Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 42: His face, hug & kiss

601 12 2
By AyhenPey

Chapter 42

Pagkalabas ko ng pintuan hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasi nandito siya, wag nyang sabihin na inaantay niya ako?

"Bakit ka nandito?" tanong ko

"Sabay na tayong pumasok" tapos nginitian niya ako.

"Okay" hindi na ako makakahindi kasi parehas naman kami ng way. Sasakay sa jeep tapos maglalakad ng konti bago makarating sa school.

Nang makadating na kami sa school at pumasok sa gate bigla na lang nyang hinawakan yung pulso ko. Hindi na ako umapela, okay lang naman sa akin. Pero napansin kong nakatingin sa amin yung nasa gilid na nadadaanan namin kaya nilayo ko na yung kamay ko.

Binilisan ko na din ang lakad, ang lalagkit kasi ng tingin nila. Ayaw ko ng ganito.. Nakarating naman ako sa room ng matiwasay. Salamat at di na niya ako sinundan. Napa sigh na lang ako. March na rin ngayon.. Tapos na Finals Exam, practice na lang kami ng Graduation Day. Ngayon na din ilalabas yung grades namin. Ganito dito maagang binibigay lalo na sa mga graduates.

At hanggang ngayon ganito pa din kami.

"Serah!" tawag niya sa akin, kakadating lang niya. Tumingin lang ako sa kanya. Sa tuwing naalala ko yung Valentine's Day feeling ko namumula ang pisngi ko. Pakiramdam ko kasi may ginawa akong kakahiyan. Okay naman yung araw na iyon, nung umuwi si Kuya umalis na din siya. Wala namang sinabi ang pamilya ko tungkol doon.

Pero bumabagabag pa din sa akin ang palapit nyang pag alis. Ilang araw na lang.. Sabi niya kinabukasan after Graduation ang flight niya. Di ko napansing nasa harapan ko na pala siya.

"Tulala" aniya sabay pitik sa noo ko. Napahawak ako doon, ang sakit. Tinignan ko lang siya ng masama. Napalundag naman kami sa gulat ng may umehem sa gilid ko ng napakalakas.

"Kenn" bati ko, tapos umupo na siya sa tabi ko. Si Zac naman nakatingin lang sa akin at nakangiti. Di ko alam ang gagawin ko.

"Serah, samahan mo nga muna ako. May bibilhin ako sa baba" biglang sabi ni Kenn. Napaoo na lang ako nung tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Kaya naiwan si Zac na nakatayo sa harap ko.

Naglalakad na kaming dalawa ni Kenn papuntang canteen.

"Hayy!! Kinakabahan ako!" aniya

"Bakit naman?"

"Baka may bagsak ako.."

"Sus, di yan" malapit na kami sa canteen nang bigla siyang huminto kaya napahinto din ako.

"Di na pala ako bibili, nagbago na isip ko." napapout na lang ako kasi pabalik na ulit kami sa room. Sinayang lang niya lakad namin pero bago kami makarating sa room hinarang na ako ni Bethina.

"SERAH!!" bati niya sabay hawak sa magkabila kong balikat.

"Bakit?" tanong ko

"Uhm, movie marathon tayo after ng practice? Sama ka? Maaga naman kasi uwian natin.. Mga 1pm." nag-isip isip muna ako kung sasama ba ako o hindi. Wala namang masama kung sasama ako. Gusto ko din makabonding si Bethina dahil iilang linggo na lang at Graduation na.

Masakit man isipin, magkakahiwa-hiwalay din kami ng landas.

"Sige"

"Yehey! Hintayin kita sa gate mamaya ha?" palundag lundag pa siya nyan

"Sure" pagkabalik ko sa room nakita ko si Travis nasa room namin kausap si Zac. Hindi ko na lang pinansin at umupo na din ako. Napatingin ako sa katabi kong nakapalumbaba at nag-iisip.

"May gagawin ka mamaya?" tanong ko

"Wala nga eh.." bigla akong lumabas ulit ng room at mabuti naman nandoon pa si Bethina.

"Bethina, pwedeng magsama mamaya?" tanong ko

"Sino? Si Kenn ba?" nagulat ako dahil nahulaan niya agad ako

"Oo hehehe"

"Sure, sure.. Para masaya!" tapos naglulundag na naman siya. Pansin ko ang saya ng araw ni Bethina ngayon. Napansin kong paparating na si Ma'am kaya napapasok na kaming lahat sa room. Pagkapasok na pagkapasok niya pinamigay niya kaagad yung mga test papers namin. Bigla akong kinabahan..

Wala naman po sana akong bagsak Lord.

May mga classmate akong nagd-distribute ng test papers kada subject. At ito na natanggap ko na ang lahat ng test paper ko sa bawat subject. Hindi ko muna ito tinignan. Inipon ko muna sila at nung kompleto na. Unti unti kong sinilip ang bawat test paper. Hindi ko ineexpect ang nakuha ko sa bawat subject. Gusto kong maluha.. Grabe ito..

May biglang nag tap ng shoulder ko. Paglingon ko doon di ko alam sa sarili ko at niyakap ko siya.

"Uy Serah!" nagulat ata

"WAAAAH! KENN! NAKAPERFECT AKO FOR THE FIRST TIME!" sigaw ko sa kanya naramdaman ko naman na hinagod niya ang likod ko habang natatawa pa.

"Congrats naman" humiwalay na din ako sa kanya dahil napansin kong nakatingin sa akin ang mga classmates ko. Pero di na sila katulad noon na hindi ako pinapansin at madalas tinitignan mula ulo hanggang paa. Madalas nakakausap ko na sila at pinapansin na nila ako. May napansin akong nakatingin sa akin sa likuran ko. Nakatingin lang siya sa aking na may blangkong ekspresyon.

Dahil di ko alam ang gagawin ko tinalikuran ko na lang siya at hinarap ang test paper ko na di ko ineexpect ang results. Wala akong bagsak, thank you Lord! At may isa akong perfect for the first time na naging 4th year ako. Ang saya saya ko!

"Ok class, bumababa na tayo. We're going to practice your Graduation March"

Bago kami bumaba narinig ko yung mga classmate ko na nagbubulungan.

"Ang nakakaantok na marcha at paulit ulit pa."

Pagkalabas ko sa room biglang nagawi ang mata ko sa left side ko at di ko inaasahang makita si Zac at Mara na nag-uusap. Nakangiti si Mara kay Zac at patango tango pa. Mag kaibigan lang sila.. Walang meaning yun. Pero bakit ako nasasaktan? Si Mara komportable kay Zac, ako hindi gaano. Sana maging ganoon din ako.

- - -

Tapos na ang practice, yes! Well, nakakabagot eh di lalo na kung wala kang katabi na makakadaldan after mong makababa sa stage at kunin ang diploma. Madami na kasi kami ngayon. Pinagsamasama na kasi lahat ang bawat section at alphabetical order ang girls st boys. Tapos yung katabi ko pa hindi ko kilala taga ibang section kasi sila. Mabuti na lang talaga at natapos na.

Naglalakad na kami ni Kenn papuntang gate. Pumayag din siyang sumama sa akin. Nung una ayaw niya nakakahiya daw. Pero sabi ko okay naman kay Bethina. Kaya iyon pumayag din.

"Wooh! Natapos din" aniya

"Oo nga eh.." nandoon na si Travis at Bethina at nag-uusap ang dalawa. Si Travis ang nakapansin sa aming dalawa kaya naudlot ang pag-uusap nila.

"Nandito na pala kayo.."

"Alis na tayo?" tanong ko

"May dalawa pang iniintay" sagot ni Bethina.

"Sin-" biglang kumaway si Travis

"Nandito na pala kayo!" napalingon kaming dalawa ni Kenn sa likuran namin para malaman kung sino iyon. Parang gusto ko ng umuwi ng makita kong magkasama si Zac at Mara. Nakangiti pa silang dalawa palapit sa amin.

"Complete na alis na tayo!" sigaw ni Bethina, sumunod na lang kami sa kanya hanggang sa huminto siya sa harapan ng isang Van. As in Vaaaaaaaaaan.

"Sakay na kayo guys" aniya.

"Sosyal mo naman, saan nga ba ulit ang bahay mo?" tanong ni Zac kay Bethina

"Sa ___ alam mo namang tatlong bayan ang layo noon dito. Sya, sakay na"

Sumakay kami ni Kenn at doon kami sa dulo umupo. Tapos sa harap namin si Zac, Mara at Travis at si Bethina naman sa pinaka harap. Umandar din kaagad yung sasakyan. Nakaramdam ako ng hiya kay Bethina. Di ko naman kasi ineexpect na may sasakyan, nagyaya pa ako ng isasama. Tumingin naman ako kay Kenn, mukhang okay naman siya. Ako lang ata ang nakaka feel ng akwardness dito. Idagdag mo pa ang tahimik ng biyahe namin.

"Tina, ihinto mo muna dyan sa may tindahan. Bibili ako ng makakain natin" sabi ni Travis

"Kailan pa naging Tina name ko? Wag ka ng bumili ng kung ano ano. May pagkain na doon. Prepared ako! Anong akala mo sa akin?" sagot naman ni Bethina. Naku, wag namang mag bangayan itong dalawang ito dito.

"Sya, sige. Suko na ako. Ayaw ko ng makipag talo." tampururot naman agad si Travis

"Hihihi, ang cute naman" nakita kong bumwelo si Bethina palikod para mapisil ang pisngi ni Travis pero may biglang naghikhikan sa may tabi. Si Zac at Mara nagpipigil ng tawa.

"Uy, kayo baka magkataluyan kayo nyan.." napatingin ako kay Zac after sabihin ni Travis yun. Parang may sumakit sa dibdib ko habang iniisip ko ang thought na iyon. Narinig ko na lang na tumatawa si Mara. Napabuntong hininga na lang ako at inisip sana malapit na kaming makarating sa bahay nila Bethina.

Nagulat na lang ako ng may sinaksak sa tainga ko si Kenn. Narealize ko na lang na earphone iyon, ngumiti na lang ako ng mapakinggan ko ang tumutugtog doon. Now Playing: Today is the day - Hillsong

Pinipigilan kong kumanta ng malakas, baka anong sabihin sa akin ng mga kasama ko kahit na gustong gusto ko na sabayan talaga itong tumutugtog. Napa head bang na lang ako, kasi rock song nga itong Today is the day. Tumingin ako kay Kenn at nakapikit, nakakagat labi at naghehead bang. Ang cute nyang tignan kaya napangiti na lang ako.

Nakarating din kami kila Bethina sa wakas. Huli na kaming nakalabas ni Kenn pero nagulat ako nung inalalayan pa niya ako sa pagbaba.

"Ok lang ako, ano ka ba.." sabi ko. Pero nag smirked lang siya sa akin. Hayss, bumalik na naman ang dating siya. Napaangat ang tingin ko, medyo malayo na sila Zac. Nasa may pinto na sila ng bahay nila Bethina. Pero di naman malabo ang mata ko. Namamalikmata ba ako na nakatingin siya sa akin?

Pumasok na kami sa loob. Grabe napamangha ako sa bahay nila. Ang ganda, ang lawak.. Masasabi kong maganda ang pamumuhay ni Bethina pero bakit? Hayaan na nga natin ayoko ng mag-usisa pa. Umupo kami ni Kenn doon sa malaki nilang sofa. Halos kasya kaming anim dito. Maluwag pa nga tapos sa harap namin ay isang malaking flat screen. Nasa dulo ako habang katabi naman ni Kenn sa glid niya si Mara tapos katabi na noon si Zac.

"Guys, nood na tayo?" tanong ni Bethina

"Anong papanuorin natin?" tanong ni Mara

"Secret.." nagulat na lang ako nung sumarado ng automatic yung kurtina ng bintana. Tapos nagdilim ang buong sala.

"Welcome to our Movie theater" sabi ni Bethina

"Ikaw na.."

Nagplay na yung movie, umpisa pa lang. Alam ko na horror ito! Pero di ko alam kung ano. Di ako naniniwala sa pinapanuod namin, hindi mangyayari yan kung lahat tayo ay may faith kay God. Pinapanuod kasi namin ay Insidious. Nung una di ko magets bakit di na nagising yung bata.

Nakakagulat man yung mga scene, di ako pumipikit lalo na kapag ramdam kong may lalabas.

"AHHHHHHH!" -Bethina

"Chansing.." galit ni Travis. Nakarinig ako ng malakas na hampas pagkatapos noon. Yung dalawang iyon talaga.

Tumingin ako kay Kenn, kita ko naman siya kahit madilim. Gawa nung liwanag sa TV. Halos sumakit na ang tiyan ko sa pagpipigil ng makita kong nakapikit si Kenn dahil yung scene ay nakakatakot. Hindi naman niya napapansin nakatingin ako sa kanya. Tapos sumandal siya sa sofa.

Nagulat ako ng makita kong nakatakip sa mukha ni Mara yung kamay niya habang si Zac naman ay nakaakbay kay Mara.

I love you pala ah.. I want to cherish every second, minute, hour and day with you pala ah.. Di ko alam pero nagkaka doubt na din ako kay Zac. Sabi ko sa sarili ko nung araw na iyon. Hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa kanya yung 3 words pero bakit ngayon parang nagsisisi na ako? Napakaimportante talaga siguro ni Mara kay Zac.

Tumayo ako.

"Bethina, san yung CR nyo?" di niya ako inimik. Tumuro lang siya. Pumunta ako doon at pumasok. Tumingin ako sa salamin, at umiling.

"Wag mo ng isipin, Serah" sabi ko sa sarili ko sabay iling. Bakit kasi tumingin pa ako kay Kenn, ito naman si Kenn sumandal pa sa likod niya. Nakita ko tuloy yung dalawa.. Hayss, bakit ko ba sinisisi yung tao. Natatakot na nga yun eh. Nasisisi pa.

His face, his hug and his kiss.

Pinagsasampal sampal ko na ang sarili ko. Sana pwedeng sabihin sa utak na wag mong isipin ang mga bagay na iyon lalo na kung ayaw mo talaga pero panay pa din ang balik ng alaala ko. Naghilamos ako tapos nagpunas na lang ako sa panyo ko. Pinatay ko na yung ilaw at lumabas ng CR. Grabe ang dilim talaga! Nasaan kaya mga magulang ni Bethina?

Ang liwanag na naaninag ko lang ay yung sa sala. Naglakad na ako papunta doon pero may biglang yumakap sa likuran ko. Halos lumuwa ang puso ko sa sobrang gulat.

"Serah" sabi niya.. Anong ginagawa nya dito? Sinundan niya ako? Mabilis kong nilayo ang sarili ko sa kanya at nagsimulang lumakad ng mabilis pabalik sa sala. Mabuti na lang di niya ako naabutan. Tumingin pa sila sa aming dalawa dahil magkasabay kaming umupo sa sofa. Nahalata kaya nila? Wag naman sana..

"AHHHHHH!" sumigaw si Bethina at Mara. Si Kenn naman nagulat lang. Hahaha. Nagpipigil din ito ng sigaw for sure.

"Tapang ni Serah, di sumisigaw" sabi ni Travis out of the blue. Ngumiti na lang ako di ko alam kung kita ba nila. Wala akong masabi eh.

"Ang suplada mo naman Serah" dagdag niya

"Uy hindi" sabi ko.

"Wag nga kayong maingay" natahimik ako dahil nag sungit na naman siya. Oo nga pala masungit naman talaga siya unang kilala ko pa lang sa kanya. Bakit ba lagi na lang akong nagkakaganito sa tuwing nag susungit siya?

"Sungit" bulong ko. Pero itong si Kenn narinig kong natatawa.

"Horror pinapanuod natin hindi comedy.. WAAAAAAH!!" malakas pa sa sirena ng ambulansya ang sigaw ni Mara. Magkakakilala pala sila ni Kenn? Ay I mean, pwedeng sabihing close sila o kaya naman magkaibigan? Kasi natatarayan ni Mara si Kenn eh..

Ah naalala ko! Sinabi ni Kenn noon na kinababaliwan niya si Mara na matalo sa DOTA. Akala ko talaga noon may gusto sya.

Natapos ang movie lumilipad ang utak ko. Hindi ko na nga naintindihan yung story eh, yaan na nga natin. Nagbukas na ulit yung ilaw. Medyo nasilaw ako kasi from madilim to maliwanag. Nabigla ata mata ko kaya napapikit muna ako. Pagkamulat ng mata ko nakaupo na sila sa sahig. May coffee table kasi sa gitna tapos nandoon yung mga pagkain.

"Kain muna Serah" alok ni Bethina. Umupo na ako sa tabi ni Kenn kahit alam ko naman na wala ng space sa gilid o tabi niya. Katabi niya kasi si Mara.

"Dito ka Serah oh, kung saan masikip dun nagsusumiksik" tinuro ni Travis yung pwesto na blangko tapos ang katabi ay si Zac sa left at sa right si Bethina. Wala na akong nagawa kaya umupo na ako doon.

Kumain kami ng Carbonara, chips, house-made cake at kung ano anong kutkutin pa. Grabe ang daming pagkain. Tapos yung katulong nila Bethina nagdala ng juice napasigaw na si Travis.

"Ate soon-to-be-my katulong din. Pwedeng tubig na lang? Kanina pa kami puro matatamis eh baka ano ng mangyari sa dila namin nito.." tapos nagtawanan kami sa sinabi niya.

"Okay po soon-to-be-husband ni Ma'am" napangiti na lang ako habang tinitignan si Bethina at Travis na masama tingin sa isa't-isa pero sa kaloob looban ng mga iyan. Nasanay na din ako sa dalawang iyan dahil lagi ko silang kasama tuwing lunch.

Nung natapos na kaming kumain..

"Nood pa tayo?" tanong ni Bethina

"Uuwi na ako.." sabi ni Zac.

"Ang KJ naman!" sigaw ni Travis pero biglang nagsalita itong si Zac.

"Kanina pa masakit pakiramdam ni Mara, di lang pinapahalata. Ihahatid ko na siya.." tapos tumayo na siya sabay lahad ng kamay kay Mara. Dito na talaga kumirot ang dibdib ko. Harap harapan ko na talagang nakikita kung paano siya mag care kay Mara.

Kinuha ni Mara iyon pero napalakas ata ang hatak ni Zac kaya napasubsob sa dibdib niya si Mara.

"Owww!" sigaw nung magkasintahan na ngayon ay magkatabi na. Dumila lang si Zac at naglakad na palabas. Napatungo na lang ako.. Kasi nung dumaan siya sa gilid ko, nagkatinginan lang kami at ang masakit doon iniwas lang niya ang tingin niya.

Bakit ba ako nasasaktan? M.U nga lang kami. Ewan ko kung M.U ba talaga. Baka ako lang ang nagmamahal. Kasi umamin na ako na mahal ko din siya baka nakuha na niya ang gusto nyang malaman sa akin. Yun kaya?

"Serah.." napatingin ako kay Bethina. Nakaakbay sa kanya si Travis. Kitang kita ko sa mata nila ang ibig sabihin nila.

"I'm fine"

"You sure?" tanong ni Travis, ngumiti ako sabay tingin kay Kenn na nakatingin din sa akin.

"Resbakan ba natin?" seryoso nyang tanong pero natawa ako.

"Ano ka ba Kenn, wala yun.."

"Manuod na nga lang ulit tayo" umupo na kaming apat sa sofa.

"Lumuwag din!" sigaw ni Travis. Oo nga lumuwag, nawala yung dalawa eh. Nanuod kami ng Hunger Games. Hindi ko na naintindihan yung istorya dahil panay na naman ang lipad ng utak ko. What if ganito? Totoo kaya yun? Panay tanong ang utak ko, at di ko alam kung ano ang mga sagot. Pero ito lang ang tanong na bumabagabag talaga sa akin.

"Mahal nya ba talaga ako?"

"Ano yun Serah?" bigla akong napalundag sa tanong ni Travis. Narinig nya? Eh di lalo na si Kenn na katabi ko ngayon? Pero nakatingin lang siya ng derecho sa T.V mukhang wala lang sa kanya.

"Wala, wala" mabilis kong sagot

"Tsk, tsk, Serah payo lang.. Magandang nilalabas mo yung mga doubts and feeling mo sa isang tao. Para wala ng problema, lalaki lang kasi ng lalaki yan lalo na sa mga questions na mamumuo sa utak mo."

"Don't talk in riddles, Travis!" sigaw naman ni Bethina.

"Complicated silang dalawa, complicated din ang advice" at dun ako nakarinig na malakas na palo.

Doon nagsimula ang matagal na katahimikan. Nanuod na lang kami ng movie, kahit papaano nawala yung mga iniisip ko kanina kasi kinikilig ako kay Peeta. Ang sweet niya kay Katniss pero feeling ko hindi totoo si Katniss para lang sa game kaya sya ganyan.

Nung natapos na yung movie..

"Alis na tayo.." alok sa akin ni Kenn.

"Sige" sagot ko

"Wait guys, ipapahatid ko kayo.." pero di na ako nakaapila dahil tumakbo na si Bethina palabas. Lumabas na din kami and after ng ilang minutes lumabas na yung driver at binuksan yung Van. Bago ako sumakay kinausap ko si Bethina.

"Bethina, thank you ha? Ok lang naman kahit di mo na kami ipahatid. Sa pagkain pa lang.. Nakakahiya na."

"Ano ka ba? Mas malala pa ang natatanggap ni Travis sayo no. Pero iyon hindi nahihiya.. Feel at home palagi."

"Eh boyfriend mo yun eh" namula naman ang pisngi niya.

"Heheh, basta wala sa akin yun. Magkakaibigan naman tayo. Pati ilang linggo na lang Graduation na. Isipin mo na lang para di ka mahiya. Birthday ko ahahha. Nagpapakain ako."

"Bahala ka nga, thank you talaga"

Nung nakarating na ako sa amin, di ko pa nabubuksan yung gate may kumalbit na sa balikat ko. Pagkalingon ko doon..

"Mara?" eh di ba masakit daw pakiramdam nya?

Continue Reading

You'll Also Like

31.9K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
71.6K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
54.8K 1.1K 123
ALL YOUR FIRST ARE WORTH REMEMBER
7.9K 326 46
She is a bitch. Maldita. Matalino. Maganda. Mayaman. She has everything in other words. She's a bitch with a class. Then she met him AGAIN. Her old b...