Taste of a True Love II (COMP...

By cold_deee

636K 23.3K 11.5K

|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito... More

chapter 1 - martini
chapter 3 - margarita
chapter 4 - black russian
chapter 5 - white russian
chapter 6 - gin and tonic
chapter 7 - caipirinha
chapter 8 - B-52
chapter 9 - mojito
chapter 10 - long island iced tea
chapter 11 - tequila sunset
chapter 12 - between the sheets
chapter 13 - planter's punch
chapter 14 - whiskey sour
chapter 15 - brandy alexander
chapter 16 - tom collins
chapter 17 - sex on the beach
chapter 18 - angel face
chapter 19 - brandy egg nog
chapter 20 - kamikaze
chapter 21 - screwdriver
chapter 22 - mai tai
chapter 23 - gin fizz
chapter 24 - bloody mary
chapter 25 - death in the afternoon
chapter 26 - bahama mama
chapter 27 - orange blossom special
chapter 28 - dark 'n' stormy
chapter 29 - zombie
chapter 30 - blue devil
chapter 31 - tequila sunrise
chapter 32 - moonlight margarita
chapter 33 - cuba libre
chapter 34 - sparkling peach punch
Pre-Finale - tommy's margarita
FINALE (PART 1) - alexander #1
FINALE (PART 2) - alexander #2
EPILOGUE - perfect manhattan
RANDY & RIGO
PATALASTAS
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2

chapter 2 - cosmopolitan

17.2K 711 164
By cold_deee

A/N

Hi guys! Here's chapter 2, sana po magustuhan n'yo..

This chapter is dedicated to CeeCee_28 na hindi nakakalimot mag-iwan ng vote sa bawat chapter.. Super na-appreciate ko!!

Votes and comments please! Maunang mag-comment, dedicate ko sa kanya ang next chapter.. :))

---->si Tom po sa media.

-----------


TOM POV

"Xander...." mahina kong sambit.

Napatigil din s'ya sa kanyang pagpupulot ng papel. Tila naestatwa nang sambitin ko ang pangalan n'ya.

Nakita ko kung paano n'ya unti-unting inangat ang kanyang ulo para magtama ang aming mga mata.

Malapit ang mukha namin sa isa't-isa at kitang kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Napalunok din s'ya tulad ng nangyari sa akin.

"Tom...."

ang tanging sambit ni Xander.

Walang salitang lumabas mula sa aming bibig. Pareho lamang kaming nakatingin sa isa't-isa.

Anong ginagawa n'ya dito? Sa laki ng Maynila ay dito pa talaga kami magkikita! Pagkakataon ba ito o sadyang isang kamalasan nanaman?!

Walang pinagbago ang kanyang mukha kahit lumipas na ang dalawang taon. Ang makinis n'yang mukha, ang mapupungay n'yang mga mata na bagay sa kanyang makakapal na kilay, ang matangos n'yang ilong, at mapula n'yang labi. Sa dalawang taon naming hindi pagkikita ay kitang-kita at hindi maikakailang mas gumwapo s'ya ngayon.

Naisip kong ganito marahil ang epekto ng pinili n'yang buhay. Ganito ang naging kagustuhan n'ya kapalit ng paghihirap ko sa kanya noon.

Agad na bumalik ang lahat ang masasakit na ala-alang pinaranas n'ya sa akin noon. Lahat ng luhang ibinuhos ko at oras na sinayang ko. Nagbalik ang mga sandaling halos manlimos ako sa kanya at magmakaawa.

Binawi ko ang pagkakatulala ko sa kanya at mabilis na tumayo. Kinalma ko ang aking sarili at hindi nagpahalata sa pagkabigla ng muli naming pagkikita.

"Hey Xander! Ikaw pala! Kamusta? It's been a long time." normal kong wika sa kanya ng nakangisi pa.

Nakatayo na ako sa kanyang harapan habang s'ya ay nakatingalang nakatingin sa akin. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla.

"Xander? Are you okay? I think tapos na natin pulutin 'yung mga nahulog na papel. Pwede ka na sigurong tumayo?" muli kong wika sa kanyang nakangisi.

Doon lamang yata s'ya natauhan dahil mabilis n'yang ikinilos ang kanyang katawan at tumayo mula sa pagkakaluhod.

"A-ahm... S-sorry..." wika n'yang tila kinakabahan.

"No. Ako nga ang dapat mag-sorry. Hindi ko sinasadyang magkalat ang mga papel mong hawak. I'm sorry." normal kong pagkakasabi.

Tumingin naman s'ya sa aking mga mata. Nakita ko nanaman ang maamo n'yang mga tingin. Ang mga tinging iyon na nakakapang-lambot ng aking mga tuhod noon. At ang mga tinging iyon na naging dahilan para ako ay masaktan.

Ginawa ko ang lahat para tapatan ang mga tingin n'yang iyon. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan sa kanya. Dahil kapag nagpadala nanaman ako, sa huli ay baka pagsisihan ko nanaman ito. Tapos na ang mga sandaling nadadala ako sa bawat pagtitig n'ya sa akin.

"Tom.... Kamusta ka na? Ang tagal nating hin-----" ang hindi n'ya na naituloy na sasabihin dahil pinutol ko na s'ya.

"Oh! Sorry Xander. I think I need to go. May importante pa kasi akong meeting. So paano? Maiwan na kita ha? Pasens'ya na ulit sa nangyari." pagpapaalam ko sa kanya habang tinitingnan ko kunwari ang aking wrist watch.

Akmang tatalikod na sana ako upang ituloy ang aking paglalakad papunta sa conference room ay bigla naman s'yang nagsalita.

"Tom, wait up! P-pwede ba kitang makausap some other time?" ang tila nag-aalangan n'yang pag-anyaya.

Napangisi naman ako at dahan-dahang tiningnan s'ya sa mga mata.

"Para saan?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"P-para sana kamustahin ka... To catch things up... Mga ganong bag----" ang putol n'ya nanamang wika.

"Xander, look. I'm in a hurry. And besides, I don't think may mga bagay pa tayong dapat pag-usapan. Hindi naman tayo naging magkaibigan noong umalis ako dito 'di ba? May usapan ba tayong ganon?" wika kong nakangisi pa rin sa kanya.

"But Tom..." pagtutol n'ya sana na muli kong pinutol.

"Gusto mo akong kamustahin? Sorry, pero I don't have time talaga para makapag-usap tayo. Kung gusto mong makibalita, try to ask your brother, Daniel. Kasi s'ya ang kasama ko for the past 2 years. At kahit ngayon, s'ya pa rin ang kasama ko. Pero kung ako mismo ang gusto mong makausap, sa tingin ko imposible 'yon." seryoso kong wika sa kanya.

Hindi naman n'ya nagawang sumagot pa kaya nagpatuloy ako.

"So, if you'll excuse me? I still have meeting to attend. Ayokong magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay." dagdag kong wika pa sa kanya.

Nakita ko ang malungkot n'yang ekspresyon lalo na sa mga huli kong sinabi.

Tumalikod na ako sa kanya at sisimulan ko na rin sana ang maglakad ngunit may naalala akong isang bagay na gustong-gusto kong sabihin sa kanya. Muli ko s'yang nilingon at nagsalita.

"One more thing. Kung pwede sana ay ayoko nang makita ka. Kung makikita mo man ako sa malayo pa lang, please lang umiwas ka na. Dahil kung hindi mo gagawin 'yon, I'll make sure na ako na ang magpapagawa ng sarili kong daan para lang makaiwas sa'yo." wika ko sa kanya.

Hindi na nga s'ya nakapagsalita pa kaya agad na akong nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Wala akong pakialam kung nasaktan s'ya sa mga sinabi ko. Kulang pa 'yan sa mga naranasan ko noong magkasama pa kami. Pinagmukha n'ya akong tanga na habol ng habol sa kanya.

Kahit na malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa galit ay hinanda ko pa rin ang sarili ko para sa meeting sa papasukan kong trabaho.

Huminga muna ako ng malalim habang nasa tapat ng pinto ng conference room na iyon.

Kumatok ako sa pinto at ilang saglit pa ay binuksan ito ng isang babae na hindi pamilyar sa akin. Nilibot ko ang aking mata sa loob at nakita ko ang iba't-ibang mukha ng tao ang naroroon.

"Good Morning!" bati ko sa kanila at nagpakawala ako ng magandang ngiti.

"Mr. Perez! Mabuti na lang at nandito ka na. Akala ko mauuna pa sa'yo 'yung General Manager! Come in, have a seat. Doon ka sa kaliwa ni Ms. Castro. Hintayin na lang natin ng General Manager para makilala n'ya na kayo at makilala n'yo na rin s'ya." wika sa akin ng Assistant General Manager namin na si Ms. Domingo.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi n'yang iyon. Mabuti na lamang at wala pa ang General Manager.

Bata pa si Ms. Domingo at mukhang napakabait nito. Mas madalas nga na s'ya ang nagsasalita kaysa sa aming Deputy Assistant Manager na si Mr. Enriquez noong may interview ako sa kanila.

Agad naman akong sumunod sa kanyang sinabi at naupo sa tabi ni Ms. Castro, ang HR Manager ng hotel na ito.

"We meet again Mr. Perez!" masayang pagbati sa akin ni Ms. Castro nang makaupo na ako sa kanyang tabi.

Ngumiti naman ako sa kanya at sumagot sa kanyang pagbati. Isa s'ya sa mga na-meet ko noong kailangan kong asikasuhin ang mga documents ko para sa pagpasok ko dito.

"Tom na lang Ms. Castro. Masyadong formal kung tatawagin mo ako sa surname ko. It's great we meet again." wika ko sa kanya.

Mas lumapad ang kanyang pagkakangiti nang sabihin ko iyon.

"Really? Then call me by my name na rin, Olyn na lang." wika n'ya sa akin.

Kahit hindi ko sabihin ay mapapansin kay Olyn ang pagiging masayahin nito. Tama lang sa kanya ang pagiging HR Manager dahil mukhang napakapositibo nitong tao. Hindi mahirap i-aproach at napaka-friendly.

"Fine, Olyn. Ok na ba 'yon?" tanong ko sa kanya at nginitian s'ya ng malapad.

Nakita kong namula naman ito at napapikit pa.

"Tom..." ang pigil na pigil n'yang pagtawag sa akin.

Parang gusto n'yang sumigaw sa hindi ko malamang dahilan. Napakunot tuloy ako ng noo dahil sa ikinilos n'yang iyon.

"Yes Olyn?" taka kong tanong sa kanya.

"Pwede bang sumigaw?" tanong n'ya sa akin.

Lalong napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Kung ganon tama nga ako, gusto n'ya ngang sumigaw.

"Bakit?" tanong ko sa kanyang nagtataka.

"Kinikilig ako! Kinikilig ako nung tinawag mo ako sa pangalan ko!" pigil na pigil pa rin s'ya sa kanyang pagsigaw.

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig dahil muntik na akong matawa ng malakas. I can't imagine na ganito ang sasabihin ni Olyn sa akin.

"Ano bang nakakakilig doon?" tanong ko sa kanya.

"Eeeeeehhh... 'Wag ka magulo! Patapusin mo muna ang kilig ko!" ang pasigaw n'yang bulong sa akin.

Gusto ko na talagang matawa ng malakas dahil sa kanyang mga sinasabi.

Maganda naman si Olyn at kahit nakaupo s'ya ay makikita mong maganda rin ang pangangatawan. Mukhang hindi rin nalalayo ang aming edad kung titingnan mo s'ya.

Pero bago pa s'ya magkaroon ng malalim na interes sa akin ay kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. Isa sa mga natutunan ko sa loob ng dalawang taon ay maging open sa sexual preference ko. Doon kasi sa Amerika ay hindi problema ang pagkakaroon ng third sex at open ang lahat ng tao sa usaping iyon.

Alam kong iba dito sa Pilipinas. Pero isang paraan ang pagiging open sa lahat para malaman mo agad kung sino ang mga mananatili sa buhay mo sa kabila ng pagpapakatotoo mo.

"May pagka-baliw ka rin pala noh?! Ewan ko na lang kung kiligin ka pa 'pag nakilala mo na ako!" natatawa kong wika sa kanya ng pabulong.

Nagtaka naman s'ya sa sinabi kong iyon. Napatigil s'ya sa kanyang pagtawa at mariin akong tinitigan.

"What do you mean?" taka n'yang tanong.

Ngumiti muna ako sa kanya bago ko s'ya sagutin.

"Iba ako sa araw-araw na taong nae-encounter mo Olyn." sagot ko sa kanyang nakangiti.

Napatakip naman s'ya ng dalawang kamay sa kanyang bibig.

"Don't tell me, you're some kind of a super hero...... like Superman? Batman? o baka naman si Spiderman?" ang tila namamangha n'yang tanong.

Mas lalo akong natawa sa kanyang mga sinabi. Ngunit kailangan kong kontrolin iyon dahil baka mapansin kami ng ilang managers na naririto sa conference room. Mabuti na lamang at abala rin sila sa kanilang mga pag-uusap.

"No, it's not that. I'm bisexual, gay, or whatever na gusto mong itawag. Iyon ako." nakangiti kong sagot sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Alam kong nabigla s'ya ngunit mas maganda na kung maaga kong masabi sa kanya. At least malalaman ko rin agad kung willing pa rin s'yang makipagkaibigan sa akin.

Nang makabawi sa kanyang pagkabigla ay saka lamang s'ya nakapagtanong sa akin. Mabuti na lamang at hindi pa nakakarating ang aming General Manager kaya malaya kaming nakakapag-kwentuhan ni Olyn.

"So wala ka pala sa mga binigay kong option na super heroes.... Si Darna pala ang kaharap ko...." mangha n'yang sambit.

Ewan ko ba, pero hindi ako nakaramdam ng pagkainis sa kanyang sinabi. Natawa pa nga ako dahil sa naging reaksyon n'ya.

"Ano? Kikiligin ka pa ba ngayong alam mo na? O kaya naman, kakaibiganin mo pa ba ako ngayong sinabi ko na sa'yo kung ano talaga ako?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Bigla naman s'yang napasimangot sa aking naging tanong. Hindi n'ya yata iyon nagustuhan.

"Ang sakit mo naman magsalita Tom. Mukha ba akong ganong klase ng tao? Hindi naman porket ganyan ka, dapat iwasan na kita." wika n'ya sa akin na medyo malungkot.

"No Olyn, it's not that. Gusto ko lang maging totoo sa'yo at gusto ko rin kasing malaman agad kung matatanggap mo ba akong maging kaibigan mo. Kasi ako, magaan ang loob ko sa'yo. Gusto kitang kaibiganin." nakangiti kong sagot sa kanya.

Nakita kong sumilay ang kanyang magandang ngiti sa akin.

"To be honest Tom, may kapatid din akong kagaya mo. Mahal na mahal namin 'yun at s'ya ang nagpapasaya sa pamilya namin." wika n'yang nakangiti sa akin.

Napangiti rin naman ako sa kanyang sinabi at nagpatuloy pa s'ya.

"It's just that nanghihinayang lang ako dahil akala ko nakita ko na ang forever ko. Akala ko may donor na ako ng mga magiging supling ko. You know?" nakanguso n'ya nang wika ngayon.

Muli nanaman akong natawa sa kanya dahil sa sinabi n'yang iyon. Nakikita ko si Cha sa kanya, kaya alam ko sa simula pa lang ay makakasundo ko na s'ya.

"Marami pa naman d'yan Olyn. Kung gusto mo hanapan pa kita! May mga friends din ako sa Amerika, ipapakilala pa kita!" masaya kong wika sa kanya.

"Hay naku Tom! 'Di bale na lang! The last time na hinanapan ako ng jojowain ng Assistant ko, epic fail din! Mukhang hindi n'ya rin bet ang beauty ko! Sayang talaga! Ang gwapo pa naman ni Sir!" ang tila nanghihinayang n'yang sagot.

"Sir? Dito rin ba s'ya nagtatrabaho?" taka kong tanong sa kanya.

"Oo! Gosh! 'Yung General Manager natin! Naku! 'Pag nakita mo 'yon mamaya, malamang maglaway ka rin! He's so hot and super gwapo pa Tom!" ang excited n'yang wika. Bigla naman nagbago ang kanyang ekspresyon bago nagpatuloy. "Kaso bali-balita dito na may hinihintay na tao 'yun eh! Iniwan daw 'yun ng pinakamamahal n'ya! And until now, umaasa pa rin s'yang babalikan s'ya! Naaawa nga ako sa kanya eh! Paano kung may jowa nang iba 'yung hinihintay n'ya 'di ba? Edi nganga s'ya?! Naghintay s'ya sa wala!" ang ngayon naman ay tila nanghihinayang ang kanyang ekspresyon.

Natawa naman ako sa kanya dahil sa haba ng sinabi n'ya.

"May pagka-chismosa ka rin pala Olyn noh?! Saan mo naman nakukuha 'yang mga balita na 'yan?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Hay naku! Chismis ang lumalapit sa akin Tom! Kasalanan ko ba 'yun?!" balik n'ya naman sa akin.

"Oo na, sige na. O tapos? Ano pa ang chismis tungkol sa Boss natin?" tanong ko naman sa kanya.

Tumaas naman ang isa n'yang kilay sa aking tanong.

"So sino ngayon sa atin ang chismosa?" tanong n'ya sa akin.

"Eh sinimulan mo na 'di ba? Sulitin mo na!" natatawa ko pa ring wika sa kanya.

Ibinaba n'ya na ang kanyang kilay at tila naghahanda na sa mga susunod n'ya pang sasabihin. Inayos n'ya pa ang kanyang pag-upo na akala mo ay malaking rebelasyon ang kanyang ia-announce.

"Eto na nga! Sinabi sa akin ng Assistant ko na 'yung hinihintay n'yang tao ay hindi basta-basta! Talagang 'yun daw ang bumago sa kanya. Halos ikabaliw n'ya raw 'yun nung umalis! Nag-fly-lalu raw sa ibang bansa!" chismis n'ya pa.

"Fly-lalu?" taka kong tanong. Anong word 'yun?

"Fly-lalu! Lumipad sa ibang bansa!" sagot n'ya naman sa tanong ko.

"Aahhh..." tangi kong sambit habang tumatango-tango pa.

"Eto pa! Guess what? Hindi merlat ang nang-deadma sa kagwapuhan ni Sir!" sunod n'yang wika.

"Merlat?" taka ko nanamang tanong.

"Merlat! Girl! Babae! May keps! Gets mo?" sunod-sunod n'yang sagot sa tanong ko. Saan ba nakukuha ni Olyn ang mga salita n'ya?

"Okay. So... you mean....." ang alangan kong pagtatanong na mabilis n'ya ring nasagot.

"Exactly! Boylet ang nang-iwan kay Sir! Naku! Laganap na talaga ang dugo n'yo friend! Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw marami na ang tatandang dalaga dahil sa inyo! Imagine? Lahat ng gwapo sa gwapo na rin napupunta? Aba! Magtira naman kayo kahit isa! Kahit si Sir na lang friend, ibigay n'yo na!" mahaba n'ya pang wika.

"Olyn naman! Baka mali na 'yang mga nakukuha n'yong balita! Mamaya makarating 'yan kay Sir, mapahamak pa kayo." pag-aalala ko sa kanya.

"Ayun na nga ang maganda! Kailangan ng confirmation galing sa kanya! Kasi naman friend, hoping pa rin ako na mali ang chismis na 'yon at may chance pa na maakit ng alindog ko si Sir!" dire-diretso n'yang sagot.

Grabe talaga ang mga nakukuhang chismis ni Olyn. Kahit na napakalaki na ng hotel na ito ay nagagawa n'ya pang makakuha ng ganung balita sa mga matataas na tao dito.

Bago pa ako makapag-react sa kanyang mga sinabi ay biglang bumukas ang pinto ng conference room na iyon.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang kakapasok lang na lalaki.

'Anong ginagawa n'ya dito?!'

pasigaw na tanong ko sa aking isip.

"Good Morning. Sorry to keep you waiting." wika n'yang seryoso.

"Good Morning Sir Xander." sabay-sabay na bati ng mga tao sa loob ng conference room.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Kung pwede lang hilingin na lamunin na ako ng upuan ay ginawa ko na.

"Hoy Tom! Tumayo ka d'yan! Magbigay galang ka sa General Manager!" ang bulong na pasigaw sa akin ni Olyn.

Agad naman akong natauhan. Napansin kong ako na lang pala ang nakaupo nang mga oras na iyon. Lahat sila ay nakatayo nang batiin nila si Xander.

Unti-unti akong tumayo sa aking kinauupuan. Lahat sila ay nakatingin sa bawat pagkilos ko.

"Give manners Mr. Perez. Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?" ang biglang wika ni Ms. Domingo.

'Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?'

'Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?'

'Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?'

paulit-ulit na nagpe-play 'yan sa utak ko.

S'ya pala ang General Manager dito?! Paano nangyari 'yon?! Gusto kong sumigaw at magtanong kung papano nangyayari ito!

Dahan-dahan kong tiningnan si Xander na nakatayo lamang sa kabisera ng mesa ng conference room na iyon. Narito kami ni Olyn nakaupo sa dulong bahagi ng mesa. Seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"G-good Morning... S-sir..." ang utal kong pagbati sa kanya.

Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. 'Yung ngiting sa akin n'ya lamang ibinibigay noong mga panahon na magkasama pa kami.

"Sh*t! Ang gwapo talaga! Para akong maiihi!" ang dinig kong mahinang sambit ni Olyn sa aking tabi.

"Good Morning." nakangiting bati ni Sir Xander pabalik sa akin. "Please have a seat." baling n'ya naman sa aming lahat.

Umupo naman kaming lahat ng naroroon maliban lamang kay Ms. Domingo at Xander. Hindi ko magawang maging komportable sa aking pag-upo sa mga oras na ito.

Putek! Ano bang naging kasalanan ko at napasok ako sa ganitong sitwasyon?! Ang ayaw ko nang makitang tao ay makakasama ko! At ang nakakainis sa lahat, boss ko nanaman s'ya!

"Everyone, I'd like to introduce to you our newest General Manager. He was personally chosen by the newest President and CEO of Diamond Llyx Hotel which is formerly Golden Crown Hotel. He was sent to supervise and manage everything here including us. As an entrepreneur and successful businessman with his two branches of restaurant, he was able to meet the expectation of our President and CEO. His restaurants were able to receive awards in different categories of Food and Beverage business all over the Philippines for four consecutive years. Let us all welcome, Mr. Alexander Alvarez. " pagpapakilala ni Ms. Domingo kay Xander.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon. Kahit mabigat ang aking mga kamay ay nagawa ko pa ring iangat ito at nakisama sa mga palakpakang ibinigay ng aking mga kasama.

"Thank you for that wonderful introduction Ms. Jinny Domingo. You may now have a seat." paunang wika ni Xander.

Umupo naman si Ms. Domingo sa kanang bahagi ng uupuan ni Sir Xander sa kabisera. Matapos n'yon ay muling nagsalita si Xander.

"Again, sorry if it took half an hour bago ako makarating dito. It's just that I went to HR Department to check things out including your profiles. Hindi naman siguro problema 'yon Ms. Castro right? 'Yung Assistant mo lang kasi ang nakausap ko doon." wika ni Xander at tumingin kay Olyn.

"N-not at all Sir.." ang utal na sagot ni Olyn.

"Thank you." sagot naman ni Xander.

Tumayo si Xander ng tuwid at nag-cross arms. Ako naman ay pinili na lamang na ibaling sa iba ng aking tingin. Hindi ko kayang tingnan s'ya ng matagal.

Nagpatuloy s'ya sa kanyang mga sinasabi.

"Also, gusto ko kasing makilala pa kayo. Gusto kong magkaroon tayo ng harmonious relationship dahil isa 'yon sa mga sikreto para masaya tayong nagtatrabaho dito. Mas magiging successful ang isang business kung ang mga nagtatrabaho dito ay magkakasundo. In other word, dapat ay may teamwork tayo for the success of company. The company's success is our success as a team." mahaba n'yang wika. "Do you agree?" sunod n'ya pang tanong sa amin.

"Yes Sir!" sagot naman nilang lahat maliban sa akin.

Saglit na natahimik ang lahat maging si Xander.

"Mukhang hindi yata agree si Mr. Perez sa sinabi ko. Ni hindi n'ya nagawang sumagot." biglang pagsasalita ni Xander.

Unti-unti ko s'yang nilingon. Nakita ko na nasa akin nanaman ang atensyon ng lahat. Inayos ko ang sarili ko at hindi nagpahalatang kinakabahan.

"I'm sorry.. Yes, I agree with you SIR." ang sagot ko at may diin pa sa salitang Sir.

"Very well then." nakangiti n'ya namang sagot sa akin.

Nagsimula nanaman s'yang magsalita habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan. Hindi ko na maintindihan kung ano pa ang mga pinagsasabi n'ya dahil gulong-gulo na ang utak ko ng mga oras na ito. Iniisip kung paanong nangyari na naging General Manager s'ya sa malaking hotel na ito. May sarili na s'yang business pero nandito s'ya ngayon sa harapan ko at nakakasalamuha ko. Iniisip ko rin na hindi malayong makapag-usap kami dahil kailangan kong mag-report sa kanya dahil hawak ko ang F&B Department.

"So as you can see, may mga bagay talaga tayong dapat na alamin hindi lang sa mga hinahawakan nating department. Maging aware tayo sa lahat lalong-lalo na sa mga tauhan natin. Am I right Ms. Castro? Since you are the HR Manager, ikaw ang dapat na mas nakakaalam no'n." ang wika ni Xander.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa aming pwesto ni Olyn. Nakayuko ito sa pagitan namin ni Olyn at tinatanong si Olyn. Napalingon naman ako sa kanya habang nakaharap s'ya kay Olyn. Isang ruler lang yata ang pagitan ng mukha ko sa ulo n'yang nakatalikod sa akin. Amoy na amoy ko ang paborito n'yang brand ng shampoo.

"Yes Sir. You are right." dinig kong sagot ni Olyn.

Matapos iyon sagutin ni Olyn ay nagulat na lamang ako nang biglang lumingon si Xander sa aking gawi. Isang ruler nga lang ang pagitan namin.

Hindi agad ako nakagalaw at nagtama ang aming mga mata. Nakangiti lamang s'ya habang nakatingin sa akin. Alam kong bahagya akong napanganga sa ginawa n'yang iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal o kabilis kaming nagkatitigan bago ko iniwas ang aking tingin sa kanya. Ibinaling ko sa iba ang aking mga mata.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong umalis na s'ya sa pwestong iyon at nakita kong naglalakad na itong muli papunta sa harapan.

Ipinatong n'ya ang dalawa n'yang kamay sa mesa habang nakatayo pa rin. Ngumiti s'ya sa lahat bago nagsalita.

"So everyone, as the new General Manager of this hotel, I am looking forward to work with YOU all." ang kanyang sinabi ngunit sa akin nakatutok ang kanyang mga mata. Nagawa n'ya pang idiin ang salitang 'you' na tila pinapahiwatig na ako lang ang makakatrabaho n'ya.

Blangko lamang ang binigay kong ekspresyon sa kanya. Pero sa loob-loob ko ay parang may mga nagwawala nang mga mababangis na hayop at ano mang oras ay maghahanap na ng makakagat.

Muling nagpalakpakan ang aking mga kasama matapos iyon sabihin ni Xander. Kahit mabigat pa rin ang aking mga kamay ay nakisabay na rin ako. Ayokong mahalata ng mga tao dito na may naging koneksyon kami ni Xander. Ayokong may makaalam ng nakaraan naming dalawa.

Pumunta si Ms. Domingo sa harapan at pormal kaming ipinakilala at sinabi ang aming mga hahawakang department. Sa aming harapan ay may projector din at doon ipinakita ang mga bahagi ng hotel. In-explain din ni Ms. Domingo ang mission and vission ng aming hotel. Maganda ang concept ng hotel na ito kaya hindi nakakapagtaka na marami ang guests na pinipili ito kahit pa may kamahalan ang lahat dito. Dahilan para maging successful ito.

Nalaman ko rin na iba ang dating may-ari ng hotel na ito at nai-turn over ito sa bagong President and CEO. Iniba rin ang pangalan nito mula sa Golden Crown na ngayon ay Diamond Llyx. Nakakapagtaka naman dahil hindi in-explain sa amin ang background ng bagong pangalan ng hotel. Maging ang pangalan ng President ay hindi sa amin sinabi. Nais daw nilang protektahan ang pangalang iyon dahil temporary lamang ang kanyang pagiging presidente. Ang tunay na magma-may-ari ng hotel na ito ay kasalukuyang pinag-aaralan pa ang pagpapatakbo nito.

Overall, lahat ay nagsisimula pa lamang dito at kabilang na kami roon. Maging ang mga empleyado noon ay pinalitan para na rin sa proteksyon ng kompanya. At ang goal namin, ang mas maging successful pa ang pagma-manage nito.

Habang nakikinig sa paliwanag ni Ms. Domingo sa harapan ay nakikita ko sa aking peripheral vission ang paminsan-minsang pagtitig sa akin ni Xander. Ginawa ko ang lahat para hindi s'ya tapunan ng tingin. Masisira ang concentration ko sa pakikinig kung sakaling magtama ang aming mga mata.

Natapos ang aming introduction at ngayon nga ay naghahanda naman kami para sa pagpunta sa bawat Department namin. Inilibot din kami sa iba't-ibang bahagi ng hotel. Iilan lamang ang aming pinuntahan dahil hindi kakayanin ang buong araw para libutin iyon dahil sa napakalaki nito.

Sadyang napakaganda at elegante ng hotel na ito. Maganda ang interior at ang sabi pa sa amin ay pinalitan pa ang maraming bahagi nito. Nangunguna si Xander at si Ms. Domingo ganoon din si Mr. Enriquez na Deputy Assistant Manager sa paglalakad. Si Ms. Domingo at Mr. Enriquez ang nagsilbing tour guide namin.

Bawat madadaanan naming tao at empleyado ay napapahinto kapag kami ay nasasalubong. Minsan ay napapangiti pa sila at nagbubulungan. Alam kong dahil iyon kay Xander na mas nauunang maglakad sa aming lahat. Oo na at gwapo s'ya at matikas ang pangangatawan kaya hindi na nakakapagtaka 'yon. Pero alam ba nila kung gaano kasama ang ugali nito?

Sabay-sabay kaming nagpunta sa elevator. Ang Xander naman ay pinauna ang mga babaeng miyembro ng aming team papasok ng elevator.

Gusto kong magprotesta dahil noon ay sa mga malalapit na tao lamang sa kanya s'ya ganon. Wala 'yan pakialam dati sa ibang tao maliban sa akin. Ano ngayon ang palabas n'yang pagiging gentleman kuno?!

Dahil sa kakaisip ay napansin kong kami na lang palang dalawa ang naiiwan sa labas. Tiningnan ko s'ya kung ano ba ang susunod n'yang hakbang na gagawin.

"Go ahead Mr. Perez." nakangiti n'yang wika sa akin at iminuwestra pa ang kanyang kamay papunta sa elevator para igaya ako papasok.

Nang lingunin ko ang aming mga kasama ay nakita kong nasa akin nanaman ang kanilang atensyon. Dahil nga sa ayaw kong may makahalata sa amin ay agad din akong pumasok sa elevator.

Pagkapasok ko sa elevator ay nakita ko namang sumunod din si Xander. Pero ang ulupong ay sa tabi ko pa talaga pumwesto. Gusto ko s'yang sigawan at sabihing may iba pang space ang elevator kaya kung pwede ay sa iba na lang s'ya pumwesto.

Hindi ko rin alam kung sinadya n'ya bang magdikit ang aming mga balikat at braso. Hindi naman siksikan sa loob ng elevator pero kung makadikit ay akala mo wala nang natitirang space. At sa pagdikit ng aming mga brasong iyon ay may kuryenteng gumapang sa aking katawan. Pero dahil sa ayaw ko ngang magpahalata ay hindi na lamang ako nag-react.

Nang magsara ang elevator ay sa harapan lamang ang aking tingin. Pero ang elevator palang iyon ay puro salamin kaya hindi ko naiwasang makita ang repleksyon naming lahat na sakay ng elevator na iyon.

Sa kaliwang bahagi ko ay si Mr. Enriquez na seryosong-seryoso ang ekpresyon. At sa kanang bahagi ko ay si Xander na titig na titig sa akin mula sa salamin. Ang mas nakakagulat pa sa kanyang ginawa ay kinagat n'ya ang kanyang ibabang labi kaya nanlaki ang aking mga mata.

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa para maibaling sa iba ang aking atensyon. Dahil sa tensyong nararamdaman ko ay tila ba bumagal ang oras. Natatagalan ako sa pagbukas ng elevator.

"Mr. Perez, are you okay?" ang biglang tanong sa akin ni Ms. Domingo.

Nasa tabi s'ya ni Xander at nag-uusap kami sa salamin sa aming harapan.

"Y-yes Ma'am." utal kong sagot.

"Are you sure? Kasi you look tensed. Nanginginig ang kamay mo." wika ni Ms. Domingo.

Tiningnan ko ang kamay ko na hawak ang aking cellphone. Totoo nga ang sinabi ni Ms. Domingo, nanginginig nga ito. Agad kong ibinaba ito at ibinulsa rin ang aking cellphone. Hindi ko na rin tinanggal mula sa aking bulsa ang aking kamay para hindi na nila makita iyon.

Pagtingin ko sa salaming nasa aming harapan ay nakatingin nanaman silang lahat sa akin. Nakita ko rin si Xander na natatawa sa aking tabi. Mabuti na lang at nagbukas na ang elevator na ubod ng bagal. Kapag tumagal nga ako dito ay ire-request kong palitan na itong elevator na ito!

Nakalabas kami ng elevator at tinungo ang cocktail lounge. Isa ito sa part ng hotel na pangungunahan kong i-manage. Ipinakilala rin kami sa mga staff na naroroon.

Ilang ikot pa ang ang aming ginawa at natapos rin ang mahabang araw na ito. Bukas naman ay nakatakda kaming kilalanin ang lahat ng staff sa bawat department namin.

Aaminin kong nakakapagod ang araw na ito. Hindi lang pisikal kundi maging ang utak ko ay pagod na pagod. Kung wala lang sanang Xander na nasa paligid ay alam kong makakayanan ko ang lahat.

Hanggang sa magpaalam na kami sa isa't-isa ay hindi tumigil si Xander sa maya't-mayang pagsulyap sa akin. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para iwasan s'ya. Hindi dapat ako magpaapekto sa presence n'ya.

Isang beses sa isang buwan lang naman kaming magkikita para sa reporting ko sa kanya kaya alam kong kakayanin ko s'yang makatrabaho.

Sumagi sa isip ko ang mag-resign na lamang dito ngunit ayaw kong mapahiya si Papa sa kanyang kaibigan na nag-recommend sa akin. Isa pa, nakapirma ako ng kontrata kaya alam kong magkakaproblema rin ako sakaling gawin ko iyon.

Kasalukuyan akong nasa lobby ng hotel at naglalakad na ako palabas upang umuwi na ng bahay nang makita kong papunta rin sa aking gawi si Xander. Ilang metro rin ang aming layo at nakita ko s'yang napahinto nang makita ako.

Ngunit sa kanyang likod ay nakita ko rin ang taong nakasama ko sa mga panahon na nahihirapan akong tanggapin ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon. Si Daniel na malawak ang pagkakangiti sa akin. Malayo ang kanilang pagitan at nakatalikod sa kanya si Xander.

Ang magandang ngiti sa akin ni Daniel ang nag-alis ng pagod na nararamdaman ko ngayon. Agad din akong nagbitaw ng magandang ngiti sa kanya.

Ngunit sa hindi ko alam na dahilan ay ngumiti rin si Xander sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at dire-diretso akong naglakad. Hindi ko alintana kung madadaanan ko pa si Xander. Hindi n'ya pa rin inaalis ang kanyang magandang ngiti na ibinibigay sa akin habang papalapit ako sa kanyang pwesto.

Narating ko ang kinatatayuan ni Xander at hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa malampasan ko s'ya.

"Bae! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Daniel nang marating ko ang kanyang pwesto.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Daniel.

"Ano pa ba? Edi sinusundo ka. Halika na?" nakangiti n'yang sagot at pagyaya.

"Tara na, gutom na rin ako eh." nakangiti ko ring balik sa kanya.

"Sige. Sa labas na lang tayo kumain Bae, okay lang ba?" tanong naman ni Daniel habang kinukuha ang aking sling bag na naglalaman ng laptop.

"Sure. Baka hindi ko na mahintay ang lulutuin mo sa sobrang gutom ko eh." sagot ko naman sa kanya.

Hindi na s'ya muli pang sumagot kaya naglakad na rin kami palabas ng lobby ng hotel na iyon. Akbay ako ni Daniel habang palabas kami roon.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Ngunit nang malapit na kami ni Daniel sa pinto ng hotel ay awtomatiko akong napalingon sa kaninang kinatatayuan ni Xander.

Nakita kong hindi pala s'ya umalis sa pwestong pinaghintuan n'ya kanina at nanatiling nakatayo lamang doon. Nakatingin s'ya sa amin ni Daniel at nakita kong iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang nakangiti n'yang mukha ay puno na ng kalungkutan ngayon.

Sa halip na bigyan ko pa iyon ng pansin ay muli ko na lamang ibinalik ang aking tingin kay Daniel.

Masaya kaming nag-uusap sa mga pangyayari sa amin ngayong araw na ito. Lahat ng nangyari sa akin sa introduction at ang tour sa ilang bahagi ng hotel.

Ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang mga bagay tungkol sa muling pagkikita namin ni Xander. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong sabihin iyon kay Daniel.

Hindi ko alam kung nagkita na ang magkapatid, ngunit wala talaga kong lakas ng loob tanungin iyon sa kanya.

Naisip kong sa ibang araw ko na lamang iyon sasabihin. Ipapaalam ko rin sa kanya na hindi naman magiging madalas ang aming pagkikita at wala akong balak na makipag-usap sa kanya ng matagal.

----------

A/N

Sinubukan ko pong maging mas seryoso at maging full drama ito, kaso nahihirapan talaga ako.. Anyway, sana nagustuhan n'yo pa rin ang kinalabasan. Votes and comments please! Thanks guys!

----cold_deee

Continue Reading

You'll Also Like

28.5K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...
2.5K 252 24
Simple lang ang pangarap ni River, ang magkaroon ng sarili niyang lugar na pwede niyang tirhan at punta puntahan na naganap agad dahil sa passion niy...
3.5M 95.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
168K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...