Paraisla III: Paruparo

By yukiirisu

21.6K 1.2K 646

๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #3 of Paraisla Trilogy - Ako'y gintong paruparo, naging itim. Humalik kay Kamatayan... More

- notice -
- 0 -
- 1 -
- i -
- 2 -
- ii -
- 3 -
- iii -
- 4 -
- iv -
- 5 -
- v -
- 6 -
- vi -
- 7 -
- vii -
- 8 -
- viii -
- 9 -
- ix -
- 10 -
- x -
- 11 -
- xi -
- 12 -
- xii -
- 13 -
- xiii -
- 14 -
- xiv -
- 15 -
- xv -
- 16 -
- xvi -
- 17 -
- xvii -
- 18 -
- xviii -
- xix -
- 20 -
- xx -
- epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- 19 -

561 27 47
By yukiirisu





✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥



"Ito ay araw ng inyong kalayaan. Maaari niyong gawin ang inyong nais."

Iyon ang anunsyo ng Pinunong Rowan sa lahat kaninang umaga. Sapagkat ito na ang huling araw-- ang huling araw na madadama namin ang kapayapaan. O sa iba, ang huling araw ng buhay nila. Hindi ko maiwasang malungkot. Sa mga kawal na tulad ko, ito ang huling pagkakataong magawa namin ang mga nais naming gawin.

Hinawi ng hangin ang mga puno. Nalaglag ang mga pulang dahon ng punong nasa taas namin ni Eufy. Maalaga kong inalis ang mga dahon na nalaglag sa kanyang buhok habang nakahiga siya sa mga hita ko at nagbabasa ng libro.

"Hindi ka pa ba nangangawit?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi."

Mapagmasdan lang kita ay sapat na. Kailangan kong makabisado ang mga detalye habang may oras pa.

Sinapo ng palad niya ang mukha ko. "Ano ba, nahihiya ako."

Nahuli ko ang palapulsuan niya. "Ayaw mong tingnan kita?"

"Ang tindi naman kasi ng pagtitig mo."

Tumawa ako. At tiningnan ang mga dalagang nasa damuhan din at nanunuod sa dagat sa ilalim ng bangin. "Kung ganon, ibang babae na lang ang-"

Agad niya akong pinaharap sa kanya gamit ng kamay. "Oo na nga eh."

Hinaplos ko ang gintong buhok niya. Nagseselos nanaman siya. Marunong pala siya magselos, huh? Pumikit si Eufy at tila nagugustuhan ang paghaplos sa kanya. Parang pusa lang. Saka ko malakas na pinitik ang kanyang noo. "Ah!"

Bumangon siya at galit na tumitig sa'kin. "Ba't mo ginawa iyon?"

Tiningnan ko ang aking daliri. "Um, gusto ko lang-- Ah!" Sinakal niya ako gamit ng braso. "Ah, Eufy!"

Pinakawalan niya ako at sumimangot. "Wag mo na ulit iyon gagawin! Lapastangan ka."

Tumawa ako at saka humiga naman sa mga hita niya. "Opo, Prinsesa." At namula ang mga pisngi niya. Inabot ko ang isa at pinisil. Napahagikgik ako-- ang lambot kasi. Kaya pinisil-pisil ko pa.

"Hoy, nakakarami ka na ah."

Binitawan ko at lumipat sa pagpisil sa ilalim ng kanyang leeg. May kaunti siyang taba doon. "Hehe."

"Yohan naman!" Pinalo niya ang kamay ko at natatawa na rin. Pinisil niya ang tagiliran ko ngunit hindi naman ako nakiliti. Kaya lumipat siya sa ilalim ng braso ko, doon sa parteng masakit kapag kinurot.

"Ow!" Napabawi ako ng kamay.

Ang sakit eh.

"Ayan, pisilin mo pa ako. Makikita mo."

At bigla na lamang gumalaw ang kamay ko. Kinuha ko ang kamay niya at dinala ito sa labi ko. Saka iyon hinalikan. "Ang bayolente mo naman. Nilalambing lang naman kita."

Umuwang ang kanyang bibig. "Aba't-"

Kulay mansanas na siya. Pulang-pula.

Bumangon ako.

At nilapit ang aking mukha sa kanya. "Huling araw na 'to." Kinagat ko ang aking labi. "Nais mo pa ring maging bayolente sa'kin?" Hindi siya nagsalita, nanlalaki lang ang mata sa'kin. "Sige, bahala ka. Gusto ko rin ng bayolente." Ngumisi ako.

Gamit ng isang kamay ay binaba ko ang libro na harang sa aming pagitan.

At hinalikan siya.

Maaaring ito na ang huli. Kaya pinili kong magtagal.

Pinili kong damhin ang bawat segundo.

Nang kumalas ako ay hindi ko inilayo ang mukha sa kanya. Nanatili iyong malapit sa labi niya at ramdam ko ang hininga niya sa aking balat.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hayaan mong ipaalala ko uli sa'yo. Mahal kita."

Tinitigan niya ako at saka ang mga dalagang nakatingin na sa amin ngayon. Kita kong napapasinghap sila para sa'min at natutuwang makita kaming magkasama.

"Pinagtitinginan na nila tayo," bulong ni Eufy.

"Hayaan mo sila," bulong ko rin at nilapat muli ang labi ko sa kanya.



✥-------------------✥-------------------✥

e a r l

✥-------------------✥-------------------✥


Nababalot ang paligid ng kay anong saya, inosente at totoo. Sinamahan ko si Lianne na maglakad-lakad sa hardin kung saan maraming mga tao ang nakaupo sa mga sementong pahingahan. Mga bata ay naghahabulan at nagtatawanan. May mga kawal na tumutugtog ng gitara. Mayroon ding mga magkasintahang magkayakap.

Ito ang nadadala ng papalapit na digmaan. Pinagbubuklod ang lahat sa isang kapayapaang alam mong hindi permanente.

"Tititigan mo na lang ba sila?" tanong ko kay Lianne habang nginunguso ang mga batang pilit inaabot ang saranggola nila sa fountain.

Humigpit ang kapit ni Lianne sa bestida. "Pero...baka matakot sila sa'kin."

"Sige na, lapitan mo na sila. Alam kong gustong-gusto mo silang tulungan."

Ngumiti ako sa kanya at huminga siya nang malalim saka lumapit. Sa isang eleganteng galaw, nakuha niya ang basang saranggola sa fountain at inabot sa mga bata.

"Prinsesa," pagbigay-galang nila.

Ngumiti si Lianne sa kanila. "Itaas niyo ang inyong ulo."

Kinuha ng bata ang saranggola at tila natatakot na tumingin kay Lianne. "Kamahalan, totoo bang ikaw ay isang Sinumpa?"

Tila nabato si Lianne at nag-alala ako para sa kanya. Tumango ito.

"Kung ganon," unti-unting ngumiti ang mga bata sa kanya. "Gagamitin mo ang kapangyarihan mo para talunin ang mga kalaban?" Kita ko ang gulat sa mukha ni Lianne. Hindi niya akalain na matatanggap siya ng mga batang ito. "Malakas ka po, diba? Matatalo mo sila, diba?"

Mapagmahal ang ngiti ni Lianne sa kanila. "Oo naman." Hinaplos niya ang mga ulo nila at lahat sila'y masayang tumakbo, bitbit na ang saranggola. Nilapitan ko si Lianne na masayang nakamasid sa kanila. "Kailangan nating manalo bukas," bulong niya. "Upang mabigyan ng magandang mundo ang mga katulad nila."

Sa mga sandaling iyon, nakatitig lamang ako sa maamo niyang mukha. Inisip ko na ang mga Sinumpang tulad niya ay marunong palang magmahal nang ganito. Kung gayon, bakit... Bakit sobra ko silang kinamuhian noon?

"Inanunsyo ko na ang dalawang Sinumpa kong kaibigan ang may kasalanan ng lahat. Kahit kalahati itong totoo, ginawa ko pa rin at pinatong ang lahat ng sisi sa kanila upang maiproklama lang na bayani ang mga traydor na tulad ng iyong ama."

Mukhang naiintindihan ko na ang rason ng Hari. Kung bakit siya naghiganti.

"Ang dalawang kaibigan ko ang totoong naagrabyado noon pero ano? Ang mga traydor ay hindi man lang natawag na traydor."

Ang mga Sinumpang pumatay sa aking ama... Siguro'y katulad din sila ni Lianne na nais lamang maprotektahan ang kanilang mga mahal. At gumawa ng mapayapang mundo.

Humakbang si Lianne tungo sa'kin ngunit sa basang mga bato ay nadulas siya. Agad akong gumalaw, mabilis pa sa hangin, at siya'y sinalo. Hapit siya sa mga bewang at nakatitig sa kanyang mga mata, tila ba naiintindihan ko na ang mga rason.

Rason, rason, rason.

Kung bakit humantong ang lahat ng mga bagay sa ganito.

Iyon pala ang magdadala sa'kin sa'yo.

"Knight," bulong niya. "Hindi mo ba ako maaaring saluhin?"

Rason kung bakit patuloy niya akong minamahal.

Rason kung bakit nakaramdam ako ng sakit sa maraming taon. Ito'y para makaramdam ako ng mas malaking saya. Mas malaki pa sa aking pagdurusa.

Lumipad ang mga kalapati sa paligid namin.




✥-------------------✥-------------------✥

a g a t h a

✥-------------------✥-------------------✥


"Kuya."

Muntik nang mag-unahan ang mga luha ko nang makita ko ang kanyang mukha. Nakangiti siyang nakaupo sa isang trono at mukha pa rin siyang isang prinsipe sa pagod niya. "Agatha. Pasensya na at ngayon ko lang napaunlakan ang tawag mo. Maluwag na kasi ang oras ko ngayong tapos na ang aming paghahanda."

Umiling ako. "Ayos lang iyon. Nauunawanan ko naman."

"Kung gayon, kamusta ka na? Nahihirapan ba ang kapatid ko dyan?" Tumawa si kuya Nicolo. "Isumbong mo lamang sa'kin ang mga heneral na sumusuway sa'yo."

Oh Kuya, kung alam mo lamang ang sakit na dinadamdam ng puso ko sa tuwing makakarating sa'kin ang utos mo mula sa kanila.

"Kuya, kailan ka ba babalik dito?" malungkot kong tanong.

"Aba syempre kung tapos na ang digmaan dito sa Timog!" masaya niyang sambit. "Hinahanap-hanap mo na ba ako? Wag kang mag-alala, bukas na ang araw na hinihintay ko." Kumabog ang aking puso sa takot. "Bukas na makakamit ang karangalan para sa Emperador."

Tumingin siya sa mga daliring ipinagkrus at may emosyong matutulad sa saya ang dumaan sa kanyang mukha.

"Bukas, makukuha na rin natin ang mga Islang nais tirhan ni Ina."

Matagal akong hindi nakapagsalita, tanging nakayuko lamang sa aking damit. Naalala ko noon, nung nabubuhay pa si Ina, haplos niya ang ulo naming dalawa ni Kuya.

"May kaharian sa Timog, mga islang kayganda at malayo mula rito sa emperyo. Nais kong tumira doon balang araw, kapag hindi na ako kailangan ng korte. . . Upang mamuhay nang tahimik at payapa." Tumingin siya kay Kuya Nicolo. "Balang araw, dadalhin ko kayo ni Agatha doon. Pangako."

Ngunit bago pa man iyon matupad. . . kinuha sa amin si Ina.

"Agatha? May problema ka ba?"

Napukaw muli ang atensyon ko sa screen, sa mukha ni Kuya.

Napaka-maalaga ng boses niya, tulad noong maliit pa lamang ako. Kung maaari lang itama ang lahat at ibalik ang oras, hindi kita hahayaang maging ganito kasama.

"Pakikinggan naman kita. Sige na, sabihin mo sa'kin ang bumabagabag sa'yo."

Kuya, itigil mo na ang digmaan.

Iyon ang nais kong sabihin. Nais na talagang kumawala sa dulo ng dila ko. Ngunit paano ko iyon maisasampal sa mukha ng kapatid ko gayong matagal na niya itong pinaghandaan at pinangarap? Magagawa ko bang saktan siya para lang sa nais kong mangyari?

Ngumiti ako at nabibiyak ang puso ko sa kada kurba ng labi ko.

"Wala," sagot ko. "Natatakot lamang ako para sa'yo bukas."

Lumamlam ang mga mata niya at naging isang mahinahong tingin. Pumikit siya at humawak sa kanyang dibdib. "Babalik ako sa tabi mo, Agatha. Pangako iyan. Kaya wag ka nang mag-alala para sa'kin. Magtatagumpay ako bukas at tulad ng pangako ni Ina, titira tayo sa mga Isla."

Humigpit ang kapit ko sa aking damit. "Siya nga."

"Ngayon, sumulat ka sa emperador at iparating ang aking pagbati."

Sa mga huling sandali bago tuluyang mawala ang mukha ni Kuya sa screen, naisip ko...Kung tinanong ko ba ang mga nais kong hilingin, may nagbago kaya sa tadhana niya?



✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥


Papalubog na ang araw.

Bago matapos ang lahat, kailangan ko munang gawin ang isang bagay. Pinapasok ako ng mga kawal sa silid ng Hari. May kakaibang amoy sa hangin-- amoy ng paglanta at sakit. Naabutan ko ang Hari na nakahiga sa kanyang kama habang napapalibutan ng mga lingkod. Yumuko ako. "Kamahalan."

Nagtaas ng kamay ang Hari. "Iwan niyo kami."

Nagsi-alisan ang mga lingkod. Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ay nag-angat ako ng tingin. Ngumiti ang Hari sa'kin. "Ano ang nagdala sa'yo rito?"

"Kamahalan, nais kong sabihin na sa inyo ang aking kahilingan bilang first class knight."

Tumaas ang kilay ng Hari. "Sabihin mo. Kapag nasasakop ng aking kapangyarihan ay aking ipatutupad."

Niyukom ko ang aking palad.

"Magmula pa lang noon ay nais ko nang gamitin ang kahilingang iyon para sa pagpapabuti ng mundo. Isang mundo kung saan wala nang mamamatay para sa isang mababaw na rason. Tahimik at payapa, walang takot para sa kanilang buhay..."

Napaliguan ako ng kahel na liwanag.

"Naniniwala akong hangga't may Sinumpa sa ating mundo, hindi mawawala ang kahit katiting na takot sa puso ng mga tao."

"Kung gayon, ano ang iyong kahilingan?" tahimik na tanong ng Hari.

May tiwala sa kanyang mga mata ngunit alam kong hindi niya magugustuhan ang aking hiling. Pero ito ang nararapat. Ito ang sakripisyong kailangan nilang gawin para sa kabayaran ng mga nasirang buhay.

At handa akong samahan sila sa sakripisyong iyon.

"Ang hiling ko ay..."




✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Noong gabi ring iyon, nagkaroon ng isang salo-salo sa Aeolus. Napapalamutian ang arena at hardin ng mga watawat ng Meriga at ang bawat kulay ng mga Isla. Puno ang paligid ng mga pagkain at musika at tawanan. Ang mga estudyanteng kawal na maagang nagsilbi para sa digmaan ay binigyan na ng mga diploma at medalya sa kanilang 'pagtatapos'. Ang ilang Venaian ay naghanda ng maliit na presentasyon. Lahat ng ito-- isang selebrasyon bago ang madilim na kahaharaping digmaan bukas.

Ngunit limot muna ang mga takot. Ngayong gabi ay pagsasaya.

Sa entablado sa arena, nakahanda na ang piano na tutugtugin ni Lianne at ang mikropono sa aking pagkanta. Sa likod ng mga kurtina, nakatayo kaming dalawa na kinakabahan. "Bakit ba natatakot ako ngayong nag-ensayo naman tayo para sa gabing ito?" tanong ni Lianne, hawak ang dibdib.

Ako'y natawa. "Marahil ay matagal ka nang hindi tumutugtog para sa iba. Hindi ba't ang Hari lang ang tinutugtugan mo noon?"

Daan-daang mga ala-ala ang sumilip sa kanyang mata. "Oo nga." Pinisil niya ang kamay ko. "Basta't kasama kita, alam kong magiging mas maganda ang pyesa."

Naalala ko si Stella, at ang mga panahon na tumutugtog siya habang ako ang umaawit. Sa mga panahong iyon, si Stella ang lahat ng pinangarap ko bilang kapatid. Ngunit ngayon-

Hinaplos ko ang pisngi ni Lianne. "Iyon ay dahil magaling rin ang aking kapatid."

Bakit nasayang ang maraming taon sa pagka-inggit kung kaya naman naming mahalin nang ganito ang isa't-isa?

Tumango siya at ngumiti nang matamis tulad noong magkasundo pa kami at maliliit pa lamang. Hawak kamay kaming lumabas sa entablado nang kami'y tinawag at pumwesto na sa sarili-sariling posisyon. Tiningnan ko siya at nagbigay siya ng hudyat. At nagsimula na ang isang tugtuging parehong masaya at malungkot mula sa piano. Kumanta ako.


Saan, o saan ka nagkukubli?

Ikaw na aking tinatangi

Paglingap mong makasalanan

nais kong madamang muli


Nabalot ng katahimikan ang buong arena, lahat ng mga mata'y nasa amin. Dahil walang makapaniwala sa aming pyesang napili.


Oras ay lalakbayin

Hininga'y pipigilin

Kung sa dulo ng daang ito'y

Anino mo ang masisilip


Sabi ng iba'y kanta ito ng dalawang mag-irog na pinaglayo. Sabi naman ng iba'y isa itong kantang tungkol sa paruparong nakawala kay Kamatayan at ang matinding lungkot nito sa kanilang paghihiwalay. Nilakasan ko pa ang aking boses. Dahil kalahating totoo iyon. Ang kantang ito ay...

Bumilis pa ang mga nota sa piano at naglalaro ang mga daliri ni Lianne dito. Isa nang naghihinagpis na melodiya ang bumabalot sa hangin.


O kay hirap naman ng mag-isa

Hindi mo ba alam sa'yo ako nagmula?

Ngayon ako'y kunin mo na

Tigilan na itong pagdurusa


Sabi nila, ang kantang ito ay tungkol sa mga pinaglayo at pinagtagpong muli. O di kaya'y kanta ng pag-asa at pag-ibig. Ngunit mali sila. Ang kantang ito ay... Kanta ng isang taong nais mamatay.

Patapos na ang pyesa at kalmado na ang mga pagtipa ni Lianne sa piano. Ako'y pumikit at dinama ang mga huling salita ng awit.


At sa aking paghimlay

nakita ko ang mukhang maamo

Paggising ko'y narito ka na

sa piling ko


Natapos ang kanta sa mga huling nota sa piano. At nang itaas ni Lianne ang kamay ay nagkaroon ng palakpakan sa mga tao. Ngumiti ako kay Lianne-isang malungkot na kurba ngunit matagal ko nang pinangarap ang sandaling ito na maging maluwag ang loob namin sa isa't-isa. Kaya iniling ko ang lungkot at takot para bukas, nilapitan siya at pareho kaming nagbaba ng ulo para sa mga tao.



✥-------------------✥-------------------✥



Oras na para sa pagsisindi ng mga kandilang palulutangin sa dagat at lamparang paliliparin sa hangin. Ito ay maagang pagbigay respeto at pugay sa mga mamamatay at namatay. Kandila ang aking bitbit at lampara naman ang kay Lianne at sabay kaming pumunta sa baybayin kung saan ang iba'y nagpapalutang na rin ng kanila.

"Kayganda," hinga ni Lianne. "Tila mga alitaptap na lumabasa para sa gabi."

"Mm. Ganitong-ganito ang ganda sa tuwing inaalala ng palasyo ang iyong Ina," sagot ko at nakita ko ang pagkabato niya. Hindi nga pala siya sumasama sa selebrasyong iyon. Parehas kaming umupo sa buhangin.

"Eufy," bulong niya habang nagsisindi ng lamparang papel. "Alam mo ba? Nagsisindi ako ng kandila sa loob ng silid ko sa aking kaarawan."

Tumingin ako sa kanya at nakita ang malungkot niyang mukha.

"Matagal ko nang pinapagalitan ang sarili ko. Ayokong alalahanin ang aking Ina na aking pinatay. Ngunit," nabiyak ang kanyang boses. "Nagsisindi pa rin ako ng kandila para sa kanya kahit akala ng lahat ay hindi ko siya inaaalala."

"Oh, Lianne-" Hinila ko siya at niyakap ng isang braso. "Wala kang dapat ikahiya. Mahal mo ang iyong Ina at kahit hindi iyon alam ng lahat, ang mahalaga ay alam mo sa sarili mong mahal mo siya."

"Ngunit ako ang dahilan ng kamatayan niya!" iyak niya. "Dahil sa'kin kaya siya namatay. At hanggang ngayon, galit ako sa kanya dahil pinili niya pa ako kesa sa sarili niya. At hanggang kamatayan kong dadalhin iyon-- na ako ang may kasalanan--"

"Lianne," diin ko. "Tingnan mo sila." Tinuro ko ang mga kawal at mga taong nasa baybayin din at taimtim na nagdadasal kasabay ng pag-alon ng kanilang mga kandila. "Naiisip mo ba kung bakit sila handang lumaban bukas?"

Tumulo ang mga luha niya.

"Dahil may mga mahal silang nais protektahan," maalaga kong bulong. "Tulad ng iyong Ina, mahal ka niya kaya nakahanda siyang mamatay para sa'yo."

"Pero..."

"Walang pero sa pagmamahal ng Reyna sa'yo." Ngumiti ako. "Kaya tama na, Lianne. Masyado nang matagal ang kalungkutan sa puso mo. Palayain mo na ang lahat at patawarin na ang sarili mo."

Tumingin siya sa kandila na hawak ko at tila malalim ang iniisip. Di nagtagal ay pumikit siya at ibinigay ko sa kanya ang kandila. "Palalayain ko na," bulong niya at maingat na ipinalutang ito sa tubig-ang unang beses na ginawa niya para sa kanyang Ina. Ngumiti ako at pinanood ang mga luha niyang tumulo.

At tinangay ng dagat ang kandila tungo sa puso nito kasama ng iba pang mga kandila, ang kanilang mga liwanag ay kumikinang. Kinuha ko ang kamay ng aking kapatid at ipinatong sa aming mga kamay ang lampara.

"At ito, pinapalaya na natin ang nakaraang mapait." sabi ko.

Ngumiti siya at tumango. "Kapatid ko."

"Kapatid ko."

At sabay naming pinalipad ang lampara. Doon, sa malamig na gabi sa baybayin, nakatayo kami at magkahawak kamay na pinanood ang daan-daang mga liwanag sa dagat at hangin, umusal ng tahimik na dasal at naramdaman ang kapayapaan bago sumapit ang bagyo.



✥-------------------✥-------------------✥


Tuloy pa rin ang aming kwentuhan ni Lianne nang ihatid ko siya sa kanyang silid. At ako ang unang nakapansin sa pigurang nakasandal sa kanyang pintuan. "Earl," bati ni Lianne. "Ba't ka narito?"

Malugod na ngumiti ang binata sa aming dalawa. "Sinigurado ko lang na nasa kwarto ka na." Hindi nakatakas sa'kin ang pagmula ng pisngi ni Lianne.

"H-Hindi naman na ako bata 'no!" pagpeke ng simangot ng aking kapatid.

Ngumiti ako nang lihim at pinanood ang pagpasok ni Lianne sa kanyang kwarto. Naiwan kami ni Earl sa pasilyo at hindi ko naman alam ang aking gagawin. Mabuti na lang at siya na ang unang nagsalita. "Galing kayo sa baybayin?"

"Ah, oo." Nagpiga ako ng mga kamay. "Ikaw, sa'n ka galing?"

"Kasama ko si Yohan. Sinigurado naming ayos na ang lahat ng depensa para bukas." Pagkatapos nun ay binalot kami ng katahimikan. Sa tagal na hindi kami nag-usap ay hindi ko na alam kung paano pa siya kakausapin. Kung siya pa ba ang dating Earl na aking kababata at kaibigan.

"Masaya akong ayos na kayo ni Lianne," sabi niya.

"Mm. Ako din. Masaya akong ayos na kayo ni Yohan."

Tumingin siya sa sahig. "Eufy, gusto mo ba siya?"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Bakit... Bakit niya tinatanong sa'kin 'to? Ayoko nang maging mas kumplikado pa ang mga bagay. Ngunit nang magtaas ng tingin si Earl sa'kin ay walang iba doon kundi paghingi ng tawad.

"Gusto mo siya, hindi ba?" mahinahon niyang sabi. "Nandun siya sa tabi mo noong wala ako. At kasalanan ko kung bakit humantong tayo sa ganito." Bumuka ang aking bibig para magsalita. Hindi lang ikaw ang may kasalanan, Earl. Ako rin- "Hindi kita kayang ipaglaban noong mga panahong kinailangan mo ako. At sana mapatawad mo ako."

Ngumiti siya nang malungkot-- napakalungkot. Nakita ko ang dating Earl na kilala ko sa sandaling iyon. At nangilid ang mga luha ko.

"Tanggap ko nang hindi na natin maibabalik ang dati. Pero sana... Sana hayaan mo akong maging kaibigan mong muli," pakiusap niya sa mahinang boses. Nanginginig ang mga kamay niya at hindi ko napigilang hawakan ang mga iyon.

"Oo naman," iyak ko. "Gusto kitang maging kaibigan muli."

Hinanap niya ang aking mga mata at tuluyang lumapad ang kanyang ngiti. Pinunasan niya ang mga luha at tumango saka ipinatong ang palad sa tuktok ng aking ulo, gaya ng ginagawa niya noon.

"Kung gayon, salamat ng marami Eufy." bulong niya.

At nauna nang maglakad. Hinarap ko ang lumalayong pigura niya at di ko maiwasang maluha sa saya. Sa wakas ay nagkaroon na rin ng kapayapaan sa pagitan namin. Sa wakas ay napalaya na rin ang hinanakit at nagkaayos na.

"Salamat din sa'yo, Earl."



✥-------------------✥-------------------✥

e a r l

✥-------------------✥-------------------✥


Alam kong hindi na natin maibabalik ang dati, Eufy.

Sinira ko na ang lahat. Tama si Lianne, dapat ay nagtiwala ako sa'yo. Ngunit hindi na tamang magpatuloy tayo bilang mga estranghero habambuhay. Mahalaga ka pa rin sa'kin at hindi iyon magbabago. Para sa'kin, isa ka pa ring pamilya.

At naiintindihan kong wala na sa'kin ang puso mo.

Kaya tama, may isang taong makakapagbigay ng pagmamahal sa'yo na higit pa sa kaya ko. Ipapaubaya na kita sa kanya.

"Alagaan mo siya," bulong ko sa hangin.

Darating ang panahong maghihilom din ako. At matutunang mahalin ang taong handa akong mahalin.




✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Mabilis na naglaho ang kapayapaang nadama ko kagabi nang ako'y gumising. Sa labas ng aking bintana, rinig ko na ang takbuhan ng mga naghahandang kawal, pati na ang ingay ng mga sasakyang papaalis. Hindi ako nagtagal sa tub, at madali akong nagsuot ng pandigma para makaalis na.

"Pagpalain kayo at ingatan ng mga anghel," sabi ni Tiya Ninette bago sila umalis ni Kiel tungo sa mga ligtas na kampo sa malayong parte ng Rena.

"Mag-iingat din po kayo," sagot ko. At tuluyan na silang pinasakay sa mga sasakyan. Huminga ako nang malalim at tumungo sa isang taong hindi ko pa nakikita mula kagabi.

Si Yohan.

Nakabihis na siya ng pandigma nang pumasok ako sa kanyang silid. At bigla na lamang pinisil ng sakit ang aking puso-- Totoo ang lahat. Totoo ngang talaga ang digmaan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya, nagsisintas ng bota.

"Nais kitang makita bago tayo tuluyang maghiwalay ng direksyon," sagot ko, hindi alam ang gagawin sa sarili. Nais ko siyang lapitan at hawakan ngunit-

"Hindi na kailangan. Makikita mo naman ako sa mga camera mamaya," ayaw niya akong tingnan. At nasasaktan ako. "Kailangan ka na doon. Baka hinihintay ka na nila."

At ako? Hindi mo ba ako kailangan? Kahit konting sandali?

"May..." panimula ko. "May nais lang akong sabihin sa'yo-"

"Nasa gitna tayo ng digmaan," putol niya.

"Wala pa ang digmaan dito," diin ko. Lumapit ako sa kanya upang itali ang lilang laso sa kanyang kwelyo. Lumunok siya, senyales ng kaba sa aking malapit na distansya. "Alam kong natatakot ka," bulong ko. "Ako rin ay natatakot. Ngunit bakit pa, gayong magkikita naman tayong muli diba?"

Hindi siya sumagot agad. "Kaya nga wag ka nang magpaalam. Mas dadali ang lahat kapag ganun." Ngunit mabilis siyang umiling na tila kinakalaban ang sarili at biglang kinuha ang mga pisngi ko. "Alam mong handa na akong mamatay nung wala ka pa dito. Ngunit ngayon-"

Naiiyak ako.

"Ngayong nakita kitang muli, gusto kong maging makasarili at mabuhay-"

"Kung gayon, mabuhay ka!" sigaw ko. "Para sa'kin, mabuhay ka."

Binitawan niya ako at dumukot ng isang bagay sa kanyang pantalon. Nang iabot niya sa'kin ang hawak niya, isa pala iyong litrato. Litrato noong maliit pa siya.

"Ibinigay sa akin iyan ni Tiya Ninette kagabi," sabi niya. "Ngayon sa'yo na."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko mula sa litrato at kay Yohan. Pinagkumpara ang ngiti ng batang may dalawang malaking ngipin sa harapan at ang simangot ng lalaking nasa harap ko. Lumiwanag ang buong mundo ko-- bahaghari at init ng araw at bilyong mga bituin. Napakalambot niyang tingnan sa litrato. Napakaganda ng kanyang kamusmusan.

Hinawakan ko ang braso ni Yohan. Halos mapaatras siya sa koneksyon.

Paanong ang malambot na batang nasa litrato'y lumaki sa isang matigas na binata? Nararamdaman ko ang pagkabato ng balikat niya, halos baybayin ng aking hintuturo ang mga ugat sa kanyang braso pababa... sa kanyang kamay na magaspang.

Tinitigan ko ang litrato. Wala na ang batang ito. Napalitan na ng isang matapang at handang makipaglaban na bersyon niya. Matalas at hubog ang lahat ng anggulo.

Ngunit ngayon, nang hawakan ng aking kamay ang pisngi ni Yohan, nakikita ko ang multo ng batang iyon. Malambot ang mga linya, maamo at nais mong haplusin. Hinanap ng mga mata niya ang mata ko at doon, sa mga mata niyang kulay ginto, nahanap ko ang dalawang salita.

Mahal kita-

Nagpupumilit ang mga salitang iyon sa aking lalamunan ngunit hindi ko dapat ilabas. Masyado pang maaga para makumpirma ang bagay na iyon. Hindi pa rin tamang oras para sabihin ko iyon. Pero habang nakakulong ako sa titig niya, natanong ko ang sarili ko. Kung hindi ngayon, kailan?

Kailan pa ngayong pareho kaming hindi siguradong makakabalik nang ligtas?

"Yohan-"

"Alam ko," bulong niya at hinaplos ang pisngi ko. "Wag mo nang pilitin ang sarili mo. Alam ko naman ang nararamdaman mo. Naiintindihan ko."

Idinikit niya ang kanyang noo sa'kin at pareho kaming pumikit.

Natatakot ako lalo. Tila ba wala nang bukas. Ang bawat segundo, minuto at oras magmula ngayon-- Lahat ay mahalaga. Iyon ang inisip ko nang kunin ko ang kamay niya at dukutin mula sa aking bulsa ang isang band-aid na may disenyong pusa.

"Ano 'to?" tanong niya.

Ngumiti ako at idinikit iyon palibot sa palasingsingan niyang daliri. "Noong una tayong nagkita, ito ang binigay ko sa'yo." Nang matapos ko ang ginagawa ko ay hinaplos ko ang band-aid na 'singsing' niya. "Ibig sabihin nito, magkikita pa ulit tayo."

Matagal siyang tumitig sa'kin at sunud-sunod na lumunok.

Dumukot rin siya sa kanyang bulsa at nagulat ako nang makita na mayroon din siyang band-aid na tulad ng sa'kin. "Eufy," sabi niya habang binabalot din iyon sa aking palasingsingan. "Kapag... nakabalik tayo pareho..." Tinitigan niya ang 'singsing' ko. "May nais akong itanong sa'yo." Pumintig ang aking puso. "At hindi mo iyon pwedeng tanggihan."

Nagyakap ang mga daliri namin.

"Ako din," sagot ko. "May sasabihin ako sa'yo. Kaya ipangako mong babalik ka ng ligtas ah." Pinisil ko ang kanyang kamay. Malungkot siyang ngumiti.

"Pangako."

Yohan...Pagkatapos ng lahat ng ito...

Sasabihin ko na sa'yo...

Na mahal kita.




✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥


Eufy. Kahit alam kong imposible...

Kapag nakabalik ako sa'yo at natapos na ang digmaang ito... Pangako, papalitan ko ang band-aid na 'yan. Papalitan ko iyan ng totoong singsing.

At ika'y pakakasalan ko.

Ngunit may mga bagay na marahil ay hanggang pangarap na lang. Kaya salamat sa band-aid na 'to-- ang ating simula at wakas-- ito'y magandang ala-alang babaunin ko sa aking kamatayan.

Patawarin mo ako. Kung nagsinungaling ako.

Hinila ko si Eufy sa isang yakap.

Huli na ito.

Umilangawngaw ang mga alarm sa labas, hudyat ng pagdating ng mga kalaban. Nagkaroon ng takot sa aming mga mata. Ngunit ako ang unang naging matapang. Binitawan ko siya na tila iyon na ang pinakamahirap na aking ginawa. Saka ko nilapit ang aking mukha sa kanya upang magtanim ng halik.

Ngunit nagbago ang isip ko. 

Natatakot akong ang halik na iyon ang magiging ala-alang magpaparusa sa kanya kapag wala na ako.

Kaya inilayo ko na ang aking sarili bago niya ako mahawakan.

"Paalam."

At ako'y lumisan.



✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


"Paalam."

At iniwan niya na ako. Nakatayo pa rin ako sa silid, hindi makapaniwala. Paalam? Bakit siya nagpapaalam? Niyukom ko ang aking kamay at dinama ang multo ng mga labi na hindi lumapat sa'kin. Bakit siya nagpapaalam na tila hindi na siya babalik?

Pumikit ako. Hindi ako dapat mag-isip ng ganito.

Narito na ang mga kalaban. Narito na si Nicolo. Tinawag ko ang aking galit at namayani ito sa aking puso. Hinayaan ko itong mabulok doon at lalong maging pangit ng pakiramdam upang sa sandaling makita ko siya, gagawin ko ang lahat upang sirain siya.

"Hintayin mo 'ko," bulong ko na may muhi. "Ipaghihiganti ko lahat ng mga buhay na sinira mo."

Umalis ako sa silid, dala ang pangako sa sarili.



✥-------------------✥-------------------✥



Sakay ng elevator ay bumaba ako sa underground. Hinimas ng aking mga daliri ang band-aid sa aking palasingsingan at nawala ang takot ko. Bumukas ang pinto sa aking utos at pumasok ako sa silid.

Hinihintay na nila akong tatlo sa Command Center-- ang tatlong command line. Kaming apat ang magsisilbing tagapangasiwa ng lahat ng depensa at estratehiya mula sa underground. Tumingin ako sa isang pintong kadikit ng isang kwarto kung saan nahihimlay ang maysakit na Hari.

Wag kang mag-alala, amain ko, hindi ko pababayaan ang iyong kaharian.

"Ulat!" tawag ko.

"Namataan ang mga mahigit tatlumpung barko at dalawampung maliliit pa sa direksyon ng Rena isang daang kilometro ang layo, Prinsesa!" ulat ni Miyo at agad akong kinabahan. Ganon karami? Para umatake sa iisang isla?

"Ihanda na ang unang linya ng depensa," utos ko. Narito na sila.

"Masusunod!"

"At Espen, ikonekta mo 'ko sa inang-barko nila. Nais kong magpadala ng video transmission sa Gobernador."

Tinitigan ko ang screen habang sinusubukan ni Espen ang aking pinapagawa. Maya-maya pa ay bumungad ang mukha ni Nicolo, ang kanyang sakim na ngiti ay malinaw na malinaw. "Eufemia, anong okasyon at nais mo akong makita?"

"Alam naming sasalakay kayo," sabi ko. "Huling beses ko na itong sasabihin: Itigil mo na ang kahibangang ito at iatras na ang mga pwersa niyo!"

Tumawa siya at umiling. "Binibini, hindi ka pa ba natututo? Hindi ka dapat magmakaawa sa iyong kalaban. Nagmumukha kang mahina at nawawalan ng dignidad."

"Hindi ako katulad mong tinatapon ang dignidad para sa kapangyarihan!"

Tumalim ang tingin niya. "Wala akong planong sumuko o umatras. Pupunta ako dyan at wawasakin kayo hanggang maging abo sa lupa."

Buo na ang isip niya.

Kaya buo na rin ang isip ko. Itinaas ko ang aking kamay sa isang pindutan sa aking sariling screen. "Kung ganon, lalaban kami."

Pinindot ko.

At nakita ko ang pagsabog ng mga tulay na nakakabit sa Rena. Ang mga kawal at tangke niyang nagmamartsa doon ay namatay at nasira, ang iba ay nahulog sa tubig. Nalukot ang mukha ni Nicolo sa galit. "Lapastangan!"

Blanko ang mga mata ko.

"Paalam," bulong ko.

At pinutol na ang transmission.

Hindi man sigurado ang tagumpay, sisiguruhin kong hindi lang kami ang dehado.

Poprotektahan ko ang mga taong mahal ko, pati na ang kahariang ito.

"Hanggang sa huling hininga."


✥-------------------✥-------------------✥






***

A/N: yey action na sa next chapter! ihanda na ang mga imagination na malawak. Hoho! Bukas ulit ng hapon! ^^ then sa saturday na ang epilogue! Malapit na guys. Konti nalang T_T

Nga pala, I'm thinking about sa story na gagawin ko after ng Paraisla series. Gusto ko kasi gumawa ng series na ganito pa rin yung setting. Pero sa Meriga at Khragna na yung lugar at ibang mga bida na. Okay lang kaya yon? Hmm. Kaso wala akong gustong maging male portrayers kundi BTS. Sorna, talagang fan ako eh. Heol. Plus yung female characters gusto ko IOI yung gaganap. Guys, okay lang kaya yon?

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 1.3K 63
The longer you wait for something. The more you appreciate it when you get it. Because anything worth having is always worth the wait.โฃ๏ธ
103K 2.3K 60
Highest Rank: #1-coldprincess #70-vengeance Book 1: Cold Princess (The Vengeance) Book 2: Coldest Queen (The New Battle) ____...
142K 8.7K 27
A daughter of two people from the present and the past, Thayana Alcante, must stop Datu Akmad's nefarious ambitions otherwise, the Philippine history...
203K 4.2K 25
#TheWattys2015 Winner! FANTASY-ROMANCE (SAVING DESTINY BOOK #1) [EDITED and COMPLETED] Supposing your days are numbered, but you're not yet prepared...