Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 310K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter Fifty eight

101K 3K 227
By dauntlehs


58: Sacrifice
-

“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.

Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.

“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.

“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.

“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.

“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Imposible, hindi pwede.

“Rain, don’t blame yourself.” Tinapik ni Matthew ang likuran ko pero nagpatuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos, nab-blangko ang utak ko.

“Dadalin na namin siya sa morgue. Pwede bang sumama ‘yung isa sa inyo? Saka ‘yung mga susuotion niya, paki-ready na rin.” Sabi ng lalaking lumapit sa amin. Hindi ako nagsalita. Hindi ito totoo, baka nananaginip lang ako kaya tumakbo ako palayo pero agad akong napaupo nang mabangga ako ng kung sino sa hallway.

“Rain.” Tawag ni Jiro nang alalayan niya ako patayo. Agad ko naman siyang niyakap at tinapik-tapik nito ang likuran ko para mapakalma.

“S-si Thunderㅡ” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin dahil bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at pinunasan ymang luha ko gamit ang hinlalaki niya

“Okay na si Thunder pero si Cloud.... I’m sorry.” Bumagsak muli ang luha sa mga mata ko and just like thatㅡbiglang nag-flashback sa isip ko ang mga pangyayari kanina.

“Thunder!!” Sigaw ko nang lumapit ako sa kanya pero mabilis akong tinutukan ni Yb ng baril. Handa na akong tanggapin na hanggang dito na lang talaga ako pero hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Cloud para saluhin ang mga bala.

Hindi ako makahinga. Ilang putok ng baril ang narinig ko hanggang sa maubusan na ito ng bala.

“Cloud!” Sigaw ko at saka nagmadaling tumayo para habulin si Yb habang sila Matthew naman ay nag-asikaso para dalhin sa hospital ang magkapatid. Kung naabutan ko lang si Yb sisiguraduhin kong hindi na siya mabubuhay pa.

“Rain.” Tawag sa akin ni Sunny at napahawak na lang ako sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin. Hindi ako kumibo at tinanggap lahat ng mga sasabihin niya pero dumating sila Jae at nilapitan si Sunny para pigilan. “Kasalanan mo ‘to, e!”

“Sunny, ano ba? Walang may gusto sa nangyari.” Pagtatanggol pa sa akin ni Jiro ngunit umiling lang ako para iparating na hayaan na lang niya. Totoo naman na ako ang may kasalanan nito, kung mayroon mang dapat sisihin sa nangyari, ako iyon.

Thunder’s POV

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko nang marahan kong imulat ang mga mata. Puro puti ang bumungad sa akin at napatingin sa kamay na nakahawak sa akin.

“Thunder.” Tawag ni Rain nang marahan niyang pisilin ang kamay ko. Nginitian ko siya ngunit napansin ko ang pamamaga ng mga mata niya. Sinubukan kong bumangon pero sobrang sakit talaga ng katawan ko kaya nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kanya.

“What happened? Why are you crying? Nasaan si Cloud? Okay lang ba siya?” Tanong ko ngunit bigla na lang siyang umiyak, dahilan para maramdaman kong may masamang nangyari.

“Ulan. Bakit ka umiiyak? Okay naman ako, hindi naman ako namatay. I’m okay, natakot ba kita? Sorry na. Alam mo naman ako, matibay ‘to. Hindi basta basta namamatay.” Biro ko pa pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya nangingilid na rin ang luha ko. “Uy! Raiㅡ”

“Wala na siya.” Bahagya akong napahinto at kahit nahihirapan ay sinubukan ko ulit sumandal sa headboard. Hinawakan ko ang baba niya para i-angat ang paningin niya sa akin.

“Sinong wala na? Si Yb? Mabuti naman.” Nakangiting sabi ko pero ibinaba niya ulit ang ulo niya at tumingin sa kamay naming magkahawak.

“Wala na si Cloud. Sinalo niya ‘yung bala na dapat ay para sa’kin.” Awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabing iyon ni Rain. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at tinitigan ako ng diretso sa mata. Bakas na bakas sa mga mata niya ang lungkot kaya naman natigilan ako. “I’m sorry.”

Muli siyang humagulgol sa pag-iyak at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makakibo, naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng luha ko sa magkabila kong pisngi.

Bakit kung kailan okay na ang lahat saka dadating ang ganitong problema? Bakit kung kailan tanggap ko nang kapatid ko siya, saka siya mawawala? Nag-uumpisa pa lang pero natapos na agad.

“Rain.” Tawag ng nagmamadaling si Jasper nang pumasok siya sa kwarto. Nanatili lang akong tulala at sinusubukang isipin lahat ng pangyayari.

“Si Sunny.” Biglang tumayo si Rain at tinignan ako.

“U-usap tayo mamaya.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak bago nagmadaling tumakbo palabas. Hanggang dito sa loob ay rinig na rinig ko ang pagwawala ni Sunny. Napayuko na lang ako, kung kailan magiging masaya na lahat, saka mayroong babawian ng buhay. Bullshit!

Kinabukasan, kahit masakit ang katawan ko ay sinubukan ko pa ring tumayo habang dala-dala ang dextrose ko.

“Uy Thunder. Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?” Tanong ni Liam nang makasalubong ko siyang papasok ng kwarto.

“Pupuntahan ko si Cloud.” Tipid kong sagot at saka siya sinubukang lagpasan ngunit humarang siya sa pintuan.

“Nawawala ‘yung katawan ni Cloud, inaasikaso na rin ‘yon ni Rain, tinutukoy na nila kung sino ang kumuha.” Sabi ni Liam kaya nagsalubong ang kilay ko.

“Si Sunny, baka kinuha ni Sunny.”

“Hindi, tulog siya buong magdamag dahil sa tranquilizer na tinurok sa kanya, so imposible na siya ang salarin.” Ani Liam bago niya ako inalalayan pabalik sa kama. Sakto naman dahil dumating si Rain, mukhang wala pa siyang tulog.

“Alam ko na kung sino ‘yung kumuha sa katawan ni Cloud. Inuwi siya ng papa mo sa east district.” Malungkot na sabi ni Rain. Hinawakan ko ang kamay niya at saka niyakap ng maraha. Dapat akong maging matatag. Walang wala ang pinagsamahan namin ni Cloud sa pinagsamahan nila ni Rain ng dalawang taon kaya mas kailangan kong maging matapang para madamayan si Rain.

“Gusto ko nang lumabas dito. Gusto kong puntahan si Papa.” Sabi ko pero agad na kumontra si Rain.

“Hindi ka pa magaling. Kakatanggal lang ng bala sa katawan mo kahapon.”

“Kaya ko, gusto kong makita si Cloud. At least kahit isang araw magkasama kaming tatlo.” Hindi na nagsalita si pa si Rain. Bigla na lang siyang lumabas at naiwan ako rito sa kwarto kasama si Liam. Tinapik niya pa ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Condolence.”

Rain’s POV

Hindi na makapaghintay si Thunder kaya naman kahit masakit ang katawan niya dahil sa mga natamong gunshot wounds ay nagpumilit pa rin siyang lumabas ng hospital. Gusto na niyang magpunta sa East disrict kung saan dinala ng Papa niya ang katawan ni Cloud. Wala namang natamaang internal organ sa kanya kaya hindi naging kritikal ang kondisyon niya.

“Sigurado ba kayong sasama pa kayo?” Tanong ko kila Jiro na ngayon ay kasama namin.

“Oo, mahirap na. Baka magpakita na naman ang demonyong si Yb.” Nagtitimping galit na sagot niya habang nakayukom ang mga kamao. Tumango na lamang ako at saka inalalayan si Thunder pasakay sa kotse ni Jasper.

Kasama ko lahat ng Dark at si Liam, habang sila Sunny naman ay nauna ng pumunta roon. Hindi ko alam kung paano nalaman ng Papa ni Thunder ang nangyari pero sana naman hindi iyon ang maging dahilan para magalit siya sa akin gaya ng pagkamuhi sa akin ng step Dad ni Thunder.

Alam ko namang ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari. Kung noon pa lang sana ay hinayaan ko nang gawin sa akin ang eksperimento, eh di sana hindi na maraming tao ang nadamay sa problema kong itoㅡat sana hanggang ngayon ay kasama pa rin namin si Cloud.

“Rain. Stop thinking that it’s your fault.” Puna ni Thunder nang hawakan niya ang kamay ko. Kilalang kilala niya talaga ako pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Ngumiti lang ako ng tipid at saka inilabas ang singsing na pagmamay-ari ni Cloud.

Mahalaga sa kanya ang singsing na ito dahil bigay daw ito sa kanya ng yumao niyang Ina. Tinignan ko iyong mabuti at saka inilapag sa palad ni Thunder.

“Nakwento sa’kin ni Cloud noon na gustong gusto niyang magkaroon ng kapatid at no’ng malaman niya na may taning ang buhay niya, ibinilin niya sa’kin na ibigay ko sa’yo itong singsing kung sakaling wala na siya sa mundo.” Tinitigang mabuti ni Thunder ang singsing sa palad niya at saka marahang yumuko.

“Keep that ring, at least kahit hindi kayo nagkasama ng matagal, meron pa ring isang bagay ang magpapaalala sa’yo kung gaano ka kamahal ni Cloud.” Dagdag ko at hindi ko na nagawang magsalita pa ulit. Pakiramdam ko kasi ay tutulo na naman ang luha ko anytime.

Sinuot ni Thunder ang singsing at saka pinagmasdang mabuti. Pumikit na lamang ako dahil ayokong makita kung gaano siya nasasaktan ngayon.

Isa lang ang ipinapangako ko kay Cloud, ako mismo ang tatapos sa kademonyohan ng taong may gawa ng lahat ng ito. Hindi ko na hahayaang may buhay na naman ang mawala at sa oras na makita ko ang pagmumukha ng demonyong iyon, sisiguraduhin kong iyon na ang huli.

Continue Reading

You'll Also Like

Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

82.1K 3.5K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
9.1M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."
1.7M 25.9K 83
Brie Velez, the only girl who dared to enter Boyce high, a prestigious school for elite boys in the country. Though face with difficulties in dealing...
30.6K 1.1K 9
Lahat nga ba ng nang-iwan, naging masaya? |Short Story|