A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Twenty-one

5.8K 126 54
By aKo_Narcisso

Flowers.

Oo. Flowers. Sa tagalog, bulaklak. In English, cotonton. AHAHAHA. Sobra talaga akong nakakatawa. Sana matawa din si Krystal sa joke ko.

Pero seryoso, unang payo sa akin ni kuya Mason flowers. Parang simple ba masyado? HINDI KAYA! Si kuya Mason kaya nagsabi nun kaya naman sure akong napag-isipan niya yung mabuti. Hindi naman magpapayo si kuya Mason hangga’t di niya nadadalumat ang isang sitwasyon eh.

Sabi pa nga niya noon, “Girls in majority, love flowers. It has long been associated with beauty thus a girl receiving flowers makes her feel beautiful. The type and color of flowers should also be considered for each type has its own meaning. For example, the color red usually connotes passion. Yellow for trust, white for purity and so on and so forth. The usual flower that a man gives to a woman is rose. Roses are known for it’s exquisite beauty. There’s a certain elegance in a rose. Though some statistical studies showed that most girls appreciate if the flower given to them was or is their favorite. They want to be treated specially therefore giving them their favorite flower indicates their significance, makes them feel that it is for them only and no one else’s.”

 

Oh diba? Ang cool talaga ni kuya Mason! Sobrang educational. Di gaya nung mga tinuro nina kuya Mac at kuya Chuck. Ilang gabi kaya akong binabangungot dahil lang sa ipinanuod nila. Huwag na nga nating pag-usapan yun. Ibaon na natin yun sa limot.

Ilang gabi kong pinag-isipang mabuti kung anong bulaklak ang ibibigay ko kay Krystal. Pwedeng red rose. Kaya lang parang masyadong imposing ang dating. Alam ko na! White rose. Para maipahiwatig kong puro at walang bahid ang intensiyon ko. Tama tama. White rose nalang. Kaya lang parang masyadong common ang white rose. Teka, ano bang bulaklak na pwedeng ibigay sa kaniya na puti, mabango, at magugustuhan ni Krystal? Nag-isip ako ng taimtim. Gang sa…

Ting!

Naalala ko. Noong Grade Six, binigyan ko si Krystal ng bulaklak at nagustuhan naman niya. Well, si Charlie ang nag-abot nun pero sakin parin galing yun kaya technically, ako ang nagbigay. Sakin galing. Ako ang bumili. Tamang-tama yun. White for purity, mabango, at higit sa lahat paborito ni Krystal. Tandang-tanda ko pa kung gaano kasaya ang reaction niya noon. Hihihi. Na-eexcite ako. EXOITEEED!!!

Napaaga uwian namin nun. Nagpaalam ako kina Charlie at Louie na may meeting kaya di ako makakasama sa kanila. Dahil sa nasasanay na silang lagi akong nasa meeting dahil ako pa rin ang president ng section namin, hinayaan na nila ako.

Wala naman talagang meeting. Pero pupuntahan ko si Krystal at bibigyan siya ng flowers. Sigurado akong matutuwa yun! Hihihi. Ayoko munang sabihin kina Charlie at Louie baka mamaya malasin pa ako. Hahaha. Biro lang. Baka makarating to sa dalawa lagot ako.

So ayun na nga diba? Lumabas ako ng school at dumeretso ng St. Jude. Doon ako bumili ng bulaklak para kay Krystal. Dinamihan ko na ang binili ko. Para naman masiyahan si Krystal. Pagkabili ko, pumunta na ako sa gate ng Holy Spirit para abangan si Krystal. Di ko alam kung anong oras ang uwian nila. Nahihiya akong itext eh.

“Hijo magkano?” tanong ng isang ale sa akin.

“Ang alin po?” tanong ko rito.

“Yang binebenta mo,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. Wala naman akong ibinebenta eh. Tapos tiningnan ko yung hawak kong bulaklak.

