Come Back To Me (GirlxGirl)

By ArtCastelo_

478K 6.8K 1.1K

How do you let go of someone who is thoroughly woven through your soul? More

Come Back To Me (GirlxGirl)
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
IT ENDS HERE
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

4

16.1K 206 16
By ArtCastelo_

4

-------

ART's POV

Halos 12 midnight na nang marating ko ang bahay ni Zoey. Parang nawala ang hilo, pagod at badtrip ko nang makita kong okay si Chief at okay ang naging buhay nila sa pag-alis ni Sha papuntang abroad.

It gave me a feeling of comfort and contentment knowing na okay na okay ang naging resulta ng desisyon naming umalis ng bansa at magtrabaho.

{I'm home.}

Tinext ko agad si Zoey to let her know na nasa bahay na ako. Baka kasi mag-alala siya dahil nang huli kaming mag-usap, sinabi kong mag-isa akong umiinom sa wine bar malapit sa unit niya.

Hindi ko na nahintay ang reply niya dahil antok na antok na antok na ako at di namalayan na nakatulog na pala. Dala na rin siguro ng pagod sa byahe at sa nainom.

Nagising ako bandang 4am dahil may tumatawag.

"Huh? Landline?"

Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

{Hello?}

{Art! Si Chief ito. Hihintayin ka namin mamaya dito sa bahay ha. Darating ang mga bata at si Mama Ne. Mga alas-dose ha?}

{Po?}

Para akong nabigla sa sinabi ni Chief. Halos di na ako nakasagot dahil wala naman akong chance na mag-oo o mag-hindi.

{Mamamalengke na kami ng Tita Yolly mo ha. Paalis na kami ngayon. Basta hihintayin ka namin mamaya.}

{O-okay po Chief.}

Patay na. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Bahala na kung anong isipin ni Sha. Tutal hindi naman siya ang pinunta ko dun sa bahay nila kundi sila Chief, si Tita at ang mga bata.

{Osige ha. Pasensya na sa abala. Hihintayin ka namin mamaya Art. Byebye!}

Napangiti ako kasi tamang-tama pala at dala ko sa bagahe ko ang mga pasalubong ko sa kanila at sa mga bata. Ewan ko ba pero parang alam kong one day magkikita-kita kami.

Excited akong bumangon kahit madaling-araw pa lang. Iaayos ko na ang mga regalo ko sa kanila.

May mga dala akong damit para kina Chief, Tita at Mama Ne. At mga laruan at chocolates naman para sa mga bata. May dalawang barbie din ako na binili para kay Angela. At dahil malaki na si Alexa, ibinili ko siya ng bag at shoes.

"Sana kasya sa kanila ito."

Halos six years na rin kasi nang huli kaming magkita sa Taguig. Seven years old pa lang noon si Alexa at two years old naman si Angela.

Halos umaga na ng matapos ako sa ginagawa ko. Mamaya darating na rin si Zoey. Naisipan kong magluto para naman makapagsabay kaming kumain.

Nagluto ako ng pancake at bacon and egg muffin. Wala naman kasi akong alam iluto kundi yun.

"Beb! I'm home!"

Kasalukuyan akong nagbrew ng coffee ng dumating si Zoey. Halatang pagod na pagod at puyat. Pero syempre naka-makeup pa rin siya. Hehe.

"Hi. Let's eat?"

Halos manlaki ang mga mata niya sa makita nyang niluto ko.

"Wow beb! Buti nagluto ka! I'm hungry as dog grabe."

Nginitian ko siya at inabutan ng kape.

"Here. Have a sip."

Tiningnan nya ako as I sat down in front of her.

"Where's Art?"

I gave her an awe look.

"Where's Art?"

"Nagpapatawa ka ba Zoey? I am here."

Humigop sya ng kape at kumuha ng pancake.

"No. You're not Art anymore."

Hindi ko siya tinitingnan. Alam kong pagod siya at ayokong makipagtalo ngayon dahil good mood ako.

"I saw them yesterday sa Conti's."

Napatigil si Zoey sa pagkain niya at tiningnan ako mata sa mata.

"A-are you okay?"

I nodded my head in affirmation.

"Nakita ka nila?"

"Uh-huh. Invited me over coffee too."

"What??? Pumayag ka?!"

"I can't refuse. Naupo na lang sila agad sa table ko. And I am not that rude to tell them I don't like to have coffee with them."

"Goodness gracious! Yan na yata ang pinakamahabang line na naisagot mo sa akin since yesterday beb. Anyways, how did you see each other? I mean, by accident? Where?"

"Remember nung tumawag ka kahapon habang nagkakape ako with 'longtime friends?' Sila ang kasama ko nun."

Natawa siya sa sinabi ko. As in tawa siya ng tawa.

