I'm Inlove With My Stepsister...

By ReezeelSG

29.2K 594 23

Ako si Renneloppe S. Gallardo. 15 years old. Nag-aaral sa St. Anthony HighSchool. 3rd year HS. May mga kapat... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 3

2K 43 0
By ReezeelSG


Renneloppe

Nasa kwarto ako ni Ate ngayon. Ang gagawin ko lang sana ay ibigay ung damit na binili ni Claire pero bigla na lang chumika si Ate kaya nakipag chikahan na rin ako.

Ate: Tapos alam mo ba? Nakita ko ulit sa petshop ung aso na cute na gusto ko! Wala pa ring bumibili sa kanya!

Sabi niya habang inaalog ung balikat ko kaya nakasimangot na ko.

Ako: Bat di mo bilhin? May pera ka naman ah!

Bigla siyang tumigil sa pag alog sa balikat ko at tinakpan ung bibig gamit ang dalawang kamay tapos tumili. Kinikilig.

Ate: Kyaaaah! Gusto ko yung true love ko ung bibili sakin ng asong yun!

Ako: Tss. Alis na ko!

Ate: San ka punta?

Ako: Sa lugar na walang panget na katulad mo!

Nag make face siya kaya natawa ako. Sinara ko na ung pinto niya at pumunta sa kabilang kwarto. Kwarto ko.

*dingdong*dingdong*

May nag doorbell. Haha!

Bumababa ako sa hagdan tapos pumunta sa main door at binuksan ang pinto.

Ako: Oh? Kakauwi mo pa lang ah. Miss mo agad ako?

Natatawang sabi ko.

Claire: Uhh. H-haha. P-pwede bang.. Pwede bang makitira m-muna dito?

Ang weird ni Claire ah!

Ako: Huh? Bakit naman?

Claire: Uhm. S-sila mommy... Sila m-mommy umalis. W-wala akong kasama sa bahay. H-haha.

Ako: San nag punta?

Claire: N-nagbakasyon sila.

Ako: Haha. Ang sweet. Baka magkaroon ka ng kapatid ah.

Bigla na lang nawala ung halatang pilit na ngiti niya.

Claire: Oo nga. Baka nga.

Ako: Tara pasok ka.

Ngayon ko lang nahalata na may dala siyang maleta.

Malamang! Makikituloy nga siya eh.

Claire: Girl, baka mapatagal ako dito ah. Pwede ba?

Ako: Oo naman. Tara sa kwarto ko.

Claire: Sige.

Umakyat na kami. Pinagtulungan namin iakyat ung maleta niya. Ang bigat eh.

Claire: Nasan sila Tita?

Ako: Ah. Nasa kwarto nila.

Claire: Magpapaalam muna ako na dito muna ako mag sstay.

Ako: Mamaya na! May papakita ako sayo sa loob eh.

Pumasok na kami sa kwarto ko. Kinuha ko agad ung laptop ko.

Claire: Ano ba papakita mo?

Tumingin ako sakanya. Ngayon ko lang napansin na namumula ung pisnge niya. Ung tipong bakat ung kamay. Magkabila eh. Pero ung isa naman di masyadong bakat.

Ako: Hoy! Ano yang nasa mukha mo? Blush on na kamay?

Nagulat siya sa sinabi ko. Bigla niyang tinakpan pisnge niya tapos tumawa siya.

Claire: A-ano kaba? Uso y-yan no? Ha-ha.

Napakunot na lang ako ng noo sa inaasata niya.

Ako: Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa weird ah!

Claire: W-wala. Ano u-ung papakita mo sakin?

Tinitigan ko siya iniiwas niya naman ang tingin niya sakin.

Bumuntong hininga ako.

Ako: Hindi kita papansinin hangga't di mo sinasabi problema mo.

Tumayo ako at linapag ung laptop ko sa maliit na mesa ko tyaka lumabas.

CLAIRE


Hay. Nagalit yata sakin si Loppy. Nakakaasar kase eh!

Walang gana akong umupo sa kama niya.

I want you to stay never go away from you~ (Ringtone)

Tiningnan ko ung tumatawag.

Boyfie's Calling -- Accept x Reject

Inaccept ko ung call tapos tinapat ko sa tenga ung phone.

Mark: Hi Girlfie! Kamusta ka na? Miss na kita!

Ako: Hi Boyfie. Mabuti lang. Miss na din kita.

Mark: Oh? Bat ganyan boses mo Girlfie? May problema ba?

Ako: Huh? Wala ah. Namiss lang kita.

Mark: Claire...

Tsk. Seryoso na to. Baka magkagalit din kami ah!

Ako: Wala nga, Boyfie.

Narinig kong bumuntong hininga si Mark sa kabilang linya.

Mark: Claire. Kakabati lang natin nung isang linggo...

Ako: Mark, wala. Wala akong problema. Bat ba ayaw mong maniwala?

Medyo tumataas na ung boses ko.

Mark: Lagi ka na lang naglilihim sakin! Ganto din ung pinagawayan natin eh!

Ako: Wala nga lang yun--

Mark: Alam mo kung lagi na lang tayong ganito mas mabuti pang maghiwalay na tayo..

Seryoso at malamig niyang sabi kaya nagulat ako magsasalita sana ako kaso binaba niya na.

Hindi pwede to. Hindi yun totoo. Mahal niya ko eh.

Naramdaman kong may tubig ung pisnge ko pero di ko pinansin yun. Di to pwede.

Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko si Boyfie ko.

Bumaba agad ako tapos lumabas ng bahay. Pinuntahan ko agad ung kotse ko.

Pinasok ko na ung susi at binuksan tyaka ko pinaharurot. Di pwedeng maghiwalay kami.

Binilisan ko pa ung takbo ng kotse.

+++

Renneloppe

Lumabas ako ng kwarto ko kase medy nainis ako kay Claire. Nagsesekreto na siya e.

Nagmumuni muni lang ako sa sala ng makita ko si Claire na umiiyak tapos tumatakbo. Tatawagin ko dapat siya pero nakalabas na siya ng bahay.

Pumunta ako sa may pintuan at nakita ko siya na nagmamadaling buksan ung pinto naman ng kotse.

"Hoy, Claire!" Tawag ko pero di yata ako narinig kaya linakasan ko pa.

"HOY CLAIRE!" Nasa loob na siya ng kotse kaya siguro di na narinig ung super lakas kong tawag sakanya.

Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa sofa.

"Baka naman pupuntahan ang boyfie niya. Hahaha!" Naalala kong inis nga pala ako sakanya kaya tinigil ko ang pagtawa ko at kinuha ung magazine na nasa tabi ko.

Binaba ko ung magazine ko kase may naalala ako.

Ang naalala ko ay...

"Bakit siya umiiyak?"

Kinabahan ako bigla kaya kinuha kosa kwarto ko ung susi ng kotse ko.

Sana makita ko pa ung kotse niya!

Nagmamadali akong bumaba kaso may humarang, si Kuya. Kakarating lang.

"Hoy. Ang plate number ba ni Claire ay XAX ***?" Malamig na sabi ni Kuya. Grabe! Gusto ko na mag jacket!

Huh? Ano ba pinagsasabi ko? Kailangan kong mahabol si Claire.

Sa gilid ako dumaan kaya nakadaan ako pero maya maya lang ay humarang ulit si Kuya.

"Sagutin mo ko."

"Oo! Tumabi ka na nga dyan at hahabulin ko pa yun!" Sigaw ko.

"Bat mo naman hahabulin?" Sinigawan ko na nga to pachill chill pa rin siya.

"Kase nakita ko siyang umiiyak nung umalis siya! Ikaw? Bat mo natanong na yun yung plate number niya?"

"Kala ko kase namamalikmata lang ako kanina. Sasakay na dapat akong jeep pero may nakita akong pamilyar na kotseng kulay yellow na nakapark sa gilid ng kalsada. Para kasing may tinatawagan. Sinikap kong tingnan ung nasa loob dahil medyo madilim na. Di naman kase tinted yun kaya di ako masyadong nahirapan. Tapos biglang sumigaw ung driver ng jeep angsabi niya 'Hoy iho! Sasakay ka pa ba?' Kaya ayun." Mahabang kwento ni Kuya kaya napanganga ako.

"Seriously, Kuya? Kinwento mo pa yan? Kailangan ko ngang mahabol yung babaeng yun eh!"

"Anong sasakyan mo?"

"Kotse kooo! Pwede na ba kong umalis? Gosh." Sabi ko na umiirap irap pa.

"Ako magdadrive."

"What? No! Kaya nga bawal ka na magkotse dahil nabangga ka sa kabilisan ng takbo mo e!" Buti nga sugat lang ang naabot niya e.

"2 years ago na yun." Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ko. "Sasama na ko para mabilis mahanap yang Bestfriend mo. Tanga tanga ka pa naman pag may hinahanap." Iniwan niya ko dito sa kalagitnaan ng hagdan ng nakangiwi.

Tang tanga? Talaga? Tanga ba ko pag may hinahanap?

Aish. Bat ba kung ano anong iniisip ko?

Sumunod na ko kay Kuya.

Bubuksan ko na sana ung kotse kaso... NAWAWALA UNG SUSI KO!!

Hinanap ko sa baba ng kotse ko tyaka sa buong garahe pero wala pupunta na sana ako sa loob ng bahay pero hinarangan na naman ako ni Kuya.

"Ano ba?! Hinahanap ko ung--" Napatigil ako kase may tinaas siyang susi.

"Tekaa.. Susi ko yan ah! Pano mo nakuha yan?! Nasa kamay ko lang kanina eh!"

"Yan ang tinatawag na Hokage. Di mo namamalayan na may kinukuha na ko sa kamay mo. Tara na."

ANOOOO! ANO BANG PINAGSASABI NIYAA!

"Di ka pa ba sasakay?" Sabi ni Kuya habang nakadungaw sa bintana ng kotse ko.

Tumakbo na ko papunta sa pinto ng kotse ko katabi si Kuya.

Kailangan kong mahabol Bestfriend ko. Baka mamaya... Baka mamaya kung ano na ang nangyari sakanya. Wag nman sana.

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.2M 79K 165
Sml? An epistolary.
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
42.6K 888 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...