Kwento ni Miguel (BoyxBoy)...

By erolko11

121K 8.2K 777

Pagmamahalang hindi nakikita sa itsura, Pagmamahalang hindi nakikita sa estado ng buhay, At Pagmamahalang mag... More

Prologue
KP 1
KP 2
KP 3
KP 4
KP 5
KP 6
KP 7
KP 8
KP 9
KP 10
KP 11
KP 12
KP 13
KP 14
KP 15
KP 16
KP 18
KP 19
KP 20
KP 21
KP 22-FINALE
Author's Note!
Epilogue

KP 17

4.4K 320 21
By erolko11

Phun's POV

"Magandang gabi po nay celia" ang masayang bati ko dito ng makarating kami sa bahay nila miguel. Oo. Pagkatapos ng nangyari kanina sa perya ay heto ako't kasama niya.

"Buti naman anak at napadalaw kang muli. Alam mo bang lagi ka naming tinatanong dito kay miguel kung bakit hindi kana bumibisita sa amin" ang sabi ni nanay celia. Hinawakan ako nito sa kamay. "Oh! Wag kanang umiyak. Pati ako naiiyak narin"

Pinunasan ko naman ng aking braso ang mata ko. Para akong batang umiiyak.

"Nay, salamat po kase lagi niyo akong hinahanap at kinakamusta na hindi ko narinig at naranasan sa mga tunay kong magulang" lumapit ito sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Ssshhh... wag kanang umiyak anak. Isipin mo nalang na kaya nila ginagawa yun ay para rin sa kinabukasan mo. Basta lagi mong tatandaan na kahit ano man ang mangyari, nandito lang kami. Kaming pangalawa mong pamilya" ang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Ang sarap! Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handang mahalin ka kahit na hindi mo naman sila kakilala.

"Masyado na tayong madrama! O sya.. Chibugan na!!" Ang sabi ni nanay celia. Natawa nalang kaming lahat. Hahaha..

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Minsan nahahalata ko narin na may alam na sila patungkol sa amin ni miguel. Eh, paano ba kase.. Itong miguel na ito ay harap harapan kung subuan ako at pakiligin sa harap ng magulang niya.

I love him... siguro? Hindi ko pa alam kung mahal ko na nga ba siya o ano. Basta ang alam ko lang ay ayoko siyang mawala sa tabi ko. Yah! Siguro noong una masyado ko siyang hinusgahan. Masyado ko siyang minaliit at nilait. Pero kung hindi dahil sa busilak niyang puso ay hindi pa ako matatauhan sa katangahan ko na wala tayong karapatang manghusga o mamili ng taong dapat nating pakisamahan at mamahalin.

Siguro nga ay panget siya, eh ano naman? Siguro nga ay mahirap siya, eh ano naman? Siguro nga ay hindi siya yung klase ng taong maipagmamalaki mo, eh ano naman? Kelangan pa ba ng mga bagay na wala siya para lang matanggap at mahalin ko siya?

"Miguel?" Ang pagtawag ko sa kanya habang nakahiga at nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Hmmm?" Ang sabi nito habang nakayakap sa akin.

"Tayo na ba ulit?" Tanong ko sa kanya. Curious lang.

"Bakit mo naman natanong?" Sabi niya.

"Wala lang. Hindi ko kase alam kung tayo na ba ulit o ano.." ang sabi ko at Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Depende sayo"

"Ha? Bakit naman depende sa akin?" Ang naguguluhang tanong ko.

"Depende sayo kung gusto mo bang maging tayo ulit. Pero para sa akin, ok lang kahit anong desisyon mo. Ok lang sa akin kung gamitin mo ulit ako hindi dahil tanga ako, kundi dahil mahal kita. At handa akong masaktan ulit para lang sa taong mahal ko. Para lang Sayo" ang sabi nito. Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso. Tumingin ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

"Salamat! Salamat at nakilala kita miguel" hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. Hanggang sa makatulog kami.

Pagkagising namin kinaumagahan ay pinag-igib ako nito ng tubig pampaligo. May pasok kase kami ngayon, buti nalang at dinalhan ako ng pang pasok ni manong ng damit kagabi.

Nakakatuwa naman si miguel, gumising pa talaga siya ng maaga para lang ipaghanda ako ng pagkain at ipag-igib ng tubig pampaligo.

"Thank you" ang sabi ko dito at hinalikan ko siya sa pisnge. Kita ko namang ngumiti lang ito ng malaki. Pumasok na ako sa isang maliit na cr na gawa sa kahoy. Nakapwesto siya sa labas ng bahay nila. Pagkatapos kong maligo ay sumunod na si miguel. Ako naman ay umakyat na sa kwarto para magbihis. Aaminin ko. Matagal talaga akong kumilos kaya kapag nasa bahay ako ay lage akong ginigising ni manang ng maaga. Habang abala ako sa pag-aayos ay siya namang pagpasok ni miguel sa kwarto. Nakatapis lang ito ng tuwalya na hanggang bewang. Hindi ko naman maiwasang mapatingin at mamangha sa katawan nito. Kahit hindi siya naggygym pero halata mo ang hubog at ganda ng katawan nito.

"Phun. Baka naman matunaw na ako nyan" ang nang-aasar na sabi nito.

"Che! Magbihis kana at baka ma-late pa tayo" ang sabi ko sa kanya. Ayoko namang mahalata nya na humahanga ako sa katawan niya. Pero kahanga hanga naman talaga hehehe.

Pagkatapos naming magbihis ay nagpaalam na kami kela nanay celia at tatay fernan. Hindi narin kami nagpahatid pa kay manong driver. Sabay naming nilakad ang daan papuntang eskwelahan. Gusto ko kasing maranasan ang mga bagay na nararanasan niya. Naniniwala kase ako na kapag mahal mo ang isang tao ay dapat mong mahalin ang mga bagay na nakasanayan niya. At yun ang ginagawa ko ngayon dahil mahal ko na siya.

"Pagod kana ba?" Ang tanong nito sa akin. Sa totoo lang ay pagod na talaga ako. Hindi kase ako sanay maglakad.

"Hindi ah. Ako pa ba" ang tumatawang sabi ko. Pero kung maaari ay ayokong mahalata niyang napapagod na ako. Napahinto ako ng lumapit ito sa akin. Kumuha siya ng panyo sa bag at pinunasan ang mukha ko. Nagulat man ako sa kanyang ginawa ay hindi ko naman maiwasang mamula at kiligin.

"Tsk! Ikaw talaga..Tingnan mo nga yang sarili mo. Pinagpapawisan ka na oh! Hay! Ang kulit kulit mo talaga. Dapat nagpahatid ka nalang eh" ang nakanguso nitong sabi. Bakit parang naku cute-an ako sa kanya. Hindi ko maiwasang titigan siya sa mata at yakapin ito ng mahigpit.

"Eh.. ikaw kase eh! Syempre gusto kitang kasama" ang malambing kong sabi.

"Oo na po. Tara na at baka ma-late pa tayo. Alam ko namang ayaw mong magpahuli pagdating sa pag-aaral hehehe.." at pinisil pisil nito ang pisnge ko.

"Hmmpp! Nakakainis ka. Baka naman lawayin na ako niyan kakapisil mo sa pisnge ko" ang nakangusong sabi ko. Hinawakan naman nito ang tig kabila kong pisnge at hinalikan ako sa labi.

"Ang cute mo talaga" ang tumatawang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din naman ako sa kanya ng mahigpit at hinalikan siya sa pisnge.

"Tara na" ang sabi ko. Pero kinuha niya ang bag ko.

"Ako na po ang magdadala nitong bag mo ha aking kamahalan" ang ma-ala prinsipeng sabi nito. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso.

"Heh! Ewan ko sayo" ang tampo tampuhan kong sabi. Tumawa lang siya.

"I love you phun" ang masayang sabi nito. Hinalikan ko suya sa labi kahit na marami pa ang makakita. Wala akong paki-alam sa kanila at wala kaming dapat itago.

"Tara na" at nagsimula na akong maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ng mapansin kong wala si miguel, kaya lumingon ako sa likod upang hanapin siya at hindi nga ako nagka mali. Nakatayo lang siya sa doon habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Hoy! Ano pang ginawa mo dyan. Tara na" ang sigaw ko dito. Bigla naman itong natauhan at tumakbong lumapit sa akin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Para kang shunga dun. Bakit ka ba kase huminto?" Ang natatawang sabi ko.

"Wala lang. Masaya lang ako dahil nandyan ka. Dahil kasama kita at dahil.. mahal kita" bigla naman akong napahinto sa paglalakad. Para na akong mauubusan ng hininga sa kilig na nararamdaman ko.

"Bakit ka huminto?" Ang tanong niya.

"Wala. Tara na hehehe" ang saad ko. OMG! Nikikilig ako guys.

Masaya palang maglakad lalo na at kasama mo yung taong mahal mo. This is the happiest walk trip eva! Echos lang. Mema lang hahaha..

Pero seriosly. Every minute, every seconds, every day ay nahuhulog ako sa kanya. Parang kanta lang ah hahaha... Ang hype ko ba?

Pagkarating namin sa school ay Humawak ako sa braso nito. Meron ibang nagtataka at nagbubulungan. Meron din namang nakataas ang kilay. Who cares? We care? I don't care. Day care. Hahaha..Oo na, korni na. Hindi na mauulit.

Nakita ko naman si ronnie na papalapit sa gawi namin. Nang makalapit ito ay binati niya ako.

"Good morning phun" ang masayang bati nito sa akin. Bigla naman itong napatingin sa kamay kong nakayakap sa braso ni miguel.

"Good morning din" ang masayang bati ko rin sa kanya. "Si miguel nga pala boyfriend ko" ang walang pag-aalinlangang sabi ko sa kanya. Halata naman sa mukha nito ang pagka gulat.

"Talaga? I see. Hindi ka naman ba ginayuma or what?" Ang tanong nito.

Napatingin naman ako kay miguel, yumuko lang ito. Tiningnan ko ng masama si ronnie.

"S-sorry. Nagtatanong lang" ang pagsuko nito.

"Boyfriend ko siya at wala siyang ginamit na kahit na ano para lang mahalin ko siya" ang sabi ko.

"Ah ok. Sige, una na ako. Kita nalang tayo mamaya phun" kindat nito sa akin sabay alis.

"Wag mo siyang pansinin miguel" ang sabi ko dito. Huminga lang siya ng malalim at binigyan niya ako ng malaking ngiti. Ginulo niya ang buhok ko.

"Hehehe.. wag mo akong pansinin. Ikaw talaga. Hindi naman na bago sakin iyan. Ganun talaga siguro kapag ang isang panget na tulad ko ay nagustuhan ng isang maliit, cute at may itsurang tulad mo ay sasabihing nilang ginayuma ito" ang nakangiti nitong sabi. "Tara na"

Tumango lang ako bilang sagot at nagsimula na kaming maglakad. Yumakap ako sa bewang nito hanggang makarating kami sa class room. Nakita ko naman si leo at terry na magkasama. Halos lahat naman ng mga kaklase namin ay nakatingin sa amin ni miguel. Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin at naupo na kami sa likuran. Medyo may ilangan naman sa pagitan naming dalawa ni terry.

"Sis. Sabay tayong kumain mamaya ah. Miss ko na kayo" ang sabi ni leo.

"O sure! Kasama natin si miguel ah" ang sabi ko. Dedma lang si terry.

"Ok, whatever!" Ang naka roll eyes na sabi nito.

Naging maayos naman ang buong klase namin. Heto kaming lima sa canteen. Oo lima. Ako, si miguel, terry, leo at si ronnie. Ewan ko ba dito kay ronnie. Sinabi ko na naman sa kanya na may boyfriend na ako at hindi na kmi pwede pang magsabay kumain. Mahal ko na si miguel at ayoko syang lokohin pa. Pero hinayaan ko narin lang, bahala sya.

Magkatabi kami ni miguel sa upuan habang katapat naman nito si terry at sa kanan nito ay si leo samantalang ang katapat ko naman ay si ronnie. Bale si leo lang ang walang katapat.

Nakakainis lang. Eto kasing terry na ito ay masyadong pasikat sa boyfriend ko. Yun bang magpapalitan sila ng ulam. Magtatawanan na parang wala ako. Syempre ako naman "OP". Alam ko namang may pinagsamahan na sila pero sana alam niya ang salitang T.A.K.E.N o sadyang malandi lang talaga siya. Isa pa itong ronnie na ito. Bahala siya.

Pagkatapos naming kumain ay nauna nang umalis si ronnie. Ganun din si leo samantalang pinauna ko narin si miguel dahil mag c-cr lang ako. Pagkapasok ko sa loob ng cr ay pumasok ako sa isang cubicle at umihi. Nagulat naman ako sa aking paglabas dahil nakita ko si terry sa harap ng salamin at naghuhugas ng kamay. Lumapit ako dun para maghugas din. Walang masyadong tao sa cr kami lang.

"Hi" ang plastik kong bati at nginitian siya.

"Hi" ang sabi din nito at nagpatuloy siya sa paghuhugas ng kamay.

"Ang saya mo kanina ah.. na-OP naman ako dun" ang sarkastikong sabi ko.

"Talaga ba? So.. sad ka na niyan?" Ang maarteng sabi nito. Wow ha? Tatahi-tahimik. B*tch din naman pala. Hindi ako magkakamaling Ka-grupo ko nga siya.

"No! Bakit naman ako masa-sad? Eh boyfriend ko naman siya. Yung iba nga diyan, ilusyonada.. nag-iilusyon. Parang ganun" sabay tingin ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin.

"Talaga ba? Eh yung iba rin diyan. Manggagamit ng tao para lang sa sarili niya. Sino kayang ilusyonada?" Ang sabi nito habang nag-aayos ng buhok. Lumapit naman ako sa salamin at tiningnan ang mata kung may muta ba ako. Wala naman.

"Siguro nga, ginamit ko siya noong una. Pero hindi na ngayon. Mahal ko siya at mamahalin ko pa siya" ang nakangiti kong sabi habang bising bisi ako sa pagtingin sa mata ko. "Ikaw ba. Umaasa ka parin ba? Nakakaawa ka naman sis, gusto mo ng hopia?" ang nakangising sabi ko.

"No thanks! And Wow! Ako pa ba ang nakakaawa? Eh ikaw nga diyan kung makaiyak iyak sa perya. Akala mo nanlilimos ng pag-ibig. So, sino ngayon sa atin ang nakakaawa? And hindi ako kumakain ng hopia thanks na lang sis. Ikaw ano tawag sayo?" Ang sabi nito habang nakataas ang kilay. Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Yun lang naman ang tinatawag na pag-ibig. E ikaw. Kamusta ka naman?" Ang mataray na sabi ko. Ewan ko ba. Pero natatakot akong maagaw si miguel sa akin.

"Ako?" Saad niya. Saka ako sinampal. Napahawak naman ako sa pisnge ko. "Ok na naman ako ngayon. Pero noong nasa peryahan tayo hindi.. i think. Ok na talaga ako" ang sabi pa nito.

Sinampal ko rin siya ng malakas.

"Malakas ba? Sorry ha! B*tch ka kase eh" ang sabi ko at nag peace sign ako.

"Hindi naman sis. Pero i think, mas malakas yung sa akin" at binigyan niya rin ako ng isang malakas na sampal.

"Oo nga noh! Try mo din yung sakin sis.. mas malakas na siya ngayon" ang sabi ko at tinodo ko na ang pagkakasampal sa kanya. Bigla naman itong napahawak sa pader para suportahan ang sarili sa pagkakabagsak. Napangisi ako.

"Aray naman! Bakit mo naman nilakasan sis. Lugi tuloy ako" saka niya ako biglaang sinampal din ng malakas.

Hindi kaagad ako nakapag prepare. Halos matumba din ako sa lakas ng pagkaka-sampal niya. Sa inis ko ay sinugod ko siya at sinabunutan. Nagsabunutan kami at nagpalitan ng sampal sa isat-isa. Nang may marinig kaming papasok ng cr ay pareho kaming naghiwalay at tumingin sa salamin. Inayos namin pareho ang sarili namin. Gulo gulo kase ang buhok at uniform namin.

"Tara na sis. Baka ma-late na tayo" ang sabi nito.

"Oonga. Nakakapagod din mag taray" ang pagsang ayon ko naman. Saka kami nag beso.

"Let's go user" ang sabi nito.

"I'm coming b*tch" saad ko. At sabay kaming lumabas ng cr at pumunta sa room na parang walang nangyari.

____________________________________________

Sorry sa late UD.

Vote and Comment kayo dyan para next chapter :)

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
15.3K 882 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
28.6K 1.9K 45
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) "Ako yung Princess na may Hotdog sa hita, prinsesa na pinanganak na bakla, bakla na naghahanap ng lalakeng mamahalin...
65.3K 3.5K 62
✪ M R . H A R D H E A D E D M E E T S H I S F O U R S T E P B R O T H E R S •|| ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ||• (ᴠᴏʟ.1) HIGHEST RANKING @2020 : #45...