CHAPTER 39.

5.2K 93 33
                                    

nakahiga siya sa kanyang kama habang blangkong nakatingin sa kisame

masyado yatang maraming luha ang naitambak niya nitong mga nakalipas na buwan kaya ba't patuloy pa rin ang paagos nito mula sa kanyang ngayo'y malamlam na mata 

alas tres na ng madaling araw ay panay pa rin ang kanyang hikbi

kanina pa niya gustong itulog na lang ang nadarama, kung anuman ito. ngunit panay naman ang pintig ng kanyang utak dahil sa kanyang mga iniisip 

nakita niyang umilaw ang kanyang cellphone na nakalapag sa side table ng kama niya. inabot niya ito ng kanang kamay at kanyang tinignan

You Okay?

ang message na nabasa niya ng buksan niya ang isang text na galing sa binatang kanina pa naglalaro sa kanyang puso't isipan

hindi naman na niya nireplyan ang binata. ibinalik niyang muli ang cellphone sa kung saan niya ito kinuha at muli, ay nakipagtitigan nanaman siya sa kisame ng kanyang kwarto

~~o~~o~~

nakasuot siya ng sando't boxer shorts habang palakad lakad sa may pool side ng kanilang bahay. ang kanyang kaliwang kamay ay nakapasok sa bulsa ng jacket na suot suot din niya habang ang kanang kamay ay kanina pang nakahawak sa kanyang cellphone na hindi niya mabitaw-bitawan

umupo siya sandali at muling tumayo't naglakad-lakad. panay ang sulyap niya sa kanyang hawak hawak na cellphone na animoy may hinihintay na tawag o text. ilang minuto rin niyang tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. huminga siya ng malalim at nagpasyang sundan ang kaninang text message niya para sa dalagang kanina pa niya'y iniisip at inaalala

I heard from Direk Cathy na bigla daw sumama yung pakiramdam mo

I'm worried. Text me pag nabasa mo to okay?

 after 10 minutes ay ang nagpadala nanaman siya ng text message dito

you still awake? 

anung nararamdaman mo?

Text me

after another 10 minutes, muli nanaman siyang nagpadala ng text message sa dalaga

is it the food?

or yung biyahe?

Text me

after another 10 minutes, hindi naman na siya nagpadala pa ng isa pang text message sa dalaga. instead ay tinawagan naman niya ito, ngunit hindi naman siya sinagot nito

nagtatalo ngayon ang kanyang isip kung tulog na ba ang dalaga't nakakaistorbo siya o gising pa ito ngunit ayaw lang siyang makausap

isinandal niya ang ulo sa kinauupuan "Sarah...." bulong niya sa hangin 

~~o~~o~~

tumingin siya sa orasan na nasa side table ng kanyang kama. alas-kwartro na halos ng madaling araw..at heto siya't dilat na dilat pa rin. nasan ba si Antok at ayaw siyang dalawin kanina pa

nakita nanaman niyang umilaw muli ang kanyang cellphone. kanina pa nga yan sa pag-vibrate at pagring ngunit hindi rin naman niya pinapansin. sandali niya lang itong babalingan ng tingin at muli, babalik sa pakikipagtitigan sa kisame

sandali pa ay muling tumunog ang kanyang cellphone. tumayo siya mula sa pagkakahiga at kinuha na niya ito upang sana'y patayin ngunit nabasa niya ang bilang at tawag na mula sa kanina pang tumatawag at nagtetext sa kanya 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon