CHAPTER 21.

5.8K 91 45
                                    

balot na balot siya ng kumot habang nanunuod ng T.V. nasa loob lang siya ng kanyang kwarto, simula kanina ng gumusing siya ay hindi pa siya lumabas dito. inakyatan na lang siya ng pagkain ng ina ngunit hanggang ngayon ay hndi niya pa rin ito ginagalaw. tumunog bigla ang kanyang cellphone. tinignan naman niya ito upang malaman kung sino ang tumatawag

<Ate Ana calling>

kinuha niya ang cellphone sa kama kung saan nakapatong ito at sinagot ang tawag

"hello?" matamlay na sagot niya

hello Sa?

"o Ate? napatawag ka?"

okay ka lang ba?

suminghot naman siya. kanina pa siya nahihirapang huminga dahil sa pagkakabara ng ilong niya "masama yung  pakiramdam ko e"

bakit???!!!

"hindi ko alam. basta kanina pag-gising ko, hinang hina yung katawan. hindi ako makabangon"

o sige. tatawagan ko na lang sila Direk sabihin ko na hindi ka makakarating

"pasabi na rin Ate sorry ha?"

ako ng bahala. magpahinga ka na lang

"sige salamat Ate"

ibinaba na niya ang kanyang cellphone. humiga siya sa kanyang kama. tumingin siya sa lamesang nasa kanang bahagi ng kwarto niya. sa lamesa ay may nakapatong isang tray kung saan andun ang kanyang almusal. wala talaga siyang kagana ganang kumain

~~o~~o~~

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon