Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 310K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter Thirty six

109K 3.4K 299
By dauntlehs


36: We’re not done yet
-

Habang nasa daan ay naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagpatak ng tubig mula sa itaas. Inilahad ko ang mga kamay ko at ano mang oras ay lalakas na ang ulan kaya nagmadali na rin akong umuwi.

Pag-akyat na pag-akyat ko ng rooftop ay sinalubong agad ako ni Thunder ng isang mahigpit na yakap. “B-bakit?”

“Saan ka nagpunta? Nag-alala ako. Paggising ko wala ka na, akala ko iniwan mo na ko.” Kumalas siya sa pagyakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ngumiti lamang ako ng tipid.

Nasasaktan akong makita siyang ganito. Paano pa pagtuluyan ko na nga siyang iniwan?

“Sorry pinag-alala kita. Bumili lang ako sa market. Wala na kasing laman yung ref eh.” Ipinakita ko sa kanya ang mga dalang plastic at nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga. Matapos noon ay kinuha niya ang mga dala ko at sabay na pumasok sa loob.

“Wag mo nang uulitin ‘yon, ah? Nag-alala talaga ako. Naiwan mo pa yung phone mo.” Sabi niya nang ilagay niya ang mga pinamili ko sa ref. Lumapit ako sa kanya at saka ito niyakap mula sa likuran.

“Sorry.” Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paghawak niya sa mga braso kong nakayakap sa kanya. Marahan niya iyong tinanggal at saka humarap sa akin. “Paano kung hindi tayo para sa isa’t-isa?”

Halatang nabigla siya sa tanong kong iyon ngunit pinulupot niya lamang ang mga braso niya sa baywang ko at saka ako hinatak palapit sa kanya.

“Stupid. You’re the reason why I changed. You’re the reason why I’m happy. You’re my everything and I will be your everything. Kahit hindi tayo para sa isa’t-isa, gagawa ako ng paraan kahit na tadhana pa ang kalaban.”

Panandaliang huminto ang tibok ng puso ko matapos iyong marinig mula sa kanya. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

“Ang cheesy mo naman. Wait lang ccr ako.” Dali-dali akong pumasok ng banyo at doon na nga ako tuluyang naiyak kasabay ng pagbuhos ng malakas ng ulan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil tila sumisikip ang paghinga ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.

“What happened? May problema ba?” Tanong ni Thunder habang kumakatok. Pinilit kong itigil ang pag-iyak at sunod-sunod na pinunasan ang luha ko.

Naaasar ako sa sarili ko. Paano ko ba lalabanan ‘to? Paano ba ako makakahanap ng paraan para hindi na matuloy ang balak kong pag-iwan sa kanya? Bakit hindi gumagana ang pagiging Keen ko sa ganitong sitwasyon.

“Wala.” Sabi ko kasabay ng pagbukas ko sa pintuan.

Ilang oras ang lumipas. Almost 11:00 p.m na ngunit gising na gising pa rin kaming dalawa at hindi pa rin humihinto ang malakas na ulan.

“Kanina, may babae akong nakabangga.” Kwento ko habang nandito kami sa couch at nanunuod ng Digimon. Ewan ko ba kung bakit paborito niya ‘to.

“Sino naman?” Tanong niya nang ilagay niya ang braso niya sa baywang ko.

“I’m not sure pero napulot ko kasi ‘to.” Inabot ko sa kanya ang name tag na napulot ko at nanlaki naman ang mga mata niya nang mabasa kung anong nakalagay doon.

“That means. Bumalik na siya?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder. Nagkibit na lamang ako ng balikat dahil hindi ko naman kilala personally ang taong iyon.

“Pwede kang matulog sa kama ngayong gabi.” Sabi ko at sa hindi malamang dahilan ay napatayo si Thunder. Simula kasi nang mag-umpisa ang bakasyon ay dito siya natutulog sa couch habang ako naman ay sa kama.

“Wait? Anong nakain mo?”

“Wala lang, gusto kasi kita makatabi sa pagtulog pero sa isang kondisyon.” Lumapit siya sa akin at tinitigan akong mabuti.

“Wag mong paiiralin ang kamanyakan mo.” Sinamaan niya ko ng tingin dahil sa sinabi ko kaya natawa ako at saka nagmadaling tumakbo paakyat sa taas. To be honest, gusto ko lang sulitin ang bawat oras na kasama si Thunder. Ang gusto ko lang ngayon ay manatili sa tabi niya buong araw at buong gabi.

Kinabukasan, kakaiba ang naging pakiramdam ko. Dahan- dahan kong dinilat ang mga mata at nakita kung paano ako titigan ni Thunder.

“Kanina ka pa gising?” Tanong ko habang nagkukusot ng mata.

“Sarap mo panuorin habang natutulog.” Nakangiti niyang sabi at napangiti rin ako. Babangon na sana ako ngunit hinila niya ako pabalik at saka niyakap ng mahigpit. “Dito ka muna.”

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin na tila ayaw akong pakawalan. Pumikit lamang ako ng marahan at niyakap siya pabalik. Sana bumagal ang oras, sana hindi na matapos ang araw na ‘to.

“Anong gagawin natin ngayon? Bibisita ba tayo kay Zea?” Tanong ko habang nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko.

“Gusto kita makasama buong araw kaso may training kami ng Dark demons ngayon.” Sabi niya at tumango lamang ako. Panandalian kaming natahimik at maya-maya lang ay gumulong siya paibabaw sa akin, habang ang mga kamay naman niya ay nakapatong sa unan na hinihigaan ko.

“Yah. May usapan tayo, ah.” Paalala ko ngunit nginisian niya lamang ako.

“Alam mo bang mahal na mahal kita?” Tanong niya at napangiti naman ako.

“Hindi ko nga alam na ganito pala magmahal ang mga gangster na tulad mo.” Kinurot ko ng marahan ang ilong niya at saka siya tinitigan.

“Now you know.” Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Ilang segundo lang din ay tumayo na siya ngunit laking gulat ko na lang nang bigla niya akong buhatin na para bang bagong kasal.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ko habang bumababa siya ng hagdan at buhat-buhat pa rin ako.

“Ngayon pa lang babawiin ko na ang mga oras na hindi kita makakasama mamaya.” Itinaas-taas pa niya ang dalawang kilay niya at saka ako inupo sa dining chair habang siya naman ay nagpunta sa kusina at nagluto habang suot ang apron niyang benten.

Nakapalumbaba lamang ako sa kanya at pinagmasdan siyang mag luto. Ilang linggo na lang ang natitira at hindi ko na siya makikita ng ganito. Gusto ko siyang titigan buong magdamag.

“Gwapong gwapo ka na naman sa’kin.”

“Kapal mo.” Binato ko siya ng plastic na prutas ngunit nasalo niya iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang naging unang tapak ko rito sa bahay niya noon.

Ilang oras ang lumipas ay nakaalis na siya at naiwan na akong mag-isa rito sa bahay. Nakatanaw lamang ako rito sa rooftop hanggang sa mapansin kong may taong nakamasid sa akin mula sa ibaba.

Sino naman kaya iyon? Hindi ko siya masiyadong makita dahil may suot itong itim na cap at face mask. Na-curious ako kaya naman bumaba ako ngunit pagdating ko sa ibaba ay wala na ang taong iyon sa pwesto niya.

Nagpalingon lingon pa ako sa paligid, nagbabakasakali na hindi pa nakakalayo ang taong iyon pero wala na akong makita. Tinignan ko ang puno kung saan siya nakapwesto kanina at nakitang may kung anong kumikinang sa sahig kaya naman lumapit ako roon at pinulot ang maliit na bote na mayroong kulay asul na papel sa loob.

Tinanggal ko ang takip noon para lang kunin ang papel at basahin ang nakalagay doon. We're not done yet.”

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko. Parang may nagmamasid sa akin, lumingon ulit ako sa paligid at laking gulat ko na lang nang may humila sa akin. Hindi ko na nagawang tignan ang taong iyon dahil sa kustilyong tumusok sa puno na kinatatayuan ko kanina.

“Tara!” Aya sa akin nang lalaki at mabilis niya kong hinatak palayo.

“Saan mo ko dadalhin?” Tanong ko pero agad din kaming huminto nang makalayo kami sa lugar na iyon.

“Nakita mo naman ‘di ba? May gustong pumatay sa’yo.” Sabi niya at muli kong tinignan ang hawak kong asul na papel. Posible kaya? Isa lang naman ang pumapasok sa isip ko na pwedeng gumawa nito.

“S-salamat.”

“Lumayo ka muna sa lugar na ‘to, Miss. Wag ka rin aalis ng walang kasama.” Bilin sa akin ng lalake.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nanginginig ang mga kamay ko. Kung hindi niya ako hinila noong mga oras na iyon, malamang ay may nakatusok na sa aking kutsilyo ngayon.

“Huminga ka ng malalim.” Sabi niya nang hawakan ako nito sa magkabilang balikat. Pumikit ako at saka huminga ng malalim gaya ng sinabi niya. Kahit paano ay medyo nawala ang panginginig ng mga kamay ko. Dahan-dahan akong idinilat ang mga mata ko ngumit pagdilat ko wala na siya. Lumingon ako sa paligid ngunit ako na lang ang tanging nandito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sana si Thunder pero hindi niya sinasagot. Natatakot ako sa mga oras na ‘to at ayokong bumalik sa bahay ng wala si Thunder.

Nanatili lamang ako rito sa kinatatayuan ko. Ewan ko ba, hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Halos mabitawan ko pa ang phone ko nang bigla iyong tumunog.

M-matthew.”

Hello Rain? Bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba? Are you okay?”

Matthew. Puntahan mo naman ako dito sa p-park na malapit sa bahay nila Thunder. N-natatakot ako.” Patuloy na nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang takot, nahihirapan din akong huminga. Damn it!

Bakit? Ano bang nangyari? Saglit, papunta na ko.”

Ilang minuto ang lumipas ay nakahinga na ako ng maluwag nang makita si Matthew na papalapit dito, kasama nya si Tymee.

“Rain.” Agad kong niyakap si Tymee at inilayo nila ako sa lugar na iyon. Sinama nila ako sa isang park kung nasaan ang mga kagrupo ni Matthew.

“Rain, ano ba talagangㅡ”

“Wag mo muna siya piliting magkwento.” Pagputol ni Tymee sa balak sanang itanong si Matthew, medyo natawa pa ako nang makitang sinabunutan niya pa ito. Nawala tuloy ang takot ko.

“Hindi ko alam na sadista ka pala. Sinasaktan na ko tumatawa ka pa.” Ngumuso sa akin si Matthew na parang bata kaya napangiti ako, bumalik na talaga siya sa dati.

“Sorry pero... Matt salamat, ah.” Sabi ko at tumango lamang siya. “Bakit ka nga pala tumawag?”

“Ah wala lang, hinahanap ka kasi sa’kin ni Axel.” Sagot niya at tumango lamang ako. Maya-maya lang din ay nagpaalam na sila ni Tymee na ipagpapatuloy pagt-training.

Tumakbo silang pareho sa kinatatayuan ng grupo ni Matthew habang ako naman ay patuloy pa ring tinatawagan si Thunder, nagbabakasali na sagutin na niya.

Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hininga. Hindi pa nga natatapos ang problema ko pero ito at may panibago na naman.

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

14M 305K 79
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!
245K 7.1K 63
"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."
85.2K 1.8K 29
Lahat ng bagay may sagot. Walang bagay na walang explenasyon. Sadyang mapaglaro ang mundo at nakakagulo ang tadhana. Makakaya ba nilang iexplain ang...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...