Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 21.2*

1.3K 22 7
By ohpurplerain

Chapter 21.2 ~ 

JELYNNE's POV

“Jelynne, sa’yo lang ako, ikaw lang ang pwedeng mag may-ari sa akin kaya pwede ba, wag mo na akong itaboy sa iba. “ 

Bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Claude ..

Basura na nga ng kaibigan mo, pinupulot mo pa.

I felt something wrong. Bakit parang pati pride ko ay natapakan na rin?

"Hindi kita pag-aari, nakita mo na ngang ang daming umaangkin sa'yo." nanlalambot na sabi ko sa kanya. Tumayo ako at nagbabadya na sanang umalis.

"Kaya hahayaan mo lang akong mapunta sa kanila?"

"Hindi naman ako nakikipagkompitensya sa kanila. Kung mapunta ka sa kanila, wala na akong pakialam doon." at tuluyan na akong umalis.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang lahat ng iyon. Hindi yun ang gusto kong sabihin. Nadala lang siguro ako nararamdaman ko. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Claude at dahil doon parang nagkaroon ako ng dahilan para huwag nang umasa kay Renzo. Iisipin lang ng lahat na isa akong manunulot, isang basurera.

Tumunog ang phone ko, tumatawag si Kaysha.

"Nasaan ka?" bungad niya nang sagutin ko an kanyang tawag.

"Nasa bahay na ako." sumama kasi ang pakiramdam ko kaya naisipan kong umuwi na lang. Hindi na naman ako kinulit ni Lola kung  anong nangyari nang sabihin ko sa kanyang gusto ko lang muna magpahinga.

Narinig kong napabuntong hininga si Kaysha.

"Don't worry, I'm okay." alam ko kasing nag-aalala siya sa akin.

"Sorry, sa nangyari ha. I promise, hindi ka na ulit makakasali sa booth namin pati si Renzo ay inexempt na din namin." nahihiya niyang sabi sa akin.

“Okay lang yun, wala ka namang kasalanan. Pasensya ka na rin kung gumawa pa ako ng eksena sa booth niyo."

"Sus, ako nga dapat ang gumawa noon para sa'yo eh"

Napangiti naman ako.

"Uhmm, nagkausap na ba kayo ni Renzo? Sinundan ka kasi niya noong nag walk out ka."

"Oo at mayroon akong nasabing hindi maganda."

Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari. Bumigat na naman ang dibdib ko nang maalala ang lahat.

"Gosh Je, mukhang may gusto na nga sa'yo si Renzo. From the words he said, it's very clear!"

"But I'm scared. Tama bang mahalin ko siya? Hindi pa nga kami nagkakaaminan, wala pa ngang kami, ang dami nang tumututol sa amin."

"Mahalaga pa ba sa'yo ang sasabihin ng iba? At saka, hindi naman lahat ay tutol. Nandito ako, ako ang number 1 supporter mo!"

Napangiti ako. "Thank you Kaysha, salamat kasi palagi kang nandyan."

"Bestfriends nga di ba?" narinig ko siyang tumawag. "Pero bago ang lahat, si Renzo muna ang isipin mo. Malamang ay nasaktan siya sa doon. Kausapin mo siya."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Renzo.

"I'll give you his number. Kausapin mo siya, okay?"

"Sige. Salamat Kays."

"Tawagan mo na lang ako kapag nagkausap na kayo."

 

Ilang minuto na akong nakatitig sa number ni Renzo, pinag-iisipan ko kung itetext ko ba siya o hindi.

Mga ilang minuto pa ay nabuo rin ang desisyon ko. Okay, itetext ko na siya.

Pero bakit ganito? Everytime na matatapos ako sa pagcocompose ng message ay agad ko rin itong binubura? Hindi ko magawang isend! Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reply niya.

Sa huling pagkakataon ay nakaisip na ako nang maaari kong itext sa kanya.

| Renzo, pwede bang mag-usap tayo? |

Hindi ako nagpakilala. Gusto kong magreply muna siya para malaman ko kung nabasa na niya ang text ko. Pagkatapos ay saka ako magpapakilala.

Pero ilang minuto na, hindi pa rin siya nagrereply. Nakakapanlumo. Nahiga na lang ulit ako sa kama hanggang sa nakatulog na ako.

Paggising ko ay dali-dali kong binuksan ang ang phone ko at parang nabuhayan ako nang makita kong nagreply si Renzo.

Anong kailangan mo? |

Alam niya ba na ako ang nag-text? Kung oo, paano niya nalaman? Haaays. With his text, I know he's mad.

| Magkita tayo, please. |   napakatipid kong sagot.

| Importante ba yang sasabihin mo? |

Bakit parang may tumusok sa dibdib ko nang mabasa ang text niya. Parang ayaw niya akong kausapin! I knew it, I shouldn't have text him!!

Nasaktan ako! Nasasaktan ako!

I immediately turn off my cellphone and leave it under my pillow. Nakakapagsisi na tinext ko pa siya! I'm swallowing my pride here pagkatapos ay ganoon lang ang isasagot niya sa akin? Haaay.

"Saan ka pupunta?"  tanong ni Lola nang bumaba ako mula sa kwarto.

"Kakain lang po."

"May pagkain naman dito."  hindi ko na pinansin si Lola at nagpatuloy sa paglabas.

RENZO's POV

Aaminin ko, nasaktan ako sa mga sinabi niya. Nang sabihin niya wala siyang pakialam kung mapunta ako sa iba, parang sinabi na rin niya na wala siyang pakialam sa akin. How did she manage to say that when I, myself, couldn't afford to see her with somebody else?

I know she didn't hang out with any other guys. Kaya nga nang makita ko silang naglalakad kasama ang kaklase niyang lalaki ay nag-iba na agad ang timpla ko. I knew, on that moment, I got jealous. Nagseselos ako, kasi gusto ko sa akin lang siya sumasama. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magkaroon ako ng feelings sa kanya, but as of this moment all I want is her to be mine.

Pero paano mangyayari yun kung hindi naman niya ako gusto? For the second time, marereject na naman ba ako?

Wala na ba akong karapatan para maging masaya?

"What's bothering you?"  tanong sa akin ni Yoanna.

Yes, I'm with her. Lutang na lutang talaga ako ngayon, ni hindi ko nga alam kung paano ako nadala ni Yoanna dito sa restaurant.

"Wala ka bang balak galawin ang pagkain mo?" tanong niya.

"Sorry, but I lose my appetite."  tumayo ako sa upuan.

"Wait! Iiwanan mo ba ako mag-isa dito?" pero hindi ko siya pinansin.

Bago pa ako makasakay ng jeep ay naabutan niya ako.

"I'll drive you home. I insist!"

Hindi na ako nakaangal. Wala rin akong time at wala rin sa mood para makipagtalo pa sa kanya.

"What's wrong with you,Renz?"

"Shut the fuck up and just continue driving."

I heard her laugh. "I can't imagine that after I offer you a ride, you'll be as rude as this?"

"I never ask you, I just took your offer."

"Yeah right. You're being sarcastic again." She said, rolling her eyes. "Tell me, what's the problem?"

"It's none of your business."

Tumawa lang siya. Alam kong ineenjoy niya ang pagka-badtrip ko ngayon.

"Stop the car!"  I said, as I saw the minimart on the opposite of our subdivision.

"What? wala pa tayo sa bahay niyo."

"I know, just stop the car."

"Fine and I'll go with you."

Pagkapasok ko sa minimart, dinampot ko kaagad ang cup noodles at binayaran ito sa cashier.

Umupo ako at nagsimula nang kumain.

"I can't believe this! Inayawan mo ang pagkain sa restaurant then you'll go here for an instant noodles?"  nasapo niya ang kanyang ulo.

"I don't need your opinion." bulong ko pero sapat lang para marinig niya.

"Fine!"  lumapit siya sa akin at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "I feel sleepy." bulong niya.

Ginalaw ko naman ang balikat ko para alisin niya ang ulo niya pero matigas talaga ang ulo niya. Ayaw alisin!

"Ano ba, Yoan!"

"Just let me sleep!" nanlilisik ang mata niya nang harapin niya ako. "This is the consequence for not eating on the restaurant."

Napakunot na lang ulo ko at huminga ng malalim.  Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinayaan siya. Nang mapatingin ako sa glass wall. Nakita ko si Jelynne, nakatayo sa tapat nitong Minimart na pinagkakainan ko. Nakatingin lang siya sa akin. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I want to talk to her but I'm afraid to. I've been hurt at mas masasaktan lang ako lalo kapag sinabi na niya nang diretsahan na hindi niya ako gusto.

Napalingon ako kay Yoanna nang galawin niya ang ulo niya. Pero nakapikit pa rin pala ang mata niya, akala ko nagising na siya.

Nang ibalik ko ang tingin sa glass wall, wala na siya. Wala na si Jelynne.

Napatayo ako na siyang ikinagising ni Yoanna at kamuntik na niyang ikatumba.

"My gosh! I almost hit the floor!"  malakas na tili niya.

"That's your fault."  at diere-diretso ako sa paglabas ng minimart.

"Iiwan mo na naman ba ako?" tanong niya habang hinahabol ako.

"Just go home! Uuwi na ako."

 "You know that my place is 5 cities from here. And If you're gonna tell me to go back to the hotel that I've been to, No way!  I don't like their service! "

"Then look for a new one!"

"I gave you a free ride then let me sleep in your house."

"It would never be free if you would ask something in return."

Lumapit siya sa akin at ipinulupot ang kamay sa leeg ko. "Let me, please? Even just for tonight. I'll give extra service if you want."

Sa nang-aakit niyang tinig, alam ko na agad kung anong tinutukoy niya. But sorry to say, hindi niya ako naakit. Hindi niya ako kayang akitin!

"You're hilarious, Yoan. Sumama lang ako sa'yo kasi I was alone. Thanks for the accompany but this would be the last time."  I said, smiling at her while leaving the glass door.

Nakita ko naman ang mala-satanista niyang ngiti. Alam kong may binabalak na naman siyang masama.

Habang naglalakad ako papasok sa subdivision, sinusundan niya ako with her car.

"Sumakay ka na, para mabilis tayong makaratinh sa bahay nyo." rinig kong sabi ni Yoanna.

"Thanks. I had enough of you. Baka singilin mo ulit ako. Ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa'yo."

"What's with you, Renz. Hindi kita ma-trace out."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nang makarating ako sa bahay ay agad kong sinara ang gate.

Sinalubong ako ng ilan naming katulong.

"Wag niyo siyang papapasukin."  tumango naman sila.

"I can't believe that you're doing this Renz!"  sigaw ni Yoanna habang bumubusina. Alam kong mapapagod din siya.

Pag-akyat ko sa kwarto ay agad kong inihagis ang sarili sa kama. Tiningnan ko ang cellphone ko, hindi pa rin siya nagrereply at mas lalong hindi siya magrereply ngayon dahil nakita niya ako with Yoanna!

Gusto ko siyang itext. Gusto kong sabihin na kaya ko kasama si Yoanna ay dahil wala siya. Nawala ako sa pag-iisip at bigla na lang sumama sa babaeng yun without even noticing it.

Kung mapunta ka man sa kanila, wala na akong pakialam doon.

Oo nga pala. What's the essence of explaining this to her when she doesn't even care if I'll go with somebody else?

Inihagis ko ang cellphone ko sa sobrang inis.

Continue Reading

You'll Also Like

258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...