Dear Zeus

By Therooftopprincess

32.1K 1.5K 316

Dear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient? More

Dear Zeus
Letter 2
Letter 3
Letter 4
Letter 5
Letter 6
Letter 7
Letter 8
Letter 9
Letter 10
Letter 11
Letter 13
Letter 14
Letter 15
Letter 16
Letter 17
Letter 18
Letter 19
Letter 20
Letter 21
Letter 22
Letter 23
Letter 24
Letter 25
Letter 26
Letter 27
Letter 28
Letter 29
Letter 30
Letter 31
Letter 32
Letter 33
Letter 34
Letter 35
Letter 36
Letter 37
Letter 39
Letter 40
Letter 41
Letter 42

Letter 12

1.1K 63 3
By Therooftopprincess


Lunes ng umaaga ngayon at abala ako sa pag-aasikaso ng baunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Zeus mula sa sala.

"Kuài jiāngyào chídào!" agad akong napalingon dito na ngayon ay nasa likod ko na.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong ko dito baka mamaya minumura na ko nitong si Zeus e, hindi ko pa alam. Mahirap pala talagang magkaroon ng amo na half Chinese o kaya ibang lahi hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi nila tungkol sa'yo.

"Sumpa yun Hera. Sinusumpa kitang maging nognog, pandak at laki sa hirap habang buhay," Pang-aasar nito  kaya naman pinagpapalo ko ito ng sampi. 

"Stop it Hera," Reklamo nito at hinuli ang mga kamay ko. "Sa lahat ng katulong ikaw pinaka sadista," Dugtong pa nito saka pinakawalan ang mga kamay ko.

"At sa lahat ng amo ikaw ang pinakamaarte, perfectionist, mayabang, sinungaling,manloloko at abusado!" ganti ko. Sa loob ng isang linggo ko dito bilang katulong ni Zeus ay halos ilang beses ko na itong kamuntikan sakalin ng matigil na sa kaartehan.

Napaka-perfectionist din nito lalo na sa pagkain. Yung tipong tatanungin nya sa akin kung ilang grams ng calories, protein, carbohydrates, fats, fiber at sodium ang pagkain nya.

Zeus ko po! Anong tingin nya sa akin Dietitian, Nutritionist, Nutritional Therapist o Diet Expert?

"Ako din pinakagwapo at pinak-sexy," Dugtong pa nito sa sinabi ko.

"Oo ikaw din ang pinakagwapo at pinaka-sexy," Pagsasang-ayon ko sa sinabi nito bigla akong natigilan sa sinabi ko.

Teka parang may mali?

Naglo-loading pa rin ang utak ko sa huli kong sinabi nang bigla ako nitong hinila palabas ng kusina.

"Teka lang di pa ako tapos magbalot ng pananghalian ko!" Reklamo ko at pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.

"C'mon Hera. We should go. May mga darating na bisita mula sa rivalry school natin we will discuss about the school Tournament," Pagpipigil nito sa akin subalit nagpumilit pa rin akong makawala. Aba, maiwan ko na ang lahat wag lang ang baunan ko. Ang mahal mahal naman kasi ng bilihin sa canteen kulang na lang dollar bill ang ipambayad.

Malapit ko ng mahalbot ang baunan ko nang bigla na lang akong binuhat ni Zeus ng parang sako.

Zeus ko po! Ang baunan ko. Kakasusot talaga 'tong Zeus na 'to alam nya naman na araw -araw talaga akong nagbabaon ng pagkain para sa pangtanghalian tapos bigla na lang ng hihila buti sana kung mura lang ang mga bilihin sa Canteen.

Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas para makababa. Hinampas hampas ko na ito ng bag ko at sinabunutan ko na lahat lahat ang dilaw nitong buhok subalit sadyang malakas si Zeus. Ano ba namang laban ng isang babaeng 4 feet and 11 centimeter na gaya ko sa isang 6 feet and 2 centimeter na kagaya ni Zeus?

Tuluyan na nga akong walang nagawa nang ma-ilock na ni Zeus ang pintuan ng condo nya hanggang sa makarating kami sa tapat ng elevator hindi nya pa rin ako binababa kaya muli akong nagpumiglas nahihilo na kasi ako pwesto ko na nakatuwarik.

"Ililibre na lang kita ng pang-lunch." Bigla akong natigilan ng marinig ang salitang libre.

"Dahil sa sinabi mo kanina na ako ang pinakagwapong at pinaka-sexy na amo sa buong mundo. Bibigyan kita ng pang-lunch." Dugtong pa nito kaya muli kong sinambunutan ang dilaw nitong buhok. Ang kapal ng mukha! Wala naman akong sinabi na ganoon.

Nasa gitna kami ng pagtatalo ni Zeus nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator kaya bigla kaming natigilan ni Zeus nang makita ang taong nasa loob ng elevator na si Honeybunch este si Zachary pala. Mukhang nahawa na yata ako kay Psyche lagi ko kasing naririnig na sumisigaw ito ng "Honeybunch" sa school pagtinatawag si Zachary.

Buhat buhat pa rin ako ni Zeus ng mapagpasyahan nitong pumasok sa loob ng elevator. Bumulong ako dito na ibinaba na ko kaya kaagad naman ako nitong binababa. Nakita ko ang tila pagtataka sa mukha ni Zachary kaya nakaramdam ako ng pagkailang dito.

Bakit kasi sa Apat na elevator dito sa Consunji place condominium e natyambahan pang dito rin nakasakay si Zachary? Sa isang linggo ko kasing paninilbihan kay Zeus e ngayon lang kami naka-tyempo na may kasabay sa elevator at isa pa talaga sa mga pinsan ni Zeus. Na hindi rin naman kataka taka mangyari. Ang alam ko lahat silang member ng Special Section ay may kanya kanyang unit dito este buong floor pala mula sa 23rd floor na syang inuukupa ni Hermes hanggang sa 29th floor na syang inuukupa naman ni Zachary samantala si Zeus naman ang umuukupa ng 28th floor. Napakayaman naman kasi ng kanilang lolo malas nga lang sa pito nitong Anak e, isa lang ang naging anak nito na lalaki which is yung ama ni Zachary.

"What are you doing here?" biglang tanong dito ni Zeus.

"I just want to unwind," Simpleng sagot lang ni Zachary dito habang abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone kaya pasimple ko itong sinilip. Nakita kong si Psyche ang ka-text nito. Pasimple pang ngumingiti si Zachary dahil dito, sa totoo lang sa halos lagpas dalawang taon kong pag-aaral sa Consunji High ay ngayon ko lang ito nakitang ngumiti.

Napangiti ako iba talaga ang epekto pag-inlove ang isang tao.

Nawala ang ngiti ko ng bigla na lang tinakpan ni Zeus ng kamay nya ang buo kong mukha at hinila ako palapit sa kanya kung wala lang si Zachary dito e, baka nasigawan ko na ito. Sinaman ko na lang ito pero. binelatan lang ako nito.

Abnormal talaga daig pa ang tatlong taong gulang na bata. Lagot talaga 'to sa akin mamaya.

Maya-maya pa bumukas na ang elevator sa Parking lot kaya lumabas na kami. Nang makita kong nakasakay na si Zachary sa kanyang kotse ay saka ko pinaghahampas ng bag ko si Zeus.

"Stop it, Baichi!" Reklamo nito kaya tinigilan ko na ito at kaagad na pumasok sa kotse nya kaagad naman itong sumunod.

"Paano yan mukhang alam na ni Zachary na nakatira ako sa bahay mo? ikaw naman kasi di mo ako binaba kaagad," himutok ko dito nang tuluyan na itong makapasok sa loob. Tumingin ito sa gawi ko.

"What's the problem with that. Natatakot ka bang malaman ng crush mo na nakatira ka sa akin."

Hindi makapaniwalang napatingin ako dito dahil sa sinabi nito. Kailan ko pa naging crush si Zachary?

"Hindi ka magugustuhan nun ayaw nun sa nognog, pandak at laki sa hirap," Dugtong pa nito habang ini-start ang makina ng kanyang kotse. Sa inis ko dito ay sinabunutan ko ang dilaw nitong buhok.

"Sino naman sayong may sabing may crush ko yun?"

"Liar, I saw it Hera may pangiti ngiti ka pa dyang nalalaman habang nakatitig sa kanya."

"Sira. Tinatawanan ko yung palitan nila ng text message ni Psyche at wala akong crush na kahit kanino sa inyong magpipinsan." Depensa ko kaagad dito. Humalukipkip ako at tumingin sa bintana.

Wala na akong crush na kahit sino sa school. Nadala na ako. Sa isang simpleng paghanga kasi sa isang tao ay pwede mapunta love at kung mamalasin One-sided love ang bagsak mo. Siguro kaya Crush ang tawag doon, because that's how you feel when they don't feel the same way in return. Your crush can crash your heart.

Muli ay naalala ko ang mga katangahan at kadesperadahan ko noon sa lalaking masasabing kong una kong minahal. Halos lahat ginawa ko na para mapansin nya,nandoon yung ini-stalk ko sya school at sa mga social media account nya kahit na namamahalan ako sa 15 pesos per hour na pagrerenta ng computer sa computer shop ay sige pa rin ako. Muntik ko pa nga syang painumin ng gayuma. Nung minsang tumambay kasi ako sa may park ay may matandang babaeng umupo sa tabi ko at binigyan ako ng isang maliit na bote, Gayuma daw yun at ang lalaking iinom daw nun ay mapapa-ibig ko. Sa totoo lang tinanggap ko yun kaso habang nag-uusap kami ni Lola e, may dalawang staff ng nurse ng mental hospital ang lumapit sa amin.

Zeus ko po! Baliw pala si Lola.

I smiled bitterly halos tumagal din kasi ng isa't kalahating taon ang kabaliwan ko doon sa puppy love kong yun.

Isang araw nakita kong may babaeng dumalaw sa school na mukhang Dyosa para dalawin sya siguro ay Girlfriend nya yun naka-akla pa kasi ito sa braso nya habang naglalakad sila papuntang parking lot. Ilang gabi kong iniyakan yun nang malaman kong may girlfriend na sya siguro ay masyado akong umasa sa mga napapanood ko sa t.v na magkakagusto ang isang mamayamang lalaki sa isang mahirap na babae sabagay kahit mahirap yung mga babae sa mga palabas na napapanood ko e, magaganda at makikinis pa rin hindi kagaya ko nognog at pandak pa kaya imposibleng mapansin nya pero sadyang pasaway ang puso ko patuloy ko pa rin syang minahal mula sa malayo kahit na mukhang wala itong kaalam alam sa existence  ko at wala akong laban sa ganda at kinis ng girlfriend nya,

Pero sabi nga nila lahat ng bagay may hangganan. Saka lang ako sumuko noong makita ko na hindi pala s'ya nag-e-eefort na basahin man lang ang mga love letter na binibigay ko sa kanya araw -araw dahil pagkakita pa lang pala nya nun ay tinatapon nya na agad sa basurahan. Iniyakan ko yun ng bonggang bongga. Nakamove on na naman ako sa lalaking yun kaso yung paghanga na nararamdaman ko noon ay napalitan na ng inis at galit. Na-realize ko ring mukhang aso pala yung puppy love ko na yun.

Napukaw ako mula sa malalim kong pag-iisip nang bigla na lang pindutin ni Zeus ang ilong ko kaya naman inis na inis ko syang tinignan.

"Hey, what's your problem, Baichi?"

"Ikaw, ikaw ang problema ko na realize kong mukha kang aso," Pabalang kong sagot dito. Inirapan ko ito.

May sasabihin pa sana ito sa akin nang bigla na lang may nagsalita.

"Sir mamaya na po kayo mag- lovers quarrel ng girlfriend nyo. Ilang litro po ang ipapakarga nyo?" tanong nung gasoline boy. Hindi man lang tinama ni Zeus ang sinabi nung gasoline boy bagkus ay sinabi lang nito na magpapa-full tank sya dahil sa inis at inip ay napadako ang tinggin ko sa labas ng bintana sa sobrang pagre-reminisce ko ng masalimuot kong first love ay hindi ko na malayan na huminto na pala ang sasakyan ni Zeus sa isang gasoline station.

Maya-maya pa e, bigla na lang akong kinindatan nun gasoline boy na nasa tapat namin hindi kasi masyadong tinted ang sasakyan ni Zeus kaya inilipat ko ang tingin ko sa ibang bahagi hanggang sa nahagip ng paningin ko ang katabing sasakyan namin nakita kong nakasakay doon ang isa sa mga classmate ko parehong gulat na gulat kami ng makita ang isat isa kaya naman unti unti akong nagpadaosdos sa upuan ko para magtago dahil doon ay tinanong ako ni Zeus kung ano ang problema ko kaya sinabi ko na may nakakita sa akin pero ang walang hiya niloko lang ako hindi daw ako nakita nun dahil medyo tinted naman ang sasakyan nya at nognog ako kaya malamang nahirapan daw yung aninagin ako sa loob.

Iniripan ko na lang si Zeus dahil doon. Sarap hambalusin.

Zeus ko po! Sana nga hindi ako namukhaan nun. Nakakainis higit isang linggo pa lang ako kay Zeus pero muntikan na kaming mabisto. Una si Seth na kung hindi tinalunan bigla ni Nemo ng araw na yun e, baka nabisto na kami tapos ngayon naman yung classmate ko pang babae na may pagkamaldita at matapobre saka  alam kong may crush kay Zeus yun seh. Buti na nga lang yung si Zachary e, mukhang wala namang pake sa amin ni Zeus kay Psyche lang naman may pake yung lalakeng yun.

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
996K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
113K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...