Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 40: Pulis at Kriminal

627 14 7
By AyhenPey

Chapter 40

Serah's Standpoint

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hanggang kailan mo balak itago yan? Haist! Di ko na alam ang gagawin ko sayo!" hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Dumerecho na lang ako sa room pero bumabagabag pa rin sa akin yung sinabi ni Travis. Ano kaya ang ibig sabihin niya doon? Nadaan kasi ako sa corridor, nandoon si Zac at Travis.

Kinuha ko na lang ang libro ko sa Physics at pinag-aralan ito. Hanggang ngayon dinadaramdam ko pa rin ang sinabi niya sa akin.

"PATI HINDI UGALI NG DESENTENG BABAE ANG MAKIPAG HOLDING HANDS SA TAONG MAY KARELASYON NA!"

Napailing na lang ako. Pero bakit parang nakakaramdam ako ng guilt kahit tatlong araw ng nakakalipas yung pagbibigay niya sa akin ng Caramel Frappe tapos hindi ko tinanggap? Mali ba yung ginawa ko? Kaya ganito ang nararamdaman ko? Eh ikaw ba naman sabihan ng ganoon eh.. Hayss, di ako makapag concentrate sa pinag-aaralan ko.

"Psst.." tumingin lang ako sa kanya habang umuupo siya sa tabi ko. "-sipag natin mag-aral ah.."

Ngumiti na lang ako sa kanya, wala naman akong sasabihin pang iba. Pati nagagalit na din sa akin si Kenn kasi ang hilig kong mag thank you sa kanya. Kasi crying shoulder ko siya tuwing umiiyak ako. Kaya nag th-thank you ako.

Biglang pumasok si Ma'am Fuentes kaya kami ay napaayos ng upo pati yung mga kaklase kong nasa labas nag sipasukan na din including him.

"Wooh, anong month na ngayon?" biglang tanong ni Ma'am Fuentes. Mukhang good mood si Ma'am ah, todo ngiti kasi siya.

"February po.." sagot ng mga classmates ko.

"Okay, may sasabihin lang ako. Sa February 14.." hindi pa natatapos magsalita si Ma'am, nag sigawan na ang mga kaklase ko. Kesyo daw Valentines, ganyan ganyan.

Umangot ang mukha ni Ma'am, kaya natahimik ang buong klase.

"Pagsasalitain nyo ba ako, o kaya na lang dito?" nung kumalma na ang mga clasmates ko. "-On February 14, will be your Junior and Senior's Promenade. Sure na sure na yun! At next week na, for sure naman ready na ready na kayo" ayun naghiyawan na ang mga kaklase ko. Naglabas si Ma'am ng bondpaper at isulat daw doon kung sino ang aattend.

Halos buong classmate ko aattend. Pinag-aralan ko na lang ulit itong topic namin sa Statistics na mga Samplings. Nagpapasalamat ako kay Lord at dininig niya ang prayer ko na sana maging masipag na akong mag-aral. Kaya ngayon pagbubutihan ko talaga.. Gusto kong maka line of 9 man lang ngayong 4th grading.

"Aattend ka?" tanong ni Kenn.

"Hindi" mabilis kong sagot.

"Bakit?" bigla akong napatingin sa kanya. Interesado ba talaga siyang malaman kung bakit ayaw kong sumama? Nakatingin siya sa akin at di ko mawari ang tingin na iyon.

"Alam mo naman na ayaw ko ng mga parties.." nag nod na lang siya tapos tumingin siya kabilang side. Di ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko pero narinig ko ata siyang nagsabi ng,

"Sayang naman.."

Lunch break,

As usual kasama ko na naman sila Bethina at Travis dito sa Botanical Garden. Minsan hindi ako sumasabay sa kanila kasi nakakailang. Mukha kasi silang nagdadate tapos ako makikigulo.. Pero nagagalit sa akin si Bethina kasi inaantay daw nila akong dumating tapos hindi naman pala dadating.

"Nakakaasar ka! Bakit hindi ka pumunta dito kahapon?" sita sa akin ni Bethina. Napaisip ako bakit nga ba? Ahh, fresh pa kasi sa akin yung mga sinabi sa akin ni Zac noon. Eh nung pupunta na ako dito nakita ko na malapit siya dito nasa may kabilang bench lang siya. Kaya naisipan kong sa classroom na lang mag lunch.

"Hmm, nag d-date kasi kayong dalawa eh" sagot ko na lang. Namula naman si Bethina sabay palo sa braso ni Travis.

"Oh bakit ka nang hahampas?"

"Wala lang! Pag nandito si Serah wag ka nga munang maging linta sa akin!"

"At ako pa ang naging linta! Sa gwapo kong ito?!" at iyon na po pinaghahampas na naman siya ni Bethina. Binuksan ko na lang yung pagkain ko at kinain. Habang pinapanuod itong dalawa. Nakakatuwa talaga sila, kung magkaka boyfriend ako gusto ko yung para lang kaming mag bestfriend.

Naalala ko bigla yung ginawa ni Travis sa akin nung isang araw, kaya nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi naman ata alam ni Bethina ang nangyari.. Pati yun din pala ang isa sa reason ko kung bakit di ako sumama sa kanila tuwing lunch. Napahinto silang dalawa kasi si Travis tumingin sa akin.

"Bakit Serah?" umiling na lang ako tapos kumain na lang ulit ako. Tumingin tingin ako sa paligid habang nginunguya ang luto ni Mama na Adobong Manok na may kasamang itlog. Ang sarap talaga! May nakita akong isang tao na papunta sa pwesto namin. Feeling ko mabibilaukan ako sa sobrang bilis ng pag nguya ko. Gusto ko ng umalis dito.

Hindi nga ako nagkamali, lumapit siya sa amin. Napatayo si Travis habang si Bethina naman binubuksan na yung lunch niya.

"Oh pare?" sabi ni Travis. Nagulat na lang ako nung tumingin siya sa akin. "-okay na kayo?" tapos kinamot niya ang ulo niya at tumawa. Ano na naman ang binabalak ni Travis. Ininom ko na lang yung tubig na dala ko. Pero bigla akong napatingin sa ibang side kasi nakatingin naman sa akin si Zac.

Aalis na talaga ako. Mabilis kong niligpit yung mga gamit ko. Pero nung tatayo na ako..

"Yung holding hands namin ni Serah, wala talaga yun pare. Tinetest lang kita kung mag rereact ka.." hayss pinaalala na naman niya. Teka, anong sabi niya? Tinetest lang niya si Zac? Ibig sabihin nant-trip lang siya nung araw na iyon?

"Anong nangyayari dito?" tumayo si Bethina sa gitna nung dalawa.

"Ah, my LOVES. Ganito kasi iyon.. Wag kang magagalit ha.. Nung nag lalaro kayo sa gym, tinabihan ko si Serah. Naisip kong pagselosin itong si Zac kaya hinawakan ko yung kamay ni Serah. Nagselos nga yung tao at hinatak na lang si Serah palabas. Kaya iyon, selos nga. Pati ilang araw ng nakakalipas iyon kaya kalimutan mo na.."

Cool na cool pa si Travis sa pagkwekwento habang ako.. Di ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako, baka magalit si Bethina. Pati naiinis ako kasi kinuwento pa ni Travis yung buong pangyayari..

"Ah, okay lang iyon. Wala sa akin yon." thank you Lord! Akala ko magagalit si Bethina.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Bethina kay Zac.

Kinuha ko na yung gamit ko at lumakad na.

"Magsosorry sana ulit ako eh" pagkarinig ko noon tumakbo na ako papuntang room. Ilang minuto pa naming aantayin ang teacher namin para sa next subject kaya naisipan kong lumabas muna at tumambay sa may Corridor.

Nakasandal lang ako doon ng may magsalita sa tabi ko.

"Pwede ba kitang makausap?" tumibok ng malakas ang puso ko nung makita ko kung sino ang nagsabi noon.

Si Mara. Nakatingin siya sa akin at inaantay ang sagot ko.

"Sige" mahina kong sagot. Naguguluhan ako at bakit gusto niya akong kausapin. Anong sasabihin niya?

"Pero wag dito.." lumakad siya at naiwan akong nakatayo dito. Susunod ba ako? Napansin niya atang hindi ako sumusunod kaya lumingon siya sa likuran niya.

"Kakausapin mo ako o hindi?" hindi naman galit yung boses niya pero parang naaasar siya kaya napasunod na lang din ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa Rooftop.

Hindi ko naipit ang buhok kaya hinahangin na naman ito kung saan saan. Sinide ko na lang ito sa kabila kong balikat.

"It's about Zac.." nakatalikod siya sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko.

"Hanggang kailan mo siya balak pahirapan?" tapos humarap sya sa akin. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Balak pahirapan? Anong sinasabi niya? Ako ang nahihirapan dito.

"Anong ibig mong sabihin?" inirapan niya ako.

"Noon gustong gusto kita kasi ang ganda ganda ng boses mo pero ngayon asar na asar na ako sa'yo sa sobrang kamanhidan mo. Hindi mo ba alam na mahal na mahal ka niya? Handa siyang--"

"MARA!" napalingon kami sa nagsalita at nakita namin si Zac na palapit sa amin.

"Don't you dare na sabihin sa kanya.."

"Kung hindi mo kayang sabihin ako na lang! Hirap na hirap na akong nakikita na nahihirapan ka sa sitwasyon mo Zac!" sigaw naman ni Mara.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Grabe, pakiramdam ko lalabas sa katawan ko ang puso ko sa sobrang kaba kanina. Ayaw ko talaga na may nagagalit sa akin. Ano ba kasi ang pinag uusapan nila? Sumasakit na ang ulo ko..

"Iwan mo muna kami.." sabi ni Zac. Mabilis na sumunod si Mara.. Nung nakaalis na siya, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kating kati na paa ko na bumaba.

"Serah," nung tinawag niya ako. Bigla na lang akong tumakbo pababa. Tawagin niyo na akong rude pero hindi ko pa rin siya kayang harapin. Nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin nung nakaraan.

Bumalik na ako sa room at nag sisimula na ang klase. Mabuti hindi bad mood si Ma'am kaya hindi niya ako pinagalitan nung pumasok ako.

Pagkaupo ko,

"Saan ka galing?"tanong ni Kenn

"Nagpahangin lang sa labas."

"Halata nga," tapos bigla niyang hinawakan ang buhok ko at inayos. Tinabig ko naman ang kamay niya kasi nasa harapan kami at baka anong isipin ng iba kong classmate.

"Hayaan mo ng gulo gulo, maiba naman" tapos tumawa siya ng mahina at nakinig na kami sa klase.

- - -

Naglalakad na ako palabas ng gate, naisipan kong dadaan muna ako sa may Cafe kasi may ipon naman ako. Mauwian ng cake si Mama, hehehe maghati na lang silang dalawa ni Papa doon. Habang naglalakad ako may kumalbit sa akin.

"Ate," girl siya kasing tangkad ko. Tinignan ko siya, nakikita ko siya dito sa school pero hindi ko siya kilala.

"Bakit?' nakakatuwa naman akala ko hanggang makagraduate ako dito walang ibang tao ang papansin sa akin. Hindi naman pala..

"Sa inyo po daw ito, itapon mo na daw yung bag mo sira na naman daw." tapos kinuha niya yung kamay ko at pinahawak yung body bag sabay takbo.

Kanino galing ito? Oo nga sira na nga itong bag ko nung 2nd year high school pa ako nito eh. Nagfafade na yung kulay pati sira na yung zipper, perduble na lang ang gamit ko pangsara dito. Sana sinabi nung girl kung kanino galing ito magpapasalamat pa ako eh. Pero nakakahiya, kung saka sakaling malaman ko kung sino sya iaask ko na lang kung magkano ito. Nakakahiya talaga.. Ang ganda pa naman nitong bag. Babayaran ko kahit wala akong pera, pag iipunan ko.

Lumakad na ako sa cafe at binilhan sila Mama ng cake. Excited akong sumakay sa jeep. Gustong gusto ko ng umuwi. Sana matuwa si Mama dito, di kasi ako madalas nag-uuwi sa kanya ng pasalubong. Kaya masurprise ko sana siya..

Nakaupo ako sa jeep at kinukuyakoy ko pa ang paa ko. Kakaunti pa lang kasi kaming nakasakay. Pero natigil ako sa pagkukuyakoy dahil may umupo sa harapan ko na di ko inaasahan. Nakatingin siya sa akin at yung tingin niya may gustong sabihin. Dahil di pa naman ako nakakapagbayad, bumaba agad ako sa jeep at lumipat sa kabila.

Tamang tama puno na doon kaya pagkaupo ko pa lang umalis na kaagad yung jeep.

Pagkauwi ko sa bahay tuwang tuwa si Mama sa uwi ko.

"Anak, may sakit ka ba?" tapos chineck niya yung noo ko.

"Ma, lagi nyo na lang binibili ni Papa ang mga kailangan ko. Kahit man lang sa ipon ko ay matreat ko kayo. Hayaan nyo ma, mag iipon ulit ako tapos iba naman." umakyat na ako sa kwarto ko ng may ngiti sa labi.

Lord, nakakatuwa napawi agad yung alam nyo ng feeling kanina nung nakita kong natuwa si Mama sa binigay ko. The best ka talaga!

Habang nakaupo ako dito sa kama at nagbabasa ng bible biglang bumakas ang pinto. Nakita ko si Mama.

"Bakit po?"

"Hindi ka talaga aattend ng Prom?"

"Hindi po ma, okay na ako dito. Pati aantukin lang ako doon at magagastusan lang kayo sa damit."

"Baka magsisi ka anak, umattend naman kami ng Papa mo doon nung araw. Masaya."

"Okay lang po talaga Ma.." tapos nginitian ko siya..

"Sige, pero kung magbago isip mo sabihin mo kaagad." lumabas na si Mama tapos ako napahiga na lang sa kama. Bakit ba gusto nila akong umattend ng Prom? Hayss.. Biglang tumunog ang cellphone ko.

May tumatawag, pero hindi nakasave sa phone ko. Sasagutin ko kaya?

Sinagot ko yung call. Pero hindi ako nagsasalita..

"Serah,"

Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Boses niya iyon.. Hindi ako nagkakamali. Alam na alam ko ang boses niyang iyon pero paano niya nakuha ang number ko? Hindi ko naman binibigay sa kanya at hindi naman niya sa akin hinihingi.

Nanatili akong hindi nagsasalita.

"Wag mo naman akong iwasan oh," pipindutin ko na yung end button ng marinig ko syang magsalita pa.

"Pupuntahan kita dyan." bigla ko na lang pinindot yung end button. Pupunta siya dito? Napatayo ako sa kama, panay ang lakad ko. Anong gagawin ko? Nandito si Mama.. Hayss..

"Serah!!" biglang sumigaw si Mama

"Bakit po?" lumabas ako sa kwarto ko para madinig ko ng maayos si Mama

"Dito ka muna, may aasikasuhin lang ako sa palengke. Baka matagalan ako pero wag kang mag-alala luto na naman ang sinaing at ulam. Uuwi din ako."

Narinig ko na lang ang paglock ng pintuan at ang pagsarado ng gate. Bumaba ako, nung feeling ko nakalayo na si Mama. Binaba ko yung mga kurtina sa bintana. At pinatay ko yung ilaw sa sala para hindi halatang may tao. Gabi na din kasi. Hawak hawak ko pa rin ang cellphone ng mag ring ito.

Yung unregistered number na naman. Hindi ko sinagot yung tawag niya hanggang siya na ang mag end ng call. Tapos nakareceive ako ng text galing doon.

'Malapit na ako '

Pinatay ko ng lahat ang ilaw sa ibaba at nagtungo sa kwarto ko. Hindi ko rin binuksan ang ilaw doon yung lampshade ko lang para di halatang may tao dito. Hanggang sa may kumatok na sa gate namin.

Sinilip ko si bintana ko at napaupo na lang ako sa sahig dahil dumako ang mata niya dito. Sana hindi niya ako napansin.

Katok pa din siya ng katok doon sa gate. Parang piso ata ang pinupukpok niya doon sa bakal. Naisip ko lang kapag nafeel niyang walang tao dito at pag napansin niyang patay ang ilaw sa buong bahay. Aalis din yan.

Tahimik lang akong nakaupo dito sa sahig ng makarinig ako ng pagkaluskos nung gate. Sumilip ako sa bintana at pumasok na siya sa gate namin.

Hindi pala nasara ni Mama iyon! Kaya ngayon sa may pintuan na siya kumakatok! Anong gagawin ko? Matulog na lang kaya ako? Tama, kaya humiga ako at pinikit ang mata ko. Pero hindi ako makatulog kasi katok siya ng katok.

Mas lalo akong nagimbal ng sumigaw siya,

"Serah!!!" pakiramdam ko may kaso ako na tinatakasan. Kumabaga si Zac ang pulis at ako ang kriminal. Ano ba naman ito, sana bago dumating si Mama nakaalis na si Zac.

Nag ring na naman yung phone ko at tinatawagan niya ako. Hindi ko magawang i-end call baka mahalata nyang pinapatayan ko sya. Gusto ko isipin niya na baka busy ako mga ganoon. Hinayaan ko lang ng mag ring ito ng mag ring. Maya maya naman titigil din yan.

Tumigil nga at saktong nagbukas ang bintana ng kwarto ko. Halos lumuwa na ang mata ko.. Nandito na ang tinataguan ko. Nung nakapasok na siya, lumapit sya sa akin. Panay ang atras ko hanggang sa nasa dulo na ako nung headboard.

"Wag kang lalapit!" sigaw ko

"Serah naman.." lungkot na lungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Wag kang lalapit sisigaw ako na may magnanakaw dito!" pagbabanta ko.

Bigla na lang siyang nag dive sa kama at tinakip niya sa bibig ko yung kamay niya. Panay ang 'mmmmm' ko kaya kahit masakit gawin para sa kanya ito. Katulad ng ginagawa ni Bethina kay Travis pinaghahampas ko din siya pero sa dibdib ko siya hinahampas.

Naiinis na ako!

"Serah, masakit!" pero hampas pa din ako ng hampas. Hanggang di niya tinatanggal sa akin yung kamay niya sa bibig ko di rin ako titigil. Inalis din naman niya ang hawak doon pero hinawakan naman niya ang magkabila kong braso.

Pinilit kong makawala pero ang lakas niya hanggang sa napahiga ako at nasa ibabaw ko siya.

"Umalis ka na dito!" sigaw ko

"Serah..pakinggan mo naman ako.."

"SABI NG UMALIS KA NA DITO, AYAW KON--"

Tumigil ata ang pag ikot ng mundo, hindi ako makagalaw, panay din ang alarm ng puso ko. Dahil niyakap niya ako ng napakahigpit.

"I'm sorry, I'm very very sorry. Please forgive me, I regret na sinabi ko sa iyo yun. Dala lang ng selos at inis kaya ko nasabi iyon. Pero never in my life na inisip ko na hindi ka desente because you're so better than that. Please Serah, pansinin mo na ako." Nakaramdam na lang ako ng mainit sa leeg ko.

Tinulak ko ng bahagya si Zac at nakita ko ang mukha niya. Hindi ko ineexpect na iiyak siya dahil lang doon. Automatic na gumalaw ang kamay ko sa ilalim ng mata at pinunasan ito. Lord, bakit niyo ako binigyan ng ganitong lovelife?

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam pero ngayon nagawa ko ng makipag titigan sa kanya.

I'm like a statue, stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks.

So amazed how you take me back,

Each and everytime our love collapsed.

Nagri-ring pala ulit yung cellphone ko. Umalis na siya sa ibabaw ko pero nagulat ako nung humiga siya sa tabi ko. Babangon na sana ako para abutin yung cellphone ko na nakakalat sa sahig ng pigilan niya ako dahil niyakap niya ako. Kaya napahiga ulit ako.

"Zac.."

"Namiss kita, pagbigyan mo na ako.."

"Ano yung tinutukoy ni Mara kanina?" bigla kong natanong sa kanya habang magkaharap kami sa isa't-isa.

Inalis niya yung pagkakayakap niya sa akin tapos humiga sya ng deretso, nakatingin lang siya sa kisame.

"Pwede Serah tanungin muna kita bago ko sagutin ang tanong mo? Natatakot ako.."

"Huh? Ano yun?" sagot ko

"Anong nararamdaman mo sa akin? Wait, may nararamdaman ka ba sa akin?" tapos humarap na siya ulit. Nag init ata ang pisngi ko sa tanong niya lalo na nung humarap siya. Ang gwapo niya talaga.

Isang minuto na niya atang inaantay ang sagot ko. May sagot naman ako pero natuyo na ata ang laway ko at hindi ko magawang magsalita. Nagulat na lang ako nung bumangon siya.

"Aalis na ako.." nung nakatayo na siya, bigla na lang din akong bumangon at hinawakan ang kamay niya.

Naisip ko lang yung mga sinabi sa akin ni Mara kanina. Gusto kong malaman iyon. Pero ang tanging paraan para malaman ko iyon ay sagutin ang tanong niya.

Hanggang kailan mo sya balak pahirapan?

"Zac, gustong-gusto kita" pagkasabing pagkasabi ko noon. Hinatak na lang ako patayo ni Zac at niyakap muli ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal naman kita." di ko alam kung bakit pagkasabing pagkasabi niya noon niyakap ko din siya pabalik. Masaya ako at okay na kami. Papatawarin ko naman talaga siya dahil sabi nga ng madami. Kung si Lord nagpapatawad, ako pa kaya? Walang mangyayari kung palaging pinapataas ang pride.

"Nahihirapan ka ba talaga?"

"Serah, gusto mo ba talagang malaman?" nag nod ako.

Hinarap na niya ako sa kanya, pero narinig kong nagbukas yung pintuan sa ibaba.

"Serah, nandito na ako!" sigaw ni Mama. Nagkatinginan kaming dalawa..

"Aalis na ako.." nag nod na lang ako dahil mahuhuli kami ni Mama pag nagkataon. "I'll tell you everything tomorrow. I promise."

Nag simula na siyang sumampa doon sa bintana.

"Ingat ka, delekado naman kasi yang ginagawa mo."

"Ito lang ang paraan para magkaayos tayo eh, kahit gaano pa kadelekado kung gusto mong maayos ang lahat gagawin mo." tapos ngumiti siya sa akin. Nginitian ko din siya pero nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan ang batok ko at nilapit ang mukha niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi. napapapikit na lang ako. Sandali lang yun tapos tumalon na kaagad siya.

Tinignan ko siya sa ibaba at mukhang okay na okay naman siya. Nag thumbs up pa siya sa akin, kumaway na lang ako. Umalis na siya..

Bumalik ako sa kama para ayusin yung mga gamit ko na nakakalat doon. Nakakahiya nakita ni Zac na gulo gulo ang kwarto ko. Pero may napansin ako doon sa bag na binigay sa akin nung girl kanina.

May nakasipit kasi na parang papel doon sa gilid. Tinignan ko iyon at nagulat ako ng sobra dahil yung picture na nandoon ay nakasandal ako sa balikat ni Zac ng tulog habang si Zac naman ay nakangiti.

Ito yung time na ginagawa niya yung report tapos pinatulog niya ako. Ang daya niya!

Tinext ko kaagad siya about doon sa bag. Nagthank you lang ako. Tapos nag reply siya ng napakabilis.

"Wala yun, mahal nga kasi kita"

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 237 55
From the word "Notorious"---ubod ng sama. Halos lahat ng kasamaan sa mundo ay nasa kanya na. Sabi nga niya, "Naimbento lang daw ang salitang notoriou...
159K 2.6K 59
Ms. Simple dreaming for a HAPPY ENDING... meets Mr. Popular... She fell in love in with him... Pero mukhang wala namang paki si Guy.. Mangyayare ba a...
260K 5.4K 54
Alexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kany...
26.9K 703 36
Chrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS...