Friendshipidity (Chase #3)

By Starine

130K 4.1K 403

Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
​Chapter 35
Epilogue
Mae: Jealousy Stinks

Chapter 11

2.9K 114 3
By Starine

Chapter 11
Additional Damage

"Cake?"

Umiling ako.

"Juice?"

Tumingin ako sa kanya at muling umiling. Binalik ko ang tingin ko sa monitor at nag type.

"Ice cream? Chips? Choco—"

"Ayoko nga, Sien, diba!" hiyaw ko.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay, "Alright. Nagtatanong lang naman ako. Kanina ka pa nagre research dyan, hindi mo na nagagalaw ang pagkain mo."

"Hindi naman ako gutom." And I need to go home, ASAP.

"Come on!" Tumawa siya, "Ikaw? Hindi magutom. Oh, bite me!"

Masaya siya ngayon and he's the usual Sien right now. Sino ba ang hindi sasaya kung may bago kang nilalandi diba? Oh, wait. Let me rephrase that. Sino ang hindi sasaya sa bagong love interest. Is that any better, conscience?

"Sien, please. Manahimik ka na lang muna dyan kung ayaw mong masakal," mabait kong sabi.

"May sakit ka ba?" His tone suggested that he's indeed concern if I'm sick or not. Mabuti at binigyan niya ako ng ideya. I nodded. I am sick, aren't I? I am love-sick.

"Ihahatid na kita. Kami na ang tatapos nito. I'm done with my part, I'll do yours."

"Hindi na. Baka kung ano na namang hanapin mong kapalit kapag hindi ako gumawa."

Ngumiti siya, "You know me. Pero this time you are safe. Let's go, Mae. I need you alive when we do our testing."

"Fine!" Tumayo ako at dumiretso sa labas. Hindi ko na kailangan ng kaunting kaartehan na ibibigay niya ngayong araw.

Ilang araw ako nagdahilan na may sakit; be it sore throat, sinat, sakit sa puson, allergy, lahat na! It was to avoid the usual encounter with Sien. Tingin ko naman ay hindi niya na rin ako ganoong iniintindi kahit alam kong nahahalata na niya ang inaakto ko. And that's because he has another girl to invest his time into. And that's fine, I'm perfectly okay with it.

But then again, nothing's really perfect.

"Tingin niyo ba seryoso si Sien sa ginagawa niya ngayon? Hindi ko kasi maramdaman yung sincerity sa kanya," out of the blue na sabi ni Mariella.

"Maybe," sagot ni Aria. Jesca poked her sides. "Hey, what!"

"Show some support to our friend, duh!" Umikot pa ang kanyang mga mata. "Nah, I don't think he's serious."

"Yup!" Ten popped her P, "Plus, they're too young to get serious."

"Talaga? How about you and Jixen, then?" Nakangising tanong ni Elaine sa kaibigan.

"W-Well," napakagat si Ten sa kanyang labi, "oh come on! Si Sien ang topic natin dito, diba! Stop dragging the conversation to the rude lane, Elaine."

"If you guys are being evil, then I'll be the angel so here it goes: Stop talking about the relationships of others. Because trust me, it won't get you any," I preached. Wow.

"Edi ikaw na ang may relationship with your best friend... unrequited relationship," sabi ni Jesca sabay ang pag hagikhik ng mga kaibigan ko.

"Thank you for the loud reality check, my friend."

"You know you're always welcome."

When I'm stuck with them and we had nothing better to talk about they'd attack my current 'love' status over and over again. I'm not getting tired of it, in fact mas lalo lang akong naiinis sa katotohanan. I must be so stupid.

"Hindi mo na ako kinakamusta, best friend."

Lumapit siya sa kinauupuan ko. Immediately ay naglabas ako ng notebook at nagkunwaring nagsusulat.

"Okay ka naman baliw."

"Ouch," tumawa siya, "May baliw talaga?"

Hindi ako sumagot. Nagpanggap naman akong may buburahin na isinulat gamit ang correction tape.

"Okay." He whistled some sort of sound when things get awkward with people. You know that kind of whistle? Okay, that.

"I'll just give you another version of my previous statement, then. Hindi mo na kinakamusta ang research natin."

"Oh, I'm sorry. May gagawin na ba ako?" I asked sincerely.

"Wala, Mae. Sinabi ko lang para mapahaba ang conversation natin. Because frankly, Mae, we're always this: I ask a question and you answer, and if I don't ask another question you're just going to be quiet so I'm gonna have to ask another one," tuloy tuloy niyang sabi.

Napailing ako, "Okay, breathe."

"That's new. You spoke even though I did not ask you something."

Hinampas ko ang kanyang braso, "Edi 'wag magsalita!"

"No! No! That's good. Magsalita ka pa, bilis. I wanna hear more."

"Okay," huminga ako nang malalim, "I have two secrets to tell you."

Lumaki ang ngiti niya at wala akong nagawa kundi suklian iyon ng kasing lawak na ngiti.

"Una, nakakabwisit ka, Sien. At pangalawa, nakakabwisit iyong si Sien, kilala mo siya?" Tumawa ako at nawala ang kanyang ngiti. Maya maya ay umiling na siya at ngumiting muli.

"At least tumatawa ka ngayon. Let's go get ice cream? Gusto yata ni Marj ng Magnum. Samahan mo akong bumili. Ililibre na rin kita."

Napangiwi ako. "Ayoko ng ice cream."

"Okay. Usap na lang tayo mamaya."

Tumango ako nang hindi tumitingin sa kanya. It's bad enough that I'm stupid enough to feel this way, what more if he'll learn of my silly misery. Magugulo lalo.

I stayed mum towards Sien for almost a month now and I could say that it changed my relationship with him. Maybe this is better, but really at the back of my mind I was screaming I miss my best friend. Excluding the fact that I like him when he likes another girl.

Given that we were on different terms now, I assured and worked really hard to not affect our academics. We're still working together along with our group mates on our feasibility study.

"Mae, pinapasabi nga pala ni Sien na seven am ang call time bukas," Harvey told me.

"Ang aga naman. Akala ko ba eight ang dating ng driver?"

"Yup. But Tita Vivien invited us for breakfast. That's cool enough," tuwa niya pang dagdag.

"Ah, sige. I'll arrive there at seven-thirty."

"Pustahan hindi mo kayang kumain ng thirty minutes lang. Sa laki ba naman ng sikmura mo, Mae," tuwang tuwang biro ng magaling kong kaibigan.

"Har har," umirap ako, "I'm eating my breakfast at home. Sige na. I'll text na lang tomorrow."

"Alright, but you're missing the free good food tomorrow."

"I know." Pilit akong ngumiti.

I looked at the time at it said two am. Hindi pa rin ako makatulog nang mahimbing. I am in a shallow slumber, iyong tipong kaluskos lang ay nagigising na ako.

I settled into counting sheeps but I didn't have the picture of it so I'm left with nothing. I eventually got bored and slept. But when I woke up my body felt heavy. Oh, boy! Paniguradong tulog ako sa byahe nito. And oh, boy again! I am stuck with boys as my groupmates. Okay, so I'll just hope the goodness within them will prevail to leave me alone with my sleep later.

"Nasa labas na ang sasakyan. I call dibs on shotgun!" Nauna nang tumakbo si Lawrence palabas. Sumunod naman si Harvey na halatang makikipagtalo sa kaibigan.

Tahimik ang paligid nang maiwan ako kasama si Sien at Julian sa sala. Sumipol si Julian habang naglakad palabas ng bahay.

"Awkward," natatawa niyang pahabol.

I knew it was obvious to them. Hindi ko na nga lang inuusisa at lalong lalala. Mapapaisip pa ako.

"So," Sien cleared his throat, "Saan ang pwesto mo?"

"Kahit saan."

"Do you want the seat by the window?"

"I don't mind. As long as I can sleep."

Hahakbang na ako palabas nang magsalita pa siya. I gripped on the strap of my bag real hard.

"Ikukuha kita ng unan na malaki. You go out, I'll follow." Binigyan niya ako ng ngiti bago kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan.

Mabilis kaming nakarating sa testing center. Mabuti at magaan ang trapiko ngayong araw. Ang paghihintay sa resulta ng testing ay ang ikinatagal namin. We were asked to wait for four hours.

Kumain na muna kami ng lunch bago bumalik sa center para maghintay ulit. Wala kaming magagalaan sa vicinity kaya nakatengga kami sa waiting area.

"So, we'll have the results today. Asikasuhin na kaagad natin ang Chapter 4 para makapag conclude na tayo, at kung may revisions ay mareremedyuhan na kaagad," ma-awtoridad na anunsyo ni Sien.

"Dude, masyado kang masipag. Nakakaasar! Wala pa nga iyong result oh, ginagawa pa lang," pag reklamo ni Julian.

"Mahirap magasikaso ng final defense kung sasabay 'yon sa final exams. Ayokong magsunog pa ng kilay si Mae," tumawa pa siya.

Doon lang ako napatingin sa kanya. Ang mga kasama naman namin ay tinuunan ako ng pansin, siguro ay naghihintay kung may ire-react ba ako.

Ginawa ko ang usual kong expression sa kaibigan. Umirap ako ngunit nakangiti naman ngayon.

"Guys, nag text si Jayce. Nakuha na nila ang result sa testing nila, nagyayaya na mag overnight sa bahay nila so we can all work together," anunsyo ni Julian.

"Ayos! Slumber party," pabirong sabi ni Julian sa bading na tono.

"This means pillow fight, girls!" Segunda naman ni Harvey.

Nang makuha ang test results ay dumiretso kami sa byahe pauwi. Lahat naman ay pumayag sa gusto ni Jayce. Kahit ako ay napa-oo, dahil alam kong may babae sa kabilang grupo.

Dalawang set lang ng damit ang dinala ko dahil uuwi naman ako bukas bago pumasok sa school. Nagpahinga na rin ako sandali bago tumungo kina Jayce. Halos kumpleto na sila sa sala.

"Oh, ano ng movie?" maligayang tanong ni Lawrence. Binatuhan siya ng unan ni Sien na halatang seryoso. Ngunit nagtawanan lang ang barkada.

"Baka gusto mong i-kick ka ni leader, dude?" Tumawa si Harvey, "Diba chapter 4 na ang gagawin natin ngayon, leader? Ang bait ko diba?" Nagpabibo pa siya kay Sien.

"Harvey, Lawrence, Julian you all work on chapter four. Mae and I will work on five and everything else."

Habang nag gagawa kami ay puro sila tawanan. Puno ng katuwaan ang gabi dahil sa pagtatalo ni Jayce at Sien tungkol sa research at kahit sa simpleng bagay. Nasa tabi niya lang naman ako at tahimik na tumatawa.

Tumayo si Sien nang tawagin siya ni Marj. Nagpapatulong sa kusina sa paghahanda ng hapunan. Nanikip ang dibdib ko pero hindi ko na lang pinansin. Nasasanay na rin naman ako kaya wala na ito.

"Ngayong wala na 'yong dalawa, pwede na akong magtanong. Mae, hindi ka ba talaga nagkagusto kay Sien?"

Nagkagusto? Umiling ako.

"Hindi nga? Imposible! Sa tinginan niyo pa lang sa isa't isa, hindi ako maniniwalang walang nahulog," ani Harvey.

I gotta stop them before the two get back. Mahirap pa namang patigilin ng mga ito sa isyung ganito.

"Sien and I are just friends. Walang nahulog at walang mahuhulog." Tumawa ako. "Ano ba guys. Sien isn't good enough for me. Kung magkaka boyfriend na rin ako, I might as well pick a more suitable guy. And frankly, Sien did not even pass the requirements."

Napuno ang sala ng kanilang kantiyawan. It was all "Oohhs" and "Burns" to the absent Sien. Alam kong masyadong nakakapaso ang sinabi ko but it was needed for them to stop.

"Anong meron?" Siyang dating ni Marj.

Bumilis ang pag hinga ko at luminga para hanapin si Sien. Umupo si Marj sa tabi ni Jayce at nakipagkwentuhan na. Walang Sien na sumunod. Doon ako napanatag.

I gotta admit, kung maririnig ko ang sinabi ko kanina and it was about me ay hindi ko iyon magugustuhan. I don't want Sien to get offended. I'm ruining our friendship as it is, I don't want an additional damage.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...
731K 26.6K 35
Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tearing down those walls for anyone again. S...
6.6K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
422K 9.7K 54
Marami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibi...