi naman pala iyon ganun kasama tulad ng iniisip ko.

Nahirapan lang ako ng puro flat na chords na ang tinuturo niya. Idiniin ko ang aking daliri sa mga fret bago iyon inistrum but damn it sounds so ugly! Bakit ba hindi ko ito makuha ng maayos?

Tumikhim si Clef, "Yung hinliliit mo dapat nandito" aniya bago gawin iyong chords. Ginaya ko ang ginawa niya pero hinid pa rin talaga maganda ang tunog ng gitara. What's wrong with this guitar? O baka ang daliri ko ang problema? Namamanhid na rin iyon!

I kept on strumming and trying but it sounded so helpless, mas mahirap pa ito sa pagpia-piano!

Naramdaman kong tumayo si Clef sa kinauupuan niya pero busy ako sa pagi-strum kaya hindi ko inabala ang sarili kong tignan siya.

Nakasimangot na ako dahil hindi ko maperpekto ang mga chords na may flat nang maramdaman ko ang paghilig niya sa aking likuran. I felt my hands quivered when he put his fingers on mine habang hawak ko ang kanyang gitara. His familiar smell lingered on my nose, pakiramdam ko ay nanghina ako ng dahil sa lapit niya sa akin.

"Diinan mo para tumunog ng ayos" malumanay niyang sabi.

Hindi ako makakilos. Ang tanging nararamdaman ko ay ang paghuhuramentado ng puso ko.

I felt his hand on my other hand and he guided me to strum the string of his guitar.

"See? It works right?" aniya na tingin ko'y nakangiti ngayon. Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit na gulong-gulo ang sistema ko sa paglalapit naming dalawa.

He's juts teaching you, Fermatta! No more than that and less than that!

Kahit na ilang ay sinusunod ko lang ang ginagawa niya na parang isang aso sa kanyang amo. Takot akong mapuna niya kung gaano ako ka-kabado ngayong malapit siya sa akin though I like this feeling. Him close to me, gustong-gusto ko iyong pakiramdam na iyon kahit nuon pa. How I miss the old time and I will be such an idiot if I'll think that it will be back again dahil malabo na iyong mangyari.

Natapos ang pagprapractice namin ng tumunog ang kanyang cellphone. It's an alarm reminding that we've been here for almost two hours.

Kuntento ako dahil marami akong natutunan, tingin ko nga ay kaya ko ng tumugtog ng ilang kanta pero nahihirapan pa rin ako sa pagstru-strum. Hindi ako sanay. Isa pa ang sabi niya ay complex daw ang chords na ginawa ko sa aking komposisiyon kaya't mahirap rin ang mga chords nuon sa gitara.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa case ng kanyang gitara. Lumapit rin ako duon para iabot ang gitarang ginamit ko.

"Thank you. I'm gonna buy tomorrow para hindi na ako manghiram sa 'yo"

Sumulyap siya sa akin bago isara ang zipper ng case, "You can borrow mine, hindi ko na iyan ginagamit. Maganda rin ang tunog at materyales kaya magaan lang. Bagay sa 'yo"

Pakiramdam ko ay uminit ang puso ko dahil sa sinabi niya. But this is his I shouldnt take advantage kahit na alam kong kaya niyang bumili ng dosena nito.

"No. I'll buy one para makapagpractice rin ako sa aking kwarto kapag may time"

Tumitig siya sa akin sandali bago tumango.

"If you say so"

Kinuha niya iyong gitarang hawak ko at tinalikuran na ako para ibalik sa case iyong gitarang iyon.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pakiramdam ko'y agad ring napawi ang init sa puso ko dahil duon. Ako naman ang nagsabing bibili ako ng akin pero ako itong nalulungkot dahil kukunin niya iyong hiniram ko. I'm totally insane!

Nang natapos siya sa pagaayos ng gamit ay saktong tapos ko rin. He has three guitars pero ang binitbit niya lang sa kanyang balikat ay iyong ipinahiram niya sa akin.

"You're going to leave your two guitars here?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Ito lang dadalhin ko" aniya.

Gusto ko pang magtanong kung bakit pero hindi ko na magawa pa iyon. Nauna akong lumabas ng kwarto at ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

"May kasabay ka? Naiwan ka na ng bus" tanong niya.

Pinagmasdan ko ang bako-bakong daan na nadaanan namin pagkalagpas namin sa mga practice room. It's a stone footstep patawid sa lobby ng building.

