Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 309K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter Twenty nine

134K 4.3K 1K
By dauntlehs


29: The truth
-

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa amin ang grupo ni Jin. Hindi ko naman gugustuhing mapagitna na naman sa isang gulo kaya mabuti na lang ay marunong silang makaramdam.

“Liam. Salamat ah.” sabi ko nang umalis ako sa likuran niya. Tulad ng dati, ginulo lang niya ang buhok ko at nag ngitian.

“Hey hey.” tawag ni Thunder nang akbayan niya si Liam na akala mo’y close silang dalawa. Wow. Kailan pa siya naging fc?

“So totoo nga. Kayo na.” sabi pa ni Liam nang alisin niya ang braso ni Thunder sa balikat niya habang nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako, paano niya nalaman? Bati na ba sila ni Ayesha?

“May nakapost sa bulletin.” nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niyang iyon, magaling pa rin siyang bumasa base sa ekspresyon. Hindi na ako nagtanong pa at dali daling tumakbo papunta sa pinakamalapit na bulletin board.

Insolent’s Thunder Cross and Keen’s Rain Celvero. Confirmed to be dating.”

Napahawak na lang ako sa ulo ko nang mabasa iyon. Ang lakas makashowbiz at saan naman nila nakuha ang picture na idinikit nila?

“So totoo nga.” naramdaman ko na lang ang pagtayo ng balahibo ko ng marinig ko ang nakakairitang boses iyon. “Nawala lang ako saglit, nagayuma mo na si Thunder?”

Taas kilay na nakatingin sa akin si Emerald, pinili kong wag na siya bigyan ng pansin at tanggali. na lang ang nakalagay sa bulletin pero hinila niya ang braso ko kaya naman napaharap ako sa kanya.

“Oh Emerald. Nakabalik ka na pala galing amerika.” boses ni Jasper. Agad naman akong binitawan ni Emerald at parang naging maamo bigla ang mukha niya. Wow.

“Oh hi Thunder, kino-congratulate ko lang si Rain. Hindi mo nabanggit sa’kin na mababa na pala ang standard mo sa babae.” nainsulto ako sa sinabi niyang iyon pero dahil may pinagaralan ako, mananahimik na lang ako at hindi na siya papatulan. Wag lang niya akong pupunuin dahil masamang magalit ang mga taong mapagtimpi na tulad ko.

“No. Narealize ko lang na mas masarap gawin yung bagay na never ko pang ginawa sa’yo.” sabi ni Thunder kaya napalingon ako sa kanya.

“Ano yun?” naguguluhang tanong ni Emerald.

“Ang magseryoso.” nakangising sagot ni Thunder at saka niya hinawakan ang kamay ko para lumayo. Hindi naman na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa classroom. Ewan ko ba, kinikilig ba ako?

“Celvero. The dean wants to see you at his office.” bungad sa akin ni Sir pagkapasok na pagkapasok namin ng classroom.

“Samahan na kita.” presinga ni Thunder pero agad akong umiling.

“Kaya ko na ‘to. Gawin mo na lang yung bagay na never mo pang ginawa.” bulong ko at kumunot naman ang noo niya.

“Ano?”

“Ang makinig sa prof. Sige na bye.” ngumiti ako ng malawak at saka dali daling tumakbo papunta sa dean’s office. Tungkol saan naman kaya ito? Sa kaso ni Devon? Or sa Keen’s org?

“Ms. Celvero.” nakangiting bati sa akin ng dean nang maupo ako sa harapan niya. “I just want to say thank you. Hindi ko alam na may anumalya na palang nangyayari sa academy, but thanks to you dahil nakakulong na ang dalawang nagpasimuno ng illegal na bagay na iyon, but we still have a problem..”

“A-ano po ‘yon?”

“We lost a keen’s leader at wala akong ibang naiisip na ipalit kung hindi ikaw.” nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi iyon ng dean. Ang bata ko para maging leader at isa pa, estudyante rin ako.

“A-ako po? Pero freshman lang ako at isa pa po, wala akong alam sa organisasyon ng keen at sakaㅡ”

“Okay relax. This is just temporary. Maybe three weeks? Habang hinihintay lang ang bagong papalit na leader.”

