nasa may parola siya ngayon. nakaupo siya sa may lapag habang ang kanyang buong likod ay nakalapat ng maayos sa may pader na nasa likuran niya. ang kanyang kanang braso ay nakapatong sa kanyang kaliwang tuhod. ang kanyang paningin ay nasa gawing harap lamang
huminga siya ng malalim at kanyang isinandal pati na rin ang kanyang ulo sa sinasandalan
tila malapit sa puso niya ang lugar na ito. to him, it's his sanctuary
dito siya pumupunta noon kapag gusto niyang lumayo mula sa gulo, sa intriga, sa problema, sa ingay, sa batikos, sa sakit. pumupunta siya dito noon kapag gusto niya ng kahit konti man lang katahimikan at kapayapaan na hindi kayang ibigay sa kanya ng totoong mundong ginagalawan niya
pero ngayon...hindi na iyon ang nadarama niya
kumakabog man ang dibdib niya sa ngayon, at kahit parang gusto niyang umiyak, gusto niyang sumigaw
....hindi na lahat dahil sa sakit
kundi dahil sa labis na kasiyahan na nadarama niya
na nanalaytay sa bawat sulok ng puso niya
at dahil yun SA KANYA
SIYA na kayang kaya siyang pangitiin sa pinaka simpleng paraan
SIYA na kayang kayang buoin ang araw niya kahit sa simpleng pag-ngiti lamang nito
SIYA na kayang kayang paluksuin ang puso niya sa pamamagitan ng tunog ng tawa nito
SIYA na kayang kayang patigilin ang ikot ng mundo niya sa simpleng pagtama ng mga mata nito sa kanyang mga mata
SIYA na laman ng bawat gunita niya
SIYA na lagi niyang nakikita sa bawat panaginip niya
SIYA na namimiss na niya
he sighted at his last thought. he really misses her, so much he lost count
hinugot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. sandali niyang pinagmasdan ang kanyang wallpaper na larawan ng dalagang kanyang sinisinta
"come home na please..." animoy kausap niya sa larawan ni Sarah
~~o~~o~~
huminga siya ng malalim at muling nakipagtitigan sa salamin. ilang sandali pa, ay sumungaw ang isang ngiti sa kanyang labi na tila hindi niya mapigilan sa paglapad. napahawak siya sa kanyang dibdib na tila parang dinadama ang nilalaman nito
wala ng sakit
wala ng luha
wala ng lungkot
tila nahipan na ng hangin ang bawat sandali ng kanyang pighati
tapos na ang bagyo at muli na siyang sinikatan ng araw...
ang hinihintay niya na lang
ay ang paglitaw ng bahaghari sa kanyang buhay
napayuko siya at napatingin sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang dibdib. hindi niya napigilang mapangiti ng maramdaman niya ang binata sa loob nito
ngunit dali dali ding nawala ang ngiting iyon ng maramdaman niya ang kanyang pangungulila sa mga yakap nito
she misses him so much she doesn't wanna feel it. she sighed....
"gusto ko ng umuwi..." nakalabi niyang kausap sa sarili
----------------------------
GUSTO KO SANANG GAWAN NG BOOK TWO TONG JUST ONCE KAYA LANG NAISIP KO WAG NA LANG DIN. BAKA IKA-DOWNFALL PA NG BABY KO YUNG MAGIGING BOOK TWO KAYA WAG NA
BUT I'M PLANNING OF WRITTING ANOTHER FIC. WALA PA NGA LANG AKONG MAISIP NA PWEDENG MAGING THEME. KAYO BA MGA LOVES KO, ANUNG KLASENG STORY ANG GUSTO NIYONG ISULAT KO??
CARE TO SHARE PLEASE.......
ANYWAY COMMENT & VOTES
AND ANOTHER FAVOR PA PALA...PLEASE PRAY FOR LETRAN NA MANALO KAMI SA GAME TOMORROW AGAINST BEDA. AT KAPAG NANALO ANG LETRAN, I SWEAR MALALAGAY AKO NG EPILOGUE...SO PLEASE PRAY FOR MY ALMA MATTER
HAPPY FRIDAY "> GODBLESS
#522
#BeatSanBedaArribaLetran
#W17NESSLETRAN