Paraisla III: Paruparo

By yukiirisu

21.6K 1.2K 646

๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #3 of Paraisla Trilogy - Ako'y gintong paruparo, naging itim. Humalik kay Kamatayan... More

- notice -
- 0 -
- 1 -
- i -
- 2 -
- ii -
- 3 -
- iii -
- 4 -
- iv -
- 5 -
- v -
- 6 -
- vi -
- 7 -
- vii -
- 8 -
- viii -
- 9 -
- ix -
- x -
- 11 -
- xi -
- 12 -
- xii -
- 13 -
- xiii -
- 14 -
- xiv -
- 15 -
- xv -
- 16 -
- xvi -
- 17 -
- xvii -
- 18 -
- xviii -
- 19 -
- xix -
- 20 -
- xx -
- epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- 10 -

554 27 31
By yukiirisu



✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Noong sumapit ang ika-labingwalong kaarawan ko, walang selebrasyong ginanap. Ito ay dahil sinasabay ang selebrasyon sa kaarawan ni Lianne, tatlong araw pagkatapos ng sa'kin.

Ngunit hindi ako malungkot.

Dahil taun-taon, may dalawang taong nakakaalala ng kaarawan ko. Si Yohan at Earl.

Ngunit noong ika-labinwalong kaarawan ko, hindi ko nakasama si Earl buong araw dahil namasyal sila ni Lianne sa Vena.

Kaya't naiwan akong nagmamaktol sa kwarto noong gabi, isang oras na lang bago matapos ang kaarawan ko, kasama ng aking knight.

"Oh, ano?" tila inaantok na tanong ni Yohan. "Ganito na lang ba matatapos ang kaarawan mo? Hihiga ka na lang ba dyan?"

Maluha-luha ko siyang tiningnan nang masama. "Eh ano pa bang gagawin ko?"

"May naisip ako," sagot niya.

Kung anuman ang tumatakbo sa isip ni Yohan nang gabing iyon, alam kong matagal na niya itong pinagplanuhan. At pakiramdam ko'y hindi ko iyon magugustuhan.

Sa maraming taon na nakasama ko siya, ang kaarawan ko ang araw na pinagloloko niya ako.

Minsan tatakutin, minsan gugulatin. Minsan ay naglagay siya ng pekeng ipis sa loob ng isang kahon na regalo raw niya. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa pinagalitan siya ni Pinunong Rowan.

"Akyat na," sabi niya nang makarating kami sa isang puno sa hardin. Karamihan sa mga ilaw ng hardin ay patay na kaya't madilim sa paligid.

Siningkitan ko siya ng mata. "May sorpresa ka nanaman ba? Tatakutin mo nanaman ba ako?"

Huminga ako nang malalim.

"Ayoko na." At saka ako nagsimulang maglakad palayo.

Pero hinabol niya ako at nginitian. "Hindi kita pinagbibiro. May nais talaga akong ipakita sa'yo."

Hinawakan niya ang aking pala-pulsuan at hinigit pabalik sa puno.

"Yohan, ano ba kasing meron sa taas? Bakit mo 'ko pinapaakyat?"

"May regalo ako sa'yo," sagot niya at lumuhod sa lupa, nakalahad ang magkadikit niyang kamay upang tapakan ko. "At kailangan nasa taas tayo ng puno para maibigay ko sa'yo."

Hindi pa rin nawawala ang suspetsa ko, pero umapak ako sa kanyang mga kamay at nagsimulang akyatin ang puno.

Nang makarating na ako sa isang sanga sa taas, naisipan kong umupo na upang hindi malaglag.

"Eufy!" tawag ni Yohan. "Nakaupo ka na ba?"

"Oo!" At sabi ko sa isip ko, eto na.

Eto na ang parteng tatakutin niya ako. Siguro iiwan niya ako mag-isa at hindi ako makababa para paiyakin nanaman ako.

Ngunit ilang sedundo pa ay umilaw ang punong iyon. Namangha ako. Kulay dilaw ang ilaw na iyon at galing sa maliliit na bumbilyang nakapulupot sa mga sanga.

Nakita ko ang nakangiting si Yohan na umakyat rin, dala ang isang camera na hindi ko malaman kung ano. Nang makaupo na siya sa tabi ko ay mayabang siyang ngumisi. "Sabi ko sa'yo, hindi kita niloloko eh."

Nginitian ko rin siya pabalik dahil hindi ko mapigilan. Napakaganda at mahangin sa taas ng puno, lalo pa't nararamdaman ko ang presensya niya sa gilid ko.

Tinuro niya ang tulay na nagkakabit sa Paraisla at Rena sa di kalayuan. "Nakikita mo ba? Ang ganda, 'no?"

"Oo nga," hinga ko.

Ang mga ilaw doon ay tila mga alitaptap sa gabi. Ang repleksyon nito ay kita rin sa mga alon ng dagat.

Bigla akong sumimangot. "Bakit ganon? Lagi ko naman 'yang nakikita mula sa bintana ko pero bakit ganito ito kaganda sa paningin ko ngayon?"

Tumawa si Yohan at bigla na lamang akong kinunan ng litrato. Magrereklamo sana ako nang makita ko ang litrato na lumabas mula sa camera.

Kinuha niya ito at iwinagayway sa ere. "Nakakamangha, diba?"

"Paanong-- Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko.

"Hiniram ko kay Martyn. Nabili niya 'to sa Hana, isang camera mula sa Meriga."

"Ang galing," manghang sabi ko habang inaabot 'yun sa kanya. Ibinigay naman niya ang camera sa'kin at tinitigan lang akong kalikutin iyon.

Hanggang sa tinutok ko sa kanya at pinindot. "Aha! Ayan. Patas na tayo."

Ginaya ko ang ginagawa niya sa litratong lumabas at noong luminaw na ang imahe ay pinagdikit namin ang dalawa.

Ang litrato ko at kanya-- parehong mukhang gulat at hindi handa. Nangiwi kami ngunit agad ding tumawa.

Ang saya. Ang gaan sa pakiramdam. Tumatawa lang kami na tila kami na lang tanging tao sa mundo; hanggang sa may luha nang nangingilid at sumasakit na ang aming mga tyan.

Nang kumalma kami ay huminga ako. "Alam mo, napagtanto ko na kung bakit ang ganda ng tulay na 'yan sa paningin ko."

Tinitigan niya ang mukha ko. "Bakit?"

"Kasi," maalaga kong saad. ". . . iyan ang nagdala sa'kin sa'yo."

At hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagtibok ng puso ko habang sinasabi iyon. At kung bakit nag-iinit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya.

At kung bakit hindi ako makahinga lalo na nang akbayan niya ako at hawakan ang kamay kong nakakapit sa camera.

Itinaas niya iyon-- habang hawak naming dalawa-- at bumulong sa tenga ko. "Ngiti."

Pinindot niya.

At nang luminaw ang imahe, nakita ko ang dalawang taong magkalapit. Si Yohan na malapad ang ngiti at ako na tila nakalunok ng maasim na kamyas.

Bumulusok nanaman si Yohan sa pagtawa at saka inasar ako. Ang pangit ko talaga, bakit ganito ang ngiti ko, para daw akong namimilipit sa sakit ng tyan.

Ngunit wala akong marinig sa sinasabi niya dahil nakatingin lang ako sa kanya. Malabo na ang iba.

Tumigil siya sa pagtawa, nahiya at saka nagkamot ng tenga. Ako lang ba o nakita ko ang pagmula ng mga pisngi niya?

"Ano ba," sabi niya. "Wag mo nga akong titigan nang ganyan."

Pumatak ang luha ko at wala akong maisip kundi ang lungkot lungkot ko.

Sa maraming panahon, si Yohan ang isang taong nais kong mawala sa tabi ko para kay Earl, pero siya pa rin ang laging gumagawa ng paraan para hindi ako mag-isa.

Kaya inatake ko siya ng isang yakap at umiyak sa kanyang dibdib.

Paulit-ulit na bumubulong, "Salamat. Salamat. Salamat..."

Nabigla man siya sa ginawa ko ay hinaplos niya rin ang buhok ko. "Iyakin. Kaarawan mo pa ngayon kaya pagbibigyan kita."

At iyon ay isa sa mga ala-alang hindi ko malilimutan.


✥-------------------✥-------------------✥


Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko.

Nag-iisa na ako ngayon. Pakiramdam ko'y wala na akong kasama. Wala na akong mapagkakatiwalaan.

Tinitigan ko ang punong iyon sa labas ng aking bintana ngunit hindi ko makaya ang nakakasakal na pakiramdam sa aking lalamunan. Agad kong hinawi ang kurtina upang hindi na iyon makita at madali akong lumabas ng silid ko.

At natigilan ako. . . Dahil ang pinto ng kwarto ni Yohan ang bumati sa'kin.

Naalala ko ang gabing kumatok ako at lumabas siya, iritado ang mukha at walang pantaas, at kung gaano niya ako ayaw pumasok doon.

Ngayon, wala na si Yohan dito. May parteng nagsasabi sa'king respetuhin ko ang gusto niya ngunit--

"Bahala na," marahas kong bulong at saka pinasok ang kanyang kwarto.

Napigil ang aking paghinga. May kusot sa tela ng kama, isang damit na pantaas ay nakasabit sa upuan sa desk, nagkalat na mga papel sa mesa at bukas na mga bintana.

Napasampal ako ng kamay sa bibig. Nagkamali ako ng pagpunta rito dahil mas lalo akong naiiyak.

Tila ba nandito lang si Yohan kani-kanina; walang nagbago. Kakaalis lang niya at anumang segundo ay papasok siya dito at magagalit sa ginawa ko.

Pero alam kong hindi iyon mangyayari dahil naroon siya sa islang kaharap ng palasyo-- kalaban ko.

At kahit matapos 'to, hindi na maibabalik ang dati dahil isa akong Sinumpa.

Isa akong halimaw. . .

Tumama ang aking paningin sa kanyang mesa at nakita ko ang ilang frame na nakatayo doon. Isa'y naglalaman ng litrato niya kasama ni Tiya Ninette, Kiel at Pinunong Rowan. Mukhang kuha ito sa kanyang pagtatapos bilang estudyanteng-kawal.

Ang isa ay kasama niya si Cleid at Martyn. Pinulot ko iyon at tiningnan nang mabuti.

Napakaganda ng ngiti nilang tatlo. Sakal ni Martyn si Cleid ng isang braso habang nakaakbay naman sa kanya si Yohan. Mga knight na sila nang kinunan ito.

Ngumiti ako, nahahawaan ng saya ng litratong 'to. Ibinaba ko iyon upang ibalik ngunit nahuli ng tingin ko ang isang frame sa likod ng iba pang frame. Tila tinatago ang sarili niya sa iba.

At nahuli ang puso ko sa aking lalamunan.

Dahil alam ko ang litratong iyan.

Alam ko, dahil hindi ko mabubura ang ala-alang iyon.

Kinuha ko ang frame na iyon at nilapit sa aking dibdib. Panibagong mga luha ang umusbong sa mga mata ko habang tinititigan ang tatlong litratong kinunan noong kaarawan ko. Tumulo sila sa salamin ng frame habang hinahaplos ng daliri ko ang litrato.

"Bakit?" bulong ko. "Bakit iniwan mo 'kong mag-isa rito?"

Hindi ako makapaniwalang dahil sa pagiging Sinumpa ko... Lahat ng ala-alang iyon, lahat iyon ay tatalikuran mo din.

Akala ko ba, ikaw ang mapagkakatiwalaan kong hindi ako iiwan, Yohan? 

"Bakit? Bakit, huh?"

Ang sakit.

"Bakit hindi pa rin kita magawang kamuhian?"

Niyakap ko ang litrato at unti-unting bumigay ang aking tuhod. Napaupo akong umiiyak, hawak ang tanging bagay na nagpapaalala sa'king... Minsan, hindi ako nag-iisa.




✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥


Totoo ngang dumating ang mga barko ng Meriga dito, lulan ang Pinuno ng hukbo nila. Binati kami ni Pinunong Rowan ngunit maikli lamang. Itinanong niya kung kamusta ang naging misyon at sinabi naming isa itong tagumpay.

Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat. Pagkatapos nun, ay agad siyang tumungo sa isang silid- pagpupulong kasama ni Pinunong Reinart.

Ngayon, ang selebrasyon namin ay nangangahulugang pagkain ng pudding at gatas. ("Talaga? Gatas?" sarkastikong sabi ni Martyn kanina. Pero hindi ako nagrereklamo. Mas mabuti na 'to kesa alak.)

Nang kunin ko ang tinidor ko ay agad kong hinati sa dalawa ang pudding-- at napatigil ako.

Napansin iyon ni Martyn. "Oh, ba't tinititigan mo lang 'yan?"

Kasi naaalala ko si Eufy. Nakagawian ko nang ibigay sa kanya ang kalahati ng pudding ko dahil hindi ko nauubos ang sa'kin. Hindi kasi ako mahilig sa matatamis kaya't nagulantang si Eufy nang muntik ko nang ipakain sa aso ang pudding ko noon.

Ngayon ay...

Wala nang uubos nito.

"Gusto mo na siyang makita 'no?" bulong ni Martyn. Nag-angat ako ng tingin at bigla siyang sumimangot. "Aw, Yohan. Ang lungkot-lungkot naman ng mukha mo."

Pinilit kong gawing neutral ang mukha ko ngunit hindi ko magawa. Wala akong ibang maisip ngayon kundi--

Kumakain ba siya nang maayos? Sinasaktan kaya siya doon? Hanggang kelan ko siya hindi makikita? Mapapatawad pa kaya niya ako?

At sa ilalim ng utak ko. . . Masaya kaya siya ngayong kasama niya na si Earl?

"Kung maibabalik ko lang ang oras," malungkot kong sagot. "Hindi ko siya iiwanang mag-isa."

Tinapik ako ni Martyn sa balikat.

"Hihingin ko ang kapatawaran niya at hindi ko siya iiwang mag-isa."

Kinain ko ang pudding na iyon na walang tira.



✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Lumipas ang dalawang araw at walang Faron na dumating sa aking silid para sa parusa ko. Noong nagkamali ako tungkol sa pabrika, sigurado akong pagbabayaran ko nga iyon.

Ngunit dalawang araw na at hindi nila ako pinatawag para sa anumang broadcast o gawain.

Kinwento lang sa akin ni Earl ang nangyari matapos ang pagpapasabog ng planta ng kuryente. Nasiguro pa rin ng Khragnas ang katapatan ng mga isla maliban sa Luna. Hindi ko na alam ang ibang detalye maliban doon.

Ngayong umaga ay nagbabasa ako ng libro nang marinig ang katok sa aking pintuan. Nakita ko ang pagsilip ng mukha ni Earl. "Eufy?"

Sinara ko ang libro. "Pasok ka."

"Hindi," ngiti niya. "Sumama ka sa'kin."

Ito na ba? Ito na ba ang parusa ko?

Ngunit nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sumunod na sinabi niya. "Pinayagan ka nang makita si Minelle. Pati na si Lianne."


✥-------------------✥-------------------✥


Hawak ni Earl ang kamay ko habang tinutungo namin ang ilalim na parte ng palasyo, at saka ko napagtanto. . . sa kulungan.

Malagkit ang hangin dito at tila hindi gumagalaw. Amoy lupa at kulob.

Ilang hagdan ang aming binabaan bago makarating sa isang pasilyo. Sa bawat gilid ay mga metal na pintuan na may parisukat na butas upang hingahan.

Ngunit tahimik ang mga preso. May preso nga ba? Tila walang laman ang mga piitang ito.

"Sinong nais mong makitang una?" tanong ni Earl.

Naisip ko si Lianne, ngunit marami akong nais itanong at sabihin sa kanya kaya naisip kong ihuli na lang siya. "Si Minelle."

"Dito," inilahad ni Earl ang kanyang kamay sa isang metal na pintuan. At saka iyon binuksan.

Tumambad sa'kin ang nanghihinang Venaian kong taga-ayos. Halos hindi ako makapagsalita.

"Eufy," tawag nito, maliwanag ang mga mata nang makita ako.

"Minelle," pagluha ko. Sinara ni Earl ang pintuan at naiwan kaming dalawa sa loob. Agad akong lumuhod sa harap niya, hawak ang kanyang payat na mga kamay. "Patawarin mo 'ko, patawad."

"Anak, alam kong naguguluhan ka lang kaya mo 'to nagagawa." Nagkaroon ng desperasyon sa kanyang boses. "Kailangan mong malaman-- Lahat ng mga nilason nila-- Ang mga bisita nung gabing iyon, lahat sila'y pinatay na."

Napatitig ako. Patay na?

Mabilis nang nagsasalita si Minelle. "Niloloko nila ang mga gobernador at matataas na opisyal. Pinapaniwala nilang buhay pa ang mga anak nila ngunit wala na silang lahat. Tatlo na lang kaming narito, Eufy. Tatlo na lang kami."

"Nino?"

"Ni Prinsesa Lianne at ang isa pa. Kami na lang ang natitira." Hinawakan niya ako sa mga balikat nang mahigpit. "Makinig ka sa'kin. Hindi mo sila dapat panigan. Hindi mo sila dapat pagkatiwalaan. May balak sila. May plano sila laban sa Hari. Maraming mamamatay."

"Minelle, sandali-"

Dumiin ang kapit niya. "Kung akala mo'y malaya ka na dito, nagkakamali ka. Gagamitin ka lang nila. Masasama sila-"

Bumukas ang pinto at nagmartsa papasok si Faron kasama ng dalawang kawal. Bago ako makapagtanong ay hinawakan ako ng dalawang kawal palayo kay Minelle.

Sumisigaw na ang lingkod ko at kumakawala kay Faron habang tumatawa naman ang Heneral. "Masyado ka nang maraming sinabi."

"Bitawan mo siya!" sigaw ko.

Hinanap ko si Earl at naroon siya sa pintuan, nakatayo at humihingi ng patawad ang kanyang mga mata. Nalukot ang aking mukha. "Earl! Earl, anong ginagawa mo?!"

"Patawad," bulong niya.

Nilingon kong muli si Faron na ngayo'y pinaglalaruan na ang patalim na kanyang hawak. "Kamusta, Eufy? Nakapag-usap na ba kayo ng lingkod mo nang maayos? Sabi ko sa kanya'y sabihin na ang paalam sa'yo dahil iyon na ang huli."

"Wag mo siyang sasaktan!" galit at takot ang namumuo sa'kin. Alam kong walang kwenta ang pagmamakaawa ngunit ginawa ko pa rin. "Pakiusap, parang awa mo na... Wag mong gawin 'to. Gagawin ko lahat ng gusto niyo. Gagawin ko lahat, wag niyo lang siyang idamay dito. Pakiusap."

"Hmm," natutuwang ngisi ni Faron. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang bunga ng pagkakamali mo, Eufy? Ang digmaang ito ay hindi isang biro para sa'min. Tinaya ng Gobernador ang kanyang titulo para lang dito. Kapag natalo kami sa digmaang 'to, mawawala sa amin ang lahat. Ang Khragnas, ang karangalan, ang titulo. Itatakwil kami ng emperyo."

Napasinghap si Minelle nang itutok ni Faron ang patalim sa kanyang leeg.

"Kaya naman!" sigaw ni Faron, nanlilisik ang mga mata. "Hindi na kami tatanggap ng kapalpakan. Naiintindihan mo ba?"

"Oo, naiintindihan ko." Lumunok ako at lumuha. "Naiintindihan ko, kaya pakiusap, pakawalan mo na siya. Wag mo siyang saktan, pakiusap."

Pinaulit-ulit ko ang pagmamakaawa. Luha pagkatapos ng luha, sa isip ko'y umuusal ng dasal para maging maayos ang lahat. Nanatili lang na nakangisi si Faron, pinag-iisipan.

"Walang kasalanan si Minelle dito. Ako ang may kasalanan. Wag mo na siyang idamay dito."

Unti-unting inilayo ni Faron ang patalim. "Sige. Tama ka, walang kasalanan ang babaeng ito."

Napapikit ako. "Salamat. M-Maraming salamat."

"Ngunit hindi ikaw ang masusunod dito."

"WAG!"

Ngunit tumalsik na sa mukha ko ang dugo nang hiwain niya ang leeg ni Minelle.

Isa, tatlo, limang segundo akong natigilan. Hanggang sa bumagsak ang katawan ng lingkod ko at tuluyan na akong humagulgol.

Nagpumilit akong kumawala sa mga kawal na humahawak sa'kin pero madali nila akong tinulak sa dingding. Sandaling namuti ang paligid ng mata ko sa pagkakauntog.

"Hayop ka," iyak ko. "Hayop ka... Hayop ka..."

"Huh. Wala pa tayo sa masayang parte," sabi ni Faron at naramdaman ko na lang ang pagtulak sa'kin palabas ng kulungan na iyon patungo sa pinakadulo ng pasilyo kung saan may tatlong pintuan.

Pinapasok nila ako sa gitna habang nakasunod sa likod namin si Earl na hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi.

Nang nasa loob na kami ay nakita ko ang salamin na dingding na naghihiwalay sa kabilang silid. Nang makita ko ang nasa kabilang silid ay pinigilan kong masuka. Bumabaliktad ang sikmura ko.

Mga siyentipiko suot ang puting damit, metal na higaan, mga umiikot na blade, malalaking gunting, makinang tumutunog at mahahabang tubo.

At sa higaang iyon, si Lianne na naliligo sa sariling dugo. Sumisigaw. Umiiyak. Tinuturing na parang hayop. Nangingisay sa mga gapos niya at hindi na makilala ang magandang mukha.

"Lianne?" tawag ko. Lumapit ako sa salamin at dumabog. "Lianne! Lianne!"

"Wala kang magagawa upang tulungan siya."

Hindi ko pinansin si Faron at patuloy lang na dumadabog, ngunit hindi ako marinig ni Lianne. Hinihiwa nila ang parte ng katawan niya, binubuksan siya, pinapadugo siya.

Sumigaw ako nang malakas, magkahalong hagulgol at kawalan ng magagawa, at isinandal ang noo ko sa salaming malamig. Wala akong magawa. Hindi ko siya matulungan.

"Ngunit wag kang mag-alala," mahinahong bulong ng Heneral. "Hindi para sa'yo ang ginagawa namin sa kanila."

Kumunot ang noo ko. Sa kanila? Tumingin ako sa kabilang gilid, sa isa pang salaming harang sa pangalawang silid na katabi nito. At doon nakita ko si Stella.

Ang aking kaisa-isang matalik na kaibigang babae, ang nagtanggol sa'kin noon sa pang-aaway ni Lianne, ang nagregalo sa'kin ng manika.

"Stella, wag."

Ngunit hindi niya rin ako marinig.

Nakatayo siya habang hawak ang isang patalim sa harap ng isang upuang bakal-- kung saan nakaupo at nakagapos si Cleid. Ang knight niya. Ang kaibigan ni Yohan. Ang nakangiting lalaki sa frame sa kwarto niya.

Nag-unahan ang mga luha ko. "Stella, wag! Pakiusap!"




✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥


Magkasama kaming pumunta ni Martyn sa silid-pagpupulong upang tumulong sa pagpaplano.

Ngayong nakuha na namin ang suporta ng Luna ay kailangang pagtibayin ang proteksyon nila. Napaalis na ang kampo ng Khragna doon ngunit walang nakakaalam kung kailan sila babalik.

Ngunit kakatok pa lamang kami sa pinto ay lumabas si Haki at tila nabigla nang makita kami. Maputla ang kanyang mukha at hindi mapakali.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.

"Banyo?" tanong naman ni Martyn.

"Wag kayong pumasok," sabi ni Haki at tinutulak kami palayo.

Ngunit nahagip ng mata ko ang isang eksena sa screen sa loob. "Teka--"

Itinabi ko si Haki upang makasilip nang maayos pero marahas niya akong inilayo sa pinto.

"Hindi niyo na dapat makita. Hindi na kailangang-"

"Cleid?" tawag ni Martyn at nagmamadaling pumasok.

Nagulantang ang lahat nang makapasok kaming dalawa sa silid. Sina Miyo at Miwo ay umiiyak at maputla ang lahat ng pinuno ng Unit. Maging si Pinunong Rowan ay kagat ang labi at nanginginig ang mga kamao.

"-Aahh! Ahhhh!-"

Sa screen ay isang video transmission mula sa mga Khragna. Nahahati sa dalawa. Kalahati ay nakapokus sa isang hubad na babae sa metal na higaan. Isa naman ay kay Cleid na nakagapos sa metal na upuan.

Pareho silang duguan.

Nangilid ang luha ko. Kilala ko ang dalawang iyan. At-- At--

"Cleid," iyak ni Martyn.

"Ito ang ganti namin sa inyo," sambit ni Stella, ang matalik na kaibigan ni Eufy.

Lumapit ang pokus ng camera at nakita ko na may mga metal na naka-clip sa bibig ni Cleid upang manatili itong nakabuka. Binalot ako ng takot at nanlamig ang buong katawan ko.

Hindi maaari. Hindi nila maaaring gawin 'to sa kaibigan ko.

Ngunit huli na. Lumuha si Cleid.

Si Cleid na nagligtas sa maraming buhay nang gabing iyon. Si Cleid na maingay at madaldal at nakakahawa ang tawa. Si Cleid na napakabait at masayahin.

Hindi ko na maririnig ang boses niya. Kahit kailan.

Kinuha ang kanyang dila.

At pinutol iyon ni Stella.




✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Sumigaw ako.

Ngunit parang hindi nila ako naririnig. Walang nakakarinig. Tama. Isa akong anino. Isa akong anino at hindi nila ako pinapansin.



✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥


Bumagsak ako sa aking tuhod.

Nanginginig. Lumuluha.

Sa gilid ko, pinipigilan nilang magwala si Martyn. "Hindi... Cleid!"

"Nakikita niyo ba?" tanong ni Stella sa screen. "Ito ang kabayaran sa pagsira niyo sa aming mga plano. Hindi na namin uulitin. Sumuko na kayo sa laban, kung ayaw niyong madagdagan pa ang mapaparusahan."




✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


"Walang hiya ka!" sinugod ko si Faron at dumabog sa dibdib niya. "Walang'ya ka! Walang'ya ka! Wala kang puso-"

"Pasalamat ka at dila lang ng kaibigan mo ang kinuha namin."

Hinigit niya ako sa mga braso at marahas na nagsalita sa mukha ko.

"Tandaan mo ang araw na 'to, Eufemia. Dahil ganito kabigat ang mga pagkakamali mo. Ganito kabigat upang hindi mo na maulit pa. Naiintindihan mo?"

Wala akong nagawa kundi titigan siya nang masama habang umiiyak.

"Sa bawat pagkakamali mo, buhay ang nakataya." Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "Kaya mag-ingat ka." Tumango siya sa dalawang kawal. "Dalhin niyo na siya palayo."

Kinaladkad nila ako palabas habang sumisigaw ako ng masasamang salita.

Hinayaan ko sila. Dahil kung hindi, baka tumakbo ako kay Faron at kitilin siya.


✥-------------------✥-------------------✥


Itinulak nila ako papasok sa kwarto ko, dahilan ng pagkakahandusay ko sa karpet. Saka nila ako iniwan kasama ni Earl na nag-abot ng kamay sa'kin.

Tiningnan ko siya na puno ng suklam. "Umalis ka dito."

"Hayaan mo kong tulungan ka, Eufy-"

"Tulungan?" Tumayo ako sa sarili kong paa. "Tulungan? Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, ngayon mo ako nais tulungan?!"

Hindi siya makatingin sa'kin at tama lang dahil hindi ko makakayang tingnan siya sa mata. Dahil alam kong ang Earl na nakasama ko kanina, hindi siya ang taong mahal ko.

Hindi niya hahayaang mangyari ang mga nakita ko. Hindi siya papayag sa mga ginagawa ng mga Khragnang iyon.

"Patawarin mo 'ko," usal niya.

"Nakita mo man lang ba?" iyak ko. "Nakita mo ba kung anong ginawa nila kay Minelle? Kay Cleid? Kay Lianne?!"

Nilapitan ko siya at tinulak siya sa dibdib.

"Pinaglingkuran mo si Lianne nang maraming taon! Wala lang ba sa'yo ang nakita mong ginagawa nila sa kanya? Pinapatay nila si Lianne sa loob ng kulungang iyon-"

"Hindi siya mamamatay," balik ni Earl. Matigas ang mga mata. "Isa siyang Sinumpa. Hindi siya mamamatay sa ginagawa nila."

Umuwang ang aking bibig. "At dahil dun, nagiging tama ang ginagawa nila?"

"Isa siyang Sinumpa," diin niya na tila isa itong sapat na rason. "Kauri siya ng mga pumatay sa aking ama."

Hindi ako makapaniwala.

Earl, isa rin akong Sinumpa at ako. . . ako ang anak ng pumatay sa iyong ama. Kung nalaman mo ba, papayagan mo rin bang mangyari sa'kin ang ginagawa nila kay Lianne?

Napuno ng sakit at lungkot at galit ang dibdib ko at hindi ko na kayang tumayo sa harap niya. Umatras ako habang mabilis na umiiling.

"Eufy-" Tinangka niyang lumapit. "Hindi mo naiintindihan."

"Tama, hindi ko naiintindihan." bulong ko. "Hindi na kita kilala. Isa ka nang tulad nila. Isa ka na ring mamamatay-tao."

Nagkaroon ng sakit sa mga mata niya at sa isang segundo, nais kong bawiin ang mga salitang binitiwan ko pero masyadong malaki ang sama ng loob ko sa kanya.

Nabalot ng tensyon ang gwapong mukha ni Earl at lumamig ang mga tingin niya sa'kin-- tila isang estranghero.

"Kung gayon, parehas na tayo," malamig niyang tugon.

At umalis siya.

Naiwan akong nakatulala.

Parehas na kami.

Parehong mamamatay-tao.

Tumingin ako sa salamin at nahagip ng mata ko ang dugo ni Minelle sa aking mukha. Ako ang nagdala ng kamatayan niya. Hindi ko sinasadya pero dahil sa'kin, pinatay nila ang walang kasalanang si Minelle.

Dahil sa'kin.

Ngumiti ako nang mapait sa repleksyon ko.

"Tama ka."

Tama ka, Earl.


✥-------------------✥-------------------✥

Continue Reading

You'll Also Like

490 64 29
ACCIDENT happens. May makikilala tayong tao at may purpose sila sa buhay natin. IVYANA NAIRI COLE is an Half-filipino and Half-American. She's a mult...
22.2K 920 27
๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo. - Tatlong buwan pagkatapos ang rebely...
17.4M 655K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
6.7M 343K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...