Liam’s POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ba kasi nasa ganitong sitwasyon ako? Masyado ko lang pinahihirapan ang sarili ko. Hindi ako ‘to. Hindi ako yung dating Liam na iwas sa gulo. Probity ako pero nagagawa kong magsinungaling. Damnit.

“Mr. Montero. Are you with us?” Tanong ng prof. Hindi na ako makapagpigil kaya naman dali-dali na akong tumayo at lumabas ng classroom para puntahan si Ayesha. Gusto kong magsorry. Ang tagal na noong huli kaming nagkausap. I miss her.

“Ma’am excuse. Pwede kay Chua?” Tanong ko nang magpunta ako sa classroom nila Ayesha.

“Wala dito, nagpaalam sila ni Jin na pupunta ng librarㅡ” hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng prof at dali-daling tumakbo para hanapin si Ayesha. Hinahamon talaga ako ng lalaking iyon. Sinabi ko nang layuan si Ayesha.

Mabuti na lang at hindi pa sila nakakalayo, mabilis ko lang sila nakita na naglalakad sa field.

“Ayesha!” Tawag ko. Nilingon niya ako pero agad din naglakad palayo habang hatak si Jin. Talagang iniiwasan niya ko. Ofcourse she will. Sabihin ko ba naman na wala siyang pakialam sa nangyayari sa akin, eh. “Ayesha! Let’s talk!”

Nagmadali ako sa pagtakbo at nang makalapit ay pinigilan ko ang braso niya pero imbis na harapin ako ay naramdaman ko ang pagtama ng kamao ni Jin sa mukha ko.

“What theㅡJin! Stop!” Pagpigil ni Ayesha. Hindi ko na gugustuhing gumanti dahil mas gusto kong makapag-usap kami ni Ayesha. Gusto kong linawin lahat at wala akong balak makipagbasagan ulit ng mukha sa lalaking ‘to.

“Ayesha. Let’s talk. Please.” makaawa ko.

“Jin. Iwan mo munaㅡ”

“Butㅡ”

“It’s okay.” walang nagawa si Jin kung hindi ang tignan ako ng masama at banggain ang balikat ko. Agad ko namang sinubukang hawakan si Ayesha ngunit umatras siya.

“Look. I’m sorry. Yung sinabi ko sa cafeteria. Hindi ko ‘yon sinasadya.” tumingin siya sa malayo at hindi man ako magawang harapin. “Sorry, hindi ako naging honest. Nakaya kong magsinungaling kasi hindi ako ready umamin na hindi lang kaibigan ang turing ko sa’yo...”

"..Totoo na nagustuhan ko si Rain pero wala pa ‘yon sa kalahati ng nararamdaman ko para sa’yo. A-akala ko kasi pagpinush ko yung pagkagusto ko kay Rain, makakalimutan ko yung nararamdaman ko para sa’yo at isa pa ayokong masira yung pagkakaibigan natiㅡ”

“What do you mean?” Pagputol niya nang tignan na niya ako ng diretso sa mata.

“Matagal na kitang gusto. Ayoko lang iparamdam kasi alam kong kaibigan lang ang turing mo sa’kin.” sabi ko at nabigla na lang ako ng sampalin niya ako kasabay ng pag-iyak niya.

“Bakit ngayon mo lang ‘to sinasabi?! Hindi mo ba nararamdaman na nagseselos ako tuwing binabanggit mo yung pangalan ni Rain?!” Sigaw niya habang hinahampas hampas niya ang dibdib ko. Niyakap ko siya para pakalmahin. Hindi ko alam, hindi ko alam na. Waitㅡ

“N-nag seselos ka? I-ibig sabihin.” tinignan niya ko at dahan-dahan lang siyang tumango. Kusa naman akong napangiti. All this time, pareho pala kami ng nararamdaman?

Eh ‘di worth it naman pala yung ginawa kong one-on-one kay Jin noon sa hell’s gate para tigilan niya si Ayesha. Damn.

Rain’s POV

Mabilis lumipas ang oras at breaktime na. Pumayag ako sa offer ng dean, 3 weeks lang naman, eh. Kaya ko naman siguro ‘yon. Experience rin iyon saka sabi naman ni Axel ay tutulungan niya ako.

“Matthew, para kang kiti-kiti.” reklamo ni Jasper dahil kanina pa siya hindi mapakali sa upuan. Sa kanila ako sumabay kumain ngayon dahil hindi ko makita si Ayesha at Liam, mukhang magkaaway pa rin sila.

Totoo pala talaga yung kumakalat na rumors.”

Ano kayang pinakain niya sa dark

Balita ko ngaㅡ

“Sige. Ituloy mo ‘yang sasabihin mo. Sisiguraduhin kong magkakalaglag ‘yang mga ngipin mo sa sahig.” banta ni Zea sa mga babaeng pilit akong pinagbubulungan. Nabanggit nga pala sa akin ni Jiro noon na ill tempered itong si Zea. So totoo nga.

Nginitian niya ako at saka siya naupo sa tabi ni Jiro. “Sabi nga pala ni Dadㅡ”

“Hinda ba sabi ko, sa harap lang ng magulang natin tayo magiging mag asawa?” Bored na tanong ni Jiro kay Zea. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang inaasal niya iyon, hindi na tama.

“Ganun ba? Okay. Madali akong kausap, kung ayaw mo sa’kin hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Sa tingin ko naman, hindi na ako yung Zea noon na habol ng habol sa’yo.” mahinahon na sabi nang tumayo ito at umalis. Gusto ko sana siyang sundan ngunit pinigilan ako ni Thunder. Kanina pa siya tahimik.

“Jiro, sundan mo siya. Hindi niya deserve ang pagtratong ginagawa mo.” sabi ko pero hindi niya ako pinansin at ilang segundo lang ay bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

“Matthew, ano ba. May bulati ka ba sa pwet?” Reklamo na naman ni Jasper. Ano ba kasing problema ng lalaking ito?

“Kailangan ko ng umalis.” Bigla niyang paalam at saka dali-daling lumabas ng cafeteria. Nagkatinginan kami ni Jaspee at sabay na nagkibit balikat.

“Anong problema?” Tanong ko kay Thunder nang mapansin na wala siyang kibo mula pa kanina.

“Nag-gwapuhan ka ba kay Liam?” Napangiwi na lang ako dahil narinig. Anong klaseng tanong ba iyon? Don’t
tell me iyon ang iniisip niya mula pa kanina?

“Oo. Una ko pa lang siyang nakita nagwapuhan na ko sa kanya, eh.” sagot ko at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.

“Matagal na ba niyang ginagawa yung paggulo sa buhok mo na parang bata?” Tanong niya ulit at tumango lang ako.

“Alam mo kung naiinsecure ka sa kanya. Thunder. Ihinto mo na. May gusto ‘yon kay Ayesha no, kaya wala kang dapat ikaselos.”

“Ha? Sino naman nagsabi na nagseselos ako? Tss. Hindi hamak naman na mas gwapo ako sa Liam na ‘yon. Nakita mo ba kung gaano kalaki yung ilong niya? Pft! Akala ko nga kamag-anak niya si squidward, eh.” napailing na lang ako sa mga sinabi niya, hindi pa rin talaga naaalis ang insolent sa dugo niya.

“Ano ba! Bitawan niyo nga ako!”  Sigaw ng pamilyar na boses. Lahat naman kami ay napatingin sa entrance ng cafeteria kung saan iyon nanggaling.

“Si Emerald ba ‘yon?” Tanong ni Jasper nang tatayo na sana siya pero mabilis na tumakbo si Thunder papunta sa kinaroroonan niya kung saan may dalawang lalake ang nakahawak sa braso niya.

Wala lang naman ‘yon ‘di ba? Ganun naman talaga si Thunder, eh. Feeling hero kaya wala kong dapat ikaselos.

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

18.4M 572K 87
Though tagged Fantasy, this story is 60% Romance, 20% Humor, 20% Fantasy. Enjoy! -------------- This is a story about Four Mysterious Nerds who e...
1.3M 28.5K 45
Katrina Ruiz was a transferee student in her new school, the prestigious Infinty High where only rich, gourgeous, handsome and smart are the students...
25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...