"so san tayo ngayon?" tanong niya sa binata ng makalabas sila sa bahay na tinutuluyan nila ng kapatid. ngumiti lang ang binata sa kanya at hindi siya sinagot. napadako naman ang kanyang atensyon sa isang bagay na hinuhugot ng kaharap mula sa bulsa nito sa likod "anu yan?" nakakunot noong tanong niya dito
nakita niyang may inilabas na isang panyo ang binata
"anu yan?" tanong niyang muli. hindi naman siya sinagot pa nito, pwumesto lamang ang binata sa likod niya at akmang ilalagay nito ang panyo sa kanyang mga mata ng pigilan niya ito sa gagawin "teka!!!!! anung gagawin mo?"
"kaya mo bang, hayaan na lang ako?" mahina ang boses na tanong ng binata sa kanya "...wag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak. ni hindi kita pababayaan" pag-sisiguro nito sa kanya
"do you trust me?" tanong ng binata sa kanya
hindi naman niya mamalayan kung anung isasagot sa tanong nito
pinagkakatiwalaan niya pa nga ba ito?
kung hindi na...
kaya ba niyang muli?
kaya ba niyang muling pagkatiwalaan ito kahit naranasan na niyang mabalian ng tiwala sa binatang nasa harapan?
kung mahirap magpatawad...
mas dobleng hirap ang muling magtiwala
dahil ang tiwala kapag nabasag..
kapag napunit...
kapag nawarak..
kahit anung pilit mo
hindi mo na ito maibabalik sa orihinal na hugis nito
para na lamang itong isang tsokolateng tunaw na pilit binuo....
iisa pa rin ang lasa, ngunit wala ng korte
nakita niyang bahagyang binalutan ng lungkot ang mata ng binata dahil sa hindi niya pag-sagot sa naging tanong nito
pilit na nagpakita ng ngiti ang binata. hindi rin naman siya masisisi nito. ang binata din naman ang may kagagawan kung bakit tila nahirapan siyang sagutin ang tanong nito sa kanya. imbis nga naman na sumagot siya ng hindi at masaktan lamang ang damdamin ng kasama, mas mainam na sigurong wag na lang siyang sumagot pa
napayuko na lamang siya upang iwasan ng tingin ang mga malulungkot na mata ng binata. ngunit hinawakan naman ni Gerald ang kanyang baba at iniangat ang kanyang tingin kapantay sa mga mata nito "naiintindihan ko" usal nito sa kanya
tipid siyang ngumiti dito na sinuklian din ng binata ng isang napakatamis na ngiti
"o anu na yung gagawin mo sakin?" nakangiti niyang wika. bahagyang natawa ang binata sa kanya "akong bahala sayo" sabi nito sa kanya. inilagay na ng binata ang panyo sa kanyang mata at piniringan ito
"may nakikita ka pa ba?" tanong nito sa kanya
"mukha bang may nakikita pa ko?" balik tanong niya na ikinatawa naman ni Gerald
"sure a?" tanong muli ng binata
"oo nga"
"just hold my hand" narinig niyang bulong ng binata. naramdaman niyang inilapit nito ang kamay sa kanyang kaliwang kamay, agad naman niyang hinawakan ito
"if I hold you...will you not let go?" tanong niya
"if you won't...I won't.." sagot ng binata. kahit nakapiring ang mga mata, pakiramdan niya ay tila napakalapit ng mukha ni Gerald sa kanyang mukha dahil parang nadarama niya ang pagdampi ng hininga nito sa kanyang labi
"I won't....so don't" usal niya na bahagya pang iniusog ang mukha papasulong. napangiti siya ng maramdaman niyang dumampi ang kanyang ilong sa ilong ng binata. ipinagkiskis naman ni Gerald ang kanilang mga ilong at narinig niya ang mabining bungisngis nito\
hinawakan na nga niya ang kamay ng binata at marahan itong pinisil. nagsimula na ngang lumakad ang binata, at sa bawat paghakbang niya ay tila nakaalalay ito sa kanya. ibinubulong nito kung ilang hakbang ang kailangan niyang gawin. kung saan siya dapat humarap, kaliwa ba o kanan. kung dapat ba muna siyang tumigil o tuloy lang sa paglakad
at kahit aminadong hindi niya maunawaan kung anung trip ang meron ang binata at kung bakit pa nito kinailangang lagyan ng piring ang kanyang mga mata ay pinagbigyan niya pa rin ito...
tutal sigurado naman siyang kahit na hindi niya nakikita ang kanyang dinadaanan
basta naririyan ang binata sa tabihan niya
wala siyang dapat na ikabahala
in her every steps, she knew
he would never let her hurt
not this time..anymore
~~o~~o~~
"o asan na tayo?" narinig niyang tanong ng dalaga. inalalayan naman niya itong umupo sa isang bench na nasa ilalim ng isang magnolia tree
"we're now at the famous Montmartre" sagot niya. umupo siya sa may kaliwa ng dalaga na tila hindi pa rin pinapakawalan ang mga kamay ni Sarah
"saan?"
"Montmartre" sagot niyag muli
"Mont...anu?"
"Montmatre" sagot niya "...this is one of Paris breathtaking places" dagdag niya "...kung makikita mo lang yung nasa paligid natin...sobrang ganda" patuloy niya
"panu ko makikita? e may piring yung mata ko" usal ng dalaga "...hindi mo pa ba tatanggalin to?"
"panu ko maapreciate yung view kung hindi ko naman nakikita?" nakangusong dagdag pa ng dalaga
"well yung langit, asul na asul habang yung araw naman parang nagtatago sa ilang mga ulap. tapos maraming puno sa paligid. may mataas, may mababa....may ilan, naglalagasan na ang mga dahon. may ilan na patubo pa lang ang tangkay. tapos banda dun....dun sa may sulok, may mga nakatanim na rose. pulang pula yung kulay pero yun nga lang, bawal namang pitasin. tapos sa kanan natin, may dalawang matanda...mukhang mag-asawa, kasi ang sweet sweet nila sa isa't isa. tapos sa gawing harapan mo, may mga batang nagtatakbuhan. masasaya sila, yung isang batang lalaki...nataya niya yung hinahabol niyang isang batang babae kaya ayun, siya naman ngayon yung hinahabol ng nataya niya. sa likuran, may mga bata din...nagpapalipad ng lobo, iba iba yung kulay...may blue, may red, may yellow pero walang white..."
tila parang nakikita ni Sarah eksakto, kung anung itsura ng nakapaligid sa kanya ngayon...base na rin sa kung papaano niya ilarawan ito sa dalaga
"...tapos may isang mamang nagbebenta ng tsokolate dun. siguro mga 25 steps mula dito. may isang lalaking bumili sa kanya ng dalawa tapos binigay nito sa kasintahan niya. sa ilalim ng puno dun, dun malapit sa dalawang matanda, may isang babaeng nakatayo. nakatingin siya sa malayo. mukha siyang malungkot, siguro...siguro nagbreak sila ng boyfriend niya...." natatawa niyang lahad "...tapos sa may kaliwa natin may isang pamilya na masayang nagtatawanan. yung tatay, hawak hawak niya yung anak niyang babae samantalang yung nanay naman, karga karga niya yung baby nila...gusto ko rin ng ganung pamilya" nasabi niya. napangiti naman si Sarah sa narinig
"....at higit sa lahat, sa tabihan mo...may isang gwapong lalaking napakalapit ng labi sa tenga mo....gustong gusto niyang sabihin sayo na....ang ganda ganda mo" bulong niya
"gwapo ba talaga siya?" nakangiting tanong ng dalaga
"actually, may nakapagsabi nga daw sa kanya na mukha siyang anghel e"
"o?"
"pero tingin ko, mas mukha kang anghel sa kanya" bulong niyang muli sa dalaga "...masakit ba? ang mahulog mula sa langit?" tanong niya sabay hipan sa tenga ni Sarah
"oo masakit....kasing walang sumalo sakin" hirit ng dalaga
at sa narinig ay para bang may pumitik sa kanyang puso. alam niyang wala namang ibig ipakahulugan ang dalaga sa sinabi ngunit tila natamaan pa rin siya sa naging pasaring ni Sarah
ang dalaga naman ay napakagat sa kanyang ibabang labi ng matanto niya ang nasabi "sorry..." mahinang usal ng dalaga ng maramdaman nitong lumayo siya mula sa pagkakadikit sa tenga nito. hindi naman na siya umimik pa. pinisil lamang niya ang kaliwang kamay ng dalaga na hawak hawak niya
sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa. nanatili lamang siyang nakatanaw sa napakalaking siyudad na naabot ng kanyang tingin mula sa kanyang kinauupuan. nagpakawala siya ng isang napakalalim na paghinga at kasabay nun ay naramdaman niyang isinandal ng dalaga ang ulo nito sa kanyang balikat at ito rin ay huminga ng pagkalalim
"tara na..." usal niya sa dalaga
"san tayo pupunta?"
ngumiti lamang siya at hindi na sinagot pa ang naging tanong nito sa kanya. inalalayan na lamang niya si Sarah sa pagtayo nito mula sa pagkakaupo pati na rin sa paghakabang nito. nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa kaliwang kamay ng dalaga. akay akay niya ito sa paglalakad, sa pagtakbo, sa pag-upo maging sa pagtawid nito sa kalsada
wala namang naramdaman na kaba si Sarah sa dibdib. kahit pa hindi niya nakikita ang dinaraanan tila wala siyang naramdamang pagaalala sa katawan. sigurado kasi siyang hindi siya pababayaan ng binata. alam niya, na hanggat hawak hawak ni Gerald ang kanyang mga kamay....Ligtas siya
madilim na ng maibalik niya si Sarah sa tinutuluyan nito. buong araw na nakapiring ang mga mata ng dalaga kaya naman ng tanggalin na niya ang panyo sa mga mata nito ay tila parang nanlalabo ang paningin ng dalaga
"okay ka lang?" tanong niya sa kaharap
tumango naman ang dalaga bilang sagot "medyo malabo lang yung paningin ko"
"masakit ba?" tanong niyang muli. bahagya pa niyang hinimas ang ibabang bahagi ng mga mata ng dalaga
"hindi. wala naman. nanlalabo lang talaga. siguro dahil lang to sa buong araw akong nakapiring" pag-sisiguro ni Sarah sa kanya "...ihihilamos ko lang to' mawawala din to"
"sure?" tanong niyang muli "...gusto mo patingin na natin sa doktor yung mata mo?"
"O.A?" usal ni Sarah sa kanyang sinabi "...okay lang ako. anu ka ba?!!!" dagdag pa nito. ilang beses ding ipinikit bukas ni Sarah ang talukap ng mata "...medyo umuokay na rin naman na siya"
"...sige na uwi ka na" sabi nito sa kanya
"pumasok ka muna sa loob" balik sabi naman niya dito. tumango na lang ang dalaga at hindi na kumontra pa sa sinabi niya "sige. ingat sa pag-uwi" wika nito sa kanya
akmang isasara na ng dalaga ang pinto ng tinutuluyan ng makapasok ito sa loob ng lumingon itong muli sa kanya dahil sa kanyang naging pagtawag sa pangalan nito
"hmmmm?" usal nito sa kanya
"thank you for trusting me today" wika niya. napangiti naman ang dalaga sa narinig. oo nga no, nagawa ni Sarah na pagkatiwalaan siyang muli, kahit ngayong araw lang. napagkatiwalaan siya nitong puntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan kahit hindi naman niya sinasabi sa dalaga kung saan nga sila paparuon. tila sumusunod lamang ito sa direksyon na itinuturo niya dito. tila sumusunod lamang ito sa dami ng hakbang na sinasabi niya dito
she let him decide for her...
she let him guide her...
she let him...
in other word...
she trusted him
kung nakayanan ng dalagang pagkatiwalaan siya ngayon...alam niyang darating ang panahon na matutunan nitong pagkatiwalaan siya ng buong buo
pero sa ngayon..
hanggat hindi pa nangyayari iyon
makukuntento na lamang muna siya sa kapirasong pag-asa
at least kahit papanu...
kahit kapiraso
may kakapitan siya
muling nagpakita ng ngiti ang dalaga sa kanya "thank you din..." wika nito sa kanya "...kasi hindi mo ko binitawan"
bahagya siyang napangiti "I told you, I won't if you won't"
"I told you, if you don't I won't" sagot ng dalaga sa kanya. ngumiti siyang sandali bago nagpatuloy sa sasabihin
"then don't....cause I won't"
----------------------
SABI NILA KAPAG ANG SALAMIN DAW AY NABASAG
HINDI MO NA ITO MABUBUO...
HINDI RIN!!!!
AYAW MO LANG PULUTIN PIRA-PIRASO ANG MGA BUBOG
AYAW MO LANG AYUSIN ANG BAWAT DETALYE NITO SA KUNG PAANO ANG KANILANG PAGKAKAAYOS
KASI ALAM MO...
NA PWEDE MO NAMANG PALITAN YUNG NABASAG NA SALAMIN
ISANG SIPA LANG SA SM, OLA!!! MAY BAGO KA NG SALAMIN
SABI PA NILA KAPAG PINILIT MONG AYUSIN ANG ISANG BASAG NA SALAMIN, ANG TENDENCY, MASUSUGATAN KA AT MASASAKTAN...
HINDI RIN!!!
KUNG WALA KANG INGAT SA PAGSASAAYOS, OO....MASASAKTAN KA TALAGA
KUNG MADALIAN MONG INAYOS, OO...MASUSUGATAN KA TALAGA
PERO KUNG BUONG INGAT MO SIYANG AAYUSIN
DETALYADO MONG GAGAWIN
YUNG WALANG PAGMAMADALI AT TALAGANG MATYAGA MO SIYANG TUTUUNAN NG ATENSYON AT ORAS PARA LANG MASAAYOS
MAGAGAWA MO....NG HINDI KA NASASAKTAN
HINDI KO SINASABING ANG ISANG NABASAG NA SALAMIN KAPAG INAYOS AY MAARI PANG IBALIK SA ORIGINAL NITONG ITSURA BAGO ITO NASIRA
PERO....NANDUON PA RIN ANG KONSEPTO NA PWEDE PA RIN ITONG MASAAYOS
KAHIT NA SABIHIN MONG WASAK WASAK NA, MAY UKA NA O ESPASYO; PERO KUNG HINDI ANG MGA IYON ANG PAPANSININ MO, ANG SIYANG PAGTUTUUNAN NG MATA MO
SALAMIN PA RIN YUN..KUNG TITIGNAN MO!!
ANG GUSTO KO LANG IPUNTO...
HINDI NAMAN PORKET SIRA NA, PALITAN NA AGAD
HINDI NAMAN PORKET SIRA NA, TAPON NA AGAD
LAHAT NG BAGAY NA NASIRA AY PWEDE PANG MAAYOS
KUNG GUGUSTUHIN MO LANG..MAGAGAWA MO
HINDI MAN MAIBABALIK SA DATI...
AT LEAST, MAIAAYOS PA RIN
HINDI KO ALAM KUNG MAY SENSE PA BA YUNG SINASABI KO...
PERO SIGURO ANG GUSTO KO LANG SABIHIN
MARAMING PUNDASYON ANG ISANG RELASYON
HINDI ITO DAPAT NATATAPOS KAHIT MAWALA O MABAWASAN ANG ISA
KUNG WALA NG TIWALA...
PERO MAY PAG-IBIG PA NAMAN
GAMITIN MO YUNG NATITIRA PARA MAPUNAN YUNG NAGKUKULANG
HANGGANG SA MAPUNO MO ITO
LAHAT NG BAGAY NA NASIRA AY PWEDENG MAAYOS PA
KAILANGAN MO LANG GUSTUHIN NA AYUSIN ITO
ANYWAY
NAPAPANSIN KO NA MEDYO BUMABAET SI AWTOR
TEKA......
BEFORE KO IPOST YUNG NEXT CHAPTER
100 VOTES MUNA
KAYA NIYO YAN!!!
GO POWER VOTES.....SAKA COMMENTS DIN A!!
NIGHT LOVES.