JUST ONCE

By lovingtheapple

514K 9.1K 2.5K

More

JUST ONCE
CHAPTER 1.
CHAPTER 2.
CHAPTER 3.
CHAPTER 4.
CHAPTER 5.
CHAPTER 6.
CHAPTER 7.
CHAPTER 8.
CHAPTER 9.
CHAPTER 10.
CHAPTER 11.
CHAPTER 12.
CHAPTER 13.
CHAPTER 14.
CHAPTER 15.
CHAPTER 16.
CHAPTER 17.
CHAPTER 18.
CHAPTER 19.
CHAPTER 20.
CHAPTER 21.
CHAPTER 22.
CHAPTER 23.
CHAPTER 24.
CHAPTER 25.
CHAPTER 26.
CHAPTER 27.
CHAPTER 28.
CHAPTER 29.
CHAPTER 30.
CHAPTER 31.
CHAPTER 32.
CHAPTER 33.
CHAPTER 34.
CHAPTER 35.
CHAPTER 36.
CHAPTER 37.
CHAPTER 38.
CHAPTER 39.
CHAPTER 40.
CHAPTER 41.
CHAPTER 42.
CHAPTER 43.
CHAPTER 44.
CHAPTER 45.
CHAPTER 46.
CHAPTER 47.
CHAPTER 48.
CHAPTER 49.
CHAPTER 50.
CHAPTER 51.
CHAPTER 52.
CHAPTER 53.
CHAPTER 54-A.
CHAPTER 54-B.
CHAPTER 54-C.
CHAPTER 55.
CHAPTER 56.
CHAPTER 57.
CHAPTER 58.
CHAPTER 59.
CHAPTER 60.
CHAPTER 61.
CHAPTER 62.
CHAPTER 63.
CHAPTER 64.
CHAPTER 65.
CHAPTER 66.
CHAPTER 67.
CHAPTER 68.
CHAPTER 69.
CHAPTER 70.
CHAPTER 71.
CHAPTER 72.
CHAPTER 73.
CHAPTER 74.
CHAPTER 75.
CHAPTER 76.
CHAPTER 78.
CHAPTER 79.
CHAPTER 80.
CHAPTER 81.
CHAPTER 82.
CHAPTER 83.
CHAPTER 84.
CHAPTER 85.
FINALE.
EPILOGUE.
AUTHOR'S NOTE.

CHAPTER 77.

3.9K 122 28
By lovingtheapple

"ganda...sundo mo nandito na" sabi ng kapatid mula sa labas ng silid na kinaroonan niya. nataranta naman siya sa narinig

muli niyang tinignan ang sarili sa salamin. napakagat siya sa kanyang ibabang labi. tila hindi pa rin niya matipuhan ang damit na suot suot. nakailang palit na siya ng damit ngunit wala ni isang pumapasa sa kanyang panlasa 

kumuha siyang muli ng maisusuot sa loob ng kabinet na nasa likuran niya at ito ay isinuot. mga ilang minuto din niyang sinuri ang suot suot niyang bestidang dilaw na hindi lalampas sa kanyang tuhod. agad niyang naisip ang magiging reaksyon ng binata kung sakaling makita nito ang kanyang pustura. siguradong magsasalubong yung dalawang kilay nun dahil alam niyang, ayaw na ayaw ni Gerald na nagsusuot siya ng mga suoting maiikli. papayag lang yun, kung magsusuot siya ng itim na stockings

nayayamot, na muli siyang napabalik sa kabinet at binuksang muli ito. tila ilan na lang ang nakasabit niyang damit sa loob dahil halos lahat ay nasubukan na niya. napahinga siya ng pagkalalim at muling nag-usisa ng masusuot...

"lalong hindi papayag yun sa ganito.." kausap niya sa sarili ng makakita siya ng isang shorts na kulay puti. muli niyang ibinalik ito sa loob ng kabinet at naghanap ng iba pang pwedeng masuot na papasa sa binata 

napatigil siya sa paglilipat lipat ng mga hanger, sa damit na nakita niya. isa itong polong kulay berde na may itim na guhit sa bandang kwelyo. kinuha niya ang damit mula sa loob at sandaling pinagmasdan ito

~~o~~o~~

"sandali lang a" sabi niya sa binatang nasa harapan niya "..papasukin ko na si Pot sa loob. baka anu ng nangyari dun e" dagdag pa niya sabay tayo mula sa kinauupuan. sakto namang lumabas na ang kapatid mula sa silid 

"sorry to keep you wait---" hindi na naituloy pa ng kapatid ang sinasabi ng makita nito ang binata lalo na ang suot suot nito na kaparehang kaparehang ng sa kanya

hindi naman niya napigilan na mapangiti 

"nag-usap ba kayong dalawa?" nakangiti niyang usal. kapwa sabay naman ang dalawang napatingin sa kanilang mga suot at sabay ding umiling bilang tugon sa kanyang naging tanong 

"so anu to? couple instinct??" nakangiti niyang usal 

"parehas pa kayong nakasuot ng relo..." dagdag pa ni Shine "...wag niyong sabihin sakin na parehas din kayo" 

kapwa namang napatingin ang dalawa sa suot suot nilang relo at pagkatapos ay binalingan nila ang suot suot ng isa't isa. kapwa parehong napangiti ang dalawa ng makita nilang parehas nga ang suot suot nilang relo, hindi nga lang parehas ng kulay 

...pero ito yung klase ng relo na kung tawagin ay couple's watch

napansin niya na panay ang ngitian ng dalawa at panay din ang bigayan ng mga ito ng sulyap sa isa't isa. animoy parang mga teenager's na aattend ng Prom night. si binata ay nahihiya at si dalaga naman ay nagpapakipot pa

"aalis pa ba kayo o kuntento na kayo sa emote niyong yan" putol niya sa dalawa. dali dali namang naglihis ng tingin ang dalawa

tumayo na ang binata sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanya 

"sige Ate Shine. una na kami" usal nito sa kanya. tinanguan naman niya ang binata 

ang kapatid din ay lumapit na sa kanya upang magpaalam "sige Ate...alis na kami" sabi nito sa kanya "ingat kayo ha.." bilin niya sa dalawa "..pasalubong ko" dagdag bilin pa niya 

patuloy niyang pinagmasdan ang dalawa habang ang mga ito ay naglalakad ang papuntang pintuan palabas. nakita pa niyang may sinabi ang binata sa kapatid na ikinatawa naman ni Sarah. hindi niya napigilan na hindi mapangiti ng makita niya ang ngiti ng kapatid...

she can see it again...

the glow..

the glitter...

the realness of her smile 

from Sarah eyes down to it's lips

after so long

no doubt....

she's now happy

~~o~~o~~

"ouch...."

"ouch........."

"A......."

"teka masakit..." usal muli ng dalaga 

"o dadahan dahanin ko lang" wika niya 

"teka..ouch!!!! masakit talaga e" piglat muli ng dalaga. bakas na bakas sa mukha ng dalaga ang sakit na nadarama habang hinihilot niya ang paa nitong natapilok 

"kasi naman ikaw e..." nakangiti niyang usal 

"anung ako??? ikaw kaya" depensa naman ng dalaga "...ikaw kaya yung habol ng habol diyan" dagdag pa nito. tulad kahapon, ay muli nanaman silang naghabulan. pinahiran kasi siya ni Sarah ng tsokolate sa mukha at bilang ganti ay pinunasan niya rin ito sa pisngi sabay takbo palayo sa dalaga. dahil gustong muling makaganti ni Sarah, hinabol siyang muli nito hanggang sa matapilok na nga ito 

"ako daw??" nakangiti niyang wika "...ikaw kaya yung habol ng habol sakin"

"ikaw po..." usal ng dalaga at piningot pa nito ang kanyang ilong 

"o sige na po, mahal kong prinsesa. ako na po ang habol ng habol sa inyo. lumipad nga ko papunta dito, para lang mahabol ka e"

naningkit naman ang mata ng dalaga sa narinig "nanunumbat ka ba?"

bahagya naman siyang natawa at piningot ang ilong ng dalaga "....hindi po"

"hindi...parang sinusumbat mo e" hirit ng dalaga 

"ang kulit..." wika niya sabay pingot muli ng ilong niya. bigla namang lumapad ang pagkakangiti ng dalaga, siya naman ay sinundan ng tingin ang tinitignan ni Sarah

'

"gusto mo?" tanong niya. nakangiti namang tumango ang dalaga. maingat naman niyang ibinaba ang paa ng dalaga at tumayo mula sa pagkakaluhod. lumapit siya sa stall na kanina pa tinitignan ni Sarah at bumili ng dalawang apa ng ice-cream na may dalawang scoop ng magkaibang flavor

muli naman siyang bumalik sa kinauupuan ng dalaga at iniabot ang isang hawak niya dito. nakangiti namang kinuha ng dalaga ang sorbetes "thank you.." wika nito sa kanya 

"anything for you" sabi niya sa dalaga at marahang pinunasan ang gilid ng labi nitong nadumihan ng ice-cream na kinakain

"lakad na tayo..." sabi ng dalaga 

"kaya mo na ba?" tanong niya dito 

"mukha naman..." 

tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo. nakailang hakbang din ang dalaga bago muling naging ika ika ang paglakad nito. gusto sana niyang ibalik muli ang dalaga sa kinauupuan nito kanina kaya lang bahagya na itong malayo mula sa kinatatayuan nilang dalawa

kaya ang ginawa niya ay...

umupo siya sa kinatatayuan na ang likod ay nakaharap sa dalaga

"dali na" usal niya sa dalaga. sandali namang nag-alinlangan si Sarah "dali na..." wika niyang muli dito 

ngumiti sandali ang dalaga at sumunod na rin sa kanyang sinabi. sa kanyang pagtayo ay nalaglag naman ang ice-cream na hawak hawak niya. napabungisngis naman ang dalaga "nawalan na nga ako ng ice-cream, tinawanan mo pa ko" usal niya sa dalaga

inilapit naman ni Sarah ang ice-cream na hawak hawak sa kanyang labi "share tayo" sabi nito sa kanya. napangiti siya at kumagat ng malaki sa sorbetes na pagmamay-ari ng dalaga "ay....ang laki nun!!" reklamo ng dalaga, siya naman ay tatawa tawa lang

pinunasan ng dalaga ang gilid ng labi niya na namantsahan. kinagat naman niya ang daliri nito ng kanyang mahuli 

"ouch..." piglat ng dalaga "...lalagyan ko ng ice-cream yang ilong mo"

"o gawa...." paghahamon niya sa dalaga

"gusto mo ha...." usal ng dalaga at pinahiran nga nito ang kanyang ilong ng ice-cream. siya naman ay nabigla sa ginawa ni Sarah, hindi niya akalaing tototohanin talaga ng dalaga ang sinabi "..ano???!!" natatawang bigkas ng buhat buhat niya 

pinatulis naman niya ang kanyang labi na parang isang batang nagpapaawa 

"achus!!!!" hagikhik na wika ng dalaga. siya naman ay mas pinatulis pa ang kanyang labi "...o sya, pupunasan na nga po" bigkas ng dalaga at marahan nga nitong pinunasan ang kanyang ilong 

nanatiling karga karga lang niya ang dalaga habang siya ay patuloy sa paglalakad. panay ang kwentuhan nilang dalawa patungkol sa mga kung anu anung bagay. kung minsan din ay sinusubuan siya ng dalaga, ng hawak hawak nitong sorbetes

ng makakita sila ng isang hindi masyadong kilalang restaurant sa may kalye Champs-Elysees known to be the most beautiful avenue in the world, ay duon na nila napagdesisyunan na magpalipas ng tanghalian

she ordered Escargot, a meal with tender snail cooked in butter garlic and parsley. while he ordered Steak Frites, a combination of beef and fries sided with bearnaise, a heavent-sent sauce made from eggs and butter. ng maiserve na sa kanilang lamesa ang mga pagkain na kanilang napili ay agad silang nag-umpisang kumain

napatigil siya sa pagsubo ng kanyang kinakain ng mapansin niyang hindi masyadong ginagalaw ng dalaga ang inorder nitong meal

"bakit?" tanong niya sa dalaga 

"hindi ko gusto yung inorder ko e..." 

"bakit anu bang lasa?"

humiwa ng kapirasong snail ang dalaga mula sa kanyang plato at sinubuan siya ng kapiraso nito gamit gamit ang kutsarang hawak hawak

"diba?" usal ng dalaga "...hindi masarap"

siya naman ay nilalasahan pa ang nasa bibig. tama nga ang dalaga, hindi nga ganuong kasarapan ang napili nitong kainin kumpera sa kanyang napili 

"gusto mo...sayo na lang tong akin?" wika niya dito "....palit na lang tayo" dagdag mungkahi pa niya 

umiling naman ang dalaga "sayo yan e" sagot nito sa kanya 

"kaya nga palit na lang tayo...akin na lang yang sayo"

"hindi nga to masarap e" usal muli ng dalaga "....subuan mo na lang kaya ako niyan, kaysa ibigay mo sakin" nakangiting dagdag ni Sarah na ikinangiti naman niya ng marinig

"gusto mo lang magpa-baby e" hirit niya 

"o di wag na..." kunwaring tampo ng dalaga. siya naman ay bahagyang natawa sa naging akto nito. humiwa siya ng kapiraso ng beef mula sa kanyang pinggan at inilapit ang tinidor na hawak hawak sa bibig ng dalaga "o dali na..." usal niya 

"ayoko na...." 

"dali na.... nakangiti niyang pilit sa dalaga "...ang sarap pa naman nito" dagdag pa niya 

"ayoko na nga e..." tanggi muli ng dalaga ngunit mas inilapit pa niya ang hawak hawak na tinidor "dali na...say A...." wika niya 

"ayoko...nakakahiya naman sayo, nagpapababy ako e" tampururot ni Sarah na ikinangiti niya ng pagkalapad lapad 

"baby naman talaga kita a...diba ikaw ang baby girl ko??..." usal niya. at sa narinig, ay hindi na napigilan pa ng dalaga na mapangiti 

"dali na babygirl. A....." usal niya sabay buka pa ng bibig niya. ngumiti saglit si Sarah at sumunod din sa kanya. pinunasan pa niya ang gilid ng bibig nito dahil sa manstyang naiwan sa labi ng dalaga 

puno ng tawanan ang naging tanghalian nila. hindi na nila ginalaw pa ang pagkaing inorder ni Sarah bagkus, pinagsaluhan na lang nila ang pagkaing inorder niya. kung minsan ay nagpapasubo ang dalaga sa kanya, ngunit mas madalas na siya ang nagpapasubo dito

nakaalalay siya sa dalaga habang papalabas sila mula sa loob ng restaurant na kinainan nila. gusto sana niyang muling buhatin ang dalaga, ngunit ito na mismo ang tumanggi

"buhatin na kasi kita..." usal niyang muli "...nahihirapan ka na o" dagdag pa niya habang patuloy na akay akay ang dalaga 

"wag na. anu ka ba?? kaya ko naman" sagot nito sa kanya "...alalayan mo na lang ako" 

at yun na nga lang ang ginawa niya. inalalayan niya ang dalaga sa paglalakad nito. nakakailang hakbang na rin silang dalawa ng bigla siyang napatigil 

"bakit?" tanong ni Sarah sa kanya

"dito ka lang sandali...wag kang aalis a.." bilin niya sa dalaga 

"huh?" nakakunot noong tanong ni Sarah

"basta dito ka lang...okay po?" wika niya sabay pingot sa ilong ng dalaga. si Sarah naman ay walang ng nagawa kundi ang magpaiwan na lang sa kanyang kinatatayuan. ilang sandali pa ay bumalik na rin siya na may hila hilang bisikleta

"remember Sagada??" nakangiti niyang tanong sa dalaga. si Sarah naman ay hindi rin napigilang hindi mapangiti ng makita siya lalong lalo na ang kanyang dala dala 

"anu yan?" nakangiting tanong nito sa kanya 

"bike" nakangiti niyang sagot 

"alam ko bike...pero aanhin natin yan?" 

"para hindi ka na mahirapan sa paglalakad" sagot niya. sumakay na siya sa bisikletang hawak at pinidal ito papunta sa kinatatayuan ng dalaga "tara na.." aya niya dito. hinawakan niya ang bewang ng dalaga at inalalayan ito sa pagsakay 

binagtas nila ang kalye ng Saint Michel et Saint Germain gamit gamit ang bisikletang binili niya. panay pa ang kwento ni Sarah sa kanya tungkol sa mga lugar na napuntahan na nito kasama ang kapatid. kung minsan ay tinatakpan pa ng dalaga ang kanyang mata upang siya ay kulitin, minsan ang dalaga naman ang hahawak sa manibela habang siya ang nagpipidal. madalas, nagnanakaw siya ng halik sa pisngi ni Sarah na agad din naman siyang pipingutin sa ilong bilang bawi sa kanya. hindi niya namanalayan, nakarating na pala sila sa Ecole Francaise de Bridge. sandali siyang tumigil sa pagpipidal dahil sa pangangalay ng mga binti at sa may di kalayuan sa kung nasaan sila ay may napansin siyang mga taong nagkukumpulan 

"anu kaya yun?" tanong niya habang nakatingin sa mga taong nagkukumpulan

nagkibit balikat naman ang dalaga "gusto mo lapitan natin?" tanong nito sa kanya. nagpidal naman siya papalapit sa pinagmamasdan. ng makalapit nga, ay pinarada niya ang bisikleta sa tabihan ng isang poste at inalalayan si Sarah na makababa 

mas lumapit pa sila sa mga tao. napangiti siya ng makitang ang pinagkakaguluhan pala ng mga ito ay isang Bungee Jumping na magmumula sa tulay na kinatatayuan nila pababa sa isang ilog sa ibaba nila. narinig pa niya ang sabay sabay na pagsigaw ng mga ito ng may isang lalaking sumubok at tumalon mula sa taas

napadako ang tingin niya sa dalagang katabi na tila ngiting ngiti sa pinapanuod. mas hinila pa niya ito papalapit sa mga nangangasiwa. nakita nilang may isang lalaking naglalagay ng harness sa isang babaeng mukhang susubok sa one of a kind experience na ito. napadako naman ang tingin ng lalaki sa kanilang dalawa

"you two? you wanna try?" tanong nito sa kanila

napabaling siyang muli sa katabi "gusto mo itry?" tanong niya sa dalaga 

"nakakatakot e..." nag-aalinlangang sagot nito sa kanya "...ikaw gusto mo?" balik tanong nito sa kanya 

"okay lang naman" sagot niya "..tara" aya niya dito 

"ha?"

"masaya yan! promise!"

"ang taas e..nakakatakot" usal ng dalaga "..ikaw na lang. dito na lang ako, panunuorin na lang kita"

"ayaw mo?" 

umiling ang dalaga "..hindi ko kaya yung taas"

dahil sa nakitang takot at pagaalinlangan sa mata ng dalaga, ay para ayaw na rin niyang subukang mag-bunggee jumping, at napansin naman ito ni Sarah

"okay lang ako...dali na go!!" buyo ng dalaga sa kanya. tinulak pa siya nito papalapit sa lalaking naglalagay ng harness 

"go Gege!!!!!!! yoooohhhhoooo!!!!" sigaw pa ng dalaga. bahagya naman siyang natawa at nagpalagay na ng harness sa lalaking kaninang nag-alok sa kanilang dalawa. ng matapos ang lalaki sa pagsusuot sa kanya ng mga safety harness ay muli siyang tumingin sa dalaga

"ayaw mo talaga?" tanong niya "...sayang naman kung di mo susubukan"

"baka mahulog ako e..."

"may harness ka namang suot, hindi ka mahuhulog. saka mauuna naman ako sayo e, sasaluhin kita sa baba, pag-nagkataon. dali na..." pilit niya sa dalaga. nakita niyang napalunok sa lalamunan ang dalaga saka ito muling umiling sa kanyang paanyaya "...natatakot talaga ako e" usal nito sa kanya 

nakaramdam naman siya ng panghihinayang sa naging desisyon ng dalaga. binigyan na lang niya ng isang ngiti si Sarah

akmang tatalon na siya mula sa kinatatayuan ng marinig niya ang pagtawag ni Sarah. nilingon niya ito at nakita niyang paika ika itong lumalakad palapit sa kanya  

"pwede bang..." napakagat sa labi ang dalaga "...pwede bang imbis na saluhin mo ko sa baba" saglit na napayuko ang dalaga at muli ding nag-angat ng ulo "..sabay na lang tayong tumalon...sabay na lang tayong mahulog" nakangiting sabi nito sa kanya

napangiti naman siya sa narinig "hindi ka na ba natatakot?"

"natatakot.." pag-amin ng dalaga "...pero kakayanin ko" dagdag ng dalaga. huminga ng malalim ang dalaga bago muling nagpatuloy sa sinasabi

".....I wanna take the fall with you" 

--------------------------------

HINDI KO ALAM NA IPAPALABAS PALA ANG WLADWY NGAYON SUNDAY

HALOS ENDING NA LANG YUNG NAABUTAN KO

PERO OKAY NA RIN. AT LEAST MAY NAABUTAN PA KO ">

AT DAHIL KAUUWI LANG NI AWTOR

AT GOOD MOOD SIYA

UPDATE POSTED

DAGDAGAN PAN NATIN YANG KILIG NIYO MULA KINA ANDREW AT GEORGE

O DI VERY GOODNIGHT NA HA??

WAG KALIMUTAN....COMMENTS & VOTES

#WLADWY

#WontLastADayWithoutYou

#MulingIbalikAngTamisNgPagibig

#PushNiyoNaYung3rdMovie

#BalikanNaYan

#HashTagKaNgHashTagAwtorMagtretrendBaYan

LAST NA....

#WasakNaTVNiMaja

NIGHT MY LOVES ">

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
84.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
319K 2.4K 82
" TRUE LOVE WAITS " x Complete x Special Chapters x
7.7K 391 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...