Chapter 17

4K 138 30
                                    

April 17, 2016
Sunday

Good night

April

Good night, August.

The moment I open my eyes, hinanap ko agad ang phone ko para lang basahin ang palitan namin ng text messages kagabi.

Umaga na pero andon pa rin yung kilig. Bakit di pa rin humuhupa yung kilig sa puso ko? QUOTANG QUOTA KASI AKO KAHAPON! Enebeyen! Naiisip ko pa lang yung nangyari kahapon namumula na ako sa kilig.

Grabe yung pinagdaanan namin kahapon sa daan. Naipit kami sa traffic dahil sa banggaan. Tapos bigla pang tumirik yung Van na di alam ni Dominic kung ano ang problema. Kung di pa bumaba si Harvey sa Van para tingnan hindi aandar ulit yung makina. Biniro pa siya ni Agatha na malas siya.

Tapos ilang beses kaming nag stop over dahil kailangang mag CR ni Agatha, o di naman kaya ay para kumain. Kayo ayun, hapon na kami nakarating sa resort. Tapos umulan pa kaya di na kami nakapag-swimming. Nag stay nalang kami sa Villa. Kumain ng dinner at pagkatapos ay nagpahinga na rin dahil pagod sa biyahe.

Magkasama kami ni Agatha sa room, tapos sa kabila naman sila Dominic, Harvey at August. Nagkuwentuhan lang kami buong gabi nang biglang dinalaw na ng antok si Agatha.

Hindi pa ako inaantok kaya kinalikot ko nalang yung phone ko. Kinuha ko sa bag yung mga casing ko nang biglang naalala ko na lahat ng dala ko eh mga bigay ni Liam sa akin. Frustrated, binalik ko sa bag ang mga iyon at bumalik sa pag higa ng kama.

Naisipan kong makinig nalang sa playlist ko nang biglang nag text si August. Humigpit yung hawak ko habang binabasa ang pangalan niyang may golden heart sa screen.

"April,"

"NagtextsiAugust!" Bulalas ko nang biglang bumangon si Agatha at tinawag ang pangalan ko. Hawak ang puso na nilingon ko siya.

"Nag text sa'yo si August?" Biglang tumalon ito sa kama ko. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ito at nahulog sa kama. Mabilis na dinampot ito ni Agatha at malakas na binasa.

Gising ka pa?

"Ahhhhh! Nag text sayo si August!" Tumitiling sigaw nito. Inagaw ko na yung phone sa kanya. "Ang cute! Mag reply ka dali!"

"Ayoko. Matutulog na ako." Humiga na ulit ako sa kama at nag talukbong ng kumot.

"KJ." Sabi pa nito sabay balik sa kama nito. Pero yung totoo nag reply talaga ako.

"Let's go! Nag text na si Dominic. Breakfast na raw." Sabi ni Agatha na nagpabalik sa akin sa present world.

Agad na bumangon ako at nagsuot ng bra. Inayos ang higaan at naghanap ng suklay. Syempre kailangang presentable na ako pag kaharap si August, no! Nang wala siyang maipintas sa beauty ko.

Pero wala akong dalang suklay. Sa dami ng pwedeng maiwan, suklay pa ang naiwan ko. Bakit kasi hindi nalang naging suklay yung mga casing ng phone ko? Leche!

"Tara na!" -Agatha.

"Sandali. Agatha may suklay ka ba? Naiwan ko kasi yung akin." Sabi ko. Agad na dinampot niya yung suklay sa side-table niya at hinagis sa akin.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon