An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 15.2 ] The Wall

67K 852 57
By JeraldineTanL

Chapter 15.2: The Wall

"May gusto lang akong itanong bago ko sagutin ang tanong mo sa 'kin."

"Ano 'yon?"

"Sa lahat ng babae na pwede, bakit ako? Bakit ako pa ang napili mo?"

"Hindi ko maipaliwanag kung bakit ikaw pero darating ang panahon na maiintindihan mo din. It just has to be you, Steffi."

Napaisip doon si Steffi. Papayag ba siya o hindi? Wala naman mawawala sa kanya kung sakaling um-oo siya, 'di ba? Wala ng natira pa sa kanya kaya kahit anong kuha ang gawin nila, wala na silang makukuha pa sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.

"Pumapayag na ako sa gusto mo."

Hindi na nagsalita pa si ZAC at niyakap niya na lang si Steffi. Kahit na ganoon na sila kalapit sa isa't isa ay walang nararamdaman na kahit ano si Steffi sa kanya. Nang kumawala si ZAC sa pagkakayakap sa kanya ay unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya kaya pilit niyang inilalayo ang mukha niya dito. Habang umaatras siya ng umaatras, patuloy naman itong lumalakad papalapit sa kanya hanggang sa na-corner na siya nito. Lalo pang inilapit ni ZAC ang mukha niya kay Steffi na tipong hahalikan niya ito pero sa totoo lang ay inaasar niya lang ito para malaman ang magiging reaksiyon niya. Nang mapapikit si Steffi ay naglakad na si ZAC paalis doon at sumunod na lang siya.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" tanong ng isang katulong.

"Pwede niyo po ba akong samahan na mag-ikot ikot dito sa isla ngayon? Gusto ko lang po na makapagpahangin."

"Sige po."

Sabay silang lumabas ng bahay na iyon at naglakad lakad.

"Ate, ano po'ng pangalan niyo?" tanong ni Steffi sa katulong.

"Ako po ba, Ma'am?"

"Ikaw lang naman po ang kasama ko ngayon, eh."

"Lisa po."

"Tatawagin na lang po kita na Ate Lisa, ha? Isa pa, 'wag mo na po akong tawagin na Ma'am. Naiilang po ako, eh. Mas matanda po kayo sa 'kin at bata pa po ako."

"Sorry, Ma'am. Kailangan ko po talaga kayong tawagin na ganoon dahil baka mapagalitan po ako. Sige po, Ate Lisa na lang ang itawag niyo sa 'kin kung 'yon ang gusto niyo."

Nagpatuloy sila sa paglalakad nang matigilan si Steffi sa paglalakad dahil sa sunod na sinabi sa kanya ng katulong.

"Bigla po yata kayong bumait, Ma'am?"

"Ha? Ako po? Ngayon pa lang po ako nakapunta dito at ngayon ko lang kayo nakilala."

"Pasensya na po. Akala ko ikaw 'yong dating dinadala dito ni Sir ZAC."

"Si Monique po ba 'yon?"

"Siya nga po."

"Steffi ang pangalan ko. Ano po ba ang mayroon sa kanya?"

"Alam ko na hindi po maganda na magkwento tungkol sa isang tao lalo na at wala siya pero sasabihin ko na po sa inyo. Hindi maganda ang trato niya sa 'min dito. Palagi niya po kaming sinisigawan pero iba kayo sa kanya. Mabait po kayo."

"Ganun ba? Akala ko pa naman mabait si Monique."

"Sa totoo lang po, mabait siya sa 'min kapag nasa harap lang ni Sir ZAC o kaya ni Sir Zavier pati ang mga kaibigan nila pero kapag wala po sila, nagbabago ang ugali niya."

"Salamat po sa pagkukwento."

Nagpatuloy sila sa paglalakad pero ang isip ni Steffi, hindi nakatuon sa mga bagay sa paligid niya kung hindi sa mga narinig niya tungkol kay Monique.

Ang layo naman pala ng ugali ko sa ugali ni Monique, eh. Kung sabagay, hindi naman nila alam ang totoong ugali niya. Akala ko pa naman, mabait siya.

Nagpatuloy sila sa pag-iikot doon. Malawak din talaga ang lugar at maganda iyon pero kung ikukumpara iyon sa tinitirhan nina ZAC ay walang wala iyon. Nang may makita si Steffi na swimming pool ay tumigil siya.

"Ate Lisa, dito na lang po muna ako. Gusto ko kasi na mapag-isa muna. Pakisabi na lang kay ZAC na nandito lang ako kapag hinanap niya ako. Thank you."

"Sige, Ma'am. 'Wag po pala kayo pupunta doon sa mataas na harang sa dulo dahil ipinagbabawal ang mga bisita doon."

"Sige po. Salamat."

Umupo si Steffi sa gilid ng pool at inilublob sa tubig ang paa niya. Hindi niya maiwasan na mapatingin sa mataas na pader sa dulo. Sobrang taas ng pagkakagawa noon para maging simpleng pader lang. Sigurado siya na may kakaiba doon kaya ipinagbabawal din pumunta sa lugar na 'yon. Habang nandoon siya ay kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip niya dahil sa ginawa niyang desisyon. First boyfriend niya si ZAC pero kahit ganoon ay alam niyang hindi niya pagsisisihan ang ginawa niya.

Okay lang kahit hindi ko siya mahal. Kailangan kong magsakripisyo kung gusto kong magtagumpay sa mga binabalak ko. Sa ngayon, kailangan kong makuha ang tiwala niya.

Lahat ay gagawin ni Steffi para lang makuha ang gusto niya. Mali man ang paraan at ginagawa niya, wala na siyang pakialam doon. 'Yon lang kasi ang makakapagpatahimik sa kanya ngayon. Hindi rin naman niya minamadali ang mga bagay dahil hindi niya basta bastang makukuha ang mga gusto niya. Kailangan niyang mag-ingat sa pagkilos.

Panatag rin naman siya na hindi siya magkakagusto sa isang kagaya ni ZAC. Hindi siya magkakagusto sa kaaway dahil kapag nangyari 'yon ay talo siya. Sasakyan niya lang ang mga gusto nito at palalabasin niya hanggang maaari na nagugustuhan niya na ito.

Napalingon siya nang may magpatong ng jacket sa balikat niya at nakita niya doon si ZAC. Kanina pa siya nilalamig at tamang tama na binigyan siya nito ng jacket. Nasaktuhan din na nagsimulang umambon kaya tinulungan siya nito na makatayo.

"Tara na. Malayo layo din 'yong bahay dito at baka maabutan tayo ng ulan. Isa pa, malamig dito sa labas," sabi niya.

"Kailan ka pa naging concerned sa 'kin?"

"Kasama 'yan sa trabaho ko bilang boyfriend mo, 'di ba? Tara."

Sinuot niya ng maayos ang jacket na 'yon at hinawakan ni ZAC ang kamay niya. Sabay silang tumakbo pabalik doon pero nang malapit na sila sa bahay ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nabasa sila. Nanatili muna sila sa sala para magpatuyo at inabutan sila kaagad ng towel ni Lisa, ang katulong na nakausap ni Steffi. Matapos noon ay nagkanya kanya na sila ng punta sa mga kwarto nila at nagpahinga.

Ang daming nangyari sa loob ng isang araw. Paano kaya bukas? May magbabago kaya sa takbo ng buhay ko?

***

Kinabukasan ay maagang nagising si Steffi kaya naman naisipan niya na pumunta kaagad sa beach para maglakad lakad. Maganda kasi ang panahon at hindi maaraw kaya masarap mag-ikot ikot sa lugar na 'yon. Nakita ulit ni Steffi ang mataas na pader.

Nahihiwagaan talaga ako sa lugar na 'to. Ano ang mayroon sa kabilang banda ng pader na 'yon at bawal pumunta doon? Parang ang daming sikreto ng lugar na 'to.

Napalingon si Steffi at wala rin naman siyang nakikita na ibang tao doon kaya naisipan niya na puntahan iyon tutal nakalayo na din naman siya sa bahay. Hindi naman siguro siya makikita ng guard o kaya ng mga katulong doon.

Nang malapit na siya sa pader na 'yon ay napansin niya ang isang divider na naghahati sa pwesto nina ZAC at sa kabilang banda ng isla. Karugtong iyon ng wall pero dahil beach iyon ay hindi umabot ang wall na iyon hanggang sa dulo. May mga nakikita na din siya na mga tao. Doon niya lang napagtanto na hindi lang pala sina ZAC ang nasa isla na iyon kung hindi may mga normal na tao din na nakatira doon. Dahan dahan siyang naglalakad palapit doon at plano niya sana na tumawid sa kabila pero nagulat siya nang may kumapit sa pulsuhan niya at hinila siya kaagad palayo doon.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw niya.

Binitawan rin naman siya nito kaagad nang nakalayo na sila ng ilang metro doon.

"Saan ka ba pupunta? Hindi tayo pwedeng pumunta sa lugar na 'yon."

Nakatalikod si ZAC habang nagsasalita at kausap siya.

"Bakit? Ano ba ang mayroon sa lugar na 'yon at bawal tayo doon?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman 'yon. Tara na, bumalik na tayo doon at kumain. Nagugutom na ako."

Hinawakan ni ZAC ang kamay niya pero madali siyang nagpumiglas sa kapit nito.

"Hindi, ZAC. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin ang dahilan."

"Sige, maiwan ka dyan. Siguraduhin mo lang na hindi ka lalagpas sa harang. Ge."

Naglakad na pabalik sa beach house si ZAC. Akala niya ay madadaan niya doon si ZAC at sasabihin nito sa kanya ang dahilan pero nagkamali siya. Curious talaga siya at gusto niyang malaman kung bakit ganoon. Naglakad siya pabalik doon at sa katigasan ng ulo niya ay lumagpas siya sa boundary at may nakakita sa kanya na bata.

"Papa! May galing sa kabila na gustong pumunta dito!" sigaw ng bata.

Natakot si Steffi nang makita niya na naglabasan ang mga tao at nagsikuhanan ang mga ito ng bato at sinimulan siyang batuhin. Madali siyang bumalik papunta sa pwesto nina ZAC pero kahit nandoon na siya ay natamaan pa rin siya ng bato.

"Aray!"

Nagmadali siyang umalis doon at tinakbo niya na pabalik sa bahay. Natakot siya sa mga tao sa lugar na 'yon. Kung titingnan ay parang may mga galit ito kina ZAC o may atraso sina ZAC sa kanila at nagkakaganoon sila. Nagkaroon pa ng harang at hatian ng lupa doon. Nakikita niya din ang galit ng mga tao kahit na hindi naman siya kaano ano ni ZAC.

Pagkarating niya sa bahay ay hinanap niya kaagad si ZAC. Nakaupo ito sa harap ng lamesa at kumakain kaya naman umupo na rin siya at kumain doon.

"Ma'am, wala po bang masakit sa inyo?" tanong ni Lisa sa kanya.

"Ha? Bakit niyo po natanong?"

"Nagdudugo po 'yong ulo niyo."

Napahawak si Steffi sa ulo niya kung saan siya tinamaan ng bato kanina at pagtingin niya sa kamay niya ay may dugo nga ito. Madali rin naman na tumayo si ZAC at hinila si Steffi papunta sa sala at doon siya pinaupo.

"Kumuha kayo ng first aid kit pati maligamgam na tubig. Bilis!" sigaw ni ZAC.

Hinubad ni ZAC ang suot niyang damit dahil walang towel na binigay sa kanya.

"Talikod. 'Wag kang malikot," utos sa kanya ni ZAC.

Nilinisan ni ZAC ang sugat ni Steffi sa ulo. Ni hindi niya man lang naramdaman na may masakit sa ulo niya matapos siyang batuhin at binalewala niya lang ang naramdaman na sakit kanina.

"A-Aray! Ano ba?! Masakit kaya!" sigaw niya.

"'Wag ka ngang magulo! Sasapakin na kita, eh!" sigaw ni ZAC.

Nagagalit si ZAC sa sarili niya kaya naging iritable na siya. Kung hindi niya iniwan doon si Steffi, hindi iyon mangyayari sa kanya. Natatakot siya na may mangyaring masama dito at ayaw niya na masaktan ito. Gumagalaw naman si Steffi sa tuwing nakakaramdam siya ng sakit sa ginagawa ni ZAC sa ulo niya. Matapos linisin at gamutin ni ZAC ang sugat niya ay tumayo lang siya sa harap ni Steffi at tiningnan siya.

"Pumunta ka doon, ano?"

"H-hindi, ah. Nadapa kasi ako kanina kaya ako nasugatan."

"'Wag mo akong lokohin dahil hindi ako tanga. Nadapa ka pero nasa likod ng ulo mo 'yung sugat? Anong klaseng dahilan ba 'yan? Ginagago mo ba ako?"

"Oh bakit? Bawal ba ako mapahiga sa pagkakadapa? Tumama sa bato 'yong ulo ko."

"Tumama sa bato o binato ka nila sa ulo?! Sinabihan na kita kanina na 'wag kang pumunta doon, 'di ba?! Delikado! Bakit ba ayaw mong makinig sa 'kin?!"

"Bakit ba kasi ayaw mo din sabihin sa 'kin ang dahilan?! Masyado bang private ang dahilan kaya hindi mo masabi?"

"Bahala ka nga sa buhay mo."

Iniwan siya doon ni ZAC. Alam niya na ayaw talaga nitong magkwento at hindi talaga ito magkukwento sa kanya kahit na anong pilit niya dito. Hindi niya din maintindihan kung bakit naging sensitive si ZAC matapos nang nangyari sa kanya.

***

Iniwan siya doon ni ZAC at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Hindi niya rin ito makita sa paligid.

Nasaan na ba siya? Nagugutom na ako.

Napahawak siya sa tiyan niya nang marinig niyang tumunog iyon. Kanina pa siya nagugutom pero nahihiya naman siya na magsabi. Dahil hindi niya na kayang tiisin ang gutom ay pumunta siya sa kusina at nakita niya doon si Lisa.

"Ate Lisa, wala po bang pagkain dyan?"

"Pasensya na, Ma'am. Pinagbawalan po kasi kami ni Sir ZAC na bigyan ka ng pagkain."

"Ano?! Bakit niya naman gagawin 'yon?"

"Wala rin po kaming alam. Sumusunod lang po kami sa iniuutos sa 'min. Oo nga pala, okay na po ba 'yong ulo niyo?"

"Okay na po ako. Sige, ate. Salamat."

Asar na asar siya sa narinig. Kailangan niyang hanapin si ZAC. Lumabas siya ng bahay at hinanap doon si ZAC. Agad rin siyang napatingin sa langit dahil madilim iyon at mukhang uulan na. Umupo na lang muna siya sa buhangin at tumingin sa dagat na malakas naman ang alon. Kinuha niya ang phone niya para magtext.

To: Zavier

Kamusta ang klase? Hindi na ako nakapasok.

From: Zavier

Okay naman pero boring dahil wala ka. Alam ko kung bakit hindi ka nakapasok. Mag-ingat ka dyan, Stef.

Hindi na siya sumagot sa text ni Zavier. Gusto niyang mangamusta pero ayaw niya naman na istorbohin ito dahil alam niya na nasa klase ito ngayon. Wala rin naman siyang load para makatawag kaya hanggang text lang ang nagagawa niya. Bored na siya sa lugar na 'yon at gusto niya ng umuwi. Mukhang wala na rin naman silang gagawin doon ni ZAC.

Nang tumunog ulit ang tiyan niya ay nagpasya siyang bumalik sa bahay.

Ayaw nila akong bigyan ng pagkain? Problema ba 'yon? Edi ako na lang ang magluluto ng sarili kong pagkain.

Pagkadating niya sa kusina ay agad siyang naghanap ng pagkain. May nakita siya doon na bigas kaya nagsaing muna siya ng kanin. Wala rin ibang pagkain na madaling lutuin doon pero nang makita niya ang tuyo ay agad niya iyong kinuha at niluto. Kahit na tuyo lang ang ulam ay masaya na siya. Kahit papano ay mapapawi ang gutom na nararamdaman niya. Masarap naman i-ulam ang tuyo sa mainit na kanin. Matapos niyang magluto ay umupo siya kaagad at kumain.

"Bakit ang baho?" tanong ng isang lalaki.

Lumingon si Steffi at nakita si ZAC na papalapit doon at nakatakip pa ng ilong.

"Ang arte mo naman! Nagluto ako ng makakain ko, may problema ba?"

"Ano bang klaseng pagkain 'yang niluto mo at mabaho? Pagkain nga ba 'yan? Ang panget naman ng isda na yan."

Isinubo ni Steffi sa bibig ni ZAC ang nahimay niya na tuyo. Nasasarapan siya sa pagkain na 'yon kahit na mabaho iyon. Base sa reaksyon ni ZAC, mukhang hindi pa ito nakakakita at nakakatikim noon. Kung sabagay, mayaman kasi ito.

"Pwe! Ano ba--"

Nang manguya ni ZAC ang isdang iyon ay agad siyang nasarapan sa lasa noon.

"Hoy babae, lutuan mo nga ako ng ganyan. Gusto ko din kumain."

"Nahiya naman ako sa kakapalan ng mukha mo! Pinagbawalan mo sila na bigyan ako ng pagkain tapos uutus-utusan mo lang ako ngayon?! Ayoko nga!"

"Tandaan mo, katulong lang din kita!"

"Katulong mo ako na girlfriend mo na ngayon! Baka nakakalimutan mo 'yon?"

"Oh ano ngayon? Ako pa din ang nagpapasuweldo sa 'yo. Bilisan mo. Nagugutom na ako."

Sa huli ay tumayo na ulit si Steffi at nagluto pa ng mas marami. Na-miss niya din ang kumain noon. Sa totoo lang ay pagkain 'yon ng mga katulong pero dahil hindi iyon alam ni Steffi ay kumuha siya doon. Matapos niyang magluto ay bumalik siya sa pwesto niya at umupo din si ZAC sa tabi niya pero hindi ito kumakain.

"Nagpaluto ka tapos hindi ka kakain? Kung ayaw mo, ako na lang ang kakain niyan."

Kukunin sana ni Steffi ang laman ng plato na 'yon pero agad iyon na inilayo ni ZAC.

"Ayoko nga. Kakainin ko 'to."

Dahil sa sinabi ni ZAC ay bumalik na lang siya sa pagkain pero napapatingin siya kay ZAC. Tinitingnan lang kasi nito ang pagkain na nasa plato.

"'Wag kang tumingin lang dyan, pagsilbihan mo ako. Hindi ako marunong maghimay niyan. Mukha rin madaming tinik at mabaho kaya ikaw ang maghimay tutal alam mo kung paano."

"Ang arte mo, nakakainis! Daig mo pa ang babae, eh. Kung sabagay, sanay kasi kayo sa boneless na isda. Ganito lang, oh."

Ipinakita ni Steffi sa kanya kung paano niya hihimayin 'yung tuyo. Dahil alam niya na hindi marunong si ZAC ay siya na ang nagtrabaho sa lahat habang si ZAC ay sarap na sarap sa pagkain noon.

"Kailangan mo ba talaga na kamayin 'yan? Hindi ba pwedeng gamitan 'yan ng kutsara at tinidor?"

"Ang arte mo talaga, ZAC. Bakla ka ba?"

"Gusto mo ba na patunayan ko sa 'yo na hindi?!"

"'Wag na. Hindi na kailangan. Maarte ka lang talaga dahil mayaman ka."

Matapos nilang kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan nila at naghugas din siya ng kamay. Hirap na hirap siyang tanggalin ang amoy ng isda sa kamay niya.

"Magayos ka na ng gamit mo. Seven ng gabi ang alis natin dito."

"Mabuti naman at makakaalis din dito."

Naglakad si Steffi palabas sa kusina pero pinigilan siya ni ZAC.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto. Magkukulong ako doon. Puntahan mo na lang ako kapag may kailangan ka."

***

Nasa kwarto lang si ZAC at bagot na bagot na siya dahil wala siyang magawa doon. Aalis na rin naman sila kaya ayaw niya na pagurin pa si Steffi dahil kailangan din nilang pumasok kinabukasan. Lumabas siya sa kwarto at dinala siya ng mga paa niya sa tapat ng kwarto ni Steffi. Kumatok siya pero dahil walang sumasagot ay pumasok siya sa loob. Nakita niya doon si Steffi na natutulog at bukas ang t.v. Pinatay niya muna ang t.v. saka niya tinabihan si Steffi tutal malaki ang kama. Hindi niya naman maiwasan na titigan ito.

Napaka-amo ng mukha niya kapag natutulog. Bakit ba kasi palagi na lang mainit ang ulo niya sa 'kin? Ano ba ang ginawa kong masama? Ano ba ang ayaw niya sa 'kin?

Hindi namalayan ni ZAC na nakatulog siya sa tabi ni Steffi at nagising na lang siya dahil sa katok sa pinto. Agad niya rin naman nakita sa tabi niya si Steffi na mahimbing pa rin na natutulog. Bumangon siya kaagad at binuksan ang pinto.

"Sir, nandyan na po 'yong helicopter."

"Anong oras na?"

"7:30 na po ng gabi."

"Sige, sabihin mo na lang na pupunta na kami doon."

"Okay, Sir."

Ginising ni ZAC si Steffi at nagulat siya na si ZAC ang gumigising sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ginigising ka. Nandyan na ang sundo natin. Matulog ka na lang pag-uwi."

"Sige, susunod na lang ako. Mauna ka na sa baba. Mag-aayos lang ako."

"Hintayin na kita dito. Bilisan mo."

Nagpalit ng damit si Steffi at madaling kinuha ang gamit niya. Tinulungan na rin naman siya ni ZAC sa mga gamit niya. Habang nasa helicopter sila ay nakatulog na naman si Steffi at napasandal ito sa balikat niya na nakapagpangiti sa kanya.

Magbabago rin ang tingin mo sa 'kin, Steffi. Magiging maayos din tayo pagdating ng panahon.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...
592K 30.6K 70
VIOLAK ang batang may balak.
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
Do or Die ✔ By Kimmy

Mystery / Thriller

9.4K 435 62
Morietur is a online daring game , in which players will be given a dare to save their lives. 〰️ Date Started: April 14, 2020 Date Ended: June 1, 2020