Unexpected

بواسطة ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... المزيد

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 21.1*

1.4K 31 14
بواسطة ohpurplerain

 Chapter 21.1 ~

We are gathered here in the gymnasiun for the official opening of October Fest. 7:30am - 10am lang naman ito and right after that magbubukas na lahat ng booths and contests.

Pagkatapos nang ilang meaningful message mula sa aming dean at student council's adviser ay magpapakitang gilas ngayon ang Uni Dance Co., ang grupo na kinabibilangan ni Renzo. Ngayon ko lang siya makikitang magsayaw!

Actually, hindi talaga attentive sa mga ganitong program. Wala akong pakialam sa lahat. Hahaha! Wala akong pakialam kung magsasayaw na ang dance group ng school.

Ngayon lang ako nag-abang nang ganito.

"Hindi naman halata na excited kang makita si Renzo." pang-aasar ni Kaysha.

"Pwede ba!" naiinis na sabi ko sa kanya.

Nawala naman ang kunot sa noo ko nang lumabas na sa stage si Renzo.

Dahil malapit lang kami sa unahan ng stage ay kitang kita ko siya mula dito sa inuupuan ko. Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin naman ako.

"Sige nga, paano mo sa akin ipapaliwanag ang mga tinginan at ngitian niyo ni Renzo na yan?"

Inirapan ko lang siya pagkatapos ay ibinalik ang tingin ko kay Renzo. Napakaangas niyang tingnan sa suot niyang loose pants at jersey tops. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Natapos ang program sa isang closing remarks mula sa president ng student council.

"Let's start the party rockin' and may you enjoy our October Fest!"

Nagpalakpakan na ang lahat at isa-isa nang naglabasan ng gym. Gusto ko sanang puntahan si Renzo para sabihing ang galing niya kanina pero hindi naman ako ganun ka-boka para masabi ang mga yun.

"Gusto mo bang sumama sa akin? Magbubukas na ang aming kissing booth eh!"  pagyaya sa akin ni Kaysha.

"Dadaan lang muna ako sa locker room. Sunod na lang ako." kukunin ko ulit kasi ang iba ko pang libro.

Hindi ko kasi nahakot lahat dahil maliit lang naman ang dala kong bag.  Kung bakit kasi iniwan ko lahat doon ang mga books ko, nahihirapan tuloy ako ngayong mag-uwi. =___="

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang chocolate na nakadikit sa locker ko. Tumakbo ako palapit at agad na tinanggal ito.

May note uling nakakapit,binuksan ko ito and it says,

|Your smile is like a chocolate, it's the sweetest. So always wear that smile because someone is craving for it.  |

Alam kong napaka-corny pero bakit napangiti ako nang wala sa oras. Jusko!

Naglalakad lakad na ako sa hallway nang mapansing nagtatakbuhan na ang ilang mga estudyante. Paniguradong bukas na ang mga booths.

Isa ang jail booth sa mga tinataguan ng lahat. May magpopost kasi ng mga wanted sa bulletin board. For example, wanted ang mga naka-blue shirt, ito ang mga huhulihin at ikukulong. Kailangang may magpyansa sa iyo bago ka makalabas. Pero minsan, dahil walanghiya ang mga kaibigan mo, hindi ka nila papyansahan at hahayaan ka na lang makulong doon maghapon, tatawanan ka pa habang nakadungaw ka sa may rehas. Yan ang true friends!

Mapapasali ka naman sa wedding booth kapag may naglista ng pangalan mo sa listahan ng mga ikakasal. Madalas ay ang mga walanghiya mo ring kaklase at kaibigan ang may pasimuno niyan. Magbabayad sila at ipapalista ka pati ang ng crush mo, magugulat ka na lang na ikaw na pala ang ikakasal. O di ba! Nakakahiya pero deep inside, alam kong matutuwa ka rin.

Marami pang ibang booth ang isinasagawa tuwing October Fest. Pero katulad ng sinabi ko, hindi ako fan ng mga iyan. Sa mga kainan booths lang ako palaging present.

Binuksan ko na ang Hershey's ko at sisimulan na sanang kumagat nang biglang may lumapit sa aking mascott, walang mukha ang mascott na ito. Isa siyang malaking labi!

Dinikitan niya ako ng sticker sa ilong at hinila ako.

"Teka lang, saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa mascott pero hindi siya sumasagot

May lumapit sa aking tatlong babae na nakasuot ng shirt na may nakasulat na Free Kisses!

Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?

"Under na po kayo ng Kissing Booth." sinasabi ko na nga ba eh!

"Si Kaysha ba ang may pasimuno nito?"

"Hindi niya po alam na ikaw ang nahuli namin. Ang wanted po kasi namin today ay may mga hawak na something sweet."

Napatingin ako sa chocolate na hawak ko. Lintek, napahamak pa tuloy ako. Gusto ko lang namang kainin ang chocolate ko eh!

Nang makarating kami sa Booth nila ay nadoon na si Kaysha. Gulat na gulat siya nang makita ako.

"OMG! Jelynne?"

naningkit ang mata ko.

"Ano ba 'to, Kaysha?!" naiinis na sabi ko.

"Ikaw kasi eh, pagala-gala ka." pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. "I think this is destiny."

Ha? Anong sinasabi niya?

"And for our 1st participant, ang magbibigay ng free kisses today is non other than, "Renzo Ace Herico!"

Nanlaki naman ang mata ko nang biglang lumabas si Renzo mula sa mini backstage nila. Kahit siya ay nagulat din nang makita ako.

May magpapalista kasi ng mga names na magiging participant sa kissing booth, bale sila ay mgbibigay ng free kisses. At kung sino ang hahalikan nila ay depende sa magiging wanted ng kissing booth at ako ang maswerteng nahuli. =___=

Nagtilian ang ilang kababaihan nang lumabas si Renzo, ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Kasalanan ko ba na ako ang nahuli dito? Kung makatingin naman ang iba, akala mo nagvolunteer ako para lang mahalikan ni Renzo!

"And to start this event, I request Mr. Renzo to remove the sticker of our lucky winner."

Lucky winner talaga?

Naiilang ako. Lumapit siya sa akin na parang game na game siya na tanggalin ang sticker sa ilong ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin pero napaatras ako. Naiilang ako. Nakaka-conscious lalo na at maraming nanonood.

"I-kiss mo na siya sa ilong." parang kinikilig ma hudyat ni Kaysha.

Napalingon ako kay Kaysha at sinamaan siya ng tingin.

"Wag kang Kj, hindi ko naman sinasadya na ikaw ang mahuli. Napaka-ramdom kaya ng wanted namin." pag-eexplain niya.

"Game! Kiss na!" sigaw ng isang ka-member ni Kaysha.

Lumapit muli si Renzo sa akin.

"Gagawin mo ba talaga?" tanong ko kay Renzo.

“KISS! KISS! KISS!"  sigaw nang ilan.

"Narinig mo naman sila di ba?" parang nanunukso na sabi ni Renzo.

Nakaramdam ako ng init. Nag-init ang pisngi ko maging aking tenga. Ano ba itong nararamdaman ko? >//<

Napapikit na lang ako nang inilapit pa lalo ni Renzo ang mukha niya. Napakalakas ng tibok ng puso ko na para bang wala na akong ibang marinig kung hindi ang puso ko.

"Akala ko ba walang pakealam sa mga lalaki ang isang 'yan? Bakit ngayo'y makikipaghalikan na?"

Napamulat ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Claude?" narinig kong bulong ni Renzo.

Napalingon ulit ako doon sa Claude. Siya yung babaeng nasa room ni Renzo noong araw na isasauli ko yung panyo niya. Siya yung babaeng nagtaray rin sa akin.

Napangisi si Claude, "Hindi ba't tama naman ako. Babaeng manunulot!" natatawang sabi niya.

Pababa na sana ng stage si Kaysha at susugurin na sana ito nang bigla ko siyang awatin. Ako ang bumaba at doon ay hinarap si Claude.

"Manunulot? Sino namang susulutin ko? Si Renzo? Ang lalaking gustung gusto mo pero hindi ka naman pinapansin?" pagtataray ko sa kanya.

"Kung hindi ka manunulot, anong itatawag ko sa'yo? Ahh! Alam ko na, basurera. Tutal, ikaw naman ang taga-pulot ng basura ng kaibigan mo eh!"

Nginitian ko siya.

"Pumunta ka ba dito para lang sabihin ang mga iyan? For sure, pumunta ka lang dito para magvolunteer na mahalikan ni Renzo. Kung naiinggit ka na ako ang nakuha dito sa Kissing Booth, then I'll give you my position. Iyong iyo na! Nahiya ka pa, gusto mo lang namang mahalikan." nakita ko naman na pinagpawisan siya sa mga sinabi ko. Hindi na siya nakaimik.

Nag-walk out na ako at natahimik ang lahat.

Napahinga ako ng malalim. Matapang ako para ngayon, hindi ko akalaing maiiyak ako. Feeling ko kasi natapakan na naman ang pagkatao ko. Manunulot? Ang sakit pakinggan lalo pa't alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.

Napaupo sa ilalim ng puno ng acacia malapit sa soccer field. Nakatingin lang ako sa gitna ng field hanggang sa nanlabo na ang paningin ko dahil sa namuo na namang luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko at saka kinagat ang natunaw kong chocolate. Sa wakas ay natuloy ko na ulit ang pagkain nito.

Gumaan naman ang pakiramdam ko. Mayroon din kaya itong amino acid tryptophan kagaya ng ice cream?

Napangiti ako nang maalala iyon. Akalain mo nga namang may matututunan din ako sa walanghiyang Renzo na iyon!

"Bakit ka umalis? Hindi mo tuloy natanggap ang free kiss mula sa akin."

Narinig ko ang nang-aasar na boses ni Renzo. Nakaupo siya sa tabi ko pero sa may hallway siya nakaharap samantalang ako naman ay sa may soccer field.

"Hindi ko naman kailangan iyon. Mas kailangan yun ni Claude."

Napabuntong hininga siya. "Alam mo bang hindi lang si Claude ang pinahiya mo roon? Napahiya din kaya ako!"

Napalingon ako sa kanya, at lumingon din siya sa akin.

"Iniwan mo ako. I feel like I got rejected. Pinamigay mo lang ako kay Claude ng basta-basta."

Seryoso ba siya? Nakita ko naman ang sinseridad sa mata niya.

“Pinamigay? Bakit, pag-aari ba kita?“  tanong ko sa kanya.

 “Oo, sa’yo lang ako Jelynne.“  nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ang dinig ko?

“Jelynne, sa’yo lang ako, ikaw lang ang pwedeng mag may-ari sa akin kaya pwede ba, wag mo na akong itaboy sa iba. “

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
31.8K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...