Chapter 4

5.4K 186 9
                                    


April 4, 2016
(Monday)

Muling Nagkita

"Nak, bilisan mo na! Baka hindi ka na umabot sa huling bus!" Napahinto ako sa pagsusuklay nang marinig ang sigaw ng Mama ko.

"Andyan na!" Pinasok ko nalang sa bag ang suklay at sa bus na lang ako mag aayos ng buhok.

Nagmamadaling dinampot ko ang bag sa kama at tumatakbong bumaba ng hagdan. Nakita ko si Mama na nag aantay sa akin sa dulo ng hagdanan.

"Bakit ba ang tagal-tagal mo? Mamaya maiwan ka ng bus."

"Hindi yan." Kinuha ko na sa kamay niya ang isang maliit na paper bag kung saan pasalubong para sa lola ko. "I gotta go." I kissed my mother a goodbye kiss on her cheeks.

Sinipat ko ang suot na relos at halos mapatalon na ako sa sobrang gulat nang makitang sampung minuto nalang ang natitira sa akin para abutan ang bus.

May paparating na trisikel, maraming nag-aabang sa pwesto ko kaya tumakbo na ako sa unahan para mauna akong makasakay pero leche dahil nakalimutan kong bawal mag load and unload nang wala sa tamang lugar. Inis na tumakbo at hinabol ko ang trisikel.

"Excuse me! Excuse me!" Tinulak ko na iyong mga lalaking nasa harapan at mabilis na sumakay.

"'Manong, wala na po bang ibibilis 'tong trisikel niyo? Hindi na po kasi ako aabot sa huling biyahe papuntang Isidro." Sabi ko sa driver habang pinipitik ang relos ko.

"Ba, hija! Ayokong madisgrasya tayo." Sagot ni Manong.

"Oo nga naman po." Sabi ko nalang. Biglang huminto si Manong driver, "bakit po kayo huminto?!"

"Mukhang may banggaan na naman." Nilabas ko ang ulo sa trisikel para makita kung anong nangyari. Tangenes! "Bayad manong oh! Bababa nalang ako."

"Per-"

"Tatakbuhin ko nalang po." Sabi ko sabay baba. Inayos ko muna ang sling ng bag ko bago ko kinondisyon ang sarili ko.

Ipapa-alala ko lang sa'yo, April, may tatlong minuto ka nalang at 5 meters lang naman ang tatakbuhin mo.

Nagbuga ako ng hangin at sinimulang ipadyak ang mga paa ko. Lechugas! Nakaka-sampung hakbang palang ako pero halos mawalan na ako ng hininga!

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo kahit hindi ko na maramdaman yung mga paa ko.

"Sandali!" Sigaw ko. Umandar na kasi iyong bus. "Kuya! Sandali!!! Iyong forever ko!" Sigaw ko ulit pero hindi talaga ako maririnig dahil sarado na yong bus!

"Sandali sabi ehhh!" Lahat na ata ng boses ko nailabas ko na. Napahawak nalang ako nang mabuti sa sling ng bag ko at tinodo na ang gas ng energy ko.

"SANDAAAAAAAALI!!!" Binato ko na yong paper bag sa bus sa sobrang disperada ko na maabutan ito. Yong mga pasalubong ko kay Lola nasa kalsada na! Leche!

Huminto yong bus kaya kinawayan ko agad yong konduktor. "Kuya sandali! Papatayin mo ba ako!!!" Lumuhod na ako sa kalsada kahit mainit sabay dampot ng mga pasalubong na gumulong na sa lupa.

The Day April FallsWhere stories live. Discover now