SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 17 - Unheard Feelings

1.5K 35 2
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: Kaway-kaway kina ChocoBobo, black_MQM at Louise_victorique, nakakatuwa kayong tatlo :) Hindi ko alam kung hindi kayo bibitaw hanggang dulo, pero you three are very special and very dear to me. More than enough na itong hanggang Case17 lang.

Case 17

Unheard Feelings

Dinelle's POV

In just a blink of his eyes, my nerve, my spine and even my heart calms. There was an absence of his smile as he leaned down.

Then my eyelids automatically falls, like I'm..

like.. I am actually..

"Expecting for a kiss?" bulong niya sa tenga ko.

(o_______o) Napadilat naman ako agad.

Nakadikit ang kaliwang pisngi niya sa kaliwang pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya.

"I will never kiss you again, Suralvo." dugtong niya pa.

(O.O) Iyong unang beses ba na tinutukoy niya ay noong malunod ako? Ibig bang sabihin, labag talaga sa loob niyang halikan ako? Nah, MOUTH TO MOUTH RESUSCITATION is way way waaaay different from a KISS!

He'll never kiss me again? WHO IN THIS COUNTRY CARES!! He's just-- he is.. arghh!! His words are, somehow insulting. Very insulting! Everyone dreams of kissing me, then he--WHAT! THE! HECK!

"Nakaalis na sila."

Matagal bago ko naintindihan ang sinabi niya. Tahimik na bumangon ako, iniwan ko sa kama ang isinuot kong T-shirt at inagaw sa kanya ang jacket ko.

Sa mismong harap rin niya, isinuot ko iyon. Lalayas na ako dahil sa tingin ko, kulang pa ang kamatayan para mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa akin.

Sandaling tiningnan ko siya saka ako tumalikod. "Ikaw nang magsauli kay Ailyn ng phone niya. Gumawa ka ng dahilan. Bahala ka na."

Nakalabas naman ako ng clinic nang walang kahit na anong naririnig mula sa kanya.

ö~ö~ö~ö

Kiel's POV

Tsh! Nagmumukha akong tanga, para akong walang kinakausap ah.

Ako na ang tumayo para silipin kung sino ang nagdo-doorbell dahil mukhang tulog na habang nakadilat ang engot na ito.

"Si Kuya? Anong ginagawa niya dito?" Ano na naman bang kailangan niya? Bihira siyang pumunta sa bahay ko pero sa mga bihirang araw na iyon, mga walang kwenta ang dinadala niya.

"Si Zeil?! Ako nang magbubukas." nagtatakbo si A.M. palabas. Pagdating kay Kuya, mabilis siya kahit tatanga-tanga.

"Zeil.. Zeil nandito ka nga." napakasigla ng boses niya at napakaingay pa ng gate habang sinususi niya. Kahit isang taong suweldo niya, kulang pa pampagawa ng gate ko kung masisira.

"How are you?" nakangiting tanong ni Kuya, at sa kamay niya ay mga bulaklak na malamang ay para kay A.M. Baka tototohanin na niya ang panliligaw na sinasabi niya sa akin sa phone noong nasa Tagaytay pa ako.

"Naku, okay lang ako, maayos nam--WAAA! Bakit ba kasi ang hirap buksan ng padlock ng gate e. Sorry ha? Sandali na lang ito, Zeil."

Kung hindi ba naman siya tanga, parang susi lang, hindi pa alam gamitin.

Napapailing na lumayo ako sa bintana. After all, si A.M ang dinadalaw ni Kuya, and it was none of my business.

"Teka, tatawagin ko si Kiel para siya ang magbukas nito."

Napahinto ako. (o.o) Baka nalilimutan niyang ako ang amo dito. Sino siya para utusan ako?

"Kieeeeel!! Kieeeeel!!" naririnig ko na ang mga yabag niya.

Hinarap ko naman siya saka diretsong sinagot kahit hindi pa naman siya humihingi ng pabor. "No." naupo na ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Kung hindi niya kayang buksan ang gate, magtiis silang mag-usap ng ganoon.

"Hindi ko kasi mabuksan iyong gate. Kaya hihingi sana ako ng--"

"I said 'no' already." putol ko sa sasabihin pa niya. Nagpresenta siya, na siya ang magbubukas, edi pangatawanan niya.

"Kiel, ngayon ko na lang uli siya nakita. Sige na naman o. Kuya mo naman siya e."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Nagpunta siya dito, ang pangit naman kung hindi natin siya papapasukin, minsan na nga lang pumunta iyong tao."

Nag-uumpisa nang uminit ang ulo ko. Naririndi na ako sa boses niya. Wala ba siyang balak tumigil?!

"Napakabait niyang Kuya sa iyo, alam mo ba iyong mga ibinilin niya sa akin? Lahat ng iyon para sa pag-aalaga ko sa iyo. Matitiis ba ng konsensiya mong paghintayin 'yong Kuya mong nagmamahal sa'yo?"

Binitawan ko ang kubyertos ko at tumayo na ako. Wala na akong ganang kumain.

"Kiel, malamig sa labas, baka magkasakit--" hinablot ko ang susi mula sa pagkakahawak niya

Napangiti siya at nauna pang lumabas.

"It's been months, bro!" bati sa akin ni Kuya nang makita niya ako.

"It's better if it was 'years' " prankang sagot ko na ikinatawa niya.

"Kamustang kasama si A.M.?" tanong pa niya na hindi ko na sinagot, sa halip ay sinimulan ko nang buksan ang padlock.

Ano bang pakialam niya sa mga nangyayari kapag kasama ko si A.M.? Walang ka-kwenta-kwentang mga bagay, itinatanong pa.

Noong matanggal ko ang padlock, agad na ibinukas ni A.M. ang gate. "Zeil!" para bang bagong laya siya na maiiyak pa dahil pinakawalan sa kulungan.

"Flowers." iniabot ni Kuya ang dala niya, at tuwang-tuwa namang kinuha iyon ni A.M.

I was about to look away and get back inside when I saw her tears.

"Why?" nag-aalalang tanong ni Kuya. Ano bang kaartehan ang iniiyak ng abnormal na engot na iyan?

Umiling siya habang nakangiti. "Masa-- masaya lang ako, k-kasi nandito ka." humihikbing sagot niya naman.

Kung makaasta siya, parang pinagmamalupitan ko siya sa bahay ko ah? Yes, I get angry most of the times, but it was her fault. Blame her stupidity.

"You missed me?" nakangiting tanong ni Kuya, pero napalitan ng gulat ang reaksyon niya nang biglang yumakap si A.M. sa kanya.

Naikuyom ko ang palad ko..

.. siguro dahil hindi ko na maramdamang hawak ko ang susi at padlock.

Yeah, that explains it.

Natawa ng mahina si Kuya, saka niyakap rin si A.M.

Tumalikod na ako. Kamusta nga bang kasama si A.M.?

A.M. is the kind of person who moves first before thinking. She get carried away then exasperately hugs me out of a sudden. I used to pushed her away as always, because I find it annoying.

And now that she's stupidly using that attitude again. It annoys me more.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Someone shot me with a needle."

"Ahh.." (  >_<')\ Nauntog ako sa bakod. May bigla kasing nagsalita kung kailan sumusuot na ako sa secret passage.

"I woke up in clinic and find myself conscious but paralyzed. Isa ang student council president sa nagdala sa akin doon. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nakita natin angcellphone niya."

Naupo ako sa damuhan habang hinahaplos ang ulo ko.

"Then I stabbed myself with scissors to get back to my senses."

Tumayo ako at hinarap siya saka matalim na tiningnan. "Bakit mo sinasabi sa akin iyan?" He's now wearing the shirt I had worn. Hindi ko man lang naramdamang sinusundan niya na naman pala ako.

"Dahil gusto mong malaman."

"Wala akong sinabing ganon!" gusto ko ngang malaman pero kanina pa iyon. Kung sasabihin rin naman pala, bakit ngayon lang?

"Alright." pagkasenyas niya na aalis na siya, tumalikod na siya. Doon niya tinapos ang topic. Ang galing lang di'ba? Nakakagalit dahil..

.. kasi

.. dahil "You stabbed yourself?!"

"To win the game." huminto siya pero nanatiling nakatalikod.

"Are you nuts? Don't you think of possibility that--"

"All I'm thinking about that time was you."

(O_O)

Humarap siya. "There's someone who's hoping for my victory and believing I can do it. So I did my best to win the game for her."

Natigilan ako. That was my exact words on 'The Recess.' Para sa kanya talaga ang message na iyon pero ngayong napanood niya pala talaga, gusto kong malubog sa kahihiyan.

Pero malay ko ba kung nangti-trip na naman siya dahil iyon naman ang hobby niya, siguro gusto niya lang na ipamukha sa akin na kasalanan ko kung bakit ganyan ang kundisyon niya. "Gusto mong ma-guilty ako sa ginawa mo sa sarili mo? Kasalanan ko bang tanga ka?" naiinis pa rin kasi ako sa sinabi niyang insulto kanina, at sa hindi niya paggamit sa utak niya. Mas mahalaga pa ba ang game kaysa sa sarili niya?

Lumakad siya palapit. "Go home now and sleep well." Ang tindi rin ng pagka-paranoid niya!! Ang layo noon sa sinabi ko ah?!

"Hindi mo ako kailangang paalisin. Aalis talaga ako!" tinabig ko ang kamay niyang nasa ulo ko pa saka ako tumalikod pero nakaka-isang hakbang pa lang ako, hinila niya ako pabalik para yakapin.

(O.O)

"Thank you." mahinang sabi niya. Yakap niya ako hindi kasing-higpit ng dati pero ramdam ko pa rin na walang pwedeng manakit sa akin. "Thank you for being here, Suralvo."

ö~ö~ö~ö

"~Sir I'm a bit nervous 'bout being here today. Still not real sure what I'm going to say~"

Nagsalubong ang kilay ko nang mag-ring ang cellphone ko.

Ayt!! Puyat ako e!

"~So bare with me please, if I take up too much of your time~"

Kinapa-kapa ko sa side table ang nakaka-badtrip kong cellphone. Malaman ko lang talaga na walang kwenta ang itinawag nito, sa impyerno na siya magpapaliwanag!

"~I'm gonna marry your daughter, and make her my wife~"

Mabuti na lang maganda ang ringing tone ko at hindi nakakasawang pakinggan.

"~I'm gonna marry your princess and make her my queen. She'll be the most beautiful bride that I've ev~"

I click the answer button and put it on my ears, with my eyes still closed. Hindi ko ugaling magtext o tumawag pero sumasagot naman ako ng tawag.

"DINDIN!!!"

(O_O) Napadilat ako bigla at kamuntik ko nang maibato ang cellphone ko sa tinis at lakas ng baklang boses niya.

Bumangon ako. "At sinong may sabing pwede mo akong sigawan?! Ha?! SINIRA MO NA NGA ANG TULOG KO TAPOS SISIRAIN MO PA ANG ARAW KO? Baka gusto mong SIRAIN KO BUHAY MO?!"

"E simula nang makilala kita, nasira na ang buhay ko." bulong niya pero hindi iyon nakalagpas sa matalas na pandinig ko.

"Ano nga uli iyon Crisostomo? PAKILAKASAN!" madiing sabi ko.

"Ahihi, sabi ko beki ako, nire-remind ko lang ang kagandahan ko, minsan kasi napagkakamalan kong babae ang sarili ko dahil sa sobrang charm na taglay ko." at tumawa pa siya kunwari. "Bakla pala ako? Hihihi."

Hindi naman siguro siya tumawag para lang sabihing nalilimutan niyang bading siya di'ba? Dahil kung iyon lang talaga ang dahilan, mapapatay ko siya sa pinaka-malagim na paraan!! "Ba't ka ba tumawag?" mataray kong tanong.

"Anak ng chorvalers.. ipinush na naman ng mga mongoloid na tabloid writers ang napakaganda mong pangalan sa headline!!"

Ibinagsak ko uli ang katawan ko sa kama.

"Ginawa nilang issue iyong tinutukoy mo sa 'The Recess' na huli mong na-hurt. Alam mo bang ginawa pa nilang blind item ang taong iyon?"

"And?" walang ganang tanong ko.

"Anong 'and' ka dyan?! Sino ba kasi iyon? Pinagpipiyestahan ka na nila. Yes, okay pa sa simula dahil mas sumisikat at pinag-uusapan ka, pero hindi sila titigil hangga't hindi nila nalalaman kung sino iyon." seryoso na ang boses niya this time.

"Yeah. So?"

"Ano bang klaseng reaksyon iyan? Ito ang aftershock ng show na 'The Recess' anong sasabihin mo kapag kinulit ka ng media?"

I closed my eyes. "I'm tired." Kung tired phusically or tired of being an actress, hindi ko rin sigurado.. baka pareho.

"Ohhkay payn. Get all the rest you want, pero Dindin tomorrow, ihanda mo ang sarili mo dahil magsisimula na ang pictorial ng Transparent Dream. Wholesome ang setting, pinagkagastusan talaga! At alam mo ba iyong--"

I opened my eyes and hung up the phone. Kapag alam kong walang pupuntahan ang tawag, ibinababa ko.

Rumehistro bigla ang pangalan ni Ailyn sa screen at may ipinadala siyang message.

=====

From: Ailyn

we heard about the news, wg mo lng sila pnsinin, wg mo na msyadong icpin. remember d song that goes 'people throw rocks at things that shine' ...... FIGHTING!!

=====

Napangiti ako sa nabasa ko. Saan kaya humuhugot ng inspirasyon ang babaeng ito para patuloy na maging masaya at positive araw-araw?

"Everytime I feel like giving up, people around me will do the exact opposite. They'll believe on me. They'll cheer me up. Then I have no other choice but to keep the strength and still stand."

Kahit hindi ko basahin ang dyaryong tinutukoy nila, alam kong opinyon iyon ng mga writer in a harsh way. Kunwari nasa side ko sila pero iyong choice of words nila.. hindi ko side. It always happens, at hangga't nandito ako sa industriyang napili ko, it will always happen.

Ilang beses na akong sumuko, pero may mga taong katulad ni Crisostomo at Ailyn na lalaban para sa akin. So what's the reason to give up? Kung naniniwala sila sa akin, bakit hindi ako maniniwala sa sarili ko?

Tinakpan ko ng kanang palad ang noo ko at tumitig lang ako sa kisame.

Give up - Look down on yourself - Stood up - Give up again

I smirked. That's the interesting cycle of my life.

"Hangga't may mga taong naniniwala sa akin, hindi ako titigil sa paglaban." tiningnan ko ang picture frame sa side table. "Am I right, Ma?"

Bumangon na ako at tiningnan naman ang wall clock. It was already nine in the morning. Buong akala ko pa man din, binulabog ni Crisostomo ang tulog ko, e tanghali na pala. Siguro, nagtimpi talaga siya sa pagtawag at akala niya gising na ako, kaya ganoon na lang kung isigaw niya sa matinis na boses ang pangalan ko.

Kasalanan talaga ng detective na iyon kung bakit ako napuyat! .. Anong nag-aalala ako? Hindi kaya!

I admit I think of him but.. but.. but THINKING and WORRYING is two different words!!

Teka..

... kung naitext na ako ni Ailyn, naibalik na sa kanya ni Wanna Be ang cellphone?

I reached for my phone and browse my inbox. May nauna pa bang isinend na text si Ailyn? Para magka-idea man lang ako kung paano ibinalik at anong idinahilan ni Wanna Be sa kanya.

=====

From: Ailyn

good morning Din! smile! smile! smile! sobrang ganda ng araw na to! i nver been ds happy b4 :D

=====

( ,__) Kahit sino naman magiging masaya kapag naibalik ang akala nila nawala na nilang cellphone.

Pero bakit parang ang OA ni Ailyn? (-.-) Over acting na siya tulad ni Fai dati pa, pero parang may bago.

(=,= ) O baka nahahawa lang ako nang pagka-paranoid kay Wanna Be kaya binibigyan ko iyon ng ibang meaning?

ö~ö~ö~ö

Ailyn's POV

"Manong Roger, good morning.." I smiled at him. "Thank you po ulit kagabi ah?" a sincere yet weak smile.

Tumingin siya sa wrist watch niya. "Maaga pa, wala pang tao sa loob."

"May.. may ano po.. may exam po kasi mamaya, maingay po sa bahay kaya dito na lang ako magre-review."

Kumunot ang noo niya. "Nakatulog at nakakain ka na?" nagtatakang tanong niya, halos hindi pa kasi sumisikat ang araw.

Ang totoo kasi niyan, hanggang alasais lang ang duty ni Manong Roger at nalimutan kong magpasalamat sa kanya kaya ayan, wala pa talaga akong maayos na tulog.

Napayuko ako at napakamot sa batok. "Basta Manong, thank you po ha?" ibinigay ko ang buong lakas ko para makangiti ng todo. Naglakad na ako papasok ng school pero napahinto ako noong sitahin niya ako.

"Teka lang."

Napalunok ako, alam kong hindi niya kasi ako papayagan.

"Ger, ako na dito." napalingon ako sa likod. Si Manong Albert pala, iyong isang guard na pumapalit kay Manong Roger. Magkasing-laki sila ng katawan pero magkabaliktaran sila ng ugali.

Whew! He's my saviour! Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para tumakbo.

"Tek--"

"Hayaan mo na iyong bata. Nagkape ka na ba?" narinig ko pang tanong niya kay Manong Roger. Masungit at napakahigpit kasi ni Manong Roger, di tulad niya na ka-close ng halos lahat ng estudyante dito. Mahirap man paniwalaan, best of friends silang dalawa.

Pagdating ko sa classroom, ibinaba ko ang gamit ko sa upuan. Uupo na sana ako para yumuko sa desk pero ang lamig ng hangin na nanggagaling sa bintana kaya napahakbang ako palapit. Haay, nalimutan yatang isara ng mga cleaners kahapon itong bintana.

(*-*) Kasabay ng paghangin sa kurtina, hinangin rin ang buhok ko. Madalas akong pumasok ng maaga para lumanghap ng sariwang hangin pero hindi naman ganito kaaga. Hindi ko talaga ipagpapalit ang morning breeze sa kahit na anong bagay.

Napapikit ako at itinukod ko ang kamay ko sa bintana. Nakakawala ng stress. Ang payapa nang lugar.

ö~ö~ö~ö

"Hmm.." inilayo ko ang mukha ko sa nangangalay ko nang braso. Naka-idlip pala ako.

"Anong oras na ba?" kinuha at pinindot ko ang cellphone na nasa desk ko.

"It was six fourty eight."

Tama siya, magse-seven na pala. Mamaya lang darating na ang magugulo kong kaklase.

..

..

(O_____O) S-Sinong nagsalita??

Iniangat ko ang mukha ko at nakita ko si.. si..

.. si Justin. Nakangiti siya habang nakaupo sa teacher's table at nakatingin sa akin. Alam ko, nagising na ako e, bakit parang panaginip pa ito?

"Good morning, student council president."

<(O///O )

Gusto ko sanang ayusin ang sarili ko dahil kagigising ko lang pero hindi ako makagalaw. "J-Justin.."

Tumalon siya pababa ng table at lumakad palapit.

( @...@ ) Parang huminto ang pag-ikot ng mundo kasabay ng paghinto ng tibok ng puso ko.

"Here." nabaling ang tingin ko sa inaabot niyang maliit na bottled milk.

Umiling ako. "H-Hindi na.."

Pinihit niya ang takip noon at ibinaba sa desk ko. "Students need you, don't starve yourself."

Napayuko ako. Kinakalma ko ang sarili ko para makapagsalita ako ng maayos. Pero kapag naiisip kong nandito siya sa harap ko, kinakausap ako, tinitingnan, kaming dalawa lang, binibigyan niya pa ako ng gatas at parang nag-aalala siya, gustong sumabog ng dibdib ko sa kaba.

/(>___<)\

"Huwag mo nang iwawala iyang cellphone mo."

Napaangat ang ulo ko at naguguluhan akong napatingin sa kanya.

O-Oo nga! Iyong cellphone! Cellphone ko iyong nasa desk. Napulot niya? Saan? T-Teka, b-baka alam niya..

(T__T) Alam niya nang gusto ko siya? Kaya ba siya ganito? N-Nakakahiya!

"Saan mo napulot?"

"Sa gym."

Sa gym? Pero galing na kami doon kagabi ni Manong Roger, at wala naman kaming nakita.

"P-Paano mo nalamang akin 'to?" nahihiya kong tanong. Kung alam na niya, sana sabihin niya na, dahil parang mamamatay na ako kaiisip.

"The wallpaper and your name on key chain."

May pangalan ko nga pala ang key chain na bigay ni Tim. Pero bukod doon, may nakita pa kaya siya? (>*<)

"T-Thank you." nakayuko na namang sabi ko.

Noong marinig kong humakbang na siya palayo, noon lang uli ako naglakas ng loob na tingnan siya. "Justin!" napatayo ako at tinawag ko siya bago siya makalabas ng pinto.

Huminto naman siya at lumingon.

Noong mga oras na iyon gusto ko nang isigaw rin sa kanya ang nararamdaman ko, sobrang bigat kasi at gusto ko nang ilabas, pero ito lang ang nagawang bigkasin ng labi ko.. "Salamat uli."

Ngumiti siya, mas malawak na ngiti kaysa kanina, at napangiti na rin ako.

Noong wala na siya, napabuntong-hininga ako at nanghihinang naupo na lang ulit. At para ibuhos ang saya na nararamdaman koitinext ko agad si Din.

~create message

=====

To: My Guadian Angelic Star

good morning! smile! smile! smile! sobrang gnda ng araw na ito! i nvr been ds happy b4 :D

=====

~message sent

Dahil sa kilig na nararamdaman ko nahalikan ko iyong bote ng gatas at niyakap ko pa.

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

"Justin!"

Napahinto ako nang makita ko si Tim na nakasandal sa pader, katapat ng room na pinasukan ko. At sakto ring pagtawag ni Student Council President sa pangalan ko.

Nilingon ko siya. Parang nagdadalawang-isip at naguguluhan pa, akala ko hindi na siya magsasalita.

"Salamat uli."

Palaisipan sa akin noong una kung bakit panay maaga si Tim sa school, dahil ang pagiging maaga niya sa klase ay kasalungat ng pagkakakilala ko sa kanya. Pero ngayon alam ko na ang dahilan.

Napangiti ako sa natuklasan ko, nakita ko namang ngumiti rin sa akin si President at noon na ako nagsimulang lumakad palayo

Si Tim ang una kong nakita sa classroom nila, at gaya ng ginawa ng Student Council President, tumayo rin siya sa tapat ng bintana. Siya ang responsable sa pagbubukas noon. Pero ang pinagtataka ko lang, noong nagbihis na ako ng uniform at bumalik, si Student Council President na ang nakita ko at wala na siya.

Pumasok lang ako sa room noong yumuko siya sa mesa at itinabi ko sa kanya ang cellphone, saka ko siya hinintay na magising.

ö~ö~ö~ö

"Mag-iisang linggo ka na namang hindi umuwi, may kwarto ka na ba sa eskuwelahan ninyo?"

Nginitian ko lang si Tita Pearly na land lady ko sa dorm na tinutuluyan ko.

Tutuloy na sana ako sa kuwarto ko nang magsalita siya uli. "May lalaking pumunta dito kanina, pinsan mo raw. Binili niya ang kwartong tinutuluyan mo, kaya kuryente at tubig na lang ang babayaran mo dahil maayos naman ang presyo niya."

"Pinsan? Ano pong pangalan?"

"Har.. Harry? Hindi e. Parang Harley. Harland! Siya daw si Harland. Napakabait ng pinsan mo. Gwapo rin, katulad mo." natatawang iniwan ako ni Tita Pearly.

Kumikilos na naman sila. Wala talaga silang balak tumigil.

Ginamit ko ang susi para buksan ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa akin ang napakalaking sign ng DEATH Organization sa pader, kulay pula iyon at naamoy ko pa ang dugong ginamit nila sa pagsulat.

Ibinaba ko ang malaki kong back pack sa sahig at nilapitan ko iyon.

Ang lahat ng bagay na may markang ganito ay pagmamay-ari na nila. At isa lang ang ibig sabihin nito..

This signals that the game had finally started. And that they can't accept any defeat.

-will be continued

throbbingheart says: Haaaang haba ng update ko :) Salamat sa pagbabasa, malapit na nga pala iyong scene na nabasa ninyo sa Prologue, pinaghahandaan ko talaga iyon XD

Anyways, this case is dedicated to Louise_victorique, ang tagal ko ding hindi nai-view ang wattpad account ko, and na-surprise at na-inspire ako lalo dahil ang dami niyang comments at lahat iyon positive, inspiring daw, tamang-tama sa mystery lover na tulad niya,  JusDin 4ever ..mga ganoon..--- Grabe! nakakataba lang ng puso :) If you're reading this, MARAMING SALAMAT talaga sa iyo :)

Video and Picture on side -->

Continue Reading

You'll Also Like

55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
965K 45.8K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 176K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...