Chapter 6

7.1K 171 31
                                    


April 6, 2016
(Wednesday)



"Aalis na po kami, Lolo Andres." Paalam ni Dominic kay Lolo at tsaka tumango lang ito bilang tugon. Lumabas kami ng bahay at nakita ko na naka-park ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Wala sa sariling napatingala ako sa kalangitan.

"Nice weather, isn't it?" Napalingon ako kay Dominic na tinaggal ang suot na cap at pinatong ito sa ulo ko. "Let's go?" Hinila niya na ako palabas ng bakuran namin at pinagbuksan ako ng pinto.

Yumuko ako at sasakay na sana nang biglang nakita ko si August sa likuran. Naka-upo habang naka-crossed arms at tulog.

Mabilis na umatras ako palabas ng kotse.

"Hoy, Dominic!" Pabulong na tawag ko kay Dominic na binubuksan na ang kabilang pinto.

"What?"

"Bakit kasama si August?" Bulong ko ulit.

"Gusto niya sumama eh. Sakay na!" Pumasok na siya sa loob at wala na akong nagawa kungdi ang sumakay na rin.

Dahan-dahan akong pumasok, dahan-dahan kong inupo ang sarili ko, dahan-dahan kong sinara ang pinto at dahan-dahan kong sinandal ang likod ko.

Hindi ko namalayan na nakamasid lang pala si Dominic sa pinaggagawa ko. He laughed. Kaya napalingon ako.

"Baket?" Tanong ko sa kanya habang bumubulong pa rin.

Tumatawang nilingon niya si August na tulog pa rin sa mga oras na 'to.

"What the heck are you doing?" Inis na hinampas ko siya sa braso. Walang nakakatawa, Dominic! Gusto ko siyang sigawan pero ayokong magising si August. Ayokong magising siya at makita ako!

"Tara na nga lang!" Pabulong ko pa ring sita kay Dominic. Dahan-dahan niyang pinasok ang susi at alam kong ini-inis niya lang ako.

Habang nasa biyahe kami panay ang dasal ko na sana hindi magising si August. Sa tuwing bubuksan ni Dominic ang stereo ng kotse niya ay pinipigilan ko siya. Nakahiligan niya na talaga ang inisin ako.

Ngunit biglang nag preno si Dominic at halos sumubsob ako sa windshield.

"Sh!t!" Dominic cursed. Binaba niya ang bintana at nilabas ang ulo niya roon. "Okay ka lang ba? Ang baka?" Tanong niya sa batang lalaking hila-hila ang baka sa gitna ng daan.

"Pasensya na po Sir Dominic."

"No, it's okay. Gusto mo bang tulungan kita sa paghila ng baka?" Umiling lang yong batang lalaki at nagpatuloy na sa pag hila sa baka niya.

Pumasok na ulit si Dominic at muling itinaas ang bintana niya. Umayos na rin ako ng upo at hinintay na umandar ang kotse nang biglang lumingon si Dominic sa likod. Napalingon na rin ako.

Lunok laway...

Mabilis na bumalik ako sa kinauupuan ko at hinarang ang isang palad sa gilid ng mukha ko.

Anak ng kamalasan ka nga naman talaga, April! Kasalanan to ng bakang 'yon eh!

"Okay ka lang, August?" Rinig kong tanong ni Dominic kay August. Hindi ko na rinig ang sagot niya kaya in-assume ko nalang na tumango siya.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon