Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 309K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter Thirty seven

114K 3.5K 382
By dauntlehs


37: New keen’s leader
-

Ilang linggo ang lumipas, hindi na muling nagparamdaman sa akin ang misteryosong tao na iyon. Nang masabi ko kay Thunder ang nangyari ay agad naming pinuntahan ang presinto kung saan nakakulong sila Ms. De Vera at leader Yb.

Mali ako ng hinila dahil nandoon pa rin silang dalawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang taong iyon.

“Ulan, tara na! Late na tayo.” Sigaw ni Thunder mula sa ibaba.

“Oo wait.” Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka nagmadaling bumaba. Ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Monstrous. Sophomore na kami at mayroon na lang akong isang linggo para makasama si Thunder.

Pagdating namin sa Academy ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ko. Wala pa si Ayesha kaya dali-dali akong tumalon sa kama ko at saka iyon niyakap.

“Na-miss kita!” Nagpagulong-gulong ako roon ngunit agad ding napahinto nang makita ko ang reflection ni Thunder sa frame. Agad akong tumayo at lumingon sa balkonahe.

“Hi.”

“Kakahiwalay lang natin, ah.” Sabi ko dahil nakaupo siya doon sa sanga ng puno.

“May nakalimutan ka.” Tinignan ko ang mga gamit ko nang sabihin niya iyon ngunit kumpleto naman.

“Wala naman akong nakalimutan.” Sabi ko nabg lapitan ko siya at laking gulat ko na lang nang bigla siyang ngumuso sa mismong mukha ko.

“Kiss. Hindi ka nag-goodbye kiss nang maghiwalay tayo.” Napailing ako sa sinabi niya at mas lalo pa akong lumapit hanggang sa mahalikan ko na siya sa labi.

“Sige na. Kita tayo sa room mamaya,” Ngumiti lang siya at bumaba na rin sa puno. Walang kasing nabago sa section namin kaya magkakaklase pa rin kami.

Matapos makapagpalit ng uniform ay saktong dumating si Ayesha, malungkot ang mukha nito nang lumapit siya sa akin at hawakan ang mga kamay ko.

“Beb. Isang linggo na lang ang natitira. Ano ng plano mo?” Hindi ko magawang sumagot kaya napailing na lamang ako habang nakayuko. Ayoko munang isipin ang bagay na iyon sa ngayon, gusto ko munang kalimutan ang tungkol doon.

Ilang minuto pa ang lumipas at nasa classroom na kami. Kumpleto ang Dark at tulad ng dati, ganoon pa rin ang seating arrangement namin.

First day na first day bilang sophomore at puro activity agad ang pinagawa sa amin kaya naman naging busy ang first day of school ng lahat.

“Celvero, pinapatawag ka ng dean.” Napalingon ako kay sir at saka tinignan si Thunder. “Ikaw din Sevilla.”

Tumayo ako at sabay kaming lumabas ni Axel. Matatapos na ang klase, bakit ngayon pa kami pinatawag?

“Ano kayang meron?” Pangbasag katahimikan na tanong ni Axel.

“Baka about sa pagiging leader ko.” Natahimik ulit kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa dean’s office. Agad kami nitong pinaupo at nginitian.

“Pasensya kung ipinatawag ko kayo sa gitna ng klase. Gusto ko lamang ipaalam na nagpapasalamat ako sa inyong dalawa dahil naging maganda ang leadership niyo..”

“..At ngayon, tinutupad ko na ang usapan natin na temporary lang ang pagiging leader mo.” Tinignan ako ng dean at nginitian ko lang ito.

“Now, I want you to meet. The new keen’s leader.” Lumingon ang dean sa kanang direksyon niya kaya naman lumingon din ako at hindi inaasahan ang nakitaㅡ

“Ms. Amanda Barrios. Ka-age niyo lamang siya ngunit sa America siya nag-aral simula nang umalis siya rito. I guess she’s ready to be a leader since she’s a 100% keen like you... And also, graduated na siya, her IQ is just so unbelievable. Isn’t?” Nakangiting pakilala ng dean at tila proud na proud.. Tumayo ako para makipagkamay kay Amanda.

“Hello. It’s nice to meet you.” Sabi nito sa akin.

“Ako nga pala si Rain Celvero. Remember? Yung nakabangga mo noon malapit sa market?” Napangiti siya dahil sa sinabi kong iyon, mukhang naalala niya.

“Small world. I hope matulungan mo ako sa pagiging leader.” Nakangiting sabi niya at tumango ako habang nakangiti. Mukha naman siyang mabait at madaling pakisamahan.

“Axel Sevilla.” Walang emosyong pakilala ni Axel habang nakaupo pa rin siya sa kinauupuan niya.

“It’s nice to know na magkakilala na pala kayo. Anyways. Thank you Ms. Celvero and Mr. Sevilla. You can go back to your class, may ilan lamang akong gusto ipaalam kay Amanda.” Tumayo na si Axel at sabay kaming nagpaalam sa dean.

“Mauna na kami.” Paalam ko kay Amanda at nginitian niya lamang ako habang tumatango. Paglabas namin ni Axel ay hinila ko siya agad para huminto. Hindi ko kasi nagustuhan ang kawalan ng respeto niya kanina.

“What?” Tanong niya sa akin na halatang irita pa rin hanggang ngayon.

“May problema ka ba?”

“Hindi lang maganda ang pakiramdam ko.” Sabi niya kaya naman hinawakan ko ang noo niya at laking gulat ko na lang nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

“Axel.” Tawag ko ngunit nakatingin lang siya sa akin. Ano bang problema niya?

“Rain.” Boses ni Thunder kaya naman mabilis kong inalis ang kamay ko sa noo ni Axel kasabay ng pagbitaw niya sa palapulsuhan ko.

“Oh, bakit ka nandito? Tapos na ba ang klase?” Tanong ko nang lapitan niya kami ni Axel.

“Oo, maaga nag-dismiss. Anong nangyari? May problema ba?” Tanong niya sa akin pero na kay Axel ang tingin niya. Hindi ko na rin nagawang sumagot pa dahil bumukas ang pintuan ng dean’s office.

“Amanda? Ang laki mo na, ah!” Puna ni Thunder at agad niyang nilapitan si Amanda para yakapin. Mukhang napasarap pa ang una nilang pagkikita dahil nagkwentuhan pa sila. “Wait.”

Lumapit sa akin si Thunder at hinawakan ang baywang ko habang nakaharap kami kay Amanda. “Si Rain, girlfriend ko.”

“Kilala ko na siya. Ang swerte mo sa kanya Rain. Thunder is a nice guy, at first akala ko ag bad boy siya since insolent siya pero may itinatago din pala siyang kabaitan.” Nakangiting sabi ni Amanda at tumango lamang ako.

“Sa totoo lang, demonyo talaga ang tingin ko sa kanya noon peroㅡ”

“What? Grabe! Hindi ko alam ‘yon, ah.” Pagputol ni Thunder sa sasabihin ko at saka ako tinusok-tusok sa baywang.

“Now you know.” Natatawang sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya sa pagkiliti sa akin.

“Ah sige, mauna na ako, ah? Kailangan ko pa pumunta sa keen’s lab. By the way, Thunder. Thank you dahil binigyan mo ng hustisya ang nangyari sa akin noon. Malamang nagdudusa na si Yb sa kulungan.” Sabi ni Amanda kaya huminto kami ni Thunder sa paghaharutan.

“Hindi ko naman magagawa ‘yon kung hindi dahil kay Rain.” Tinignan ako ni Thunder at saka nginitian.

“Sige, mauna na ko. Salamat sa inyong dalawa.” Tumango lang kami at tuluyan na siyang umalis. Paglingon ko naman sa pwesto ni Axel ay wala na siya roon. Ano kayang problema ng lalaking iyon? He’s acting weird.

Kinabukasan, 5:00 a.m pa lang ay gising na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw. Hindi ako mapakali.

“Beb.” Tawag ko ngunit mahimbing pa rin ang pagtulog niya. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at may isang unknown number ang nag-text sa akin mula pa kagabi.

Let the game begins.” Kusa na lamang akong napabangon sa kama matapos iyong mabasa.

Sino ka?! Halos magpaikot-ikot ako rito sa balkonahe habang naghihintay ng reply niya.

It’s for you to find out.” Sinubukan kong tawagan ang number na iyon ngunit unattended na.

“Beb? Ang aga pa, ah.” Tawag ni Ayesha habang nagkukusot pa ng mata.

“Nagising ba kita? Sorry Beb.”

“Ha? Hindi. Nag-vibrate kasi yung phone ko. Nag-text si Pink, wala daw klase mamaya kasi opening ng mga clubs para sa freshman.” Pumasok ako sa kwarto at naupo sa dulo ng kama.

“Sinong Pink?”

“Bagong nililigawan ni Jin, mukhang magkasundo na kasi silang dalawa ni Liam kaya tinigilan na niya ako.” Nakangiting sabi ni Ayesha nang tabihan niya ako. Buti pa siya, walang iniisip. Walang problema.

“Ikaw? Ba’t ang aga mo magising? Is there something wrong?”

“Ah wala, naalimpungatan lang.” Sagot ko at saka humiga ulit para sana matulog ngunit mukhang nagising ang diwa ko dahil sa text na iyon.

Ilang oras ang lumipas, maingay na sa labas, mukhang nag-start na ang event. Umalis na rin si Ayesha dahil parte siya ng woman’s baseball team kaya kasama siyang mag-rerecruit ngayon.

Tinignan ko ang phone ko para i-check kung gising na ba si Thunder ngunit ni isang message ay wala. Minabuti ko na lamang lumabas para panuorin ang mga tao sa labas at pagdating sa field ay si Jiro agad ang bumungad sa akin, hindi ko alam kung anong meron pero tumatakbo siya ngayon papunta sa akin.

“Rain! Gising na si Zea.” Hingal na sabi niya habang nakahawak sa magkabilang tuhod. Hindi ako nakapagreact agad pero mabilis niya akong hinila papunta sa parking lot. Hindi na ako nagreklamo pa dahil good news iyon. Sa wakas at nagising na rin si Zea.

Pagpasok namin sa sasakyan ay ramdam ko ang pagiging awkward sa isa’t-isa kaya naisipan kong basagin na lang ang katahimikan.

“Ngayon na lang ulit ako nakasakay dito, ah.” Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Ngayon na lang din tayo nagkaroon ng chance na magkausap ng tayong dalawa lang...”

“..Rain sorry for everything. I know you’re blaming yourself dahil sa mga nangyari, but please don’t. Sabihin na nating may parte na nadagdagan ang galit ko kay Thunder because of that stupid love pero believe me, bago ka pa dumating sa buhay naming dalawa, mayroon na talaga kaming hindi pagkakaunawaan..”

“..But now, I realized something. Actually noong ma-coma si Zea, sinabi ko sa sarili ko na I will treat her right, ayokong magsisi sa huli at kayo ni Thunder? Masaya ko para sa inyo.” Nagtinginan kaming dalawa at saka ngumiti sa isa’t-isa.

“I mean it, pero that doesn’t mean na aatras na ako sa ground zero ‘cause you know? Winners never quit.” Nakangiting saad ni Jiro na tila confident na confident siyang mananalo. Tumango lamang ako habang nakangiti, at least malinaw na ang lahat.

Pagdating namin sa hospital ay tinext ko agad si Thunder para ipaalam na narito ako. Kakaalis lang din ng daddy ni Zea para kumuha ng damit kaya kami lang dalawa ni Jiro ang natirang nagbabantay.

Agad siyang lumapit sa asawa niya kaya naisipan kong bigyan muna sila ng privacy. Lumabas muna ako ng kwarto at tinignan ang gallery ko para malibang ngunit habang tinitignan ko ang mga picture namin ni Thunder ay napansin ko ang peklat niya sa braso.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan iyon nanggaling. Yung sugat na ginamot ko noon, saan niya kaya iyon nakuha?

“Rain. Bibili lang ako ng hot chocolate para kay Zea. Pumasok ka na sa loob.” Sabi ni Jiro kaya naman tumayo na ako at pumasok para kausapin si Zea.

“Rain.” Nakangiting tawag niya sa akin nang maupo ako sa tabi niya. Ang bilis niyang makarecover, mabuti at hindi siya nagkaroon ng amnesia.

“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo?” Tanong ko pero umiling lamang siya. “Sorry sa nangyari Zea, ah? Kung hindi dahil sa’kinㅡ”

“Don’t blame yourself. Everything happens for a reason, Rain.” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti naman ako.

“Alam kong hindi ‘to maganda pag-usapan ngayon pero masaya akong makausap ka bago ako umalis.”

“W-what do you mean?” Naguguluhang tanong niya kaya naman huminga muna ako ng malamin at saka ngumiti.

“May limang araw na lang ako para manatili sa Monstrous. Sunday morning, aalis ako. Babalik na ako sa dati kong eskwelahaㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko dahil sa naging reaksyon ni Zea, para siyang nakakita ng multo kaya lumingon ako at halos manghina ang buong katawan ko nang makita kung sino ang taong nakatingin sa akin sa mga oras na ito.

Lungkot, galit at sakit ang mga nakikita ko sa mga titig niyang iyon.

“T-thunder.”

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 28.5K 45
Katrina Ruiz was a transferee student in her new school, the prestigious Infinty High where only rich, gourgeous, handsome and smart are the students...
4.8M 75.9K 77
(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalang puno ng sakit. Kailan ka nga ba makaka...
285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
172K 3.9K 47
She's one of the boys, but that doesn't mean that she's in love with a girl. It's not how you act or how you dress up... It's what you feel.