“Ito po ba?” tanong ko para makasigurado.

“Oo, bakit? May iba ka pa bang binebenta? Yan lang naman hawak mo diba? Malamang yan ang tinatanong ko. Tinatanong ka na nga kung magkano para makabili ako. Sige na magkano na? makakabenta ka na nga ayaw mo pa?” litanya nung ale.

“Dami mo naman pong sinabe ale. Mukha po ba akong nagbebenta? Hindi ko po ‘to binebenta,” sabi ko.

“Hmpf! Bibilhan ka na nga ayaw mo pa. Kung ayaw ayaw mong kumita edi huwag. Makaalis na nga. Sayang lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa tinderong ayaw naman kumita,” sabi pa nung ale bago tuluyang umalis.

Ay grabe! Wala akong masabi.

“Bata magka—” isa pa to.

“Hindi po ako nagbebenta!” putol ko sa kaniya.

Mukha ba talaga akong tindero? Ang cute ko namang tindero.

“Bata, bawal dito magtinda,” sita sakin nung guard. Pati ba naman guard? Hangkulit!

“Hindi po ako nagbebenta,” sabi ko.

“Sus, palusot ka pa. Bawal dito magtinda, dun ka na!” sabi pa.

AY GRABE!

“Kuya hindi nga po ako nagbebenta. May hinihintay lang po akong estudyante dito. Yung nililigawan ko po,” paliwanag ko.

Hihihi. Ang sarap sa pakiramdam na sabihing may nililigawan ako. Hihihi. Kasheee. Hihihi.

“HAHAHA! Aba toy, bagong palusot yan ah! Hahaha. Hayup! HAHAHA” Makatawa si kuya guard wagas. “Sige na umalis ka na.”

“Totoo po yung sinasabi ko. Hinihintay ko lang po si…” napatigil ako sa pagsasalita nang namataan ko si Krystal na papalapit sa akin.

HOOOMAAAYYY!!! Nilalapitan ako ni Krystal! Parang tatalon ang puso ko mula sa dibdib ko papunta kay Krystal. Hinding hindi ako magsasawang tingnan siya. How her straight brown hair bounces when she walks. Her captivating brown eyes that once you set your eyes on them, you’d never want look away. Her full lips.

“Siya… siya ang hinihintay ko. Ang destiny ng buhay ko,” out of trance kong sabi.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Krystal.

Natauhan ako bigla. Nakalapit na pala siya.

“Ah eh. Ano…” napatingin ako kay manong guard na humahalakhak sa dulo. “Nga pala… para sayo.” Inabot ko sa kanya ang dala ko.

“Ano yan? Anong gagawin ko diyan?” nakakunot-noo niyang tanong saka umismid.

“Ah, ano. F-flowers for you.” Bigla na namang humagalpak si manong sa dulo kaya napatingin ako sa kaniya saglit. Ano ba tong si manong, panira ng moment.

“Are you for real? Sa dinamidami ng bulaklak na ibibigay mo sakin ganito? Ano tingin mo sakin Basti, santo?” sabi niya saka tumalikod at naglakad papalayo.

“HAHAHA! Grabe ka boy! Seryoso ka palang ibibigay mo yan sa nililigawan mo? HAHAHA!” kumento pa ni manong guard sa gitna ng pagtawa. Ansaya niya ha.

Tiningnan ko nalang siya ng masama kahit na maluha-luha na ako. Tiningnan ko ulit si Krystal na pumasok na sa loob ng building.

Anong mali sa pagbibigay ko ng flowers sa kaniya?

Bakit hindi niya nagustuhan?

Akala ko ba paborito niya ang sampaguita?

========================================================================================================================

A/N:

wala bang magpapadedicate?... ok... ahaha... kung meron... PM niyo lang ako... wlang pilitan to... ays lang naman kung walang magpapadedic... hihihi...

Continue Reading

You'll Also Like

46.1K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
344K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
39.9K 659 98
Koleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nal...