Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: 3rd Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 41: Zarah

620 13 8
By AyhenPey

Chapter 41

Pagkagising na pagkagising ko nag pray muna ako kay Lord. Hobby ko na talaga ito. Hindi ko alam pero bigla ko na lang binuklat sa ilalim ng unan ko yung cellphone ko. Napangiti ako dahil may text siya.

"Good Morning.." text niya, kahit maikli ito at hindi ko rin alam kung p.m or g.m okay lang sa akin. Ewan ko ba. Basta napasaya niya agad ang araw ko. Bumaba na ako sa baba para gawin ang morning ritual ko.

Pagkapasok ko sa school nagulat ako dahil si Kenn agad ang nakita ko sa labas ng gate mukhang may inaantay siya.

"Uy, ang aga mo ah.." bati ko sa kanya

"Good Morning" bati naman niya sa akin at nakangiti pa sya ng todo. Anong nangyari dito?

"Ang ganda ng gising mo ah.."

"Hehehe oo na lang" tapos sumabay na siya sa akin papasok sa loob.

"Sinong inaantay mo sa labas?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa Building namin. Pero hindi niya ako sinagot at nagkamot lang siya ng batok. Hindi ko na lang pinansin, inalala ko na lang yung lessons kahapon at yung mga assignments.

Pagkarating namin sa room bigla kong naalala na kailangan pala ng 1/4 index card sa Physics. Kaya nilapag ko muna sa upuan ko yung bag ko na bigay ni Zac tapos lalabas na sana ako ng room ng tawagin ako ni Kenn.

"Serah, saan ka pupunta?'

"Bibili lang ako sa baba ng 1/4 index card"

"Ako na lang, may bibilhin din ako eh" lumapit siya sa akin kaya inabot ko sa kanya yung piso pero dinaanan lang niya ako. Dahil nainis ako ng kaunti kay Kenn hinabol ko siya. Ang bilis niyang maglakad akalain mong nasa baba agad siya after ng ilang segundo.

"Bakit di mo kinuha itong piso?"

"Libre na kita, piso lang yun"

"Ito naman, wag mo ngang mailang lang yun." tapos sumabay na ako sa kanya sa may canteen. Kumbaga sinamahan ko na lang siya, nagulat nga ako dahil ang dami niyang binili.

Bumili siya ng ensaymada, juice, at sopas.

"Anong gusto mo Serah? Libre kita.."

"Na, busog pa ako." humanap siya ng bakanteng table at upuan at umupo doon. Inabot na siya sa akin yung index card at dahil wala pa naman akong gagawin naisipan kong samahan na lang muna siya dito.

"Nag umagahan ka ba?"tanong ko

"Hindi eh.." sagot niya tapos humigop na siya ng sabaw ng sopas. Nakakagutom naman.

"Bakit ang aga mong pumasok? Tapos di ka pa pala nag almusal." pero hindi niya ako sinagot.

"Uy may index ka na ba? Kailangan mamaya yun sa Physics.." panay lang ang kain niya at parang hindi niya ako naririnig. Hindi na lang ako nagsalita, mukhang gutom na gutom nga talaga siya. Tumingin tingin ako sa paligid at bigla kong nakita si Alex at Gian na nakapila dito sa canteen.

Nasaan kaya siya?

Dumaan sa gilid namin si Alex at Gian, nakatingin pala ako sa kanila.

"Hi Serah!" bati nung dalawa, tapos nginitian ko lang sila. Si Kenn naman busy pa rin sa pagkain.

"Uy bestfriend malapit ng mag time.." bigla kong nasabi tapos tumingin sa akin ng seryoso si Kenn as in. May mali ba akong nasabi? Nilagyan ko lang naman ng best--

Bigla na lang tumayo si Kenn kinuha lang niya yung ensaymada at juice at umalis na. Tapos naiwan akong nakaupo dito. Anong nangyari doon? Galit na naman ba sya? May mali ba sa pagsabi ko ng bestfriend? Hayys, ang sungit talaga niya.

Hinabol ko siya,

"Galit ka ba?" pero hindi niya ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa room. Pagkapasok na pagkapasok namin doon bigla na lang nagsigawan yung mga kaibigan niya pati mga kaklase ko.

"HAPPY BIRTHDAY!!" tapos sinabuyan nila si Kenn ng kung anong powder, basta yung ibat-ibang kulay. Napatakip na lang ako sa mukha dahil katabi ko nga si Kenn pati ako nadamay. Napaubo na lang ako sabay derecho sa upuan ko.

Tinignan ko ang damit at braso ko para akong naglaro sa putikan na colorful. Napasigh na lang ako kasi pumasok na si Ma'am. Mamaya ko na lang aayusin ang sarili ko. Si Kenn din umupo na sa tabi ko. Bigla kong naalala kung bakit may ganito kami,

"Birthday mo pala? Happy Birthday!" bati ko sa kanya pero di man lang niya ako nilingon

"Thank you" yan lang ang sabi niya habang nagpupunas siya sa mukha.

"Anong nangyari dito?" biglang tanong ni Ma'am

"BIRTHDAY PO NI KENN!" tapos nagkantahan na sila pati ako nakisali na din. Mayamaya ngumiti na din si Kenn tapos nag thank you siya sa mga classmates ko na nasa likod. Ngingiti din pala siya eh. Anong araw ngayon? February 11.

Nagsimula na ang klase pero may napansin akong wala. Kaya tumingin ako sa likuran, wala nga siya. Nasaan kaya iyon? Absent? Hmm.. Gustong gusto ko pa naman malaman na yung totoo. Kaso wala sya, bakit kaya? Kinuha ko sa bulsa ko yung phone. Tinago ko pa sa loob ng notebook ko yung phone para di mahalataan na nagtetext.

Pero di pa ako nakakabuo ng tatlong salita kinulbit na ako ng katabi ko.

"Text ka ng text mamaya na yan."

"Sandali lang.."

"Sino ba katext mo?"

"Si Zac" sabi ko kahit di naman talaga, itetext ko pa lang. Bigla namang sumigaw si Kenn.

"Ma'am! Si Serah po panay ang text!" kaya biglang naudlot yung discussion. Tumingin sa akin si Ma'am at lumapit. Napakagat na lang ako sa labi ng buklatin niya yung notebook ko at kunin yung cellphone ko.

"Confiscated. Pakuha mo sa parents mo sa office kung gusto mong makuha pa itong phone mo. Malinaw na malinaw sa handbook na Cellphones are not allowed inside the room. Alam nyo yan." tapos nag discuss na si Ma'am. Wala akong ganang makinig. Nanghihina ako.

Naiinis ako kay Kenn di naman kailangan isumbong pa ako kay Ma'am. Para siyang bata sa ginawa niya. May mali din naman ako, alam ko yun. Pero bakit kailangan pang paabutin kay Ma'am? Nakakainis lang. Hayy, ano na lang ang sasabihin ko kila Mama? Lagot talaga ako nito kapag nalaman ni Papa ito.

Dumaan ang maraming oras at malapit ng mag-uwian. Gustong gusto ko ng mag-uwian. Hanggang ngayon di pa rin kami nagpapansinan ni Kenn. Bahala siya.. Kahit birthday niya ngayon di naman ata tama yun,

Nung time na, naisipan kong pumunta sa Journalism Club. Pagpunta ko doon ako lang ang tao.. Busy siguro sila Hannah. Nagsagot lang ako ng mga letters doon siguro nakakalima na ako ng biglang pumasok sila Hannah.

"Ate!" napatayo ako at nginitian sila

"Kanina ka pa?" -Carla

"Oo, wala naman kasi akong ginagawa eh"

"Ah, napadaan lang kami dito. Aalis din kami kasi kukunin na namin sa tahian yung pinagawa naming dresses" -Hannah

"Wow" sabi ko na lang

"Aattend ka ba sa Prom?" -Irish

"Hindi eh.."sagot ko

"Sayang naman..sige alis na kami" tapos nagbeso beso sila sa akin. Pagkaalis nila, napaisip na naman ako. Bakit laging sayang? Ang natatanggap ko tuwing sinasabi ko na hindi ako aattend?

Dahil mag aalas singko na umalis na ako doon. Palabas na ako ng gate ng may humawak sa balikat ko. Paglingon ko doon nakita ko si Kenn.

"Bakit?" tanong ko

"Sorry.." tapos inabot niya sa akin yung phone ko. Paano?

"P-Paano mo nakuha ito?"

"Basta, sorry.." tapos tinap na lang niya yung balikat ko. "-punta ka sa amin may konting handaan."

"Sige, papaalam lang ako kay Mama"

Nagtext ako kay Mama kung pwede ba akong pumunta kila Kenn. Mga ilang minuto din kaming nakatayo ni Kenn bago mag reply si Mama. Grabe nga eh, ang haba ng text ko. 'K' lang ang reply niya.

Sumakay kami sa tricycle papunta sa kanila. Pagdating namin doon, nagulat ako dahil buong IV- Turquoise nandoon. Nagtilian pa ang mga classmate ko pagkarating ni Kenn sabay hagis na naman nung colorful na powder.

"Saan nyo ba nakukuha yan?!" sigaw ni Kenn sa mga kaibigan niya.

"Binili namin, naiinggit kami doon sa Fun Run ng Got to Believe eh"

"Ewan ko sa inyo.." tapos pumasok na si Kenn sa loob ng bahay nila. Umupo na lang ako katabi ng mga classmates ko.

Habang nakaupo ako, naguusap usap sila about sa Prom

"Uy saan tayo mag-aayos?"

"Anong color ng damit mo?"

"Sinong date nyo?"

Nakaramdam ako ng pagka OP habang nakaupo dito pero okay lang. Decision ko din naman iyon. Maya maya nagsipasukan na kami sa loob ng bahay nila. Nandoon kasi yung handa ni Kenn. Pagkapasok ko bigla kong nakita ang kuya ko at ate ni Kenn sa sofa. Nag-uusap silang dalawa.

Di muna ako kumuha ng pagkain instead umupo ako sa tabi nung dalawa.

"SERAH!" sigaw ni kuya.

"Nagulat ka no?" tanong ko

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya. Hinampas naman siya ni Ate Kate

"Natural, birthday ng kapatid ko. Kakain sya dito.." sabi ni Ate Kate.

"Ahh oo.. Uy wag mo akong isusumbong kay Mama na nandito. Ang alam noon nasa Maynila ako."

"Susumbong kita.." tapos tinalikuran ko na siya. Hahaha. Pagkapunta ko doon sa pagkain. Nakita ko si Kyle na paunti unting kumukuha ng cake sa tabi. Naalala ko noong New Year...

'Ako si Kyle ang sisira sa buhay mo!'

Ang kulit talaga niya, napansin ata ng Mama niya yung ginagawa ni Kyle kaya bigla na lang itong piningot tapos noon nagtatakbo na si Kyle. Natatawa ako habang kumukuha ng handa. Nasaan kaya si Kenn? Lumabas ako at nakita ko sya tawa ng tawa kasama sila Jerome.

Nakita ko si Bethina kaya nakitabi ako sa kanya kasama ang mga kaibigan niya.

"Serah!" sigaw nito. "-nasaan si Zac?" tanong niya. Nagkibit balikat lang ako.. Di ko alam kasi di ko siya natext kanina. Nasamsam kasi.. Itetext ko sana siya ngayon pero tinatamad na ako.

"Okay na daw kayo ah.."

"Paano mo nalaman?"

"Ano ba ang boyfriend ko?" bigla akong napa huh sa tanong niya. Ano?

"I mean, chismoso si Travis kaya madaling nakakalipad ang chismis sa akin." tapos nagtawanan sila, natawa na lang din ako. Si Travis talaga.

"Ano na status nyo?" biglang tanong sa akin ni Mariz.

"Ha?"

"Status: Single, Complicated or In A Relationship"

"Uhm.." di ko na makain itong kinuha kong food. Nahohot seat ako dito. Kailangan ba talaga noon? Status?

"Nililigawan ka ba ni Zac?" tanong ni Bethina

"Hindi" sagot ko kasi pinatigil ko na siya.

"Ang complicated niyo naman.. Mukha kayong nag d-date tapos di ka pala niya nililigawan. Teka, kayo na ba?"

"Hindi" sagot ko

"Complicated nga!" sigaw nila.. Ngumiti na lang ako habang inuubos ko itong food ko. Gusto ko ng umuwi.. Magb-bake na lang ako ng cookies. Nakakahiya wala akong gift kay Kenn. Nung natapos na ako pumasok lang ako sa loob ng bahay para ilapag yung food at para magpaalam na aalis na ako.

Bago ako umalis, kinausap ko muna si Kenn sa labas ng bahay nila

"Aalis na ako.." sabi ko

"Hahatid na kita"

"Loko ka, may bisita ka dito. Pati wag na.. Happy Birthday pala ulit. Bukas na lang regalo mo." tapos ngumiti siya sa akin. Ito yun eh.. Kakaiba.

"Sige, mag-ingat ka" tapos tinap lang niya ako sa balikat bago ako umalis. Sumakay na ako sa jeep, mabuti naman at umalis din ito.

Nung nakababa na ako sa jeep. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo ako ng mabilis papunta sa amin. Bakit ba kasi hindi ako mahilig magdala ng payong? Ito tuloy ang nangyari.,

Wala na, pagkadating ko sa bahay. Basang basa na ako.

"Anak!" sigaw ni Mama.

"Magbihis ka na baka magkasakit ka.. Bakit ba kasi hindi ka nagdadala ng payong?!"

- - -

Panay ang pray ko kay Lord na sana gumaling na ako. Kasi kinabukasan after ng mabasa ako ng ulan. Inapoy ako ng lagnat hindi ako nakapasok at hindi ko na rin napaggawa ng cookies si Kenn. Pangatlong araw na ngayon at thank God, sinat na lang.

Pumasok si Mama sa kwarto ko at chineck ang noo ko.

"Mama, Happy Valentine's Day" kahit may sakit ako kahapon, kinaya ko pa rin gumawa ng card. Alam kong luma na ang style na ito pero sa akin ito para ang pinaka sweet. Kinuha ko sa ilalim ng unan ko yung card at inabot kay Mama.

"Thank you anak" tapos kiniss niya ako sa noo. "-magluluto lang ako ng tanghalian natin" tapos umalis na si Mama.

Kumain lang ako ng tanghalian tapos umakyat na din ako sa kwarto. Nag advance studies lang ako doon sa mga subjects na hindi ko napasukan nitong nakaraang araw. Tapos nakaramdam na naman ako ng pagkahilo kaya natulog ulit ako.

Nagising ako alas singko na. Okay na ang pakiramdam ko, hindi na ako mainit, hindi na ako nahihilo kaya nagdasal agad ako kay Lord. Naligo ako sa maligamgam na tubig tapos bumaba na ako ang suot ko ngayon ay t-shirt at pajama.

"Ma, may ingredients pa ba tayo ng cake?"

"Oo" sagot ni Mama

"Magb-bake po ako para kila Papa at Kuya"

"Okay ka na ba talaga?" tanong ni Mama

"Oo naman po.."

Nagsimula na akong mag mix ng mga ingredients, nung matapos na ako nilagay ko na ito sa oven. Mayamaya may kumatok sa pintuan namin.

"Ako na.."sabi ni Mama. Baka si Papa at Kuya lang yan. Nakaupo ako dito sa harapan ng oven at tinititigan ito ng sumigaw si Mama

"Ahhh! Ang sweet mo naman.. Pasok ka." hindi ko na lang pinansin, baka si kuya lang yun. Tinititigan ko yung cake na nasa oven at nag-iisip ako kung anong s-style ko mamaya.

"Serah, may bisita ka" lumingon ako kay Mama at nagulat ako ng may hawak syang bouquet. As in 12 roses..

"Kanino po galing yan?" ngumiti lang siya tapos tumuro siya sa may sala namin. Pumunta ako doon at di ko ineexpect ang taong nandito sa amin.

"Zac?" lumapit ako sa kanya tapos inabot niya sa akin yung malaking paper bag na blue magic.

"Para saan ito?"

"Happy Valentine's Day"

"Thank you.." napakamot ako sa ulo ko. Wala akong naibigay sa kanya.. Nakakahiya.

Tapos si Mama naman lumapit sa amin.

"Zac, mabuti pumunta ka dito. Aalis kasi ako, kasi yung Papa ni Serah. Gustong magkita kami sa ano.."

"Ah okay lang po.. Enjoy po kayo sa date nyo. Ako na po bahala kay Serah" bigla akong napatingin kay Zac. Tapos nakangiti siya kay Mama.

"Salamat Zac ha.." tapos tumakbo na si Mama sa kwarto nila. Natawa na lang kaming dalawa ni Zac. Makikipag date pala si Mama kay Papa... Oohh.

"Serah, may pagkain na dyan. Kumain na lang kayo ni Zac pag gutom na kayo. Uuwi din ang kuya mo mamaya. Wag kang mag-alala" tapos umalis na si Mama. Kami ni Zac naiwang nakaupo dito sa sofa. Bigla kong naalala na Prom pala namin ngayon.

