Chapter 26

3.5K 128 22
                                    

April 26, 2016
Tuesday
Sana

Ano bang meron kay August at lagi nalang siyang laman ng panaginip ko? Sa pag tulog siya ang naaalala ko. Sa pag gising siya pa rin. Kahit sa pag suklay ng buhok ko siya pa rin ang naaalala ko? Pag-ibig, oh, pag-ibig, bakit ginaganito mo ako?

Natigil ako sa pag suklay nang biglang nag vibrate yung cellphone sa ibabaw ng tukador. Tumayo ako para kunin iyon. Bakit nadismaya ako nang mabasang hindi galing kay August iyon?

Kahit ayoko nang malaman kung ano ang laman ng text ni Liam ay binuksan ko pa rin.

Kumusta ka na?

Agad kong binura iyon at binalik sa ibabaw ng tukador. Pinag patuloy ko ang pag suklay ng mahaba kong buhok. At hindi ko alam kung bakit nadadala ako sa moment. Nag susuklay lang naman ako pero bakit napapa-pikit ako? Bakit naging moment ang pagsuklay lang ng buhok? Nakakaloka. Delikado na 'to.

Nararamdaman ko na naman yung haplos ng mga daliri niya sa tiyan ko. Bakit ba ang hirap niyang tanggalin sa sistema? Ayoko nitong nararamdaman ko. Nakakatakot. Nahuhulog na ako ng sobra-sobra sa kanya. Paano ako makakabangon pag biglang umalis siya? Ayoko munang isipin yun.

Biglang pumasok si Harvey at naputol ang pagmumuni-muni ko.
"Nasa labas si August." Aniya habang pinaglalaruan ang lollipop sa bibig niya.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako at inayos ang damit ko. Tinitigan kong mabuti ang pagmumukha ko sa maliit na salamin at halos ipukpok ko yung ulo ko do'n nang makitang may tigyawat sa ilong ko.

Bakit ngayon pa?!

"Dyahe." Inis na nag hanap ako ng lipstick sa tukador para ipahid sa tigyawat ko at nang kumupas ay biglang humagalpak ng tawa sa likod ko si Harvey.

"Walang namamatay sa tigyawat, Pril. Tsaka wag kang mag inarte. Hindi bagay sa'yo. Labasin mo na si August." Aniya habang tumatawang lumabas ng kwarto ko.

Hindi pwede 'to! Asan ang hustisya? Bakit naman kasi kailangang sa ilong pa kung saan ang daling makita? Paano ko ba maitatago 'to ngayon? Wala ng pag-asa 'to.

Napatalon pa ako sa pag kabigla nang nag vibrate yung cellphone ko. Inabot ko iyon at napa ubo ako nang mabasa ang pangalan ni August sa screen.

Naghihintay ako.

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang hinawi ang kurtina ng bahagya, yung konti lang. Iyong sapat lang sa mata ko na masilip siya sa labas. Muling nag vibrate yung phone ko.

Nakikita kita mula rito
sa labas, April.

Ay, ang tanga mo naman talaga, April. Tuluyan ko nang hinawi ang kurtina at tsaka lumabas ng kwarto. Tumikhim ako habang nakapatong ang isang kamay sa ilong tsaka lumapit sa kanya. Kunot ang noong tumayo siya sa harapan ko.

"Napano ka?" Aniya. Umiling nalang ako sabay tingala. Isa, dalawa... ay, ang daming butas sa kisame. Mamaya aayusin ko nalang.

"Anong ginagawa mo rito?" Hinanap ko si Harvey sa loob ng bahay pero wala siya. Saan na naman kaya yun?

"Bad breath ka ba?" Natatawang sabi niya. Agad na binaba ko ang mukha at tiningnan ang nakangisi niyang mukha.

The Day April FallsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu