Kwento ni Miguel (BoyxBoy)...

By erolko11

121K 8.2K 777

Pagmamahalang hindi nakikita sa itsura, Pagmamahalang hindi nakikita sa estado ng buhay, At Pagmamahalang mag... More

Prologue
KP 1
KP 2
KP 3
KP 4
KP 5
KP 6
KP 7
KP 8
KP 9
KP 10
KP 11
KP 12
KP 13
KP 14
KP 15
KP 17
KP 18
KP 19
KP 20
KP 21
KP 22-FINALE
Author's Note!
Epilogue

KP 16

4.2K 327 48
By erolko11

Phun's POV

"Siiissss!" Ang sigaw ni leo mula sa malayo pero hindi ko siya pinansin. patuloy lang ako sa paglalakad.

"Siiss!" Ang hinihingal na sabi nito ng makalapit ito sa akin.

"Ang taray mo ha! Wala nang pansinan? Ganern?" Ang sabi nito habang sumasabay sa akin paglalakad.

"Ay! Yung bag mo nga pala sis, hindi mo na kinuha sa akin noong friday" ang walang tigil na sabi nito sa akin.

"At alam mo pa sis, yang panget na miguel na yan. Nakakatawa talaga hahaha.. Ano hiniwalayan mo na?" ang pagtawa nito. Hindi ko siya pinansin.

"Sis, ano ba? Kanina pa ako imik ng imik dito.. mukha na kong tanga! Kainis ka" pagtatampo niya. Nakakarindi na siya.

"Pwede ba leo, mamaya mo na ako kausapin" ang naiinis na sabi ko sa kanya habang patuloy parin ako sa paglalakad.

"Yung bag mo kase na gustong gusto mo kela----"

"Pwede ba!" Sigaw ko sa kanya. Napagtaasan ko siya ng boses dahil sa inis. Bigla naman siyang natahimik. Hay! Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

"S-sorry! Sorry bes... hindi ko sinasadyang sigawan ka pero kung maaari ay pabayaan mo muna ako ngayon please.. at saka hindi ko narin kelangan ng bag na yan" ang malumanay kong sabi sa kanya. Tumango ito bilang tugon. At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pagkarating namin sa room ay walang miguel akong nakita. Naupo na lang ako sa likod at hinintay ang teacher namin. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa katabing upuan ko. Hay!

Hindi rin naman nagtagal at dumating na si maam. Sinabi lang nito ang resulta ng ginawa naming proyekto. Kami ni miguel ang nakakuha ng highest grade na sobrang ikinasaya ko. Mukhang hindi ata siya papasok talaga ngayon ah.

Natapos ang buong magtanghaling klase namin at eto ako. Nag-aayos ng gamit ko para ilagay sa bag. Nang mailagay ko na lahat ay lumabas na ako ng room. Hindi na rin ako nagulat ng makita ko si ronnie na naghihintay sa labas ng room namin. Ewan ko ba! Hindi siya napapagod na manligaw sa akin. Gusto daw niyang patunayan kung gaano niya ako kagusto.

"Musta?" ang bati nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. Kinuha naman niya ang bag ko at siya na daw ang magdadala.

"Salamat" ang walang ganang sabi ko.

"Sa canteen nalang tayo kumain. Medyo mainit kase kung lalabas pa tayo" ang sabi niya at saka ako inakbayan.

"Sige. Ikaw bahala" ang tanging nasabi ko nalang .

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay halos lahat ng estudyante ay sa amin nakatingin. Hindi narin naman bago sa amin ito ni ronnie. Merong tanggap kami at syempre meron din namang hindi. Ano pa ba ang aasahan mo sa kanila di ba? At saka Wala na akong pakialam sa kanila!

Pero sino nga bang hindi titingin sa amin. Eh, mismong ang ace player ng basketball na si ronnie eto kasama ng baklang tulad ko.

Nang makarating kami sa canteen ay pinahanap niya ako ng upuan siya na daw ang bibili. Nang makakita ako ng bakanteng upuan ay mabilis ko siyang pinuntahan para hindi na kami maagawan pa. Naupo lang ako at hinintay si ronnie.

Medyo mahaba rin ang pila kaya naisipan ko munang ilibot ang paningin ko. Hindi ko naman inaasahang mapatingin sa kabilang dulo kung saan nandoon sina miguel at terry na sabay kumakain.

Akala ko ba hindi siya pumasok? Ang saya nilang tingnan. Nakangiti silang dalawa sa isa't-isa. Kaya mas minabuti ko nalang na hindi sila tingnan. Ibinaling ko na lang ang tiggin ko sa gawi ni ronnie. Lumingon ito sa akin at nag 'ok' sign. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon. Hanggang sa mapahawak nalang ako sa pisnge ko. Teka! Bakit may mga luhang pumapatak? Nanlalabo ang mata ko. Bakit? Bakit umiiyak na naman ako? Tumingin ulit ako sa pwesto nila miguel. Naiingit ako. D-dapat ako ang kasama niya eh. Dapat ako yun. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang luha ko. Nakayuko lang ako habang umiiyak.

"Matagal ba ako?" Ang tanong ni ronnie ng makarating ito at saka naupo siya sa harapan ko. Nang masiguro kong wala nang luhang pumapatak ay huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya.

"Oo grabe, ang tagal mo" ang pabirong sabi ko sa kaya habang nakatingin parin sa dalawang taong kumakain sa malayo.

"Pasensya na ha! Ang haba kase ng pila.. o siya, kumain na tayo" ang sabi nito habang nakangiti. Pinaghain niya ako ng pagkain. "Oh, eto narin ang tubig" ang sabi niya.

"S-salamat" ang nahihiyang sabi ko. Bigla naman niya akong tinitigan sa mata. Iniwas ko naman ang tingin ko.

"Teka! Bakit namumula yang mata mo? Umiyak ka ba?" Nagtatakang tanong niya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Tiniitigan niyang maigi ako "May problema ba phun?"

"W-wala! Ang hapdi lang ng mata ko dahil sa alikabok. Ikaw talaga, kumain na nga lang tayo" ang pag-iiba ko at saka ngumiti ng malaki.

"Oo na! Ang cute cute mo talaga" ang sabi nito at pinisil pisil ang pisngi ko.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. May time na sinusubuan niya ako. Ayoko man dahil nakakahiya ay hinahayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin kahit na may mga babae at baklang nakatingin sa akin ng masama.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa class room. As usual hinatid niya ako at siyempre pag galawang ronnie ay hindi mawawala ang kiss sa pisnge. Napailing na lang ako. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si miguel na tahimik na nakaupo sa dulo.

Nang makaupo ako sa tabi niya ay wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Sobrang awkward. Ang tahimik. Parang hindi kami magkakilala.

"Ahmm.. Miguel" ang nahihiyang tawag ko sa kanya. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Ano yun phun?" ang nakangiting sabi nito.

"Ah.. Eh.. K-kamusta?" Tanong ko sa kanya. Parang isang tanong isang sagot lang ang usapan namin.

"Ok lang naman ako, ikaw?"

"Ok din lang naman" sagot ko. Tumingin na ulit siya sa unahan. "Ahmm.. miguel, bakit nga pala hindi ka pumasok kanina?" Ang sabi ko.

"Ah, ano.. tinahi ko pa kase itong uniform ko. Butas butas na kase alam mo namang hindi tayo papapasukin ng guard kapag hindi tayo naka uniporme" ang nakangiting saad nito.

"Ah ganun ba?" Wala na talaga akong maisip na sasabihin. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si maam.

Wala naman masyadong ginawa kundi puro sulat at paliwanag lang si maam. Hanggang sa matapos ang klase. Hindi ko na nga namalayang ako nalang pala ang naiwang mag-isa dito sa room. Palabas na sana ako ng school gate noon ng makita ko si miguel at terry na sabay na naglalakad. Nagbibiruan at naghaharutan silang dalawa. Ang landi lang ni terry. Kainis.

Lumipas ang ilang araw at ganun parin kami ni miguel. Konting usap at kamustahan lang. Lagi naman akong sinusundo at hinahatid ni ronnie sa school at sa bahay. Sabay din kaming kumakain tuwing lunch break. Araw araw din niya akong nililigawan. Alam ko namang sagot ko nalang ang hinihintay ni ronnie para maging kami na.

Si miguel at terry naman ay Sabay laging umuuwi. Ewan ko ba pero naiinis ako! Naiinis ako sa kanilang dalawa lalo na kay terry. Nagseselos na ako ng sobra.

"Sis, tambay tayo sa bayan mamaya" ang yaya ni terry sa amin.

"Sige ba" ang sagot naman ni leo. "Ikaw sis, hindi kaba sasama?" Tanong nito sa akin.

"Hindi eh! Kayo nalang" ang walang ganang sabi ko.

"Bahala ka" ang sabi nila. Tumahimik nalang ako.

"Sino ba ang kasama natin mamaya sis?" Ang tanong ni leo kay terry.

"Si miguel" ang sabi nito.

S-si miguel?

"Yak! Yung panget na yun kasama natin? Bakit siya pa? My gosh ka teh!" ang maarteng sabi ni leo. "Teka lang ha! Napapansin ko lang na lagi kayong magkasama ni miguel. Umamin ka nga sa akin sis" ang sabi pa nito.

Bigla naman akong napatingin kay terry at hinintay ang kasagutan nito.

"A-ano kase.. ah .. ano ..ahmm.. paano ba.." ang nahihiyang sabi nito. "Ano... Crush ko kase siya" pag-amin nito.

"What? Really?" Ang gulat na sabi ni leo. Pati ako ay nagulat din sa kanyang ipinagtapat.

"Nagpapatawa ka ba Terry? Ikaw magkakagusto sa panget na yun? Bulag kaba? Gusto mo ipagamot natin yang mata mo? Sis... langit ka at impyerno siya" ang sabay flip ng buhok nito.

"Sis, ang sakit mo namang magsalita. Hindi naman itsura lang ang kelangan mong pagbasehan para magustuhan mo ang isang tao. Siguro nga Crush ko siya kahit hindi siya gwapo. Oo, Crush ko siya kahit hindi siya mayaman. Pero alam mo ba kung bakit ko siya nagustuhan? Dahil wala man siya ng mga bagay na hinahangad ng iba ay sapat na sa akin ang kabutihang loob na meron siya, para siya'y mahalin ko ng totoo" ang sabi nito. Para naman akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko.

"Kung ang pagmamahal ko sa isang katulad niya ay hindi katanggap tanggap sa mata ng nakakarami ay mas nanaisin ko pang tiisin ang pangmamaliit at panglalait ng iba kesa ang mabuhay sa mundong ito na walang alam kundi ang husgahan ang ibang tao base sa nakikita lang ng mga mata nila" ang dagdag pa ni terry. Natahimik naman si leo.

"Whatever sis! But still..sister parin tayo kaya lang i don't like him talaga. Alam mo naman yung face" ang saad ni leo. Napairap lang ako.

Pupunta na sana sila sa kanilang upuan ng tawagin ko si Terry.

"Terry wait" pagpigil ko.

"Oh?" Lumingon ito sa akin.

"Sasama ako" ang sabi ko.
Tumango lang syia.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito na kami ngayon sa bayan. Buti nalang at hindi namin kasama si ronnie dahil may praktis sila ng basketball. Pero hindi nito nakalimutang puntahan ako sa room para lang paalalahanan na Mag-iingat daw ako. Tulad nila araw araw na rin kase ang praktis namin sa volleyball, nagkataon lang na wala kaming praktis ngayon.

Kahit ayaw ni leo kay miguel ay sumama parin ito sa amin.

Ako, si leo, si terry at si miguel. Medyo nakaka-OP nga kase sila lang dalawa ni terry at miguel ang nag-uusap samantalang kami ni leo ay nakabuntot lang sa kanila. Naiinis na talaga ako dito kay terry na ito kase para siyang linta kung makakapit kay miguel. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Cute din naman talaga kase itong si terry kaya hindi malabong magkagusto sa kanya si miguel. Medyo malandi lang.

Una naming pinuntahan ang bilihan ng mga sari-saring kagamitan. Nagtingin tingin din kami doon ng mga pwedeng gamitin sa school at kung anu ano pa.

"Terry bagay sayo to oh" ang masayang sabi ni miguel at isinuot sa kanya ang isang silver fake na kwintas.

"T-talaga? Salamat naman" ang nahihiyang sabi nito. Tsk! Malandi talaga! Napakalandi!

"Kuya magkano po ba itong kwintas?" Ang tanong ni miguel sa tindera.

"50 pesos" ang sabi ni ate.

"Ganun po ba?" At humugot ng pera si miguel sa kanyang bulsa at aktong magbabayad na ito ng pigilan siya ni terry.

"Hindi na miguel! Ako nalang ang magbabayad" ang pagpigil ni terry dito. Pasikat naman toh! Feeling niya Babaeng babae siya. Sus! Sarap sabunutan.

"Hindi ako na" si miguel.

"Ok nga lang, ako na hehe" maharot na sabi ni terry. Napairap na lang ako.

"Hindi na terry regalo ko nga sayo yan eh.. ako na"

"Pero.. ako na kase.." pinutol ko na ang kadramaan nilang dalawa.

"F*ck! Nakakainis na ha! Parang 50 pesos lang pinag-tatalunan niyo pa" ang naiinis na sabi ko.

Natahimik lang silang dalawa lalo na si miguel.

"Eto po ate 50 pesos" ang mahinang sabi ni miguel at saka tumingin kay terry. "Ingatan mo yan ha. Pinag-ipunan ko yan" ang sabi nito. Para naman akong nasaktan sa sinabi niya.

"Talaga? Salamat. Ano tara na?" ang masayang yaya sa amin ni terry.

Si leo naman ay walang pakialam sa kanila. Mahilig kase siyang magtingin tingin kaya wala itong pakialam sa amin.

Sunod naman naming pinuntahan ang peryahan. Malapit na kase ang piyesta sa bayang ito kaya marami-rami na rin ang pumupunta ngayon sa bayan. Naglaro, Sumakay sa mga rides. Basta in-enjoy lang namin ang araw na ito. Nag-enjoy nga ba talaga ako o silang dalawa lang ni miguel at terry.

Medyo mag-gagabi narin na ng humiwalay yung dalawa. Hindi ko alam kung saan sila pumunta kaya hinahanap ko na sina miguel at terry dahil ang sabi ko sa kanila ay magsi-CR lang ako pero paglabas ko ay wala na sila. Nakita ko naman si leo doon sa booth na may kausap na lalaki. Binalewala ko nalang siya at hinanap yung dalawa. Nagpaikot-ikot ako para lang mahanap sila pero hindi ko sila makita. Sh*t bakit ako kinakabahan.

Medyo napapagod narin ako kakahanap sa kanila ng may makita akong dalawang taong nakaupo sa tabi ng puno. Medyo madilim ang lugar na yun. Nang makalapit ako sa pwesto nila ay nakumpirma kong si miguel nga ito at si terry, may ibinigay siyang teddy bear dito. Eto namang malanding ito ay tuwang tuwa. Dahil dun ay Sobra akong nagselos sa ginawa ni miguel. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong nainis. Parang nabalewala ako. Para akong naiwan. Ang sakit!

Magki-kiss sana sila ng hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ko na silang dalawa. Lumapit ako kay terry at pinagsasabunutan ito.

"A-a-aray! Phun! Aray! Ano ba? B-bakit mo ko sinasabunutan?" Ang tanong nito habang hindi ko siya binibitawan.

"Malandi ka kase! Malandi ka!" Ang gigil na gigil na sabi ko dito at pinagsasasampal ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kagalit sa kanya. Naramdaman ko namang lumalaban narin siya ng sabunot sa akin.

"Malandi??? Wow ha! Sa pagkakaalam ko ikaw ang malandi sa ating dalawa. Ginamit mo pa nga si miguel para lang sa pang sarili mong interes diba! Masyado kang makasarili. Sarili mo lang ang iniisip mo!" ang sigaw nito sa akin. Para naman akong tinamaan. Pero dahil sa inis ko sa kanya ay mas lalo ko itong sinabunutan. Ganun din ang ginawa niya. Nagpagulong gulong kami sa damuhan. Medyo nakaka-agaw narin kami ng atensyon ng mga tao sa peryahan. Pilit naman kaming inaawat ni miguel pero hindi kami nagpatinag.

"Talagang pumatol ka pa sa panget ha!" ang sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang buhok nito.

"Oo at wala akong pakialam kahit anong itsura pa niya. Eh ikaw! Malandi na nga, manggagamit pa" ang sabi nito sa akin at saka niya ako pinagkakalmot. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Malandi ka! Haliparot ka!" Dahil sa inis ko at hindi ko alam kung bakit ako nagagalit ng ganito sa kanya basta pinagsisipa ko siya, ganun din naman ang ginawa niya sa akin. Hanggang sa awatin na kami ni miguel at leo. Si miguel ang umawat kay terry samantalang si leo naman ang umawat sa akin. Pinaglayo nila kaming dalawa.

"Ano bang problema mo ha? Nananahimik kami dito tapos manunugod ka nalang ng basta basta" Ang sigaw ni terry sa akin.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" ang sigaw ko naman sa kanya habang naiiyak na ako.

"Bakit ano bang ginawa ko sayong masama Ha?! Sige nga! Sabihin mo nga sa akin ang dahilan para naman pumasok siya sa kokote ko. Hindi ko magets eh"

"Kase malandi ka!" Ang nasabi ko..

"Tsk! Malandi? Kanino? Kay miguel? Paano naman ako naging malandi ha? Sabihin mo kung paano? Para maintindihan ko yang ikinakagalit mo!" Ang gigil na gigil na sigaw niya sa akin. Tumingin lang ako kay miguel. Hindi siya makatingin sa akin.

"Basta!" ang sabi ko.

"Basta? Tapos basta basta ka narin lang manunugod diyan? Nakakaawa ka sa totoo lang" sabi nito.

"Anong sabi mo?" Palag ko sa kanya at pilit akong kumawala sa pagkakahawak ni leo.

"Sabihin mo nalang kase na nagseselos ka! Pagkatapos mo siyang pagkatuwaan at gamitin at saka ka magkakaganyan? Para ano pa! Para lang sa pang sarili mo na namang interest. Wow ha!" ang sabi ni terry at inayos ang sarili.

"Wala kang alam!" sigaw ko sa kanya.

"Talagang wala akong alam kase makasarili ka! Manggagamit! Matapobre! At higit sa lahat manloloko!" Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas na kumawala kay leo at aktong susugudin ko ito ng salubungin naman ako ng yakapin ako ni miguel.

Napahinto ako. Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko at dinama ang pagyakap nito sa akin.

"Tama na phun.. Tama na please.. ayokong nagagalit ka. Ayokong nakikipag-away ka" ang bulong nito sa akin. Napayakap naman ako sa kanya ng mahigpit habang nanggigilid ang luha ko.

"M-miguel....." ang umiiyak na sabi ko at mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpitan "Miguel.. Ako nalang.. ako nalang ang mahalin mo"

____________________________________________

Don't forget to Vote and Comment guys para sa madaliang Update ;)

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
76.1K 2.9K 28
Hindi ko inaasahan na sa isang iglap magiging uripon ako ng isang bully sa school namin dahil sa pagkakamali na nagawa ng kaibigan ko, he is my king...
63K 1.6K 33
Sa pag-aakala ni Steve na siya ang tinitingnan ng lalaki sa loob ng club na si Adam, na-disappoint ang binata nang ang babae sa harap niya na si Eve...
102K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...