Chapter 30

3.9K 149 31
                                    

April 30, 2016
Saturday
Final Glance

Alas dyes nang nilisan namin ang Isidro. Tahimik lang ako sa buong biyahe. Katabi ko si Olly na napapagitnaan namin ni Black. Paminsan-minsan ay sinisingit ako ni Olly sa usapan nila ni Black, madalas tango at kibit-balikat lang ang sagot ko.

"Oy, April, na try mo na ba itong bagong laro?" Olly asked nang palabas na kami ng Isidro. Umiling lang ako sabay ngiti. Tumango lang siya at ngumiwing nag lipat ng tingin kay Black.

Naisipan kong ibaling nalang ang atensyon sa labas ng bintana. Maliban sa malalaking puno na nakatayo sa gilid ng daan ay wala na akong makitang iba na pagdapuan ng mga mata ko.

Kung hindi pa tumunog ang phone ni Black ay hindi ako babalik sa realidad. Masyado nang malayo ang inabot ng isip ko samatang nasa Baryo Rosario pa lang naman kami.

"Sino? Si Blue?" Olly asked. Nang marinig ko ang pangalan ni Blue ay tsaka lang ako napalingon.

"Hmm." Sabay tango ni Black.

"Loud speak mo." Ani Olly. Umiling si Black at pinalayo si Olly. Gusto ko sanang marinig kong anong pinag-usapan ng dalawa pero ayoko namang mag mukhang chimosa gaya ni Olly.
"Daya neto!" Reklamo pa ulit ni Olly.

Pareho kaming natigilan ni Olly. Nag hihintay sa kung ano man ang sasabihin ni Black. Hindi ko alam kung bakit na curious ako bigla sa tawag na iyon ni Blue. Kung ano ba ang pakay niya kay Black. Kung may problema ba siya. Siguro mas mabuti na rin ito kesa si August ang iniisip ko.

"Ano daw?" Bulong ko kay Olly na halatang nagulat.

"Diyos ko, April! Ginulat mo naman ako. Nakikinig ka rin pala. Ewan ko ba, ayaw ni Black i-loud speak eh." Ani Olly.

Dalawang minuto na ata ang lumipas at hanggang ngayon hindi pa rin nag sasalita si Black. Isa lang ang ibig sabihin pag gano'n. Kinakanta ni Blue ang problema niya. May problema nga siya?

Ilang sandali lang ay nag salita na rin sa wakas si Black.

"Chill, bro. It's just a girl. Chill!" Natatawang sabi ni Black. So ibig sabihin, babae nga. "Ganito nalang," natatawa pa rin si Black. "...alright! Alright! Ito na nga, hindi na ako tumatawa... okay. I know, bro... I feel you." Biglang seryosong sabi ni Black na nag pasinghap kay Olly.

Tinapik niya sa braso si Black. "Ano yung, I feel you?" Ani Olly.

"Shhh! Tahimik." Saway ni Black. "Ah, I'm with Olivia, bro." Ani Black.

"Blue!" Sigaw ni Olly na agad namang inilayo ni Black ang phone sa tainga.

"Later, Blue. Kita nalang tayo sa ColorBlind." Ani Black tsaka binaba ang phone. Nilingon niya agad si Olly tsaka kinurot ang ilong.

"Ano na? May problema siya? Babae na naman ba?" -Olly.

"Chismosa ka." Natatawang sabi ni Black.

"I just want to know. Kaibigan natin yun, malamang concerned ako do'n kay Blue." Ani Olly. Sasagot na sana si Black nang biglang tumunog na naman ang phone niya.

"Gray?" Halatang hindi inaasahan ni Black ang phone call ni Gray sa kanya. "Yeah, later sa ColorBlind. 10 PM. Yes, I'm with Olivia and April... yeah, we'll bring her. It's her birthday... okay, dude." And he ended the call.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon