Chapter 20

4.4K 172 65
                                    

April 20, 2016
Wednesday

Kung sabihin ni August sa'yo na may nararamdaman na ito para sa'yo, anong magiging reaksyon mo? Kikiligin ka ba? Maga-I love you sa tuwa, yayakapin siya sabay hahalikan o mapapa-weeh, di nga? Seryoso?

Ako kasi wala lang. Wala lang naman sa akin yung rebelasyong iyon. Wala talaga. Hindi lang naman ako pinatulog ng, "Natatakot ako sa nararamdaman ko sa'yo," niya.

Bakit? Minumulto ba siya ng feelings niya for me?

Sabog. Literal na sabog akong nag ayos ng gamit. Three o'clock in the morning ang alis namin pabalik ng Isidro at wala pa akong tulog. Napa-aga ang alis namin dahil may emergency sa Hacienda Ella.

"Mornight, Agatha." Inaantok na bati ni Harvey pagkalabas namin ng kwarto.

"Kanina pa kayo gising?" Tanong nito kay Harvey nang makitang nasa baba na sina August at Dominic.

"Oo. Hinihintay na nga lang namin kayo. Tara na." Inagaw ni Harvey ang dalang bag ni Agatha samantalang yung akin hindi kinuha. Pag-ibig nga naman. Nakakalimutan na ang pamilya.

Sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko habang bumababa ng hagdanan. Nasa dulo si August habang naka-abang sa akin. Pagkababa ko sa huling baitang ay agad nitong inabot ang backpack ko.

"Good morning." Bati nito. Sana man lang may kasamang ngiti. Ang damot talaga nitong ngumiti. "Talikod ka." sabay tulak niya sa akin patalikod. Hinawakan niya ako sa ulo, pinag-isa ang mga buhok ko sa kamay niya at itinali.

"Salamat." Sabi ko pagkatapos.

"Ang agang landian niyan ah. Tara na." Kinikilig na sabi ni Agatha. Sumunod na kami sa kanila sa labas.

As usual, tahimik lang sa buong biyahe si August. Si Harvey tulog sa likod, si Agatha at Dominic nagse-selfie. Nilingon ko si August na nakaharap sa phone niya. Pasimple akong umurong para makita yung ginagawa niya nang bigla akong nasamid sa nabasa ko sa screen.

"Bakit ka sumisilip?" Lumingon ito at nahuli akong nakatingin nga sa phone niya.

"What?" He asked, emotionless.

"Wala. Tinitingnan ko lang kung anong oras na. Three forty pa pala. Tulog muna ako." Lumayo na ako at yuyuko na sana para matulog nang biglang hinila niya ako sa braso at nagkadikit ang mga balat namin.

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Umiling lang ito at muling hinarap ang phone niya. I was stuck between thinking to move or not. I choose the latter. Pasimple kong sinilip ulit ang phone niya. He was scrolling down his facebook's news feeds so fast na halos wala ka nang nakikitang post sa bilis niya. Until he ended on his status box and typed so damn fast.

"OTW back to Isidro with her 💛" Ilang sandali akong napatitig don sa golden heart. Ano bang meron sa yellow na heart na yan? Nacu-curious na ako.

Bigla siyang lumingon kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"What's your facebook account?"

"Ha?" Kunwari hindi ko narinig.

"Your facebook account." Pag-uulit nito.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon