The Pristine

Galing kay thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. Higit pa

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Dalawampu't Siyam

36.1K 722 142
Galing kay thesuchness

Habang nasa daan kami ay sumabay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ito ang nanaig sa buong byahe. Mas lalo ko lang naramdaman ang dagundong ng aking mga emosyon. 

Tumigil ang sasakyan ni Ram sa harapan ng aking apartment. Nagpasalamat ako rito bago bumaba, bago sugurin ang umaatikabong unos.

Sa ilalim ng ulan ay walang humpay ang pagtindig ng aking mga balahibo. Pinapasukan ng tubig-ulan ang aking mga mata kaya mas lalong hindi ko masusian ang kandado ng apartment. Nanginginig na ang aking mga kamay sa galit.

Napaawang ang aking bibig nang mayroong mga kamaong sumakop sa nanlalamig kong mga kamay. Hirap kong tiningala si Ram.

Kahit tumatama sa kaniyang katawan at mukha ang mga malalakas na patak ng ulan ay ebidente pa rin ang nananaig na emosyon sa kaniya. 

Nang hilahin niya ako pabalik sa kaniyang kotse ay wala akong nagawa. Nanlambot ang aking mga tuhod sa kaniyang paanyaya.

"Basa na ang car seat mo," puna ko.

"Nevermind that. You'll stay with me..." Pumikit ng mariin si Ram, kunot ang noo at nagdidikit ang makakapal na kilay. Napasuklay ito sa buhok.

Nanatili akong nagmamasid sa kaniya habang patungo na kami sa kaniyang bahay. Patuloy ang kaniyang paghingang malalim at dahil doon ay mas lumalapad pang lalo ang kaniyang dibdib. Matayog ang lakas ng intensidad sa kaniyang mga mata. Hindi man lang ito natinag sa lamig ng ulan.

Nang ito ang nagbalik ng tingin sa akin ay tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Ganoon na lamang kalakas ang lagabog sa aking dibdib. 

"You're cold," inis niyang saad at muling binalingan ng tingin ang daan.

Pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil hindi na niya ako tinitingnan ulit. Halos mapugto ang aking hininga sa panghihina dahil ako itong nakasulyap sa kaniya, at siya itong nakatingin sa iba.

Napamura ako sa aking isipan dahil ganoon kalakas ang epekto sa akin ni Ram. Ultimo kaniyang tingin ay hinahabol ko na kaagad.

Hindi iyon nakakabuti. Nagmamarka kaagad at nakakabaliw. Nakakawala ng kontrol.

Hindi rin kalaunan ay nakarating na kami sa kaniyang bahay. Sinenyasan ako nito na huwag muna akong bumaba. Bumaba ito at sinugod ang buhos ng ulan. Sinangga niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtaas ng braso sa mukha.

Pinanuod ko itong buksan ang gate ng garahe. Basang-basa ito nang pumasok muli upang ipasok na ang sasakyan.

"Si Kyen?" mahina kong sabi nang makapasok na sa kaniyang bahay. Walang nabago noong huli kong punta rito. Malinis at maayos pa rin. 

"She's clubbing," iling ni Ram habang tinatanggal ang sapatos. Dahil bukas ang lahat ng ilaw dito sa bahay ay kitang-kita ang bakat na bakat ang hubog ng kaniyang katawan. Ang bawat matitigas na haligi ay nadedepina sa basang t-shirt.

Tumahimik na lamang ako.

"Sit. Kukuha lang ako ng towels," aniya at mabilis na pumanhik sa itaas. Tumango ako rito kahit na hindi na niya nakikita pa.

Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang ginaw. Naupo na akong sofa at binaba ang bag sa aking paanan. Medyo basa iyon ngunit sigurado akong hindi pati ang loob. Dinampot ko ang cellphone nang makita iyon.

Mabilis kong dinutdot ang keypad. 

Ako:

Jaime. Nagkita kami ni Eamonn sa field at nagkaaberya sila ng kasama ko. Check him please. Lasing iyon.

Walang atubili kong pinadala ang mensahe. Ngayong umuulan ay mas lalo akong kinakabahan sa kalagayan ni Eamonn. Hanggang ngayon ay hirap pa ring magproseso ang aking utak dahil sa nangyari. Ayaw kong mag-isip ng masama tungkol sa kaniya dahil kaibigan ko siya. Sinusubukan kong kahit katiting ay huwag pagbintangan siya ng kung anu-ano.

Dinig ko ang mabibilis na yapak ni Ram galing sa itaas. May puting towel na sa balikat nito, at isang robe at towel na dala. Mabilis niyang binalot sa akin ang roba, at ang towel ay dinampi sa aking ulonan.

Habang nakaupo sa sofa ay tiningala ko si Ram na nasa pagitan ng aking mga hita. Dikit na dikit ang kaniyang mga kilay na para bang ang tanging atensyon lamang niya ay para tuyuin ang aking ulo. Ang kaniyang malalaking mga kamao ay pinipilit niyang maging magaan para sa aking ginhawa.

Gusto kong sabihin sa kaniya na sarili muna niya ang intindihin ngunit ngayong nasa ilalim ako ng kaniyang pangangalaga ay hindi ko magawang makapagsalita man lang.

Ang kaninang tensyon sa kaniya ay hindi pa rin nawawala. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang katawan at hindi ito nakatulong sa aking obserbasyon sa kaniya. Galit at nagtitimpi pa rin si Ram.

Dahan-dahan kong iniwas ang sarili sa kaniya. 

"Uuwi ako sa apartment ko..."

Bumaba ang kaniyang mapag-asikasong mga kamay. Binabaan niya ng tingin ang aking pagtingala sa kaniya. Napigil ko ang gusto ko pang sabihin nang maidirekta sa akin ang sidhi ng kaniyang pagtingin.

"Change first so we can have dinner. Ihahatid kita sa apartment mo mamaya."

Nanatili pa ring dikit ang kaniyang mga kilay kaya naman napalunok ako. Nanliliit ako sa kaniyang mga titig at kung paanong natatakpan ng kaniyang matikas na katawan ang akin. Dumausdos ang aking titig sa kaniyang mga balikat patungo sa dibdib nito bago nag-iwas ng tingin.

"Up to my room now, Chrissy. I'll ready our dinner while you shower..." Umatras si Ram at humalukipkip habang pinagmamasdan ako. Para akong nalulusaw. Para akong sinisilaban.

Naghintay ako ng iilang segundo dahil mukhang may gusto pa siyang sabihin. Hindi na nagsalita pa si Ram. Hindi ko na lang pinahalata at pumanhik na akong kwarto niya.

Kung ano ang naabutan ko rito noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Malinis at maayos ang kaniyang kwarto. Dark ang mga color schemes, ang furnitures at ang minimal na mga palamuti.

Pumasok na akong kaniyang malaking bathroom. Tinanggal ko ang basang mga damit at isa-isang sinampay sa hanger. Binuksan ko na ang shower atsaka tinantya ang init at lamig.

Puros panlalaki ang mga naririto sa banyo kaya wala akong choice kung hindi ang gamitin din ang mga iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakasailalim sa dausdos ng tubig at sabon.

Lumabas akong magkapareho na kami ng amoy ni Ram. Nakasukbit ang kaniyang towel sa aking katawan. Balak ko pa lamang na isuot ang mga damit ni Ram ay naabutan ko na itong nag-aayos ng mga damit sa ibabaw ng kama.

"You can wear mine while yours is drying up." Hindi nagtaas ng tingin si Ram sa akin at nanatiling nag-aayos ng aking mga susuotin.

Hindi ko alam ang aking gagawin habang nakatayo sa tabi ng pintuan ng banyo. Malakas pa rin ang buhos ng ulan ngunit mas malakas ang kalabog ng aking dibdib. Hinigpitan ko ang hawak sa towel na nakapalupot sa aking katawan.

"Bakit hindi ka pa nagpapalit?" Pinuna ko ang nakapatong pa rin na towel sa kaniyang mga balikat, ang tshirt ay medyo natuyo na ngunit ang pants ay basa pa rin.

"I'll change after you," mabilis niyang sagot at hindi pa rin ako nililingon.

Natahimik na lamang ako habang naririto pa rin sa aking pwesto. Nakayuko pa rin si Ram, nananatiling okupado, ngunit nagtatagis ang kaniyang panga. Dahil kami lang ang tao rito sa kwarto ay dinig na dinig ko kung gaano kalalim at kabilis ang kaniyang mga paghinga.

Ilang mga sandali ko ring pinagmamasdan si Ram, nag-iisip. Sumunod ang aking mga paa sa gusto ko at natagpuan ko ang sariling naglalakad patungo sa pwesto ni Ram. 

Napatigil ito sa ginagawa ngunit hindi pa rin ako nililingon. Bumaba ang aking tingin sa pagtigas ng kaniyang mga braso. Eksperimental ko itong hinawakan. Nagpakawala ng sunod-sunod na mura si Ram at pumikit ng mariin.

"Chrissy..." Naroon ang diskumpyadong pagbabanta sa kaniyang boses. Kinagat ko lamang ang labi. Sunod-sunod din ang lagabog sa aking puso.

Umakyat ang aking kamay sa kaniyang naninigas na balikat. Sinilip ko si Ram na kunot na kunot ang noo. Sobrang liit ng aking katawan kung ikukumpara rito. 

Hinawakan kong mabuti ang towel sa aking katawan bago tumingkayad. Inabot ko ang dalawang dulo ng towel na nakasukbit sa leeg ni Ram at unti-unting inilingon ang kaniyang mukha patungo sa akin. Sa paraang iyon ay naabot ko ang gilid lang ng kaniyang mga labi.

Ilang libong boltahe ang dumaloy sa aking katawan sa pagdampi pa lamang ng kaniyang mainit at malambot na labi sa akin. Magkasabay ang pagod at ginhawa na aking naramdaman habang patuloy na hinahalikan si Ram. 

Tumigil ako sa pagtingkayad pagkatapos kumalas sa halik. Gusto nang pumikit ng aking mga mata. Sasabog na ang mga pisngi ko sa dugong naipon doon. Isang kalabit na lang ni Ram ay baka mawala na ako sa katinuan.

"What the fuck was that, Chrissy..." mariing sabi ni Ram.

Hindi ko maipinta ang malubhang pagpipigil na nakaukit sa kaniyang gwapong mukha. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at ang pangang umiigting. Pilit niyang hinahabol ang paghinga at ang palad ay naging saradong kamao.

Hinang-hina kong tinapat ang bibig sa kaniyang tainga sa pagbulong ng mga kung ano. Umatras ako pagkatapos.

Iyon siguro ang gatilyo sa kaniyang nakagapos na kontrol sa sarili. Nakalas ang mga kadena ng kaniyang pagpipigil. Nang bumukas ang kaniyang mga mata ay gusto kong umatras muli sa umaapaw na init doon ngunit mabilis niya akong hinapit sa bewang.

Nag-umpisa ito sa isang mainit at masarap na halik. Napapatingkayad ako sa sarap ngunit tumuloy ito sa pagiging mapusok. Nawala na akong tuluyan sa katinuan at sa kahit anong pag-iisip. Ibang-iba kapag siya ang nangunguna sa halik. Para kong ikamamatay ngunit doon din ang silbi ng aking buhay.

Nanlambot ang aking mga tuhod at napakapit na lamang ako sa leeg ni Ram. Naramdaman ko kaagad ang dalawa nitong kamay na pinipigilan ang pagkahulog ng towel sa katawan ko. Sobrang higpit nito na para bang pinipigilan ang pagnanasang maglakbay sa aking katawan.

Hindi ko alam ang pakiramdam na ito. Marunong akong humalik ngunit hindi ako bihasa, hindi katulad ng nangyayari ngayon. Dinig na dinig ko ang kalabog ng aking puso at ang mga paghahabol ng hininga ni Ram. 

Nang hindi ko na kinaya ang mga halik nito ay napaluhod ako sa kaniyang carpet. Nakalas ang mga labi ni Ram sa akin at muntik na akong napaiyak. 

Tiningala ko ang kaniyang nag-aalab na mga mata. Naroon ang pwersang walang kasing-init. Lumapat ang kamay nito sa aking panga at ang isa ay sa aking balikat. 

Sa kawalan ng hininga ay dumukdok ako sa kamay nitong nasa panga ko. Naglakbay ang kaniyang isang kamay patungo sa aking bibig at ang hinlalaking daliri ay tinutok sa gilid ng aking labi. 

"Open..." Buhay na buhay ang pagliliyab sa mga mata ni Ram.

Napalunok ako. Sumunod ako sa kaniyang gusto at binukas ang aking bibig. Mas umapaw lamang ang init na bumabalot sa aking katawan. Ang kaniyang isang kamay ay naging gabay sa direksyon ng aking ulonan. 

Mabilis akong binuhat ni Ram at pinatayo. Muling bumalik ang kaniyang mainit na halik sa aking mga labi at ang hinapit ako sa bewang. Walang kahit anong espasyo ang makakaraan sa pagdidikit ng aming katawan. Gigil na gigil ang kaniyang mga kamay sa aking bewang habang patuloy akong tinutulak patungo sa kaniya.

"Fuck, you make me so hard..." galit ngunit mainit niyang bulong.

Wala itong dulot na tulong para sa umaatikabong apoy sa aking sistema na sa tingin ko ay lulusawin na akong buo. Hanggang sa aking kaloob-looban, hanggang wala ng matira pa sa akin.

Sa puntong tuluyan ko nang maisusuko ang sarili ay doon ko naramdaman ang pagbabago sa mga halik ni Ram. Mas naging mapusok ito ngunit bumawi kaagad ng pagiging mababaw. Bumabaw ito at gumaan ng paunti-unti.

Kahit hirap na hirap ay idinilat ko ang mga mata. Kumalas kaagad si Ram sa akin na tila ba ako mismo ang apoy na siyang papatay sa kaniya. Mabilis itong nagpaalam at nagmumurang lumabas ng kaniyang kwarto.

Naiwan akong mag-isa. Nanginginig at napupuno ng katanungan.

Holy shit, anong nangyari sa amin? Just...what...the hell...

Wala ako sa ulirat habang nagbibihis. Pulang-pula ang mga pisngi ko. Totoo ang aking mga hinala na sobrang bilis kapag si Ram na ang kasama ko, ang mga pangyayari, ang mga emosyon ko. Sobrang bilis. 

Hinayaan kong mangyari ang nangyari kanina, at ang mas malala pa ay alam ko sa sarili kong ako ang nag-initiate! Damn it! Holy fuck, anong sumanib sa akin kanina at nagawa ko iyon?

Maluwag ang tshirt at boxers na ipinahiram sa akin ni Ram ngunit wala naman akong magagawa. Nang bumaba ako ay naabutan ko kaagad si Ram sa kitchen. Nakatungo ito sa counter habang nagti-text, sa kaniyang likod ay ang nakahandang lamesa.

Napunta lahat ang dugo sa aking mga pisngi nang mag-angat ito ng tingin sa akin. Hindi ko matingnan si Ram. Umuulit-ulit lamang sa utak ko ang nangyari kanina. Ako. Siya. Ang aming mga labi, at mga kamay.

Oh my god.

"U-Uhhm, okay na 'ko. Ikaw naman ang maligo," nanginginig kong tikhim. Ayokong ipakita ngunit walang silbing itago ko na apektado pa rin ako.

"Okay. Saglit lang ako. You can sit..." Minuwestra ni Ram ang hapag bago ako linguning muli.

Ang kaniyang mga mata ay nanatiling tahimik at malamig ngunit ma-awtoridad. Katulad lamang ng dati. Ngunit nababasa ko rin doon ang bakas ng nangyari sa amin kanina. Inaalala niya at tila ba iyon lamang ang tumatakbo sa kaniyang isip hanggang ngayon.

Pinasadahan nito ng tingin ang aking suot at napatango sa kaniyang sarili. Nang pumanhik na siya sa itaas ay naiwan akong muli rito, kinagat-kagat ang pang-ibabang labi.

Binawi ko na lang ang atensyon sa kaharap kong pasta at buffalo wings. Rumorolyo sa aking balat ang pakiramdam ng kakulangan.

Sigurado akong nagsisisi na si Ram sa nangyari. Una, isa lamang akong waitress, at pangalawa, hindi papasa ang aking size at hitsura sa kaniyang mga taste sa babae.

Kung anu-ano na ang pumasok sa aking utak. Napaigtad ako nang mag-vibrate ang cellphone nitong naiwan sa ibabaw ng counter. Napuno kaagad ako ng kyuryusidad. Gusto kong silipin ngunit privacy iyon ni Ram.

Pero, anong oras na ba at may tumatawag pa sa kaniya? Sino kaya iyon?

"Chrissy..." Sakto ang pagbaba ni Ram.

Napaangat kaagad ako ng tingin sa kaniya.  Ang tumutulong buhok ni Ram ay pinupunasan niya ng towel. Nakasuot ito ng white shirt at gray na sweat pants. Napabasa ako kaagad ng mga labi.

"'Yung cellphone mo, nagvi-vibrate..." gulantang na sabi ko nang may tumawag muli sa kaniyang cellphone.

Kumunot kaagad ang noo ni Ram at natigil sa pagpupunas sa ulo. Tinungo nito ang cellphone na ayaw matahimik. Pinanunuod ko lamang siya nang i-off niya ang cellphone at pumikit ng mariin. Pansin ko ang pagbabago ng kaniyang mood. 

"Wala lang iyan. Let's eat?" aniya at nang ibukas ang mga mata ay naglaho na lahat ng iyon. 

Gusto kong itanong kung sino iyon at bakit hindi niya sinagot. Dis oras na ng gabi. Kung isa siyang importanteng tao ay bihira lamang ang tatawag sa kaniya ng ganitong oras, at kung mayroon ay emergency iyon.

Tumango na lamang ako, ayaw nang makita pa si Ram na ganoon. Napupuno ng hinagpis ang mukha at tila ba may humihigop sa kaniyang lakas. Ngunit, inaamin ko, nakakapagduda.

Tahimik ang naging dinner namin. Apektado pa rin ako sa nangyari sa amin kanina na sa simpleng pagsulyap sa akin ni Ram ay halos mabitiwan ko ang aking mga kubyertos. Tuwing titingnan niya ako ay pakiramdam ko, ako ang kaniyang kinakain at hindi ang mga pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay umamba na akong mag-uurong ngunit mabilis na kumilos si Ram. Inunahan na ako nito sa mga pinaggamitan kaya hindi na ako nakipagtalo pa.

Umupo na lang ako sa sofa ng living room. Binuksan ko ang kaniyang flatscreen para malibang habang nag-iintay. Mga ilang minutos din ay dinaluhan na ako ni Ram. 

Idinantay nito ang isang braso sa likuran ng kaniyang sofa at nanahimik. Nanaig lamang ang tunog ng tv sa pagitan naming dalawa, at ang kaniyang mga steady na paghinga. 

"Did I scare you earlier? I'm sorry..." Sinabayan ng kaniyang boses ang kahinaan ng tv.

Nilingon ko ito. Nakatingin ang kaniyang ngayong alertong mga mata sa akin. Like he might break when weighing my reaction gets too much, and like he's real guilty about what happened.

Alam kong ang tinutukoy ni Ram ay ang insidente kanina sa school dahil sa lakas ng intensidad ng pag-iingat sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na naniniwalang ang tinutukoy niya ay ang kaninang nangyari sa kaniyang kwarto.

Inalis ko kaagad iyon sa utak. Pinapaalala lamang sa akin ng utak ko iyon kung kailan hindi ko kailangan. 

"Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi mo iyon kasalanan, Ram..." matapat kong sabi sa kaniya.

Iniisip niya, na siya rin ay isa sa mga taong may kasalanan sa nangyari kanina? Hindi ba't siya ang nagsalba sa akin kanina? Masyado lamang akong nadala kaya naman wala na akong naikibo.

"You know in the first place that he feels like that towards you?" hirap magsalita si Ram.

"O-Oo." Sinalubong ko ng tingin sa pabago-bagong emosyon sa mga mata ni Ram. Dumarating ang mga ito na sobrang lakas ng bugso at naging mahirap para sa akin ang huminga. Its too intense, too overwhelming. 

"Shit! Alright...alright, I understand. I can totally understand," parang sarili nito ang kinakausap at hindi ako.

Hindi ko maiwas ang tingin kay Ram kahit na sobrang sikip ng aking dibdib. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang aking nararamdaman nang makitang nahihirapan si Ram. Nahihirapan nga ba talaga siya?

Ang alam ko lang ay ang makita siyang ganito - maraming emosyong dala at naguguluhan - ay masyado na para sa akin. Hindi siya ganito noon. Kontrolado niya ang lahat at hindi dahil sa isang waitress na kagaya ko ay magigiba ang kaniyang pagiging matayog.

Nilingon ako ni Ram gamit ang kaniyang mga matang tinutunaw ako. Gustong-gusto ko iyon. Gustong-gusto kong tinitingnan ako ni Ram na para bang ako ang isang bagay na hindi niya kayang intindihin, ngunit hindi niya rin kayang pakawalan.

"Are you feeling the same because---"

"Hindi! Kaibigan lang naman ang turing ko kay Eamonn simula pa noon. Hindi mutual ang pakiramdam namin sa isa't isa, Ram," mabilis kong paliwanag.

"Hindi mangyayari iyon. You two wouldn't have that mutual kind of feeling. As long as I'm here, nobody will. No man will ever lay his hands on you. While I'm here, they'd know their stand." Sinandal ni Ram ang likod sa sofa. Bumuntong hininga ito at pumikit na tila ba napapagod.

 He made it sound as if I was a treasure that he couldn't share with anybody. A single piece of a very valuable relic that the world isn't ready to see yet.   

Pinagmasdan ko ang mukha ni Ram at nang hindi natiis ay pinalandas ko ang palad sa kaniyang ebidenteng panga. Gumuhit ang ginhawa sa kaniyang mukha sa pagdampi ng aking palad. Kinagat ko ang labi.

Unti-unting dumilat si Ram at sumulyap sa akin.

"Hindi ako isang kayamanan na tinatago, Ram..." mapait akong ngumiti sa kaniya. Dahil malayo ako sa pagiging isang yaman. 

Nag-iisa ako sa mundo sa literal na paraan. Si Chrissy lang laban sa mundo. Si Chrissy na walang kasangga, palaging mag-isa at si Chrissy na palaging kinakain ng kaniyang kalungkutan.

"You're beyond any lovely treasure, my Cristina Valle Cajucom...only if you see your self-worth...only if you learn how, honey..." ani Ram at hinawakan ang aking pulsuhan. Pumintig ng mabilis ang aking puso, lalo na ng dalhin niya ako patungo sa kaniyang mainit na dibdib.

Pinakinggan ko na lamang ang pagtibok ng puso ni Ram. Ayaw kong pakinggan ang sinasabi niyang pagtanggap sa sarili dahil ano ang saysay noon kung kaliwa't kanan ay naroon ang mga taong binibigo ako?

Tumila na rin ang ulan pagkatapos ng ilang oras. Hinatid ako ni Ram sa apartment na suot pa rin ang kaniyang mga damit.  Ang bag kong dala ang kaniyang laptop ay iniwan ko na lang sa kaniyang bahay.

Nabigla na lamang akong nagising sa iilang mga pagtawag sa labas ng aking apartment. Kumaripas ako kaagad ng takbo patungong screen ngunit napanguso nang makita si Ate Yllana. 

Nakabalik na nga pala itong abroad. Fresh na fresh ang kaniyang itsura at ang walang kapantay na ganda ay mas lalong naging ebidente sa suot na peplum dress. Bago tuluyang lumabas ay nagpalit muna ako ng aking totoong damit dahil baka kung ano ang kaniyang isipin sa mga damit panlalaki.

"Hi, Chrissy! I missed you!" Kaagad itong yumakap sa akin. Naamoy ko kaagad ang kaniyang mamahaling pabango. Amoy siyang rose at jasmines na mamahalin din.

"Hello! Hindi mo naman sinabing bibisita ka ngayon mismo..."

Pinanuod ko siyang kuhanin ang mga paperbags mula sa kaniyang silver na kotse.  Bumigkis kaagad ang hiya sa akin nang iabot niya ang mga ito sa aking mga kamay. Sa brand pa lang ay nanlalaki na ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin  ang lahat ng iyan! 

"You're not answering your phone so I assumed that you're still sleeping. Which means, you are in. Hmm, ano kaya ang dahilan kung bakit ang himbing mong matulog? Is my little sis already doing it..." May kakaibang meaning ang halakhak ng aking kapatid.

Uminit kaagad ang aking pisngi. Wala...wala naman kaming ginawa ni Ram kagabi na...ganoon...pero...tsk! 

"Oh my god? You're blushing, huh! Sino siya..." 

Damn it, hindi ako tinigilan ni Ate Yllana hangga't marating namin ang loob ng aking maliit na apartment. Ang makita ang isang tulad niyang malinis at marangya sa loob nitong pipitsugin kong lugar ay nakakadismaya.

"U-Uhm, hindi ko siya boyfriend. Ate naman...wala akong ginawa..." Humalukipkip ako.

"Oh, not yet? Ang bagal, ha!" Napaisip ito. "Well, iyong fiancee ko rin. I don't know what he's up to. He's now out of town kaya, heto,  hindi ulit ako nasundo. He's kinda cold, but he's hot. He's so hot, Chrissy!" hagalpak niya.

Natawa naman ako. "Sino ba iyong fiancee mo? Hindi ko pa siya nakikita sa personal..."

"Let me see...he sort of doesn't like his name so..." Naputol ang sasabihin ni Ate Yllana nang mag-ring ang kaniyang phone na nakapatong lang sa lamesa.

Nabasa ko ang 'babe' doon bago niya sagutin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

222K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
69.4K 217 5
Shae Miramontes is a lady who values her private life, takes pride in her principles, is a loving daughter to her Dad and Step-Mom, is a cool sister...
9.1K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...
4.2K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...