Lost Academy

By Blabbersalert

13.3M 379K 61.1K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... More

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #28
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
In the Forest with Rave
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #83.1
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #89
Lost Academy #90
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

Lost Academy #15

151K 4.6K 555
By Blabbersalert




Chapter 15: He's Awake

[ASPER]

Grabe ang sarap ng tulog ko. Napagod ako ng sobra nung Friday. Hindi dahil sa laro na napag alamanan kong pumalpak pala kaya walang winner, nasayang lang ang effort ko sa kakatakbo, kundi dahil sa bugbog sarado ako ng yakap ng mga mamaw, aba'y sino pa ba? Sila Ashley, Kayle at Nikki lang naman. 

Kalain mo yun nag alala daw ang Trio, Mabuti nalang daw at walang nangyari sakin kasi kung meron daw, pagtutulungan daw nilang ipalapa si Presto dun sa halimaw na humabol sakin, na napag alaman ko ring alaga pala ng headmaster. 

Lintek naman, sa lahat ng pwede gawing alaga yun pang dambuhalang halimaw na yun. Nasermonan nga ako ng tatlo na dapat akong mag ingat sa mga bagay at mga creatures na nakikita ko dito sa eskwelahan kasi di ko pa daw alam kung ano anong halimaw ang naninirahan dito. 

Minsan nga napapaisip ako kung laro bang matatawag yun, buwis buhay kasi.

Di ko nalang pinaalam sa kanila yung weird na nangyari sakin nung Friday baka ano pang sabihin nila at isa pa pagod nako sa bibig nila. Ewan ko na lang kung sinabi ni Presto and speaking of him, di ko na siya nakita simula last Friday. 

Nung umalis nalang sya bigla, nagtaka nga ako non sa inasal niya pero baka may kailangan pa syang gawin nun kaya hindi ko na lang binabanggit hanggang ngayon.

Saturday, sunday wala naman akong masyadong ginawa, pinagpahinga lang naman ako nila tapos kinausap tungkol sa nangyari sa laro tapos sabi pa nila may nangyari daw na kakaiba di naman nila inexplain sakin kung ano pero basta may kakaiba daw talagang nangyari.

"Hoy Babae! Bumangon ka nga dyan at aalis tayo." bungad sa kin ni Ashley. 7:00 palang ng umaga at Monday ngayon.

"Wala man lang good morning?" tanong ko.

"Oh Good morning. Hala sige na, larga na sa Cr." sabi ni Ashley.

"Hmp. Good morning na nga lang." bati ko sa kanya, nakatihaya kasi siya sa kama niya na katabi ko lang din, si Kayle naman di ko pa nakikita. Early bird kasi yun, umaga palang kung san na nagsususuot. Pumasok na ako sa banyo at agad naligo pagkatapos magbibihis na. Pero nahirapan akong magbihis, may sumasabit kasi sa damit ko, kaya nahihirapan akong ibaba ang damit ko.

"Ano ba to?" tiningnan ko yung nakasabit sa leeg ko.

"Kwintas?" natanong ko sa sarili ko, minadali ko munang isuot ang damit ko at luckily, Di naman sumabit ang kwintas tsaka ko hinanap ang lock ng kwintas para matanggal ko pero wala akong nakita, pilit ko itong hinubad pero di talaga mahubad hubad. "Ano ba to?" takang tanong ko.

"Di bale nalang nga, maganda naman eh." sabi ko tsaka ko inilagay sa loob ng damit ko.

Maganda ang singsing na nakasabit sa kwintas, Silver ang kulay pero parang may naka engrave na di ko maintindihan kung ano pero may mga kulay sya na parang gumagalaw galaw sa loob ng green na diyamante, kakaiba na nagmimistulang isang bagong universe sa loob ng bato. 

Sa paligid naman ng dyanmante ay nakapulupot na mukhang vines na may tinik-tinik pero kulay silver pa rin naman. 

Di kaya ng brain cells ko na intindihin ang ganitong uri ng bagay. I wonder kung sino ang may bigay nito sakin?

Lumabas ako ng C.R. na fully dressed na ng unifom. 

Ang uniform na sinasabi ko ay short plitted dark gray skirt, tapos puff blouse na white under a vest then ribbon depende ang kulay kung saang klase ka na belong. 

May tatlo kaming uniform, ang isa pang-P.E. daw, ang isa naman i-e-explain ko nalang kung nasuot ko na, di ko pa kasi yun nasusuot. 

Kung iniisip nyong hindi ba kami naiinitan, malamig naman kasi talaga ang temperature sa dito sa school para daw mas komportable ang mga estudyante.

"San tayo punta?" tanong ko.

"Sa canteen, gutom ako Asper." sabi niya na nakahiga parin sa kama niya. Ano pa bang bago?

"O siya, dali na." sabi ko bumangon naman sya. "Teka, asan pala si Kayle?" tanong ko.

"Umuna na ang bruha." sabi niya. So ayun nga pumunta na kami sa Cafeteria para ano pa nga ba? Para kumain. Di magtatagal talagang mananaba na ako dito sa totoo lang.

Nang makarating na ako sa Cafeteria, naalala ko lahat yung kalokohang ginawa namin kay Shye. Ako nga lang pala ang may pakana nun. 

Simula kasi nun, sa dorm room na ako kumakain, iniiwasan ko kasing makita si Shye. 

Alam niyong palamig muna? Yung iwas iwas muna baka may pinaplano rin yun, mga katulad kasi niya parang may binabalak parati na hindi maganda.

"Asper, Ashley, Dito oh." tawag ni Nikki, Nakita ko naman sya at nandun rin pala si Kayle, at dalawang lalaking di ko kilala. Aba! May mga bagong mukhang nakikijoin samin ah. Tumungo agad kami ni Ashley dun kila Kayle. 

Teka, bakit pakiramdam ko wala sa mood si Ashley ngayon? 

Hindi sya gaanong naimik, simula pa nung papunta palang kami dito sa Cafeteria. 

Ano kayang meron?

"Good morning." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Morning din Asp." Sabi ni Nikki.Asp? Bago yun ah.

"Good morning." bati sakin ni Kayle nung nakaupo na kami. Still di pa rin naimik si Ash, badtrip nga ata nagsimula nang kumain eh, Nag order na rin kasi sila Kayle para sa amin.

"Teka anong meron? Bakit wala sa mood ang 'sang 'to? tsaka sino naman sila?" tanong ko tapos nakatingin kay Ashley na minumurder ng bibig niya ang pagkain then sa kanila ulit Kayle at dun sa mga Lalaki. Uy! Gwapo.

"By the way, itong nasa gilid ko si Shaun Perez. Kararating lang nila sa school, galing ng kung saang lugar man yun tapos ginutom kaya ayan naki-sit-in nalang satin. Wala pa kasing tao maliban sa min nung dumating sila." sabi ni Nikki sabay turo dun sa lalaking may brown hair at gray eyes. 

May eyeglasses sya at may hawak na maliit na libro sa kaliwang kamay tapos may cute na singsing sa kanang kanang niya. 

Typical na geek type pero ang gwapo niya rin, infairness. 

Yung tipong isang tingin mo palang parang alam mo nang tambay ng library. Nakita ko namang nagtwinkle ang mata ni Kayle. Ahhh. Alam na.

"So, let me guess, ang ability mo may kinalaman sa mga information cheness? Yung parang walking library ka?" panghuhula ko.

"Pano mo nalaman?! Analysis ba ang ability mo?" excited na sabi nung isang lalaki. Tinitigan ko sya, parang may kamukha sya.

"Ang galing naman,.nalaman niya agad!" sabi pa niya. 

So I guess tama nga ako pero ano raw? analysis ability? Ano yun?

"Bayaan mo yan, 'sang kalahati't timang yan." sabi ni Ashley.

"Talaga naman eh, napakagaling kaya ng Analysis na ability." sabi nung lalaki. Sayang gwapo pa naman.

"Logic yun, bulok. as in L-O-G-I-C. Logic! Tanong mo kay Shaun kung san mo yan makukuha ng magkalaman naman kahit kapirangot ang utak mo." sabi ni Ashley.

"Ang harsh mo naman monster-in-the-closet. Alam mong talino ko nga eh." sabi nung lalaki. Magkakilala na si Ashley at ang lalaking to?

"Wag mo nga akong tawaging ganyan!" inis na sabi ni Ashley.

"Blob ka nga pala." nakangiting sabi nang lalaki. Teka, boyfriend ba to ni Ashley tapos nagkaroon sila ng LQ kaya wala ngayon sa mood si Ashley?

"Ginagalit mo ba ako?!" inis parin na sabi ni Ashley.

"Uy teka, chill guys. Ang sweet niyo namang maglambing. Wag naman kayong mag LQ dito." sabi ko. Natahimik at nagkatinginan naman sila saglit pero maya maya pa ay humagalpak na sila ng tawa.

"Ano daw LQ?" natatawang sabi nung lalaki.

"Potek! Itong timang nato?! Ka LQ-han ko?! Langya ito na yata ang pinaka the best na nangyari sa history ng buong buhay ko. 

For the first time walang nakahalata! Para sabihin ko sayo Asper, kailan man hindi ako papatol sa unggoy na'to." sabi ni Ashley habang tumatawa. Tawa pa rin sila ng tawa, ano bang mali sa sinabi ko?

"Eh?" nasabi ko nalang.

"Asper, di mo ba halata?" sabi ni Kayle.

"Ang alin?" tanong ko. Wala naman akong-Oo nga no? Tiningnan ko ng maigi yung lalaki. Blonde ang hair, brown eyes at ang hugis ng mukha!

"Kapatid mo Ashley?!" tanong ko na nanlalalaki parin ang mata ko. Ang gwapo naman ng kapatid niya di tulad ni Kuya. Joke. 

Hindi sa hindi gwapo si kuya pero di lang siya mabelong sa type ko.

"Kaya nga ko banas eh." inis na sabi ni Ashley.

"Hi. I'm Ash Tyler Gillo." sabi niya tapos inabot niya kamay niya for shakehands, kinuha ko naman pero ang kinagulat ko ay hinalikan niya ito.

"A-ah?" binawi ko agad ang kamay ko. Di ako sanay.

"Di ka sanay?" tanong niya habang nakangiti.

"Obvious ba?" sabi ko.

"Waaaah! My darling nako! This is the sign!" sabi niya. Ano daw? tumayo sya tapos hinila niya yung upuan niya para tumabi sakin.

"Anong darling na pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Gumawa kasi yan ng mga walang kwentang sign nung bata pa yan, Ang sino mang tatanggi sa kanya paghinalikan niya ang kamay destiny niya daw pero dahil nga sa timang yan, pinipili niya lang ang mga kamay na hahalikan niya." bitter na sabi ni Ashley. 

Tumabi sya sakin."Darling na kita ngayon-" di sya natapos sa pagsasalita dahil bigla nalang syang nawala ay este-! 

Ayun, yun yun eh bigla syang kumalabog kasi nahulog sya sa upuan.

"Anong--?! Aray!!" nasabi niya.

"Pfffft." pagpipigil namin ng tawa, nakatingin naman din samin ang iilang estudyante sa Cafeteria tila'y natatawa rin. Maaga pa naman kasi kaya konti palang ang estudyante dito.

"Sige tawa nalang." sabi ni Ash habang nakaupo parin sa lapag. So ayun, nagtawanan nga kami.

"Ang tanda mo na Ash, nahuhulog ka parin sa upuan?" natatawang sabi ni Nikki.

"Tss. Tingnan niyo nga oh, kumpleto naman kanina yung paa ng upuan eh, pero tingnan niyo ngayon oh, wala na yung isa, tatlo nalang ang naiwan." nakangusong sabi niya habang tinitingnan ang upuan. Anyway, tiningnan ko rin yung upuan, tama nga sya, tatlo nalang yung paa.

"Baka napagtripan ka." sabi ni Shaun.

"Posible." sabi niya habang nagkakamot sya sa may batok niya.

"Yan kasi, ang presko kasi ng pag uugali." sabi ni Ashley.

"Heh. tumahimik ka nga ate." sabi ni Ash. Tumingin naman si Ash sa mukha ko habang nakatayo pa rin sya. "Nauna syang pinanganak sakin ng isang taon. Isang taon lang gap namin kaya pwede pa naman tayo." sabi niya.

"Huh?" nasabi ko nalang habang tinitingnan ko syang kumuha ng bagong upuan tapos tinabi nanaman niya sakin.

"So.." sabi niya tapos ini-akbay niya ang kamay niya sa likuran ko pero hindi pa niya nai-aayos ang pag akbay, muli nanaman syang nahulog at muli nanaman kaming tumawa nagpout naman sya. Sakto namang  nagring na ang bell para sa klase kaya natigil naman kami sa kakatawa. Di ko nga namalayan na magtatime na pala.

"Dali na punta na tayo sa classroom." sabi ni Ashley na ngayon pala ay nakatayo na.

"Bye, darling." sabi ni Ash sabay flying kiss, ngumiti lang ako sa kanya tsaka tumango pati rin si Shaun then we part our ways. Naglalakad na kami ngayon nila Ashley papunta sa classroom ng maisipan kong magtanong about kay Ash.

"Bakit nasa Special Class nabelong si Ash? Ash?" tanong ko katabi ko kasi si Ashley sa left then sa right ko si Kayle tapos si Nikki ang nasa gilid ni Kayle. Kung tinatanong niyo kung pano ko nalaman na Special Class yung mga lalaki, kase naman po, dahil sa uniform nila, White long sleeves under a blazer tapos ang kulay ng necktie nila red. Sa taga lower class kasi blue.

"Wag mo nga syang tawaging Ash, nickname ko yun. Tyler tawag mo dun sa kanya." sabi niya.

"Ah okay. Pero bakit nga?" pangungulit ko.

"Kasi mas malakas ang ability ni Tyler kesa kay Ash, kaya bitter ang lola mo." sabi ni Nikki.

"Ha? eh diba magkapatid naman kayo diba? so kung anong kaya niyang gawin magagawa mo rin, you have the same blood." sabi ko.

"Hindi lahat ng oras ganun." sabi ni Kayle.

"Sorry." sabi ko nalang.

"Nandito na tayo." sabi ni Ashley. Di niya man sabihin alam ko namang apektado talaga sya. Pagbukas namin ng pinto nakita ko halos nandun na lahat ang mga kaklase namin pero nang papasok nako, bigla nalang sumakit ang dibdib ko tapos pakiramdam ko ang init ng buong katawan ko.

"Bakit Asper?" tanong ni Kayle.

"P-punta m-muna ako ng C.R." hirap na sabi ko.

"Bakit anong nangyayari sayo?" tanong ni Nikki.

"B-bigla nalang kasing su-samakit ang tyan ko, oo tyan ko." sabi ko tapos nilagay ko sa tyan ko ang kamay ko para kunwari tyan ko ang masakit. Ayokong malaman nila, nakakapagod kasing makinig sa bunganga nila kaya mas mabuti pang ako nalang muna ang makaalam. Baka mamaya may sakit ako sa puso, napapadalas na kasi ang pagsakit sa may dibdib ko. Ayoko rin namang mag alala sila.

"Talaga bang di na mapipigilan yan? Hala sige, ilabas mo na ang sama ng loob mo sa banyo baka magsabog kapa dito.. Excuse ka nalang namin kay Ma'am." natatawang sabi ni Ashley, nakitawa naman sila Kayle, at Nikki.

"O-oo eh. sige. Salamat." pawis na pawis na sabi ko tsaka ako nagmadaling umalis, Grabe ang init. Feeling ko nasusunog ang katawan ko. Nang makapasok nako sa C.R. Nilock ko na ito tsaka ako sumandal.

"Ahhhhh. Ang init!!" Di ko na talaga maintindihan ang nararamdam ko, masakit na nga ang dibdib ko, tapos feeling ko pa nasusunog ako. Ang init grabe!

"Ahhhhhh! *sobs* A-ang sakit! Ahhhh!! T-tulong" sabi ko habang naiiyak. Di ko na kaya ang sakit napadausdos na ko sa lapag.

"T-tulong! Ahhhh!" hirap na hirap na talaga ko.

[LEY/RAVE]

"Nakikinig ka ba Ley?" Tanong ni Zap.

"Tss. Wala namang kwentang sinasabi mo." sabi ko.

"Ang sinasabi ko lang naman eh, dapat ka nang makipag kontrata, di naman habangbuhay pwede kang magsolo." sabi niya pa.

"Wala akong pakealam." walang interes na sabi ko.

"Bakit ba ayaw mo makipagkontrata?" tanong ni Arzen.

"Gusto ko lang." nakahalumbabang sabi ko. Nasa tamabayan kasi ako ng Upper Class, kinoconsider na kasi akong part ng Upper Class simula ng mabansagan akong Extreme Type Protector dahil nga sa Ability ko.

"Ley? Magtapat ka nga samin, bakit ang bitter bitter mo sa pakikipagkontrata?" tanong naman ni Razor.

"Wala ka na dun."

"Ley, alam mong hindi ka habangbuhay makakasurvive ng nagsosolo." seryosong saad ni Zap. Oo, alam ko. May nakasabit na ngang responsibilidad sa balikat ko ngayon, maghahanap pa ba ako? Tsk.

Lumapit ang tatlo sakin, nakahalumbaba kasi akong nakaupo sa sofa ng Upper Class, ganito kasi classroom nila parang Living Room. Umupo si Zap sa gilid ko, si Arzen sa mini cushion na hinila niya para makaharapan ako, si Razor naman umupo sa mini table.

"Mag oopen na ba kami ng Audition para sa compatible contractor mo?" natatawang tanong ni Arzen. Ang pakikipagkontrata ay hindi basta basta, Kailangan makahanap ang mga guardian/protector ng mga compatible contractor/ compatible bearer.

"Tama tama, tas' piliin natin yung chix." sabi ni Zap.

"Babae nanamang iniisip niyo, pano pag lalaki?" sabi ni Razor. Kung alam lang nila ang nagyari.

Umilaw nalang bigla ang paligid namin ng babae at bigla nalang ding may umilaw na marka. Iba iba ang kulay nito, kakaiba rin sa pakiramdam, napakagaan. Nakaramdam nalang ako ng parang malamig na bagay na nakapulupot sa leeg ko. Tiningnan ko ito, isang kwintas na may nakasabit na singsing. Singsing na may marka, ang marka ko.

HINDI!! Hindi Maaari to!! Umalis agad ako sa lugar na iyon at iniwan ang babae.

"Oh? ba't mo iniwan? Compatible naman kayo ah." natatawang tanong ni Sambre.

"Mamaya ka lang sakin." iritadong sabi ko. Ito ang pinaka-ayaw kong mangyari- ang makipagkontrata. Ayaw na ayaw kong maging protector ng kahit sino man, ayokong matali dahil alam kong di magtatagal maiiwanan rin kaming mga protector.

"Hahaha, Ginawan lang kita ng pabor Ley. Hahaha." sabi niya pa.

"Di ka na makakalabas dyan!" sabi ko sa kanya.

"Balang araw kakailanganin mo rin ako, lalo pa ngayong magsisimula na." sabi niya.

"Anong magsisimula?!" inis na sabi ko.

"hahahaha." tapos unti unting nagfefade ang boses habang tumatawa.

"Sambre!" tawag ko pero di sya sumagot. "Sambre!" tawag ko ulit, di pa rin sya sumagot.

Anong ibig niyang sabihin?

Yun nga yung nangyari nung isang araw. Naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya.. At- "Uy Pareng Ley, nagiging matanda ka na dyan." tawag pansin ni Zap.

"Tinutulungan ka nga naming makahanap ng magiging bearer mo. Uncooperative ka naman." sabi ni Arzen.

"Sino bang nagsasabi sa inyo na naghahanap ako?!" inis na sabi ko.

Nga pala ipapakilala ko muna sa inyo tong mga kasama ko. Part sila ng Upper Class at may grupo din kame, hindi pala, May GRUPO sila na SINALI NA LANG NILA AKO BIGLA. Hindi sila protector, dalawa lang kami ni Razor ang protector dito.

THE FATAL ERROR. Ewan ko kung anong napasok sa mga kokote ng mga taong to kung bakit ganun ang naisip nilang pangalan ng grupo at hindi ko rin alam kung anong sumapi sakin kung bakit ako pumayag maging parte ng grupo grupohan na yan. Tama nga pala, si Sambre nga pala ulit ang may kagagawan. Anim kaming miyembro ng tinatawag nilang fatal error. Una, si Zap Cherwolfe sunod si Arzen Reisier tapos si Azure Glandiers na natatanging babae sa grupo, si Razor Itchizen, si Vladimir na hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon at ang panghuli ay Ako. Sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam kung mapasama man ako o hindi sa grupong ito ang akin lang ay yung lugar na pwede pagtambayan kahit anong oras.

Hindi ko na rin sila ipapakilala isa-isa basta alam niyo na pangalan nila tapos. Nakaka-aksaya ng laway ang pagpapaliwanag. Nakikinig lang ako sa usapan nila ng maramdaman kong uminit nalang bigla ang kwintas na suot ko, hindi naman ito nakakapaso pero mainit pa rin sa pakiramdam, umiilaw ito ng tingnan ko. Isa lang ang ibig sabihin nito. Natigil naman sa pag uusap ang tatlo at napatingin sa direksyon ko, nanlaki naman ang mata nila.

"Tama ba tong nakikita ko?" tanong ni Zap.

"Ba't di mo sinabi samin?" tanong naman ni Arzen. Di ko sila sinagot instead tumayo ako at nagmadaling umalis. Lintik na Sambre na yun, kargo ko pa tuloy ang babaeng yun.

Naglakad ako papunta sa kung saan mas umiilaw ang singsing. Kapag umiilaw kasi ang contract sign which is sakin necklace with ring pendant, malalaman na naming mga protector na may nangyayaring hindi maganda sa bearer. Di ko naman pwedeng balewalain ang ganito dahil kapag hindi ko nagampanan ang layunin ko bilang protector mawawalan ako ng Ability at habangbuhay kong pagdudusahan yun. Shame sa mga Hollows ang paglabag sa Vow namin bilang protector.

Napadpad ako sa South Wing, territoryo ng Lower Class. Luckily, walang estudyanteng pakalat kalat. Nakaka-irita rin kasi yung ibang babae, kala mo kiniliti ng todo at tsaka parang mga buldozer kung makalapit tapos meron pang mga tingin na gustong gusto nila akong gahasain. Nakakatakot ang mga babae, mas nakakatakot pa sa mga halimaw. Pero di naman talaga ako takot sakanila, naiinis ako. Sobra. Naglalakad lang ako ng may nakakita saking isang babae. Nagpabago-bago muna ang reaksyon niya bago biglang nagtatatakbo.

Napano yun?

Lumiko ako sa may isang pasilyo, Mas umilaw kasi ang kwintas nung nakalapit ako sa pasilyo na iyon, naglakad pa ako ng kaunti ng mapansin kong papunta ito sa C.R. Tumodo naman ang pag ilaw nito ng mapatapat ako sa C.R. ng pambabae. Wag mong sabihing, papasukin ko yan?! Dinikit ko ang tenga ko sa pinto, nakarinig naman ako ng ingay.

"T-tulong... Ahhhhh! D-di a-ako m-makahinga. P-please.." umiiyak na sabi ng boses. Medyo kinabahan ako ng marinig ko ang garalgal na boses na yun kaya pinihit ko ang doorknob ng C.R. Ayaw pumihit, nakalock.

"Bahala na." nasabi ko nalang. "Umalis ka sa pinto!" sigaw ko tsaka ko tinadyakan yung pinto, natanggal naman ito agad. Nakita ko nalang yung babae sa lapag, hirap na hirap.

Lumapit naman agad ako sa kanya pero nung mahawakan ko siya ang init niya grabe. Di ko naman matatawag na nilalagnat ang sang' to, kasing init kasi siya ng bagong pakulong tubig!

"I-ikaw?p-please tulong..." sabi niya, tas' hinawakan niya yung necktie ko. Nakasuot kasi ako ng uniform ng Upper Class, white long sleeves and light gray necktie under a dark gray Blazer tapos slacks. Nakakaawa ang kalagayan niya.

"Tss. Wag ka na munang magsalita." sabi ko hinubad ko yung blazer tapos binalot ko sa kanya para makarga ko sya. Nakaskirt kasi sya.

Nagmadali akong umalis sa banyo habang karga karga sya, kailangan ko syang madala sa infirmary para macheck up sya, ang init niya kasi grabe, umiinit na din kasi ang blazer, di naman ako napapaso pero hindi naman kasi talaga normal ang init niya.

"Ahhhhh!" impit na sigaw niya. Karga karga ko sya ng bigla nalang siyang umilaw, nakakabulag na ilaw na agad namang humupa pero nung nawala na ang ilaw, nawala narin siya.

"Anong-?!" nasabi ko na lang. Is that her Ability?

[ASPER]

"T-tulong... Ahhhhh! D-di a-ako m-makahinga..P-please.." nasabi ko nalang habang mahigpit na hinahawakan ko ang aking dibdib. Di talaga ako makahinga, pawis na pawis nako.

Narinig kong may pumipihit sa doorknob ng pintuan, aabutin ko sana ang lock para buksan pero wala na akong lakas pa, napadausdos na talaga ako sa lapag... "Umalis ka sa pinto!" sigaw ng isang boses sa labas. At my ast ounce of strength gumapang ako papaalis sa may pintuan. Maya maya pa nakarinig ako ng kalabog. Natanggal ang pinto ng C.R. at nakita ko ang isang napaka pamilyar na lalaki. Nilapitan niya ako, tinitigan ko naman sya at naalala kung sino siya. "I-ikaw?" hirap na sabi ko. "p-please tulong..." hinawakan ko ang necktie niya, blurry na kasi paningin ko, alam kong di magtatagal, magcocollapse nako.

"Tss. Wag ka nalang muna magsalita." sabi niya. Tapos binalutan ako ng blazer niya tas kinarga.

"Ahhhhhh!" Impit na sigaw ko, mas lalo kasing sumasakit eh, tas naramdaman ko nalang na parang unti unting naglalaho ang katawan ko sa bigla nalang ding pag ilaw. Napapikit nalang ako at sa muling pagdilat ko, nasa isang pamilyar na lugar na ko at natanaw ko ang isang pamilyar na bulto ng tao.

"E-euria?"

[RANDOM GIRL]

Si Ley nandito sa South Wing?! I can't believe this!! Ano naman kayang ginagawa niya dito? Ah, bahala na basta ang importante nandito sya. Agad akong tumakbo para sabihin sa co-fans ko na nandito si Ley!

"Hey guys! Guess what kung sino ang nakita ko ngayon sa South Wing!!" bungad ko sa kanila habang umiirit pa sa kilig.

"Sino?!" tanong nila.

May Fans Club kasi ang pinakamamahal kong si Ley, tinatawag namin itong L-Freakz. Obviously, L stands for Ley. Pinamumunuan lang naman ito ng sister naming si Lala, pero may sister fans club rin kami na pinamumunuan naman ng inggratang Shye Ortez. Even though I don't like her kkasi nga special class student sya, sige nalang, iisang layunin lang naman ang gusto namin eh, ang mapansin ni Ley.

"Si-Kyaaaah!! Si LEY nandito!!" sabi ko. Automatiko namang nagtayuan sila. Agad naman kaming naglabasan sa clubroom namin at ayun nga nakita namin si Ley sa hallway.

"Kyaaaah!" sigawan namin. Grabe ang gwapo talaga ni Ley, kung mapapangasawa niya ko tyak, magiging gwapo at magaganda ang mga anak namin.

"Leeeeey!!!" sigaw ko. Napatingin sya samin na tila naiinis tapos sa isang iglap bigla nalang syang naglaho.

"Ayyyyyy, tingnan niyo nawala na si Ley." sabi ng kasama ko.

"Oo nga, kayo kasi eh. Minsan na nga mapadpad dito si Ley." sabi naman ng isa.

"Teka nga muna, bakit ba napadpad si Ley dito?" tanong ko.

"Oo nga no? bakit nga ba?" sabi naman ng isa.

"Baka naman, may napupusuan na si Ley babes dito sa Lower Class?" sabi ng isang pa.

"May punto ka girl." naiiyak naman na sabi ni Lala tapos nagsiiyakan na kaming lahat.

"Hindi pwede to!" sabi naman ng isa.

"Kailangan mahanap ang babaeng yun!" sabi nung isa.

"Oo tama. Kailangan mahanap ang gurl na yun." pag aagree namin.

"Gurls! We're doing a girl-hunt." sabi ni Lala.

"Tara sabihin natin sa iba pa nating sister club." sabi nung isang babae. Kakainis naman oh pero on the other side baka ako ang hinahanap? Kyaaah! nakakakilig isipin.

[ASPER]

"E-euria?" nasambit ko nalang nung makita ko syang namimilipit rin sa sakit habang nakahiga sa kama. May nakatayo ring dalawang lalake sa gilid nito na tila di alam kung anong gagawin.

"S-sino ka?!" nagtatakang sabi ng isang lalaki nung makita niya ako, napalingon naman yung isa.

"S-si E-euria, B-bakit? Ahhhh." hiyaw ko ng biglang sumakit ang dibdib ko kasabay naman nun ay ang paghiyaw rin ni Euria.

"S-she's Suffering but You! How the hell-?!" sabi nang lalaking naguguluhang lumapit sakin. Galing sa lapag, gumapang ako papalapit sa kama. Nakatingin naman ang dalawa sa ginagawa ko. Nagtataka. Inabot ko ang kamay ni Euria, at marahan na pinisil, napatingin naman sya sakin. Nakarehistro sa mukha niya ang matinding paghihirap na pinagdadaanan niya ngayon. Sa madaling salita, kaawa-awa sya.

"T-tama na. Please?" sabi ko sa kanya, naramdaman kong kumalma naman sya at nawala na ang bigat na nararamdaman ko kanina pa and with that I collapsed.

[CIELO]

Naglalakad ako ngayon sa pasilyong papunta sa Headmaster's Office dala dala ang sangkaterbang paperworks. Ang iba kasi dito ay mga research paper tungkol sa isang bagay na inihabilin sakin ni Headmaster. Nga pala, nung last time na sinabi kong sumabog si Yuru, totoo po yun, pero di sya namatay. Naging bato lang kaya eto, I'm working on it. Naramdaman ko nalang ang biglang pagkabasag ng isang spell, para itong panang itinira ko tsaka bumalik sakin. Masakit!

"Nalintikan na!" natapon ko lahat ng papel na hawak ko at nagmadaling tumakbo sa headmaster's Office. Sa pintuan palang kita ko na ang ilaw na lumulusot sa nakaawang na pinto, binuksan ko ito kaya sumalubong sakin ang nakakabulag na liwanag na syang dahilan para takpan ng braso ko ang mata ko. Nung nawala na ang ilaw isang puting dragon ang sumalubong sakin, nakatitig ang matingkad at mala-langit na bughaw'ng mata nito sa mata ko na tila binabasa at inaalisa niya lahat sakin, parang tumagos hanggang kaluluwa ko ang titig niya.

Nagising na sya. Makaraan ng ilang minuto, iniwas niya rin ang titig niya, nakahinga naman ako ng maluwag. Pinulupot niya ang sarili niya sa mahaba niyang katawan at unti unti syang nagshi-shrink, and after a couple of blinks naging tao na sya.

[ASPER]

Nagising nalang ako na nakahiga sa isang malambot na bagay. "Huh?" Dahan dahan akong umupo at napansing may dalawang lalaking nakatayo sa paanan ko. Ah, sa sofa pala ako pinahiga.

"Gising ka na pala." sabi ng isang lalaki. Mas matangkad ito kesa sa kasama niya, Pale white ang kutis, Gwapo sya tapos emereld green ang mata niya. Naka-uniform sya, gray tie, white long sleeves black slacks. Isang Upperclassman, Silang dalawa actually.

"Pano ako napunta dito?" tanong ko. May nakabalot pala saking dark gray na blazer, ginawa nila itong kumot. Teka? kanino naman to? di naman ito sa dalawa kasi suot suot nila blazers nila, hmmmm. May bigla nalang pumasok sa isip ko. Tama! yung lalaki, yung lalaking tumulong sakin sa C.R.! Yung Epitome of Beauty

"Kami dapat ang magtanong sa'yo bakit ka napunta dito?" tanong nung isa. Ito maputi rin tapos Violet eyes pa. Kakaiba rin buhok niya, dark blue. Gwapo sya pero di ko sya type.

"Uhmm, di ko alam?" nag aalangang sabi ko. Di naman kasi talaga ako sure kung pano ako napadpad dito basta pagkurap ko nalang, nandito nako.

"Panong di mo alam?" tanong niya ulit habang umuupo sa isa pang sofa ang isa naman nakatingin lang, di na naimik.

"Ewan nga." kulit naman."A-ah, pwede ba muna malaman kung sino kayo?" tanong ko. Mailap daw kasi ang mga Upperclassmen kaya kung makakuha ka ng chance para kilalanin sila, i-grab mo na daw.

"Sorry, ah. Jared Lachthr nga pala, Upperclassman?" di siguradong sabi ng may dark blue na buhok. Pasimpleng sinipa naman sya nung isa sa may tuhod kaya napaaray naman sya.

"Aray naman! Oo tama nga eh, Upperclassman ako." tapos ngumuso sya, kay gwapong nilalang.

"Mukhang di ka sigurado eh." sabi ko.

"Sigurado ako." sabi niya.

"Ah, okay." sabi ko.

"Sigurado nga ako." sabi niya.

"Okay na nga eh. Defensive ka masyado." natatawang sabi ko. Eh pano, Ang defensive niya.

"Psh."

"Sya naman?" tanong ko habang nakatingin ako sa maputlang lalaki.

"Ah yan, security guard dito yan.. Araw-gabi ang shift niyan kaya ganyan kaputla. Di yan natutulog." sabi niya tsaka naman siya, binatukan.

"Theron Vanceallot pangalan ko." sabi niya nung tumingin sya sakin, Ano daw Van-sha-lot?

"Ikaw?" tanong naman ni Jared na ngayo'y may kagat kagat na mansanas. San kaya niya yan kinuha? Gusto ko humingi. Si Theron naman nakatingin kay Euria, ah hindi ko papala nababanggit sa inyo, nasa kwarto parin naman kami ni Euria. Si Sistah nasa kama ako naman nasa malaking sofa.

"Asper Rij." sabi ko. Napansin ko namang napakunot ang noo niya tsaka napatingin sa kin yung Theron. Grabe, ang seryoso naman ng dude na'to yung tipong isang tingin nya palang, kailangang nakaayos ka at dapat matino ka kung sasagutin mo tanong niya.

"Asper Rij?" Aba may pagkabingi rin pala ang Jared na'to kakasabi ko lang eh.

"Oo nga. Kakasabi ko lang." Sabi ko.

"Sorry naman." nakangiting sabi niya.

"ah, pwede na bang umalis? May klase pa kong hahabulin eh. Pwede sa ibang araw o oras nalang tayo mag usap, kasi pati ako naguguluhan pa ngayon eh. So, pwede?" deritsong sabi ko.

"Hatid na kita!" nakangiting sabi parin ni Jared. Agad naman syang tumayo sabay ng pagtayo ko, nahulog naman ang blazer na kinumot nila sakin. Kinuha ko ito, at sinampay sa kaliwang braso ko. Isasauli ko nalang to kapag nagkita kami ulit.

"Sige, bye." sabi ko kay Theron bago tumingin sa natutulog na Euria (Yu-ria). Nakita ko namang tumango lang si Jared.

"Pano tayo makakalabas?" tanong ko, diba may fog sa labas pano kung mabalot kami? tulog naman si Euria pano?

"Simple lang." Nagulat ako ng hawakan niya kamay ko at mabilis pa sa kurap ko'y nasa labas na kami ng Kwarto/ Forbidden Zone kung tawagin nila. Di ko parin nga maintindihan kung bakit Forbidden Zone ang tawag nito na tao lang naman din ang nasa loob nun, diba?

"Sabihin nalang nating, Extra Ability ko yun." nakangiting sabi niya. "Tara na." sabi niya pa. Habang naglalakad kami, nag uusap kami ng mga random na bagay. Ang saya nga niya kausap eh.

"By the way, Asper Rij right?" tanong niya, tumango naman ako. "Anong ability mo?" tanong niya. Dito na ako natigilan at namutla.

Continue Reading

You'll Also Like

402K 17K 40
Aksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa...
15.9M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
476K 18.7K 49
When she died by an embarrassing death, she got transported into her favorite novel series. Not as a lead, but a character that will soon die as the...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...