The Not So Charming Prince (c...

By coloritblack00

18.3K 4K 1K

-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary g... More

WARNING
Description
PROLOGUE
1 (Isay)
2 (Gabriel)
3 (Isay)
4 (Gabriel)
6 (Gabriel)
7 (Isay)
8 (Gabriel)
9 (Isay)
10 (Gabriel)
11 (Isay)
12 (Gabriel)
13 (Isay)
14 (Gabriel)
15 (Isay)
16 (Gabriel)
17 (Isay)
18 (Gabriel)
19 (Isay)
20 (Gabriel)
EPILOGUE
Letter To A Friend
Author's note
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Connect with me

5 (Isay)

658 161 51
By coloritblack00


"Isay, magkano ba 'tong cellphone na 'to?" Tanong ni Chance sa kaniya sabay turo noong naka-display sa harapan.

Umangat ang isang kilay niya. "Bibili ka ng cellphone? Weh? 'Di nga?" 'di-makapaniwalang sabi niya rito. Kahit kailan kasi ay hindi nakahiligan ni Chance ang kahit na anong gadgets.

Napakamot ito sa batok. "Oo. Kailangan ko na kasi eh. Sinesermonan na 'ko ni Gabriella. Palagi ko raw siyang pinag-aalala," sabi nito.

Ah. Kaya naman pala.

Dakilang under kasi ang bestfriend niya kay Gabriella. Minsan nga ay hindi pa rin niya maisip kung paanong nagkagusto ang mga ito sa isa't-isa. Magkaibang-magkaiba kasi talaga ang dalawa. Sa estado sa buhay, langit si Gabriella, dukha naman ang bestfriend niya. Pero sa ugali, langit si Chance, impiyerno naman si Gabriella.

"Kahit 500 na lang Chance. Kasama na ang sim card doon," sabi niya rito.

"Hindi ka ba lugi roon?" tanong nito.

"O sige, 10k na," biro niya rito.

Natawa ito. "Sige, 500 na lang." Sabi nito at kumuha na ng pera sa wallet.

Ibinigay niya na rito ang phone at sim card. "Maganda ang pagkakagawa ko sa phone na 'yan. Pero kapag nagka-aberya, dalhin mo na lang kaagad sa'kin," sabi niya rito.

Tumango ito. "Isay, attend ka sa church sa sunday. Hinahanap ka na rin nila Pastor Roy," sabi nito sa kaniya.

Nagsisimba naman siya noon. Kaya nga lang ay mas pinili niyang kumita. Kaya kahit linggo ay kumakayod pa rin siya. Pero wala namang nagbago sa buhay niya. Kahit nagtatrabaho na siya ng linggo, wala namang pag-unlad ang buhay niya.

"Titignan ko," simpleng sagot niya rito.

"Hihintayin kita," nakangiting sabi nito.

"Hoy hindi pa 'ko pumapayag ha!" sabi niya rito.

Matagal-tagal na rin noong hindi na siya naka-attend ng sunday service. At nahihiya na rin siya sa Diyos. Ang dami niyang hinihingi rito, samantalang ang magsimba lang ay hindi niya magawa.



-----



Wala siyang masyadong customer nang araw na iyon. Iyon ang kalaban niya sa hanap-buhay niya. Hindi naman kasi palaging may mga nagpapagawa sa kaniya.

Hindi talaga madali ang kumita ng pera.

Inayos niya na lang ulit ang cell phone niya. Nanghihinayang din kasi talaga siya sa ipinambili nito, kahit pa sabihing lumang-luma naman na ito.

"Isay!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya.

Napangiti siya nang makita si Maria. "Oh, napadaan ka?" tanong niya rito.

"Bibili lang sana ng cellphone ang kasama ko. Kahit 'yong pinakamura lang," sabi nito.

Agad siyang napatingin sa lalaking katabi nito. Si Lorenz. Isang kilalang adik at basagulero sa kanila. Nakulong na nga ito.

"Hindi naman siguro siya ang sinasabi mong kasama mo?" Tanong niya rito at itinuro ang lalaki.

"Siya ang kasama ko," sagot nito.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Masamang tao 'yan, Maria! Kriminal 'yan!" pabulong ngunit may diin na sabi niya rito.

"Nagbabago ang tao, Isay. 'Wag kang manghusga base sa nakaraan ng isang tao," pangaral nito sa kaniya.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. "Hindi rin basta-basta nagbabago agad ang isang tao, Maria," sagot niya rito.

"Handa akong tulungan siya. Nakagawa lang siya nang hindi magagandang desisyon sa buhay niya. Malungkot lang siya, Isay. Pero hindi siya masama," paliwanag nito.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Biglang bumaba ang taste mo. Alam kong nasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Chance. Pero ang sumama sa ganyang klase ng tao?" Hindi niya napigilan ang mapailing, "Malala ka na," sabi niya rito.

"Hindi mo maiintindihan, Isay. Balang-araw makikita mo rin ang ibig kong sabihin. Hindi tao ang huhusga sa kaniya. Diyos, Isay. Gusto niyang magbago," seryosong sabi nito.

"Naloloka 'ko sa'yo. Ano ba'ng mayroon sa inyo? Kaibigan mo?" tanong niya rito.

Namula ang pisngi nito. "Nobyo ko na siya, Isay." At halos magulantang siya sa narinig.

Putek! Nag-syota ng adik si Maria?



-----



"Isay! Sabi ko na darating ka eh!" nakangiting bati sa kaniya ni Chance. Napakamot siya ng noo. Pakiramdam niya ay ang awkward nang magpunta roon.

"Oo. Alam ko kasing hihintayin mo 'kong unggoy ka," biro niya rito.

"Hey!" narinig nilang sabi ng kararating lang na si Gabriella.

Kaagad itong lumapit kay Chance. "Goodmorning," nakangiting bati ni Chance rito.

Mabilis na hinalikan lang ito ni Gabriella sa pisngi. Buti pa ang kolokoy niyang bestfriend, luma-lovelife na.

"Malapit nang magsimula ang service. Upo na kayo," Sabi sa kanila ni Chance. Pero bago pa sila makahanap ng upuan ay may maingay na boses silang narinig.

"Good morning. What a nice day! What a beautiful sunny day!" masiglang sabi nito.

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng simbahan. Kahit si Chance ay natawa. Umikot lang ang mata ni Gabriella. Tinignan niya ang pumasok. Dalawang lalaki at isang babae. Nakilala niya kaagad ang nag-ingay. Nawala naman ang ngiti nito sa mga labi nang makita siya.

"Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong tanong nito.

"Nagji-gym. Gusto ko kasing magka-abs," pilosopong sagot niya.

"Sinusundan mo ba 'ko? Matapos akong takutin nang pamilya mo! Papatayin mo ba 'ko?!" eksaheradong sabi nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Sa pangit mong 'yan susundan kita?! Asa," sabi niya rito.

"Ikaw ang pangit. Negra!" sagot nito.

"Puwede bang 'wag kayong mag-iskandalo rito?!" inis na sabi ni Gabriella.

Natahimik silang dalawa.

"Kasalanan 'to ni Dalisay," sabi ni Gabriel.

Namutla siya sa sinabi nito. Bukod sa Pamilya niya, kay Chance, at mangilan-ngilang kakilala at kaibigan niya, walang nakakaalam ng buong pangalan niya.

"Dalisay?" pag-uulit ni Gabriella.

"Yes. Siya si Dalisay 'di ba?" sabi pa nito. Gusto niya nang lamunin ng lupa nang makita ang pagngisi ni Gabriella.

Magkapatid talaga!

"Seriously? Akala ko pa naman ang pangit na ng pangalan ni Maria. Mas pangit pala ang sa'yo," natatawang sabi nito.

"Akala mo naman ang ganda ng pangalan mo!" sagot niya rito. Tinaasan lang siya nito ng kilay. Kung bakit ba naman kasi siya pinangalanan ng ganoon.

"Pangit kayong magkapatid!" sabi niya sa dalawa. Tumawa lang ang mga ito. Kumunot lalo ang noo niya nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya si Gabriel.

"Ano? May panlalait ka pang sasabihin? Sabihin mo na. Nahiya ka pa," sabi niya rito. Napailing lang ito at nag-iwas ng tingin.

Ano'ng problema nito?



-----



"Tahimik ka ah." Nagulat pa siya nang bigla siyang kausapin ni Gabriel. Tinignan pa nga niya ang likuran niya. Baka kasi hindi talaga siya ang kinakausap nito. Pero wala namang tao sa likod at sa tabi niya.

Narinig niya ang tawa nito. "I'm talking to you," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman ako kakausapin?" tanong niya rito.

Umupo ito sa tabi niya. "Look, I know hindi naging maganda ang first impression natin sa isa't-isa. Kaya gusto kong makipag-ayos," sabi nito.

"Inuuto mo ba 'ko?" tanong niya rito.

Tumingin ito nang diretso sa kaniya. "Hindi ako ganoong kasama," seryosong sabi nito.

"Bakit biglang gusto mong makipagbati?" nagdududang tanong niya rito. Aba! Mahirap na! Mamaya ay pinagloloko lang pala siya nito.

"Ewan. Siguro ay dahil hindi ko ugaling makipag-away? Let's just start over. Puwede ba 'yon?" sabi pa nito.

"Nakakapagtaka lang. Masyado kasing biglaan. Siguro crush mo na 'ko 'no?" pang-aasar niya rito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinsulto ba siya sa ekspresyon ng mukha nito.

"Keep on dreaming, Dalisay. Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo. Hindi kita type," sabi pa nito.

Inismiran niya ito. "Hindi rin kita type. Kahit pa maghabol ka sa'kin, hindi kita papatulan," sabi niya rito.

"Mag-aaway ba tayo o magbabati?" tanong nito.

"Ano'ng mapapala ko kapag nakipagbati ako sa'yo?" tanong niya rito.

"Wow. Nakakahiya naman sa'yo. Sige na. 'Wag na tayong magbati!" inis na sabi nito. Natawa na siya ng tuluyan dito.

Pikon din ito katulad ni Gabriella. Magkapatid talaga. Walang duda!

"Sige na. Bati na tayo. Pero sa isang kondisyon," sabi niya rito.

Tinaasan na naman siya nito ng kilay. "Ano na naman ang kondisyon mo? Palagi kang may hinihinging kapalit ah!" sabi nito.

"Aba, siyempre! Hindi ako ang tipo ng tao na nagpapalagpas ng oportunidad," pagmamalaking sagot niya rito.

"Ano'ng kondisyon mo?" tanong nito.

"Sa'kin ka na magpapagawa ng gadgets, at hindi mo 'ko babaratin," sabi niya rito.

"Okay," sagot nito.

Napapalakpak siya sa tuwa. "Isa pa pala..." sabi niya rito.

Kumunot ang noo nito. "Ang demanding mo naman. Ano 'yon?" nakabusangot na tanong nito.

"...libre mo 'ko palagi ng meryenda kapag magpapagawa ka ha," nakangiting sabi niya rito. Napansin niyang napatitig na naman ito sa kaniya.

"Gabriel, nagagandahan ka na talaga sa'kin 'no?"

Natawa na lang siya nang samaan lang siya nito ng tingin.



-----

Continue Reading

You'll Also Like

80.2K 1.6K 35
PART 2 of As I Fall. Fall again with Gian and Aries as their love story continues.. They say first love never dies. At napatunayan 'yon ni Aries sa...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...