The Day April Falls

By HeyyMissA

167K 5.2K 1.1K

(Completed) April Mercado met his damsel and distress prince charming, August Marquez. He met the guy once, p... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Too Late To Say Sorry
BS

Chapter 16

3.7K 151 38
By HeyyMissA

April 16, 2016
Saturday

When you are not sure whether you're in love with someone or not the answer is not.

Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ginising na ako ni Harvey. Kagabi kasi bumalik na galing Maynila sina Dominic at Agatha. Dumaan sila saglit sa bahay bago tumuloy sa Hacienda Ella para ipagpaalam kami ni Harvey kina Lolo at Lola dahil isasama kuno kami sa outing nila bukas. Wala kaming pera, eh mayaman sila Dominic kaya sagot na nila ang gastos at wala na kaming iisipin pa.

Syempre umayaw ako, nakakahiya kaya yun. Pero itong si Harvey, wala atang kahiya-hiya sa katawan. Pinilit pa si Lola para payagan kami. Kaya ito, excited na niyugyog ang balikat ko. Hindi talaga tumigil hangga't hindi ako pumasok ng banyo.

"Bilisan mo sa pag ligo ah!" Sigaw nito. Binalibag ko yung pinto pasara at narinig ko itong humihiyaw sa labas. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makitang may nakahanda nang mainit na tubig sa balde.

Talagang excited siya, walang biro.

Five thirty nag text sa akin si Agatha na papunta na sila para sunduin kami. Tapos na kami ni Harvey kaya naghintay nalang kami sa labas. Ilang sandali lang ay nakikita na namin ang Van nila, pumasok ng bahay si Harvey para tawagin sina Lolo at Lola.

"Mag ingat sa biyahe mga apo ha? Dahan-dahan lang sa pagmamaneho." Paalala ni Lola.

"Edi bukas pa kami makakarating don, La?" Biro ni Harvey na walang tumawa. "Ang aga ko talagang waley." Sabi pa nito sabay kamot ng ulo.

Biglang bumaba yung bintana sa likod at nagtanggal ng hood si August. "Good morning po sa inyo, Lolo Andres, Lola Lolita." Bati nito sa lolo at lola.

"Magandang umaga rin sa'yo. Hala sige, lumakad na kayo at baka tanghali na kayo makarating sa resort." Biglang umisa pa ng joke si Harvey.

"Edi sa susunod na buwan pa kami makakarating don kung maglalakad lang kami, La!" Hinila na ni Lolo Andres ang lola at pumasok ng bahay. Si Dominic naman agad na binuksan ang pinto ng Van at sumakay sa driver's seat, si Agatha ay humihikab na umikot papunta sa front seat. Binuksan naman ni August ang pinto ng Van at agad akong sumakay at sinara ito pagkatapos.

"Tara na, Dominic." Sabi ko kay Dominic na agad pinaandar yung kotse. Biglang kinatok ni Harvey ang pinto dahil ni-lock ko ito.

"Hoy! Sasama ako!"

"Huwag na! Pahamak ang joke mo." Sabi ko sabay tapik kay Dominic para umalis na kami.

"Kaya nga joke eh! Hoy! Teka!"

Tawang tawa na hininto ni Dominic yung Van. Binuksan ni August yung Van ay bumungad sa amin ang humihingal na si Harvey.

"Ang sama ng trip niyo, ah!" Parang talagang nasaktan siya no'ng sinabi niya yun kaya tumawa ako. "Isa ka pa!"

"Tumahimik ka na nga lang! Sasakay ka na ba o talagang iiwan ka na namin?" Inis na sabi ni Agatha. Agad pumasok si harvey at sa likod sumakay kung saan nakalagay ang mga bag namin at ibang gamit.

"Grabe talaga kayo sa'kin." Reklamo pa nito. Nilingon ko nga.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na diyan ka?" Tanong ko. Ilang sandaling nag-isip siya tapos natahimik.

"Wala." Nakangiting sabi nito. Sinapok ko nga. "Aray ha!"

"Sira! Dito ka na." Sabi ko sa kanya sabay ayos ng upo ko. Ilang sandaling natahimik ito kaya nilingon ko ulit.

"Ah, wag na! Dito nalang ako. Maganda kaya dito, diba August? Mas malamig sa likod." Sabi niya sabay yakap ng bag nito.

"Bahala ka."

"Oo nga. Okay lang ako." Sabi pa nito.

Nilingon ko si August na binalik sa ulo ang hood ng suot nitong pullover habang nakasandal sa bintana ang ulo at pikit ang mga mata. Napanguso nalang ako sabay lipat ng tingin sa harap.

"Dominic," tawag ko kay Dominic. "May dala kang earphone?"

"Ginagamit ko." Sagot ni Agatha sabay taas ng ipod nito.

"Sige, okay lang." Hinanap ko nalang sa bag ko yung akin. Di ko kasi sure kung nadala ko ba o hindi. Biglang inabot ni August yung bag niya sa likod, ako naman tong assumera akala ko pahihiramin niya ako ng earphone pero may kinuha lang pala itong pagkain sa loob ng bag niya.

Siba! Hindi man lang ako inalok? Grabe siya. Napairap nalang ako ng mga mata at binalik sa bag ang atensyon. Wala talaga eh! Imbyerna!

"Harvey!" Sabay yugyog ko sa balikat ni Harvey. "Tulog ka na agad?"

"Bakit ba?" Nag kusot pa ng mata.

"May earphone ka ba?"

"Ano yung earphone?" Ay, naku naman!

"Taong ewan ka talaga!" Bumalik na ako sa upuan ko nang biglang mahagip ng mga mata ko ang pagkain sa ibabaw ng bag ko. Napalingon ako kay August. Patay malisya na umiinom lang ito ng tubig.

"Sal-"

"Guys, selfie!" Biglang singit ni Agatha. Agad na bumangon si Harvey.

"Hindi alam ang earphone pero alam ang selfie," bulong ko. Rinig na rinig ang countdown ng camera ni Agatha, nasa 8 seconds pa pero nakangiti na si Harvey. Tingnan ko lang kung di ka mangalay.

"Tagal naman niyang timer mo, Agatha! Parang feelings ko sa'yo. Tagal mong mapansin." Biglang hugot nito na sinagot lang ni Agatha ng belat.

"Nyenyenye! May nagrereklamong taong bukid!"

"Di baleng taga-bukid, nagmumukha namang dayuhan!" Pagmamayabang pa nito.

"Isa pa, dali!" Biglang singit ni Dominic. Nagsimula na ulit yung timer, binawasan na ni Agatha ng lima, kaya five seconds nalang ang timer. Biglang tinulak ako ni Harvey sa balikat at pati na rin si August. Nasa ibabaw ng ulo namin si Harvey habang magkadikit kami ni August. Biglang nag rattle na naman yung puso ko.

Paano ba naman kasi, wala sa camera ang mata ni August kungdi nasa mukha ko.

"Post ko sa facebook!" Excited na sabi ni Agatha habang wala pa atang balak si Harvey na tanggalin yung kamay niya sa mga balikat namin ni August.

Tatanggalin ko na sana yung kamay ni Harvey nang kusa na itong kumawala. Para kaming magnet ni August na ang hirap paghiwalayin. Wala ni isang nagtangkang gumalaw, lumayo o mag iwas ng tingin. Kung hindi lang nag vibrate yung phone ko hindi pa ako magigising sa realidad na nasa loob kami ng Van habang kesong keso kami.

Mabilis na hinanap ko sa bag ang phone ko. Pinulot ito at binuksan. Olly again was the intruder.

Panira ng moment.

Babe!

Hindi na talaga ako
galit! Uwi ka na
please?

Hindi ko alam kung bakit napalingon ako kay August pero takte! Nakikibasa siya ng text.

Sira! Anong problema mo
Olivia?

Talagang binuo ko yung pangalan ni Olly para makita niyang babae yung katext ko. Mamaya mag assume siya na lalaki yung katext ko no!

At ano naman ngayon kung mag assume ito na lalaki yung katext ko? Anong pake ko?

Nag reply ulit!
Thank you naman!

Ano nga?

May tanong lang sana
kasi ako.

Ano yun? Bilisan! At baka
mawala na ako sa mood.

Pero yung totoo, hindi lang talaga ako komportable na nasa tabi ko si August habang nakikibasa ng text ko.

Kasi ano...

Ano nga?

Kasi parang
nagkakagusto na ako.

Kanino naman?

Kay Black Santibañez.

Ano?!

Huy! Anong sabi mo?
Gusto mo na si Black?

Huy! Mang iwan ha?

Olly!

Ayaw mo talaga mag reply ha?

Gotcha! Nyahaha
😂😂😂

??

Baket, April?"

Anong bakit? May sinabi
kang revelation tapos bigla
kang nang iwan sa ere!

Tapos babalik kang "gotcha"
ang reply?

Hindi ako yun! Leche
talaga tong si Black.

Magkasama kayo sa gantog
oras?

Wag kang judgmental!
Explain ko nalang sayo
sa pagbalik mo.

Talaga lang ha?

At di na ito nag reply. Binaba ko na yung phone at nilingon ulit si August. At talagang nakikibasa siya hanggang huli.

"Naalala mo yung lalaking sumuntok sa'yo?" Tanong ko sa kanya na ikinalukot lang ng noo nito. "Sa party ni Art." Tapos na gets niya na.

"Bakit?"

"Si Blue yun. Pinsan ni Black." Sabi ko pa. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Ano ngayon?" Bigla akong nahiya. Grabe siya! Inconsiderate!

"Si Black yung nag text sa'kin no'ng una. Hindi si Olly." Bakit ba ako nage-explain sa kanya?

"Nabasa ko." Tipid na sagot nito. "Hindi mo kailangang mag explain." Taray. Suplado si Koya.

"Sabi ko nga." Umurong na ako at dinampot yung pagkain na pinatong niya sa bag ko at binuksan iyon. "Har-" tatalikod na sana ako para ayain si Harvey nang biglang hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako. Ilang sandali kaming nakatitig lang sa isa't isa hanggang sa siya na mismo ang nag iwas ng tingin. Lumingon ito sa labas ng bintana habang hawak pa rin ang braso ko. Babawiin ko na sana nang biglang humarap siya ulit.

Tapos binitiwan na rin ako. Binalik na nito sa labas ang atensyon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako pero kinikilig talaga ako eh.

In love na ata ako.
Di ako sure?
Ibig sabihin hindi ako in love. Oo, hindi ako in love no!

Muling nag vibrate yung phone ko. Unknown kaya hindi ko binasa. Ilang segundo lang nag vibrate ulit at yung numero pa rin iyon ang lumabas sa screen ko. Iba-block ko na talaga to!

"Basahin mo." Biglang sabi ni August na ikinagulat ko. Agad na dinampot ko iyon at binasa.

ONLY FOR YOU

Read it!

Napalingon ulit ako kay August na nakatingin pa rin sa akin. Ilang sandali lang, ito na rin mismo ang nag iwas ng mukha.

Binalik ko sa phone ang atensyon at nag scroll up nang biglang may naalala ako.

Hi.

Hi.

Hi.

Hi.

So it was him?

Puso. Easyhan mo lang. Chill. Hindi ka namumula. Hindi ka kinikilig. Hindi talaga! Diba? Diba?

ANAK KA NG UNLI KILIG OO!

Nanginginig na binaba ko yung phone ko sa ibabaw ng bag ko nang biglang lumingon ulit si August. Sa ginagawa niya tingnan ko lang kung di siya magka-stiff neck.

Dinampot niya yung phone ko at may ginawa roon. Ilang sandali lang ay ibinalik niya na ito sa ibabaw ng bag ko. Pinulot ko at tiningnan kung ano ang ginawa niya rito.

Nasa messages pa rin naman. Wala siyang binura na messages, wala masyadong nabago maliban sa wala na doon ang unknown number. Pero nasa unahan ang pangalang...

AUGUST💛

Naka-caps lock para intense?

Pero bakit may golden heart? Hindi tatlo pero isa lang talaga? Ano yun?

Naguguluhang nilingon ko si August na nasa-labas pa rin ang atensyon habang nakangisi.

Updated by:
GWAPONG AUTHOR

Follow niyo kami sa facebook @heydreamerswtpd

Continue Reading

You'll Also Like

671K 7.5K 31
A life without the cameras, life living with true love. Rank 1 - 091618 / 100618 / 100219
31.2K 860 31
Uly Villarama was given a break from her job. And given to her body clock, hindi siya sanay na walang ginagawa sa buhay. Gusto na niyang magtumbling...
527K 5.5K 17
[Warning: Sexy Romance by Channary (Luna King) published under Red Room] Ang relasyon ni Erica kay Josh ay bumabagsak sa pinaka-cliche na category- f...