Wife For Hire

By LadyCode

3.1M 71.5K 6.1K

Jaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter
Book Cover

Chapter 37

65.7K 1.4K 85
By LadyCode

A/N: Reina's gown. Credits to google. Haha.

Reina

Napatingin ako sa entrance ng hall nang pumalakpak ang mga tao. Dumating na pala si Jaxon at nakasuot ito ng black tuxedo at puting longsleeves at pulang neck tie. Ngumiti siya sa mga tao at nilibot niya ang paningin niya hanggang sa tumigil ang tingin niya sakin. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita niya ako.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sakin at nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Tumayo ako ng malapit na siya para salubungin siya. Agad ko siyang niyakap nang makalapit siya sakin at humalik naman siya sa ulo ko.

"I'm sorry. Nagkaroon ng emergency operation kanina." malumanay na sabi nito

"Namiss kita." nakangusong sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya

Tumawa naman siya at nilayo ang katawan ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang walang pasubali niya akong hinalikan sa labi. Ginaya niya ako paharap kila mommy at binati niya ang mga tao sa mesa.

"Alalang alala ang asawa mo sa'yo kanina. Sana naman nagtext ka o tumawag." nakaismid na sabi sa kanya ni mommy

"Akala ko hindi ka na sisipot. Muntik na kitang itakwil bilang apo." ismid din sa kanya ni Lolo Fred

"Nagkaroon lang ng emergency at kakatapos lang ng operation namin noong sinagot ko ang tawag ng asawa ko. I rushed through here nang sabihin niyang iiwan niya ako and I even used the medical air ambulance para makarating dito on time." natatawang sabi ni Jaxon

"Kawawa ka naman pala, hijo. Siguradong pagod ka." malumanay na sabi ni nanay

"Nako Penelope, hayaan mo ang lalaking iyan. Wag kang maawa dyan. Pinag-alala niya tayong lahat." inis na sabi pa rin ni mommy

"Bakit pala hindi ko matawagan si Ethel?" baling ko kay Jaxon nang maalala ko iyon

"Oh. Nag-half day siya kanina dahil may mountain climbing daw sila bukas at aalis sila kaninang hapon." kibit-balikat na sagot nito

Kaya pala hindi ko macontact si Ethel. Naupo na kami nang sabihin samin ng organizer na mag-uumpisa na ang party. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Jaxon sa nanlalamig na kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"You look stunning as always." malambing na sabi niya at hinalikan ang likod ng palad ko na ikinapula ng pisngi ko

"Salamat." nakangiting sabi ko

"Nilalamig ka ba? Ang lamig ng kamay mo." nag-aalalang tanong nito

"Ayos lang ako. Kinakabahan lang." mahinang sabi ko

"Kinakabahan saan?" takang tanong nito

Hindi ko sinagot ang tanong niya at ngumiti lang ako. Tumingin na ako sa harap dahil nag-i-speech si daddy. Tumutugtog ang malamyos na musika sa buong hall at nakakaantok iyon para sakin. Napahikab tuloy ako pero nilabanan ko ang antok dahil kakaumpisa palang ng party.

Nag-serve na sila ng appetizer at agad ko iyong kinain para naman mawala ang antok ko. Sumunod naman ang main course nang maubos ang appetizer at nagsisimula na akong manlamig ulit dahil malapit na namin simulan ang surprise namin. Tinawag nila si mommy sa stage nang matapos ang main course para magbigay ng speech.

Nakangiti siyang umakyat sa stage habang inaalalayan siya ni daddy. Ngiting ngiti siya at halatang excited.

"Good evening everyone! I'm really excited for this party. I can't wait for the main part of this party. Jaxon, anak, ang tanda mo na. Hahaha. May pamilya ka na at lalaki pa ang pamilya mo. I know I'm not a perfect mother. May pagkukulang ako sa'yo at lalong lalo na sa Kuya mo but you accepted my imperfections and forgave my sins." madamdaming sabi ni mommy at nagpunas ng luha

Humigpit ang kapit ni Jaxon sa kamay ko at pinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. Hindi man niya sabihin pero alam ko na mama's boy siya. Ramdam ko iyon.

Napaiyak na ako at pilit kong pinipigilan ang luha ko dahil ayokong masira ang make up ko. Pupunta pa ako sa stage mamaya eh.

"Habang nabubuhay ako, babawi ako sa mga pagkukulang ko sa'yo. I was mad at first because you didn't marry the woman I want you to marry. Noong una, nagtataka ako kung bakit si Reina ang pinakasalan mo at nagtataka ako kung anong nakita mo sa kanya. Hindi ko siya gusto unang-una palang pero naalala ko ang nangyari sa Kuya mo. I decided to know her more dahil ayokong maulit ang nangyari noon at mawalan ulit ako ng anak. Then I just realized that you found a treasure. You found Reina." lumuluhang sabi ni mommy

Napahikbi na ako dahil sa sinabi ni mommy at naramdaman ko rin ang balikat ko na unti-unting nababasa. Mahinang natawa si Jaxon at pilit pinupunasan ang mata niya at balikat kong basa.

"Reina, I am so thankful that my son found you. You are the total opposite of the woman I want my son to marry but I know you are perfect for my son. Salamat sa lahat, Reina. I am so happy nang malaman ko ang magandang balita. You know what I mean. That's all. Thank you." nakangiting sabi ni mommy

Ngumiti na rin ako at nakipalakpak sa mga tao. Nginitian ko rin si Jaxon na nakangiting nakatitig sakin habang namumula ang mata. Nagpatuloy pa ang party at pumailanlang ang kantang I Love The Way You Love Me. Isa-isang nagpunta sa dance floor ang mga couples.

I like the feel of your name on my lips

And I like the sound of your sweet gentle kiss

The way that your fingers run through my hair

And how your scent lingers even when you're not there

And I like the way your eyes dance when you laugh

And how you enjoy your two-hour bath

And how you've convinced me to dance in the rain

With everyone watching like we were insane

"May I have this dance?" nakangiting tanong sakin ni Jaxon at nilahad ang kamay niya

Malugod kong tinanggap ang kamay niya at nagtungo kami sa dance floor. Humawak siya sa bewang ko at pinlibot ko naman ang mga braso ko sa batok niya.

But I love the way you love me

Strong and wild, slow and easy

Heart and soul so completely

I love the way you love me

"Happy birthday...." malambing na saad ko

"Akala ko hindi mo na ako babatiin." natatawang sabi nito

And I like the sound of old R 'n' B

And you roll your eyes when I'm slightly off key

And I like the innocent way that you cry

At sappy old movies you've seen thousands of times

Natawa rin ako sa sinabi niya dahil nakalimutan ko talaga siyang batiin kaninang umaga. Abala ako sa pag-iisip ng surprise namin ni mommy at punong-puno ng kaba ang dibdib ko.

"But I love the way you love me. Strong and wild, slow and easy. Heart and soul so completely. I love the way you love me." pagsabay ko sa kanta habang nakayakap sa kanya

(Listen to me now..)

And I could list a million things

I love to like about you

But they could all come down to one reason

I could never live without you..

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit nang maramdaman ko ang paghapdi ng mata ko dahil sa pinipigil kong luha. I am so happy. This is such a blessing for me. Hindi man ako lumaki sa marangyang pamilya, lumaki naman ako na mayaman sa pagmamahal.

Pakiramdam ko lahat ng paghihirap ko noon ay nabayaran dahil dumating si Jaxon at Devon sa buhay ko at madadagdagan pa kami. Totoo nga ang sabi ni nanay sakin dati, good things come to those who wait.

But I love the way you love me

Strong and wild, slow and easy

Heart and soul so completely

I love the way you love me

Bumalik na kami ni Jaxon sa mesa namin nang matapos ang kanta at saktong pag-upo namin ay tumabi sakin ang organizer at bumulong.

"Ma'am, everything is all settled." imporma nito

"Thank you." sabi ko rito

Nanlalamig ulit ang kamay ko dahil sa sinabi niya. I can do this. Pinaghandaan namin ito at sisiguraduhin ko na aayon sa plano namin ni mommy ang lahat. Nakagat ko ang labi ko nang umakyat si mommy sa stage at binigay sa kanya ng emcee ang microphone.

"Ito na ang sandaling pinakahihintay natin, ang main part ng party na ito. Malamang ay hinihintay niyo na rin ang announcement namin ni Reina. Can you go up here Jaxon together with your wife? Please." nakangiting sabi ni mommy

Nagtatakang napatingin sakin si Jaxon pero hindi ko nalang iyon pinansin at tumayo na ako. Tumayo rin si Jaxon at tahimik na sinamahan ako sa stage. Binigay ni mommy sakin ang microphone nang makarating kami sa tabi niya.

Bumaba si mommy sa stage at bumalik sa table namin. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Jaxon at sinimulan ko na ang speech ko.

"I never thought that this day would come in my life. Before I met you, wala akong ibang nasa isip kundi ang magtrabaho para sa pamilya ko. Wala sa isip ko ang magpaligaw, mag-asawa o magkaroon ng boyfriend but you came. Naging mabilis ang mga pangyayari at natagpuan ko nalang ang sarili ko na ikinakasal sa'yo. Dati mag-isa lang akong natutulog at gumigising sa kama ko pero ngayon, kasama na kita. Hindi na mga magulang ko at mga kapatid ko ang dinadatnan ko sa bahay, kundi kayo ni Devon." madamdaming sabi ko

Nakapamulsa lang si Jaxon na nakatitig sakin at taimtim na nakikinig.

"Hindi maayos ang relasyon natin noong una at pareho tayong nahihirapan noong mga panahon na iyon. Pero kumapit ako sa paniniwala ko na mag-asawa tayo at lahat ng desisyon ko hindi lang ikaw ang maapektuhan dahil nandyan si Devon. Ang dami kong natutunan mula nang ikasal ako sa'yo. Lahat ng nangyari sa nakalipas na buwan, lahat iyon, hindi ko pinagsisihan." naiiyak na sabi ko sa kanya

Namumula na rin ang mata nito at napapailing siya minsan pero madalas ay napapatingala siya para pigilan ang luha niya.

"Mahal na mahal kita Jaxon at mas nadadagdagan ang pagmamahal ko sa'yo habang nagdadadaan ang panahon. You are the best thing happened to me. You gave me everything kaya gusto kong bumawi sa'yo. Gusto kitang bigyan ng magandang regalo ngayong kaarawan mo. Don't expect expensive gift from me tonight. My gift for you is beyond expensive, baby. At hindi iyon matutumbasan ng kahit anong kayamanan sa mundo." nakangiting sabi ko habang naglalandas ang luha sa mata ko

Pinunasan ko ang basang pisngi ko gamit ang tissue na inabot samin ng emcee. Gusto ko ng dambahin ng yakap si Jaxon nang makita kong umiiyak din ito at nagpupunas ng luha. Damn. I love him so much.

"Here. This is my gift for you. Can you open it for me?" nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang parisukat na box

Nanginginig ang kamay nito habang inaabot iyon. Tinitigan niya ang box ng ilang sandali bago tumingin sakin.

"Open it, baby." malambing na utos ko sa kanya

Hindi na siya nagdalawang isip na tanggalin ang ribbon at pinunit din niya ang wrapper. Sandali siyang napatitig doon na parang nagtataka at napatingin ulit sakin ng nakakunot noo.

"Bro, show it to us!" sigaw ni Kuya Wes

Wala sa sariling hinarap iyon ni Jaxon sa mga tao at nakita ko kung paano sila nagtaka at magbulungan. Marahil nagtataka sila dahil isang pulang first aid box ang regalo ko. Binaba niya ang kamay niya at nagtatakang tinignan niya ako kaya natawa ako ng mahina.

"Open the box." natatawang sabi ko

Sinunod naman niya ang sinabi ko at napako siya sa kinatatayuan niya. May dinampot siyang parisukat sa loob, iyong pregnancy test ko. Dinampot din niya ang sonogram pictures at tinitigan iyon.

That's the cue para magplay ang video sa harap ng stage. Nag-play ang video ng sonography ko at rinig sa buong hall ang heartbeat ng babies namin. Yes, sa tulong ni Dra. Reyes nagaw naming posible iyan. Napasinghap ang mga tao nang magplay ang video habang ako tahimik na umiiyak sa gilid at nakatitig sa nakaawang na bibig ni Jaxon habang nakatitig sa video.

Nakangiti akong umiiyak nang bumaling sakin si Jaxon na lumuluha din sa tuwa. Dahan-dahan siyang naglakad sakin at nakayuko niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Pinigilan ko ang hikbi ko nang makita ko ang pagyugyog ng balikat ni Jaxon.

Dumulas ang mga kamay nito na nasa balikat ko at napaluhod siya sa sahig. Tuluyan ng kumawala ang hikbi ko nang yakapin nito ang bewang ko at umiiyak na hinahalikan nito ang tiyan ko.

Pinunasan niya ang basang pisngi niya at ang mata niya bago siya tumayo at siniil ako ng halik. Dinantay niya ang noo niya sa noo ko habang nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko.

"I-I love you so much, baby. Oh god. This is the best birthday gift ever. I love you. You made me so happy, baby. Than you for making me happy. Thank you for giving me a child. Not one but two. God. This is the best birthday I ever had. I love you so much." madamdaming sabi niya at niyakap ako ng mahigpit

Nagpalakpakan ang mga guest na muntik ko ng makalimutan. Kinuha niya ang microphone nang humiwalay siya sakin at hinapit niya ako sa bewang. Humarap siya sa mga guests at pinasadahan niya ng tingin ang pamilya namin na nagpupunas din ng luha at may malaking ngiti sa labi.

"Thank you for this wonderful surprise. My wife is right, hindi matutumbasan ng kahit anong kayamanan sa mundo ang regalo niya. In case you don't understand what happened awhile ago, that first aid box contains pregnancy test and sonogram pictures of our twins. The video awhile ago is the sonography pictures, and yes, we're having twins." nakangiting pahayag nito

Nagpalakpakan ulit sila at narinig ko pang sumigaw ang isa sa mga lalaking pinsan niya at sinabing, '2-point shot!'

"I feel bad dahil hindi ko man lang napansin na buntis ang asawa ko. Nakikita ko ang gradual changes sa kanya pero hindi ko naisip na buntis siya. Mom, thank you for everything. Alam ko na kasama ka sa pagplano ng surprise na ito. That caught me off guard though. Nakita niyo tuloy kung gaano ako kaiyakin." natatawang sabi nito

Natawa din kami sa sinabi niya dahil hindi ko rin naman inasahan na ganun ang magiging reaksyon niya. Nagulat din ako na umiiyak siya kanina.

"Tell me, ako nalang ba ang walang ideya sa pagbubuntis ng asawa ko?" tanong nito habang nakatingin sa mesa kung saan nakaupo sila mommy

Tumango silang lahat kaya napailing si Jaxon.

"Pinagkaisahan niyo pala ako. That explains the big smiles on your faces few days ago. Hindi ko lubos maisip na naitago niyo ito sakin samantalang kasama ko sa iisang bubong ang asawa ko at katabi kong matulog." naiiling na sabi ni Jaxon

Natawa ako ulit sa sinabi niya. Lagi siyang pagod tuwing umuuwi siya at isa siguro iyon sa mga dahilan para hindi niya mapansin ang mga sintomas ng pagbubuntis ko. Magsasalita pa sana siya nang kumalabit samin mula sa likuran.

"Hindi niyo man lang ba ako iimbitahan sa party?" nakangising tanong ni Kelsey na nasa likuran namin

Namutla ako nang makita ko ang nakakatakot na ngisi sa labi nito. Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na may mga guards na pumasok sa hall. Nilagay ako ni Jaxon sa likuran niya para protektahan kay Kelsey. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok at kung bakit siya nandito.

"Pumunta ka kila mommy. Be careful at all cost." bulong ni Jaxon sakin kaya tumango ako ng dahan dahan

"Anong ginagawa mo dito, Kelsey?" matigas na tanong ni Jaxon

Nag-aalalang nakatingin sakin sila mommy habang lumalakad ako paatras. Agad akong napahinto sa paglakad nang bumunot ng baril si Kelsey at tinutok iyon kay Jaxon.

"Sige. Humakbang ka pa at ipuputok ko ito." nakangising sabi niya

Napakapit ako ng mahigpit sa likuran ni Jaxon dahil sa takot.