"I'll just hail a cab. Alam ko naman ang pabalik"

"Bibili ka ng gitara diba? I can help you, I know some good store that sells guitar"

Lumingon ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin pabalik sa akin. Don't think of anything else Fermatta. He's just a good samaritan to a poor like you! At malay mo ba kung saan nagbebenta ng mga gitara dito? You don't even know a decent mall here kay abaka nagmamagandang loob lang siya.

"Hindi na. Pupunta pa akong Subway mamaya, I need to go back to Fur Elise early"

"Why can't you just stay in your room and rest? May practice pa tayo bukas" kunot-noo niyang sabi sa akin. I felt the hint of irritation in his tone at hindi ko rin mapigilang hindi siya irapan.

Gusto kong magalit sa kanya dahil dapat ay hindi na siya nagsasabi pa ng mga ganuong bagay sa akin, diba ay iniwan niya ako nuon? He shouldn't care about me, tutal ay mukhang naging mas okay naman siya nuong wala ako.

This pace of my life is just temporary, he is only temporary. We are talking right now because we have to, not because we like to. Kahit na ako'y gustong-gusto ko siyang kamustahin tulad ng pagkamusta ko kay Hilton at Dwaine ay hindi ko iyon magawa sa takot na balewalain niya ako. Kahit na gustong-gusto kong bumalik kami sa dati ay hindi na pwe-pwede. Everything's changed.

Siguro ang pagiging civil, ang tanging maibibigay namin sa isa't-isa. No more feelings attached dahil alam kong talunan nanaman ako duon. Kailangan ko lang matiis at magpigil ng tatlong buwan na pananatili rito. After that, I will be free from all of this.

"I'm going to meet Cael there" ani ko sabay tingin sa unahan ng nilalakad ko.

Hindi ko na siya muli pang narinig pagkatapos nuon. Ni hindi ko napansin na hinid niya na pala kao sinusundan kung hinid pa ako lumingon at nakita ang likod niyang muling papalayo sa akin.

My heart twitched with the pain I felt.

Kailan ba ako masasanay? He will always leave me. He will always turn his back on me.

Halos tulala ako ng makabalik ako sa Fur Elise, wala akong ganang kumain dahil sa mga naramdaman ko sa araw na 'yon. Clef can really move my mood in 360 degrees. Una ipaparamdaman sayo ang saya, tapos kilig, paasahin ka at pagkatapos ay sasaktan. Ganuon din naman dati, bakit ba ngayon ay nagmumukmok pa rin ako? Dapat ay nuon pa ako nawawalan ng gana sa knaya.

But you can't really teach your heart. Kung may natutunan man ako, iyon ay ang katigasan ng puso because no matter what I do, I know it still yearn for the same person all over and over again.

Nang makapagayos ay tumulak na ako sa Subway para imeet si Cael. It's already 11pm at dapat ngayon ay natutulog na ako, but because he wanted me to meet there ay wala akong magawa.

Muli kong nakita si Felicity na lumalabas sa kanyang kwarto. She looked at me from head to toe bago ngumisi at talikuran ako.

Tingin niya siguro ay nagustuhan ko ang una kong pagpunta duon kaya ngayon ay uulit ako. Ni hindi ko nga magustuhan ang lasa ng alak at amoy ng sigarilyo.

Yakap-yakap ko ang sarili habang naglalakad sa kalsada papuntang Subway, puno ang parking lot, siguro dahil kahit hinid pa peak time ng bar ay marami ng naroon. Humampas ang hangin sa akin at yinakap ko ang aking braso, I wore some thick leather jacket dahil ayokong malamigan ng sobra.

Nang makarating ako roon ay sumalubong sa akin ang ingay ng tao sa loob. There a DJ in the stage na nagpapasimuno ng kaguluhan ng tao sa dance floor, neon lights are all over the place. Ang iba ay neon dresses at shirt ang suot. Tingin ko'y iyon ang theme para ngayong gabi.

Madilim na duon at halos makabangga ko na ang mga taong naglalakad.

Now, where can I find Cael?

I tried searching in the sofas near the dance floor pero iba't-ibang mukha lamang ang nakita ko. I also tried looking at the bathroom, pero puro nagsusukang teenager lang ang naroon.

Naalala ko iyong unang punta ko dito. I saw him near the bar counter talking with a girl. Baka nanduon rin siya ngayon!

Nagmadali akong maglakad papunta duon, halos itulak ko pa iyong lalaking nangharang sa akin habang hawak iyong alak niya. Narinig ko ang kantyaw ng mga kasama niya dahil sa ginawa ko but another man stepped in front of me, he's a lot more bulky and manly to the guy I pushed awhile ago. He's smiling at me, pero ako'y seryosong nakatingin lang.

"Maybe you want to dance with me?" aniya gamit iyong american accent niya.

Narinig ko ang pangalan ko at nakita si Felicity'ng papalapit sa amin, "Callyx!" halos isigaw niya iyong pangalan na 'yon sa sobrang lakas ng music, "You already met my friend I am talking about!"

"Yeah. She's gorgeous and innocent" aniya sabay tingin sa akin, "Just like what you've said"

Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang lalaking ito.

"I'm asking her if she wants to dance with me"

Agad akong umiling dahil sa sinabi niya pero naramdaman ko ang pagtulak ni Felicity sa akin papuntang dance floor.

"Of course she'll dance with you!" halakhak ni Felicity habang tinutulak ako papunta sa dance floor. Gusto kong magreklamo sa kanya pero hinid ko na nagawa dahil nasiksik na kami sa dagat ng tao sa dance floor. Ang ingay na ginagawa nila ay dumadagdag sa lakas ng tugtog sa mga stereo sa loob ng bar.

Tuluyang nawala si Felicity sa paningin ko. Liningon ko iyong Callyx at ngumisi lang siya sa akin. He's handsome okay! Maybe other girls will drool over him pero ako'y hindi. Isa pa mukha siyang manyakis!

Lumakas ang ingay sa dancefloor ng pinatunog ng DJ ang sikat na kanta ni Rihanna at Calvin Harris. Naramdaman ko ang kamay ni Callyx sa bewang ko but I jerked it away.

"I said I don't want to dance!"

Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis ko siyang tinalikuran. Mabilis ang lakad ko sa takot na baka hilahin niya ako pabalik duon. I know his kind of guy, iyong namimilit kapag hindi siya nagustuhan and guys like that are disgusting!

May muling humarang sa akin but I'm out of patient to even look at him kaya't agad ko nalang siyang tinulak palayo sa akin. I was so irritated with those people who kept on bumping me dahil sa pagsasayaw nila. Nang halos makarating ako sa medyo maluwag na parte ng dance floor, sa gitna, ay napatigil ako sa paglalakad.

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang naruon. There, someone I've never imagined to be here is actually here in front me, dancing with a beautiful girl and my heart can't stop pounding from familiar pain.

His hands are all over that girl's body while she is grinding to him. Sexy iyong babae, suot ang fitted na neon orange na dress na halos makita na ang kanyang dapat itago hindi tulad ng sa akin na halos itago ang lahat. Some people are watching and cheering them habang ako'y parang natutunaw sa kinatatayuan ko.

Sumasakit ang puso ko. Pakiramdam ko'y onti nalang tutulo ang luha sa mga mata ko. The pain is too much to contain to myself. Sobrang sakit kasi non na pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko.

If loving is hurting this much, then sana ay hindi ko nalang siya minahal. Akala ko kasi okay lang kahit malaman kong may iba siya, pero iba na pala kapag nakikita mo siyang may hinahawakang iba. Iba na pala kapag aktwal na. Mas masakit pala.

Nilagay nuong babae iyong kamay niya at mas lalo kong nakita ang mukha ni Clef na nakangisi. Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong tumalikod at tumakbo palabas ng bar.

Wala akong pakialam kahit magmukha akong tanga sa pagiyak. Ni hindi ko alam kung paano ilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib. I know crying will not also ease the pain but this is the only thing I can do right now.

Nang makalabas ako ay halos hindi ako makahinga. I clenched my chest from too much crying.

Bakit nga ba siya pa iyong minahal ko? He can't even love me back. He always turn his back off me. He can leave me without even worrying at me? Bakit siya pa?

I feel so helpless.

I was sobbing while my hands are on my chest. Ni hindi ko alintana ang mga taong dinadaan-daanan ako. I heard someone called my name but I didn't even bother to look up.

I don't have any energy to even stand straight. Ang gusto ko ngayon ay bumalik sa Pilipinas, iyong malayo sa kanya. 'Yung hinding-hindi ko na siya makikita.

I felt a hand gripped on my arms. I saw Cael looking so worried.

"Ferm, what happened to you?"

Umiling ako habang pinapalis ang luhang tuloy-tuloy na umaagos sa pisngi ko.

"I-m o-okay" I said while shivering.

"No you're not okay. What happened to you? May bumastos ba sayo sa loob ng bar? Tell me Fermatta!" halos natataranta niyang tanong sa akin pero wala akong maisagot kundi ang hikbi.

I felt his arms around me, hugging me but I still feel so empty kahit na yakap-yakap niya ako.

"Ssh, you'll be alright, Ferm. Stop crying" bulong niya sa akin ng paulit-ulit pero hindi pa rin ako makampante. Ni hindi nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"S-stop this Cael" I almost said in a whisper.

I felt him stiffed. Unti-unti niyang inilayo ang kanyang katawan sa akin. Yumuko siya para magpantay ang aming mga mata.

"W-what are you saying Fermatta? You are crying and now you're telling me to stop what I am doing. What's the problem with you Ferm?" nagsusumamo niyang tanong sa akin.

Napapikit ako sa panibagong sakit na dumaan sa dibdib ko. Iyong sakit sa katotohanang hindi ko kayang mahalin ang taong nasa harapan ko ngayon. Na masasaktan ko lang rin siya.

If I accept his shoulder one more time, alam kong hindi ko na mababawi pa ang lahat. Ayokong maramdaman niya iyong nararamdaman ko ngayon kay Clef. Ayokong umasa siya at sa bandang huli ay masaktan. Because he's a nice person and he deserved so much more. Not a broken person like me.

Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mata. Umiling-iling ako habang kagat-kagat ang aking labi para mapigilan ang paghikbi.

"Stop doing everything for me, Cael. You won't be happy with me. Can't you see? I'm broken"

"No Ferm. I told you, I can wait. Kahit matagal okay lang. Huwag ganito, Ferm" aniya bago hawakan ang balikat ko.

Lalong umagos ang luha ko at unti-unti kong nakita ang mga luhang sumisilip rin sa gilid ng kanyang mga mata.

"Please Ferm. I'll do everything. Is it about the Creole? Kung gusto mo babawiin ko sa kanila ang sinabi ko"

"No Cael, you don't need to do that"

"Then what should I do!" bulyaw niya sa akin bago ako talikuran. Humikbi ako habang nakikita ang kanyang pagkawasak.

Ginulo niya ang kanyang buhok at muling tumingin sa akin. Ni hindi niya maifocus ang kanyang mata. He look so hurt and I don't know if I can take it. He's just so good para maramdaman lahat ng pinaparamdam ko sa kanya ngayon.

"What should I do, Ferm! Ano pa bang kulang!"

"I love someone else!"

I saw how pain struck on his face. Nakatitig siya sa akin, ang luhang namumuo sa kanyang mga mata ay unti-unting bumabagsak. Tumango siya na parang naliwanagan siya bago iiwas ang kanyang tingin sa akin.

It's all my fault.

"I'm sorry Cael. I-I'm really sorry"

Tanging iling at tango lang ang ginawa niya. Pinunasan niya ang luha niya at malungkot na ngumiti sa akin but I know those smile were the evidence how bad I am to him.

[It's been so long since I wrote a letter to my readers. I just want to thank all of you for reading this story kahit sobrang tagal ng update. It's just that there are so many things happened to me for the past month. Well, bilang pambawi here's an update for you, guys. This story is composed of 50 chapters so medyo matagal pa ang tatakbuhin nito but rest assured that waiting for my updates will always be worth the read. Keep on giving feedbacks, I really love seeing long comments.I love you guys - B]

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 2.5K 53
Fermatta doesn't like music from the very start. Kahit na simula pa lang bata siya ay ang pagtugtog na ng piano ang kanyang kinamulatan. If it wasn't...
1K 141 43
⭐First Book In The STAR STRUCK Duology⭐ When you encounter a weird stranger by the side of the road, what would you do? It sounds like a simple quest...
1.5K 1K 11
Stories of youth and old I wonder where did all those memories go, A compilation of stories of youth and old brought together to be once again be tol...
61K 1.3K 4
[Status : Ongoing] Genre : Sci-fi, Romance, Thriller Updates: Every Friday [I hope]