sandali silang dumaan sa Barfly Le Bound upang duon ay mag-almusal. umorder sila Waffles with strawberries, Bacon & Egg sandwich at Unrolled creepe with hazelnuts, peanut butter, banana and whipped cream. sa buong oras ng kanilang pagkain, tila walang umiimik sa kanilang pareho. hindi mo mawari kung dahil lang masamang magsalita habang kumakain o dahil sa nakakaramdam silang dalawa ng lungkot dahil sa pag-alis ni Gerald bukas pabalik ng Manila
maging sa kanilang paglalakad, nanatili lamang silang mga walang salita. panay lang ang sulyap ni Sarah sa kanya at ganuon din siya sa dalaga. ang una nilang pinuntahan para sa araw na ito ay ang Notre Dame Cathedral. tahimik silang pumasok sa loob ng simbahan at pwumesto sa may bandang harapan mula sa likuran. hindi na siya umupo pa, agad agad siyang lumuhod upang mag-usal ng panalangin sa KANYA. ilang sandali pa ay gumaya na rin ang dalaga at lumuhod na rin ito sa tabihan niya. taimtim silang nagdasal na ang mga mata ay nakasara. makalipas ang ilang minuto, ay nagmulat ang dalaga at iginawi nito ang paningin sa kanya na patuloy pa ring nakapikit at nananalangin. hindi napigilan ni Sarah na mapangiti habang siya ay pinagmamasdan. right here, in front her...she can already see her prayer, her answered prayer. akmang hahaplusin ng dalaga ang kanyang pisngi ng natigilan ito. sa halip, ay isinandal na lamang nito ang ulo sa kanyang balikat na siya namang ikinamulat niya. bahagya niyang tinignan ang mukha ng dalaga at saka siniil ng isang muntik halik ang ulunan nito at muling ibinalik ang paningin sa may altar
"....dati kapag nagdarasal ako, pinagdarasal ko na sana mawala na yung sakit" narinig niyang wika ng dalaga
"andiyan pa rin ba?" tanong niya
"andito pa..." sagot ng dalaga na nakasandal pa rin ang ulo sa kanyang balikat "...pero hindi ko na siya nararamdaman"
"anu na lang nararamdaman mo?" tanong niya
humiwalay ang dalaga mula sa pagkakasandal sa kanya at mariin siyang tinignan "..Ikaw" sagot nito sa kanya. bahagya naman siyang ngumiti at muling hinalikan ang noo ng dalaga "kung maririnig mo lang yung puso ko...sigurado ako, makukulitan ka. kasi pauulit ulit niyang binibigkas ang pangalan mo" mata sa mata niyang wika kay Sarah
"sang text quote mo nabasa yan?" hirit ng dalaga na ikinatawa niya
"ikaw nagtext sakin nun e" balik hirit niya
"ako??!!!" bwelta ng dalaga "..ikaw lang naman ang korny dito e" dagdag pa nito na siyang ikinatawa niyang muli
"pero mahal mo" usal niya sabay kabig sa dalaga papalapit sa kanyang yakap
"sure ka?" nakangiti asar ni Sarah sa kanya
"oo" kampante niyang sagot sabay halik muli sa noo ng dalaga. mas kinulong pa niya ang ito sa kanyang mga bisig. naramdaman naman niyang humawak si Sarah sa kanyang magkabilang braso kung kaya't mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa dalaga
matapos silang dumaan sa simbahan, ang sunod naman nilang pinuntahan ay ang Le mur des je t'aime o ang Wall of Love na matatagpuan sa Rue Andre Barsaq. isa ito sa mga sikat na romantic destination sa Paris. the wall is a mural beautifully inscribed with the words I love you in 311 languages
nakatuon ang atensyon ni Sarah sa pagbabasa ng mga nakasulat sa pader ng bigla siyang may naramdaman na unti unting dumadampi sa kanyang kanang kamay. binalingan niya ng tingin ang kamay at nakita niyang unti unti na pala itong hinahawakan ni Gerald. ngumiti siya at binalingan ng tingin ang binata ngunit hindi naman ito tumingin sa kanya. he prentended as if nothing happened and continue reading the wall. so she just smile to herself and let him hold her right hand, a little later...she intetwined her fingers with him making him look at her. she flashes a very sweet smile to him as she tighten the way their fingers touch
"Sa?" tawag niya sa dalaga
"hmmm?" usal nito sa kanya habang patuloy na sinusuri ang pader
"inglisin mo nga yung mahal kita..."
napakunot naman ang noo ng dalaga sa narinig "ha?"
"inglisin mo yung mahal kita..." ulit niya
"I love You..." kaswal na wika ng dalaga
bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga bago nagpatuloy
"...I love You, too"
hindi naman napigilan ni Sarah na mapangiti sa kanyang naging hirit kahit ito pa ay "korny mo" usal ng dalaga sa kanya
"pero mahal mo" usal niya "...aminin mo na kasi" dagdag pa niya
"ayoko!!!!!!" bwelta ng dalaga
"bakit??"
"baka kiligin ka e" hirit ng dalaga na ikinangiti niya ng malapad "...tignan mo, hindi ko pa sinasabi...kinikilig ka na" hirit muli ng dalaga
"so mahal mo nga ako?" hirit niya
"che!!" usal lang ng dalaga at ibinalik na muli ang atensyon sa binabasa. pilit nitong inililihis ang ulo sa kanya upang itago ang ngiti nitong tila ayaw magpapigil sa kilig
ang sunod nilang pinuntahan ay ang Pont de l'Archeveche. it is a bridge that crosses the Seine near Notre Dame, couples come to this place to lock, literally lock a symbol of their love for good luck and longetivity. still, hand in hand...they roamed around the place
tila aliw na aliw silang dalawa sa mga padlock na nakikita nilang dalawa; may ibang lock na mukhang pina-customize pa, may ilan na hindi mo maintindihan ang hugis pero karamihan ay korteng puso ang istilo
"grabe yung pagmamahal ng naglagay nito o" pansin niya sa isang kandadong tila may kadena pang nakasalabay "..ayaw talagang maghiwalay" dagdag pa niya
binalingan naman ng dalaga ang tinutukoy niya "gusto mo gayahin din natin?" nakangiting hirit nito sa kanya
"sabi na e, mahal mo ko e" nakangiting hirit niya
"o di wag na" balik bawi ni Sarah na ikinatawa niya
"ayaw mo pa kasing aminin e..." hirit niyang muli ngunit inirapan lang siya ng dalaga. muli na naman siyang natawa "...alam ko naman e. gusto ko lang marinig" hirit niya pa na ikinaani niya muli ng irap mula kay Sarah
"ang hangin na, Ge" usal nito sa kanya. natawa naman siyang muli at hinalikan na lamang ang kamay ng dalaga na hawak hawak niya "..pero seriously, gusto mo ba, maglagay din tayo dito?" tanong niya sa dalaga "..kasi kung oo, pwede naman tayo bumili ng padlock, tapos lagay natin dito para..." hindi niya napigilan na ang ngumiti ng malapad "...para..."
si Sarah naman, kahit na alam na nito kung anu ang idudugtong niya sa sasabihin ay nanatili pa rin itong nakangiti lamang at hinihintay ang kanyang salita
yumuko siya at saka nagpatuloy "...para hindi na tayo maghiwalay"
bahagya ngumiti ang dalaga sa sinabi niya "kailangan pa ba?" tanong nito na ikinaangat niya ng tingin
he smirk. tama nga naman. kailangan pa ba nilang gawin ang naisip?
"mahal mo ba ko?" tanong niya
"oo..." deretchang sagot ng dalaga "...mahal mo din ba ko?" balik tanong nito sa kanya
"oo" walang paligoy ligoy niyang sagot "..gaano mo ko kamahal?" dagdag niya
"sobra" sagot muli ng dalaga "...ikaw? gaano mo kamahal?"
"sobra sobra"
bahagya namang natawa si Sarah sa sagot niya "ayaw mo talaga magpatalo" usal nito
nakangiti siyang umiling "...mas gugustuhin ko na ikadena yung puso ko sayo, kaysa sa lugar na to" usal niya "...sayo na lang ako" dagdag pa niya sa dalaga
"akin ka naman talaga diba?" hirit ng kaharap
marahan siyang tumango "noon...ngayon......kahit bukas pa, sayo talaga ako" sagot niya
"sayo lang din ako" usal ng dalaga "....nakakandado na yung puso ko sayo"
"pumipick up ka na ha?" hirit niya na ikinatawa ng dalaga
"hawa ako sayo e" hirit din ni Sarah "...ang baduy pala sa feeling" dagdag pa nito habang patuloy sa pagtawa
"wala ka kasing dating humirit" yabang niya
"ikaw kaya yun" nakangiting balik ng dalaga sa kanya
"halika nga dito" usal niya sabay hila sa dalaga papalapit sa kanya. mahigpit niyang kinulong ito sa mga yakap niya at siniil ng halik ang noo nito "I love You" wika niya sa dalaga
nag-angat naman ng tingin si Sarah mula sa pagkakayakap nito sa kanya upang pagtamain ang kanilang mga mata "kailangan ko pa ding bang sabihin?"
ngumiti siya at muling hinalikan ang noo ng dalaga "alam ko naman e"
yumakap ng mahigpit ang dalaga sa kanya at isinandal nito ang ulo sa kanyang dibdib "pero gusto ko pa ring sabihin..." usal nito
"..Mahal kita, Ge" wika nito. nag-angat ito muli ng ulo at tinignan siya "...ayan a!!! malinaw na a!!! mahal kita...mahal kita!!!" pagdidiin nito at piningot pa ang kanyang ilong. siya naman ay tumawa lang sa ginawa ng dalaga
"Mahal din po kita...Mahal na Mahal" wika niya. ngumiti naman ang dalaga at muli siyang niyakap ng mahigpit
Love is always patient...
it maybe slowly
frustrating...
aching...
but surely
it will happened
in it's own perfect timing
-----------------------
I'M DEDICATING THIS CHAPTER TO THE ONE NA NAGPAALIW SAKIN SA LAST CHAPTER. AS IN TODO COMMENT AND KULIT KASI SIYA
KAYA AYAN....IM DEDICATING THIS CHAPTER TO YOU ">
COMMENTS & VOTES