"Kelsey, ibaba mo ang baril!" utos sa kanya ni Jaxon

"Papatayin ko muna ang mang-aagaw na iyan! Inagaw ka niya sakin! Kung hindi ka lang din mapapasakin, papatayin nalang kita kasama siya!" histerikal na sabinito

"Nababaliw ka na!" sigaw ni Lolo Fred

Tinignan ko sila at nagmamakaawa ko silang tinignan na manahimik nalang dahil baka mas magalit pa si Kelsey at iputok ang baril.

"Please, Kelsey. Hindi ka mamamatay-tao." kalmadong sabi ni Jaxon

"Wala akong pakialam! Papatayin ko ang mang-aagaw na iyan! Papatayin kita! Mang-aagaw!" sigaw ni Kelsey at tinutok sakin ang baril

Namutla ako nang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril pero agad na lumapit si Jaxon at nakipag-agawan ng baril. Napasigaw kami nang pumutok ang baril at tumama iyon sa kisame ng hall.

"J-Jaxon!" nag-aalalang sigaw ko

"Umalis ka na, Reina! Run! RUN!" sigaw ni Jaxon

Umiling ako sa kanya dahil hindi ko siya kayang iwan. No. Not now. Please. Ayokong may mawala.

"I SAID RUN! RUN FOR YOURSELF AND FOR THE TWINS!" sigaw ulit nito habang nag-aagawan sila ng baril ni Kelsey

Humakbang ang paa ko pababa sa hagdan at tumatakbo nanaman palapit sa stage si Kuya Wes at tatay nang ligtas nilang mailabas ang mga guests na nagkakagulo. Kami nalang ang nasa loob kaya napasulyap ako ulit kay Jaxon at Kelsey bago ako humakbang pababa ng hagdan.

"Hindi ka makakatakas, bitch!" sigaw ulit ni Kelsey habang nakikipag-agawan pa rin ng baril

"Shoot her! Now!" maawtoridad na sigaw ni Enrique na nasa loob din pala at may kasamang mga nakaitim na lalaki

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan sa sinabi niya.

"No! NO!" sigaw ko

No! He can't just order them to shoot her! Baka matamaan si Jaxon. Tumingin sakin si Jaxon at nagmamakaawa ang mga tingin nito. Tumingin ako sa kay Kuya Wes at tatay na pinipigilan nilang makalapit sa stage.

"Fuck! Run baby!" sigaw ni Jaxon nang nagsimulang magpaputok ang tauhan ni Enrique pero hindi nila natatamaan si Kelsey o si Jaxon

"STOP ENRIQUE! STOP THEM!" umiiyak na sigaw ko

Tumigil naman sa pagpapaputok ang mga tauhan niya. Hindi na ako sumulyap kila Jaxon dahil nagmamadali akong bumaba sa hagdan at nahihirapan akong bumaba dahil mahaba ang gown ko.

"REINA!" sigaw ulit ni Jaxon

Kasunod ng sigaw niya ay ang pagtulak sakin ng kung sino at ang pagbagsak ng katawan ko. Then I heard a loud bang.

-----

Jaxon

"REINA!" I shouted when Kelsey ran towards her

Pilit inabot ni Kelsey si Reina para itulak kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Naalala ko ang baril na naagaw ko kay Kelsey at walang pagdadalawang isip na ikinasa ko ito at kinalabit ang gatilyo. Mabilis na nabitawan ko ang baril nang makita ko ang asawa ko na nasa nakahiga sa sahig.

Kelsey is lying beside her with a gunshot on her right shoulder. Nagmadali akong bumaba at maingat na nilayo ang asawa ko sa kanya. Agad na lumapit ang mga pulis na as usual ay late nanaman sa eksena. Lumapit din sila Wes, tatay at si Enrique.

"Hey baby..." tawag ko kay Reina na nakahiga sa bisig ko

"H-H-Hospital... P-Please..... T-The b-babies.... H-H-Hospital..." utal na sabi niya habang lumuluha at doon ko nakita ang namumutlang mukha nito

"D-Don't close your eyes, baby. Don't. Please." nagmamakaawang sabi ko sa kanya habang tumatakbo ako palabas

Importante ang madala ko siya sa hospital ng may malay. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay. No. Baby please.

"J-Jaxon!" sigaw nila mommy nang makita ako pero nilampasan ko sila at nilapitan si Rocco

"Call my pilot! Hurry up!" sigaw ko sa kanya

Agad naman siyang tumalima kaya tumakbo na ako sa elevator at sumunod naman sila mommy. Pinindot nila ang rooftop habang busy ako sa pagkausap kay Reina para hindi siya matulog.

"D-Don't close your eyes, baby. Just don't, okay? Everything will be alright. I-I promise." naiiyak na sabi ko rito at hinalikan siya sa noo

Mahina siyang tumango sakin at alam ko na pinipilit niya ang sarili niya na wag mawalan ng malay. Nararamdaman ko ang pagkabasa ng bandang ibaba ng damit niya at alam ko kung ano iyon. Iniisip ko palang na mawawala ang mga anak ko sa sinapupunan niya ay nanghihina na ang tuhod ko.

Mabilis kaming lumabas ng elevator at tinakbo ang rooftop. Mabuti nalang pala at itong medical air ambulance ang ginamit ko papunta rito at nanatili sa hotel ang piloto dahil inimbitahan ko siya sa party ko. Piloto lang ang nasa loob dahil kami lang ang nagpunta dito. Hiniga ko siya sa stretcher doon at nilagay ang oxygen sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinalikan iyon. Hindi ko napigilan ang luha ko nang makita ko ang dugo sa puting polo ko. I am doctor and I will save them. I will save my family. This is the reason why I became a doctor. I want to save lives. Ilang buhay na ang nasagip ko kaya hindi ako papayag na hindi ko masagip ang buhay ng mga anak ko.

"I-It's not your fault." mahinang sabi ni Reina habang hinahaplos ang mukha ko

"Hold on, baby. Malapit na tayo." garalgal ang boses na sabi ko sa kanya

Sinalubong kami ng mga nurse nang lumapag ang air ambulance at agad na tinungo namin ang emergency room. Napamura ako nang sumakay nanaman kami sa elevator. Sa susunod ay magpapagawa na ako ng emergency room sa taas para hindi na mahirapan ang pasyenteng sakay ng air ambulance. Damn. That's not my top priority!

"Kami na ang bahala, Doc." sabi ni Dra. Mayores sakin

Tumango ako sa kanya at nanghihinang napaupo sa upuan. Hindi ko magawang tignan kung sino ang mga kasama ko ngayon dito sa hospital dahil walang ni isang nagsasalita sa amin. Napatingin ako kay mommy nang hawakan nito ang kamay ko at pinisil.

"Everything will be alright, anak. Kakayanin iyon ni Reina. Kinaya niya ngang hindi matulog kanina diba? She will fight for the unborn babies inside her womb." pagpapakalma sakin ni mommy

Hindi na ako umangal nang yakapin ako ni mommy ng mahigpit. Hindi ko na rin pinigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ilang taon na ako dito sa hospital na ito at dugo't pawis ko ang ouhunan ko rito. Ilang beses na akong nakakita ng pamilya na nag-iiyakan sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.

Saksi ang hospital na ito kung paano ako umiyak at malungkot tuwing may pasyente akong namamatay at wala akong nagawa pero ayokong maging saksi ang hospital na ito sa pag-iyak ko dahil sa pagkawala ng mga anak ko. Mahirap para sa aming mga doktor ang makita ang pasyente naming mawalan ng buhay pero mas mahirap para sa amin na makita ang minamahal namin sa buhay na naghihirap at wala kaming magawa.

Masakit para samin na nakakasagip kami ng ibang mga buhay pero hindi namin masagip ang buhay ng taong mahal namin. May emergency operation kami kanina kaya hindi ako nakaalis agad sa hotel. Sinabi ko na kakatapos lang ng operasyon namin pero nagsinungaling ako dahil halos isang oras ng tapos ang operasyon na ginawa namin.

The things is, hindi naging successful ang operation dahil binawian ng buhay ang inooperahan namin. I don't want to go to my birthday party knowing that someone's life was taken away in front of my eyes. Pero ayokong biguin si Reina and then that scene awhile ago. I just pulled the trigger and shot someone using my hands, these hands that I use to save many lives.

It is so fucking hard to be a doctor. It was so damn hard to save lives and to see someone die!

Continue Reading

You'll Also Like

12.7M 181K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
1.6M 30.1K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
94.1M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
4M 110K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...