Kwento ni Miguel (BoyxBoy)...

By erolko11

121K 8.2K 777

Pagmamahalang hindi nakikita sa itsura, Pagmamahalang hindi nakikita sa estado ng buhay, At Pagmamahalang mag... More

Prologue
KP 1
KP 2
KP 3
KP 4
KP 5
KP 6
KP 7
KP 8
KP 9
KP 10
KP 11
KP 12
KP 13
KP 14
KP 15
KP 16
KP 17
KP 18
KP 19
KP 21
KP 22-FINALE
Author's Note!
Epilogue

KP 20

3.6K 315 35
By erolko11

Phun's POV

"Nay, si miguel po?" Ang tanong ko kay nanay celia ng makarating ako sa kanila.

"Hindi ko rin nga alam sa batang yan kung saan siya pumupunta. Tuwing uuwi kase yan galing eskwelahan ay bigla bigla itong magpapaalam sa amin" ang sabi ni nanay celia.

Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil napapadalas na ang pag-uwi nito ng dis oras ng gabi. Alam ko yun dahil ilang beses ko na siyang naabutan dito sa bahay na wala ito, bagamat hindi naman nabawasan ang pagka-sweet nito sa akin ay hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanyang pagbabago. Kung tutuusin nga ay mas lalo pa ako nitong inaalagaan at minamahal ng sobra sobra.

"Ganun po ba nay?" ang dismayadong saad ko.

"Dito ka ba ulit matutulog anak?" Ang tanong ni nanay celia sa akin.

"Opo nay" ang sabi ko. Nagpatuloy lang si nanay celia sa pagwawalis.

"Pasensya kana anak ha, hindi ko na kase nagawa pang linisin ito kanina. Ang dami ko kasing nilabhang damit sa bahay ng amo ko" ang paghingi ni nanay ng paumanhin habang patuloy parin ito sa pagwawalis.

"Ok lang po yun nay, mga anong oras po kaya dadating si miguel?" Ang hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

"Hindi ko rin alam anak. Minsan nga ay dadating na yun tulog na kami" ang sabi pa nito. Nang matapos si nanay celia sa paglilinis ay nagpaalam ito sa akin na tatawagin niya daw muna si tatay fernan at baby mela para kumain.

Habang nakaupo ako sa sala ay hindi ko naman maiwasang tingnan ng paulit-ulit ang orasan ko. Mag-aalas syete na ng gabi ay hindi parin siya dumadating. Hindi ko naman maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Haixt!

"Tara na anak, sabay sabay na tayong kumain" ang tawag sa akin ni nanay celia ng makabalik ito.

Sumunod naman ako sa kanya sa kusina at sabay sabay naming pinagsaluhan ang hapunan. Kahit kinakausap nila ako ay tanging tango at ngiti lang ang itinutugon ko sa kanila bilang sagot. Lumilipad kase ang isipan ko. Hindi ako makapag focus, hindi ako mapakali. Mahal na mahal ko talaga si miguel kaya ako nagkakaganito.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong na ako kay nanay celia sa pagliligpit ng aming pinagkainan dahil wala rin naman akong gagawin ay minabuti ko na lang na tulungan ito kesa ang maghintay at mag-isip ng kung anu-anong bagay na hindi maganda.

Nang matapos kaming magligpit ay tiningnan ko ulit ang orasan, alas nyebe na ng gabi pero hindi pa rin siya dumadating. Nakaupo lang kaming dalawa ni nanay celia sa sofa habang kalong kalong nito ang tulog na tulog na si baby mela. Naisipan kase muna naming magkwentuhan habang hinihintay namin si miguel.

"Anak. I-aakyat ko na si bunso ha. Matulog ka na rin, alam kong inaantok kana. Wag kang mag-alala sa batang iyon.. baka mamaya andito na yun" ang sabi ni nanay celia. Tumayo ito habang kalong kalong si baby mela. "Mauna na ako sayo anak ha. Inaantok na rin kase ako" tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Nakaupo lang ako sa sofa habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko na rin mabilang kung ilang segundo, minuto o oras na akong nakatitig sa doon. Nagbabaka sakaling dadating siya.

Miguel nasaan kana ba? Miss na miss na kita.

Dahil sa pagod sa school at antok ay minabuti ko na lang na umakyat sa kwarto at doon intayin si miguel. Pagkapasok ko dito ay nakita ko ang bag nitong nakasabit sa pader na kahoy. Sinabit ko din doon ang bag ko sa katabing bag niya. Pagkatapos kong isabit ang bag ko ay lumapit ako sa durabox nito kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Kumuha ako ng isa at tinitigan ito. Miss na miss na talaga kita miguel. Niyakap ko ito at inamoy amoy.

Nang magsawa ako ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko parin binibitiwan ang damit nito. Niyakap ko lang ito bilang palatandaan na kasama ko siya. Lumingon ako sa higaan niya at hinimas ito.

Hay!

Huminga na ako ng malalim hanggang sa hindi ko na nakayan ang antok at nakatulog na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkakatulog ng maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Hinalikan niya ako sa noo. Hindi ko pinahalata sa kanya na gising ako. Dahil hinihintay ko pa ang sasabihin nito sa akin kung bakit siya late dahil iyon ang kadalasang ginagawa sa mga napapanuod at nababasa ko. Pero wala! Wala ni isa akong narinig mula sa kanya. Nahiga lang ito sa tabi ko at niyakap akong mahigpit. Maya maya pa ay narinig ko na ang kanyang paghilik. Doon na ako nagmulat ng mata. Nilingon ko ito at tinitiga siyang maigi.

"Miss na miss na kita miguel" ang mahinang bulong ko dito. Tumitig lang ako sa kisame at hinayaang tumulo ang luha ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mag-iisang linggo na pero ganoon parin ang ginagawa niya. Sabay parin naman kaming pumasok sa eskwelahan pero hindi ko maiwasang mangamba tuwing mag-uuwian.

Hindi naman nawawala ang pagiging sweetnito  at pagka-maalagain nito. Kung tutuusin nga ay araw araw niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal eh.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay sa tuwing uuwi ito galing eskwelahan ay bigla bigla nalang itong mawawala. Noong una ay kaya ko siyang intindihin at kelangan ko siya talagang intindihin dahil mahal ko siya, pero ngayon? Hindi ko na alam. Hindi ko na siya magawang intindihin. Tuwing tatanungin ko naman siya ay palagi niyang iniiba ang usapan.

"Sis, tulala ka na naman diyan. May problema ba?" Ang tanong sa akin ni leo habang Nakaupo kaming tatlo sa bench ng school play ground.

"Wala naman sis" ang tipid kong sagot.

Hindi na naman namin ngayon kasama si miguel dahil nagpaalam ito sa akin na pupunta daw siya sa faculty room para kausapin si maam. Importanteng importante daw. Hindi naman nito sinabi kung anong dahilan.

"Alam mo sis, sa tagal na nating magkakasama at malapit na rin tayong grumaduate eh ngayon mo pa kami lolokohin. Sige na! Share mo na yan" Ang sabi ni terry.

Oo, ok na kami ni terry. Humingi na rin ako ng tawad sa kanya dahil ako naman talaga ang unang umaway dito. Sinabi narin nito sa akin na nag-usap na daw sila ni miguel at kaibigan lang daw ang kaya nitong ibigay sa kanya. Inamin din niya sa akin na talaga daw namang kahanga hanga ang taglay nitong kabaitan na mahirap nang mahanap sa panahon ngayon. At kung magmamahal daw ulit siya ay hindi daw ito magdadalawang isip na magmahal ulit ng tulad ni miguel. Love is blind ika nga. Pero meron na daw ngayong nagpapakilig sa kanya.

"Hi girls" ang bati ni ronnie sa amin. Umupo ito sa tabi ni terry at inakbayan ito.

Teka! Bakit may ganun? Hmmm..

Btw, kinausap ko na rin siya patungkol sa amin. Noong una ay nasaktan ito at nagmakaawa sa akin pero wala talaga akong makapang pagmamahal sa kanya. Noon din lang ako nakakita ng isang sikat, gwapo at habulin ng babae na umiyak at nagmakaawa sa isang baklang tulad ko. Pero ipinaliwanag ko naman sa kanya na may mahal na ako at si miguel yun at naiintindihan naman daw niya.

Pareho silang broken hearted noon ni terry kaya dinamayan nila ang isa't-isa sa tulong ni leo. Lumipas ang mga araw at panahon na lagi na silang magkasama hanggang sa hindi na nila namalayang nahuhulog na pala sila sa isat-isa.

Hindi naman ako nagalit. Alam kong hindi niya kami tinuhog o ano. At saka hindi naman naging kami. Siguro ay ginawa lang kaming daan ni tadhana para makilala ko si miguel. Kaya i'm happy for both of them.

"Oh may problema ba?" Ang tanong ni ronnie sa amin.

"Eto kasing kaibigan natin. Kanina pa tulala. Malalim ang iniisip, hindi namin maabot" ang singit leo.

"Ano ba kasing problema mo sis. Sabihin mo na kase?" Pangungulit ni terry.

Huminga ako ng malalim at kinuwento sa kanila ang mga pagbabago ni miguel at ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.

"Wag ka munang maging advance sis. Masama sa isang relasyon ang ganyan" ang pangaral ni leo sa akin.

"Alam ko sis pero hindi ko maiwasan mag-isip ng kung anu-ano. Maloloka na ako" ang sabi ko.

Napatingin naman si ronnie sa akin.

"Mahal mo talaga si miguel noh?" Ang singit ni ronnie. Napatingin naman sa kanya si terry hahahaha selosa... Pero hinalikan lang nito si terry sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Wag kang mag-alala babe. Mahal na mahal kita at hinding hindi na kita papakawalan pa. Tandaan mo yan.. si phun? Kaibigan nalang ang tingin ko sa kanya" ang sabi pa ni ronnie. Bigla naman itong niyakap ni terry ng mahigpit. Wow, Ang sweet.

"Nakakainggit naman" ang nakangusong sabi ni leo.

Napayuko na lang ako.

"Oo.. mahal na mahal ko siya" ang mahinang bulong ko. " Mahal ko ng Sobra!"

Hanggang sa tumunog ang bell ay hindi na ito bumalik sa amin. Naabutan ko nalang ito na nasa loob na pala ng room. Humingi ito ng paumanhin sa akin na tinanggap ko naman. Sa mga nagdaang araw ay kapansin pansin sa itsura nito ang pangangayayat at pagka kulang sa tulog. Minsan nga ay bigla bigla nalang itong nakakatulog sa loob ng klase.

Nang matapos ang klase ay nagpaalam ulit ito sa akin na may pupuntahan daw siya. Araw ng biyernes ngayon. Sobra na akong naiinis sa kanya. Sa halip na magkasama kami ngayon dahil weekend bukas ay eto sya't mawawala na naman. Sa sobrang inis ko ay niyaya ko sina leo, terry at ronnie na magpalipas muna ng oras sa bayan bago kami umuwi. Gusto ko muna magpahangin. Naiisstress lang ako kakaisip.

Habang naglalakad lakad kami at nagtitingin tingin sa bayan ay hindi ko inaasahang mahahagip ng mga mata ko si miguel hindi kalayuan sa pwesto namin. Napahinto ako at tinitigan siyang maigi kung siya nga ba talaga iyon. Nang makompirma kong siya nga iyon ay lumapit ako ng konti para tingnan sila. May kausap itong babae, maganda, sexy at matangkad. Hindi ko tuloy maiwasang magselos.

Kaya pala! Kaya pala lage siyang nawawala tuwing hapon ay para makipagtagpo sa babaeng ito?. Ang bigat sa dibdib. Parang hindi na ako makahinga. Parang ilang segundo na lang ay papatak na ang luha ko.

"Sis ok kalang?" Ang nag-aalalang tanong nila sa akin. Tumango lang ako at niyaya na silang umuwi.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay namin ay hindi ko maiwasang umiyak. Hindi maproseso sa utak ko ang nakita ko. Ang sakit!

Tuwing biyernes ay nakasanayan ko nang matulog sa kanila pero ngayon. Parang hindi ko ata kaya. Parang hindi ko kakayanin. Nakahiga lang ako sa kama habang yakap yakap ang malaking unan. Ang tagal ko naring hindi natutulog dito sa amin dahil kay miguel. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Sana.. sana sa paggising ko bukas ay mawala na itong sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa abutin ako ng antok at makatulog.

Kinabukasan.

Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto ko. Wala akong ganang lumabas. Wala akong ganang kumain. Akala ko pagkatapos ng gabing iyon ay tapos narin ang sakit na nararamdaman ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas" ang sabi ni manang ng makapasok ito sa kwarto.

"Sabihin nyo po wala ako o Tulog pa. Kayo na pong bahalang magdahilan"

"Pero ang sabi po niya ay hindi daw po siya aalis hanggat hindi ka lumalabas"

"Sino po ba kase yun?" Ang naiinis kong tanong.

"Si miguel po" ang sabi ni manang. Pagkasabi niyang yun ay dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan siya. Nakita ko lang itong nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang malamig na turan ko sa kanya.

"Hinahanap kita kagabi pero hindi ka sa amin natulog, nag-alala tuloy ako sayo" Ang nag-aalalang sabi nito.

"Bakit? Anong gagawin ko dun? Nandoon kaba ha?" Ang sigaw ko sa kanya. Bigla naman itong napayuko.

"N-namiss lang kita" ang mahinang sabi nito. Natawa naman ako.

"Namiss? O baka naman may iba kang namimiss. Huwag mo nga akong lokohin miguel. Kitang kita kita" galit na sigaw ko dito.

"N-nakita?" Tila gulat na gulat siya.

"Wag na tayong maglokohan miguel. Kitang kita na ng dalawang mata ko na may kasama kang babae kahapon. Bakit ha? maganda ba siya? Sexy? Ano? Sabihin mo! Ang panget mo na nga! Manloloko ka pa!" Ang sigaw ko dito. Bakas sa mukha nito ang gulat. Hindi siya makatingin sa akin, hindi siya makapagsalita. Kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko.

"P-pasensya na" ang nakatungong sabi nito. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin saka ngumiti. "Pasensya na sa abala, phun, ano.. aalis na ako. Wag mong kalimutang kumain ha" nakangiting sabi nito.

Alam kong pinipigilan niyang umiyak. Alam kong nasaktan ko siya. Bakit miguel? Bakit pinipilit mong maging matapang?

Naiwan akong nakatulala hanggang sa makaalis ito. "S-sorry miguel" Ang bulong ko sa hangin. Maghapon akong Nagkulong sa kwarto ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo ako't nagbihis. Ayokong mawala siya. Mahal ko si miguel.

Nagpahatid ako kay manong sa bahay nila miguel upang kausapin ito. Nang makarating ako sa kanila ay hinanap ko ito agad.

"Nay si miguel po?" Ang tanong ko dito.

"Nandoon ata sa palayan anak. Hindi ko nga alam sa batang iyan. Ang lungkot lungkot niya kanina ng dumating siya dito" ang nag-aaalalang sabi ni nanay. "May problema ba kayo anak?"

"O-opo" ang nakatungong sabi ko. "S-sorry po nay. Hindi ko po sinasadya" ang umiiyak na sabi ko. Hinawakan lang nito ang mukha ko at pinunasan ang magkabilang pisnge ko.

"Tahan na anak. Mahal na mahal ka ni miguel, alam kong mapapatawad ka niha. Sige na, puntahan mo na siya doon" ang sabi ni nanay celia.

Tumango naman ako at naglakad patungo kung saan kami madalas tumatambay ni miguel. Tanging paghingang malalim lang ang ginagawa ko ng mga oras na yun.

Nang makarating ako sa palayan ay tinungo ko ang malaking puno ng mangga kung nasaan siya.

Habang naglalakad ako sa palayan ay para akong nanghina sa nakita ko. Biglang naglabasan lahat ng luha ko sa mata. Pinunasan ko ito gamit ang braso ko. Halos magkandarapa na ako paglapit sa kanya.

Kaya pala. Kaya pala madalas siyang umuuwi ng gabi. Kaya pala madalas siyang puyat. Kaya pala madalas siyang pagod ay para lang surpresahin ako.

Lumapit ako dito at niyakap siya ng mahigpit. Wala paring tigil ang pagtulo ang luha ko.

"S-sorry. Sorry miguel" ang umiiyak na bulong ko dito. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Tara upo tayo" ang nakangiting sabi nito. Inalalayan niya akong makaupo sa banig na nakatalag sa damuhan dito sa ilalim ng puno. Ang daming pagkaing nakahain.

"M-miguel?" Ang di makapaniwalang sabi ko. Pinagsandok niya ako ng kanin at ulam.

"P-para sayo yan phun. A-akala ko hindi kana makakapunta" ramdam ko ang panghihina sa boses niya.

"Alam mo pinag trabahuhan ko yan phun. Pinagpuyatan ko yan para sayo. Masarap yan phun tikman mo" ang nakangiting sabi nito. Nakatitig lang ako sa kanya habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Tumungo ito at pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang braso.

"Pasensya kana phun ha, kung ito lang ang nakayanan kong ibigay sayo. Wag kang mag-alala mas sisipagan ko pa ang pagtatrabaho para sayo" ang nakangiting sabi nito. Nanatili lang akong naatitig sa kanya. Sumandok ito ng kanin at ulam at sinubo sa akin.

"Pasensya kana rin ha. Hindi ko alam kung paano ito lutuin. Ngayon lang kase ako nakatikim ng mga ganitong pagkain. Madalas kase ay tuyo at noodles lang ang ulam namin" sabay tawa nito. Nakatitig parin ako sa kanya. Hinawakan ko naman ito sa kamay.

"Miguel. Hindi mo naman kelangan magtrabaho para lang dito eh. Ikaw lang masaya na ako" ang nakatitig na sabi ko dito. Suminghot ito at pinunasan ang luha niya.

"Ay teka!" Ang sabi nito at may kinuha siya sa bulsa. "Talikod ka dali" ang utos nito sa akin. Tumalikod naman ako.

Pumwesto siya sa likod ko at may sinuot sa akin.

"Ang mahal pala nito. Pero handa naman akong magpuyat para lang maibigay ko ito sayo " ang sabi niya habang ikinakabit sa leeg ko ang kwintas na silver. Hinawakan ko ito at tiningnan. Totoong silver siya. Humarap ako dito at hinalikan siya sa labi.

Tinitigan ko ito sa mata.

"S-salamat" ang sabi ko dito. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry sa mga sinabi ko.... Sorry miguel, hindi ko sinasadya. Mahal na mahal kita" ang naiiyak na sabi ko. hinalikan niya lang ako sa pisnge.

Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing hinanda nito. Lahat ng paborito ko ay pinaluto niya. Pakatapos naming kumain ay nanatili lang kami sa ilalim ng puno.

Nakahiga ako sa mga hita niya habang nakatingin siya sa magandang tanawin. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Ang sarap ng hangin. Ang sarap tumambay sa ilalim ng puno habang napapalibutan kayo ng napakalawak na palayan.

"Wag ka nang magselos doon sa babaeng nakita mo. Siya kase yung babaeng binilhan ko nitong kwintas. Nagkataon lang kasing sarado na ang tindahan nila kaya nagpumilit ako para mabili lang yan" ang pagkukwento nito habang nakangiti.

Nakatanaw parin siya sa malayo. Nakatitig parin ako sa kanya. Pumikit naman ako at dinama ang sariwang hangin sa piling niya.

Bigla ko nalang naramdaman na may mga tubig na pumapatak sa mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko upang tingnan kung saan ito ng galing ay nanggaling pala ito sa mata ni miguel. Kanina pa pala ito nakatitig sa akin. Bakit siya umiiyak?

"Mahal na mahal kita phun" ang sabi nito. Pinunasan ko naman ang luha niya.

"Wag na wag mo akong bibitawan miguel" ang sabi ko dito saka doon na bumuhos ang kanyang luha.

___________________________________________

Sorry guys sa late UD.

Sa totoo lang po ay mahirap magsulat kapag wala ka sa mood. Hindi mo malalagyan ng emosyon. But by the way.. malapit na po tayo sa ending.

Kaya naman. VOTE and COMMENT guys for inspiration.

At dun po sa gustong magflood votes. Thank you po nakakataba ng puso. At dun naman po sa mga silent readers ko salamat din. Uso po magparamdam. Hahaha..

Continue Reading

You'll Also Like

18.5K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
103K 3.2K 22
Isang fuccboi na halos walang pinipiling tao at lugar na papatusin. Llyod Villabilio ang kanyang pangalan. Isang Bitter na halos galit sa mga taong m...
120K 3K 56
Robin is a fool even though he knows that his wife is cheating on him and he accepts. **** Robin and Toni were happy together, but everything changed...
208K 6.9K 48
Hindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasa...