Kwento ni Miguel (BoyxBoy)...

By erolko11

121K 8.2K 777

Pagmamahalang hindi nakikita sa itsura, Pagmamahalang hindi nakikita sa estado ng buhay, At Pagmamahalang mag... More

Prologue
KP 1
KP 2
KP 3
KP 4
KP 5
KP 6
KP 7
KP 8
KP 9
KP 10
KP 11
KP 12
KP 13
KP 14
KP 15
KP 16
KP 17
KP 18
KP 19
KP 20
KP 21
KP 22-FINALE
Author's Note!

Epilogue

5.8K 365 148
By erolko11

Dedicated to MasayumeChaserz and lgbtPH

Love?

Paano nga ba magmahal?
Paano ka nga magmamahal?
At Paano mo mahalin ang mga taong nasa paligid mo?

Kaya ka lang ba nagmamahal ay dahil single ka o dahil naiingit ka?

Kaya ka lang ba nagmamahal ay dahil may itsura siya o choosey ka?

Kaya ka lang ba nagmamahal ay dahil hiniwalayan ka ng ex mo o gusto mo lang ng may panakit butas sa puso mo?

Kaya ka lang ba nagmamahal ay dahil mayaman siya o nagiging praktikal ka lang sa buhay mo?

Ganyan ba dapat ang batayan upang magmahal? Pwes, mas mabuti nang hindi nalang ako magmahal.

Bakit ba kelangan kapag magmamahal tayo ng tao ay kelangang, ganito siya, ganyan siya. Hindi ba pwedeng sabihin na mahal mo siya kase mahal mo siya.

Walang dahilan, walang batayan at walang mukha. Basta mahal mo lang yung tao at masaya kang mahal mo siya. Siguro naman sa simpleng paraan na yun ay mapapatunayan mong tunay kang nagmamahal.

Tunay ngang mahirap ipaliwanag ang salitang pagmamahal, pero hindi ito magiging mahirap kung tunay kang nagmamahal. Kung tunay mo siyang minamahal at hindi kung bakit mo siya mahal.

Mahirap talagang intindihin ang salitang pagmamahal. Pero hindi natin matututunang magmahal kung hindi natin susubukang magmahal. Wag pairalin ang isip lang, wag pairalin ang puso lang. Ang pairalin mo ay yang dalawang yan.

Magkamali man ang puso mo atleast sasaluhin ka ng isip mo. Magkamali ka man sa mga desisyon mo atleast sinunod mo ang nasa puso mo. Magulo man pero hindi mo malalaman kung hindi mo sususbukan.


***********************************

Hindi ko akalain na nandito ako ngayon sa kwarto habang kasama ko si phun na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Tinitigan ko lang siya ng maigi sa kanyang mukha at pinunasan ang mumumting luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong nasa panaginip nito pero kita ko sa mukha nito na masaya siya.

Hinawi ko lang ang buhok nitong tumatakip sa cute nitong mukha at marahan itong hinalikan sa noo.

Napangiti lang ako ng maalala ko ang sinabi niya kung bakit pumayag ang mga magulang nitong manatili sila dito sa pilipinas. Dito sa tabi ko.

Noong araw na hiniwalayan ko daw ito ay hindi siya kumakain. Hindi rin niya kinakausap ang mga magulang nito. Ipinakita niya ang miserableng buhay niya. Para daw siyang nawalan ng ganang mabuhay.

Kinuwento rin niya sa akin na umamin na ang mga magulang nito sa kanilang ginawa sa amin ni phun noong paalis na sila papuntang thailand. Inamin daw nila na doon na sila titira at lahat ng nangyari sa amin ay planado ng mga magulang nito dahil ayaw nila sa akin.

Noong una ay nagalit daw ito sa kanila dahil Kung ituring daw siya ng kanyang mga magulang ay parang hindi nila ito anak.

Ipinaglaban niya daw ako sa mga magulang nito at pinatunayan sa kanila na mahal na mahal niya daw ako ng totoo. Na hindi lang daw dapat binabase sa itsura o sa estado ng buhay upang mahalin mo ang isang tao.

Parang natauhan daw ang mga magulang nito. Humingi daw sila ng tawad kay phun. Dahil mahal na mahal nila ang nag-iisa nilang anak ay tinanggap nila ang aming pagmamahalan at masasabi kong totoo ang ipinapakita nila sa akin.

Kung talagang mahal daw siya ng kanyang mga magulang ay maiintindihan nila ito at kelangan nila itong intindihin.

"Bakit ka nakatitig sa akin?" Ang malambing na tanong nito habang namumungay ang kanyang mga mata. Hindi ko na pala namalayang gising na ito. Ngumiti lang ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. Hinawi ko ulit ang buhok nitong humaharang sa maganda niyang mukha.

"Dahil mahal kita" ang sabi ko habang tinititigan pa rin siya sa kanyang mga mata.

"Eh, bakit mo ko mahal?" Ang inosenteng tanong nito.

"Hindi ko alam eh" sagot ko. Napakunot naman siya ng noo.

"Eh, bakit hindi mo alam?" Ngumiti lang ako at pinisil ang kanyang ilong.

"Dahil hindi ko alam kung bakit kita minahal. Basta ayokong magkaroon ng dahilan kase..." ang sabi ko sabay halik sa labi niya.

"Kase..." ang pagtutuloy nito habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Kase po.... Ayokong mangyari na mawala ang mga dahilan na iyon kung bakit kita minahal. Basta mahal kita at hindi na mawawala yun. Mahirap ipaliwanag pero hindi mahirap maramdaman" ngumiti ito sa akin at tinitigan ako.

"Miguel"

"Hmmm.."

"Mahal kita" ang malambing na sabi nito habang hindi nawawala ang titig sa aking mga mata. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ko.

Kinikilig ako!

Hinawakan ko naman siya sa pisnge.

"Phun titigan mo ako" ang utos ko sa kanya. Tinitigan niya naman ako.

"Bakit?" Ang nakatitig na sabi nito.

"Ito ang tatandaan mo. Ikaw lang ang mata ko. Ikaw lang ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Ikaw at Ikaw lang ang magbibigay liwanag sa buhay kong ito phun" ngumiti lang ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at ginawaran ulit siya ng halik sa labi.

Pagkatapos naming magkiss ay tumayo na ako. Nakahiga parin ito sa higaan namin habang nakatingin sa akin. Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya para tulungan itong makatayo.

"Phun tayo kana diyan. Hawakan mo lang ako hindi kita bibitawan."

Nakatitig lang ito sa kamay ko at ngumiti sa akin. Inabot niya ito.

"Alam mo miguel. Hahawakan talaga kita at hinding hindi na kita bibitawan" ang sabi nito. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi. Hinila ko siya patayo at niyakap ito ng mahigpit.

"Walang iwanan ah, mahal na mahal kita" ang bulong nito.

Huminga lang ako ng malalim saka tumango.

"Tara kain na tayo. Marami pa tayong gagawin ngayong araw" ang sabi ko sa kanya. Nakasuot lang ito ng malaking damit na umabot hangang hita. Paborito niya talagang magsuot ng malalaking damit, lalo na yung mga damit ko.

Pinayagan na kase siya ng mga magulang nito na dito na siya tumira kasama namin basta daw bibisita pa rin kami doon at paminsan minsan ay doon kami matutulog.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa hagdan upang sabayan sila nanay at tatay mag-umagahan.

"Magandang umaga po nanay celia, tatay fernan" ang bati nito sa kanila at saka nagmano. Napangiti lang ako habang ginagawa iyon ni phun.

"O siya, magsikain na tayo mga anak" ang masayang sabi ni tatay.

Inalalayan ko namang maupo si phun bago ako naupo sa tabi nito. Pinagsalin ko rin ito ng kanin at ulam na tuyo at itlog. Minsan ay nagse-share ito ng masasarap na pagkain sa amin pero kung maaari ay pinagta-trabahuhan ko ito para pakainin siya ng masarap. Gusto kong ipakita dito na kaya kong gawin ang lahat para buhayin siya.

"Kumakain ka ba ng tuyo?" Ang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin saka tumango.

"Oo naman. Lamon kung lamon" ang natatawang sabi nito at kinamay ang kanin at ulam saka ito sinubo. Kinindatan pa niya ako.

Huminga lang ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

"Lamon!" at nagkamay na rin ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at nagbihis upang gumala sa bayan. Pero bago kami pumunta doon ay dinala ko muna siya sa tambayan namin... Sa palayan.

"Ang sarap ng hangin dito noh?" Ang sabi nito habang nakapikit ang kanyang mga mata at naka taas ang dalawang kamay na parang lumilipad. Tumabi naman ako sa tabi niya at pinagmasdan ito.

Pumikit din ako at dinama ang hangin na dumadampi sa aking mga balat. Ang saya saya ko. Para akong lumilipad sa langit. Ilang minuto rin akong nanatiling nakapikit habang dinadama ang sariwang hangin.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko pero sa pagmulat ng mata ko ay halos magdikit na ang mukha naming dalawa ni phun dahil sa sobrang lapit nito. Kanina pa pala ito nakatayo sa aking harapan. Nakangiti itong nakatitig sa akin.

"Miguel" ramdam na ramdam ko ang mabangong hininga niya.

"Hmmm?" Ang nakangiting sabi ko.

"Mahal na mahal kita... Stay forever?" ang seryosong sabi nito. Tumango lang ako habang nakatitig itong maigi sa akin. Hinawakan ko ito sa batok at mapusok na hinalikan sa labi.

Humiwalay ako sa halikan namin at ngumiti.

"Wag mo kong iiwan phun ah.. Stay forever" ang sabi ko dito. Ngumiti naman siya at nilalahad ko ang kamay ko para hawakan niya. Napangiti naman ako ng abutin niya ito at hawakan ng mahigpit.

"Tara na" yaya ko sa kanya.

"Tara" ang masayang tugon nito.

Buong maghapon kaming kumain, namasyal, namili, nag videoke at nilibot ang buong bayan. Ang makasama si phun ay talagang napakasaya at walang kapantay.

Makita ko lang ang mga ngiti niya ay kumpleto na ang araw ko.

"Masaya ka ba?" Ang tanong ko dito habang naglalakad kami papuntang karinderya (Kainan sa palayan), kung saan kami madalas kumain kapag pumupunta kami dito sa bayan.

"Oo naman sobrang saya ko kaya, lalo na at kasama kita" ang masayang sabi nito.

"Ako rin naman eh. Masayang masaya ako phun. Sobrang saya ko!" Ang hindi ko mapigilang matuwa. Tumitig siya sa akin habang magkahawak ang aming kamay.

"Miguel sabay nating takbuhin ang daan papunta sa karinderya.. tulad ng dati naating ginagawa" ang masayang sabi nito. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Ready?" Tanong

"Ready!!!"

".... 1.... 2.... 3.... takbo!!" Ang sigaw nito at sabay naming tinakbo ang daan papuntang karinderya. Habang tinatahak namin ang daan ay parang Tumigil ang oras. Parang nagslow motion lahat ng nasa paligid ko. Parang kami lang dalawa ni phun ang tao sa mundong ito. Kaming dalawa lang. Kami lang..

Nakahawak lang siya sa kamay ko habang hindi nawawala ang ngiti nito labi. Dahan dahan siyang lumingon sa akin at ngumiti. Tumingin siya sa kamay naming dalawa at ibinalik ang tingin sa akin.

Parang lahat ng pag-asa ko ay natupad. Parang ayoko siyang bitawan. Phun minahal mo ko. Minahal mo ko kahit ganito ako.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo habang hindi binibitawan ang kamay ng isat-isa.

"Wooohhhh!!!" Ang sigaw naming dalawa habang masaya naming tinatakbo ang daan na magkahawak ang kamay.

Nang makarating kami sa tapat ng karinderya ay nagmadali akong tumakbo patawid sa kabilang kalsada pero hindi ko inaasahang maiiwan ko ito dahil binitawan niya ang kamay ko. Naiwan ko siya sa kabilang kalsada. Madaming sasakyan ang dumadaan dahilan para hindi ako makabalik sa kanya. Tinitigan ko lang ito habang nakangiti itong nakatitig sa akin mula sa kabilang kalsada. Kahit medyo malayo siya ay kitang kita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha. Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko narin maiwasang umiyak.

"Phun" ang bulong ko sa hangin habang nakatitig sa kanya. Pilit kong pinupunasan ang mga luha sa mata gamit ang tigkabilang braso.

"Miguel!! Mahal na mahal kita!" Ang sigaw nito mula sa kabilang kalsada. Nakangiti ito habang patuloy parin siya sa pag-iyak. Tumingin-tingin siya sa paligid.

"Nakikita niyo ba ang taong yan! Ang taong nandun sa kabilang kalsada" ang muling sigaw nito habang tinuturo ako. Halos mapaos na ang boses niya kasisigaw. Kahit pinag-titinginan na siya ng mga tao ay wala siyang pakialam.

"Yan! Yang taong yan ang taong mamahalin ko at papakasalan ko habang buhay" ang umiiyak na sigaw nito. Napapunas naman ako ng luha. Tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Doon na bumuhos lahat ng luha ko.

"Alam mo ba miguel ang wish ko?" ang humikbing sabi nito. "Wish ko sanang matupad ang wish mo" ang sabi pa nito. Humiwalay ako sa yakapan namin at tinitigan siyang maigi sa mata. Pinunasan ko ang luha niya.

"Wish ko rin na sana matupad ang wish mo" ang sabi ko sa kanya.

"Pero diba ang wish natin ay makasama ang isat-isa habang buhay diba? Pangako mo yan miguel ha" ang naluluhang sabi nito. Tumango lang ako.

"Hindi ko lang basta ipapangakophun. Gagawin ko dahil gusto mo at gusto ko"

Napangiti kaming dalawa.

Hinalikan ko siya sa labi at niyakap ng mahigpit. Ayaw na kitang bitawan phun. Mahal na mahal kita. Ngumiti lang ako sa kanya ganun din siya.

"Kain na tayo, gutom na ako e" ang natatawang sabi niya.

"Oo nga. Ako rin eh" ngiting tugon ko at ginulo ang buhok niya.

Hay!!!

Hinawakan ko siya sa kamay. Tinitigan niya ko sa mata. Tinitigan ko rin siya sa mata. Sabay naming tinitigan ang kamay naming dalawa na magkahawat at sabay na ngumiti.

Huminga ako ng malalim at niyaya siya.

"Anong gusto mong pagkain?"

Nag-isip siya saka ngumiti. Ang Cute.

"Gusto ko ikaw ang pumili ng kakainin ko" sabi niya.

"Ha? Bakit ako?"

"Basta! Ikaw na ha" ang malambing na sabi nito.

Ang cute niya talaga.

"Ano tara na?" Yaya ko sa kanya sa loob.

"Tara" ang nakangiting sabi nito.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Wala sa itsura para mahalin mo ang isang tao o baguhin siya para maging fairytale ang ending niyo. Kung paano mo siya Minahal sa simula sana ganoon mo parin siya mahalin hanggang sa huli.

"Love conquers all, especially fears"

Kaya wag kang matakot na ipaglaban ang taong mahal mo.

THE END!

_____________________________________________

Maraming maraming salamat po sa lahat guys, sa pagsuporta sa likha kong ito at sa walang sawang pagsuporta nyo sa akin sa pamamagitan ng pag vote at pag comment at sa mga magpa-flood votes diyan salamat ulit, dahil kayo ang dahilan kung bakit ko ito nagawa at natapos...

Salamat talaga <3

Hope suportahan nyo po ang mga bago kong story. Hanapin nyo lang po sa mga works ko. :) :)

"The Modern family" & "Peymus"

Salamat ulit :*

Continue Reading

You'll Also Like

184K 7K 52
"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRE...
65.5K 3.5K 62
✪ M R . H A R D H E A D E D M E E T S H I S F O U R S T E P B R O T H E R S •|| ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ||• (ᴠᴏʟ.1) HIGHEST RANKING @2020 : #45...
75.2K 2.6K 59
Book Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.
114K 2.8K 46
Madaling mag mahal ngunit lahat ng tao ay naniniwala na ito'y mahirap takasan. Ang ibang tao ay di naniniwala sa totoong pagmamahal between 2 men. Pe...