"Taste of bitterness, huh?"

Tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng kape.

"I have never been bitter about them. Ever. You know that."

"Hahaha. Chill beb! In fairness ang sarap ng muffin ha."

"I will borrow your car today ha."

"Where are you going?"

I gave her a grin, an evil grin.

"Manchichix."

Halos mamula ang mukha niya sa inis. Alam na alam kong ayaw niyang nagpapaka-presko ako ng dating kasi naiinis siya at hindi ko raw bagay.

"No. I won't lend you my car."

"I won't return your keys."

At sabay itinaas ko ang keyholder nya kung saan nandun lahat ng susi ng cabinets, ng unit at ng makeup kit nya.

"Okay. You win. Now give me my keys, you intruder!"

Nginitian ko lang siya pagkatapos ay nirefill ko ang coffee cup niya.

"You should try my coffee."

"I don't like DARK and BITTER coffee beb."

"Whatever Zoey. Just try this."

"Okay. Pero isang higop lang."

Humigop siya at medyo nag-iba ang timpla ng mukha niya. Mukhang napaitan masyado.

"Ano ba ito? Masyadong mapait! Nakakagising ang lasa ha."

Nangiti lang ako sa sinabi niya and took the last sip of coffee on my cup.

"Exactly. The bitter it tastes, the better it makes you."

"The better it makes you?"

Binuksan ko ang broadsheet na nasa lamesa niya and started to read the news.

"You know Zoey, moving on is like drinking a cup of dark, bitter, unsweetened coffee. You need to taste and savor the not-so-good taste so that you may wake up to reality and realize that it's time to stop. But then again, you can't stop."

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Zoey niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako sa ilong.

Umiiyak siya. Iyak siya ng iyak.

"Beb. Stop it. Alam ko kung gaano ka nasaktan. Please stop being so hard on life, on yourself. Stop it!"

Iyak pa rin siya ng iyak kaya hinalikan ko siya sa buhok at niyakap din ng mahigpit.

"Ssshhh. I will go now Zoey. I will run a bit sa labas siguro tapos I will come back to have shower. You should sleep."

"You take care ha. I'm just a call away beb."

"I know."

Itinabi ko ang pinagkainan namin at nagbihis na para mag-jog kahit one hour lang. 9am na rin kaya sa may indoor pool na lang ng building nila Zoey ako tumakbo.

Maya-maya may tumawag na naman sa fone ko. Mukhang si Chief na naman ito ah.

{Art pupunta ka ha. Kasi nagluluto na sila Tita mo. Nandito na rin ang mga bata.}

Nangiti lang ako dahil natutuwa ako sa narinig ko.

{Opo naman Chief. 11:30 nandyan na ako.}

Tinapos ko lang ang isang ikot sa indoor pool at nagdesisyon ng magready na rin papunta kila Chief. Kila Sha.

Natapos ako bandang 10:30am na. Ayoko rin naman kasing ma-late pero kailangan ko dumaan sa Market-Market kasi may bibilhin pa ako for them. Malapit lang naman ang drive from Market papunta sa kanila kaya there's nothing to worry about being late.

Bumili ako ng cakes sa Red Ribbon at saka ng dalawang life size teddy bear sa Blue Magic. One for Angela and one for Alexa.

Papunta na ako sa area kung saan ako nagpark tapos suddenly I realized wala pala akong ibibigay kay Sha.

"Nevermind."

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na papunta kila Chief.

"Chill, Art."

Nasabi ko sa sarili ko when I reached their house. Pagbaba ko palang, nakita na ako agad ni Chief at sinalubong.

"Art! Buti dumating ka."

"Opo naman chief. Nandyan ang mga bata?"

"Oo. Nasa loob. Halika pasok ka."

"Sige po, susunod ako Chief. May kukuhanin lang ako."

Kinuha ko ang mga dala ko sa kotse at narealize ko na hindi ko pala kayang dalhin mag-isa ang lahat ng ito.

"Naku, halika nga at tulungan na kita dyan. Bakit naman kasi ang dami nito?"

Ngumiti lang ako kay Chief at nagtulong na kami sa pagbitbit ng mga pasalubong.

Pagpasok ko sa bahay, lahat sila nagulat. Mukhang hindi na ako kilala ng mga tao dito.

"Art! Anak! Naku ang laki na ng ipinagbago mo ah!"

Si Tita niyakap ako at hinalik-halikan. Natuwa naman ako sa ginawa niya kasi halatang namiss niya ako.

Maya-maya, nilapitan ko si Alexa at iniabot ang isang life-size teddy bear.

"Hi Alexa. You know me?"

Ngumiti lang siya ng sobrang tamis at humalik sa akin.

"Yanyan!"

Natuwa ako at niyakap ko siya. Tuwang-tuwa ako kasi alam pa rin niya ang pangalan ko.

Maya-maya tinawag ni Alexa si Angela at ipinakilala ako. Baby pa kasi si Angela nun kaya di na nya siguro matandaan.

"Angela, eto si Ate Yanyan. Say hi."

"Hi Yanyan!"

"You want a teddy Angela?"

Ngumiti lang siya at lumapit sa akin para kumandong din.

"Opo."

Ang sweeettt! :D Binigay ko sa kanya ang isang teddy bear tapos inabot ko na rin ang mga chocolates.

Tuwang-tuwa sina Chief at Tita sa nakikita nila. Yung dalawang kids, hindi na nakapaghintay sa chocolate at ayun binuksan na.

"Sha, bilisan mo dyan at kakain na tayo."

Napatingin ako kay Tita nang tawagin niya si Sha mula sa labas ng kwarto nito. Dun pa rin pala siya naka-kwarto.

Hindi pa rin tumitigul sa pagtawa sina Chief dahil hindi magkandatuto si Angela sa pagkain ng chocolates. Ang taba na nya kasi hehe.

"Magpapatuyo lang ako ng buhok, Ma!"

Narinig kong sumagot si Sha mula sa kwarto niya. Hindi pa rin sya nagbabago pagdating sa mga rituals nya sa buhok niya.

"Ma bibili ako ng RC sa tin---"

Kasalukuyan akong nakikipagharutan sa mga kids nang lumabas siya mula sa kwarto. Napatingin ako sa gawi niya at bigla akong nagbawi ng ngiti.

Parang di niya inaasahan na darating ako dahil naka-short lang siya ng blue at naka-white tank top. Match pa sa suot ko. Tss.

"O, tapos ka na pala Sha. Ako na ang bibili ng RC sa tindahan." --Tita

"A-ako na Ma."

Hindi ko na pinansin ang pagtatalo nila sa kung sino ang bibili. Niyakap ko na lang ang dalawang bagets kasi sobrang namiss ko talaga sila eh.

"Hindi mo man lang ba babatiin si Art?"

Napahinto ako sa tanong na yun ni Tita.

"A-ah, h-hi... A-art."

Nanginginig ang boses nya. Itinaas ko ang kamay ko at nagpatuloy sa pakikipagkaladyaan sa mga bata. Pagkatapos ay nakita ko siyang lumabas ng bahay. Mukhang siya ang nanalo sa kung sinong bibili ng RC sa tindahan.

"Art, tama na muna yan at baka masakit na ang hita mo sa bigat ni Angela."

Natatawang sabi ni Tita sa akin. Medyo malaki na kasi si Angela at super tabachoy na talaga. Pero ang cute kasi niya kaya di ko mabitawan.

Nginitian ko lang si Tita at hinayaan ko ng maupo si Angela sa sofa nila.

Binuksan ko na rin ang mga dala kong pasalubong para kila Chief at Tita.

"Chief, sana kasya sa iyo ito. Try mo nga? Ito rin. Hindi ko kasi alam ang size nyo kasi tagal na nating di nagkita."

Iniabot ko sa kanya ang isang Adidas na tracksuit jacket at Nike na sapatos at saka isang baseball cap na Nike din. I kept my fingers crossed wishing na sana kasya.

"Uy Art! Sakto! Parang isinukat ah."

"Hindi mo na kailangang bumili pa nyan."

Napatingin ako kay Sha. Nandito na pala siya ulit.

Tumingin lang sa kanya sila Tita at Chief parang nahihiya dahil sa inaasal nya.

"Uhm, Tita. Eto po pala para sa inyo."

Inabutan ko si Tita ng isang Coach na bag at wallet set at isang watch na Chanel.

"Ay ang ganda naman nito anak! Nakupo. Nag-abala ka pa. Alam ko mahal ito."

Nginitian ko lang siya kasi naiiyak na ako sa nakikita ko. Sobrang namiss ko talaga sila.

"Bakit kailangan mo pa silang bilhan ng mga ganito?"

Matigas ang boses ni Sha sa tanong nyang iyon.

"Be, ang init ng ulo mo. Tara na nga at kumain na tayo."

Wala na ring nagawa si Sha kundi sundin ang Papa niya. Hindi ko rin alam kung paanong sasagutin ang mga tanong niya.

Inilabas ko na rin ang iba pang laruan at mga damit na pasalubong ko sa mga bata pati kay Mama Ne na Tita ni Sha.

Inaya na nila ako sa mesa para kumain. Ang daming niluto nila Tita. Parang napakaraming darating na bisita. Kinuha ko na ang cake na dala ko at iniabot kay Tita.

"Pasensya na po kayo dito, hindi na po ako nakapagluto."

"Naku anak ayos lang. Ikaw ang bisita namin. Dapat hindi ka na nag-abala pa. O siya, tabi na kayo ni Sha."

Nagkatinginan kami ni Sha sa sinabi ng Mama niya. Parang parehong nagtatanong ang mga mata namin kung okay lang ba.

"Kumain ka ng marami Art ha. Mamaya iinom tayo. Minsan lang naman eh kaya papayagan ako ng Tita mo."

Natatawa si Chief na tumingin kay Tita. Parang humihingi ng permiso.

"Naku kung hindi lang talaga natin namiss itong si Art eh. Osige na. Pero ngayon lang ha. Kumain na muna tayo."

Natawa ako kay Chief kasi napa-Yes pa siya sa sinabi ni Tita. Habang si Sha, busy yata sa katext niya.

"Sha lagyan mo naman ng pagkain si Art. Mamaya na yan."

Halos magulat si Sha sa sinabi ng Mama niya.

"Kaya na nya yan Ma."

Tiningnan siya ng masama ng Mama niya.

"Ako na po Tita."

"Pasensya ka na Art ha. O, kumuha kang kanin mo saka ulam. Damihan mo ha."

"Hindi na po ako kumakain ng kanin. Pasensya na po."

"Ay naku hindi pwede. Masarap ang ulam kapag may kanin."

Ayoko rin namang magtampo sa akin ang Mama niya kaya kumuha na rin ako. Si Sha abala pa rin sa pakikipagtext.

Natapos ang kainan namin at talaga namang nabusog ako sa dami ng pagkain. Sabay-sabay kaming naupo sa sala para magpahinga sa sobrang busog.

Ang mga bata naman, nagsimula ng magpasikat dahil nakasaksak na ang MagicSing. Sumasayaw at kumakanta ang dalawa. Sobrang cute tingnan.

Lumabas ako at kinuha ang camera ko sa kotse. Ayokong palagpasin ang pagkakataong ito.

Tuwang-tuwa akong kinuhanan ng litrato ang mga bata, sina Chief at Tita at si Mama Ne. Hindi ko napansin na nakatingin pala si Sha sa akin.

"O, Art. Tena at uminom. Para makarami."

Naglabas si Chief ng dalawang Jose Cuervo at nagbigay naman si Tita ng mga hiniwang lemon. Akala ko naman babawalin niya si Tito eh suportado naman pala at may lemon pa.

"Pa, di ka pwedeng uminom."

Matigas ang salita ni Sha.

"Pinayagan na ako ng Mama mo be."

"Ako di kita pinapayagan."

"Hayaan mo na Sha. Minsan lang naman."

Wala ng nagawa si Sha at halatang inis na inis.

"Art, saan ka ba galing? Kailan ka pa dito sa Pilipinas?"

Tanong ng Mama niya habang nagsisimula na kaming uminom ni Tito. Kaharap pa rin namin sila habang nagkakantahan sa MagicSing.

"Sa Canada po. Kahapon lang Tita."

"Ah. Babalik ka pa ba doon?"

"Opo. May inayos lang ako dito."

"Nurse ka ba doon?"

"Opo Chief."

"Buti naisipan mo kaming dalawin dito. Akala ko nakalimutan mo na kami eh."

"Hindi ko po pwedeng gawin yun Tita."

Nginitian ko siya at tuloy kami sa pagkukwentuhan.

"O, Sha. Bigyan mong yelo si Art."

Nagulat ako ng utusan ni Tita si Sha. Halata kasing badtrip pa ito. Padabog syang tumayo at kumuha ng yelo sa fridge.

Maya-maya, halos maubos na namin ni Tito ang isang bote ng Cuervo. Namumula na rin siya at mukhang tinatamaan na.

"Pa, tama na yan. Magpahinga ka na."

Tinabihan siya ni Sha. Si Tita naman nasa kusina at nagliligpit ng mga pagkain kasama si Mama Ne. Tulog na rin ang mga bata kasi gabi na. Nagpapatugtog na lang si Sha habang tatlo kaming naiwan sa may sala.

Maya-maya dumating si Kuya Ian, ang pinsan ni Sha at kasalo na namin sa pag-inom. Naglabas ng isa pang Cuervo si Kuya Ian. Di naman makaalis si Sha sa tabi ng Papa niya dahil yun ang bilin ng Mama niya.

"Art, wag ka ng umuwi ha. Gabi na. Dito ka na matulog."

Sabi ng Mama niya habang naghahain ng pulutan sa lamesa namin.

"Tita malapit lang po ako. Kaya kong magdrive."

"Naku hindi kita papayagan. Dyan ka matulog sa kwarto ni Sha."

Napatingin ako kay Sha at ganun din siya sa akin.

"Basta dito ka matulog. Magagalit ako kapag hindi."

Patay.

------

A/N:

:)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features