"Uy, bakit wala ka sa Prom? Malapit ng mag 6:30 oh.." pero hindi pa nakakasagot si Zac ay tumakbo na ako sa may kusina. May naamoy na kasi akong mabango at kinuha ko na iyon. Tuwang tuwa akong nilapag ito sa lamesa. Tapos dinesignan ko na ito..

"Wow" lumapit si Zac sa akin at tinignan yung ginagawa ko.

"Pwedeng picturan?" tanong niya tapos nag nod lang ako. Nilabas niya yung phone niya at kinuhanan ito ng picture. Naisip ko siguro ipaggagawa ko na lang ulit ng bago sila Papa at Kuya.

"Gusto mo yung cake?"

"Oo naman.." sagot nya

"Sa'yo na yan.."

"Talaga?!" natawa ako sa reaksyon niya parang bata na hindi makapaniwala.

"Oo.." pero pingilan ko yung kamay niya kasi hahawakan na nya yung cake. I mean titikman nya yung icing.

"Mamaya na.. Palamigin mo muna. Bakit hindi ka umattend sa prom?" tanong ko.

"Sinong lalaki ang aattend doon kung wala naman yung taong gusto mong nandoon?" nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko pagkatapos nyang sabihin iyon. Kasi derecho nyang sinabi sa akin iyon.

"May sakit ka pa ba? Namumula ka" tapos bigla niyang hinawakan ang noo ko. Nagkatinginan lang kami. Tinabig ko yung kamay niya at lumakad palayo.

"Magaling na ako." tapos umupo na ako sa sofa. Binuksan ko yung paper bag. I swear gusto kong sumigaw nung makita ko yung laman noon pero nandito sya nakakahiya. Kasi iyon yung teddy bear na lagi kong tinitignan kapag napapadaan ako sa Blue Magic. Kinuha ko iyon at hinug. Ang cute grabe.. Kalahati sya ng katawan ko.

"Zarah ang name nya.." umupo sa tabi ko si Zac. Pero may napansin akong bookmark sa gilid nung teddy bear.

"Paula ang name nya eh.." nakalagay doon tapos biglang pinunit ni Zac yung bookmark.

"Zarah na name nya.."

"Oo na.." nakayapos lang ako kay Zarah habang nag d-day dream.

"Alam mo, ang lungkot ko nung absent ka. Hindi na nga ako pumasok nung Monday tapos nung pumasok naman ako wala ka naman. Sana di na lang ako pumasok. Ito pala yung mga notes na namiss mo" bigla nya sa akin inabot yung notebook niya. Binitawan ko na muna si Zarah at kinuha iyon.

"Thank you ha?"binuklat ko na yung notebook. Ang ganda nyang magsulat, mas maganda pa sa akin.

"Anything for you" tapos bigla niya akong inakbayan. Hanggang sa pinasandal niya ako sa balikat nya.

"Ano pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko. Naramdaman kong lalo pa nya akong sinandal sa sarili niya tapos hinalikan nya yung ulo ko.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo.." narinig kong nagbuntong hiningan siya. Di ko alam pero kinabahan ako.

"After Graduation, aalis na kami dito. My Dad wants us na sumama sa kanya sa Dubai. Hindi kami makahindi, kasi hindi basta basta ang pagmigrate doon. Kaya ang swerte namin kasi nagkaroon kami ng chance."

Ito pala yun.. Aalis siya. P-paano na kami? Ayy, wala..

"Paano na tayo?" bigla akong napatingin sa kanya. Naririnig ba nya ang sinasabi ng utak ko? "-I heard you" bigla kong kinuha si Zarah at nagtago doon. Nakakahiya! Hanggang ngayon nalulungkot pa din ako.

"Serah" hinawakan niya yung braso ko pero nakayakap ako kay Zarah at tinatago ko ang mukha ko doon.

"I want to court you, gusto kong maging tayo pero hindi ko magawa kasi aalis ako. Ayaw kong matali ka sa akin. Maraming pwedeng mangyari pagkaalis ko at gusto ko malaya ka sa gusto mong gawin. Kaya hanggang ngayon ganito lang tayo. I know complicated pero this is the best for us."

Bigla na lang tumulo ang luha ko sa kanya na nagmula. Hanggang dito na lang kami.. M.U is the right word. Walang kasiguraduhan. Mutual Understanding, malabong usapan.

"Kaya nung nagalit ka sa akin at nung absent ka I was so lonely. Ayaw ko na lumilipas ang araw na hindi ka nakakasama. I want to cherish every second, minute, hour and day with you. Para sa huli wala akong pagsisihan. Ayaw kong umalis dito, don't worry magmamakaawa ulit ako kay Dad" hinigit niya sa akin si Zarah at niyakap niya ako ng napakahigpit.

Umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Bakit ngayon lang niya sinabi?

"Umalis ka, ayaw kong maging selfish. Family mo yun Zac, mas importante sila compare sa akin kaya sumama ka. Babalik ka ba? Sabi naman nila kung kayo, kayo talaga. Pero di ko mapapangakong mahihintay kita."

Hinaplos nya yung buhok at niyakap ng mas mahigpit then I heard him sobbing.

"We'll be permanent there" nilayo niya ako sa kanya at hinalikan ng paulit ulit ang noo ko.

"Please Serah, tell me na wag akong umalis. Then I'll do it no matter what it takes."

Ayaw kong umalis siya pero alam kong ito ang the best para sa kanya. Kahit nahihirapan akong sabihin muli ito..

"U-Umalis ka.." bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Tumulo ang luha ko after nyang gawin iyon. Lumayo siya sa akin tapos hinalikan naman ang bawat parte ng mukha ko habang ako ay umiiyak.

"Don't do this to me, Zac" pero panay lang ang halik niya sa akin.

"Mamimiss kita.."

"I love you" bigla kong nasabi. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinabi pero hindi ako nagsisisi. Napatigil siya at tinignan lang ako. Hinawakan niya yung ulo ko at nilapit ang mukha niya sa akin. Ito ang first time na kiniss nya ako ng ganito. Napahawak na lang ako sa balikat nya hanggang sa nawawalan na ako ng balance kaya pinulupot ko ang braso ko sa leeg nya. Hindi na ako makahinga.

Lumayo ako sa kanya

"I love you more Serah" tapos kiniss na lang niya ulit ako sa noo.

"Kainin na natin yung cake"

"Sige" bago kami pumunta doon pinunasan nya muna ang luha ko.

"Let's cherish every moment that we're together" I slightly smile.

Pero bago kami makarating doon huminto si Zac at nilahad ang kamay niya sa akin.

"Can I have this dance?' kinuha ko yung kamay niya kahit walang tugtog. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat nya habang hawak naman nya ang bewang ko.

We swayed, then I heard him singing.

"Lying here with you, listening to the rain. Smiling just to see the smile upon your face.

These are the moments that I thank God I'm alive

These are the moments I'll remember all my life

I found all I've waited for and I could not ask for more"

Niyakap niya ako ng tuluyan and I did the same. Ang galing nyang kumanta, ang ganda pa ng boses. I'm lucky sa dami dami ng babaeng pwede nyang magustuhan, ako pa. Maybe meeting him doon sa madilim na eskinita is not bad after all. I woudn't feel this feeling kung hindi niya ako niligtas at sinungitan doon.

"Looking in your eyes seeing all I need

Everything you are is everything to me

These are the moments that I know heaven must exist

These are the moments I know all i need is this

I have all I've waited for and I could not ask for more"

"I could not ask for more than this time together

I could not ask for more than this time with you

Every prayer has been asnwered, Every dream have's come true

And right here in this moment is right where I'm meant to be

Here with you here with me"

Sana di na matapos ang oras na ito. Pero kahit ano mangyari sa aming dalawa. I always thank God na binigay niya ito at wala na akong mahihiling pa and I surrender to God kung ano man ang mangyayari sa aming dalawa. All I know right now is I love Zac.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 236 20
Name. Address. Occupation. Location. Give it and I'm yours Never met you but I'm interested in what you do. Give me your name, age, occupation and lo...
13.5K 407 65
|COMPLETED| From love at first sight to love that will last forever. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. It works in mysterious ways. Someti...
31.9K 601 10
Merichelle Tang, Isang eleganteng babae na nagkagusto kay Princeton Leighton Yang, CEO ng isang music company. Perpekto na ang lahat ngunit isang sik...
103K 2K 51
I really hate richkid. They call me the dumbiest girl they've known because dumping handsome rich creature. Kaya nabuo itong motto ko na sobrang pin...